The Brightest Shooting Star (...

By red_miyaka

6.3K 150 126

Luziel Janaria Clementine always hoped for the boy she loved, although she admired him from afar. Kumbaga, um... More

Disclaimer
Shooting Star
Panimula
Ika-unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ika-pitong Kabanata
Ika-walong Kabanata
Ika-siyam na Kabanata
Ika-sampung Kabanata
Ikalabing-isang Kabanata
Ikalabing dalawang Kabanata
Ikalabing tatlong Kabanata
Ikalabing apat na Kabanata
Ikalabing limang Kabanata
Ikalabing anim na Kabanata
Ikalabing pitong Kabanata
Ikalabing walong Kabanata
Ikalabing siyam na Kabanata
Ikadalawampu't na Kabanata
Ikadalawampu't isang Kabanata
Ikadalawampu't dalawang Kabanata
Ikadalawampu't tatlong Kabanata
Ikadalawampu't apat na Kabanata
Ikadalawampu't limang Kabanata
Ikadalawampu't anim na Kabanata
Ikadalawampu't pitong Kabanata
Ikadalawampu't walong Kabanata
Ikadalawampu't siyam na Kabanata
Ikatatlumpung Kabanata
Ikatatlumpu't isang Kabanata
Ikatatlumpu't dalawang Kabanata
Ikatatlumpu't tatlong Kabanata
Ikatatlumpu't apat na Kabanata
Ikatatlumpu't limang Kabanata
Playlist

Panghuli

238 4 3
By red_miyaka

Huli

Shooting Star

[ Play "Shooting Star" by Owl City ]

"Daddy!"

Napalingon ako nang marinig ko ang maliit na boses na iyon. I smiled and carried her.

"Hi, Ariel!" Masaya kong sabi. She giggled. Ang cute talaga nito.

"Oh, ba't ikaw bumuhat? Ikaw tatay?" Lumapit sa'kin si Anton at kinuha ang anak niya. I rolled my eyes.

"Lalaruin ko lang naman, eh." Nakanguso kong sabi. Natawa naman siya.

"Gawa ka sarili mong anak." Pambabara niya at nilaro na iyong anak niya. Pinagsalubong ko na lang ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Actually...

"No." Biglang dumating si Jana sa harapan ko kaya napahawak ako sa dibdib ko.

"Huh?" I said, confused.

"Alam kong nagpaplano kang magkaanak na tayo. Next year na." Sagot niya. Sumimangot ako.

"Last year sabi mo rin next year na!" Angal ko. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Oh edi 'wag na tayo maganak." Sabi niya kaya napanguso ako lalo. Ang sungit.

"Joke lang, love. I'll wait." I said and hugged her from the back.

"Bahala ka diyan." Sabi niya at tinanggal pa ang braso ko sa pagkakayakap. Ang sungit niya ngayong araw! Kanina niya pa ako binabara simula noong paggising palang namin. Wala naman akong ginagawa, eh!

Napatingin na lang ako sa mga batang naglalaro rito sa garden ng bahay nina Andrea at Anton. Ang daming bata na nagtatakbuhan, mga anak nila. Third birthday na kasi ng anak nina Andrea kaya narito kami. Nakita kong nakikipaghabulan na siya roon kina Iverson at Marianne kasama si VJ pati ang ibang bata na 'di ko kilala. Believe it or not, si Ivy ang unang nagkaanak sa'min. Nagulat din kami dahil hindi namin sineseryoso ang sinasabi niyang boyfriend niyang captain ball sa UST. Malay ba namin. Nagulat na lang kami engaged na siya.

Pinakamatanda iyong anak nila na 4 years old na, sunod naman si Marianne na anak nina Brianne at Mateo na magfofour na rin. Obvious naman na anak nila iyon dahil parang pinagsamang pangalan lang nila ang pinangalan nila roon sa anak nila. Si VJ naman ay anak nina kuya Valentin at ate Jeza. Noong pumunta ulit kami sa bahay para roon, magkalive in na kami ni Jana sa condo ko at nagtatrabaho na. Nalaman na lang namin na magpapakasal na pala silang dalawa. Nagulat pa nga ang papa ni Jana at si mama dahil do'n.

Amarie was also living in already with her girlfriend, nagbabalak na rin silang mag-ampon. Si Leila at Maxine naman ay ikakasal na ngayong taon at nag-away pa sila dahil bakit daw sumasapaw pa iyong isa. Nagkataon lang naman siguro iyon pero pinagawayan pa nila. Ewan ko ba sa mga 'yon. Si Eliott ay single pa rin pero maraming ginagawang fling kaya hindi ko na alam kung anong gagawin niya ro'n. Si Franco naman ay bumalik kay Nicole matapos grumaduate. Si Bianca, hindi ko alam kung mag-aasawa pa ba iyon dahil sa nangyari kay Germain pero alam kong may inampon din siyang bata. Wala pa nga lang siya rito kaya hindi pa nakakalaro ng anak ng iba.

"Kailan niyo balak magpakasal?" Bigla akong tinabihan ni On. I crossee my arms and maintained my sight on the kids playing. Si Jana at Zil ay nakikipaglaro roon habang nasa grill naman sina Amarie. Nakaupo naman iyong iba ag nag-uusap.

"Hindi ko alam kay Jana. 'Di pa namin napag-uusapan." Sagot ko na lamang. Yes, we are engaged already because I proposed to her a month ago sa reunion ng high school batch namin. Muntik niya pa nga akong sapakin no'n dahil sa gulat.

"Kayo ba?" Nilingon ko naman si On na nakapamulsa at nakatingin lang din doon kina Zil. Kasama nga kami sa naunang magkarelasyon, pero kasama rin kami sa huling magpapakasal. Wala naman kaming magawa dahil mga career woman ang soon to be wife namin pareho at sinusuportahan namin sila roon.

"Ni hindi pa nga ako nagpopropose kay Zil." Natatawang sabi ni On. Oo nga pala, hindi niya pa nagagawa iyon. Tumawa na lang ako at pinagmasdan ang mga kaibigan ko.

All of us were successful in work. I passed the board exams then worked for our company. Si Jana ay napagpasyahang magtrabaho sa'min kaya mas madalas kaming magkita sa kumpanya bago umuwi. I asked here why she didn't go to med school, and she only answered that she feels that it wasn't for her. Inintindi ko na lang siya roon.

On was already a successful electrical engineer, alongside Zil who was an attorney already. Si Amarie at Ivy ay parehong architect, while Leila took med school and Maxine is already a chef. Si Eliott ay lawyer na rin at model pa, paminsan ay nakikita kong sinasama niya roon si Zil na ginawang sideline ang modelling. Franco was also a doctor already, then Anton and Mateo are also engineers like me. Si Brianne naman ay Accountant at si Andrea ang naging CEO ng kumpanya nila. I smiled, thinking that we all chased our dreams.

Before getting to this stage of life, we travelled a lot. Kung saan saan na rin kami nakapunta na parte ng Pilipinas. Kaunti pa nga lang ang napapasyalan naming bansa at gusto naman ng iba isama ang mga anak nila kapag ganoon. I also wanted to, if given the chances.

Close relatives lang ang inimbita ni Andrea roon at kaming CG kaya kakaunti lang ang tables. It was a garden party, hindi siya formal o kung ano pa man. Priority naman nila ang kids doon at hindi kami. May table sila para sa kids at meron din para sa matatanda tulad namin. Pumunta ako sa table kung saan nakaupo na si Jana, nakakarus pa rin ang braso.

"Love." Marahang tawag ko sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay.

"What?"

"Bakit ang sungit mo?" I said and pouted. She just rolled her eyes.

"Wala, ewan ko." She said and looked to the other side. Ngumuso lang ako. See? I'm not even doing anything yet she seemed so pissed! Baka meron siya ngayon kaya siya ganyan.

We just talked for a little while. Kasama namin si Zil at On sa lamesa kaya silang dalawa ang nag-uusap. Bakit si Zil kinakausap niya ng maayos tapos ako tinatarayan lang ni Jana? I feel like I did something to her even if I didn't. Lumipad tuloy ang isip ko sa kung anong ginawa ko noong gabi, umaga, tapos ngayon. Wala naman, eh. Normal lang naman ginawa namin nu'n at wala naman akong naaalalang tampuhan namin pero bakit ang sungit niya talaga? Susubukan ko na nga lang siyang kausapin mamaya.

"Dito ba tayo matutulog?" I started talking to Jana again hoping that her mood changed already.

"Malay ko."

"Love naman.." Napasimangot uli ako dahil sa sagot niya. She raised her eyebrow once again.

"Ano ba?"

"Ba't mo ba 'ko sinusungitan?"

"Masungit talaga ako." She said while staring directly to my eyes. Napalunok ako. Pakiramdam ko babatuhin niya ako ng kung anong mapulot niyan diyan sa lamesa o kaya sasaksakin ako.

I held her hand and played with it. She didn't seem to bother anyways and just stayed quiet. Hindi ko pa rin alam kung ano problema niya sa'kin at kanina ko pa iyon iniisip. Nagulat na nga lang ako na nagbabangayan na si On at Zil sa tabi namin, tinutukan pa ni Zil si On ng kutsilyo.

"Ulol." Narinig kong sabi ni Zil kaya sabay namin siyang nilingon ni Jana. I didn't let go of her hand and I was still playing with it.

"Babe.." Mahinang sabi ni On at lalapitan na sana si Zil. Hindi ko alam kung anong pinag-aawayan ng dalawang 'to kaya kunot noo lang akong nakatingin sa kanila. Mabuti nga at wala pang ibang nakakapansin, eh.

"Bahala ka sa buhay mo." Sabi ni Zil at binaba ang kutsilyo, tapos umalis. Agad namang tumayo si On para sundan siya papasok ng bahay.

"Ano nangyari sa dalawang 'yon?" Tanong ko, umaasang masasagot na ako ni Jana ng maayos.

"Ewan ko." Sabi niya na lang. I looked down and just played with her hand. Ayaw niya 'kong kausapin nang maayos, eh. Mamaya na lang kapag nakakuha kami ng oras para sa sarili namin. Nagsisimula na kasing kumain kaya kumain na muna kami.

"Jana." Tawag ko sa kanya. Tapos na kami kumain kaya nakaupo na lang kami roon sa may lamesa. Si On at Zil ay hindi pa rin bumabalik.

"What, Vin?"

"When do you want to get married?" I asked curiously, my eyes still looking down. Natahimik siya pero maya maya pa ay hinawakan niya ang baba ko at tinignan sa mata.

"When we're ready." She said and gave me a quick kiss on the lips. Natulala pa ako saglit dahil sa ginawa niya. Ibig sabihin ba nito hindi na siya magsusungit? I just smiled to myself. Nababaliw na yata ako.

May host doon na nagpagames para sa mga bata. Dumating na rin naman si Bianca kasana iyong anak niya kaya nadagdagan pa ang mga naglalaro. Nangingiti lang ako habang pinapanood sila dahil ang cute nila. Ano kaya magiging gender ng unang anak namin? I wanted a boy first then the next would be a girl, that way I can hope that our first born would take care of his little sister. I can't predict that anyway, so I'll just wait.

Tumayo si Jana para magcr kaya hinintay ko lang siyang makabalik sa table. Natahimik lang ako habang nagmamasid. Ilang saglit pa ay nakabalik na rin naman si Jana. Nakapatong ang braso ko sa upuan niya kaya sumandal siya roon sa may dibdib ko at pinalapit ako sa kanya. Her mood changed. I think she has her period already. Why else would she have mood swings?

"Love.." Tawag niya at tumingala. I just stared at her and raised a brow.

"Why?"

"Can you buy me avocado?" She said while smiling warmly. Nagsalubong ang kilay ko.

"Avocado? Why?"

"Gusto ko lang." She pouted and sat down properly to face me. She cupped my face. "Please?"

I sighed in defeat. Wala naman akong magagawa dahil nanghihina ako kapag gumaganyan siya. I woul always satisfy her weird cravings.

"Okay. I'll ask Andrea if they have one here." Sabi ko at umayos ng upo. Napapalakpak siya na parang bata dahil sinabi ko. I chuckled because of her reaction and kissed her forehead.

Tumayo ako at nilapitan sina Anton na naroon lang at nakaupo sa kabilang table. Tinanong ko kung meron sila no'n at pareho lang ang naging reaksyon nila: nagtataka. Bakit daw ako naghahanap no'n. Sinabi ko na lang na gusto kasi ni Jana at sumakay na lang sa kotse para pumunta sa malapit na supermarket at bumili no'n. Napangiti ako nang may maalala.

"The fuck will you do with that?" Ani Jana na nakakrus ang braso. Tinignan ko ang hawak kong mga biscuit tulad na lang ng hansel at ice gem. I pouted.

"Kakainin?"

"Isa, umayos ka o hindi natin bibilhin 'yan. Ano ka, bata?" Nakasimangot na siya at tinaasan na ako ng kilay. I sighed.

"Namiss ko lang. Baunin ko rin sa trabaho para iwas gastos sa snacks." Sabi ko at ngumiti. She rolled her eyes and pointed at the cart. Nilagay ko iyon at ako na ang nagtulak, siya naman ang nanguna. Honestly speaking, wala akong alam sa paggrocery dahil hindi naman ako sumama sa ganito. As a husband, este boyfriend, sinamahan ko si Jana rito dahil para sa condo naman nanin 'tong mga groceries.

"Dami mo namang prutas." Kumento ko dahil ang daming nilagay ni Jana sa cart namin. Nilagay niya ang kamay niya sa bewang.

"May angal ka?"

"Wala, hehe." I smiled awkwardly. Inikot niya lang ang mata niya at nagpatuloy na sa paglalagay sa cart ng mga kailangan namin.

"Ito lang po, Sir?" Tanong ng cashier na halatang nagtataka sa binigay ko. Nilabas ko ang phone ko.

"Teka lang po." I smiled and texted Jana if she likes anything else.

Wife ♡:

Wala na, love. Come here na :)).

I smiled at that text. Nilagay ko na uli ang phone ko sa bulsa ko at binayaran na iyong mga binili ko. Nginitian ako ng cashier kaya nagpasalamat na lamang ako at pumunta na sa kotse.

"No. Dapat dito 'yan." Turo ni Jana sa blankong space sa taas ng couch namin. It's our third day of fixing our things in the condo pero may mga boxes pa rin sa paligid namin. Napakamot ako sa batok ko.

"Sure ka na? Kanina pa palipat lipat 'tong painting." I said and pointed at the painting on the ground. Tumango siya.

"Final na." Sabi niya kaya kinuha ko iyon at nilagay na. Naramdaman kong tumutulo na ang pawis ko mula sa noo kaya pinunasan ko iyon gamit ang braso ko. Nilapitan ako ni Jana at pinunasan ang pawis ko gamit ang towel niya. Natigilan ako at pinagmasdan siya. Nakatali siya ng messy bun at suot ang spaghetti strap niyang damit pati dolphin short, tulad ng suot niya kadalasan. Tinampal niya ang mukha ko.

Bigla ko na lang siyang hinalikan pero bumitaw rin agad dahil mukhang nagulat pa si Jana. Ako yata iyong nagulat dahil siya na ang humila sa'kin at hinalikan na ako ulit.

"Good morning, love." Bungad ko sa kanya paggising. Nagluluto na ako ng breakfast at naupo naman siya roon sa upuan sa may table. Magulo pa ang buhok niya at halatang inaantok pa siya kaya natawa ako.

"Good morning." Sabi niya at ngumiti pero bumagsak uli ang ulo niya sa lamesa. Natawa na lang ako at hinayaan siya.

Pinark ko ang kotse ko at sumalubong naman si Jana sa'kin na nakatayo roon sa may pintuan ng bahay nina Andrea. Patagilid siyang nakatayo roon at nakakrus ang braso. Lumiwanag ang mukha niya nang makita ako.

"Baby!" She shouted and ran to me. I chuckled and wrapped my arms around her. Pakiramdam ko kasal na kami at hinihintay niya ako sa bahay matapos ang trabaho. I can't wait to marry her and officialy be her husband.

Binigay ko ang plastic sa kanya at hinalikan niya ako sa pisngi bago pumasok sa bahay at dumeretso sa kusina. Iniwan niya 'ko rito sa labas, hindi man lang ako hinila paloob! Napailing na lang ako at pumasok na para dumeretso sa labas. Hihintayin ko na lang siya rito. Napansin kong nandito na rin pala si Zil at On na magkatabi na ang upuan. Bati na yata sila.

She went out and sat beside me holding a bowl with crushed avocado in it. May hawak siyang kutsara at sinusubo iyon. Napangiti ako dahil ang cute niyang tignan sa ayos na iyon. She looked very happy. Nginitian niya ako at sinubuan pa kaya natawa na lang ako.

Nagsiuwian na ang ibang bisita nina Andrea kaya nagpaalam na rin ako sa iba na kamag-anak namin. Kanina pa nakaalis si mama kaya wala na siya rito. Si Kuya naman ay paalis na rin kasama si ate Jeza at ang anak nila. Nasa iisang subdivision lang naman ang bahay nila kaya madali lang pumunta roon. Nagbalak naman kaming dito na lang matulog sa bahay nina Andrea. Pinag-iisipan pa iyon ng iba lalo na iyong mga may anak.

"Mommy, can we stay here, please?" Pagmamakaawa ni Marianne kay Bria. Nagkatinginan sila ni Mateo.

"We'll talk about it pa, baby." Ngumiti si Brianne at hinila si Mateo papunta sa malayo. Naiwan tuloy si Marianne roon at nakipaglaro kina Iverson, Ariel pati Briar.

"Ma, I want to stay here, too." Pormal na sabi ni Iverson kay Ivy. Tinaasan siya nito ng kilay at nilingon ang asawa niya.

"Puro babae kasama mo. Okay lang ba sa'yo?" Sabi ni Ivy. Pormal namang tumango ang anak niya. Mana yata 'to sa tatay at hindi sa nanay dahil kung kay Ivy 'to nagmana, baka pinapranka niya na iyong mga kasama niya.

"We're playmates lang naman, Ma. No problem with that." Pormal na sagot nito kaya tumango na lang si Ivy.

"Ang matured naman agad ng anak mo." Kumento ni Amarie.

"Kanino pa ba 'yan magmamana? Kay Crimson lang naman." Sabi niya at inirapan ang asawa niya na ngumisi na lang. Panay ang pangaasar sa kanya nina Jana noon dahil complete opposites daw sila. Hindi ko alam ang kwento nila dahil sa mga babae niya lang iyon naikwento.

Si Briar ay hindi na nagpaalam sa mama niyang nakikipag-usap na roon kina Amarie. Siguro pinayagan na siya kaya gano'n. Bumalik naman si Brianne at Mateo para sabihan ang anak nila na pumapayag na sila pero uuwi muna para kumuha ng gamit, gano'n na rin ang iba. Mabuti na lang at may dala na kaming damit ni Jana in case dahil alam naman naming gagawin nila 'to.

Nagdinner kami at inantok na rin iyong mga bata ng ganoong oras. Nauna nang umuwi sina Bria para makakuha ng iilang damit at sina Ivy at Bianca naman ay nanatili lang dito dahil mayroon na silang mga dala. Nag-away pa nga sila kung kaninong anak ang mauunang maligo, e. Iyong mga anak naman nila ay gusto magsabay pero syempre hindi na kasama si Iverson kaya si Ariel at Briar na lamang.

"May kwarto si Ariel doon sa taas, baka pwede na sila ro'n matulog. May isa pa namang kama ro'n, baka pwede si Iverson doon?" Tanong ni Andrea matapos paliguan ang anak na nakapantulog na. Dumating na rin sina Bria at nakapantulog na rin si Marianne.

"Oo, sige. Patulugin na 'tong mga 'to." Payag ni Ivy at inakyat na noong iba ang anak nila para patulugin. Naiwan kami sa couch nila sa baba. Ubos na ang binigay kong avocado kay Jana pero ngayon naman kumakain na siya ng ubas na bigay siguro nina Andrea.

"Kanina ka pa kumakain." Kumento ni Amarie kay Jana. Tinaasan siya ng kilay nito.

"Kain ka rin." Pagtataray ni Jana kaya umirap na lang si Amarie. Pansin ko rin naman iyon. Kadalasan kasi ay konti lang ang kakainin ni Jana pero nitong mga nakaraang araw, ang dami niyang kinakain. Ewan ko ba.

"Spoil ko na lang mga anak niyo." Biglang sambit ni Zil na nakatingin sa kuko niya at nakasandal kay On.

"Spinospoil mo naman talaga." Sagot ni Maxine.

"Gano'n talaga kapag wala pang anak." Napahalakhak si Zil.

"Edi mag-anak ka na." Ani Amarie.

"Sige, next year." Pilosopong sagot nito. Bumaba na rin sina Ivy at sinabing nakatulog na rin ang mga anak nila.

"Inuman na!" Sigaw ni Zil pero agad tinakpan ni On ang bibig niya.

"Babe, may mga bata. 'Wag ka naman masyadong maingay." Pananaway nito. Tinanggal ni Zil ang kamay ni On doon at tumango na lang. Naglabas naman ng iilang bote sina Anton at pulutan. Naunang kumuha roon si Zil at uminom kaagad kaya natawa kami.

"Ilayo niyo nga 'yan sa'kin." Pagtataboy ni Jana sa pulutan nang ilapit ni Amarie sa kanya. Kunot noo ko siyang tinignan.

"Bakit?"

"Ang baho." Nagsalubong ang kilay niya kaya ako na ang kumuha no'n. Hindi naman mabaho, eh. Hindi ko na lang siya tinanong pa at hinayaan na lang.

"Alam niyo, pusta ko, sina Jana huling magpapakasal." Ani Zil na halatang tipsy na. Nilingon namin siya ni Jana.

"Tanga, baka kayo. Engaged na kami." Sagot ni Jana at tinaas pa ang singsing niya. Napahalakhak si Zil.

"Ang bagal mo naman kasi." Sabi nito at hinarap si On na nakasimangot na. Tinawanan namin sila roon.

"Ayoko niyan. Wala ako sa mood." Ani Jana nang bigyan siya ng alak. Baka ayaw maglasing. Ako na lang din ang tumanggap no'n.

We talked about our lives and what's going on. We also talked about what we may expect in the future. Nagbiruan pa nga sina Brianne at Ivy na ipagkasundo ang mga anak nila. Napailing lang ang mga asawa nila habang pinapakinggan silang mag-usap tungkol sa kung anu-ano at magfangirl kaya silang dalawa na rin ang nag-usap.

"Oh, fuck." Sambit ni Jana at nilapag ang bowl ng hawak niya sa lamesa. Napatayo siya at biglang tumakbo.

"Huy, ano nangyari ro'n?" Tanong ni Bianca sa'kin. Umiling ako at sinundan siya.

"Love?" Kinatok ko ang pinto ng cr.

"Jana? Are you okay?" Tanong ko. Hindi ako nakarinig ng sagot at bigla namang dumating si Andrea.

"Jana, si Andrea 'to." Sabi niya at agad siyang pinagbuksan ng pinto nito. Ang daya naman! Bakit siya pinagbuksan ta's ako hindi?

"Hoy, Adam, pumunta ka muna sa couch. Mamaya ka na." Sigaw ni Andrea mula sa loob. Napanguso na lang ako at sumalampak sa couch.

Napatingala ako. I thought about our future again. I plan to marry Jana on a beach or a church, kung anong gusto niya. Nag-iipon na rin ako para makapagpagawa na kami ng bahay kung saan kami titira. I told her about that before and we set up a bank account solely for that. Gusto rin sana ni Jana na matapos muna ang bahay namin bago ikasal. Pumayag ako roon dahil tama nga naman siya para maging maayos na ang lahat.

I'm glad that we grew together and our relationship didn't have that much complicated problems anymore. Everything was settled and we were stable. Of course, we have fights. Hindi naman iyon mawawala sa isang relasyon. Gladly, we talk about it immediately and don't let our fights get deep. We understood each other and always talk through things.

She's truly a light to my life and the brightest shooting star that came. Correction, the only one that I had and will have. She's really the one.

"Positive." Napalingon ako dahil narinig ko ang boses ni Andrea. Kasama niya na si Jana na kagat ang labi.

"Ha? Positive? Saan? Sa sakit --"

"I'm pregnant, Vin. We're having a baby."

Nabingi yata ako dahil sa tuwa. Fuck, we'll have a baby!

I'm so glad that this happened. Aside from Jana, our baby will be the other brightest shooting star that came into our lives.

Continue Reading

You'll Also Like

LOWKEY By riri🌙

Teen Fiction

305K 14.2K 64
Lies and broken promises, temporary feelings and ruined relationships. Kelsey's view of love was long tainted after being a product of a broken famil...
74.6K 1.9K 43
WAR #2: IN THE MIDST OF THE WAR -- "In the midst of the war you came... and changed everything." -- [ completed ]
282K 7.9K 31
Moving on is not easy as they say, and that is why Xial Gian Bustamante presented himself to be the rebound of Jana Dayne Encarnacion to help her to...
94K 4K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...