Chapter 1

77.9K 351 5
                                    


Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ko ng lumabas ako sa elevator na iyon.

Bat ba kasi ang tanga mo self, bat ba kasi ang bobo mo, ang tanga-tanga mo talaga Carishe, bulong ko sa sarili ko habang naglalakad palabas ng hotel na ito.

Sinalubong ako ng kaibigan kong si Cartrisha pagkalabas na pagkalabas ko.

Hey, Cari wazzup? tanong nito sakin.

Ang tanga ko talaga huhu, sagot ko dito bago ko ito nilampasan.

Huy, Cari andito yung sasakyan ko, dinig kong tawag sakin ni Catrisha.

Lumiko naman ako ulit at pumunta sa tinuro niyang direksyon kung saan nakaparada ang kanyang mamahaling sasakyan.

Mabilis namang hinarang ni Catrisha ang daanan ko sabay hawak sa magkabila kong balikat at niyugyog-yugyo iyon.

Huy, Cari, Ano bang nangyayari sayo? Bat ba wala ka sa sarili mo? Bwiset naman Cari sagutin mo nga ako, nag-aalalang tanong sakin ni Catrisha.

Di ko na napigilan ang sarili ko napaluhod nako sa simentong kinatatayuan ko sabay sabing, *Huhuhu, ang tanga-tanga ko Catrisha, may nagawa kong kasalanan, baka ipapatay ako ng taong yun Catrisha.

Wtf, Cari, gulat na sabi ni Catrisha at umupo ito sa harap ko para alalayan akong tumayo.

Tara, sa kotse natin na pag-usapan yan, baka may sniper na pinadala yung kaaway mo at mabaril pa tayo dito, natatarantang sabi ni Catrisha.

Naguguluhang napatingin  ako kay Catrisha dahil sa sinabi nito at sa reaksyon nito.

Anong Sniper Catrisha? Anong mababaril? naguguluhang tanong ko dito.

Diba sabi mo baka ipapatay ka ng nakaaway mo, kaya dalian mo na at tara na sa kotse itatago kita para di ka mahanap ng kaaway mo at di kaniya maipapatay, hihinigi din ako ng tulong sa mga pulis para maprotektahan ka, pati kay dad hihingi na din ako ng tulong, basta kahit kanino hihingi ako ng tulong maprotektahan kalang, wag kalang mamatay, natataranta paring sagot ni Catrisha habang kinakaladkad ako nito papunta sa kotse nya.

Hinila ko ang braso ko na hawak ni Catrisha at manghang napatingin dito. Mas Oa tong bruhang to kesa sakin sa tototo lang.

Baliw! sigaw ko dito. *Ang ibig kong sabihin sa ipapapatay ay yung scholar ko baka ipapatay yung scholar na nakuha ko para makapag-aral sa college, singhal ko dito.

Nawala naman ang pagkataranta sa mukha niya at hindi makapaniwapang tumingin sakin sabay sabi nitong *Nababaliw kanaba Cari pano maipapapatay yung Scholarship mo ng nakaaway mo eh wala namang buhay ang scholarship mo.

Hys, ang ibig kong sabihin sa ipapapatay ay baka bawiin sakin ang Scholar ko dahil yung taong nakaaway ko ay isang Sansient.

Ahh, Ganun ba, ipaliwanag mo kasi ng maayos, di yung para kang tanga dyan na may paluhod-luhod pa, tsk, akala ko naman babawian ka talaga ng buhay ng nakaaway mo, bwiset, inis sa sagot sakin ni Catrisha.

Kasalanan ko bang slow ka, bulong ko.

Huh Ano yun? tanong ni Catrisha.

Wala, ang sabi ko tara na, sagot ko  dito bago umikot sa kabilang pinto ng kotse at doon pumasok.

Bat ka pala nandun sa hotel nayun? tanong ni Catrisha sakin habang nagmamaneho sya.

Nag deliver ng pizza, maikling sagot ko dito.

Awh, saan ka ngayon? tanong nanaman nito.

Restobar, sagot ko.

Shit, kakatapos lang ng trabaho mo bilang delivery girl ngayon mag tratrabaho kananaman bilang taga paghugas ng plato sa Restaurant nayun, hyss, di kaba napapagod? inis na tanong nito sakin.

SlaveWhere stories live. Discover now