The Vampire King's Beloved

By imperial_gem

57.3K 4.5K 1.6K

Sirene Creed, the destined beloved of the vampire prince. The destined beloved who will bear the child of the... More

Introduction
Chapter 1: Sirene, Run!
Chapter 2: Valencia
Chapter 3: Troy Ashvill
Chapter 4: He's a Master?
Chapter 5: Blood Lust
Chapter 6: Valencia Empire
Chapter 7: Rain Ashvill
Chapter 8: Vampire Hunter
Chapter 9: Abducted
Chapter 10: Sirendepity
Chapter 11: Sirene's Dead?
Chapter 12: Burn Into Ashes
Chapter 13: Special Weapon
Chapter 14: Deceive
Chapter 15: Hidden Treasure
Chapter 16: War against Valencia
Chapter 17: Glimpse of the Past
Chapter 19: Unknown Identity
Chapter 20: Unfold the Past
Chapter 21: Troy's Revenge
Chapter 22: Escaping Alegria
Chapter 23: Captured
Chapter 24: Queen's Pendant
Chapter 25: A Vampire's Battle
Chapter 26: Fight, Sirene
Chapter 27:After Death
Chapter 28: A Vampire's Bite
Chapter 29: Awaken
Chapter 30: Changes
Chapter 31: Mating
Chapter 32: Vampire's Instinct
Chapter 33: Moments
Chapter 34: Secured
Chapter 35: Simulation Room
Chapter 36: Sirene's Training
Chapter 37: Under the Tree
Chapter 38: The Mating
Chapter 39: Sacrifice
Chapter 40: Final Chapter
Epilogue

Chapter 18: The Prophecy

959 83 28
By imperial_gem

Chapter 18: The Prophecy

"Alam niyo na siguro kung bakit ko kayo pinapunta dito hindi ba?" panimula ni Dad at tumango naman sila.

Ngayon ay natipon na lahat ng bampirang nasa alegria at sasabihin na ni Dad sa kanila ang plano. Katabi ko ngayon si Kael at sa gilid niya naman ay si Rash. Katabi naman ni Dad si Ginoong Greg na ngayon ay hindi ko pa rin matingnan ng maayos.

"May limang araw na lamang tayo upang magsanay. Gusto kong ihanda ninyo ang inyong mga sarili sa mangyayaring digmaan laban sa Valencia." wika ni Dad

Tiningnan ko naman ang mga reaksyon nila ngunit para bang hindi sila nasisiyahan sa nangyayari. Ramdam ko na parang hindi nila gustong lumaban.

"Pasusugurin natin sila dito sa Alegria at sisiguraduhin nating dito... Dito sa lugar na ito sila magtatapos." patuloy ni Dad at tumango tango naman ako sa sinabi niya.

Napag-usapan na namin ni Dad na hindi kami ang sasalakay sa Valencia kung hindi sila ang pasasalakayin namin dito. Haharangan namin sila sa gubat bago sila makapunta dito at ako sisiguraduhin kung papatayin ko si Troy Ashvill.

Natapos ang pakikipag-usap ni Dad sa mga bampira at nasang ayunan na lahat ng plano na gagawin. Magsasanay ang lahat at maghahanap pa ng kasamahan ang ilan para makasama sa digmaan.

Ngayon ay naglalakad na ako patungo sa kainan na sinabi ni Kael kanina. Ng makita ko na ang kainan ay agad na akong pumasok.

Maaamoy mo agad ang bango ng mga pagkain pagkapasok mo. Gawa sa matitibay na kahoy ang buong paligid at pinalilibutan ng palamuti ang bawat sulok ng espasyo.

Inilibot ko ang paningin ko at nakitang walang tao. Nagsiuwian na siguro lahat sa kanilang bawat tahanan matapos ng pag-uusap kanina.

Lumapit ako sa babaeng nag se-serve ng pagkain at tiningnan ang bawat putaheng nakahain.

Napakunot-noo naman ako bigla ng masuri kung ano ang mga nakahain. Tila ba nag iba ang sikmura ko. Parang mabubuwal ako.

"Anong sa'yo?" tipid na tanong sa akin ng babae habang nakayuko ito pero hindi ko siya kayang sagotin.

Hindi ko gusto ang mga nakahain. Hindi ko mawari kung ano ang mga putaheng iyon. Tila ba... hindi ito gusto ng sikmura ko. Mapupula lahat ng pagkain at kakaiba.

"Sylvia." rinig kong wika ng isang lalaki sa likuran ko. Lumingon ako at nakita si Ginoong Greg na nakatayo doon.

Anong ginagawa niya dito?

"Isang bote ng au revoir na lang ang sakanya." sabi niya sa babaeng nag se-serve ng pagkain which is si Sylvia at tinangoan naman siya nito.

"Sige." wika ng babae at ilang minuto lang din ay ibinigay niya sa akin ang isang kulay pulang bote. Na may nakatatak na aurevoir.

Kinuha ko na lamang ang bote at tiningnan si Ginoong Greg. Hindi ako makapili ng pagkain. Kakaiba ang pagkain nila dito sa kinakain namin sa kastilyo ng Alegria.

"Umupo ka." utos sa akin ni Ginoong Greg sabay turo sa mesang nasa malayo.

Sinunod ko na lamang siya at mabilis na umupo sabay lagay ng bote sa mesa.

"Mag-usap tayo sandali." mabilis na wika ni Ginoong Greg pagkaupo niya sa upoang nasa harap ko. Tila ba nagmamadali siyang kausapin ako.

Tinangoan ko na lamang siya at hindi na nagsalita pa.

"Anong ginagawa mo dito?" agad na tanong niya at tinaasan ko naman siya ng kilay ng marinig iyon. Anong tanong ba 'yan?

"Bakit ka nandito? Hindi ka maaaring magtagal sa lugar na ito. Hindi ka nabibilang dito Sirene." wika niya na ikinataka ko.

"Anong ibig niyo pong sabihin? At sino si Sirene?" takang tanong ko na ikinagulat niya.

"Hindi maaari." mahinang bulong niya at napahawak pa sa noo nito.

"Kinuha nila lahat ng memorya mo. Kaya pala napunta ka dito." bulong niya pero rinig na rinig ko naman.

Oh well! That's the great thing about being a vampire. Nagiging mabilis at matulis ang bawat galaw mo. Naririnig lahat ng mga bagay na nakapaligid sa iyo.

"Hindi ka isang bampira Sirene. Hindi ka pa isang ganap na bampira. Kaya bakit ka nandito? Anong gagawin nila sa iyo?" takang tanong sa akin ni Ginoong Greg na parang may malalim pa siyang iniisip.

"Anong ibig niyo pong sabihin? Hindi po ako si Sirene at bampira po ako. Ano po bang pinagsasabi niyo?" nagugulohang tanong ko na para bang na we-weirduhan na sa pinagagagawa niya.

"Hindi ikaw si Irene. Sirene ang palayaw mo. Binigyan ka nila ng ibang katauhan. At baka siguro mayroon kang abilidad ng pagiging bampira ay dahil iyon ang nakatakda." aniya na mas lalong nakapagpagulo sa aking isipan.

"Hindi ko po kayo naiitindihan. Alam niyo mas maganda siguro kung umalis na ako." sabi ko at tatayo na sana ng bigla niyang hinigit ang kamay ko.

Dahilan upang mapa upo ako. Pinandilatan ko naman siya ng mga mata at agad na kinuha ang kamay ko. Kahit na matanda siya ay kaya ko siyang patayin ng walang-awa.

"Alam kong nakita mo ang nakaraan ko na kasama ka. Nakita mo ang ala-alang iyon Sirene. Nag-aagaw buhay ako noon." aniya

Naisip ko naman bigla ang nakita kong ala-ala kanina ng inabot ko ang kamay niya kanina.

"Gusto kong buksan mo ang iyong isipan Sirene at piliin kung saan ka nabibilang. Tandaan mo Sirene. Itinakda kang maging kaagapay ng prinsipe." huminto siya at tiningnan ang paligid.

Ramdam kong kinakabahan siya.

"Kaya ka ngayon may kapangyarihan dahil nalalapit na ang itinakda. Mangyayari ang proseso ng pagsasama niyo ng prinsipe sa gabi ng kabilugan ng buwan. Huling araw ng Agosto." aniya na mas lalong ikinataka ko.

Maraming tanong sa aking isipan. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako. At anong proseso ng pagsasama? Kabilugan ng buwan? Gulong-gulo na ako.

"Pero.." putol niya sa sinasabi niya na para bang nag dadalawang isip pa siya kung sasabihin ba niya o hindi.

"Sa oras na hindi niyo magawa ang proseso ng pagsasama sa kabilugan ng buwan. Mawawala lahat ng abilidad na mayroon ka ngayon Sirene. Babalik ka sa pagiging normal na tao. At..." bumuntong hininga siya at yumuko ng bahagya.

"Mamamatay ang itinakda sa trono. Magkakaroon ng malaking digmaan at hindi na mabubuo ang batang itinakda. Ang batang siyang magsasalba sa lahat ng bampira laban sa kasamaan." aniya.

Nanuyo naman bigla ang aking lalamunan dahilan upang hindi ko makuha ang lakas para makapagsalita. Hindi ko alam. Wala akong masabi sa lahat ng narinig ko.

Nararamdaman ko ring hindi siya nagsisinungaling. Pero bakit ako ngayon nandito? Bakit ako nandito sa Alegria?

Tiningnan ako ni Ginoong Greg at nginitian ng mapakla.

"Hindi na masusunod ang propesiya." wika niya na ikinabigat ng dibdib ko.

Para bang gusto kong malaman ang lahat ng katotohanan. Na para bang may parte sa akin na gusto kong makilala. Na gusto kong ungkatin.

"Sirene, lawakan mo ang iyong pag-iisip. Kapag dumating ang panahon na kailangan mong mamili. Sundin mo kung ano ang isinisigaw ng puso mo. Sa panahong iyon? 'Wag na 'wag mong sundin kung ano ang nasa utak mo." aniya at tumayo, para bang nagmamadali na siyang umalis.

"Hindi lahat ng iniisip mo ngayon ay totoo. Pero nakakasigurado akong ang idinidikta ng puso mo ang makakasalba laban sa lahat ng kasamaang ito." sabi niya at tuloyan ng naglakad paalis.

Naiwan akong nakatulala sa ere. Hindi alam kung ano ang gagawin.

Hindi ako si Irene? Kung ganoon, sino ako?

At bakit dito ako nakatira? Sino si Dad? Si Kael? Niloloko ba nila ako?

Napahawak naman ako sa noo ko at minasahe ito. Napasulyap ako sa boteng nasa mesa at napatitig sa salitang nakadikit sa bote.

"Au revoir." sambit ko.

Para bang...

Narinig ko na ang salitang iyan.

Para bang...

Nagpapa alam siya.

Liningon kong muli ang aking likuran at nakita ang walang ka tao-taong espasyo. Umalis na nga si Ginoong Greg.

"Kailangan kong hanapin ang katotohanan." I whispher bago lumabas ng mabilis sa kainan.

Continue Reading

You'll Also Like

38.2K 1.8K 22
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...
377K 10.6K 40
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...