The Brightest Shooting Star (...

By red_miyaka

6.3K 150 126

Luziel Janaria Clementine always hoped for the boy she loved, although she admired him from afar. Kumbaga, um... More

Disclaimer
Shooting Star
Panimula
Ika-unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ika-pitong Kabanata
Ika-walong Kabanata
Ika-siyam na Kabanata
Ika-sampung Kabanata
Ikalabing-isang Kabanata
Ikalabing dalawang Kabanata
Ikalabing tatlong Kabanata
Ikalabing apat na Kabanata
Ikalabing limang Kabanata
Ikalabing anim na Kabanata
Ikalabing pitong Kabanata
Ikalabing walong Kabanata
Ikalabing siyam na Kabanata
Ikadalawampu't na Kabanata
Ikadalawampu't isang Kabanata
Ikadalawampu't dalawang Kabanata
Ikadalawampu't tatlong Kabanata
Ikadalawampu't apat na Kabanata
Ikadalawampu't limang Kabanata
Ikadalawampu't anim na Kabanata
Ikadalawampu't pitong Kabanata
Ikadalawampu't walong Kabanata
Ikadalawampu't siyam na Kabanata
Ikatatlumpung Kabanata
Ikatatlumpu't isang Kabanata
Ikatatlumpu't dalawang Kabanata
Ikatatlumpu't tatlong Kabanata
Ikatatlumpu't limang Kabanata
Panghuli
Playlist

Ikatatlumpu't apat na Kabanata

103 3 8
By red_miyaka

Pangtatlumpu't apat na Kabanata

Elevator

"And now I'll teach you how to ki--"

"Andeng!" I shouted when I saw a picture of two people kissing in her powerpoint presentation. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"What, Adam? You should know this to -"

"Manliligaw lang ako, Andrea. Hindi ko naman siya hahalikan agad." I said. Totoo naman. Bakit ba kailangan ko pa 'to malaman?

She rolled her eyes. "Yeah, but you'll get to that point. 'Wag ka na umangal diyan and listen to me na lang. I'm more experienced than you." Sabi niya pa. Bumuntong hininga na lang ako at hinayaan na siya roon. Whatever.

Noong binalita ko sa kanya na manliligaw ako, natuwa siya agad dahil first time ko 'to. Ngayon lang din naman ako lumapit sa kanya, eh. She knew about Jana because I told her the whole story and now she's pressuring me to do what she says perfectly. Ito nga at naghanda pa siya ng presentation. I want to do it my own way and I just wanted to ask for a little advice, but she put so much effort to it.

"Hoy, you'll introduce me to her, ah! Kahit ayon na lang change para rito! You didn't pay me na nga!" She shouted when I spaced out.

"Hindi ko naman sinabing gumawa ka ng ppt --"

"Yeah, yeah! Basta I'll treat this as utang! Jana's your utang to me!" Sabi niya. Kumunot ang noo ko. Magsasalita pa sana ako kaso ay sinara ko na lang ang bibig ko. Baka siraan pa ako ni Andrea sa harap ni Jana, 'no! Ayoko namang mangyari 'yon!

Sinabihan ko si Andrea na 'wag munang ipaalam kay Jana na manliligaw ako. Sabi ko lang kapag nagtanong siya, isagot niya na lang na nagpatulong lang ako kung paano manuyo. Magkalapit naman na iyon at noong nagkausap naman daw sila ni Jana, hindi naman siya nagtanong tungkol do'n. I felt relieved, though.

Naging malapit sila kaya naman sinabi ni Andrea na roon na magdebut si Jana sa bar ng pinsan namin. Agad naman siyang pumayag kaya roon nga ginanap ang birthday niya. Imbitado ang CG doon at iilang mga kabloc namin kaya medyo napuno rin ang venue. We played a round of shot or truth/dare kaya medyo kinabahan ako sa pwede nilang ibatong tanong at ipagawa sa'kin. Nang tumapat ang bote sa'kin, bahagya akong napalunok. Lalo na nang makita ang mapanuring tingin ni Max sa'kin. Mukhang alam ko na ang itatanong niya.

"Kinakabahan ka ba?" Bulong ni Jana.

"Hindi." I confidently said kahit medyo kinakabahan nga ako. Umayos ang upo ko at sinuklay ang buhok ko, tinaas ko rin ang glasses ko gamit ang index finger ko.

"Nililigawan mo na ba si Jana?" Tanong ni Maxine at ngumisi. Sinasabi ko na nga ba. Napalunok ako bago siya sagutin.

"Oo." I said comfortably and leaned on the sofa. Ginawa ko lang 'yon para hindi halatang hindi ako handa na ipagtapat iyon ngayon. Yes, I've been courting Jana but I didn't officially say that to her yet. Well, I didn't need to anymore because I said it already. Thanks, ha, Maxine.

I saw how Jana's eyes widened. Kumuha pa siya ng baso roon at ininom iyon agad. Nag-aya siyang sumayaw kaya nadivert ang attention namin doon. May naramdaman akong kung anomg kurot sa puso ko pero hindi ko na lang pinansin. Naiintindihan ko naman kung masyado na siyang nabibilisan sa nangyayari kaya hindi niya na maiproseso iyon. It's okay, I already told myself about this. I'll wait until she's ready. Hindi ko siya bibigyan ng mga malalaking regalo at kung ano pa man para hindi siya mapressure sa pagsagot sa'kin. I'll take it slow and see where it'll go.

Hinila ako ni Jana sa dance floor kaya naalala ko bigla noong unang beses niyang ginawa 'to sa'kin. It flashed before my eyes. The same effect happened when she turned around; bumagal uli ang ikot niya at parang natigil ang mundo ko. I bit my lip but smiled eventually. Ganoon pa rin ang epekto niya sa'kin, hindi pa rin nagbabago.

She took care of me when I got sick the next day. Hindi ko inakalang mangyayari 'yon sa'kin dahil hindi naman ako kadalasang ganito. Siguro dahil hindi na rin sanay ang katawan ko sa ganoon. I don't know, really.

It felt nice. Jana, taking care of me. She was always like that. Hindi niya man sabihin at ipakita, alam ko namang may pakialam siya sa'kin. I mean, sa lahat naman ganoon siya. Hinangaan ko lang siya lalo dahil doon. Her soul is just so.. pure. Kahit na binabara niya ako at inaaway lagi, alam ko namang wala siyang masamang intensyon sa'kin. She didn't change. Ganoon pa rin siya, mabait pa rin pero pranka. She's scary when she's mad, though. Hindi niya pa naman ako napapagalitan at inaaway ng malala kaya hindi ko pa alam pero nararamdaman ko lang. Pakiramdam ko nga papatayin niya ako kapag nag-away kami. I chuckled at that thought.

We kissed on the day of paskuhan. Hindi ko inakalang magagamit ko pala iyong tinuro ni Andrea sa'kin ilang buwan ang makaraan. Akala ko kasi matatagalan pa bago makuha ang first kiss ko, hindi naman pala. Nakuha kaagad ni Jana at siya pa ang humila sa'kin noong gabing 'yon. Fuck, I remember it again. I felt butterflies in my stomach just by thinking about her kiss. Ours, I mean.

I never complained on why Jana didn't answer me yet. Okay lang naman sa'kin, basta maayos na kami at parang kami na rin naman. Yes, you can call it 'walang label' but I'm okay with that as long as it is with Jana. I don't know. I'm just so whipped for her that I'd agree with anything that she could give. 3rd year na kami at halos dalawang taon na rin naman akong nanliligaw. Muntik ko na ring patayin si Rene na panay ang pang-aasar sa'kin noong hinila kami papuntang marriage booth. Wala pa ngang kami, tapos kasal agad?

"Dude, fake lang naman 'yan!" Tanggi ni Rene pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Ulol." Nasabi ko na lang ng magsimula na iyong pinagsasabi ni Ahren. Kung anu-ano talaga pinagpaplano nitong apat na 'to sa'min, simula pa second year. May time pa noon na nilock nila kami sa isang kabinet ni Jana para sa 7 minutes in heaven. Parang mga gago talaga.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Jana at sumandal doon sa pwesto niya. She hugged her legs and put her chin there. I smiled.

"Make-out."

"Ouch!" Sabi ko nang hampasin niya ako bigla. Ngumuso ako at sinamaan niya ako ng tingin.

"Nakakailan ka na sa'kin, ah!" Sabi niya. I chuckled. Totoo naman. Lagi namang may permiso niya kaya ok lang din naman, hindi rin naman siya nagrereklamo. Isa pa, hindi ko naman iyon gagawin kung ayaw niya. 'Di ko siya pinipilit.

"Parang ayaw mo.." Bulong ko at tumingin sa gilid. Pinitik niya bigla ang noo ko kaya napalingon ako sa kanya. I swallowed hard when I saw how close she is to me.

"B-bakit ang lapit --" Naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan. Napapikit na lang ako at hinawakan ang mukha niya. God, this woman's making me crazy. Mas magaling pa nga siya humalik kaysa sa'kin. Sa'n niya kaya natutunan 'yon?

"It's me, I'm the girlfriend." Nanlaki ang mata ko nang sabihin iyon ni Jana sa tabi ko. Her arm was wrapped around my neck and mine was on her waist. I don't know if she's tipsy or not o kung seryoso niya bang sinasabi iyon. I put down her arm and let her sit down on our table. Lumuhod ako sa harapan niya dahil hindi pa rin ako makamove-on sa sinabi niya. Does that mean that we're official now?

Halos maiyak ako sa tuwa kaya napayuko ako. Amputa, mas maarte nga ako sa kanya. Siya lang nakakagawa sa'kin nito.

"Bakit ka nandiyan? Tumayo ka nga." Sabi ni Jana at kinalabit ako. Napaangat ang tingin ko at namungay iyong mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

"Uy, Vin?" She said again and placed her hand on my cheek. She started caressing it kaya napasandal ako roon at napapikit. I can get used to this.

"Girlfriend na ba talaga kita?" I seriously said. Natawa siya pero agad ding tumango at ngumiti. Nakuha niya pa akong asarin.

"Ayaw mo ba?" Umiling agad ako dahil doon sa sinabi niya. I was still in shock kaya hindi ako makakilos ng maayos. Tumayo ako at sumunod naman siya. She hugged me tightly and I also did.

"I love you." Bulong ko.

"I love you too." She said, causing me to be shocked once again. Gulat akong napaharap sa kanya, nanlalaki pa iyong mata. Hindi ko napigilang sumigaw dahil sa tuwa.

I seriously thought that our problem would be our families only and nothing else. Well, I guess I was wrong. May Penelope pala na dumating sa buhay namin. What's wrong with girls trying to bring other girls down? I just don't get it. Hindi ko na lang inentertain ang ideyang iyon at iniwan na lang kay Jana ang paghandle sa problemang iyon. Gaya nga ng sinabi niya sa'kin noon, 'no uterus, no opinion.'

Jana handled the situation smoothly. Akala ko magiging Naia na naman ang sitwasyon namin pero hindi niya pinaabot sa gano'n. May plano pa siyang magkunwari kaming magbreak at 'wag magpansinan sa campus buong 4th year. I'm glad that it didn't happen. Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong lapitan siya kapag nakikita lalo na't gigil na gigil ako sa kanya palagi.

Our relationship wasn't perfect. It has flaws, of course. Nagkakatampuhan din naman kami at nag-aaway, minsan dahil sa mababaw na bagay lamang. Si Naia na naman ang dahilan ng malaking away namin kaya gusto ko na lang uli siya batuhan ng ticket at palabasin ng bansa. Mabuti na nga lang at naayos agad namin iyon dahil baka gawin ko nga iyon kay Naia. Kasalanan ko rin naman and I took responsibility for that. Wala namang excuse na hindi ko sinabi kay Jana iyon. I thought it was for the better; pero iyon nga pala ang naging dahilan ng hindi namin pagpapansinan noon. Communication is always the key.

"Love, ang bagal!" Kinatok ko na ang bintana ng kotse dahil ang tagal ni Jana roon. Aalis pa kami at kikitain na naman ang CG dahil nagplano silang magbeach. Kung saan nakukuha iyong mga time namin ay hindi ko rin alam. Graduating na rin naman na kami lahat kaya pumayag na kami.

"Wait lang! Atat ka?!" Sigaw ni Jana sa loob. Nakapark lang kami sa isang tabi at nakasandal lang ako roon sa may kotse. Hindi ko nga maintindihan kung bakit hindi siya roon sa bahay nila nag-ayos. Nawalan daw siya ng time at ayaw niyang maabutan pa siya ng tatay niyang paalis. Baka raw hindi siya bigla palabasin. Kailan ba 'to 'di pinayagan?

"Okay na. Thank you." Binuksan niya ang bintana kaya ngumiti na rin ako at umikot para pumasok sa kabila. Ilang saglit ko pa siya tinitigan. Tinaasan niya naman ako ng kilay.

"Gandang ganda ka na naman sa'kin?" She said and smirked. I laughed and shook my head then started to drive. Nang makarating sa kitaan namin, nagpark ako at lumabas para hanapin ang iba na alam kong nakakotse rin. Lumabas din iyong iba tulad ni Anton, Eliott, On, at Mateo na mga nagdadrive rin. Si Franco lang ang hindi dahil alam kong nakisakay naman siya roon kay Eliott. Lagi niyang sinasabi kung ano pang silbi ng kotse niya kung wala naman siyang isasabay roon kaya nakikisabay na lang siya sa iba.

"I'll lead the way." Biglang sabi ni On. Nag-usap pa kami ilang saglit at bumalik na rin sa kanya kanyang mga kotse. Nauna si On at sumunod naman ako, si Mateo, Anton, tapos Eliott.

"Para kayong mga mafia ro'n, sa totoo lang." Biglang sabi ni Jana. Sinilip ko siya saglit at binalik ang mata sa daan.

"Ang gagwapo naman naming mafia." I said. I saw her roll her eyes.

"Sige, pagbigyan kita ngayon." Sabi niya na lang at hindi na ako inaway pa.

Nang makarating doon ay pinark namin ang kotse namin. It was a beach in Batangas, and Andrea suggested that we stay here since they have a resthouse in here. Sinama na namin siya sa barkada namin dahil girlfriend naman siya ni Anton. I don't know if she already told that to Tita, pero hindi ko na lang siya pinakialamanan. Baka pati ako ay madamay roon at madulas siya bigla.

The beach was quiet. Walang katao tao at kung mayroon man ay iyong mga nagtatrabaho lang doon. We went to the resort and Andrea said that boys and girls were apart. Napanguso na lang kami dahil doon at tawang-tawa naman sina Zil.

"Mukha niyo." Turo ni Zil at inasar kami. I just rolled my eyes.

"Takas na kang tayo mamaya." Biglang bulong ni Jana sa tabi ko. Nanlaki iyong mata ko at nilingon siya. She laughed and even winked at me. Kinagat ko na lang ang labi ko.

Magkasama kami ni On sa kwarto. Nagayos kami saglit bago naupo sa sofa noong room namin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Kayo na ni Zil, 'diba?" Tanong ko. Lumingon siya sa'kin at ngumiti.

"Oo. Akala ko nga babastedin niya 'ko, eh." Natatawa niya pang sabi.

"Kayo rin ni Jana?"

"Tagal na, ah." Sagot ko. Napakamot siya sa kilay niya.

"Nu'ng cheerdance ko lang nalaman. Akala ko kasi hindi pa rin kayo nagpapansinan. 'Di kayo magkatabi, eh." Sabi niya. I laughed again.

"Nag-away lang kami no'n." Paliwanag ko. Tumango siya at nag-asaran pa kami saglit sa kung sino ang mas matindi magalit kina Jana at Zil. Naikuwento niyang sisigawan muna siya ni Zil tapos ay bibigyan ng silent treatment. 'Di na ako nakipagaway roon dahil si Jana ay seryoso lang kapag nag-aaway kami tapos 'di rin ako papansinin.

"Hoy! Lumabas na kayo diyan!" Napalingon kami ni On nang may sunod sunod na katok sa pintuan. Nailing siya at tumayo na kaya sumunod na ako. Naka board shorts na kami pareho at maluwag na shirt na tatanggalin na lang kapag nagswimming.

"Babe naman. Baka magising ang ibang narito." Salubong ni On kay Zil na nakapameywang na at may suot na hat tapos shades. Binaba niya ang shades niya para tignan si On.

"So?" Sabi niya. Napanguso si On at hinawakan na lang sa bewang ang girlfriend niya. Natawa kami ng mahina ni Jana. Under talaga.

I looked at Jana who was wearing a white cover up dress. Kita ang one piece bathing suit niyang red sa loob. Napalunok ako kaya agad niyang tinampal ang mukha ko. I pouted.

"Mamaya ka na nga diyan." She said and rolled her eyes. I chuckled and held her waist.

"Mamaya, ah?" I whispered to her ear.

"Ikaw, ang horny mo kaagad." Umirap uli siya kaya natawa na ako.

"I didn't say anything." I laughed. Dumiretso na kami sa elevator, kasama sina Zil at On. Sumandal kami ni Jana roon sa dulo.

I can't help but to stare at her. That's my girlfriend right there! I smiled to myself. Girlfriend ko na talaga siya at mag-iisang taon na kami. Just by staring at her by that time, I can already imagine her in a white dress, walking towards an altar. I can also imagine myself crying while waiting for her and On teasing me.

"Huy, kung anu-ano na naman naiisip mo diyan." Puna ni Jana paglabas namin ng elevator. Tinignan ko lang siya.

Fuck, I really am crazy for her and nothing can change what I feel for her.

Continue Reading

You'll Also Like

8.6M 210K 71
Tafiana is an immortal royalty. She's the last existing powerful light shadow immortal in the Sentibiene royalty blood line and also in the Dark sha...
45.2K 1.4K 33
WAR#3: WHISPERS OF THE WAR -- "Listen to it, the whispers inside of me. The whispers of the war..." -- [ completed ]
899 76 49
V A N Q U I S H S E R I E S 4: Unseen Treasure Sa mansion ng mga Espanto naroon at nagdidilang hangin ang isang dalagita. Ang naturingang prinsesa ng...