The Brightest Shooting Star (...

By red_miyaka

6.3K 150 126

Luziel Janaria Clementine always hoped for the boy she loved, although she admired him from afar. Kumbaga, um... More

Disclaimer
Shooting Star
Panimula
Ika-unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ika-pitong Kabanata
Ika-walong Kabanata
Ika-siyam na Kabanata
Ika-sampung Kabanata
Ikalabing-isang Kabanata
Ikalabing dalawang Kabanata
Ikalabing tatlong Kabanata
Ikalabing apat na Kabanata
Ikalabing limang Kabanata
Ikalabing anim na Kabanata
Ikalabing pitong Kabanata
Ikalabing walong Kabanata
Ikalabing siyam na Kabanata
Ikadalawampu't na Kabanata
Ikadalawampu't isang Kabanata
Ikadalawampu't dalawang Kabanata
Ikadalawampu't tatlong Kabanata
Ikadalawampu't apat na Kabanata
Ikadalawampu't limang Kabanata
Ikadalawampu't anim na Kabanata
Ikadalawampu't pitong Kabanata
Ikadalawampu't walong Kabanata
Ikadalawampu't siyam na Kabanata
Ikatatlumpung Kabanata
Ikatatlumpu't dalawang Kabanata
Ikatatlumpu't tatlong Kabanata
Ikatatlumpu't apat na Kabanata
Ikatatlumpu't limang Kabanata
Panghuli
Playlist

Ikatatlumpu't isang Kabanata

85 2 4
By red_miyaka

Pangtatlumpu't isang Kabanata

Hair

[ Play "Falling like the Stars by James Arthur ]

"Eliandra!" Bigla akong napalingon nang may sumigaw sa pangalan ko. Umirap ako at nakita na si Zil lang pala ito, nakahawak ang dalawang kamay sa bewang. Ginilid niya ang ulo niya.

"Practice na raw! Tulala ka na naman diyan, eh." Sigaw niya pa sa'kin.

"Oo, susunod na ako." Sagot ko at inayos ang salamin at buhok ko. Pinunasan ko iyon at nang isuot ko ulit ay nagsalubong ang kilay ko. Nataranta agad si Jana sa upuan niya at muntik pang mahulog kaya kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa.

"Tanga ka." Sabi agad ni Amarie sa kanya dahil hindi siya nahulog pero nahulog ang upuan niya. Napailing ako at tumayo para tulungan siya.

Inangat ko iyong upuan at nahihiya naman siyang magpasalamat sa'kin. Binatukan agad siya ni Amarie pero nanatili lang walang ekspresyon ang mukha ko.

"Vin!" Napalingon ako dahil sumigaw uli si Zil. I rolled my eyes at pumunta sa dulong parte ng room para puntahan sila. Tinignan ko siya ulit at tinaasan ng kilay nang makitang nakatingin siya sa'kin. Agad naman siyang nag-iwas at bumalik sa ginagawa niya, kinulit pa si Amarie. Napailing na lang ako at nakinig na kina Zil.

Jana was always bold with her actions. Naobserbahan ko iyon simula grade 7 noong may crush siya sa isang higher year. Hindi ko siya kaklase no'n ngunit naririnig ko sa iba na muntik pa siyang mapaaway dahil sa nasabi niya. One thing I admire about her is that she is straightforward and doesn't get shy around her other crushes. Well, hindi ko alam sa'kin. May mga oras na naririnig ko siyang kinukumplento ako pero kapag matatabi ako sa kanya o dadapo ang tingin ko sa kanya, nananahimik siya. Don't get me wrong, I'm not a feeler. Base lang naman 'yon sa palagi kong nakikita.

Grade 7 palang ay marami nang nagkakagusto sa'kin kaya hindi na ako nagugulat sa tuwing may umaamin. Kadalasan ay ngingitian ko lang sila bago sabihin hindi pa ako handang makipagrelasyon. Bata pa naman kasi kami no'n at alam kong halos lahat naman ay infatuation lang ang nararamdaman sa'kin.

Jana, on the other hand, was different. Grade 8 nang maging kaklase ko siya. Bago ako, marami pa siyang nagustuhang iba at nakikita ko kung paano niya pakitunguhan ang mga iyon. Kumpara sa'kin, kinakausap niya agad sila at ipaparamdam na gusto niya ang tao. Hindi ko nga lang alam kung bakit sa'kin ay hindi gano'n. Aaminin kong hinihintay kong magchat siya minsan at kausapin ako dahil iyon ang alam kong gagawin niya. Sometimes, I find myself staring at her profile in the active list. Iniisip ko kung dapat ko ba siyang ichat o ano, pero bumabalik ako sa wisyo at tinatanong ang sarili ko kung bakit ko naman gagawin 'yon.

"Vin! Ang pogi mo!" Narinig kong sigaw ng isang babae isang araw habang nagpapractice kami ng basketball sa gym. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalaro with an emotionless face.

"Vin! Shoot mo na!" Narinig kong sigaw ni On nang mapunta sa'kin ang bola. Shinoot ko iyon at natapos na ang practice namin. Naupo ako sa bangko at nagpunas ng pawis na namuo sa noo ko.

"Oh, tubig daw." Inabutan ako ni Anton. Kumunot ang noo ko dahil sa pagkakaalala ko, naiwan ko ang water bottle ko sa bahay.

"Kanino galing?" Tanong ko at binuksan na iyon.

"Kanino pa ba?" Sagot niya at tumabi sa'kin. Nagsalubong ang kilay ko at nag-angat ng tingin. Agad napadpad iyon kay Jana na halos makipagsabunutan na kay Leila sa tabi niya roon sa may railings. Napangisi na lang ako at tumayo uli para magexercise.

"Vin, crush kita." Napatigil ako sa paglalakad nang may huminto na babae sa harapan ko. Kumunot ang noo ko sa nakalahad niyang envelope. I stared at her with no emotion in my face. Napakagat siya sa labi niya.

"Thank you." Sagot ko at nilagpasan siya. I'm not rude, if I was I won't notice her. Ayoko na lang tanggapin iyon dahil ayoko siyang paasahin. I'd rather hurt others than be nice to them then they would assume something.

"Rude!" Sigaw ni Cax at inakbayan ako. Inilingan ko siya. Now, this is the opposite of me. Marami rami ang nagkakagusto sa kanya at dahil nga mabait siya, inaacknowledge niya iyon. I'm not that type.

"Paasa ka lang." Sagot ko sa kanya. Natawa siya.

"Mabait lang ako."

"Yeah, right." Sabi ko. I went to the cr to wash my face.

"Ayoko na nga kay Vin! Ang sungit!" Rinig kong sabi sa may labas. I just smirked. I'd rather have that comments, anyway.

Hindi kami magkaklase ni Jana noong grade 9 ngunit magkatabi ang room namin. Sometimes, I see her peeking on the window of our door. Hindi man deretso ang tingin ko ro'n, nakikita ko pa rin s gilid ng mata ko. Malapit lang ako sa pinto kaya madali lang akong silipin. I also do that sometimes, though. Hindi niya naman ako nahuhuli pero iyong ibang kaibigan ko, oo.

"Vin, napaghahalataan!" Pasigaw na bulong ni Jonathan sa'kin. Inirapan ko siya at hindi na pinansin. 

I saw a banner with my face on it hanging on the railings. Intrams na ngayon at tinignan ko kung sino ang nagdidikit noon. Nakita ko si Jana roon kausap si Zil. Napangisi na lang ako roon lalo na nang makita kung ano ang nakalagay sa banner niya.

GO SEXY LOVE!

"Buti ka pa, may paganyan." Ani On na nasa tabi ko at nakatingin din sa taas. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Gusto mo rin?"

"Hindi. Gusto ko lang naman macheer ng gusto ko." Natatawa niyang sabi kaya mahina ko siyang binatukan.

"Korni mo. Bagal mo rin naman kasi." Pang-aasar ko sa kanya. Natawa siya ulit doon, na kay Zil pa rin ang mga mata.

"Akala mo ikaw, gumagalaw." Pambabara niya sa'kin. Napailing na lang ako at nagwarm up na kami para sa magsisimulang laro.

"Fuck, i love you, Vin!" Narinig kong may sumigaw sa audience. Nag-angat ako ng tingin para tignan kung sino iyon at nadismaya lang nang hindi si Jana ang sumigaw no'n. Naroon lang siya sa may gitna, palihim na kinukurot si Zil habang nakatingin sa'kin na naghahandang magperform.
We locked eyes because of that. Naistorbo lang nang akbayan ako ni Cax at nagsabing mag-ayos na. I just looked at him with my bored face kaya natawa siya.

"Mamaya ka na lumandi!" Bulong niya sa'kin. 'Di naman landi 'yon. Edi sana naroon ako sa tabi niya kung nilalandi ko siya, 'diba?

My face lit up while looking at the paper in front of us. Enrollment na para sa grade 10 at nakita kong magkaklase uli kami ni Jana. Binatukan agad ako ni On kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Swerte." Bulong niya sa'kin.

"Ikaw rin naman." I said that made him laugh. I hate to admit this, but I really have a crush on Jana now. Kay On ko lang iyon sinabi dahil alam kong tahimik naman siya kahit papaano at siya ang makakausap ko sa ganito.

"Torpe ka pa rin naman." Sabi ko kay On.

"Nagsalita, ah." Sabi niya sa'kin. Nginisian ko lang siya.

"I bet that I would move faster than you."

"Well, I mean.. You're not wrong." Sabi niya at nagkibit balikat. Umiling na lamang ako dahil sa sinabi niya. Pang-apat na taon niya nang kaklase si Zil pero wala pa rin siyang usad. 'Di ko naman siya pinapakialaman at hinahayaan na lang siya. Bahala siya diyan. Besides, I know Zil is really hard to get. Masungit nga naman kasi siya ay nakakatakot most of the time.

I don't know what's gotten into me but I thought of leaving letters for Jana in her locker. I considered it as a form of poetry kahit na mga isa hanggang apat na linya lang ang nilalagay ko roon. As you can see, I'm not the type of person that gives this but the torpe side of me took over. Mas pipiliin kong magkunwaring walang feelings sa kanya at sa likod ng mga nagsusulat ng letrang 'to kaysa maipahayag ang nararamdaman. I'll confess to her, of course. When the right time comes.

I always compared her to some type of light. Aside from her nickname Luz from Luziel that means light, it also applies to her figuratively. Mainly because she literally is a walking light; she gives those kinds of vibes. Masaya lang ang paligid kapag naroon siya at napapagaan niya ang atmosphere kung nasaan siya. Well, atleast that's what I feel whenever she's around. Besides, her subtle compliments for me makes my day. Kapag nakakarinig ako ng simpleng 'ang pogi ni Vin' mula sa kanya, buo na ang araw ko. I think of that until I get home and it's what it keeps me going despite of having a complicated household. That was also the reason I compared her to a shooting star that is so bright and came into my life suddenly.

I forgot to slip my letter to her this day, kaya nagkunwari akong nahulog niya iyon. I walked up to her and gave it with no expression in my face, habang siya ay kagat ang labi na halatang nagpipigil ng kilig. I'm also amused by how I hide my emotions sometimes. Nasanay na lang talaga akong ganito ang itsura.

I don't know what the hell has gotten into me when I agreed to be the representative of our section for ginoong wika. Ayaw ko naman talaga pero pinipilit nila ako kaya wala akong ibang nagawa kundi pumayag. Isa pa, si Jana naman iyong partner ko. Noong magsisimula na ang parada ay inaya nila akong magpicture sa tabi ni Jana. On was seriously looking at me pero alam kong aasarin niya ako mamaya. Ngumiti ako kaya napasigaw ang iba naming kaklase. Minsan lang naman kasi talaga ako ngumiti kaya hindi na ako nagulat doon. Panay naman ang asar nina Amarie kay Jana na halatang nagpipigil ng kilig. I maintained my straight face despite of having the urge to smile and pinch Jana's cheeks. Ang cute niya kasi.

I didn't expect to have a place in that pageant kasi hindi naman ako nageffort. Nag top 3 ako roon at kasama naman si Jana sa top 10. Inasar kaagad ako ni On pagtapos pero pabulong lang naman. Oh, nalaman na rin pala ni Cax. Nadulas kasi si On kaya wala na siyang choice kundi sabihin sa kanya 'yon.

"Hindi naman halatang prepared 'yang jowa mo." Bulong ni On sa'kin sabay tingin sa may hagdan. I smirked when I saw Jana wearing a headband witn my face on it.

"Soon to be palang."

"Woah!" Maarteng sabi ni On at pabiro akong tinulak. We went in the gym and to our side. Intrams na ulit ngayong grade 10 na kami. Magkalaban kami ng grade 11 at final round na namin ito. Ginanahan ako maglaro dahil nakikita ko naman iyong suporta ni Jana.

"Go Vin, kaya mo 'yan!" Narinig kong sigaw ni Jana nang mapunta sa'kin ang bola. Bumuntong hininga iyon bago ishoot. Sumulyap din ako sa kanya kaya nagsigawan pa sila roon.

I expected Jana to come running to me after the game pero naalala kong hindi pa pala kami. Tumalikod ako nang dumating sila at nagpunas ng pawis, uminom na rin ng tubig. Naglandian pa roon sina Brianne at Mateo kaya inasar pa namin sila. Si On at Zil naman ay nagsimulang mag-asaran. On was already close to Zil but still moves slowly. I can't blame him, though. They have a rough past.

Bigla akong nilapitan ni Franco at kinalabit. Nagsalubong ang kilay ko at nilingon siya. "Ano?"

Dumapo ang tingin ko kay Jana na nag-iwas ng tingin at bahagyang namula. "Congrats daw." Si Zil na ang nagsabi dahil ramdam siguro ang hiya ni Jana.

Ngumisi ako. "Thanks." Simpleng sagot ko at inasar naman ako bigla nina On. Hindi ko sila pinansin hanggang sa pinababa kami noong SSG officer.

I often hear Jana cursing and I look at her everytime she does that. Hindi ko rin alam pero automatic akong napapalingon tuwing naririnig siyang magmura. I don't mind, though.

"Vin, yayain mo nga sa prom 'to, oh!" Sigaw ni Mateo habang tahimik akong naggigitara.

"Ano?" Tanong ko sa kanya, kunot ang noo. I was actually thinking about that pero nahihiya pa rin talaga ako.

"W-wala! Hehe." Sagot ni Jana habang nakatakip ang kamay sa bibig ni Mateo. Umiling na lang ako at bumalik sa paggitara.

Dumating ang araw ng prom namin at pareho kami ng kulay ng suot ni Jana. I swear, I didn't ask anyone about what she was wearing. Nagkataon lang na pareho kami. Siniko ko si On dahil maski sila ni Zil ay pareho at tinaas niya lang ang dalawa niyang kamay. Ilang minuto ang makalipas ay tinawag na kami para magperform sa stage. Madilim kaya hindi ko masyadong maaninag si Jana. I focused on playing the guitar and thought of asking for a dance later.

Sabay kaming tumayo ni On at lumapit sa kanila ni Zil pagtapos ng ilang saglit. May tumulak kay Jana kaya napasandal siya sa dibdib ko. My heart beated so fast that I did not know what to react. Walang gumalaw sa'min ni Jana pero agad siyang napaayos ng tayo. Akmang aalis na sana siya pero hinila ko ang braso niya at nilagay ang dalawang kamay niya sa balikat ko. Nakita ko ang paglaki ng mata niya kaya mahina akong natawa.

"May I have this dance?" Bulong ko pa.

"Nagtatanong ka pa e kinuha mo na kamay ko." Sarkastikong sagot ni Jana kaya natawa ako. Pareho sila ni Zil ng sense of humor pero mas nakakatakot pa rin ang awra ni Zil.

"I actually wanted to ask you to be my prom date." Sabi ko kay Jana. Napatingin siya sa'kin dahil nakatingin siya sa baba.

"Ba't 'di mo tinuloy?" Sabi niya. I smiled at how straightforward she was.

"I, uhm... I was shy." Nahihiya kong sabi at kinagat ang labi ko. Natawa siya.

"Ba't naman ako tatanungin mo, kung gano'n?" Tanong niya at tinaasan pa ako ng kilay. I laughed and tucked a strand of her hair in her ear.

"Crush kita, eh."

Continue Reading

You'll Also Like

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1M 31.6K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
Take The Fall By ‎

Teen Fiction

40.3K 2K 40
WEST AVENUE SERIES #3 (COMPLETE) Kalila Rafaella Go, SHU Lioness' libero is born in a family that wasn't that well off so she sweats blood to be acce...
2.9K 679 56
[𝑼𝒏𝒅𝒆𝒓 𝑺𝒍𝒐𝒘 𝑬𝒅𝒊𝒕𝒊𝒏𝒈] HAZEL VENNESA LOUISSE, a wealthy and successful fangirl, presents an image of perfection to the world. However...