Reclaim The Game (COMPLETED)

By beeyotch

15.2M 586K 456K

(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 27

284K 12.1K 18.6K
By beeyotch

#RTG27 Chapter 27

Naka-titig lang ako kay Sean habang magka-harap kami. Kinailangan ko siyang kausapin para huwag hayaan na umalis si Kelsey sa bahay nila... Alam ko na hindi ko pa masyadong kilala si Kelsey, pero alam ko na tototohanin niya iyong sinabi niya na aalis siya sa bahay nila... At hindi naman ako ganoong kasamang tao para pumayag doon. Kakapanganak niya lang... At kawawa iyong bata.

"Sean," pagtawag ko sa pangalan niya.

"Hmm?" tahimik niyang sagot habang naka-tingin din sa akin.

"Napag-isipan mo na ba kung ano ang gusto mong mangyari?" tanong ko sa kanya. Ako, alam ko kung ano ang gusto kong mangyari... Pero ayoko namang maging unfair. Gusto kong malaman kung ano ang gusto niya...

"I just know that I want you in my life," sabi niya.

"Paano sina Kelsey?"

"This is so hard."

"Alam ko... pero matanda ka na. Magdesisyon ka."

Pinapanood ko ang pagtaas at pagbaba ng dibdib niya. Tahimik lang akong naghihintay ng sagot niya. Ayoko ng gulo... lalo na ngayon at legal na mag-asawa na ulit kami. Alam ko na ang gusto ng mga magulang ko ay ang bumalik ako sa bahay ni Sean... Kasi raw kasal kami... Pero 'di ba nila naisip na mayroong Kelsey at baby?

"Sob, you want annulment, right? But you can't even remember me... Don't you think that's unfair?"

Huminga ako nang malalim. "Ano'ng gusto mong gawin ko, Sean? Wala akong maalala... Ilang taon na iyong naka-lipas, pero wala akong maalala... Paano kung wala talaga akong maalala? Ganito na lang? Paulit-ulit?"

"Then we'll make new memories—"

"You already have new memories—with your new wife."

Hindi na naman siya naka-sagot.

Hindi yata kami matatapos sa ganito...

"It's just..." sabi niya sabay tingin sa akin. Puno ng kalungkutan iyong mga mata niya. "It's just so unfair how you want to leave me just like that... when you don't even remember how great we were..." sabi niya na may maliit na ngiti sa labi niya. "We had our share of disagreements, Sob... but we were great together... God, I wouldn't have married you if I didn't love you that much..."

"But you married Kelsey, too, Sean... May anak pa kayo—" sabi ko, kaya lang ay napa-tigil ako nang mag-iwas siya ng tingin. Ang hirap ng walang alam... Parang ang daming tinatago ng mga tao sa paligid ko...

Muli akong huminga nang malalim.

"Okay," sabi ko. "Babalik ako sa condo na sinasabi mo... pero paano kung hindi na bumalik 'yung dati? Kung hindi na kagaya ng dati? Papakawalan mo ba ako?" tanong ko sa kanya habang naka-tingin sa mga mata niya.

Walang mangyayari kung walang gagawa ng paraan.

Gusto niyang magbalikan kami.

Gusto kong makipaghiwalay.

Kailangan naming magtagpo sa gitna.

* * *

Dala ko iyong isang bag ng damit ko nang pumunta ako sa condo na sinasabi ni Sean. Dito raw kami naka-tira noon. Tumingin ako sa paligid para makita kung may maaalala ba ako, pero wala talaga... Posible kaya na talagang natanggal na lahat iyon sa isip ko? Na wala na talaga akong maaalala kahit kailan?

"Hi," bati niya nang sunduin niya ako sa ibaba. Kinuha niya iyong bag na dala ko. Sumunod ako sa kanya hanggang sa maka-sakay kami sa elevator. Tapos ay naglakad siya at huminto sa harap ng isang pintuan. Tumingin muna siya sa akin bago niya buksan iyong pinto. "We used to live here," sabi niya.

Tumango na lang ako. Baka masaktan lang siya dahil wala talaga akong maalala. Sumunod na lang ako sa kanya sa loob. Nilagay niya iyong bag ko sa couch.

"I already prepared your room."

"My room?"

"Yeah... I know you can't remember me... I won't force you to sleep beside me," sabi niya habang naka-tingin sa akin. Nakita ko na naman na nagbuntung-hininga siya. Naupo siya sa malapit sa akin. "Sob..." pagtawag niya sa pangalan ko. "I know I may seem like an incredibly selfish asshole to you with everything that I'm doing... but this... this is a fucked-up situation... I feel like whatever I do, I'll still end screwing everything up... There's no right thing to do..."

Ang lungkot niyang tignan.

Parang hirap na hirap na siya.

"Alam ko... kaya nga natin 'to gagawin, 'di ba? Kailangan pa rin nating magdesisyon... Hindi pwede na ganito lang."

"I know..."

"Sina Kelsey?"

"At the house."

"Iyong baby?"

"She's with her."

"She?"

Tumango siya na may maliit na ngiti sa labi. "Yeah... She's still breastfeeding..." Tumingin siya sa 'kin. "Do you wanna meet her?"

Hindi ako sumagot. Tumayo na lang ako at saka kinuha iyong bag ko at dumiretso roon sa sinasabi ni Sean na kwarto ko. Hindi ko alam kung gusto ko bang makita iyong baby... Sapat na na alam ko na nag-e-exist siya... Para kasing ang unfair din sa kanya nitong ginagawa ko. Para akong nakiki-agaw sa tatay niya.

Ilang oras din akong nasa kwarto. Nang lumabas ako, nakita ko na naka-tingin sa akin si Sean na parang naghihintay siya.

"Let's go," sabi niya.

"Saan?"

"Dinner," sagot niya. "We usually go and walk around and decide where we want to eat."

"Hindi pwede na umorder na lang tayo?" tanong ko sa kanya dahil nagbabasa pa ako... Sabi kasi ni Sancho, wala raw available sa firm na dati kong pinapasukan... Baka iyon lang ang sabi niya kasi ayaw niyang masaktan ako kapag sinabi niya iyong totoo... Pero sabi niya may iba raw ako na papasukan... Ayoko lang na mapahiya siya kaya nagbabasa pa rin ako ng mga kaso.

Pero nang makita ko iyong lungkot sa mukha ni Sean, napa-buntong-hininga ako. I already agreed to giving this marriage a shot... might as well try hard...

"Do you have any question?" tanong niya.

"Wala naman."

"Aren't you even curious... about us?"

How could I be curious about something I couldn't remember?

"Paano tayo nagkakilala?" tanong ko na lang sa kanya.

"Outside a club—"

"Club? Pumupunta ako sa ganoon?"

"Yeah... You're a member of a sorority, so you're required to go to parties," sagot niya. "I was standing under a lamppost, trying to read something... then suddenly, you were there, too," pagpapatuloy niya na may maliit na ngiti sa labi.

"Tapos?"

"When you saw me there, you just left... And that threw me off a little." Huminto siya sandali. "It was the first time someone turned her back on me after seeing me... It was a first."

"Ang gwapo naman pala."

Tumawa siya. Lumiit lalo iyong mga mata niya. "I mean, as per experience, the white coat is attractive," sabi niya. "We talked for a while..."

"Tapos?"

"We made out."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?!"

Tumawa siya. "Yeah... We... we did things."

Naka-awang ang labi ko sa mga naririnig ko mula sa kanya. Nagkwento pa siya sa akin ng lahat ng ginawa namin. Hindi ako maka-paniwala sa mga naririnig ko! Ganoon talaga ako? Ginawa talaga naming lahat 'yun? Sinabi niya pa na binigyan ko siya ng ano sa sinehan...

Halos mapa-sign of the cross ako sa mga naririnig kong ginawa namin noon... Diyos na mahabagin...

Hanggang sa maka-rating kami sa isang kainan ay hindi pa rin tapos si Sean sa kwento niya. Sinabi niya rin sa akin iyong panahon na nagrereview ako para sa BAR... Na medyo nalungkot ako dahil hindi ko maalala... Pati iyong mga nangyari nung nasa law school pa ako... Alam ko pinaghirapan ko iyon, pero wala akong matandaan na kahit na ano...

"Salamat," sabi ko sa kanya.

"For what?"

"Sa pagku-kwento... Parang kahit papaano, alam ko iyong nangyari sa akin..."

Kahit hindi ko matandaan, at least, alam ko na ganoon pala ako dati... Hindi ko lang sigurado kung ganoon pa rin ako ngayon... Ang dami na rin kasing nangyari sa buhay ko... Parang hindi na ako iyong Isobel na sinasabi niya...

"Sean," pagtawag ko sa kanya. "Nung... nung na-aksidente ako... alam mo ba kung bakit ako pauwi ng Vizcaya?" tanong ko sa kanya. Base sa mga kwento niya, mahal na mahal ko iyong trabaho ko... Kaya bakit bigla na lang akong uuwi sa Vizcaya nang ganoon? Alam ko na bilang abogado, marami akong trabaho...

"Food's here," sabi niya nang ilapag sa harap namin iyong pagkain. Nagconcentrate siya sa pagkain doon. Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon para itanong ulit iyon... Pero tanda ko... Kailangan kong itanong ulit...

* * *

"Sean," pagtawag ko sa kanya nang lumabas ako sa kwarto ko. Maaga akong naligo dahil kailangan kong mag-ayos. Ngayon kami pupunta ni Sancho sa sinasabi niya na bagong trabaho ko.

"Good morning," bati niya sa 'kin na may ngiti.

"Aalis ako ngayon."

"With Sancho?"

"Oo... Sasamahan niya raw ako sa trabaho ko na bago."

"Okay..."

"May pupuntahan ka ba?" tanong ko. "Iyong baby..." Huminto ako. "Mamayang gabi pa ako makaka-balik siguro... May susi naman ako. Itetext kita kapag pabalik na ako."

Mabait naman nga si Sean.

Kasal nga kami.

Everyone wanted us to give this another shot... so, I would cooperate... pero kung wala talaga, wala na akong magagawa.

Biglang nagvibrate iyong cellphone ko. Tumingin ulit ako sa kanya. "Aalis na ko," sabi ko bago lumabas ng condo at dumiretso sa baba. Agad kong nakita iyong sasakyan ni Sancho. "Good morning," bati ko sa kanya. Tumango lang siya. "Sigurado kang okay lang sa kanila, ha..."

"Yeah."

"Pinaliwanag mo ba 'yung sitwasyon ko?"

"Yup."

"Ano'ng sabi nila?"

"They're desperate for another lawyer, so trust me, they need you more than you need them," sabi niya. Ano ba 'yan... para namang hindi mapagkakatiwalaan iyong lugar na pagdadalhan niya sa akin...

Nang huminto kami ni Sancho sa harap ng isang building, huminga ako nang malalim. Napa-lalim yata talaga iyong paghinga ko kaya napa-tingin siya sa akin.

"Don't be nervous. Tatlo lang sila 'dun."

"Pwede ba kitang tawagan kapag may pinagawa sila tapos 'di ko maintindihan?"

"Tanungin mo na lang si Jax."

"Si Jax?"

"Yeah... Ka-trabaho mo siya dati. He'll help you. O kaya si Iñigo ang tanungin mo... Kapag wala ka ng choice, kahit si Yago na lang."

Napa-kunot iyong noo ko sa mga pangalan na binanggit niya. Pero mabilis na lang din akong sumunod nang lumabas siya sa sasakyan. Dumiretso kami sa harap ng elevator. Ramdam na ramdam ko iyong bilis ng tibok ng puso ko habang papunta kami sa floor na sinasabi ni Sancho...

Borromeo, Gomez de Liaño, & Yuchengco Law Firm

Huminga ako nang malalim. Okay. Nandito na kami.

Pagpasok namin sa loob ay napa-kunot ang noo ko nang may oil painting ng isang pamilya akong nakita. Tumingin ako sa paligid. May isang pa-L na sofa doon tapos may mga division na parang opisina.

"Yago," pagtawag ni Sancho.

"Oh, hey!" sabi nung lalaki na biglang tumingin sa amin. "Atty. Laurel!" bati niya sa akin na naka-ngiti. Kilala niya rin ba ako?

Ngumiti na lang ako. "Good morning po—"

"Hala," sabi niya na natawa. "Don't use po. You're my senior."

Tumingin ako kay Sancho na nagkibit-balikat lang. Totoo nga yata talaga iyong sinabi niya na nang mawala ako, boss niya ako... pero may silbi pa ba iyon? Para kasing nagsimula ulit ako sa pinaka-ibaba...

"Sandali lang sa contract. Tagal ni Iñigo. Nasa kanya 'yung bond paper."

"Ano'ng klaseng firm 'to? Wala kayong bond paper?" tanong ni Sancho.

"Kasalanan ni Jax. Daming pini-print. Sabi na ngang 'save trees' dapat ang motto namin dito sa BGY," sabi ni Yago na napapailing. Parang close sila ni Sancho.

Mga ilang minuto pa nilang pinag-usapan iyong sa bond paper bago biglang may dumating na isang lalaki. Siya siguro si Iñigo. May dala siyang isang box ng bond paper.

"Good morning," bati niya na naka-ngiti.

"Bond paper?"

"Ha? 'Di ba sabi ko nasa ilalim ng mesa ko?"

"Ano 'yang box?"

"Files sa case ko."

Nagtalo na naman sila tungkol sa bond paper... Magdadala nga ako bukas... Para kahit iyon man lang, maitulong ko sa kanila...

Saglit na iniwan kami nina Yago at Iñigo dahil ipi-print daw nila iyong contract ko.

"Baka kailangan mo ng umalis," sabi ko kay Sancho dahil kanina ko pa nakikita na umiilaw iyong cellphone niya.

"After na. Basahin ko muna 'yung contract mo."

"Pwede ba 'yun?" tanong ko... 'Di ba confidential iyong mga ganon?

"Yeah, it'll be fine."

"Mabait naman sila, 'di ba?"

"Yeah. I won't bring you here kung wala akong tiwala sa kanila."

Mukha naman nga silang harmless... bond paper lang naman ang pinagtatalunan nila... Pero magaling kaya sila? Gusto ko syempre na maraming matutunan... Sabi nga ni Sancho na walang age limit ang pag-aaral... Alam ko na kahit matanda na ako, marami pa akong pwedeng matutunan... Pwede pa akong maging magaling na abogado...

"Here's the contract," sabi ni Yago sabay abot sa akin ng papel at ballpen. "Just the standard contract."

Kinuha ni Sancho iyong kontrata at siya iyong nagbasa. Naki-basa lang din ako. Mukhang okay naman... kaya lang ay may mga reklamo si Sancho. Nag-usap sila ni Yago. Tumayo na lang ako dahil parang iba na iyong pinag-uusapan nila. Ewan ko pero biglang nasali iyong kapatid ni Sancho sa usapan bigla.

"Hi," sabi ko nang makita ko si Iñigo.

"Hey," sagot niya. "Maingay lang talaga si Yago. Masasanay ka rin."

"Hindi, okay lang... Salamat pala sa pagbibigay sa 'kin ng chance..."

Ngumiti siya. "Yeah... Don't mention it... Alam ko 'yung pakiramdam ng nawalan tapos nagsimula sa umpisa."

Napa-ngiti din ako. "Salamat."

"Kapag may tanong ka, don't hesitate to ask. Although usually, si Yago 'yung nandito, pero sasagot naman 'yan, don't worry. Kapag niloko ka, sabihin mo lagot siya kay Rory."

"Rory?"

"Asawa niya. Kilala mo rin 'yun dati. Basta sabihin mo 'yung Rory, tatahimik 'yan."

Natawa ako nang saglit. "Okay... Ano pala 'yung gagawin ko rito?"

Pinaliwanag sa akin ni Iñigo na dahil magsisimula pa lang ako, tutulong muna ako sa kanila sa mga cases. Parang magiging assistant muna ako. Biglang nabunutan ako ng tinik sa dibdib ko. Syempre kinakabahan pa rin ako kasi parang kaka-simula ko pa lang talaga.

"You good?" tanong ni Sancho.

"Oo. Salamat. Gusto ko rito," sabi ko. Mas gusto ko rito kaysa sa firm na sinasabi niyang pinagtrabahuhan ko dati... Nung pumunta kasi kami doon, ang daming masyadong tao... parang ang daming naka-tingin sa akin... Mas gusto ko rito... Apat lang kami... Mas makaka-hinga ako nang maluwag...

Ngumiti siya. "Good to hear," sabi niya. "But I need to leave."

"Okay... Ingat ka."

"Thanks." Tumingin siya sa 'kin. "It's your first day. Take it easy. Iba 'yung aral sa actual practice. Hindi mo makukuha lahat sa unang araw. Just try to observe what they do. Ganyan talaga sa simula."

Tumango ako. "Salamat sa advice, Sancho."

Masaya ako na nandyan siya. Hindi niya talaga ako pinabayaan. Tapos dinala niya pa ako rito... Pakiramdam ko talaga magiging maayos ako rito... Mukhang mababait talaga sila... Hindi ko pa nakikita iyong Jax—doon lang sa oil painting—pero base sa mga sinabi nila, iyon daw ang pinaka-maayos kausap...

"I'm leaving," sabi niya kina Yago at Iñigo.

"Bye. Next time, magdala ka naman ng pagkain," sabi ni Yago.

Umirap lang si Sancho bago umalis. Mahina akong natawa. Tinawag ako ni Iñigo para magpa-tulong sa case na hawak niya. Ang daming papel... pero imbes na matakot ay naka-ramdam ako ng excitement. This... this is the life that I want. 

Continue Reading

You'll Also Like

602K 41.4K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
32M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
926K 30K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2.2M 98K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...