Blood of the Last Heir

By jmaginary

45.5K 1.8K 809

Christeur Lloyd Oakley never failed to amuse people with his fame, looks, and money. However, when his parent... More

Prologue
ARC I: Cloak & Dagger
Secret 01: University of Delilah
Secret 02: Mackenzie's Arrival
Secret 03: Angel's Trumpet
Secret 04: Locker Room
Secret 05: Split
Secret 06: Dormitory
Secret 07: Spirits
Secret 08: The Encounter in the Shadows
Secret 09: Felicity
Secret 10: Race to Death
Secret 11: Four
Secret 12: Alliance (End of ARC I)
ARC II: Pendulum Of Mysteries
Vote for Ms. Right! (#ChooseYourTeam)
Secret 12: Bathroom Murder
Secret 13: Even Shadows have Shadows
Secret 14: Drunk
Secret 15: Brandy
Secret 16: Swimming Pool
Secret 17: Found you
Secret 18: Saving Mackenzie
Secret 19: Platonic Love
Secret 20: The Kiss
Secret 21: The Person Behind the Trigger
Secret 22: Jealousy
Secret 23: The Mission
Secret 24: Helix
Secret 25: Beautiful Mistake
Secret 26: Cecilia (Part 1)
Secret 27: Alicia
Secret 28: The Call
Secret 29: The Traitor (END Of Arc II)
ARC III: Heart in One's Mouth
Secret 30: Solace Zone
Secret 31: Prisoner
Secret 32: Rachel
Secret 33: Euphoria
Secret 34: One Decision Away
Secret 36: Labyrinth
Secret 37: Ambush
Secret 38: Cogito, Ergo Sum
Secret 39: Confrontation
Secret 40: Sacrifice
Epilogue
NEW BOOK COVER

Secret 35: Facade

319 13 10
By jmaginary

RAMIL

Halata kay youngmaster ang kaba nang simulan na ni Yvonne ang pag-inject sa kaniya ng vial. Napapikit pa siya at hindi tinignan ang mismong pangyayari. Sa totoo lang, naiintindihan ko ang kaba ngayon ni youngmaster. Kahit pa sabihing immuned sa virus na 'to ang bloodline niya, wala paring kasiguraduhan na gano'n din ang kaso para sa kaniya. Malalaman lang naman talaga namin ang kasagutan kapag nakita na namin kung ano ang reaksyon ng katawan niya rito.

Hindi nagtagal ay inalis narin naman ni Yvonne ang syringena wala na ngayong laman na pulang likwido. Huminga nang maluwag si Christeur habang inaalisan ko siya ng taling panghigpit sa braso. Tumingin siya sa aming dalawa.

"Salamat Yvo--"

Parehas kaming napatigil ni Madame Yvonne nang biglang mapahawak sa kaniyang ulo si youngmaster. Napahiyaw narin siya sa sakit. Napatitig lang ako sa kaniya. Anong nangyayari? Bakit ganito ang reaksyon ng katawan niya? Maari kayang mali kami sa kaisipang may genetic immunity rin siya?

Mabilis na lumapit sa kaniya si Yvonne at sinubukan siyang pakalmahin habang ako nama'y pasimpleng hinawakan na ang baril na nakaabang sa estante. Lumingon ako pabalik sa kanila at nangingisay na si youngmaster.

"Aaah! Tulong! Ang sakit!" hiyaw nito habang napapaarko pa ang katawan. Narinig ko pa si Madame Yvonne na pilit inaalo si youngmaster, pero tila hindi siya nito naririnig. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa baril. The youngmaster might turn, but I won't let anyone kill him. Not in my sight. I will protect his life no matter if he was already infected or not.

"T-tulong.." mahina nitong saad at biglang bumagsak ang katawan. Gumilid ang ulo nito at dahan-dahang pumikit. Tumayo nang maayos si Yvonne at lumingon sa gawi ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ko kung gaano katalim ang titig niya gamit ang kaniyang mga abong mata. Hindi ko mapaliwanag ang hatid niyang tensyon sa aking katawan.

Inangat niya ang kaniyang kamay, "Akin na ang baril." may diin niyang saad. Nilakasan ko ang aking loob at iniwas sa gawi niya ang baril. Kumunot ang noo niya at dahan-dahang inikot ang kaniyang katawan paharap sa akin.

"It's too late for him. We need to eliminate him now." she said emphasizing the last word. Nakita ko agad ang galaw niya at gumilid nang bahagya. Nakaiwas ako, subalit, mabilis din ang naging galaw niya at dinambahan ulit ako.

I won't let anyone kill my youngmaster. Hindi ako naniniwalang ito na ang katapusan ng lahat ng pinaghirapan namin. I have faith in him. He'll conquer that virus and come back to us soon enough. I just need to give him more time.

Tuluyan ko lang iniwasan ang bawat atake ni Madame Yvonne. Her glares are creepy as she moves her body swiftly towards me, hissing and reaching for the gun. She seriously resembles the movements of a snake, however, I won't let her prey over me. After all, she is not an enemy. Kailangan ko lang siyang abalahin para hindi mapunta ang atensyon niya kay youngmaster.

"Ramil.." pagbabanta ni Yvonne nang nagkatitigan kami. Iniwas ko ulit ang baril at tinitigan din siya, subalit, bago pa man ako makapagsalita ay bigla akong nakakita ng anino sa likod niya. Nanlaki ang mga mata ako.

"M-madame Yvonne.." tawag ko sa kaniya. Naguluhan pa ang mukha ni Madame Yvonne nang bigla niyang marinig ang takot sa boses ko. Napakurap siya at napatitig agad sa kaniyang likuran. Saktong pagharap niya ay ang pagdamba sa kaniya ni youngmaster. Nabitawan ko ang baril at tumakbo papalapit sa kanila.

"S-shit!" I heard Madame Yvonne cussed as she struggles underneath youngmaster. She grabbed his hands on her neck and tried to shove it away but to no avail. Youngmaster was much stronger in his state right now. His green eyes are oozing from bloodlust and his saliva keeps falling from his mouth. His nerves are also visible on the surface of his skin.

Hindi na ako nagdalawang isip pang i-arm lock si youngmaster habang nasa ibabaw siya ni Madame Yvonne. I heard him groaned and motioned his mouth to bite my arm but I quickly kicked him towards the ground. Pinanatili ko ang paa ko sa kaniyang likuran para hindi siya makatayo. Napangiwi ako. I'm sorry, youngmaster but I need to do this.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Madame Yvonne at nakitako siyang hawak-hawak ang leeg niyang medyo namumula na. Sumama ang kaniyang tingin sa akin tsaka siya tumayo.

"D-dean..."

Parehas kaming napatingin kay youngmaster nang bigla itong magsalita. Nakapikit na ang mga mata nito at tila ba natutulog. Lumapit sa amin si Madame Yvonne at tinapik ang binti ko para maalis ang pa ako sa likuran ni youngmaster. Inangat niya si youngmaster at madaling binato papunta ulit sa inclined na upuan. Tinulungan ko siyang itali ang mga kamay at paa ni youngmaster rito. Nanatiling tahimik lang si Madame Yvonne habang sine-secure namin si youngmaster.

"N-no.." usal ulit ni youngmaster at kumunot pa ang noo. Sandali lang siyang pinagmasdan ni Madame Yvonne habang nanaginip, "He's back to his normal self."

"But just to be sure.." dagdag ni Madame Yvonne at kinuha ang baril sa sahig. Sinubukan ko pang agawin sa kaniya 'yon pero mabilis niya lang itong iniwas. Napailing-iling siya at tinutok sa ulo ni youngmaster ang baril.

"Madame Yvonne.." tawag ko sa kaniya, "Si youngmaster nalang ang natitirang Oakley sa bloodline nila. Please consider first before--"

"Shut up, Ramil. You don't know anything." Madame Yvonne said. I frowned because of what I just heard. Hindi ba't kaya todo ang pagproteksyon namin kay youngmaster ay dahil siya nalang ang natitirang pag-asa namin laban sa biological weapon na ginawa nila? Napakurap ako nang may maalala nalang bigla.

"You mean.." I trailed off. I saw her settled down the gun and darted me a glance. She smirked, "Yes. Andrew Louise Oakley is alive."

Hindi ako makapaniwala sa narinig. All this time, buhay ang nakatatandang kapatid ni youngmaster?

"Where's the younglady now? Paano mo nalamang buhay siya?" tanong ko. Magsasalita pa lamang si Madame Yvonne nang biglang bumilis ang paghinga ni youngmaster. Kahit nanaginip pa ay tila gusto niyang kumawala sa pagkakatali niya. Mabilis na tinututok muli ni Madame Yvonne ang baril sa ulo ni youngmaster nang makawala ang isa nitong braso.

"Aaaah!"

"Calm down, youngman." Madame Yvonne hissed over youngmaster's scream. Maya-maya lang ay bigla itong kumalma at tsaka dumilat. His green eyes are back to normal. Hinawakan niya ang braso ni Madame Yvonne at suminghap.

"Y-yvonne..." mahinang usal nito. Huminga nang malalim si Yvonne at binaba ang baril. Pinatong niya ang kamay sa ulo ni youngmaster at marahan itong tinapik.

"I'm glad you returned to us, youngman." nakangiting saad ni Madame Yvonne. Nakita ko ang pagbabadya ng luha sa mga mata ni youngmaster at ang pilit na pagpigil niya rito. Sinubukan niyang igalaw ang isa niya pang braso para ipahid siguro sa kaniyang mga mata nang bigla siyang mapatigil. Nanlaki ang mga mata niya nang napansin niyang nakatali pala siya sa upuan.

"A-anong nangyari? Bakit ako nakatali rito?" bulalas niya. Napabuga ako ng hangin at kinalagan na siya. Pinagmasdan niya lang ako nang may pagtataka habang inaalis ko ang tali. Sinulyapan ko si Madame Yvonne at nakita kong nakatupi na ang mga braso nito sa kaniyang dibdib habang nakasandal sa estante. She really looks youthful even thought her age is around 40s.

"Youngman, you tried to kill me." saad ni Madame Yvonne. Narinig ko ang pagsinghap ni youngmaster habang ako'y bumabalik sa aking pwesto.

"Paano? Hindi ko magagawa 'yon!" wika ni youngmaster. Napailing-iling si Madame Yvonne, "You almost turned, dimwit."

"What?" bulalas ni youngmaster at napatitig sa kaniyang mga palad. "I almost turned into a..zombie?" naguguluhan niyang dagdag, halatang hindi sigurado sa tamang salita na gagamitin.Napatingin kami parehas kay Madame Yvonne nang bigla siyang tumawa. Mabilis din namang nawala 'yon at tinitigan si youngmaster nang masama.

"You call those monsters zombies? Masyado ka atang naimpluwensyahan ng mga napapanuod nababasa mo." singhal nito. Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni youngmaster. I can't blame him for being ignorant about the matter. Recently niya lang naman nalaman ang lahat, at sa tingin ko, hindi niya pa 'yon lubos naiintindihan.

"What do you call them, then?" tanong ni youngmaster.

"We call them mutants, youngmaster." I replied. He looked at my direction, completely unaware of what I've just said. I explained further, "The virus makes them lose their sanity and brings out their suicidal tendencies, thus, resulting to self-harming. However, if there's a stimulus nearby, their animalistic instinct will prevail and attack their prey. Their bodies also adjust and enhance their physical abilities to the maximum level."

Hindi ko maiwasang pagmasdan si youngmaster habang siya't tulala habang nakikinig sa akin. Anong iniisip niya?

CHRISTEUR

"The virus makes them lose their sanity and brings out their suicidal tendencies, thus, resulting to self-harming." pagpapaliwanag ni Ramil. Pumasok agad sa isip ko ang footage na pinapanuodsa akin ni Yvonne.

Ang nakaupong babae na nakatitig sa kawalan habang patuloy na inuuntog ang sarili niya sa pader, ni wala siyang pakielam sa dugong dumadaloy mula sa kaniyang ulo.

Ang lalaking nakatitig lang sa may CCTV na blangko ang mukha habang kinakamot ang kaniyang sarili. Bawat baon ng kanihang kuko ay siya ring pagtalksik ng kaniyang laman.

"However, if there's a stimulus nearby, their animalistic instinct will prevail and attack their prey. Their bodies also adjust and enhance their physical abilities to the maximum level."

Parehas na napatingin ang babae at lalaki na nasa silid kanina sa kapapasok lang na bata. Mabilis silang gumalaw at sinakmal agad ang bata nang walang pakundangan. Kahit na walang audio ang CCTV footage, tila gumawa ng sariling tunog ang mga tenga ko. Rinig na rinig ko ang pagsigaw ng bata habang kinakain siya. They're tearing off her limbs and then they devoured her severed legs and arms.

"Youngmaster?"

Tila nakipaglaro ang isip ko sa akin at inilagay ako sa pwesto ng bata. Kahit anong sigaw ko, kahit anong iyak ko, wala akong magawa laban sa mga taong 'yon. Wala silang awa. Maya-maya lang ay bigla kong narinig ang sinabi sa akin ni Yvonne.

"You tried to kill me."

I became a monster and even overpowered Yvonne. Kahit wala akong maalala sa mga nangyari, alam ko na nahirapan silang pigilan ako. I had the same aggressiveness as the people from the video. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mapapatayko sa ganoong paraan ang nanay ni Kyle.

"Youngmaster?"

To think na nangyari lahat 'yon nang tulog ako. Nung sinusubukan akong linlangin ng panaginip ko na huwag nang umalis at manatili nalang kasama si Dean at ang pamilya namin. Naramdaman ko ang pagkirot bigla ng dibdib ko.

Paano nga kaya kung nanatili ako roon?

Magiging masaya ba ako?

"Youngmaster!"

Nagising ako sa reyalidad nang hawakan na ni Ramil ang balikat ko. Sinalubong ako ng kulay asul niyang mga mata na nakatingin nang may pag-aalala sa akin.

"Ayos ka lang?" tanong niya. Tumango lang ako at marahang inalis ang kamay niya sa balikat ko, "May naalala lang."

"Anong nakita mo nung nawalan ka ng malay?" biglang tanong ni Yvonne. Lumingon ako sa kaniya at isinalaysay ang mga nangyari. Mula sa pagsalubong sa akin ni Dean, pagbati sa akin ng mga anak namin, at ang buong ilusyon na masaya kaming namumuhay nang normal at sama-sama.

"So that is what you strongly wish, huh?" saad ni Yvonne at umalis sa pagkakasandal sa estante. Inilagay niya ang mga kamay niya sa kaniyang gilid at naglakad papalapit sa akin. Nang nasa tapat ko na sya, mabilis niyang tinuro ang gitna ng aking dibdib at ngumisi.

"You really are an Oakley." saad niya at tinitigan ako direkta sa mata, "You didn't buy that illusion."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Umayos siya ng tayo at naglakad-lakad sa silid, "Based on your mother's claims, she also faced her greatest wish the moment the virus was injected to her. Like you, she conquered that and returned to us."

"Hindi niyo pa naman alam na immuned ang mama ko sa virus noon, diba? Bakit niyo siya hinayaang gawin 'yon?" tanong ko. I saw Yvonne rolled her grey eyes then clicked her tongue.

"I told you, the virus was Rachel's idea, not mine. I don't really know how she came up with the idea of using your mother as her first subject. Malaki ang tiwala namin kay Rachel at sa abilidad niya kaya hinayaan lang namin siya." saad niya. Napasinghal ako. That Rachel again, Tris' mother. Halata sa kilos ni Yvonne na naging malaki ang parte ni Rachel sa organisasyon na 'to, at isa 'yon sa pagkakamali nila. They let the traitor control the whole situation.

"Before I forgot," simula ni Yvonne, " May nabanggit din ang mama mo noon na sa huli raw ay nagpakita ang taong kamukha niya at kinumbinsi siya nitong manatili nalang sa panaginip na 'yon." saad ni Yvonne. Agad kong naramdaman ang pagtaas ng balahibo ko dahil sa narinig.

Hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol sa pagkikita namin ng isa pang ako sa panaginip.

"Nung tumanggi siya sa alok nito nang buong puso, doon lang siya nakawala at gumising. Rachel was there to observe what happened, and she theorized that the main effect of the virus to its host is to submerge them to an illusion of happiness, and when the host submitted themselves to it, the virus then devours their minds. This is why Rachel named the virus Facade." dagdag niya.

"After my mom, Rachel insisted to try the virus with other people, right?" I asked. Napatigil si Yvonne at napatango. She smiled bitterly as if she remembered the betrayal like it only happened yesterday, "We trusted her after all."

"Madame Yvonne, I think youngmaster needs to rest." singit bigla ni Ramil. Marahang tumango lang sa amin si Yvonne. Inalalayan ako ni Ramil tumayo at iginaya sa wheelchair. Doon ko lang naramdaman ang sakit sa bandang likuran ko, paa at mga braso. They really didn't go easy on me, I see.

Pagbalik namin ni Ramil sa kwarto ko ay agad akong naglakad patungo sa higaan. Sumalampa ako rito at tumitig sa kaniya, "How can you even keep this from me?"

His lips flashed a smile, "A man isn't what he thinks of himself, he is what he hides."

Napairap ako sa sinabi niya.

"Hindi bagay sa'yo ang maging deep." saad ko at hinablot ang unan ko. Binato ko 'yon sa kaniya at napatawa naman siya dahil sa ginawa ko.

"But people say deeper when we--" tugon niya. I grimaced upon the thought and cut him off instantly, "Disgusting!"

Binato niya ang unan pabalik sa akin at sapul pa sa mukha ko. Bumungisngis nalang din ako nang bumagsak na ang unan sa higaan ko. Humiga nalang ako ulit.

Nakakabaliw lahat ng mga nangyayari sa buhay ko. Dati, ang alam ko lang, may nagtatangka sa buhay ko kaya kailangan ko magtago. Tapos, sunod ko naman naging problema ay ang pagtatago ng katauhan ko kay Dean. Ngayon naman, itong pesteng biological weapon na 'to.

Napatitig ako sa kisame. Kung pwede lang bumalik sa oras at sabihin kina Mama na huwag magtitiwala sa Rachel na 'yon. Siya ang nagsimula ng lahat ng ito tapos hindi niya rin natapos dahil pinatay niya ang sarili niya. Ngayon, ang anak niya naman ang kumikilos para lang matupad ang mga plano niya.

Hindi ko alam kung maawa ako kay Tris o maiinis. Kung hindi lang sana nangyari ang lahat ng ito, baka pinormahan na 'yon ng bestfriend kong si Mackenzie. Tapos hindi niya na kailangan pang magalit tuwing nagkakaroon kami ng sandali ni Dean kasi wala na siyang rason para magselos pa.

Huminga ako ng malalim at napapikit.

Kung pwede lang talaga ibalik ang oras.

"Youngmaster,"

"Hmm?" sagot ko.

"Kyle said that we don't have time to spare. We're going to the Labyrinth."

Napadilat ako at napabalikwas ng bangon. Sakto rin na bumukas ang pinto at bumungad ang babaeng may pulang buhok at kulay hazel brown na mga mata. Ngumiti siya, "There's no going back, Christeur."

Napatango ako at tumitig pabalik sa kaniya.

"We're going to see an old friend."


###

What are your thoughts about this chapter?

Buhay ang kapatid ni Christuer? Sa tingin niyo, sino 'yon? hahah

Please vote and comment!

Thank you for reading!

- Chris Oca

Continue Reading

You'll Also Like

123K 143 1
"teka guys maniwala kayu sakin wala akong kasalanan" "SINUNGALING" 'Magic is not exit right' "WELCOME TO CRYSTAL WORLD" STARTED: FINISHED: This is a...
2.1K 154 38
𝗟𝗘𝗚𝗘𝗡𝗗𝗜𝗔 𝗧𝗥𝗜𝗟𝗢𝗚𝗬 𝗦𝗘𝗖𝗢𝗡𝗗 𝗜𝗡𝗦𝗧𝗔𝗟𝗟𝗠𝗘𝗡𝗧 Hindi na mapipigilan ang kadiliman, Ngunit patuloy parin ang paglaban ng lakan. ...
ZOMBREAK By Angge

Science Fiction

250K 12.7K 62
Vessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this t...
310K 9.4K 35
A story about Aya, a powerful princess fairy, who was brought up in the world of mortals by her parents' most trusted friends. Thinking she is born...