Chapter 2

51.9K 334 3
                                    


Ipinasok ko ang kotse ko ng mabuksan ng tuluyan ang gate, ipinarada ko ito sa harap ng pinto ng mansyong isinumpa ko noon.

Bumaba ako sa kotse at pabagsak na isinara ang pinto nito. Agad namang lumapit sakin si Mang Berto, ibinigay ko na dito ang susi ng kotse ko para ito na ang mag parada sa parking lot ng bahay na ito.

May tao na taga parada ng mga kotse sa parking lot at yun ay si Mang Berto, dahil kung ikaw pa mismo ang magpaparada ng kotse mo sa parking lot malamang ay matatagalan ka, masyadong malayo ang parking lot ng bahay na ito sa pinto, mapapagod ka pa sa kakalakad bago mo marating ang pinto ng bahay na ito kung ikaw pa ang mag papark ng kotse, yeah ganito kalaki ang mansyon na ito na kinamumuhian ko ng sobra.

Nang nasa harap nako ng pinto ay agad naman itong binuksan ni Tonyo anak ni Mang Berto. Masyadong maarte ang pamilya ko dahil may sarili itong taga pagbukas ng pinto at yun ay si Tonyo na hindi umaalis sa harap ng pinto, upang pagbuksan ang bawat taong papasok at lalabas sa mansyong ito.

Good evening Master Vricks, bungad sakin ni Manang Delia ang mayordoma ng bahay na ito.

Nasaan si Dad? tanong ko dito.

Nasa Opisina nya po, doon nalang daw po kayo pumunta.

Tango lang ang isinagot ko dito bago ito  nilampasan, Walang emosyong  tinahak ko ang daan papunta sa opisna ni Dad, bawat katulong na madadaanan ko ay binabati ako, Pero wala ni isa sa kanila ang sinagot ko o tinapunan man lang ng tingin.

Nang nasa harap nako ng pinto ng opisina ni Dad, pumasok ako dito ng hindi man lang kumakatok. Natagpuan kong komportableng naka-upo si Dad sa kanyang bangko habang nagbabasa ng libro, di ako napansin nito kaya tumikhim ako para makuha ang atensyon nito.

Ehem, tikhim ko.

Oh Son, your here.

Obviously dad, Yes, I'm here, because you ask me to come here.

Yeah, right.

What know dad?

I want you to have your slave in One month.

What? hindi makapinawalang tanong ko dito

I want you to have your slave in One month, pag uulit nito sa mas malakas na boses.

But dad, di pa man ako natatapos sa pag tututol bigla nanaman itong nag salita.

Two weeks, dad said.

No way, iritadong sagot ko.

One week then, If you keep complaining Vricks, mas mababawasan ang oras mo para mag hanap ng magiging slave mo.

Hindi nako tumutol pa, dahil alam ko na kung anong sinabi nito tiyak na gagawin nito.

What if I can't find a slave in one week? walang emosyong tanong ko.

If you can't find a slave in one week then sorry to say this son, pero ako na ang gagawa ng paraan para magkaroon ka ng slave, ako na ang maghahanap para sayo.

Bat ba kasi kailangan ko pang magkaroon ng slave dad?

Dahil kailangan, bawat generasyon sa pamilya natin ay nararapat na mag karoon nito.

Tsk, whatever you say, sagot ko dito bago ito tinalikuran at pabagsak na sinarado ang pinto ng opisina ni dad.

Galit na lumabas ako sa opisina ni dad. Sakto naman ang paglabas ko dahil nakita ko si mommy na papunta dito sa opisina ni dad. Gumuhit ang ngiti nito sa labi ng makita ako.

Hello son I miss you, bungad nito sakin sabay yakap.

Yeah, I miss you too mom.

May problema ba anak? nag-aalalang tanong ni mom sakin.

SlaveWhere stories live. Discover now