HE'S INTO HER Season 1

By maxinejiji

371M 8.9M 8.7M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 24: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 25: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 26: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
HE'S INTO HER SERIES NOW STREAMING ON iWANT
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
HE'S INTO HER SERIES
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94

CHAPTER NINETEEN

3.6M 115K 61.7K
By maxinejiji

DEIB'S POV 

Sinadya kong putulin ang usapan namin ni Kim sa Canteen. Ayoko ng pahabain pa ang usapang 'yon dahil kailangan kong maging maingat.

I'm sorry, my princess. Hindi pa ako ready na sabihin sa'yo ang lahat ng kalokohan ko. Natatakot akong baka sa'kin ka naman magalit.

Pag-akyat ko sa classroom ay nandoon na ang lahat pati ang lecturer. "Mr. Enrile you're late!" si Miss Agaser. 

"Miss, I'm sorry," paumanhin ko.

"Miss, pinaiwan siya ni Coach kanina," pagtatakip sa'kin ni Tob, tinignan naman ako ni Miss.

"Yes, Miss," sang-ayon ko kunwari kay Tob.

"Go to your seat!" anang Lec. Dali-dali akong naupo sa upuan. Taka namang nilingon ako nina Lee at Tob kaya napanguso agad ako sa kanila.

"Oh! Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Tob nang dumating ang break time.

"Loko si Taguro e, pati si Kim dinamay!"

"Ha?" sagot nilang dalawa.

"Ewan ko. Hindi ko talaga alam ang buong istorya. Pero kasi base sa nakita ko, kasalanan na naman ni Taguro. Oo kasalanan niya!"

"Ano ba'ng nangyari?" si Lee.

"Hindi ko nga alam! Ang inabutan ko lang, nagtutulakan sina Aimee at Taguro. Sa sobrang lakas ng pagkakatulak ni Taguro kay Aimee, tinamaan ni Aimee si Kim kaya natumba si Kim sa sahig!"

"Hala! E anong sabi ni Kim?" si Tob.

"Wala! Alam mo namang mabait 'yun! Ang nakakainis pa ron, ang bait-bait ni Kim kay Taguro. Hindi ko alam kung ano bang nakita niya sa wirdong 'yun at tinuturing niya'ng tao."

"Tsk. Hindi mo alam ang nanyari pero kung magsalita ka parang alam mo lahat," banat ni Lee. Natigilan naman ako. Inis akong napatitig kay Tob at napabuntong-hininga.

Okay, eto na naman si Superman.

"Kung hindi mo naman pala alam ang nangyari, bakit si Max agad ang sinisisi mo?" dagdag pa ni Lee.

"Tch! Oo, hindi ko alam ang buong pangyayari pero naba-badtrip pa rin ako. Hindi ko mapigilan ang inis ko. Alam mo namang ayaw na ayaw kong nasasaktan si Kim. Lalo pa at may kinalaman si Taguro. At ang mas nakakabadtrip pa, kumakampi si Kim sa kaniya! Nakakainis," inis na sagot ko kay Lee.

"Kilala mo si Kim, dre," seryosong tugon ni Tob, nilingon ko naman siya. "Mabait siya at hindi siya 'yong tipo ng taong papanig sa mali kung alam niya namang mali, loko!" 

"Tch! Oo, alam ko! Ang sa'kin lang, bakit pa siya kumakampi kay Taguro? Kitang kita naman sa wirdong 'yon na wala siyang pakialam kay Kim," sagot ko.

"Tsh, 'yon ang nakikita mo. Paano naman ang nakikita ni Kim sa kaniya?" si Lee na naman.

Hero talaga 'tong loko na 'to! Tsk!

"Ewan ko! Naba-badtrip talaga ako!" inis talagang sagot ko at saka umayos sa pagkakaharap sa kanila at tumingin naman sila ng sabay sa'kin. "Pwede ba akong humingi ng pabor? Kahit ngayon lang," nakikiusap ang tono'ng tanong ko.

"Psh! Ano naman 'yan?" nangingiti na tanong ni Tob at napailing naman ako saka bumuntong-hininga. Nakatingin lang sa'kin si Lee.

"Kanina kasi ay medyo nag-away kami ni Kim. Pwede bang kapag nagtanong siya sa inyo ay 'wag na lang kayong magsalita? Umasta na lang kayong hindi niyo kilala si Taguro," napapangusong pakiusap ko. Kumunot naman ang mga noo nila.

"E hindi naman talaga natin kilala si Taguro, ah?" takang tanong ni Tob.

"Oo nga, pero ang ibig kong sabihin ay magpanggap kayo na parang walang Taguro. Na hindi nagkrus ang landas namin. Ayokong makarating kay Kim yung pangtitrip ko sa kaniya," dagdag ko pa.

"Tsh! That's impossible," singhal ni Lee at inis naman akong napatingin sa kaniya.

"Bakit?" tanong ko.

"Dahil marami na ang nakakaalam na magkaaway kayo ni Max, hindi lang kami ni Tob. Besides, hindi lang tayong tatlo ang nakakita kung anong ginawa mo sa kaniya nung unang araw mo siyang makita," paliwanag ni Lee. 

Natigilan  ako at agad na nakarecover. "Tsaka ko na lang iisipin 'yan kapag nalaman na niya. Basta ngayon, sakyan niyo na lang muna ako at 'wag niyo hayaang isipin niyang magkakilala na talaga kami at magkaaway. Wala rin naman akong planong ilihim ng matagal kay Kim. Tutal, alam niya ang tungkol sa mga nakaaway ko noon---"

"Bahala ka," si Lee.

"Tch! Lee, ngayon lang ako humingi ng ganitong pabor. Makisama ka naman, dre," singhal ko.

"Whatever. Pati kami idadamay mo pa sa kalokohan mo, psh," sabat ni Tob para hindi na kami magtalo pa ni Lee. "Basta, 'wag mong patagalin. Hindi kami magsusumbong kay Kim pero umamin ka rin."

"Nice," nakangiting sabi ko kay Tob at saka ako bumaling kay Lee. "Lee?" 

"I'm not saying yes, pero tatahimik na lang ako" seryoso'ng sagot ni Lee. 

Ngumiti ako. "Yeah! Salamat---"

"In one condition," dagdag ni Lee.

"Ano naman?" inis na tanong ko.

"Tigilan mo na si Max," sagot niya.

"Tch! Sinabi ko na nga ba," pabulong na usal ko. Seryoso masiyado ang mukha ni Lee kaya lalo akong naasar. "Type mo si Taguro, no? Type mo? Tch!"

Hindi na kumibo si Lee at nauna nang pumasok sa Canteen.

Silang dalawa ang um-order. Nagpaiwan akong sadya sa table namin. Tatawagan ko sana si Kim pero nagulat ako nang nasa harapan ko na siya. Malungkot ang mukha niya. Parang piniga tuloy bigla ang puso ko.

Napatayo ako, "Kim..."  

"Deib..." pagtawag niya na animong maiiyak na.

"What's wrong?" nag-aalalang tanong ko.

"Wala," ngumuso siya. "I just wanted to say sorry sa nangyari kanina."

"Tch, akala ko naman kung napaano ka. Wala 'yon. Ako nga ang dapat mag-sorry kasi hindi kita pinakinggan. I'm sorry--"

"Tss." Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na ekspresyong iyon.

Hindi ko na kailangang magtanong dahil alam ko na kung sino 'yon. Tch.

Hindi ako nagpahalata kay Kim. Dahan-dahan akong lumingon sa gilid ng table namin. Hindi na ako nagulat nang makita ko si Taguro na nakaharap mismo sa amin. Hindi ko nga lang din naiwasang mainis. 

"Ikaw na naman?" pigil ang galit kong sabi. 

"Max..." dinig kong tawag s ni Kim. Ngunit ang parehong paningin namin ni Taguro ay nasa isa't isa. Bagaman blangko ang ekspresupm mg mukha niya ay nakakainsulto ang dating niyon. Parang sinasabi nitong ang corny namin ni Kimeniah.

"Anong itinitingin-tingin mo d'yan?" inis na tanong ko.

"Deib, kausapin mo naman siya ng maayos," pakiusap ni Kim. Natigilan naman ako. Pilit kong pinakalma ang sarili ko at muling nilingon si Taguro.

Gulat pa akong makitang nakangisi na siya habang nakatingin sa'kin dahilan para mas maging kainsu-insulto ang dating ng tingin niya.

"Kapag kasalanan ang pinag-uusapan ng magsyota, nagtuturuan kung sino ang may sala. Pero kapag nagso-sorry ay aakuin ang lahat ng kasalanan," mahinang ani Taguro, ngunit dinig na dinig ko, saka umiling. "Tsk tsk tsk." 

Dahil sa sinabi niay ay nagtawanan sina Lee at Tob, maging si Kim. Lalo tuloy akong nainis. "May point siya," gatong pa ni Tob. 

Sinamaan ko siya ng tingin bago nilingon si Taguro. "Tumayo ka diyan para lang sabihin iyan?" sarkastikong sabi ko. 

"Mm," sagot niya na may kasabay na tango pa.

"Tch!"

"Kasi gusto kong makita kung anong hitsura mo kapag siya ang kaharap mo," nakangising dagdag ni Taguro na isinenyas pa si Kim.

Nag-init ang mukha ko at nakaramdam ng matinding pagkapahiya. Pinapahiya mo na naman ako.

"Mmm, magkakilala ba kayo?" inosenteng tanong ni Kim.

Natigilan ako. Damn it! Bakit ba kasi sumulpot pa 'to?

"Deib?" tawag pa sa'kin ni Kim na animong naghihintay sa isasagot ko.

"H-Ha?" naisambit ko na lang.

"Tinatanong ko kung magkakilala ba kayong dalawa?" tanong ulit ni Kim na isinenyas pa kaming dalawa ni Taguro.

"A-Ahh, e-eh..," tanging naiusal k.! Napatingin ako kay Taguro, blangko pa rin ang mukha niya.

Peste. H'wag kang sasagot! Sumakay ka na lang sa sasabihin ko.

"H-Hindi," sa wakas ay nasabi ko.

"I see. Kung mag-usap kasi kayo ay parang magkakilala kayo," tatangu-tangong ani Kim. Napailing naman ako't 'di makatingin sa mga mata niya.

"Hindi, hindi kami magkakilala," pagsisinungaling ko. 

Tumingin ulit ako kay Taguro at hindi pa rin nagbabago ang mukha niya. Nakapasok lang ang dalawang kamay niya sa bulsa ng maong pants niya at deretsong nakatingin sa'min.

Ganiyan ka ba talaga? Hindi ka man lang makaramdam kung kailan dapat umalis.

"Anong itinatayo-tayo mo pa d'yan?" pigil ang inis na tanong ko kay Taguro pero tumingin lang siya sa'kin.

"Max, do you want to join us here?" biglang sabat ni Lee. 

Nanlaki naman ang mga ko't napatingin sa kaniya. Binigyan ko siya ng makahulugang tingin pero nagkibit-balikat lang siya. Damn it! Sinisira niyo ang mga diskarte ko!

"Oo nga naman, Max," excited pang sabat ni Kim! "Para magkakila-kilala na rin tayo. Hindi pa pala kayo magkakilala. Para maging friends na rin tayo." 

Ano? Kanina ay halos magrambulan na kami tapos f-friends? Kim naman? Napailing ako. Tob speak up! I need you to talk right now! Tumingin ako kay Tob at binigyan siya ng makahulugang tingin. Umaasa akong maiintindihan niya ang tinging 'yon at tatanggi siyang pasabayin si Taguro sa'min. Tumayo siya at saka lumapit kay Taguro kaya naman nakaramdam ako ng kakaibang kaba.

"Hi, I'm Tob! You're Max, right?" nakangiting ani Tob.

Anak ng...

"Deib, yayain mo naman si Max, para maki-join siya sa'tin," nakangiti pang utos ni Kim. Wala sa sariling napatingin ako sa wala pa ring emosyong si Taguro.

Sa dami ng sinabi namin ay hindi pa rin siya nagsasalita? Anong klase ba namang pagkatao 'yan? Mukhang tanga.

"Max, you can join us here. Para mas makilala ka namin---"

"No thanks," pigil ni Taguro kay Lee. "I'm not interested," puno ng yabang na dagdag niya habang deretsong nakatingin kay Lee.

Binigyan niya pa ako ng isang matinding sulyap at saka niya kami tinalikuran. Pare-pareho kaming naiwang nakanganga habang sinusundan ng tingin ang paglayo niya.

"Weird," bulong pa ni Tob.

"Hahaha," nakakalokong tawa naman ni Lee.

Kitang kita ko naman sa mukha ni Kim ang pagkalungkot niya. Purong inis naman ang naramdaman ko.

Mayabang kang peste ka!

Nakita ko pang lumapit si Taguro kina Migz, Michiko, BJ at Parrot. Nag-uusap sila at bagaman hindi ko naririnig ay ramdam ko ang kayabangan ng dating niya. Hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko dahil kahit pa nababadtrip ako sa kaniya ay nagpapasalamat pa rin akong hindi siya sumabay samin.

Kung ganong ganiyan pala ang ugali niya, maigi ng hindi siya sumabay sa'min! Baka kung ano pang masabi niya't ano pa ang magawa ko sa kaniya. Tch. 

"Haaay, all I wanted was to be friends with her," malungkot na sabi ni Kim.

Nagugulat akong nilingon siya. "Ha?" sabay-sabay naming tugon nina Lee at Tob. Bakit ba gusto niyang kaibiganin ang isang 'yon e ang wirdo-wirdo 'non? Ano ba'ng meron 'to si Taguro at pati prinsesa ko ay nagiging wirdo? Pati mga hindi dapat kilalanin ay kakaibiganin. Tsk!

"Mukha pa naman siyang nice," dagdag pa ni Kim kaya naman lalo akong nagulat.

"W-What?"

"Yes! Why? Hindi ba? She looks nice," nakangiti pang ulit ni Kim. Napangiwi ako.

"Ang weird niya kaya, Kim?" sabat ni Tob.

"Yeah, but...ang cute ng pagiging weird niya. Hahaha!" tuwang tuwa talagang sagot pa ni Kim. "Parang ang angas ng dating. Hahaha! O siya, let's eat!" yaya niya at nagsimula ng kumain.

Tulad ng nakasanayan na ay ihahatid ko si Kim matapos naming kumain. Nakipaghiwalay ako kina Lee at Tob sa Batibot. Nakangiting naglalakad kaming dalawa ni Kim sa quadrangle papunta sa building nila nung biglang mag-ring ang bell. 

Every Friday afternoon ay nagriring ang bell sa quadrangle kung nasaan ang flag pole. Kasunod non ay uugong ang malakas na awitin ng Philippine National Anthem. Lahat ng naglalakad ay kinakailangang huminto at sumabay sa awitin.

Inilinga ko ang paninigin ko sa kabuuan ng quadrangle at nung makita kong kami lang ang tao ay wala sa sariling napangiti ako.

Kasama ko naman si Kim, kaya ayos lang!

♪ ♫ "Bayang magiliw, perlas ng Silanganan. Alab ng puso, sa dibdib mo'y buhay. Lupang Hinirang--" ♪ ♫

Kusa akong napahinto sa pagkanta nung mapasulyap ako sa building nila Kim at matanaw ko ang isang pamilyar na tindig. May nakapangalumbaba sa pasimano ng hallway nung building at bagaman malayo ay nasisiguro kong nakatingin sa gawi namin.

Taguro!

♫ ♪ "Ang k-kislap ng Watawat mo'y tagumpay na nagniningning! Ang bituin at araw na kailanpama'y di magdidilim...Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta...Buhay ay langit sa piling mo---" ♪ ♫ 

Kusa na naman akong nahinto dahil pakiramdam ko ay pinagtatawanan kami ni Taguro. Mula sa kinatatayuan ko ay nakikita ko pa rin ang paggalaw ng mga balikat niya kaya naman nasisiguro kong tumatawa siya.

Siguraduhin mo lang na walang makakakita sa'yo d'yan dahil lagot ka.

♫ ♪ "Ang mamatay ng dahil sayo..." ♪ ♫

Matapos ang kanta ay agad kong nilingon si Kim. Nakangiti na siya sa'kin. Nagsimula kaming maglakad muli at nung sulyapan ko kung san ko nakita kanina si Taguro ay wala na siya.

Paanong nangyaring ang bilis niyang nakaalis don? Tch! Bastos! Hindi man lang sumabay sa Pambansang Awit. Palibhasa, baguhan!

Mabilis naming narating ang room ni Kim. Tulad rin ng nakasanayan na ay tinutukso kaming dalawa ng classmates niya pero hindi na namin 'yon pinansin. Nakangiti akong nagpaalam sa kaniya.

"Pasok ka na," sabi ko pa.

"I'll see you again later, okay? Mall tayo after," nakangiti ring tugon niya.

"Sige, magkita na lang tayo sa Batibot."

"Sige! See you!" nakangiting aniya pa at saka tuluyang pumasok at naupo sa pwesto niya.

Mabilis akong tinalikuran ang room nila. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay wala sa sariling napalingon ako sa gawing 'yon kung saan ko natanaw si Taguro kanina.

Saan naman kaya sumuot ang gunggong na 'yon?

Nakangusong sinilip ko pa ang dulo ng hallway na 'yon ngunit sadyang walang tao. Kaya naman dahan dahan akong naglakad papunta sa parteng 'yon kung saan ko natanaw si Taguro.

May hagdan naman dito, dito na lang ako dadaan. At kapag nakita kita, lagot ka sa'kin!

Sa kabilang side ako ng building dumaan, kung saan ko nakitang nakatayo at nakapangalumbaba si Taguro kanina. Batid kong mapapalayo ako sa daan ko pabalik sa sarili naming building pero dala ng kyuryosidad ay doon ako dumaan.

Dalawang bakanteng classrooms na ang nadadaanan ko mula sa room nila Kim. Pero wala pa rin akong makitang bakas ni Taguro.

"Saan sumuot 'yon?" kunot-noong bulong ko pa sa sarili ko habang lilinga linga't naglalakad papunta sa dulo ng hallway na 'yon.

Ilang room pa ang nadaanan ko at isang room na lang sa pinakadulo ang natatanaw ko. At pagtapat ko sa huling room na yon.

"Kyaaaaaaaaa!"

"Waaaaaaaaa!"

"Yaaaaaaaaaa!"

"My God! Si Kuya Deib!"

Nagsipagtilian ang mga babaeng students nang makita ako. Gulat akong nahinto sa paglalakad sa lakas ng mga sigaw nila at saka napapahiyang nilingon sila. Wala akong nagawa kung hindi ang pilit na ngumiti at kumaway ng bahagya sa kanila na nagdulot ng mas malakas na tilian.

"Kuya Deib! Ang gwapo mo po!"

"Kuya Deib, I love youuuu po!"

"Waaaaaaaaa!! Ang gwapo!"

"H-Hehehe," naiusal ko lang habang pilit na napapangiti sa kanila.

Bagaman alam kong sikat ako ay 'di ko inaasahang may magkakagusto sa'kin sa building na 'to. Section lang kasi nila Kim ang seniors dito at puro freshman na ang nandito. Tulad ng mga itong nasa harap ko ngayon.

Matapos kong ngumiti at kumaway sa kanila ay muli akong bumaling sa daan ngunit kusa akong natigilan. Hindi ko maipaliwanag ang pagkabiglang naramdaman ko. Nakatayo si Taguro habang magkakrus ang dalawang braso at deretsong nakatingin sa akin.

"A-Anong ginagawa mo d'yan?" inis na tanong ko. 

Ngumiwi siya. Dahan dahang yumuko siya at tinignan ang sarili niya saka muling tumingin sa'kin. Wala pa ring emosyon ang mukha niya. "Nakatayo."

"Ha! Malamang!"

"Tss. E bakit nagtatanong ka pa?"

"Kuya Deib, ang gwapo gwapo mo po!" muling sigaw ng isang batang babae kaya naman wala akong nagawa kundi muling lingunin 'to at magpakawala ng matamis na ngiti.

"Tss," singhal na naman ni Taguro kaya inis na naman ako'ng napalingon sa kaniya!

"Tch! Ano? Bilib ka? Kasi ako may taga-hanga at ikaw wala?" mayabang na tanong ko. Tumango-tango naman siya at saka sumenyas na animong pinapaalis na ako. Inis akong tinignan siya at saka inambaan. "Taguro!" sigaw ko pagkaharap ko sa kaniya at saka ako mabilis na umalis.

Badtrip! Bakit ba parating ganon? Parating nangyayari ay napapahiya ako sa huli!

Mabilis akong bumalik sa classroom at kasunod ko ay dumating rin ang Lec. "Maaga ang dismissal natin ngayon," seryoso pang sabi nung Lec.

"Yeeeesss!" masayang sigaw tuloy ng mga classmates ko.

"Anong yes? Mag-iiwan ako ng seatwork at pupunta kayo sa library para gawin 'yun. Ipapasa ninyo sa class president niyo at kukunin ko rin ngayon iyan. May meeting lang ang lahat ng faculties," mataray pang sagot ng lec kaya nanlumo lahat kami. "Okay kindly write this down, 'eto ang seatwork niyo." 

Nung palabasin kami ng Lec ay dumeretso pa muna kami nina Lee at Tob sa Canteen para magsnack. Bumili ako ng isang pack ng bubble gum dahil paniguradong boring sa Library.

"Teka, may hahanapin lang akong libro," bulong ko sa kanila at saka tumayo.

Pumunta ako sa History Section. Naghahanap ako ng book na pwede kong magamit. Nagsimula ako sa unang dulo papunta sa kabilang dulo ng book shelves.

Sa kahahanap ko ng libro ay narating ko ang kabilang side ng mga estante ng mga libro. Napansin ko ang isang pamilyar na babaeng nakayuko sa table at base sa postura nito ay mukha itong natutulog.

Natutulog? Tigas, ah?

Ang Library kasi namin ay nasa gitna ang lahat ng book shelves. Ang mga mahahabang tables ay nasa magkabilang side ng mga book shelves na 'yon. Sa kaliwang parte kami naupo at itong babaeng 'to na nakita ko ay nasa kanang parte ng aklatan.

Wala sa sariling nilapitan ko siya.

Inilinga ko pa ang paningin ko sa kabuuan ng parteng 'yon munit walang tao maliban sa kaniya.

Tigas ng mukha nitong bwisit na 'to! Nakuha pang matulog dito?

Pinagmasdan ko mukha niya na siyang nakapatong sa dalawang braso niyang nakapaibabaw naman sa isang makapal na bukas na libro.

Tch! Ano bang ginagawa mo sa inyo at mukhang pagod na pagod ka?

Bumaba ang tingin ko papunta sa likuran niya at nahinto 'yon sa gulo-gulong buhok niya.

Kababaeng tao...marumi! Nakasimangot ko siyang pinagmasdan hanggang sa may maisip akong kalokohan. Yari ka sa'kin ngayon! Tingnan ko lang kung hindi mo ko mapatay sa gagawin ko sa'yo, hahaha!

Parang may sumapi sa'kin dahilan para ngingisi-ngisi at marahan ko siyang lapitan sa likuran. Inilabas ko ang packed gum ko at saka nagbukas ng nagbukas ng bago saka pinagngunguya ang mga 'yon. Bawat isang nguyain ko ay inilalagay ko sa buhok niya kapag wala ng tamis.

Ang saya nito! Hahaha!

Nung maubos ko ang lahat ng bubble gum ko at isa na lang ang matira ay saka ako ngingisi-ngis'ng tinalikuran siya. Pigil ang tawang nilingon ko pa siya bago ako tuluyang umalis. Kaya naman nakangiti ako hanggang sa makabalik ako sa pwesto naming tatlo.

"Oh? Nasaan ang libro mo?" takang bulong ni Tob.

Nakangit'ng nagkibit-balikat naman ako. "Hehehehe! Pahiram na lang ng niyang sa inyo," sagot ko. Tumingin naman sa'kin si Lee at saka tumingin sa pinanggalingan ko. "Tch! Dalian mo na d'yan, Lee, pahiramin mo ko," inis pang bulong ko. Tiningnan niya lang uli ako ng masama at saka nagtuloy sa pagsusulat niya.

Hindi na nawala ang ngiti sa mukha ko dahil naiisip ko ang kalokohang ginawa ko.

MAX'S POV

"Miss?" dinig ko ang isang boses ng babae. "Miss," muling tawag niya, hanggang sa maramdaman ko ang isang kamay sa balikat ko. "Miss, hindi pwedeng matulog dito."

Gulat akong naiangat ang ulo ko at napaayos ako sa pagkakaupo ko.

Napapahiyang nilingon ko siya at pilit ang ngiting naiganti ko na lang nung makita kong estudyante lang rin siya.  Tumango lang ako sa kaniya at tatawa-tawa naman siyang umalis sa harapan ko.

Tiningnan ko naman ang seatwork na ginagawa ko ay nakahinga ako ng maluwang nung makita'ng tapos na 'to. Napatingin ako sa relos ko at halos lumuwa ang mga mata ko!

Damn! Late na ako!

Mabilis kong inimis ang mga gamit ko at ibinalik ang mga libro table nung Librarian. Pagkaabot niya ng card ko ay padarag kong hinila 'yon at saka ako patakbong umalis 'don.

Parang iba ang pakiramdam ko, ah? Naisip ko habang naglalakad pabalik sa classroom. Dala lang siguro ng pagod 'to.

"Hahahahahahahaha!"

"Bwahahahahahahah!"

"Nyahahahahahahaha!" 

Nagtataka ako sa mga malalakas na tawanan sa bawat grupo at kumpulan ng mga estudyanteng nadaraanan ko. Bagaman hindi ko alam kung anong dahilan ay batid kong ako ang pinagtatawanan nila.

Geh, tawa lang. May araw rin kayo.

"Where have you been? You're late," asik ng Lec nung marating ko ang classroom.

Bida na ka na naman, Taguro...

"Miss, pinatawag po kasi siya ni Coach kanina," pagtatakip sa'kin ni Naih. Nilingon ko siya, kinindatan niya ako.

"Go to your seat. Faster," anang lec, sumunod naman agad ako.

Tumingin pa ako sa relos bago maupo. Ten minutes late, tsk tsk.

"We were discussing about the laboratory apparatus. Since you're late," dinig kong sabi nung Lec kaya naiangat ko ang paningin ko sa kaniya. Gulat akong makitang deretso siyang nakatingin sakin. "Give me five examples of laboratory apparatus and their use."

Wala sa sariling napatayo ako. Nilingon agad ako ng mga kaklase ko.

"Beakers," paunang sagot ko. "They are useful as a reaction container or to hold liquid or solid samples. They are also used to catch liquids from titrations and filtrates from filtering operations."

"Okay, good. Second?"

"Droppers, they are for addition of liquids drop by drop."

"Mm, go on."

"Erlenmeyer Flasks, they are useful to contain reactions or to hold liquid samples. They are also useful to catch filtrates."

"Then?"

"Graduated Cylinders, they are for measurement of an amount of liquid."

"And last? Give me a machine."

"Machine, Miss?" tanong ko pa.

"Yes! A machine that are used inside the Chem Lab."

"Spectro...S-Spectro..."Nakalimutan ko!

"Spectro what?" dilat ang mga matang tanong pa ni Miss habang nakatingin sa'kin.

"Spectrophotometers," bulong ni Naih.

"Spectrophotometers, Miss. They are used to measure the absorbance or transmittance of a liquid sample."

"Okay, sit down. Very good! Very good!" papuri ni Miss.

Matapos kong magrecite ay naupo na ako at nakinig sa discussion. Habang nagsusulat ay napahawak ako sa batok ko dahil pakiramdam ko ay nangangalay iyon pero natigilan ako nang maramdamang matigas na bagay roon.

Ano to?

Pilit kong kinapa ang buhok ko munit nagkalat ang matigas na bagay na 'yon sa iba't-ibang parte ng buhok ko.

"Okay, class, dismiss!" maya maya pa'y ani Miss.

"Salamin, bilis," wala sa sariling singhal ko.

 Nagugulat akong nilingon ni Naih. "Huh?"

"Pahiram ng salamin!"

Mabilis na inilabas ni Michiko ang malaking salamin mula sa bag niya at iniabot 'yon papalapit sa'kin.

"Bakit, Max?" si BJ.

"Ano 'yan?" si Michiko.

"Hala! Bubble gum?" si Naih.

"Sinong naglagay n'yan d'yan, teh?" si Migz.

Kitang kita ko ang ilang piraso ng bubble na siya ngang nakadikit sa buhok ko. Iba't iba pa ang pwesto. Meron sa gilid at meron sa gitna at meron rin sa baba. Gusto kong magwala.

Hindi lang isa? Walo pa ang king ina!

Hindi ko maipaliwanag ang mabilis na pag-iinit ng ulo ko. Salubong na salubong ang mga kilay ko at nakakuyumos ang parehong kamao ko.

Sinong gago naman ang gumawa nito?

"Hala! Hindi 'yan matatanggal agad agad! Halika, Max, dali! Alisin natin!" yaya pa ni Michiko.

"Sinong gago naman ang gumawa n'yan?" ani Naih na pumunta na rin sa likod ko.

Hindi ako nakapagsalita. Parang sasabog ang dibdib ko sa galit.

"Hala! Ayaw matanggal," ani Michiko.

"Hindi niyo talaga matatanggal 'yan at marami masyado! Umalis na kayo d'yan!" inis na singhal ko.

"Hala, galit," si Migz.

"Gunting," marahang utos ko na inilahad pa ang kamay ko.

"H-Ha?" silang lahat. Tinignan ko sila ng masama.

"Gunting daw! Dalian mo! Dali dali," si Migz.

Pagkaabot sa'kin ni BJ ng gunting ay mabilis akong tumayo at lumabas ng room.

"Hoy, teka hintayin mo 'ko!" dinig ko pang habol sa'kin ni Naih pero 'di ko na siya pinansin. Dumeretso ako sa banyo ng mga lalaki.

"M-Max! Panlalaki 'to," aniya pa.

"Wala akong pakialam," inis talagang sagot ko at natigilan naman siya. Humarap ako sa salamin saka yumuko at inilagay lahat sa harap ang buhok ko.

"Hala! Gugupitin mo?" 'di makapaniwala pang tanong niya pero hindi ko na siya kinibo.

Maya maya pa'y naramdaman ko na ang pagsunod nina BJ, Migz at Michiko. "Teh, m-maraming paraan d'yan. Pwede 'yang lagyan ng oil, gas, peanut butter...Marami!" si BJ.

"Sige, teh, ilabas mo ngayon lahat ng paraan na 'yan," sarkastikong baling sa kaniya ni Migz. "Gaga! Nasa school tayo!"

"Pwede, relax lang?" biro naman sa kaniya ni BJ.

Hindi ko na sila pinakinggan at walang kagatol gatol kong ginupit ang buhok ko. Isa kang malaking pakyu, Sensui!

"Halaaaa!" sigaw nilang lahat.

Huminga ako ng malalim at saka dahan dahang iniangat ang ulo ko. At saka mas dahan dahang tumingin sa sarili ko mula sa salamin. Hindi bagay sa akin!

"Hala, Max. Umiksi ang buhok mo," dinig kong sabi pa ni Michiko.

Natural, ginupit ko e.

Napapikit ako sa pagpipigil ng inis na nararamdaman ko. Matapos niyon ay pumunta ako sa sink at naghilamos ng ilang beses!

"M-Max.." ramdam ko ang paglapit sa'kin ni Naih. Kinuha niya ang gunting mula sa tabi ko. Iniabot niya sa'kin ang isang maliit na towel at kinuha ko naman 'yon.

"S-Sino ba kasi'ng gumawa n'yan?!" tanong ni Migz. Kinalma ko naman ang sarili ko bago sumagot.

"Wala na ako'ng ibang naiisip na makakagawa sa'kin nito---maliban sa isa'ng tao." 

"S-Sino!?" sabay sabay nilang tanong.

"Si Sensui."

"A-Ano!?" si Naih.

"Teka! Teh, sino'ng Sensui?" si Migz.

"Sino'ng Sensui nga kaya?" si Michiko.

"B-Baka si D-Deib??" si BJ.

"Ay, sheeet!" si Migz. "Gago talaga 'yun!"

"Bukod sa kaniya ay wala na ako'ng iba'ng naiisip na pwede'ng gumawa sa'kin nito." dagdag ko at nanlulumo naman ang mga itsura nila.

"Ano'ng gusto mo'ng gawin natin, Max?! Sasamahan kita.. Maiganti ka lang.." matapang na yaya sa'kin ni Naih pero tinignan ko lang siya at saka iniiwas ang paningin ko.

Ramdam ko ang galit sa kalooban ko pero nagpipigil ako.

'Hindi mo magugustohan kapag nag-init ang ulo ko.." 

d>>_<<b

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW! Thanks a loooot! d^^,v

FOR IMPORTANT UPDATES PLEASE VISIT THE FOLLOWING:

Facebook : https://www.facebook.com/maxinejiji
Twitter : @maxinejiji
Website : http://maxinejiji.weebly.com/
Instagram :  
@maxinejiji
Tumblr: www.maxinejiji.tumblr.com/

Thanks a looot JIJIERAS!!! d^o^b ♥

- m a x i n e j i j i ♥

Continue Reading

You'll Also Like

168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
3.5M 95.3K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
28.7K 577 98
saudade (n) a nostalgic longing to be near again to something or someone that is distant, or that has been loved and then lost; "the love that remain...