The Greatest Opponent

بواسطة anoncaller

12.6K 265 208

COMPLETED: AFFECTION SERIES #1 A group of friends are known for being successful on their own way, Mariatraci... المزيد

The Greatest Opponent
00
01
02
03
04
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
Epilogue
Note

05

319 7 14
بواسطة anoncaller


Maria: Sure.




Iyon ang naging respond ko sakaniya. How soft of me, ang dali ko na pumayag!





"Si Elvira kasi, napakakupad. Parang bawat titig niya sa karton umaabot ng dekada," Sabi ni Angie.





Nasa bahay kami ni Jarmine uli. We are doing the props for our play. Ang iba naman ay nag papractice sa labas nila, ang mga actor. Bida ako sa play namin kaya tumayo na ako na hawak ang script. Nagtawanan muna kami dahil sakanila. Si Angie at Elvira ang madalas magtalo.






"OA mo, ah! Talaga ba talaga ba, kung tulungan mo nalang ako dito," Sobrang lakas na sabi ni Elvira. Isa pa ang ito, akala mo galit o naninigaw pero normal na boses niya lang. Pero kapag kasama ang jowa, numinipis.







Lumabas na ako sa bahay nila Jarmine at sinamahan ang mga aarte. Nandoon sila Briella, Blaster, Denise, At ang ibang lalaki. Ang play namin ay buong section. This is going to be our main peta sa english subject.






"I am now your girlfriend," I actively said to my partner, Blaster. Hinawakan niya ang aking mga kamay at umarte na nagulat.







"Really? I-I mean, no jokes?" Si Blaster. I acted like I'm laughing out of happiness. Nagsalita muli si Blaster at hawak hawak ang kamay ko. I looked at the script for my lines. Nakalimutan ko, shuta!








*Kinikilig na tawa at maharot style







What? Napatawa ako sa sinabi doon. Who did the script, hanep?






"Pucha, kinikilig daw na maharot style," Sabi ko sa kapartner kaya natawa na rin siya. We exchanged laughter and continued acting. Mabuti nalang maayos ako umarte.







Tawa pa rin kami nang tawa hanggang naagaw ng tingin ko si Frank na nakasandal sa pader na malapit sa pintuan ng bahay. He's staring at me at focus na focus siya sa akin. He smirked when he noticed that I'm laughing so hard. Napaseryoso ako nang nagtitigan kami. Yumuko ako kaunti at napakagat sa labi.







I saw him moved when Luce called him. Dahan dahan na umalis si Frank na nakangiti pa rin. Damn, his smile is very contagious. The hell? Napailing nalang ako at bumalik sa ginagawa.







"Sige, from the start," Jarmine said.







Halos buong araw ganoon ang ginawa namin. We spent our time with each other practicing. Nandoon na rin siyempre ang bonding at saya. Nang matapos ang practice, umalis na ang iba pero kaming magkakaibigan ay nanatili muna. We watched movies and laughed because of some jokes.








"Gago, si Arwen umiiyak na naman, lalaki na naman ata," Asar ni Stella.







"'Di kami naniniwala, Stel. 'Di pa nga ata 'yan nakakamove on sa ex," Sabi naman ni Jane. Nagtawanan kami dahil doon.







"Akala mo talaga wala nang ibang lalaki, sino 'yong kasama mo nung nakaraan sa watsons?" Si Briella naman.







Lahat kami napanganga sa sinabi niya. Arwen was with someone? Masikreto ang isang 'to, ah!







"Sugar daddy niya ata," Tawa na sabi ni Elvira.







Arwen cursed a lot because of the topic. Paano ba naman hindi niya sinasabi sa amin. Sobrang private ba non para hindi sabihin. Hmm. I laughed.








"Mga demonyo kayo. Anak 'yon ng kaibigan nila mom. Business," Dahilan naman ni Arwen. Defensive pero pag bigyan!








"Okayyy," Halos sabi ng lahat. Kumain nalang kami ng fries.







Umupo ako sa dulo na sofa at tumingin sa phone at nakita ang maraming messages. It was all from Frank. Shuta, magsi-sine pala kami mamaya.






Frank: Sana okay ka lang.




Frank: Enge notes.




Frank: Cute mo kanina, haha.






Sana okay ka lang? Saan ba siya humuhugot ng nga sarcastic words slash non sense words. Natawa nalang ako sa mga message niya. But the last message was different. I really tried to stop the smile appearing on my face pero hindi ko kaya. Nahulog ang phone ko sa dibdib nang may nang bato ng unan. Gago, ah!







"Shuta," Malakas ko na sigaw.







"Ano ikaw rin lumalandi?" What the fuck, Elvira? Tumawa ako dahil doon, akala mo lang 'yon.







Tumayo si Arwen at nag twerk sa harap ko. I laughed so hard because of that.







"Ano ba 'yan, kumanta ka nalang!" I teased her. Umirap siya at umupo sa tabi ko.








"Oh kita niyo? 'Di lang ako ang maharot dito, etong si maria mukhang may bebe," Malakas na sabi ni Arwen. Tawang tawa na ako kaya umiling nalang ako.









I replied to Frank when we already cooled down our naughtiness.







Maria: Sige, mamaya. Libre mo ba sine char hahaha






Nahiya ako sa sinabi ko kaya agad ko na tinakpan ang mata ko at hinintay nalang ang sagot niya. Hala, nagloloko lang ako, ah. Walang halong kemerut. Nag-iba ako ng posisyon nang naramdamang nag vibrate na ang phone. It means he replied!








Frank: Luh, lugi ah, da't nga ako nililibre mo.






Ang kapal! Imbis na mainis ako ay mas napangiti nalang ako.






Maria: ano ka, chix?







Frank: Ito na nga eh, lilibre na kita ng sine. Gusto mo pati tuition mo bayaran ko na, ikaw lang kapalit.







Wala na atang mas ko-corny pa sakaniya. Siguro nong umulan ng kacorny-han nagbabike siya sa labas. Pagkatapos namin na kumain, umalis na kami kaagad. Lalo na ako, kailangan ko mag-ayos para sa panonood ng sine.







"Oh, saan punta?" si Mama.






Nagulat ako roon kaya medyo nataranta ako sa pagsasagot.







"S-sine, ma. Magsine lang ako kasama mga kaibigan," Tumango ako dahil convinced ako sa sinabi ko, sana si mama rin.






Hindi nagalit si mama, imbis ay binigyan niya pa ako ng dagdag baon. Pagkatapos ko na maligo, mabilis akong naghanap ng damit. I looked at my closet full of tshirts and pants. Ni wala mang mga dress doon. Well, I think I just like the opposite of those. Nasasabihan nga ako ng mga kaibigan ko na para akong lalaki. Pero babae naman ako, dinadatnan din.







Mas pinili ko nalang na mag itim na tshirt na may print sa gitna at isang maong pants. Kinuha ko ang jacket ko dahil malamig mamaya, for sure. Gagabihin kami sa sinehan. Bumaba na ako at naghanap na ng tricycle. Nang makababa na ng tricycle, sasakay naman ng jeep. Paakyat na sana ako nang biglang may humatak sa pulso ko.








"Gago! Manyak! Bitawan mo 'ko!" Halos pasigaw ko na sabi. Bigla niya akong binitawan at nagtaas siya ng dalawang kamay.








"Frank!" I bit my lower lip for realizing my wrong accusation. Fuck, sino ba naman kasi ang manghahatak ng ganon ganon tapos mag gagabi pa!








"Sakit non, ah. Mukha ba talaga akong manyak," Natatawa niyang sabi sa akin. I raised my hand and gestures a peace sign to him. Tinignan niya ako ng seryoso at tumango nalang.







"Tara na," He started walking, so I followed him. Mabilis siyang maglakad, may ibang ka date ba 'to?!







Ibang ka date? Hindi naman kami mag ka date ah! Maybe, friendly bond?







Huminto siya at tinignan ako dahil sa sobrang tagal kong mag lakad. I chuckled, trying so hard to make him comfortable at na okay lang ako. Pero imbis na magpatuloy siya sa paglalakad, binalikan niya ako.









"Nasa notes mo rin ba 'yong pagiging mabagal maglakad?" He chuckled and then put his arm acrossed my shoulder. I looked at his hand. I blinked so many times because of what he did. Ano 'to?








"Chansing ka, ah!" Napalakas ang boses ko kaya napahinto siya. Ngumisi siya at mas hinigpitan ang kamay doon.








"Sige, puwede na. Kung 'yan gusto mo. Bagal mo kasi maglakad baka mahuli tayo sa papanoorin,"He reasoned out. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at tumawa nalang.








Sumakay na kami ng jeep at ako n ang nagbayad sa amin. Hindi naman pwede na siya nalang lagi ang mang lilibre. Dapat balance lang. Hinawi niya ang buhok ko dahil lumilipad ito sa mukh niya. Tumawa ako at nag sorry. Pambihira. Nilagay niya ang buhok ko sa kabilang balikat para hindi na lumipad. I can feel that he's very near me kaya hindi na ako gumalaw sa pwesto.









"Pucha, isang oras pa pala papalabas 'yong atin," Tumawa siya at binigay sa akin ang ticket ko. I smiled and appreciated his effort.







Nakatayo kami sa kung saan habang naghihintay. Humarap siya sa akin at tinignan ako. I raised my brow to tell him what's wrong. Nakapamulsa siya sa harap ko.







"Kain muna tayo, tara," Hinatak niya ang kamay ko kaya nakasunod na lang ako, no choice.







Hindi ko alam kung nagloloko ba siya o ano pero nasa harap kami ngayon ng sampgyupsal na pangmamahalin. Don't tell me dito kami kakain!








"Kita mo 'yan? Ti-treat kita diyan balang araw," He looked at the front of that restaurant and smiled. I looked into his eyes and saw some pure sparks. Nanlambot kaagad ako bigla dahil doon. Babae nga ako, shuta.








"Kelan naman 'yon?" I asked him without talking off my stare at him. Nilingon niya ako at ngumiti.








"Siguro kapag may sarili na akong pera. Ayoko nang umaasa sa pera ng magulang para ilibre ka. Gusto ko sakin na mismo galing," Seryoso niyang sabi sa akin at ngumiti. I smiled too, I just can't help.








Bumaba na kami sa food court dahil mas mabilis ang pagserve roon ng pagkain. Mas maganda ang mas easy to serve kesa sa 'thirty minutes pa po, ma'am, okay lang?' Isa na rin ang dahilan kung bakit dito, kasi baka abutin kami ng siyam siyam sa mga restaurant.








I saw him eating a korean food, na parang sushi. Hindi ako familiar sa mga ganoon. Binalingan ko ang pagkain ko at nilagyan ng sauce ang ulam. I didn't mind the sauce because I won't understand them.








"Chingchong sauce," Napatigil ako at napatawa dahil sa sinabi niya. Umiling ako at kumain nalang.







Wtf! Kumuha kaagad ako ng tubig at uminom. The sauce did not match my taste buds! Anong klaseng sauce 'to? Nakakainis naman! Napatingin ako sa harapan ko dahil kanina pa siya tumatawa.







"Anong nakakatawa!" Mangiyak-ngiyak ko na sabi dahil nasa dila pa rin ang lasa.







He pointed his finger to me while laughing, "Sabi sa'yo chinchong 'yan, e. Sarap ba."







"Gago!" I cursed and picked up a tissue, to rub my tongue. Kadiri, shuta.







Uminom nalang ako ng tubig dahil doon. After we eat, umakyat na kami uli sa sinehan.







"Sakto," Frank said. Hinatak niya ako nang mabilis papunta sa loob ng sinehan.








"Pop corn!" Sabi ko na parang bata. Paano ba naman kasi, kakalimutan pa ata niya.







He looked at me and scratch his head. Umiling na ako at nagpresinta na ako ang magbabayad. I told the saleswoman to give me two pack of pop corns at dalawang tubig na rin.







"Thank you, po," I nodded to the woman and let myself be pulled by Frank. Excited na excited siya kasi kathniel daw ang pelikula. I laughed and corrected him.








"Hindi 'yan kathniel. Si Kath lang andiyan, hindi si Daniel. Si Alden kapartner niya," Paliwanag ko. He told me to be quiet and tried to stopped me from explaining. Loser!









"Ganon na rin 'yon," Sabi niya. Umiling nalang ako at pumayag. Okay, sabi mo, eh.







Nagsimula na ang pelikula. Nasa gitna na ang eksena kaya naramdaman ko na lumuluha na ako. Shuta naman, bakit ngayon pa! Nakakahiya. Naramdaman ko ang pag offer sa akin ni Frank ng tissue. Natawa siya sa pag-iyak ko kaya inirapan ko. Malamang nakakaiyak kaya!








"Akala mo naman ikaw 'yong iniwan," Nang matapos ang movie, ito agad ang bungad niya.







"Of course! Masakit kaya maiwan, lalo na kapag para sa inyong dalawa. Para sa magandang kinabukasan, need nila maghiwalay muna," Habang sinasabi ko ay lumulukot ang mukha. Para akong iiyak nalang basta basta!








"Naiwan ka na ba?" Tanong niya. His voice became serious so I looked at him.







"Hindi! Baka malay mo sa susunod iwanan ako," Nguso ko na sabi. Mas tumawa pa siya roon.








"Kung ako 'yan, 'di kita iiwan. Cute mo kaya noh, tapos nasayo na lahat. You don't deserve that. Oh, english 'yon, hanga!" Biglang pabiro niyang sabi sa huli. I know he just tried to make me feel better. Effective naman kahit papaano.








"Paano mo nasabi na hindi mo ako iiwan, kung ikaw 'yon?" Patawa kong sabi. He looked at me and did not expect that he would take it seriously. Hala nagloloko lang, e!









"Baka nga ikaw pa mang-iwan," Lakas niyang loob na sabi. Kapal nito, ah.








I slightly punched him on his chest. Nagkunwari siyang masakit iyon kahit feeling ko masakit talaga.








"Hindi ko 'yon, magagawa," Pagtama ko sakaniya. Proud ko pa na sabi iyon.








Tinignan niya ako at nanliit ang mga mata. Tumango siya paunti unti pero tumawa na rin sa huli.







"Sana," Sabi niya.





|Next|

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

FEIGHT (Famous Eight) بواسطة Mac

قصص المراهقين

632K 39.5K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
2.2K 77 28
(Liwanag at Dilim Series #4) Czarina Kaye Wager is a girl full of dreams in life. She is known to be the almost perfect girl in town. As time passes...
20.9M 513K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]