Chapter 8

48.5K 709 850
                                    


Masyadong magulo ang isip ko, Kaya lumabas na muna ako sa apartment na tinutuluyan ko at nag lakad-lakad na muna sa labas. Dinala ako ng mga paa ko sa isang playground.

Dito ako pumupunta pag may ganitong inaalala ko. Masyado kasing payapa ang lugar, walang ingay na maririnig kaya makakapag-isip ka talaga ng maayos.

Umupo ako sa isa sa mga duyan na gawa sa kahoy. Gamit ang paa pinagalaw ko ito ng mabagal. Panay ang pag buntong hininga ko habang mabagal na gumagalaw ang duyan.

Nang mapagod pinatigil ko ang paggalaw ng duyan at tumulala nalang sa kawalan. Gulong-gulo ang isip ko ngayon dahil sa ibinalita sakin ni Daisy kanina.

Alam ko kasi sa sarili ko na wala akong sapat na pera para maipatingin si Lola sa mga espesiyalista. May sakit sa puso si Lola, matagal niya nang dinadala ang sakit nayun. Hindi ko na alam kung ano pang gagawin, pagod nako at gusto konang sumuko, pero alam ko sa sarili ko na hindi pwede. Hindi ko pwedeng sukuan ang pamilya ko. Dahil simula pa nung una alam kona na kasalanan ko kaya nangyayari lahat ng to. Kasalanan ko kaya ako nahihirapan. Muli kong inalala ang nangyari nung gabing yun, kung saan nabaril ang pinakamalapit sakin na pinsan ko dahil saakin.

(Flashback)

Alas seis ng nagpaalam ako kay tita Neyme, na may kikitain ako sa bakanteng lote duon sa probinsya namin.

Kikitain ko sana si T nung gabing yun. Pero hindi ito dumaing. Nag-antay ako hanggang sa mag alas otso pero di parin ito dumarating. Matiyagang nag hintay ako kahit pa wala nang kasiguraduhan kung pupunta ba ito o hindi. Hanggang alas siyam na ay nandun parin ako.

Nag-aalala na sakin si Daniel ang pinsan ko dahil masyado na akong ginagabi. Kaya sinundan ako nito sa bakanteng lote.

Inabutan ako ni Daniel na nakaupo sa ilalim ng puno nag hihintay sa taong walang kasiguraduhan kung darating ba.

Cza, tawag nito sa pangalan ko.

Napatingin ako sa gawi ni Daniel. Lakad, takbo ang ginawa nito papunta sakin at nang nasa harap ko ito.

Bang! may narinig akong isang putok na baril. Parang bumagal ang paggalaw ng oras nung gabing yun.

Nagkaawang ang bibig na nakatingin ako sa pinsan ko. Na nakangiting nakatingin din sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon