Always unwanted 💯

By Dream_Secretly

463K 7.9K 295

The feeling of being an unwanted for everyone is sick. Nakakamatay at nakakapanghina ng kalamnan. No one will... More

Always Unwanted
PROLOGO
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13: AFTER 5 YEARS
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGO

CHAPTER 36

5K 90 9
By Dream_Secretly


Sa araw na 'to. Kami lang ni Mommy at Cain ang nasa Mansiyon. Naging abala na kasi sila Daddy, Kuya Vlane at mga pinsan ko sa pag-aasikaso ng mga hindi nila nagawang meetings noong nasa ospital ako. Natambakan sila ng paper works kaya halos wala na rin silang time magpahinga.

Si Lola Vicky naman ay parati nang kasama si Lola Amanda sa salon o pagsa-shopping. Noong maging close ang dalawang 'yon, hindi na namin mapaghiwalay. Silang dalawa lang daw kasi ang makakaintindi sa isa't isa. Parehas na daw kasi silang matanda.

Natutuwa na lamang kami kasi nage-enjoy silang dalawa sa buhay nila. Hindi na rin nanghihina o matamlay si Lola Vicky kaya hinahayaan na lang din namin. Kahit papaano kasi nakakalimutan niya ang pagkawala ni Lolo.

Binuhat ko si Cain nang abutan ko siyang naglalaro ng robot niya sa kusina. Nandoon din si Mommy na abala sa mga pagkaing nilalagay niya sa mga baonan.

Nginitian niya kami nang lapitan namin siya ni Cain. "Ready na ba kayo?" Tanong niya habang abala sa ginagawa. "Saglit nalang, victoria. Patapos na ako." Sabi niya.

Tiningnan ko ang mga niluto niya. "Bakit pa ho kayo nagluto, Mommy?" Tanong ko.

"Ano ka ba, nakakahiya namang wala tayong dala." Katwiran niya.

Napailing na lamang ako at pinanggigilan si Cain. Umupo ako sa isang stool 'tsaka ko siya binaba sa Island counter. Mahapdi pa kasi ang sugat ko. At hindi pa ako pwedeng magbuhat ng matagal.

Nakipag-kulitan na lang ako kay Cain habang inaantay si Mommy na matapos sa ginagawa. "Cain, ano ngang pangalan ni Mommy?"

"Liezel Muriel Dela Fuentes." Diretsong sagot niya.

Natawa ako. "Galing naman," Sinuklay ko ang medyo mahaba niyang buhok. "Hmm Ano namang pangalan ni Daddy?"

"Rodel Afonso Dela Fuentes."

Pumalakpak ako. "Siguradong hindi ka mawawala!" Sabi ko.

"Syempre! Well trained na 'yang kapatid mo." Natatawang sabat ni Mommy. Nasa Paper bag na ang mga pagkain at naghuhubad nalang siya ng Apron. "I'm done!" Anunsiyo niya.

Tumango ako at akmang bubuhatin ulit si Cain nang bigla akong mapaupo. Nasapo ko ang sugat ko.

"V-Victoria? Why? M-Masakit ba?" Tarantang tanong ni Mommy.

"Kumirot lang po.." Nakangiwing sagot ko.

Napabuntong hininga naman siya. "Huwag ka munang magbubuhat, okay? Pwede mo namang laruin si Cain ng hindi siya kailangang kargahin, eh." Alalang tanong niya.

Tumango lang ako at ngumiti. "I'm fine, mommy. Alis na po tayo?" Tanong ko.

Tinitigan niya ako. "Kaya mo ba? Pwede namang mamaya na lang tayo umalis? Tatawagan ko nalang si Jane.." Pinigilan ko siya ng akmang kukunin niya ang phone niya sa bag.

Umiling ako at malapad na ngumiti. "Mommy, relax. I'm fine." Hindi na siya dapat nag-aalala sa akin. Nalampasan ko na ang limang buwan ko sa COMA. I'll be fine.

Napalunok siya. "Okay. Just tell me kung may iba kang nararamdaman." Buntong hininga niya.

Tumango ako. Binuhat niya naman sa Cain at nagpatulong sa mga kasambahay para dalhin ang mga gamit namin. Sabay sabay kaming naglakad palabas. Nasa harap na rin ng entrada ang suv na gagamitin namin. Nag-aantay na doon ang driver.

Sa gitna ng byahe namin. Nakatanggap ako ng text kay Skyrile. Nagda-dalawang isip pa nga ako kung magre-reply ba ako o hayaan na lang. Magkasama kasi sila ni Kuya Zoel ngayon para tingnan 'yong lot na balak nilang patayuan ng hotel. 'Yon ang unang business nilang dalawa kung sakali mang itutuloy nila ang mga plano.

Hindi ko alam kung papansinin ko ba ang mga text niya. Baka kasi mapagalitan kami ni Kuya Zoel, eh. Galit pa naman 'yon dahil masyado kaming close ni Skyrile. Baka mas magalit kung distracted na naman si Skyrile dahil sa 'kin.

Ni-silent ko ang phone ko nang sunod sunod ang pagpapa-ulan ng message ni Skyrile. Nanginginig na ang cellphone ko. Balak niya atang punuin ang notification ko hanggat hindi ko siya nire-replayan.

Skyrile:
     —Hey!
    —Reply, baby!
    —Where are you?
    —Kumain ka na ba?
    —I love you..
    —Bakit hindi ka nagre-reply?
    —Baby?
    —What's wrong?
    —Are you mad at me?
   —Baby..ang sama na ng tingin ng kuya mo sa 'kin.
   —I think he'll gonna punch me.
  —Baby, help....

Me:
—Stop texting! Mag-focus ka muna diyan!

Skyrile:
    —Kumain ka na?

Napangiti ako.

Me:
—Yes. Ikaw?

Skyrile:
    —I can't eat. Masama ang tingin ng kuya mo sa 'kin. I think he'll gonna kill me.

Me:
—Mag-focus ka kasi muna diyan.  Kita nalang tayo mamaya, okay?

Skyrile:
—But baby..I miss you 😘

Napanguso ako. Emoticons talaga, skyrile? Para kang teenager.

Skyrile:
  —Baby? Sa'n 'I miss you too 😘' ko?

Me:
—Later 😛

Mas lumapad ang ngiti ko. Ang kulit talaga.

Skyrile:
  —Ang unfair! Mahal na Mahal kita tapos ako balewala 😭

Really? Natawa ako sa pagda-drama niya. Naimagine ko kasi ang mukha niya ngayon. Ang cute lang!

Me:
—Maya nalang kasi. Focus ka muna diyan kay Kuya .

Skyrile:
  —I love you 🥰

I love you, too. Pero, mamaya na kita sasagutin para mas ma-miss mo 'ko. 😉

Napatingin ako sa phone ko nang mag-vibrate 'yon ulit. May text ulit si Skyrile pero hindi ko na nabasa dahil mas nakakagimbal ang text ni Kuya Zoel.

Kuya Zoel:
   —Stop texting him! 🤨🧐☹️🤨😤😡😠🤬👿👎😖😣☹️😣😖😖🤨😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡🤬🤬🤬🤬🤬🤬🤬🤨🤨🤨🤨🤨🤨🤨🥶🥶🥶🥶🥶🥶🥶🥶🥶🥶🥶🥶🥶🤬🤬🤬🤬🤬🤬🤬🤬🤬🤬🤬🤬🤬🤬

Nabitawan ko nalang ang phone ko. Patay kang bata ka!

Natatawa nalang ako sa kakulitan ni Skyrile.

Nakarating naman kami kaagad ni Mommy sa bahay nila Mommy Jane, sa dati kong bahay. Nakangiti kong inalala ang bawat parte ng lugar na kinalakihan ko.

"Welcome!" Sinalubong kami ni Mommy Jane at Tito Zoey nang dumating kami.

Yumakap muna ako sa kanilang dalawa bago binati sila Manang at Ate Linda. Wala na daw si Tatay Seth. Umuwi na daw ito sa probinsiya at nangangamusta na lang daw paminsan-minsan.

"Hello, victoria!" Bati ni Naya nang maabutan ko itong nasa Sala kasama si Pony.

"Hello.." Ngumiti ako. Lumapit naman ako at nakipag-beso sa kaniya.  Nagbaba ako nang tingin kay Pony nang lapitan niya ako. "Hello there, little pony." Bumaba ako para mayakap siya. "Miss me?" Nakangiting tanong ko.

Tumango naman siya at muli akong niyakap. "I miss you a lot!" Magiliw niyang sambit.

"I miss you too.." Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago hinayaang bumati naman kay Mommy at Cain.

"Kamusta ang sugat mo, victoria? Balita ko hindi ka na daw mapilit nila tita na mag-wheel chair, ah?" Ngisi ni Naya.

Pabiro akong umirap. "Kaya ko na kasi. Well, minsan mahapdi pero sisiw na lang naman ang sakit." Sabi ko.

"Matigas nga talaga ang ulo," Natawa siya at napailing. "By the way, nagluto kami ni Mama. Madami at masarap!"

Napangiti ako. "Naaamoy ko na nga...." Ngumisi ako at lumingon kay Mommy Jane nang lapitan niya ako.

"Gusto mo bang silipin ang kwarto mo?" Tanong niya.

Excited akong tumango. "Pwede po ba?" Masayang tanong ko. Na-miss ko na ang kama ko at ang mga gamit na naiwan ko.

Hinaplos niya ang buhok ko. "Oo naman. Kwarto mo 'yon, eh. 'Tsaka wala akong pinagalaw doon except sa ilang paintings mo na sinabit ko sa dingding ng kwarto." Ngiti niya.

Kumunot ang noo ko. "Paintings ko po?" Tanong ko. Tumayo ako ng tuwid at binigay ang buong atensiyon sa kaniya.

Tumango siya. "Nakita ko 'yong mga painting na tinatago mo sa ilalim ng kama at kabinet mo. Kinuha ko 'yon at inayos sa kwarto mo." Bumuntong hininga siya. "Sobra ka sigurong nahirapan sa pagtatago ng mga 'yon sa 'kin. Sorry, anak..."

Hinawakan ko ang kamay niyang humaplos sa pisngi ko. "Kalimutan na po natin 'yon, mommy." Ngumiti ako.

"Thank you, anak." Nakahinga siya ng maluwag. "Sige na..puntahan mo na ang kwarto mo. Alam kong na-miss mo 'yon." Tinanguan niya ako.

Mas lalong lumapad ang ngiti ko. "Sige po," Excited akong tumalikod sa kaniya at masayang naglakad paakyat sa hagdan.

Mabibigat at maingay ang mga hakbang ko. Sa sobrang excited ko, nakalimutan ko na may sugat pa akong hindi pa lubusang naghihilom.

"Careful please, Victoria."

Napalingon ako kay Mommy Liezel nang sundan niya ako hanggang sa unang baitang ng hagdan. Nag-aalala ang mga mata niyang nakatuon sa 'kin.

Ngumisi lamang ako at tumango. Tinabihan naman siya ni Mommy Jane. "Ipapatawag ka nalang namin kapag kakain na." Sabi niya. Tumango lamang ako.

Natatandaan ko pa ang daan patungo sa kwarto ko kaya madali ko lang itong narating. Napangisi na lang ako nang tumigil ako sa pamilyar na pinto. Pinihit ko agad ang seradura at tuloy tuloy na pumasok sa loob. Sinara ko naman ang pinto pero hindi ko 'yon ni-lock.

Binuksan ko ang ilaw at tumambad sa akin ang walang pinagbagong kwarto ko noon, depende na lamang sa ilang paintings na pilit kong tinatago noon kay Mommy Jane. Nahanap niya nga talaga lahat at sinabit niya sa dingding ng kwarto.

Nakangiti kong pinagmasdan ang mga gamit na naiwan ko. Sari saring emosyon ang nararamdaman ko. Akala ko hindi na ako makakabalik dito. At akala ko wala na ang kwarto na 'to. Halatang inalagaan ang mga gamit ko. Malinis din ang kwarto, ni wala akong makitang alikabok.

Naglakad ako palapit sa bookshelf ko at hinaplos ang mga nakahilerang libro doon. Nasilip ko naman sa gilid ang kahon na nilalagyan ko ng mga gamit para sa pagp-paint ko. Ang mga paint brush ko na hanggang ngayon maganda pa rin at malambot. Iyong mga natira kong paint color nandito din. Hinaplos ko ang apron na punong puno na ng paint. Ito ang parati kong gamit noon. Nandito pa pala ang mga 'to...

Lumipat naman ang tingin ko sa study table ko, kung saan ako madalas mag-aral noon. Hinaplos ko ang table na wala man lang alikabok. Nakaayos ang mga pencil, ballpen at highlighter ko. Pati ang ilang notebook na naiwan ko, maayos din. Napansin ko ang isang tumbler sa gilid, katabi ng maliit na picture frame na may lamang litrato ko noong baby pa 'ko. Bigay ito ni Kuya Zoel sa akin noon.

Inabot ko ang tumbler at pinakatitigan 'yon. Na-imagine ko ang vegetable shake na laman nito noong binigay sa akin. Naalala ko na pinabigay pala ito ni Skyrile sa akin noon sa locker room. Siguro kapalit noong tumbler na binigay ko. Nasa kaniya pa kaya 'yon? O nakalimutan na rin niya?

Binaba ko na muna ang tumbler. Bumaling naman ako sa kama ko at umupo doon. Hinaplos ko ang comforter at ang unan ko. Dito ako nagpapahinga noon kapag nakakaramdam ako ng pagod. Ito ang comfort zone ko. Kapag malungkot ako noon, iniisip ko nalang na si Mommy Jane ang comforter na yumayakap sa akin at nagbibigay proteksiyon, tapos iyong mga unan ko naman ay si Daddy na naghehele sa 'kin hanggang sa makatulog ako. Magaling ang isip ko na gumawa ng senaryo noon kaya hindi ako madalas nalulungkot.

Pumikit ako at hinayaang bumagsak ang katawan sa malambot na kama. It feels good. Masakit man ang nakaraan ko, para sa 'kin masarap pa ring balik-balikan. Parte ang pamilya ko nang mga alaala ko noon, ayokong itapon.

Kinuha ko ang unan at niyakap ko 'yon ng mahigpit. Haaaay, ang sarap sa pakiramdam.

Finally, Aria. You're home.

Continue Reading

You'll Also Like

107K 1.7K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
44.9K 3.5K 41
[Completed] Jade Kyrie Archer is a beautiful and smart woman but she experienced to much pain from the past. Her parents and her older brother died b...
725K 25.3K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
4.5K 138 62
Luxwell Delavrin is a famous actor nowadays. Everything is in his, million of fans, luxury life, overflowing talent, wealth, fame, a good image in pu...