BHO CAMP #8: The Cadence

By MsButterfly

1.4M 45.3K 4.8K

All my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet... More

Synopsis
Chapter 1: Beat
Chapter 2: Hand
Chapter 3: Crepuscular
Chapter 4: Mission
Chapter 5: Objective
Chapter 6: Time
Chapter 7: Sleep
Chapter 8: Song
Chapter 9: Orange
Chapter 10: Compromise
Chapter 11: Gravity
Chapter 12: Home
Chapter 13: Hawk
Chapter 14: Chance
Chapter 15: Promise
Chapter 16: Damage
Chapter 17: Shine
Chapter 18: Charm
Chapter 19: Cuff
Chapter 20: Breathe
Chapter 21: Princess
Chapter 22: Free
Chapter 23: Fairytale
Chapter 24: Always
Chapter 25: Lie
Chapter 26: Road
Chapter 27: Pretend
Chapter 28: Beautiful Disaster
Chapter 29: Cadence
Chapter 30: Epilogue
Chapter 31: Start
Chapter 32: Catfight
Chapter 33: Mind Games
Chapter 35: Orbit
Chapter 36: Tradition
Chapter 37: Rock star
Chapter 38: Team Night
Chapter 39: Music
Chapter 40: Always
Epilogue
Author's Note

Chapter 34: Distance

28.1K 928 81
By MsButterfly

#BHOCAMP8TC #HeDer #BHOCAMP

HERA'S POV

"We don't really need to go."

Kasalukuyan kong kinakabit ang hikaw ko habang nakaupo sa tapat ng vanity mirror ko. Tumingin ako sa repleksyon kung saan kita ko si Thunder na kasalukuyang nakahilata sa kama ko at nagpipindot sa cellphone niya.

"Nah. We should." he said, looking up from his phone. "Mauubusan na tayo ng rason sa mga 'yon."

Pinaikot ko ang mga mata ko at umikot ako para sa pagkakataon na ito ay nakaharap na ako sa kaniya. "We're going to celebrate Ocean's anniversary...with his chef's knife. Kahit siguro sabihin natin na may date tayo sa outer space, maiintindihan tayo ng mga kaibigan natin. Besides you can't even drink yet."

Natatawang binaba ng binata ang cellphone at umupo. Kanina pa siya nakahanda dahil simpleng hoodie at pantalon lang naman ang suot niya. I'm a woman. I have an excuse to pamper myself.

"I don't need to drink. Sinasamahan pa rin naman kita noon kahit hindi ako pwedeng uminom." pangangatwiran niya. " Saka parang hindi ka na nasanay sa mga 'yon. Last week nga nag-aya sila Chlymate kasi i-ce-celebrate daw nila ang birthday ng isa sa mga guest na nakita nila sa Craige na binigyan ng birthday cake. They don't even know the dude and they didn't even invite him."

Bumubuntong-hininga na tumayo ako mula sa kinauupuan. Wala na rin naman akong magagawa dahil nagsabi na kaming pupunta kami. Baka sugudin pa kami ng mga 'yon dahil ilang beses na namin silang pinagtataguan.

Pinasadana ko ng tingin ang sarili ko sa full-length mirror ko na nasa isang panig ng kwarto. I'm wearing one of my little black dress. It's a dress with a mesh neckline, bodycon fit, with the hem a few inches above my knee. Right. Maybe a couple of inches if I'm being honest.

"Hmm."

Nanatili lang akong nakatingin sa salamin kahit na nakita kong lumapit si Thunder at tumayo sa likuran ko. I felt his breath on my neck and his hand on my hip.

Bumaba ang kamay niya sa laylayan ng damit ko, "This is quite short."

"Tayo-tayo lang naman."

"Pero may ibang makakakita."

Humarap ako sa kaniya at sinalubong ko ang mga mata niya, "Ikaw lang naman ang makakakuha."

It should sounded flirty...or a little bet sexy but instead my words sounded irritated. Napabuntong-hininga ang lalaki pero hindi ko iyon pinansin at sa halip ay umalis ako mula sa pagkakahawak niya at lumapit ako sa bedside table kung saan nandoon ang bag ko.

I know he can feel my frustration from the few weeks that passed. Pero wala sa aming dalawa ang pinag-uusapan ang bagay na iyon. Paano mo naman kasi bubuksan ang gano'ng usapin?

It's just that I'm not used to this. At least not before everything that happened with him. I'm used to having fun with him.

And when I say fun, I meant 'that'.

Wala lang naman sa akin noong umpisa. It's not like I'm a freaky girlfriend asking for intimacy at all times. We're not like bunnies before he got really sick kahit iyon pa ang kadalasan kong press release sa mga kasamahan namin na pinagtitripan ko. But we do cuddle and make-out a lot then we make love when we want to.

Hindi katulad ngayon na pakiramdam ko ay iniiwasan niya ang kahit na anong mga bagay na magdadala sa amin sa punto na iyon. I can feel him pulling away whenever things get heavy. I even parade that lingerie for him then he just kissed me and walked away.

I'm not saying that we need to do it. I just don't like the feeling of him putting distance between us.

"Are we going or not?" tanong ko nang maisukbit ko na ang bag ko sa balikat ko.

Muling napabuntong-hininga ang lalaki at pagkatapos ay lumapit sa akin. Sa pagkabigla ko ay hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi para magawa niyang maiangat ang mukha ko at sunod-sunod na pinaulanan ako ng halik sa labi.

"Stop being in a bad mood."

"You just can't tell me to stop-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil muli niya akong dinampian ng halik. I sighed in surrender when he didn't stop pecking my lips with kisses. "Pasalamat ka transfer proof 'yang lipstick ko."

Tumigil siya sa ginagawa pero nanatiling nakahawak siya sa mukha ko. Sandaling tinitigan niya ako bago muling bumaba ang mukha niya patungo sa akin pero sa pagkakataon na ito ay sa tungki ng ilong ko dumampi ang labi niya. "Let's go."

Lumabas na kami ng kuwarto at magkahawak ng kamay na nagpunta kami sa basement parking ng headquarters. Ilang sandali pa ay lulan na kami ng sasakyan at tinatahak namin ang daan patungo sa Paige's.

Pwede naman iyong lakarin. Kaya lang sa taas ng takong ko ay hindi na ako pinagbalakang paglakarin pa ni Thunder. Isa pa masyadong malamig ngayong gabi.

Nang makarating kami sa establisyemento ay naabutan namin ang mga kasamahan namin na naghihintay. The Wright twins were there, Rushmore and his wife Den, Chalamity, Nyx, Erebus, Chlymate, Archer, and Ocean. Mukhang kami na lang ang hindi pa dumadating. Ang nakangusong si Ocean talaga ang unang sumalubong sa amin na nakahalukipkip pa.

"You're late."

"Bakit nainip na ba masyado ang kutsilyo mo? Sana hinasa mo muna." sabi ko sa kaniya bago ako umupo sa silyang hinila ni Thunder para sa akin.

Hindi ko mapigilan ang ngiwi na kusang kumurba sa mga labi ko nang makita ko ang kutsilyo na "celebrant" ngayong gabi na kasalukuyang nakatarak sa wooden chopping board at nakalagay sa sentro ng lamesa. May mga bulaklak pa iyon na para bang panauhing pandangal talaga.

"Wag mong ginaganiyan 'yan Ate Hera. Marami ng binusog na mga tao 'yan."

"Marami ka ring nautong babae dahil diyan." singit ni Athena na biglang sumulpot sa lamesa namin. Dumako sa akin ang mga mata ng babae at nag peace sign siya. "What's up yow?"

Tumaas ang kilay ko, "Buti nakakawala ka sa mga chikiting mo."

"Mama break ko ulit ngayon." sabi ng babae at nagkibit-balikat. "Saka tulog na ang mga 'yon. Pati na si Fiere."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata nang may mapansin ako sa sinabi niya. Matagal na kaming maagkaibigan kaya iisa lang ang likaw ng bituka namin. Isa pa halos lahat ng kalokohan namin sa mga buhay namin ay magkasama naming ginawa. With the exemption of our harot moments.

"Itataya ko ang imaginary abs ni Ocean na hindi alam ni Fiere na nandito ka."

Imbis na sagutin ako ay binelatan niya lang ako bago inisang tungga ang laman ng kopita sa harapan niya. Napapangising umiling ako bago ako sumandal sa upuan ko at tumingin sa bar ng lugar. Tinaas ko ang kamay ko at nakita ko roon si Killian na nakuha ko naman agad ang atensyon at nag thumbs up sa akin.

"Abs ko na naman ang napagtripan mo Ate Hera. May Thunder ka na. 'Wag mo na akong pagnasaan kasi hindi talaga tayo talo." Sinaklit pa ni Ocean ang tapat ng dibdib niya na para bang hirap na hirap siya sa desisyon.

Nagliparan ang french fries na nagmula sa mga agent na kasama namin at tumama sa kaniya ang mga iyon nang halos sabay-sabay namin siyang binato bilang sagot sa sinabi niya.

"Hindi ka pa umiinom naghahallucinate ka na agad." sabi ni Chlymate na binato ulit ang lalaki. "Ikain mo na lang 'yan bebeboy."

"Hindi na ako baby!" singhal ni Ocean at tumayo pa. Sa panggigilalas ng lahat ay sinimulan niyang itaas ang damit niya na para bang may gustong patunayan. "Hindi rin imaginary ang abs ko!"

Natatawang pinigilan ni Chlymate ang damit ng binata para hindi iyon maiangat pa habang si Rushmore naman ay tumayo at nilagay sa headlock si Ocean. "Tara na nga. Baka hindi matunawan ang asawa ko sa'yo eh."

Hinila niya ang lalaki patungo sa pool table na nasa isang panig ng Paige's. Si Erebus naman na kanina ay nakahalukipkip at nakapikit ang mga mata ay nagmulat na at tumayo. Akmang maglalakad siya patungo sa iba pa naming kasamahan pero huminto siya at lumingon sa gawi namin.

"You're not coming?" he asked, looking at Thunder's direction.

Tumingin sa akin si Thunder na prenteng nakasandal din sa kinauupuan habang ang isang kamay ay nakapatong sa likod ng akin. "Are you okay here?"

"Go." sagot ni Den para sa akin. "Hindi malalapitan kahit ng lamok ang prinsesa mo kaya sumama ka na sa kanila para mailampaso kayo ng Rushmore irog ko."

"Thunder's good at pool." I said with a raised eyebrow.

"Mas magaling ang asawa ko."

"Bata pa lang si Thunder marunong na siyang maglaro niyan."

"Sanggol pa lang si Rushmore marunong na siya."

"Fetus-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang natatawang kinintalan ako ng halik sa noo ng binata. Kinindatan niya pa ako bago siya tumayo at nangingiting tinungo ang mga kasamahang lalaki.

I can't help but stare at him as he walked towards the other guys. Sa kabila ng may kadiliman na bar at sa ingay ng mga taong may kaniya-kaniyang mga kasama ay hindi lingid sa akin ang mga matang nakasunod kay Thunder.

He has that aura...a commanding one. Para bang may kung anong nagsasabi sa'yo na tignan mo siya.

I've known him forever and I still can't stop myself from being dazzled by his presence. He's the perfect description for a badass that women go crazy for. With all that tattoos, his towering height, and the confidence that just radiates around him...Yum.

"Wag mo masyadong titigan. Baka matunaw ang panty mo niyan."

"Yuck, Ate Den."

Nalukot ang ilong na nilingon ko ang mga sumira sa moment ko. May pinagnanasaan pa eh. Mga istorbo.

Tatawa-tawa lang si Den na may hawak na kopita ng alak habang si Chalamity na nakatingin sa kaniya ay hindi na maipinta ang mukha sa pagkakangiwi.

"Balang-araw, matutunaw din ang panty mo para sa isang lalaki."

Nagkatinginan kami ni Athena sandali bago kami sabay na nagkibit-balikat. May point naman kasi. "Very Philosophical, Ate Den."

Den shrugged with a confident smile. Si Chalamity naman ay pinaikot ang mga mata niya. "Sakit lang ng ulo ang mga lalaking 'yan."

"True." sang-ayon kaagad ni Nyx.

Hindi nagsalita ang Wright Twins pero halos sabay nilang itinaas ang baso nila ng alak bilang pag sang-ayon.

"Ganiyan naman ang press release ng mga walang jowa." sabi ulit ni Den.

Chalamity narrowed her eyes, "It's just the simple truth."

"Cha." tawag ko sa atensyon niya. "Asawa mo man, boyfriend, o basta lalaki...lahat 'yan sakit ng ulo. Kailangan mo lang makahanap ng taong worth it ng stress mo."

"I second to that. As if napaka-angelic naman nating mga babae." sabi naman ni Athena.

"Wait up, wait up. May hugot ba 'yang sinabi mo?" nakataas ang kilay na tanong sa akin ni Den.

Minsan nakakalimutan ko rin talaga ang natural talent ni Den na mag detect ng mga issue sa paligid. Kaya nga hindi na nakakapagtaka na naging reporter siya. May in born talent na kasi siya sa pagsagap ng tsismis.

"Wala."

"Yeah right. I wasn't born yesterday, Hera Scott."

"Wala nga."

"Anong meron?" she pressed for answers. "Hindi pa nagpopropose?"

Kaniya-kaniyang reaksyon ang mga tao sa lamesa namin. Lahat sila ay inilapit ang katawan sa direksyon ko na para bang handa na handang makinig sa akin. I can't blame them. If I was not the person on the other end of this questioning, I'll be probably be intrigued too.

"Hindi. Wala ngang problema." pagkumbinsi ko sa kanila. "We're fine."

"You don't look fine. Para kang babae na may period na hindi pa nag-aalmusal." sabi ni Den.

Itinaas ni Athena ang isa niyang kamay at tumango-tango, "As her bestie, I confirm that."

Napabuntong-hininga na lang ako. Kahit anong sabihin ko sa kanila alam ko naman na hindi ko sila mapipilit maniwala sa akin. Kung ako nga hindi ko makumbinsi ang sarili ko na okay lang ako.

I mean. I should be okay right? Maybe I'm reading too many things to something that is not even a problem.

"Oh right. I know."

Nagtaas ako ng tingin kay Den nang marinig ko ang sinabi niya. Ganoon na ba talaga ako ka-predictable? Mukha na ba talaga akong hayok na hayok kay Thunder?

"W-What?" kinakabahang tanong ko sa babae.

"You're having an "I want a baby" syndrome."

Nag iritan ang mga kasamahan namin na halatang mga excited. Tanging ang Wright Twins lang ang biglang kinuha ang mga cellphone nila at nagtitipa ro'n.

"I'm not!" I hissed before I stood up and grab the twins' cellphones. Nagtagis ang mga ngipin ko nang makita kong kasalukuyan na sana nilang ibabalita sa lahat ang narinig. "I'm confiscating this until the end of this night."

"Corny neto." reklamo ni Eris.

"Hindi kita bati." sabi naman ni Enyo.

Hindi ko na sila pinansin at sa halip at itinuon ko ang naniningkit na mga mata kay Den. "I'm not."

"Omg, friend! May listahan ako ng baby names. Gusto mo?" tanong ni Athena na halatang hindi pinagtutuunan ng pansin ang sinabi ko. "I have a lot just in case gusto pa naming dagdagan ang mga chikiting. Nong mga panahon 'yon na akala ko isa-isa lang ang magiging anak ko. Now I'm forgetting about that idea kaya ikaw na lang ang gumamit nito."

"Huhulaan ko. Puro pangalan 'yan na connected sa alcohol?"

"Well...yeah."

"I'm a huge drinker, Athena. Kung ipapangalan ko pa sa alcohol ang mga magiging anak ko baka lalo akong mapagbintangan na alcoholic."

"Then name them after a healthy drink."

"Walang healthy na alcoholic drink." naiiling na sabi ko.

"Eh di sa pagkain na lang."

"Sure. I'll name my child Kinchay just for the heck of it."

Mukhang nahalata na ng mga kasama ko sa lamesa ang tuluyang pagkawala ng kakarampot ng good mood na dala ko nang pumunta kami rito sa Paige's. Napapabuntong-hininga na sumandal ako sa kinauupuan ko at humalukipkip.

"We haven't made love for awhile."

Namilog ang mga mata ng ilang mga babaeng agent habang si Den at Athena naman ay nakakaunawang tumango.

"Hindi pa ba pwede? Dahil kagagaling niya lang sa sakit?" tanong ni Athena.

"Nope. He's been cleared for that kind of activity."

"Maybe he just want to take everything slow." sabi ni Den. "Masyado ring naging mabilis kasi sa inyo ang lahat."

"If that's the case I would understand. But I can feel him pulling away from me and that's not a good sign right?"

"Hera-"

Hindi ko pinatapos si Athena sa sasabihin niya. Pakiramdam ko lahat ng takot at mga tanong na naipon sa dibdib ko ay rumaragasang lumalabas mula sa akin. "He's not sick anymore. He's not running out of time. He never dated before kasi ayaw niyang magkaroon ng attachment sa kahit na sino. Kasi alam niyang iiwan niya rin ang taong iyon. But now his time is running like ours. Paano kung...pano kung narealize niya na ngayon na malaya na siya? That he can have fun as long as he want to like he used to do. That he don't need to take things so seriously anymore because he can find the right woman someday without needing to settle with me?"

Masuyong ginagap ni Athena ang kamay ko, "This is Thunder we're talking about Hera. Kilala man siya ng lahat bilang playboy rock star but he's never been like that with you. Mula pa noon iba na ang trato niya sa iyo."

"Then why is he pulling away? Bakit pakiramdam ko kahit kasama ko siya ay may distansiya sa pagitan namin?"

"Maybe you're reading too much into this. Baka tama si Ate Den. Maybe Thunder just want to have more time with you without engaging in sexathon like you did before. Noon na parang lahat minamadali niyo kasi bawat bukas niyo ay hindi sigurado. But now you have time to know each other more."

"Do you really believe that we're fucking like bunnies before?" I asked her, looking straight into her eyes. "The man had a heart condition, Athena. Pinagtitripan ko lang kayo noon kasi natutuwa ako sa reaksyon niyo. We spend more time cuddling and talking nonstop until we can see the sun rising from our windows than having sex."

Hindi niya nagawang makasagot maging ang iba pa naming mga kasama. Ilang sandaling katahimikan ang namayani habang ako ay walang nagawa kundi mapatungo na lang. They can't give me answers. Dahil iisa lang namang tao ang makakasagot sa lahat ng katanungan sa utak ko.

"Alrightie!" sigaw ni Chalamity na hinila patayo ang nakapalumbaba na si Nyx. "Ang gabi na 'to ay para sa chef's knife ni Ocean. Kaya kailangan nating mag celebrate!"

"I'll celebrate for that knife when I can stab someone with that." I said grimly.

"Alrightie!" panggagaya ni Enyo sa sinabi ni Chalamity kanina. Tumayo na rin siya pagkatapos at pinandilatan ang mga kasamahan namin. "We're celebrating...we're...umm..."

Itinaas ni Den ang baso niya ng alak, "Para sa kagandahan nating lahat. Cheers!"

Kaniya-kaniya sila ng taas ng mga baso ng alak habang si Athena naman ay pinahawak sa akin ang baso ko at pilit na itinaas ang kamay ko. Nang ibaba namin ang mga iyon ay sa pagkabigla ko, pinilit din ako ng babae na tumayo.

"This night is our break from dramas. Wala tayong gagawin ngayon kundi mag-inom at magsayaw. Everyone agree to that?" tanong niya.

"Yes!" sang-ayon ng lahat.

Naniningkit ang mga matang nilingon ako ni Athena, "Hera?"

"Whatever." sabi ko at hinila ang braso kong hawak niya. "Bago niyo punuin ang bahay-alak ko, pupunta muna ako sa washroom."

Hindi ko na hinintay pa na may sumagot sa kanila at tumalikod na ako papunta roon. Nasa kabilang panic iyon ng lugar. Malapit sa lugar kung saan kasalukuyang nagkakasayahan ang mga lalaki sa paglalaro ng billiard.

I should have gone straight to where I need to go. Dapat hindi ako tumigil. Dapat hindi ako lumapit. Dapat hindi ako nakinig.

I shouldn't have because now the fear inside me grew until I can't breath by the weight of it.



THUNDER'S POV

Huminto ako sa pag-analisa sa mga bolang nasa harapan ko at napatingin ako sa kanina ay kinaroroonan ng mga kasama naming mga babae. I saw them dancing awhile ago but now they're not on the dance floor that are now packed with people. Hindi ko rin sila matanaw sa lamesa na inookupa namin kanina.

"Where are they?"

"What?" tanong ni Rushmore na nilingon ang tinitignan ko. Napadiretso din siya sa pagkakatayo at bago pa may makapagsalita sa amin ay naglakad na siya paalis.

Binitawan ko ang hawak na billiard stick at sinundan ko ang lalaki. I manage to get away by the jammed dance floor and I almost bumped to Rushmore when he suddenly stopped.

Sumilip ako mula sa likod niya dahilan para makita ko ang nakakuha ng atensyon sa lalaki.

A smile curved on my lips when I saw the women. Nakayukyok sa lamesa sina Eris at Enyo, nakahiga sa dalawang magkadikit na upuan si Chalamity, habang si Athena, Den, at Hera ay nakasalampak sa sahig. Nakasandig ang mga ulo ni Athena at Hera sa balikat ni Den na mukhang hindi din maiangat ang ulo niya.

Tanging si Nyx lang ang mukhang nasa katinuan pa rin sa kanila na kasalukuyang prenteng nakaupo sa isa sa mga silya at naglalaro sa cellphone niya.

"You didn't try to stop them?" tanong ni Rushmore kay Nyx.

"Don't blame me, Kuya. Kasing dami lang din ng ininom ko ang sa kanila." sandaling inalis ng babae ang tingin sa cellphone at tinapunan ng tingin ang direksyon nila Hera. "Usually si Ate Hera ang laging panalo pero walang laban ang kahit na sino sa alak kapag emosyonal."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya pero bago ko siya matanong tungkol sa sinabi niya ay narinig ko ang boses ni Hera na nagsalita.

"Thersh my man."

Nangingiting umuklo ako sa kinauupuan niya at marahang hinawi ko ang buhok niyang sumabog na sa mukha niya. "What have you been up to, baby?"

"Nag shelebreyt kami."

"Aww. Para sa chef's knife ko?" singit ni Ocean.

"Hindi. Para sha kagandahan namin." Halos hindi maimulat ni Hera ang mga mata niya nang mag-angat siya ng tingin sa gawi ni Ocean. "Anong kushilyo ang sinasabi mo? Shakshakin kita diyan eh."

"Kahit talaga lasing ang sama ng ugali mo sa'kin."

"Hindi kita khilala. Who you?"

I can't help but chuckle at their banter. Lagi naman ganiyan ang dalawa mula't sapul. Ang hilig kasi ni Ocean patulan ang mga trip ni Hera noon dahil nagpapapansin. Pansin naman lahat ang pagkakaroon niya ng crush noon sa babae.

"Let's go home, babe." I said to Hera as my hand gently traced her cheek.

"Hindi sha sasama sa'yo." sabi ni Den na tinapik pa ang kamay ko dahilan para maibaba ko 'yon. "Pangit ka."

"What-"

"Shino ka ba sa akala mo? Intayin mo lang. Lalashlashin ko ang mga gulong ng koshe mo!" sikmat naman ni Athena sa akin. Umalis siya mula sa pagkakasandal kay Den at akmang kakalmutin ako pero nawalan lang siya ng balanse sa ginawa. Kung hindi pa may mga kamay na sumalo sa kaniya ay baka sumubsob na siya sa sahig.

"Nahanap ko rin ang asawa kong kanina ko pa hinahanap." Ang naka-pajama pa na si Fiere ang siyang nagsalita. Walang kahirap-hirap na inangat niya mula sa semento ang asawa niyang yumakap lang sa kaniya. "Maiwan na namin kayo. Umuwi ka na rin Archer at si Aiere ang nagbabantay ngayon kaila Ains at sa kambal. Pero bilan mo muna raw siya ng vanilla ice cream."

Sumaludo lang si Archer na nauna ng lumabas. Si Erebus naman ay lumapit sa kambal bago tinignan si Nyx, "Tig-isa tayo?"

"Ayoko. Lasing din ako."

Naiiling na tinapik ni E ang natutulog na isa sa kambal, "Enyo?"

"Si Eris ako."

"Right. Can you walk? I can only carry one of you."

"I got her."

Stone suddenly came out of nowhere and pulled the other twin, Enyo, from her seat. Kung gaano siya kabilis dumating ay ganoon din siya kabilis nawala. I'm pretty sure that's Stone because Blaze is out for a mission.

"Nyx, let's go." E said, carrying the now, passed out Eris.

"Ayoko nga."

"Nyx."

Naiinis na ibinaba ni Nyx ang cellphone niya bago tumayo. Muntik pa siyang sumubsob kung hindi lang siya nakahawak sa lamesa. Akmang dadaluhan siya ni E pero karga ng lalaki si Eris.

"I'm fine. Kaya ko na ang sarili ko." sabi ni Nyx.

Hindi pinansin ni E ang sinabi ng babae at sa halip ay timingin siya sa direksyon ni Ocean na kaagad namang lumapit kay Nyx. Si Chlymate naman ay walang salitang lumapit kay Chalamity.

Pagkaraan lang ay kami na lang ni Rushmore ang naiwan habang ang asawa niya at si Hera ay nakasalampak pa rin sa sahig. Akmang hahawakan ko ulit si Hera pero nagmulat lang ng mga mata si Den at pinanlisikan ako ng mga mata.

"Hindi ka namin khilala. Go away!"

Nag-angat ako ng tingin kay Rushmore na naiiling na tumalungko para maihiwalay ang asawa niya sa babae na ngayon ay yakap-yakap ni Den.

"Ayoko shumama sa'yo!"

"I'm your husband, Denaley Brel Siyreen Montevedre Chandler."

"Ay oo nga!" nakangising sabi ng babae. Hindi pa rin niya binibitawan si Hera. "Can we keep her?"

"She's not a pet."

"So we can't?"

Imbis na sagutin ang tanong ng asawa ay pilit na pinaghiwalay na niya ang dalawa. Maagap na sinalo ko si Hera bago pa dumausdos ang babae na parang wala ng buto sa katawan dahil sa panlalambot. How much did they drink that she's at this state?

"Baby...hey." I whispered to her while gently tapping her. Nagmulat siya ng mga mata at kaagad na sumilay ang ngiti sa mga labi niya, "There's my princess."

"That's me..."

"Yes you are." May kung anong nagbago sa ekspresyon sa mukha niya habang nakatingin sa akin. Hindi maintindihan ang pagbabago na iyon na hinaplos ko ang pisngi niya. "What's wrong?"

"Don't leave me. Please don't."



__________________________End of Chapter 34.

Continue Reading

You'll Also Like

227K 14.3K 51
For Luna Alondra Dawson, marriage is a word so simple but holds so much weight. Some people are scared of it, some don't care much about it, for some...
3.9K 98 23
DISCLAIMER/WARNING!!! This story might serve or contains self-harm, suicide, cutting, explicit language. Please, if you are in the emotional/mental s...
6.1K 612 5
Five years ago, Serenity Gonzales married the French man, Etienne Cartier, in Paris, France. They weren't even friends. They met at a party and after...
200K 8.3K 17
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.