Slave

By Carishaza16

649K 3.9K 1K

A girl who accidentally fell inlove to his master. More

SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7

Chapter 8

48.5K 709 850
By Carishaza16


Masyadong magulo ang isip ko, Kaya lumabas na muna ako sa apartment na tinutuluyan ko at nag lakad-lakad na muna sa labas. Dinala ako ng mga paa ko sa isang playground.

Dito ako pumupunta pag may ganitong inaalala ko. Masyado kasing payapa ang lugar, walang ingay na maririnig kaya makakapag-isip ka talaga ng maayos.

Umupo ako sa isa sa mga duyan na gawa sa kahoy. Gamit ang paa pinagalaw ko ito ng mabagal. Panay ang pag buntong hininga ko habang mabagal na gumagalaw ang duyan.

Nang mapagod pinatigil ko ang paggalaw ng duyan at tumulala nalang sa kawalan. Gulong-gulo ang isip ko ngayon dahil sa ibinalita sakin ni Daisy kanina.

Alam ko kasi sa sarili ko na wala akong sapat na pera para maipatingin si Lola sa mga espesiyalista. May sakit sa puso si Lola, matagal niya nang dinadala ang sakit nayun. Hindi ko na alam kung ano pang gagawin, pagod nako at gusto konang sumuko, pero alam ko sa sarili ko na hindi pwede. Hindi ko pwedeng sukuan ang pamilya ko. Dahil simula pa nung una alam kona na kasalanan ko kaya nangyayari lahat ng to. Kasalanan ko kaya ako nahihirapan. Muli kong inalala ang nangyari nung gabing yun, kung saan nabaril ang pinakamalapit sakin na pinsan ko dahil saakin.

(Flashback)

Alas seis ng nagpaalam ako kay tita Neyme, na may kikitain ako sa bakanteng lote duon sa probinsya namin.

Kikitain ko sana si T nung gabing yun. Pero hindi ito dumaing. Nag-antay ako hanggang sa mag alas otso pero di parin ito dumarating. Matiyagang nag hintay ako kahit pa wala nang kasiguraduhan kung pupunta ba ito o hindi. Hanggang alas siyam na ay nandun parin ako.

Nag-aalala na sakin si Daniel ang pinsan ko dahil masyado na akong ginagabi. Kaya sinundan ako nito sa bakanteng lote.

Inabutan ako ni Daniel na nakaupo sa ilalim ng puno nag hihintay sa taong walang kasiguraduhan kung darating ba.

Cza, tawag nito sa pangalan ko.

Napatingin ako sa gawi ni Daniel. Lakad, takbo ang ginawa nito papunta sakin at nang nasa harap ko ito.

Bang! may narinig akong isang putok na baril. Parang bumagal ang paggalaw ng oras nung gabing yun.

Nagkaawang ang bibig na nakatingin ako sa pinsan ko. Na nakangiting nakatingin din sakin.

Daniel? natatarantang tawag ko sa pangalan nito.

Kitang-kita ko ang pag labas ng dugo sa nakangiti niyang labi.

Tumayo ako at pinigila ang papatumbang katawan ng pinsan ko.

Nakayakap ito sakin.

Daniel...humahagulgol na tawag ko sa pangalan nito.

Shhh....don't cry Cza, nahihirapan man ay nagawa parin nitong sabihin sakin ang mga bagay nayun.

Daniel,.. wag kang bibitaw ah, hihingi tayo ng tulong, naiiyak na wika ko.

Cza, tawag nito sa pangalan.

Shhh..Andito ako Daniel, andito ako.

Cza, take this as a lesson, wika nito.

Daniel ano bang pinagsasabi mo? naiiyak na tanong ko.

Wag kang mag hintay sa taong walang kasiguraduhan.. ito yung huling salita na sinabi nito sakin. Dahil pagkatapos niyang sabihin yun dahan-dahang bumaba ang naka yakap na mga braso niya sakin. Lahat ng bigat niya ay napunta sakin. Kaya dahan-dahan ko itong pinahiga sa hita ko.

No, Daniel, Gumising ka, wag kang mawala please, please Daniel, pinsan ko, wag mokong iwan, natatarantang sabi ko habang umiiyak.

Tulong, Tulong, Tulungan niyo kami, paghingi ko ng saklolo. May nakakita saming mag asawa, ito yung tumulong sakin para madala si Daniel sa hospital. Pero huli na ang lahat wala nang buhay si Daniel nang dumating kami hospital.

Ilang minuto lang ang lumipas, nakita ko na si Tita Neyme tumatakbo sa direksyon ko.

Cza, Nasaan ang pinsan mo? Nasaan ang anak ko? tanong ni tita.

Wala na siya tita, umiiyak na sagot ko.

Hindi, hindi totoo yan Cza. Buhay pa ang anak ko. Nakasalo ko pa nga siya kanina sa hapagkainan eh, hindi makapaniwalang sagot ni tita.

Pero wala na si Daniel tita, Wala na na yung pinsan ko, iniwan niya na tayong lahat.

Pano nangyari to Cza? Susunduin kalang dapat niya eh, Anong nangyari Cza? tanong ni tita.

Tinamaan si Daniel ng ligaw na bala, ako dapat ang tatamaan ng bala nayun. Pero dumating si Daniel. Kaya ibis na ako, si Daniel yung natamaan tita.

Napansin kong nanghina si Tita sa sinabi ko kaya mabilis ko itonghospital.yan. Ngunit tinulak ako ni tita papalayo sakanya.

Wag mokong hawakan Cza, kasalanan mo itong lahat, kung hindi ka sana pinuntahan ng anak ko dun sa letcheng lote nayun sana, buhay pa sya. Sana kasama ko pa sya. Sana andito pa sya sa tabi ko.

Tita, Sorry po, sorry po talaga.

Hindi na maibabalik ng sorry mo yung buhay ng anak ko. Sana ikaw nalang ang namatay!

Pagkatapos sabihin yun ni tita, Umalis na ito at tinungo ang kwarto kung saan nakalagay ang bangkay ni Daniel.

Nang hihinang napa upo ako sa sahig ng hospital, Habang ibinubulong ang salitang sorry.

Sorry, Sorry, bulong ko habang umiiyak.

Naramdaman ko namang bumukas ang pinto ng kwarto na kinalalagyan ni Daniel. Kaya mabilis akong napatayo. Iniluwa nito si Daniela kambal ni Daniel. Mugto ang mga mata nito habang nakatingin sakin ng masama.

Danila, di pa man natatapos ang sasabihin ko ng bigla nalang akong sinugod nito at sinampal.

Wala kang karapatang umiiyak Cza, Walang wala, dahil ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang kakambal ko, pagkasabi nun ni Daniela ay naglakad na ito papalayo sakin.

Tama silang lahat kasalanan ko. Kasalanan ko lahat!

Bumukas nanaman muli ang pinto. Sapagkakataong ito si Lola ko naman ang lumabas mula dun. Nakatingin lang ito sakin, ganun din ako nakatingi n lang din ako kay Lola na ngayon ay naglalakad papunta sakin. Inihanda ko na ang pisngi ko sa sampal na ibibigay nito sakin, Ngunit hindi ako nakatanggap ng samapal mula dito sa halip ay isang yakap ng isang Lola ang natanggap ko. Napahagulgol naman ako sa balikat ni Lola. Siya lang kasi ang kauna-unahang tao ang gumawa ng ganito sakin ngayong araw nato eh. Lahat kasi sila sinisisi ako.

Shh...Tahan na apo ko, tahan na, dinig kong pagpapatahan sakin ni lola

Kasalanan ko lahat Lola,kasalanan ko, sisi ko sa sarili ko habang umiiyak sa balikat ni Lola.

Shh.. Wag mong sisihin ang sarili mo apo, Ganyan talaga ang buhay, Walang nagiging permanente sa mundo, Lahat nawawala. Hiram lang natin ang buhay natin sa diyos apo, at sa kaso ni Daniel sinisingil na siya ng diyos. Alam kong galit ka sa sarili mo ngayon apo, Pero sana dumating ang panahon na makakayanan mong patawarin ang sarili mo, sabi ni Lola sakin. Binaklas ko naman ang pagkakayakap dito.

Kahit papano gumaan ang pakiramdam ko dahil kahit papano ay may tao paring nandiyan para sakin.

(End of flashback).

Buong buhay ko si Lola ang nandiyan para sakin. Kaya nga nagkakaganito ako eh, kasi wala akong magawa para mapagamot si Lola. Puro ako pangako na madadala ko ito sa espesyalista pero hanggang ngayon hindi ko parin natutupad ang pangakong iyon.

Ehem, may taong tumikhim sa harap ko. Naka upo ako at nakatayo ito sa harap ko. Kaya kinailangan kopang mag angat ng tingin upang makita ang taong nasa harap ko.

May iniabot itong panyo sakin. Hindi ko ito tinanggap bagkus tinanong ko ito kung anong gagawin ko sa panyo niya.

Pampunas mo nang luha mo. Alam mo kanina pako nandito sa harap mo. Pero di mo man lang ako pinansin. Akala ko nga bulag ka eh, sagot ng estrangherong babae na nasa harap.

Tsk, hindi naman po ako umiiyak, sagot ko.

Tsk, Eh anong tawag mo diyan, sabi nito sabay turo ng mukha ko.

Hinaplos ko naman ang mga mata ko at ganun nalang ang gulat nang may mga bakas na luha nga mula dito.

Di mo siguro napansin na umiiyak ka. Alam mo bang epic mukha mo kanina, nakatulala ka sa kalawakan habang umaagos yang mga luha mo. Akala ko nga may role-play dito pero wala namang camera kaya nilapitan nalang kita, paliwanag nito sakin.

Ah, ganun ba. Salamat nalang, sagot ko dito, bago tumayo mula sa pagkakaupo sa swing.

Alam kong may problema ka iha, alam mo mas mabuting mag open-up sa di mo kakilalang tao. Kasi hindi kanila mahuhusgahan dahil di ka naman nila kilala. Di nila kilala yung totoong ikaw. Biglang sabi nito.

Nilingon ko naman ito muli. Nakaupo na ito ngayon sa isa pang swing na katabi nang pinagswingan ko kanina.

Alam kong mabigat ang dinadala mo iha. Halata kasi sa mga mata mo yung kalungkutan. Pwede mo akong maging tainga ngayon. Makikinig ako sa lahat ng sasabihin mo na walang panghuhusga, Malay mo matulungan pakita sa problema mo. Dagdag nito sa sinabi. Hindi ko alam kung anong nangyari sakin. Basta natagpuan ko nalang ang sarili ko na naglalakad pabalik sa swing na ginamit ko kanina at muling umupo dun. Kung baga parang may sariling isip ang paa ko.

Bumuntong hininga muna ako bago nag kwento sa babae na ni pangalan ay di ko alam.

Si Lola ko, ang tumayong nanay at tatay ko. Simula kasi nang talikuran ako ng lahat ng tao siya ang karamay ko. Hindi tulad nang iba, si Lola di niya ko pinabayaan. Lagi siyang nakaalalay sakin. Kung baga sinukuan nako nang lahat, Pero si lola never niya kong sinukuan. Lagi niyang pinapalakas yung loob ko paggustong-gusto ko nang sumuko. Isa siya sa mga rason kung bakit hanggang ngayon ay nagsusumikap parin akong maabot ang pangarap ko. Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon lumalaban parin ako kahit minsan naiisip ko nang sumuko. Kwento ko.

Nakatingin lang sakin ang babae, nakikinig lang ito sakin habang nakukwento ako. Walang lumalabas na salita sa mga labi nito. Basta nakikinig lang ito sa kwento ko.

Bago ko po ituloy ang kwento ko maaari po bang malaman ang pangalan niyo? tanong ko dito.

Ow, Just call me Karen. sagot nito. Tumango naman ako bago nag patuloy sa kwento ko.

Tapos ngayong nagkakasakit siya, wala man lang akong magawa para sakanya. Puro lang ako pangako na hindi ko naman natutupad, pagpapatuloy ko sa pagkukwento.

Bat di mo ipagamot? tanong ni Karen.

Pinagamot naman namin sya eh, pero sabi ng doctor dun sa probinsya namin kailangan na daw namin maipakita sa espesyalista si Lola sa lalong madaling panahon at nang hindi saw kami magsisi. Hindi ako tanga Karen para hindi maintindihan ang gustong ipahiwatig ng doctor. Alam kong malalala na ang kalagayan ng puso ni Lola kaya kailangan magamot ito kaagad para hindi ito mawala sa amin.

Then bakit di mo ipacheck-up sa espesyalista sa puso? tanong ni Karen.

Bukod kasi sa wala akong kilalang doctor na ang specialists ay mga puso, kulang din ang pera ko pambayad. Alam mo niyo po, kung pwede kolang pasukan lahat ng trabaho ginawa ko na para makaipon nang mabilis para sa pangpagamot ni Lola pero hindi pwede eh, kasi may inaalalal pakong pag-aaral.

Woah, nag-aaral ka pa pala anong level kana? tanong ni Karen.

4th year.

Woah, ganun ba, ilang trabaho ba yung meron ka? tanong nito.

Tatlo, maikling sagot ko.

Holyshit, tatlo, sabay-sabay mo ba yang ginagawa? gulat na tanong nito.

Oo, Nag t-tutor ako sa umaga tapos delivery girl naman sa hapon, taga hugas ng plato sa resto bar naman sa gabi. Pagpapaliwanag ko.

Shit, di ka ba napapagod? tanong nito.

Napapagod shempre pero kailangan kong gawin yan eh, para makaipon ko ng mabilis para mapacheck-up kona si Lola sa espesyalita.

Ganun mo talaga kamahal yung Lola mo no. Umabot kana kasi sa puntong *Bahala na ang sarili mo, Basta mabuhay lang nang mas matagal yung Lola mo*.

Shempre, mahal na mahal ko yun. Siya lang kasi yung nang-iwan sakin eh. Nakangiting sagot ko.

Alam mo bihira na ang kagaya mong apo sa panahon na ito. Sa panahon kasi na ito, wala nang pakialam ang mga apo sa Lola nila, hindi naman sa nilalahat ko yung ibang apo lang naman.

May pumaradang itim na sasakyan sa labas ng playground na ito. Nang makita iyon ni Karen ay nagpaalam na ito saakin.

Masaya akong makausap ka..??

Ahh, Carishe Mae po, pero tawagin niyo nalang akong Cari.

Kung ganun, Masaya akong makilala at makausap ka Cari. Ipagpatuloy mo yang pagmamahal mo sa Lola mo. Sana di mo sukuan yung Lola mo, sabi nito sakin.

Opo hinding-hindi ko po gagawin yun. Maraming salamat po sa pakikinig sakin. Pagpapasalamat ko dito. Nginitian naman ako nito bago umalis sa pagkakaupo sa duyan. Pero nakakailang hakbang palang ito nang bigla nanaman itong lumingon saakin.

Cari di mo na talaga ko kilala? tanong nito.

Napailing-iling naman ako bilang pagsagot.

Kung ganun, pwede ko bang hingin ang phone number mo may kakilala kasi ako na pwedeng makatulong sayo, nakangiting sabi nito.

Talaga po? gulat na tanong ko. Mabilis ko namang kinuha ang phone na inaabot niya sakin at inilagay dun ang number ko.

Yeah, t-text nalang kita, sabi ni Karen bago tinungo ang kotseng naka parada sa labas ng play ground. Sumakay si Karen sa korseng yun at habang tumatakbo paalis ang kotse kinawayan pa ako nito.

Nang makaalis si Karen, masayang umuwi narin ako sa apartment ko.

Sa wakas kasi may tutulong na saakin sa pagpapagamot ni Lola.

Continue Reading

You'll Also Like

5.5K 385 23
Veranell Laxinne is a well-known heiress of the Laxinne family. Her father, a military general, and her mother, a famous lawyer, have provided her wi...
180K 220 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞
321K 12.4K 44
Rival Series 1 -Completed-