CHAINS II: The Kidnapping Of...

By Kuya_Soju

40.3K 1.7K 356

Upang makuha ang atensiyon ng mga tao at sumikat online ay nagkunwari si Krystal Cuevas na siya ay nasa panga... More

PROLOGUE
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10 [The Final Chapter]

CHAPTER 01

4.2K 171 27
By Kuya_Soju

NOTE: Gaya ng naunang CHAINS, 10-chapter story lang din po itong pangalawa. Kaya wag na pong umasa na sobrang haba nito. Hahaha! Pero mahahaba naman ang per chapter nito compare sa iba kong stories... Salamat po :)












MABILIS na tumayo sa kinauupuan si Grace pagkarinig niya ng bell na hudyat na tapos na ang last subject nila. Kahit hindi pa nag-gu-goodbye ang guro sa harapan ay lumabas na siya ng kanilang classroom. Kanina pa niya kasi talaga gustong umalis ng school upang pumunta sa police station na malapit lang din sa kanilang paaralan. Nadadaanan niya iyon kapag naglalakad siya pauwi sa kanilang bahay.

Magtutungo siya sa police station upang i-report ang tungkol sa mga videos ni Krystal Cuevas sa Youtube na para bang nagpapahiwatig na nasa panganib ito. Siya kasi ang klase ng tao na hindi nagagawang manahimik na lang kapag may nakikitang hindi maganda o hindi tama. Mas gusto niyang makialam sa isang bagay kahit sabihin na wala siyang pakialam kesa sa magsisi siya sa huli kasi wala siyang ginawa.

“Hoy, Grace! Wait!” Narinig niya ang boses ng kaibigan na si Ella habang naglalakad siya sa corridor pero hindi niya ito pinansin. Isa kasi ito sa limang kaklase niya na pinagsabihan niya ng napansin niya sa videos ni Krystal Cuevas pero pinagtawanan lang siya.

Masama ang loob niya kay Ella. Patuloy lang si Grace sa paglalakad na parang walang narinig.

“Grace!” Muling tawag ni Ella at naramdaman niya ang kamay nito sa kaliwang braso niya. “Ay, bingi lang?”

“Ewan ko sa’yo!” Mataray na turan ni Grace. Sandali siyang huminto upang kausapin ang kaibigan. “Bakit ba? Nagmamadali ako.”

“Gaga ka. Nagalit sa iyo si Teacher Dessa! Umalis ka agad nang hindi pa siya tapos sa pagsasalita sa unahan. Yari ka bukas! Saka may pahabol pa siyang homework. Hindi mo nakopya!”

“Nag-bell na. Tapos na siya. Magkukwento pa iyon about sa buhay niya, e. Saka nagmamadali ako at may kailangan akong gawin,” aniya.

“Ano ba iyan? Natatae ka ba o ano?”

“Ewan ko sa iyo! Galit pa rin ako sa iyo kasi pinagtawanan ninyo ako kanina.”

“Nakakatawa ka naman talaga kasi, Grace. Kung anu-anong naiisip mo doon sa videos na pinanood mo sa amin. Na-kidnap? Kung nakidnap 'yong girl na iyon, hindi na siya makakapag-upload ng videos.”

“Kahit na. May iba akong pakiramdam at hindi ko iyong pwedeng balewalain. Okay? Sige na, diyan ka na!” Pagkasabi niya niyon ay nagpatuloy na siya sa paglalakad.

Humabol pa rin si Ella sa kaniya at panay ang sorry. “Huwag ka namang matampuhin diyan, Grace. Ganito na lang, tulungan na lang kita sa kung ano ang gagawin mo or samahan kita. Ano ba kasing gagawin mo at nagmamadali ka?” pangungulit ni Ella.

“Pupunta ako sa police station. Ire-report ko si Krystal Cuevas. Sama ka pa rin?” Mabilis niyang sagot nang palabas na sila ng gate ng school.

“What?! Seryoso ka ba? Baka mapahiya ka lang, Grace!”

“Mas gugustuhin kong mapahiya kesa sa magsisi ako sa huli. Ano sasama ka pa rin ba sa akin?”

Sandaling natigilan si Ella at hindi nakapagsalita.

“See? Hindi mo kayang sumama sa akin.”

“Ang bilis magtampo. Oo na. Sige na. Sasama na ako sa iyo. Pero peace na tayo kasi sasamahan kita, ha. 'Wag ka nang magalit sa akin!”

-----ooo-----

“KRYSTAL Cuevas? Ah, 'yan iyong nanloko. Nagkunwari iyang nakidnap kahit hindi naman. Hindi nga lang makasuhan kasi hindi niya direktang sinabi na kinidnap siya. In-assume lang ng mga nakapanood ng videos niya na nakidnap siya kasi may mga pasa siya sa katawan at may lalaking maririnig na nagsasalita sa background niya. Pero hindi siya totoong nakidnap. Ewan ko ba. Ang lakas din talaga ng trip ng mga millenials ngayon. Kakaiba!”

Kahit hindi alam ang gagawin ay tumuloy pa rin si Grace sa polic station kasama si Ella. At iyon ang nakuha niyang sagot sa pulis na naabutan nila nang sabihin niya ang pangalan ni Krystal Cuevas.

Siniko siya ni Ella sa braso. “Sabi ko na sa iyo. Mapapahiya ka dito, e. Tara na. Umuwi na—aray!” igik nito nang gumanti siya ng pagsiko.

Pinanlakihan niya ng mata ang kaibigan at ibinalik ang atensiyon sa pulis sa kanilang harapan. “Paano niyo po nalaman na hindi nakidnap si Krystal Cuevas, sir?” curious niyang tanong.

“May nauna nang nagreport sa iyo niyan sa amin noong isang linggo pa. Nang mag-imbestiga kami at pinuntahan si Krystal Cuevas sa bahay niya ay ayos lang siya. Iyong lalaking nagsasalita ay tatay niya lang pala na kasama niya sa bahay nila. Iyong mga pasa niya ay hindi rin totoo. Make up lang daw iyon na natitira kapag gumagawa siya ng video. Kaya isang malaking hoax na nakidnap si Krystal Cuevas, ineng.”

“Ganoon po ba? Salamat po, sir. Pasensiya na po sa abala,” ani Grace at umalis na sila ni Ella sa police station.

Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Grace nang malaman na hindi totoo ang kutob niya na nakidnap si Krystal Cuevas. Ngunit pagkauwi niya sa bahay ay hindi pa rin maalis sa isipan niya ang pangalan ng babaeng vlogger.

Hanggang sa Facebook ay sinearch niya ang ang pangalang ‘Krystal Cuevas’. Doon ay nakita niya ang napakaraming memes tungkol dito. Ginagawang katatawanan ang picture nito. Karamihan pa sa mga post tungkol kay Krystal ay puro hate. May mga nagsasabi pa na fake si Krystal Cuevas at sinadya nito na isipin ng mga makakapanood ng vlogs nito na nakidnap ito upang sumikat. Dapat daw makulong si Krystal dahil sa ginawa nitong iyon.

Isang post ang hindi niya talaga makakalimutan at iyon ay ang: Nakuha na ni Krystal Cuevas ang gusto niya. Sumikat na ang gaga! Pero sikat lang siya dahil galit sa kaniya ang tao dahil sa kasinungalingan niya! Sana, magkatotoong makidnap iyang si Krystal!

Labis na nalungkot si Grace sa nabasa niyang iyon. Ganoon na ba talaga kalala ang galit ng mga tao kay Krystal Cuevas para hilingin na magkatotoo na makidnap ang babae? Paano kung hindi naman talaga nito sinadya na mag-isip sila na kinidnap ito?

-----ooo-----

TWO months earlier…

Kinawayan ni Krystal ang kaibigan na si Roxanne nang makita niya itong papalapit sa kaniya. Nakasandal siya sa glass wall ng isang kilalang fastfood restaurant na nasa loob ng mall. Gabi na iyon at kaka-out lang ng kaibigan niya sa trabaho. Siya naman ay kakatapos lang mag-upload ng bagong video sa kaniyang Youtube channel kaya pwede na siyang makipagkita dito.

Birthday niya kasi ngayon kaya iti-treat niya ang nag-iisa niyang kaibigan ng dinner para makabawi naman siya dito. Kay Roxanne kasi siya palaging lumalapit kapag kailangan niya ng pera. Ito kasi ang may regular na trabaho sa isang manufacturing company. Isa itong quality analyst doon. Madali para kay Roxanne ang makahanap ng regular na trabaho dahil nakatuntong ito ng kolehiyo. Samantalang siya ay umaasa lang sa pagbebenta online ng kung anu-anong produkto. High school lang ang natapos niya.

Pero mas tutok siya sa paggawa ng vlogs sa kaniyang Youtube channel dahil naniniwala siya na doon siya kikita ng malaking halaga ng pera kapag nagtiyaga siya. Pangarap niyang maabot ang tagumpay ng ilang local Youtubers na halos milyon na ang kinikita kada buwan.

“Wow naman! Bihis na bihis ang birthday girl!” puna ni Roxanne sa kaniya pagkalapit nito sa kaniya. Mahigpit siya nitong niyakap. “Happy birthday, BFF!” At isang paper bag ang ibinigay nito sa kaniya.

“Hala! Salamat, BFF! Thank you sa gift!” Pasasalamat ni Krystal.

Isang kulay pulang dress ang suot ni Krystal. Malalim ang neckline niyon kaya kita ang cleavage niya. Medyo maikli din iyon. Isang dangkal ng kamay mula sa tuhod paitaas ang haba ng dress niya. Siya mismo ang nagtahi niyon dahil marunong siyang manahi. Namana niya ang skills na iyon sa yumao niyang ina. Nagtatahi ito ng basahan noong nabubuhay pa ito. Namatay ito dahil sa sakit na tuberculosis dalawang taon na ang nakakaraan.

Sa kasalukuyan ay silang dalawa na lang ng kaniyang tatay ang nakatira sa kanilang maliit na bahay. Sarili naman nila ang lupa kaya wala na silang buwanang binabayaran. Iyon nga lang, kaunting hangin na lang ay tila matutumba na ang kanilang bahay. Kinakain na ng anay ang haligi niyon. Hindi na nila mapalitan ang yerong bubong dahil wala pa silang pera para doon. Tuwing umuulan kasi ay tumutulo ang bubungan nila dahil sa mga butas.

Lahat ng panggastos nila ng tatay niya ay siya ang gumagawa ng paraan. Hindi na kasi kayang magtrabaho ng tatay niya dahil kalahati ng katawan nito ay hindi na nito naigagalaw. Isang taon na itong ganoon. Simula ng ma-stroke ito ay ganoon na ang nangyari dito. May maintanance din itong iniinom at doon siya mas nahihirapan dahil hindi biro ang presyo ng gamot nito. Kaya sa edad niyang bente kwatro, pakiramdam niya ay pagod na pagod na agad siya sa dami ng ginagawa niya para lamang kumita ng pera.

Bukod sa Youtube at pagbebenta ng iba’t ibang produkto online ay gumagawa din siya ng mga basahan gaya ng nanay niya at kapag may umo-order sa kaniya ay saka lang siya kumikita.

May mga kapatid pa naman siya. Dalawang babae na mas matanda sa kaniya. Iyon nga lang, hirap din sa buhay ang mga ito at may sarili nang pamilya. Kaya imbes na itutulong sa kanila ay ang pamilya muna ng mga ito at inuuna ng dalawa niyang kapatid. Naintindihan naman niya iyon.

May mga nagsasabi sa kaniya na gamitin niya ang ganda upang maiahon ang sarili sa kahirapan. Maghanap daw siya ng mayaman na foreigner sa mga dating app o site. Madali lang daw iyon para sa kaniya dahil maganda naman daw siya pero ayaw niyang yumaman sa ganoong paraan. Mas gusto niya pa rin na magkaroon ng pera sa tama at marangal na paraan.

Sa dami ng nagsasabing maganda si Krystal ay naniniwala na tuloy siya sa mga ito kahit papaano. Maputi kasi ang kaniyang balat. Natural iyon at hindi dahil sa mga pampaputing produkto na ginagamit niya. Maganda din ang katawan niya. Sexy kumbaga. Dagdag pa ang matambok niyang puwitan, may kalakihang balakang at dibdib na maipagmamalaki din naman niya. 5’5 ang kaniyang height. Maliit at medyo bilugan ang kaniyang mukha. May kalakihan ang mga mata niya na tinernuhan ng mahahaba at malalantik na pilik-mata. Matangos ang ilong at may labi siya na may tamang kapal. Ang kagandahan sa labi niya natural iyong mamula-mula. Ang buhok naman niya ay umaabot sa kaniyang balikat at kulay dark brown. Pinakulayan niya iyon sa salon noong isang buwan.

“Saan mo pala ako ililibre? Libre mo talaga, ha? Doon ba tayo sa samgyupsal gaya ng sinabi mo before?” ani Roxanne.

Bata pa lang ay magkaibigan na sila ni Roxanne. Palibahasa ay nasa iisang baranggay lang siya ay sila ang palaging magkalaro noon. May kaya sa buhay ang pamilya nito kaya madalas ay ito ang nanlilibre sa kaniya. Kapag may bago itong laruan ay siya ang gusto nitong kalaro na laruin iyon. Magkaklase sila simula Grade 1 hanggang Grade 6. Nagkahiwalay lang sila ng high school dahil sa private school na ito at siya ay sa public. Ganoon pa man ay hindi nagbago ang pagkakaibigan nila kahit magkaiba na sila ng school. Nagkikita pa rin naman sila kapag walang pasok.

Malaking ngumiti si Krystal sabay turo sa fastfood na katabi nila. “Diyan lang. Sa KFC.”

“Hala! Akala ko ba magsa-samgyup tayo ngayon sa birthday mo?”

“Kulang na kasi ako sa budget, e. Sumakto kasi na naubos na ang gamot ni papa kaya iyon muna ang inuna ko. Masarap naman chicken nila diyan. Unli gravy pa.”

“Ay, naku. Mag-samgyup na tayo. Ako na ang manlilibre—”

“BFF, 'wag na. Nakakahiya na sa iyo. Nag-promise ako sa iyo na ililibre kita ngayon kaya dapat ay tuparin ko iyon. 'Yon nga lang, KFC lang ang afford ng budget ko ngayon.”

-----ooo-----

“HMM… Ang sarap talaga ng chicken nila dito! Winner na rin!” Kulang na lang ay tumirik ang mata na pakli ni Roxanne. “Uy, next time sa samgyup tayo. Ako naman ang manlilibre!”

Naubos nilang dalawa ang isang bucket ng chicken na in-order niya. Tig-dalawang rice sila at meron pang fries. Talagang busog na busog silang dalawa ng kaniyang kaibigan. Nag-take out na rin siya ng dalawang piraso ng fried chicke at mashed potato para pasalubong niya sa kaniyang tatay pag-uwi niya. Bago siya umalis ay nag-iwan siya ng biscuit at tubig sa tabi ng higaan nito upang kapag nakaramdam ito ng gutom ay may makakain ito.

“Pasensiya ka na talaga kung hindi natuloy ang pagsa-samgyupsal natin ngayon, ha. Alam mo naman ako, palaging gipit!” ani Krystal sabay tawa ng mahina.

“E, bakit kasi hindi ka pa maghanap ng work na may regular na sahod. Try mo kaya sa BPO companies, BFF. May mga tumatanggap na kahit HS grad lang.”

“Call center?” Mariing umiling si Krystal. “Bobo ako sa English. Saka naniniwala ako na ang pagva-vlog ko ang mag-aahon sa akin sa hirap.”

“Kailan pa? 'Di ba, two twousand subrscribers pa lang ang meron ka? Magkano lang ang kinikita ng Youtuber na may ganiyan karaming subscribers. Dapat ay mag-one million ka muna bago ka kumubra diyan ng malaki. Saka dapat din ay maganda ang quality ng videos mo, BFF. E, phone lang kaya ang ginagamit mo kaya hindi masyadong maganda ang quality ng vlogs mo. Bet ng mga viewers ang HD, 'no!”

“Alam ko naman. Kaya nga nag-iipon ako para pambili ng magandang camera.”

“May naiipon ka naman ba?”

“M-meron. Kakaunti. Kakaunti pa. Pero dadami din iyon. Tiyaga lang!”

“Ay, teka. May bigla akong naalala.” Umusog si Roxanne upang mas maging malapit sila. “Kung gusto mo talagang sumikat sa pagva-vlog at makahakot ng subrcribers dapat ay may gimik ka, BFF!” Pabulong nitong sabi.

Kumunot ang noo ni Krystal. “Gimik?”

“Yes! Alam mo kasi, BFF, para magkaroon ka ng more subscribers dapat makuha mo ang atensiyon ng tao. Kapag nakuha mo ang atensiyon nila ay sisikat ka. Kapag sikat ka na, more subscribers na ang kasunod niyan at kikita ka na ng bongga sa Youtube!”

“Correct ka diyan. Kaya lang ay paano nga? Paano ko makukuha ang attention ng mga tao? Lahat na ginawa ko na. Nang-prank, nag-make up tutorial, nag-mukbang. Pati nga bangs ko, ginupit ko na pero wala pa rin!” himutok niya.

Ipinagtataka talaga ni Krystal kung bakit sa loob ng dalawang taon na niyang nagva-vlog ay ganoon lang kaunti ang bilang ng subscribers niya. Masipag naman siya mag-upload pero parang hindi iyon sapat para dumami ang nanonood sa kaniya. Kahit pa sabihing maganda siya ay tila hindi pa rin iyon dahilan para magkaroon siya ng maraming sibscribers. Hindi niya tuloy maiwasang mainggit sa mga vloggers na wala pang isang taon ay milyon na ang subscribers at kumikita na ng limpak-limpak na salapi.

Hindi lang naman para sa kaniya kung sakaling kikita siya ng malaki sa Youtube. Mas higit na para iyon sa tatay niyang may sakit. Mas matutugunan na niya ang kalusugan nito kapag marami na silang pera. Kaya naman hindi talaga siya nawawalan ng pag-asa sa paggawa ng vlogs kahit walang masyadong nanonood.

“Kilala mo ba si Kate Yup?” tanong ni Roxanne.

“Hindi. Sino ba siya? Nagpapautang ba siya?”

“Gaga! Hindi. Hindi mo kilala si Kate Yup? Vlogger ka pero hindi mo siya kilala, Krystal?”

“Hindi nga, sabi! Sino ba si Kate Yup?”

“Months ago ay naging controversial si Kate Yup na isang Youtuber. Puro mukbang videos ang ina-upload niya. May theory ang mga viewers niya na she’s kidnapped at pinipilit siya ng kidnapper niya na gumawa ng mukbang videos. May napansin kasi sa videos ni Kate Yup na para bang humihingi siya ng tulong. Minsan naman ay may parang bruises siya gaya ng nasa wrist niya tapos tinatakpan niya lang ng wrist band. Tapos, may naririnig din na parang lalaking nagsasalita sa background niya na parang nagbibigay sa kaniya ng instructions. Basta, marami pang sign sa mukbang videos niya na nakidnap siya!” Mahabang sabi ni Roxanne. May panlalaki pa ito ng mata na akala mo ay isang nakakatakot na istorya ang kinukwento nito sa kaniya.

Kinuha ni Krsytal ang coke niya at uminom ng kaunti. “O, ano naman ang maitutulong ng kwento ni Kate Yup sa magsikat ko?” tanong niya. Hindi niya makuha ang ibig sabihin ng kaibigan niya.

“Gagayahin mo siya—si Kate Yup!”

“Ano?!”

“Yes, BFF! Alam mo ba, nang maghinala ang mga tao na nakidnap siya ay mas dumami ang subscribers niya? Nakuha niya kasi ang atensiyon ng mga tao kaya siya sumikat!”

“Ang ibig mong sabihin ay magpapakidnap din ako?”

“Gaga! Of course not. Magkukunwari ka lang na nakidnap para sumikat ka sa Youtube. Kapag sikat ka, more subscibers! More subscribers, more money!” Pumalakpak pa si Roxanne na para bang nangyayari na ang mga sinabi nito.

Naguguluhan pa rin si Krsytal. “Teka lang. Si Kate Yup? Kumusta na siya ngayon?”

“Wala na akong balita sa kaniya, e. Hindi yata nalaman kung totoong nakidnap siya o palabas niya lang iyon. Kaya nga, ganoon ang gawin mo, BFF! Pag-isipan mo. Magaling ka naman sa make up. Kayang-kaya mong gumawa ng fake bruises. Magdrama ka rin na para bang natatakot ka at napipilitan ka lang sa ginagawa mo sa vlog mo. Sa ganoong paraan ay makukuha mo ang atensiyon ng mga tao. Kasi maraming may gusto ng mystery!”

Napahawak siya sa dibdib. “BFF, kinakabahan ako sa idea mo. Paano kung malaman nila na nagpapanggap lang ako? 'Di ba ako makukulong niyan?” Muli siyang uminom ng coke.

“Hindi mo naman sasabihin na nakidnap ka, e! Hahayaan mo lang ang mga tao na mag-assume no’n. Sila ang mag-iisip na nakidnap ka gaya ng kay Kate Yup!”

-----ooo-----

PAG-UWI ni Krystal sa kanilang bahay ay pinag-isipan niya ng mabuti ang suggestion ng kaniyang kaibigan na magpapanggap siyang naki-kidnap. Bibigyan daw niya ng hint ang viewers niya na nasa masama siyang sitwasyon para mag-alala ang mga ito. Nang sa gayon ay ma-curious ang mga ito at ipagsasabi pa ng mga ito sa iba ang tungkol sa kaniya.

“Krystal, ikaw na ba 'yan?” Narinig niya ang boses ng tatay niya sa kwarto nila. Halos hindi na niya maintindihan ang pagsasalita nito dahil sa nakangiwi na ito. Naapektuhan din kasi ang pagsasalita ng tatay niya nang ma-stroke ito. Iisa lang ang kwarto sa bahay nila. Doon sila natutulog na mag-ama. Sa maliit na kama ito habang siya ay naglalatag ng manipis na foam sa sahig.

“Opo, papa. Ako na po ito!” Pilit niyang pinasigla ang boses at pinuntahan ang tatay niya sa kwarto. “May pasalubong po ako sa inyo na fried chicken at mashed potato!” Paglapit niya dito ay may naamoy siyang hindi maganda.

“D-dumumi na ako, a-anak. P-pasensiya ka na. H-hindi na ako nakaabot sa b-banyo,” tila nahihiya nitong sabi.

Ngumiti siya para hindi sumama ang pakiramdam nito. “Ayos lang po. Lilinisin ko na lang. Pero sa susunod, kapag po wala ako ay gamitin ninyo iyong wheelchair ninyo. Kaya niyo naman po na sumakay doon ng mag-isa, 'di ba?” Marahang tumango ang tatay niya kahit nakahiga.

“M-maraming salamat, anak. P-pasensiya ka na talaga.”

Nginitian lang niya ito at hindi na nagsalita. Inilagay muna niya sa kusina ang pagkain ng tatay niya at bumalik sa kwarto. Inalalayan niya ang tatay niya sa pagtayo at medyo napangiwi siya nang umagos ang dumi nito sa magkabila nitong hita. Kahit may kaunting pandidiring nararamdaman ay isinantabi muna niya iyon. Ang dapat niyang isipin ay ang malinis agad ang tatay niya para makakain na ito. Kailangan na kasi nitong kumain upang makainom na ito ng gamot…





Continue Reading

You'll Also Like

134K 4.9K 21
Isang tago, payak at tahimik na baryo ang Baryo Sapian. Hanggang ang katahimikan nila ay nabulabog. Isang sakit ang kakalat sa maliit na bayan na iyo...
29.9M 990K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
696K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
The Bridal Shower By soju

Mystery / Thriller

8K 438 20
The b*tches reunited for a two-night bridal shower on an island! Before Devon's wedding, she invited her high school "friends," Jackie, Missy, Bree...