Love Next Door

By butterflywithme

1K 24 15

Nagumpisa ang lahat sa isang break up. Hindi akalain ni Zoe Lazarro na magiging magulo ang buhay niya lalo na... More

Love Next Door
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14

Chapter 13

14 0 0
By butterflywithme

Nakarating naman kami ng matiwasay.

We met up with my other cousins.

"Awkwaaaard," bulong ni Gab sa 'kin parang nangaasar dahil kasama namin si Ingrid sa iisang kotse.

"Shush!" then, pinanlakihan ko siya ng mata.

"Haha. Let's go. We'll have a few rounds around. "

"Sure,"

Since this has been a tradition lahat kami marunong maghorseback riding. Kaya nakakaikot kami ng walang umaalalay.

Dahil halos lagi kaming magkakasama every summer. Sabay sabay din kaming natuto ng kung ano ano.

Music, swimming, horseback riding, self defense etc.

May pumupunta lang noon sa bahay ni Lolo Danny na mga instructor. By schedule ang activities namin. At dahil sabay sabay kaming magpipinsan nagaaral ng kung ano ano tuwing summer naging competitive din kami sa isa't isa.

Dumating pa sa point na nagaway si Kuya Dane at Kuya Anthony about swimming. Teenager pa sila noon. Kasi, pareho silang sumasali sa mga competition. Pareho naman silang magaling pero talagang mas gifted si Kuya Anthony when it comes to swimming then later Kuya Dane realized na mas magaling pala siya sa football.

Dati kami rin ni Gab muntik na magaway sa music nung bata pa kami. Mas passionate kasi talaga siya sa music. Eh ako naman nainggit lang sa kanya kasi halos lahat ng instrument kaya niyang tugtugin samantalang ako ang tagal ko ring pinagaralan yung violin at piano. Nagkabati rin naman kami agad napansin kasi ni Gab na lagi ko siyang iniirapan noon kapag may lesson kami tapos nilapitan niya ko, nagsorry siya sa 'kin kahit wala naman siyang ginagawa. Umiyak ako after niyang magsorry kasi I felt guilty. Ayun, inamin ko sa kanya na naiinggit nga ako tapos ang sabi naman niya sa 'kin, 'okay lang yun ikaw naman mas maganda sa 'ting dalawa' kaya ayun hindi na ko nagcomplain kasi ako na nga daw yung pinakamaganda eh.

Kidding aside, that proved how loyal Gab can be and it proved that she really is my bestest friend and the coolest cousin I could ever have.

~...~...~...~...~...~...~...~...~...~...~

Magkakasama kami nina Gab, Harry, and Jack.

"So, what's the plan?" Harry said.

"Plan for what?" sagot ni Gab.

"I know you won't like what I'm about to say but aren't we supposed to do something about the 'feud'?

"You mean between Ingrid and I?" I raised my eyebrow at him.

"Hindi na healthy yan ah. Magbati na kayo. It's not the same anymore. Hindi na tayo makapagbonding as a whole. Laging into groups na. I hate it." pagrereklamo niya.

"Then tell her to stop being such a biatch," galit na sagot ni Gab.

Hindi pinansin ni Harry yung sinabi ni Gab,"Nagsorry naman na siya before. Why didn't you accept?" tanong niya sa 'kin.

"It's not that simple, okay?"

"What's not simple? To forget? Kaya hindi mo siya mapatawad. Eh, okay naman na si Miguel. Wala nang issue between them. Sayo na lang,"

"Harry, I'm not Miguel. Si Miguel mabait. I hate what she's done and because of her muntik na mawala yung bestfriend ko. Can we not talk about it anymore?" pagiiwas ko.

"No!" medyo tumaas na yung boses niya. "That's why we're talking about it para matapos na," pagpupumilit niya.

Si Gab and Jack tahimik lang na nakasunod sa amin.

I looked at him angrily, "Ayoko!"

"Now, you're the one who's being a brat."

"Harry, do you even hear yourself? Hindi mo naman ako naiintindihan eh. So, can you please shut up?"

"Guys, enough. 'Wag kayong mag away dito," saway ni Gab.

"Fine. Kung ako hindi effective. Baka sina Kuya mapagbati na kayo,"

"What do you mean?"

Hindi niya ako sinagot. Sa ibang way siya dumaan, sinundan naman siya ni Jack.

Hindi ko na lang din pinansin yung sinabi niya.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

After namin maghorseback riding sinubukan namin yung mga rides sa Sky Ranch since bago pa and never pa namin na-try.

Ako, si Ryan, Gab, and Beau ang kasama ko sa gondola. Since, malalaki na kami medyo masikip yung mga tuhod namin.

Hindi pa kami nakaka akyat biglang in-open ni Ryan yung iniiwasan kong topic simula pa kanina sa horseback riding.

"I heard pinagbabati kayo ni Harry," nakangisi niya sabi habang kumakain ng fries.

Sinimangutan ko siya at sinabing,"Chismoso."

Tumawa siya tapos sumubo ulit nung fries na kinakain niya.

"Tawa ka diyan. Mabilaukan ka niyan," saway ni Gab sa kanya. "Tsaka mamigay ka. Hindi ka man lang nag o-offer kay Beau."

"No, it's okay. I'm good," sagot niya agad. Mukha siyang pinagpapawisan at parang nananahimik ata siya ngayon.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Tumango lang siya.

"Okay ka lang, pare? Bigla kang tumahimik eh," nagtanong din si Ryan.

"Naiinitan ka ba? Pinagpapawisan ka eh," pansin din ni Gab.

"Okay lang ako," ngumiti siya ng pilit.

"Hala, medyo namumutla ka. May masakit sa 'yo? Anong masakit?" sunod sunod kong tanong. Medyo kalmado pa rin yung tanong ko, mamaya kung ano pang mangyari. Baka mapagalitan pa ako ni Dad baka sabihin pinabayaan namin 'to.

"I-I'm not," huminga siya ng malalim. "I'm not good with heights," tumawa siya ng pilit.

"Eh? Bakit ka sumakay?" tanong naming tatlo.

"Mawawala rin 'to. Don't worry. Akala ko kasi na-overcome ko na 'tong fear na 'to," ngumiti lang siya sa 'min.

"Sigurado ka ah. Wag mo na lang isipin na nasa mataas kang lugar. Isipin mo painting lang yang nasa labas," pagbibiro ni Gab.

Tumango na lang si Beau.

Nung medyo okay na siya nagsalita nanaman 'tong si Ryan.

"Did you know they're planning something?" he asked looking at me.

"They? Sinong they? At anong plan? You're so vague," sagot ko sa kanya.

"Tatlong Juan. I heard it during Lolo's party. They were talking about you and Ingrid and kung paano nila kayo pagbabatiin. I wasn't supposed to know this, though. But, I thought you should know since you're most likely to freak out when you're caught off guard."

Napatahimik ako.

What the hell? Bakit ba kasi gustong gusto nila akong pinagbabati diyan sa Ingrid na yan.

"What else did they say?"

"Uhmm," nag isip siya tapos bigla niyang sinabi, "fries muna."

Tumawa siya ng malakas. Binatukan ko nga.

"Umayos ka nga."

"Aray! Ako na nga yung feeder ng info ako pa dehado?" puro talaga kalokohan 'to.

"You know? I like it when you're on your own world. Nananahimik ka. Dumating lang si Beau di nanaman mapakali yang dila mo."

"Nakahanap ng kadaldalan eh." natatawang sabi ni Gab.

Di namin namalayan tapos na pala yung halos 10 mins na pagsakay namin.

Bumaba na kami. Si Ryan naman kailangan pang alalayan si Beau kasi medyo wobbly yung paa niya pagbaba.

"Ace, hindi mo naman sinabi takot pala 'tong si Beau sumakay sa ferris wheel," bungad ni Gab pag salubong namin kay Ace nang makababa kami.

"Nakalimutan ko na rin eh. Matagal na kasi kaming hindi nakakapunta sa mga ganito," paliwanag niya.

Nang masakyan na namin yung mga rides na gusto namin. Nakaramdam na kami ng gutom.

Kaming mga teenager na lang ang natira yung mga kids nauna nang umuwi dahil pagod na daw sila.

"Sinong sasabay sa 'min ni Migz?" tanong ko. "We can fit 5 more,"

"Sunod na lang kayo sa 'kin nandito kasi yung kotse," turo ko sa kanang part ng parking lot.

Sumunod naman agad sa 'kin si Gab at Jack. Knowing Jack baka gusto nanaman sa harap umupo. Nakita ko rin sumunod si Ryan sa amin at siyempre kung nasaan si Ryan nandun din si Beau. New found friend nila ang isa't isa. And, of course kung nasaan yung kapatid niya nandun din siya, si Ace.

This time hindi ko na hinayaan na maunahan ako ni Jack sa passenger seat.

"Ate Zoe naman eh," pagrereklamo ni Jack.

"Bakit?" Tanong ko kunwari pero alam ko nama kung bakit siya nagrereklamo.

"Kasi minsan lang naman ako makaupo sa shotgun seat eh. Pag si Kuya Miguel lang yun nagd-drive," nakasimangot pa siya.

Nginitian ko siya,"Pass ka muna ngayon. Hindi naman masikip sa likod ngayon eh."

Sumunod naman siya pero nakasimangot pa rin. Parang baby talaga.

Habang nagd-drive si Miguel tinanong ko siya. "Alam mo na? Narinig mo na?" Vague yung tanong ko pero alam kong alam niya yung tinutukoy ko. Hindi ko masyadong nilaksan yung boses ko para di nila masyadong marinig sa likod.

"Yup," he said popping the 'p'.

"Awkward?"

"Yeah," tama nga ako paisa isa lang yung sagot niya eh.

"What are you gonna do, then?"

"Face it."

"Brave," may halong pang aasar yung sagot ko. Kulang na lang pumalakpak ako para lalo siyang maasar.

"Chicken," asar din niya. Napangiti na siya.

"Sus. Ang arte. Di na daw affected pero ang lalim ng iniisip," I stuck my tongue out.

"Miguel, ready ka na mamaya?" singit ni Ryan.

"Ano ba yang sinasabi niyo? I keep hearing that since we got to Sky Fun. Ready for what?" nakisingit na rin si Jack.

May pagka-inosente rin kasi 'to.

"Pagbabatiin na s-mmhhmmh," hindi na natuloy ni Ryan yung sasabihin niya dahil tinakpan na ni Gab, na nasa likod ni Ryan, yung bibig niya.

"Thanks Gab!" Nagkasabay pa kami ni Miguel.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Nakaupo ako ngayon sa isang recliner seat sa tabi ng pool at nakikinig ng music. Hapon na ngayon, malapit na lumubog yung araw.

Yung iba kong pinsan nagsi-swimming. Nakita kong papalapit sina Kuya Zac, Kuya Dane, at Kuya Anthony papalapit sa pool.

Naalala ko yung mga pinagsasasabi ng mga pinsan ko tungkol sa binabalak ng tatlong Juan na pagbabatiin kami ni Ingrid.

Nagpanic ako. Tinanggal ko kaagad yung earphones ko at inilapag ang phone ko sa side table ng recliner. Kinapa ko rin yung mga bulsa ko kung may laman.

Nang malapit na sila bigla akong tumalon sa pool kahit hindi naman ako magsi-swimming. Buti na lang at nakashorts lang ako at tank top.

Pag ahon ko nakita kong napakamot ng ulo si Kuya Zac at dumiretso na lang sa kabilang side ng pool kung nasaan yung ihawan. Sumunod na lang din yung dalawa sa kanya.

"Nice save, Zoe," sabi ni Gab na lumangoy na pala sa tabi ko.

Hindi ko alam kung ilang beses na ako umiwas sa tatlong Juan, hindi ako nakikisali kapag nakikita kong nandun sila.

Hanggang sa kinabukas umalis na si Kuya Zac at Ate Alexi dahil may duty na ulit sila sa ospital.

Akala ko ligtas na ko dahil nabawasan na yung pagtataguan ko nang biglang..

"Zoe, tawag ka ni Tito nasa living room sila," tawag sa 'kin ni Kuya Anthony.

Pinapatawag daw ako ni Daddy at mukhang alam ko na kung bakit.

Continue Reading

You'll Also Like

124K 4.4K 17
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
821K 38.6K 28
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
137K 5.7K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...