The Vampire King's Beloved

De imperial_gem

57.3K 4.5K 1.6K

Sirene Creed, the destined beloved of the vampire prince. The destined beloved who will bear the child of the... Mai multe

Introduction
Chapter 1: Sirene, Run!
Chapter 2: Valencia
Chapter 3: Troy Ashvill
Chapter 4: He's a Master?
Chapter 5: Blood Lust
Chapter 6: Valencia Empire
Chapter 7: Rain Ashvill
Chapter 8: Vampire Hunter
Chapter 9: Abducted
Chapter 10: Sirendepity
Chapter 11: Sirene's Dead?
Chapter 12: Burn Into Ashes
Chapter 13: Special Weapon
Chapter 14: Deceive
Chapter 15: Hidden Treasure
Chapter 16: War against Valencia
Chapter 17: Glimpse of the Past
Chapter 18: The Prophecy
Chapter 19: Unknown Identity
Chapter 20: Unfold the Past
Chapter 21: Troy's Revenge
Chapter 22: Escaping Alegria
Chapter 23: Captured
Chapter 25: A Vampire's Battle
Chapter 26: Fight, Sirene
Chapter 27:After Death
Chapter 28: A Vampire's Bite
Chapter 29: Awaken
Chapter 30: Changes
Chapter 31: Mating
Chapter 32: Vampire's Instinct
Chapter 33: Moments
Chapter 34: Secured
Chapter 35: Simulation Room
Chapter 36: Sirene's Training
Chapter 37: Under the Tree
Chapter 38: The Mating
Chapter 39: Sacrifice
Chapter 40: Final Chapter
Epilogue

Chapter 24: Queen's Pendant

967 76 8
De imperial_gem

Chapter 24: Queen's Pendant

Nakabalik kami sa palasyo at ngayon ay sinigurado na talaga ni Gilbert na bantay sarado kami. Maraming mga kawal sa silid kung nasan kami iginapos. Pinalilibutan ng malalaking kadena ang katawan namin dahilan upang isang galaw lang namin ay masasaktan talaga kami.

Tiningnan ko si Clark na hanggang ngayon ay dumudugo pa rin ang mga kamay at katawan. Hindi ko kayang makita siyang ganyan. Kasalanan ko 'to.

Hindi ko alam kung bakit hindi na lang siya umalis at hinayaan na lang akong makuha nila. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinulongan.

Napabuntong hininga naman ako at napakagat sa labi ko ng maramdaman ang hapdi sa buong katawan ko. Kanina ay ang lakas lakas ko ngayon namay ang hina hina ko.

Napa angat naman ako ng paningin ng biglang may pumasok sa loob ng silid.

"Igapos niyo rin 'yan!" usal ni Kael at tinuro ang lalaking ngayoy nakahandusay na sa sahig.

Hindi ko masyadong makita ang pagmumukha ng lalaking nakahalandusay dahil sa namumuong luha sa mga mata ko.

Kaya ilang beses akong kumurap para luminaw ang paningin ko at ng nakakita na ako ng maayos ay agad na tumambad sa harap namin si Ginoong Greg na malubhang nasugatan. Dumudugo ang labi niya.

"G-Ginoong Greg!" usal ko at nakita ko namang nabigla rin siya ng makita ako.

Pero mas nabigla siya ng makita si Clark sa tabi kong nakagapos din.

"S-Si-re-ne!" putol putol na usal niya habang iginagapos siya ng isa sa mga kawal.

"Bakit po kayo nandito?" takang tanong ko at tiningnan ang leeg nitong namumula.

Yumuko naman si Ginoong Greg at pilit na hinuhugot ang buong lakas niya.

"N-Nalaman ni Gil-bert na nag traydor ako. Na tinulongan kita kaya ka nakaka-alala ngayon." wika niya at iniwas ang tingin sa akin.

Bigla naman akong nakaramdam ng awa sa sinabi niya. He doesn't deserve this. No one deserve to be treated like this!

"P-Pasensya na Ginoong Greg." marahan kong wika at yumuko na lamang.

Sana ay hindi na lang ako nagsubok na lumabas pa. Ba't ba kasi hindi ako nag-iisip? Kung sanay nagpanggap na lang muna ako edi sana hindi sila napahamak. Wala sana si Clark at Ginoong Greg dito!

"Huwag kang mag-alala Sirene, kaya ko ito.." mahinang usal niya at binigyan ng tingin si Clark na ngayoy nakapikit ang mga mata.

"Tinulongan niya po akong makalabas dito. Kasalanan ko kung bakit siya nandiyan." wika ko at iniwas ang tingin.

Wala akong silbe! Problema lang ang dala-dala ko!

Simula bata pa ako ay lahat na lang ng taong pumoprotekta sa akin ay naghihirap, nasasaktan at namamatay. Wala silang ibang ginawa kundi iligtas ako pero heto ako ngayon, ni hindi man lang kayang iligtas ang sarili dahil palaging nakadepende sa mga taong handang tulongan ako. Dapat ikaw lang ang naghihirap ngayon Sirene. Hindi ka na sana nandamay pa.

Napatingin naman kami sa gawi ni Clark ng nagsalita siya. Umubo pa siya ng dugo ng pinilit niyang magsalita.

"H-hindi ako nagsi-si na tinulo-ngan kita Si-rene... Okay lang a-ko. At mas nanaisin ko pang ma-matay na ginagawa ang tama kay-sa sunod-sunoran lang sa kamay ng walang-yang hari na iyan!" usal niya na mas lalong ikinabigat ng pakiramdam ko.

See? Lahat sila tinutulongan ako pero ni hindi ko man lang kayang tulongan ang sarili ko.

"H-Huwag kang mag-alala Sirene. Darating sila." sabi ni Ginoong Greg na ikinatigil ko.

Anong ibig niyang sabihin?

Sinong darating?

Tatanongin ko pa sana si Ginoong Greg tungkol sa sinabi niya ng biglang pumasok si Gilbert kasama si Kael at Rash sa likuran niya. Inirapan ko naman sila at tinitigan ng masama.

"Tingnan mo nga naman! Ang dalawang traydor at ang munting prinsesa. Nakagapos." usal ni Gilbert at tinawanan kami.

"Kung hinayaan mo na lang ang sarili mo bilang si Irene, bilang anak ko ay hindi ka na sana naghihirap ng ganito." wika niya at nilapitan ako.

"Pero dahil may nanggugulo sa isipan mo at nagpadala ka naman kaya ayan! Ayan kayo!" galit na wika niya at tiningnan ng masama si Ginoong Greg.

"Traydor! Sana hindi na kita binuhay pa noon!" bulyaw nito kay Ginoong Greg at tiningnan ako ng matalim.

"Pero dahil nandito na tayo..." tumigil siya at hinawakan niya ng mahigpit ang mukha ko.

Nakita ko pa sa mga gilid ng mga mata ko ang pag-galaw ni Ginoong Greg at Clark. Ramdam kong ayaw nilang masaktan ako.

"Gusto kong sagotin mo ang tanong ko." sabi niya at itinaas ang isang kamay niya. Inutusan niya si Kael at Rash na lumapit.

Nabigla naman ako ng makitang hinawakan ni Kael si Clark at hinawakan din naman ni Rash si Ginoong Greg sa ulo nito. Anong gagawin nila?

Agad akong nataranta at 'di mapakaling napatingin kay Gilbert na ngayon ay nginingisihan ako.

"Kung hindi mo sasagotin ang tanong ko... sila ang malalagot." wika niya at itinuro si Ginoong Greg at Clark.

"Napakasama mo!" sigaw ko at dadambahin na sana siya ng maalala kong nakagapos nga pala ako kaya mas lalo lamang akong nasaktan.

Tinawanan niya naman ako at muling hinawakan ang mukha ko.

"Simple lang naman ang tanong. Alam kong may naaalala ka na, kaya paniguradong alam mo rin kung nasaan ang kwintas. Kaya ngayon nasaan ito?" tanong niya dahilan upang mapakunot noo ako.

"Anong kwintas ang sinasabi mo?" takang tanong ko.

Hindi ko alam ang pinagsasabi niya. Tila naman may naramdaman akong malakas na pwersa na pumapasok sa isipan ko. Na para bang gustong may magbukas ng lahat ng impormasyong nasa isipan ko. Pero dahil may natitira pa akong lakas pinilit ko ang sarili kong paalisin ang pwersang iyon sa isipan ko. Dahil alam kong ang pwersang iyon ay si Gilbert. Binabasa niya ang nasa isipan ko.

Nakita ko namang napakunot noo siya ng maramdamang hindi siya makapasok sa isipan ko.

"Magaling! Alam mo na pala kung paano isara ang isipan mo." wika niya at tiningnan ng bahagya si Ginoong Greg na masama pa ring nakatitig sakanya.

"Tatanongin kitang muli. Nasaan ang kwintas?" tanong niya.

Napabuntong hininga naman ako at inirapan siya.

"Diba sabi ko hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo! Wala akong itinatagong kwintas!" sigaw ko sakanya.

Nakita ko namang hindi siya naniniwala kaya tinangoan niya si Kael. Nataranta ako ng makitang dahan-dahang inilagay ni Kael ang tuhod niya sa balikat ni Ginoong Greg at unti-unting inikot ang ulo nito. Tila ba binagsakan ako ng malamig na tubig.

"S-Sandali!" sigaw ko.

"Ano bang kwintas ang sinasabi mo?" tanong ko at tiningnan si Gilbert.

Nakita ko pang umangal si Ginoong Greg ng nagsalita ako.

Napangiti naman si Gilbert at binitawan ang mukha ko.

"Ang kwintas na ibinigay sa iyo ni Troy. Nasaan iyon? Ang kwintas na ikaw lang ang tanging makakasuot. Ang kwintas ng reyna. Ang kwintas na tanging ang kaagapay lang ng hari ang makakasuot. Nasaan iyon?" litanya nito na ikinaisip ko.

Kwintas? Hindi ko alam kung anong kwintas ang pinagsasabi niya.

"Alam kong nasa sa iyo ang kwintas na 'yon!" bulyaw niya.

"Inutosan ko pa ang babaeng 'yon na hanapin ang kwintas sa'yo pero wala naman akong napala! Hindi niya nahanap. Namatay na lang ang asawa niya pero wala pa rin! Pero dahil nandito kana ikaw na mismo ang magsasabi sa akin kung nasaan iyon." usal niya, pero wala talaga akong maalalang kwintas.

Mas nagulohan lang ako lalo sa mga sinabi niya. Sino ang babaeng inutosan niyang hanapin ang kwintas ang ibig niyang sabihin? Namatay ang asawa?

Parang naramdaman naman niyang nagtataka ako sa mga sinabi niya.

"Hindi mo alam? Kami ang pumatay ng itay-itayan mo! Akala mo lung cancer ang kinamatayan?" wika niya at sabay ngisi.

"Hindi! Kaya nga inutosan namin ang asawa niya na hanapin ang kwintas sa iyo. Kapag hindi niya gagawin ay siya ang susunod na mamamatay. Ano nga ang pangalan non? Lita? Pero kaya lang pagbalik namin don ay wala ka na! At hindi niya nakuha ang kwintas na pinapahanap namin kaya nakaka awa nga! Dahil maaga siyang binawian ng buhay." prenteng pagkakasabi niya.

Tila ba nabingi naman ako sa lahat ng mga nalaman ko. Naalala ko ang araw ng pagkamatay ni Itay Rico. Umiyak ako na hindi makapaniwalang namatay siya dahil sa lung cancer pero mas umiyak ng sobra si Inay noon, ramdam kong nahihirapan siya.

Pero 'yon naman pala hindi pala namatay si Itay dahil sa lung cancer! Pinatay pala siya!

Bigla namang sumagi sa isipan ko ang mga araw na palagi akong pinipilit ni Inay na ibigay sa kanya ang kwintas. Na kahit hindi ko alam ang sinasabi niya ay pinipilit niya pa rin akong ibigay iyon. Kaya pala hindi niya ako pinapalabas ng bahay at pinapakain! Dahil inutosan siya ng walangyang Gilbert na ito kung hindi ay mamamatay siya!

Napatingin naman ako ng masama kay Gilbert. Nararamdaman ko na rin ang pamumuo ng mga luha sa mga mata ko.

"Anong ginawa mo sakanya!" sigaw ko at pilit na pinipigilan ang mga luha kong bumagsak. Alam kong may ginawa sila kay Inay pero hindi ko kayang paniwalaan.

"Anong ginawa namin? Makikita mo! Lalo na kapag hindi ka sasagot ng maayos sa tanong ko." wika niya at itinuro si Clark at Ginoong Greg na ngayon ay hinahawakan pa rin ng mahigpit nila Kael at Rash.

Tiningnan ko siya ng masama at gumalaw galaw kahit alam kong masasaktan ako sa higpit ng pagkakagapos ko sa kadena.

"Walanghiya ka! Aaaaaaah!" malakas na sigaw ko at nagwawala.

Hindi ako makapaniwalang idadamay niya ang inosenteng mga tao. Hindi niya dapat dinamay si inay at itay! Kinupkop nila ako at pinalaki ng maayos sa kaonting panahon na iyon at ng dahil lang sa kwintas na 'yon ay nagkawatak watak na lahat!

"Magbabayad ka! Aaaaaaaaaah!" sigaw kong muli at pilit na inabot siya pero hindi ko kaya.

Napahagulhol na lamang ako ng marinig ko si Clark na pinipigilan akong gumalaw.

"S-Sirene masasaktan ka niyan sa ginagawa mo!" sabi ni Clark at gumalaw papalapit sa akin.

"Ano? Sasabihin mo na? Nasaan ang kwintas!" tanong muli ni Gilbert. Duduraan ko na sana siya ng biglang may sumagi sa isipan ko.

Naalala ko ng mga bata pa kami ni Troy ay may ibinigay siya sa aking isang pendant. Hugis puso ito at kulay itim. Kapag isinusuot ko ang kwintas ay nagiging pula ito.

Naalala ko rin kung paano ko hinubad ang kwintas sa leeg ko at ibinigay iyon kay Troy bago nangyari ang digmaan noon. Sinabi ko sakanya na isusuot niyang muli ang kwintas sa leeg ko kapag tapos na ang digmaan. Pero simula non hindi na kami nagkita pa. Hindi kailanman natapos ang digmaan at alitan.

Tiningnan ko si Gilbert at nginisihan.

"Wala sa akin ang kwintas." wika ko na ikinagalit niya.

Umiitim na rin ang mga mata niya, ibig sabihin galit na galit na talaga siya. Pinalilibutan na rin ng masasamang enerhiya ang buong pagkatao niya.

"Patayin sila!" sigaw ni Gilbert at itinuro si Ginoong Greg at Clark na siyang ikinagulat ko.

Agad akong nataranta at napabuga ng malalim na hininga.

"S-sandali! Wala sa akin ang kwintas dahil ibinigay ko ang kwintas kay Troy noon! Nasa sakanya ang kwintas at wala sa akin!" mabilis na pagpapaliwanag ko kay Gilbert dahilan upang matigil sila.

Naramdaman ko namang humina ang malakas na pwersa na dulot ni Gilbert. Simbolo iyon na naniniwala siya sa sinabi ko.

Wala naman talaga sa akin ang kwintas. Kahit pa patayin niya lahat ng nandito ay hindi niya makukuha sa akin iyon.

Nagkatitigan kami ng ilang segundo ni Gilbert bago pa siya nagsalita.

"Bitawan na sila! Kukunin natin ang kwintas kay Troy." malamig na utos nito at tumalikod.

"Sa oras na malaman kong nagsisinungaling ka. Hindi na ako mag dadalawang isip na patayin sila sa susunod!" sabi ni Gilbert bago tuloyang umalis.

I sigh in relief.

Buti na lang at naniwala siyang nagsasabi nga talaga ako ng totoo. Dahil wala naman talaga akong maibibigay sa kanila.

I groaned. Alam ko na ngayon kung bakit niya hinahanap ang kwintas. Dahil sisirain niya iyon. Sinabi sa akin ni Troy na dapat kung alagaan ang pendant dahil kapag masisira ito na hindi pa namin nagagawa ang proseso ng pagsasama, masisira ang itinakdang pagpasa ng trono.

Napayuko na lamang ako at hinayaan ang katawan kong humalandusay. Narinig ko ang pag-alis nila at ang pagtahimik ng buong silid.

Naramdaman ko rin ang pagbuntong hininga ni Ginoong Greg at ang malalim na paghinga ni Clark.

Kailangan naming magpahinga.

Dahan-dahan ko nalamang ipinikit ang mga mata ko at hinayaan ang sarili kong kainin ng kadiliman.

***

Continuă lectura

O să-ți placă și

1.7M 78.9K 53
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...
2.5M 100K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
189K 4.4K 54
What will you do if you end up in someone else body?
230K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...