The Vampire King's Beloved

By imperial_gem

57.3K 4.5K 1.6K

Sirene Creed, the destined beloved of the vampire prince. The destined beloved who will bear the child of the... More

Introduction
Chapter 1: Sirene, Run!
Chapter 2: Valencia
Chapter 3: Troy Ashvill
Chapter 4: He's a Master?
Chapter 5: Blood Lust
Chapter 6: Valencia Empire
Chapter 7: Rain Ashvill
Chapter 8: Vampire Hunter
Chapter 9: Abducted
Chapter 10: Sirendepity
Chapter 11: Sirene's Dead?
Chapter 12: Burn Into Ashes
Chapter 13: Special Weapon
Chapter 14: Deceive
Chapter 15: Hidden Treasure
Chapter 16: War against Valencia
Chapter 17: Glimpse of the Past
Chapter 18: The Prophecy
Chapter 19: Unknown Identity
Chapter 20: Unfold the Past
Chapter 21: Troy's Revenge
Chapter 22: Escaping Alegria
Chapter 24: Queen's Pendant
Chapter 25: A Vampire's Battle
Chapter 26: Fight, Sirene
Chapter 27:After Death
Chapter 28: A Vampire's Bite
Chapter 29: Awaken
Chapter 30: Changes
Chapter 31: Mating
Chapter 32: Vampire's Instinct
Chapter 33: Moments
Chapter 34: Secured
Chapter 35: Simulation Room
Chapter 36: Sirene's Training
Chapter 37: Under the Tree
Chapter 38: The Mating
Chapter 39: Sacrifice
Chapter 40: Final Chapter
Epilogue

Chapter 23: Captured

947 73 13
By imperial_gem

Chapter 23: Captured

Nakatitig ako ngayon sa malapad na likuran ni Clark, tahimik lamang akong sinusundan siya. Sabi niya kanina ay sasamahan niya akong makaalis dito.

Malalim pa ang iniisip ko ng bigla akong natigil dahil bumunggo ako sa likuran ni Clark. Hindi ko namalayang tumigil na pala siya sa paglalakad.

"Ba't ka tumigil?" takang tanong ko sakanya.

"Nandito na tayo." wika niya na ikinalaki ng mga mata ko.

Agad akong sumulyap sa harapan niya at tumambad sa amin ang malaking tarangkahan papalabas sa village ng Alegria.

Tila ba nagsisitalunan ang puso ko ng makitang makakaalis na ako.

"Thank you!" masaya kong wika at tiningnan si Clark.

Hindi ko alam kung paano siya pasasalamatan. Kung hindi niya ako sinamahan ay paniguradong naligaw ako at baka mahanap pa ako ng mga kawal sa palasyo.

"Walang problema. Dito na lang kita masasamahan kasi kailangan ko ng bumalik." aniya, kaya tinangoan ko naman siya.

Tatalikod na sana siya ng bigla ko siyang tinawag.

"A-Ah Clark!"

Huminto siya at hinintay ang sasabihin ko. I gulp.

"Ba't niyo pala alam kung sino ako? Kasi kung hindi niyo alam ay paniguradong isinumbong niyo na ako."

Nagtataka kasi ako kung bakit nila ako kilala. Ibig bang sabihin niyan alam ng lahat ng nandito sa Alegria kung sino ako?

"Kilala namin si Ginoong Greg. Kaibigan niya ang ama namin kaya nalaman namin lahat ng tungkol sa'yo. Pero hindi lahat ng bampirang nandito sa Alegria ay kilala kung sino ka." he paused.

"Ang mga kawal at pinagkakatiwalaan lang ni Master sa palasyo ang may alam sa buong pagkatao mo." patuloy niya.

Kaya pala! Akala ko lahat sila alam kung sino ako. Tiningnan kong muli si Clark at nginitian sa huling pagkakataon.

"Maraming salamat talaga. Hindi ko alam kung papaano ka papasalamatan. Sige Clark at kailangan ko ng umalis. Mag-iingat ka sa pag-uwi!" sabi ko at tumalikod na.

Nakita ko namang tumalikod na rin siya at tuloyan ng naglakad pabalik.

Sabi ni Clark malayo ang lugar ng Valencia dito. Kaya kailangan kong magmadali. Susundan ko lang daw ang bawat punong may nakatatak na X sa gitna hanggang sa makaabot ako sa ilog. Pagkatapos ay tatambad sa akin ang gubat papalabas sa buong boundary ng Alegria. Sabi niya kanina na hindi daw ako maliligaw sa gubat palabas dahil agad kong maaniag ang kalye papunta sa lugar ng Valencia.

Hindi ko alam pero para bang bigla akong may naramdamang kakaiba ng nakalabas na ako sa tarangkahan. Hindi ko mawari kung ano iyon. Natatakot ako.

Hindi ko na lang tinuon ang pansin ko sa iniisip ko at tiningnan na lamang ang mga punong nakahilera sa daan. Malayo ang bawat agwat ng mga malalaking puno na may X na nakatatak.

Ilang minuto pa akong naglalakad hanggang sa mas naramdaman ko ang takot sa buong kalamnan ko. Hindi ko matansya kung bakit ko ito nararamdaman.

Huminto ako sa paglalakad at dahan-dahang tumalikod para tingnan ang likuran ko ng biglang tumambad sa akin ang mga kawal sa palasyo na mabilis na tumatakbo papalapit sa akin. Tila ba natigil ako.

Paano nila ako nasundan?

Tatalikod na sana ako ng makita sa mga mata ko ang katawan ni Clark na dugoan. Mabilis siyang tumakbo papalapit sa dalawang kawal at agad silang dinamba. Nakita ko kung paano niya ipitin ng malakas ang ulo ng kawal.

"Sirene tumakbo ka!" malakas na sigaw ni Clark dahilan upang mapabalik ako sa ulirat.

Agad akong humarap at mabilis na tumakbo papalayo sa kanila.

Natunton nila kami?

Ramdam ko ring pinahirapan nila ng malubha si Clark dahil sa mga pasang natamo niya sa katawan niya. Hindi ako makapaniwala! Nagsakripisyo siya!

Huminga ako ng malalim at hinugot lahat ng lakas ko. Tumakbo ako ng mabilis at naramdaman na lamang ang malakas na sensasyon sa buong katawan ko. Napasinghap na lamang ako ng makita ko kung gaano ako kabilis tumakbo.

Sumulyap ako sa likuran ko at napamura ng makita kung gaano rin kabilis tumakbo ang mga lalaki papalapit sa akin.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo habang sinusundan pa rin ang mga punong may nakatatak na X hanggang sa nakita ko nga ang ilog na sinasabi ni Clark.

Pero hindi pa nga ako nakakalagpas sa ilog ay may dumamba na sa aking malakas na bisig na tila ba kinukulong ako nito. Kaya hinugot ko ang buong lakas ko para itapon siya.

Natigil ako sa pagtakbo ng makitang pinalilibutan na ako ng apat na lalaki. Mapupula ang mga mata nila na para bang handa na silang patayin ako.

Lalapit na sana ang isang lalaki ng bigla ko siyang sinuntok ng malakas sa sikmura dahilan upang mapaatras siya. Napatingin naman ako sa kamao ko ng makitang hindi ako nakakaramdam ng hapdi. Na tila ba lumalakas ang buong katawan ko.

Tinitigan ko muli ang lalaki at dinamba ng malakas na suntok sa sikmura at mabilis na sinipa ang tuhod nito. Kinuha ko ang kamay ng isang lalaki ng makitang lumapit siya at agad na pinulupot ng mahigpit ang kamay niya.

Nararamdaman kong may pumapasok na enerhiya sa buong katawan ko dahilan upang mas lumakas ako.

Tiningnan ko ang isang lalaking naghahanda ng patumbahin ako pero bago paman siya nakakalapit sa akin ay agad akong tumakbo papunta sa likuran niya at sinipa ng malakas ang batok niya. Agad kong hinawakan ang ulo niya at mabilis itong inikot dahilan upang maputol ko ang ulo niya.

Nakita ko namang nabigla ang tatlong lalaki sa ginawa ko. Itinapon ko ang ulo sa kanila dahilan upang mas magalit sila.

Tila ba hindi ko kontrolado ang buong katawan ko. Na para bang ang galing galing kong makipaglaban. Akmang susuntokin na ako ng tatlo ng may humarang sa harapan ko at pinagsusuntok ng malakas ang mga lalaki.

"C-Clark!" gulat na gulat na wika ko ng makitang nasa harap ko siya.

Nakikita ko kung paano umagos ang pulang likido sa kamao at katawan niya. Maraming dugo na ang nawawala sa kanya!

Tiningnan ko ang isang lalaki na akmang hahawakan na ang ulo ni Clark sa likuran, pero bago paman niya iyon magawa ay agad ko siyang dinamba at mabilis na hinawakan ang batok at inikot ang ulo nito. Tinuhod ko ng malakas ang likuran niya dahilan upang bawian siya ng buhay at matanggal ang ulo niya sa katawan niya.

Napasulyap naman ako kay Clark ng makita ang huling lalaking kalaban niya. Kinagat niya ang lalaki sa leeg at sinipsip ang dugo nito dahilan upang mawalan ng buhay ang lalaki.

Hinihingal naman akong tumayo at napatitig sa buong katawan kong puno ng dugo.

"Sirene.." tawag ni Clark sa akin.

Ramdam kong nanghihina siya.

"Clark ba't ka pa bumalik? Sana ay hindi ka na nakipaglaban. Marami kang sugat na natamo!"

Pag-aalala ko sakanya at hinawakan siya.

"Hindi na tayo pwedeng magtagal dito. Marami pang mga bampirang susugod sa iyo kaya kailangan nating magmadali."

Kahit na nahihirapan siya ay nakakapag salita pa rin siya ng maayos. Ang maaliwalas niyang mukha kanina ay ngayoy natatabunan na ng pasa at dugo.

"S-Sige!" wika ko at inakay ang braso niya.

Nagkatitigan kami sandali pero ako na ang unang umiwas ng tingin. Hinayaan niya naman akong ilagay ang braso niya sa balikat ko. Kaya nong handa na kami ay sabay kaming tumakbo ng mabilis.

Nadaanan namin ang ilog at tumambad sa amin ang magulong gubat. Pero wala kaming tigil sa pagtakbo hanggang sa maaniag na namin ang kalye sa labas.

Tila ba sumasabay ang hangin sa pagtakbo namin. Mabilis ang bawat pangyayari at naguumapaw ang malakas na enerhiya sa buong paligid.

Makakalabas na sana kami sa gubat ng biglang may tumalon sa harapan namin. At doon namin napagtantong... bantay sarado na kami. Naabutan nila kaming dalawa.

Bumitiw sa akin si Clark at tiningnan ng masama ang mga kawal. Hanggang sa may nagsalita sa likuran namin at doon ko napagtanto kung sino iyon.

"Well well well! Dakpin sila!" malakas na sigaw ng isang baritonong boses.

Tumambad sa amin ang pagmumukha ng walanghiyang si Gilbert Ashvill. Sa tabi niya ay ang walang ka ekspresyong mukha ni Kael.

"Hindi ka na sana nag traydor Clark. Ikaw pa naman sana ang pinagkakatiwalaan kong sasama sa digmaan." malamig na wika ni Gilbert kay Clark pero mas nagalit si Clark at akmang susugorin na sana si Gilbert kung hindi lang siya napigilan ni Kael at ng mga kawal.

Napaluhod naman ako ng maramdaman ang lakas ng pagkakatulak sa akin ng lalaki. Nilagyan nila ng mahigpit na kadena ang kamay ko at hinawakan ako sa bawat gilid ng balikat ko.

"Hindi ko alam na makaka-alala ka pala Sirene. Kung hindi ka lang sana naging mausisa ay sana hindi mo ito mararanasan ngayon!" galit na usal ni Gilbert pero nginisihan ko lamang siya.

"Magkakamatayan man tayo pero hinding hindi ako susunod sayo! Kaya pala mas pinili si Haring Benedict na maging hari ng Valencia dahil mas magaling siya sa'yo!" galit na sigaw ko at dinuraan siya ng laway, na ngayon ay may dugo ng kasama.

Tiningnan ko siya ng masama at laking gulat ko ng dinamba niya ako ng malaking sampal. Tila ba tumahimik ang buong paligid ng ilang segundo.

Naramdaman ko ang pamumula at pag hapdi ng pisngi ko. Tila ba nagsisiunahan na rin ang mga luha kong bumagsak galing sa mga mata ko.

Ni kailanman hindi ako sinampal ng ganoon kalakas ng kahit sino!

"Tingnan natin kung saan aabot 'yang pag-uugali mo. Igapos silang dalawa!" usal ni Gilbert at mabilis na tumalikod sa akin.

Sinulyapan ko si Kael na nakatitig pa rin sa akin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya.

Yumuko na lamang ako at hinayaang tumulo ang mga luha ko lalo na ng maramdaman kong tinatawag ako ni Clark. Nag-aalala siya sa akin.

Kung hindi ko na sana siya dinamay pa at umalis na lang ng mag-isa ay hindi na sana siya madadamay sa gulo ko. Alam ko namang pinagtakpan niya ako sa mga kawal.

Napabuntong hininga naman ako ng maramdamang bintibit na nila ako.

Napabuga ako ng malalim na hininga at napatingin sa kawalan.

"T-Troy..." I whispered. Tiningnan ko ng bahagya ang kalyeng nasa likuran namin na sanay daan papuntang Valencia.

Malapit na sana kitang maabot Troy...

Malapit na sana...

Pero, pasensya na. Hindi ako nagtagumpay.

Hindi ako nakatakas.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 186K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.7M 47.5K 73
Si Pheobe Tadea ay isang babae na mahinhin at ang kanyang hangarin lamang ay makatulong sa kanyang pamilya. Siya ay pumasok bilang isang katulong sa...
2.5M 100K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...