It's Her (My Devil Queen)

Por blackandblurr

10.4K 294 104

"Run" For life or for love? It's Her (My Devil Queen) By: blackandblurr Más

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 11

202 6 1
Por blackandblurr

Sean's POV

Nanindig ang mga balahibo ko dahil sa takot. Tiningnan ko 'yon ng mabuti at...

Hindi ko alam pero bakit parang pamilyar ang itsura niya?

Napatingin kami sa gilid ng may mga dumating na mga guard. Tumabi naman ang mga estudyante para makadaan ang mga 'yon. Tiningnan nila ang katawan ng lalaki at saka nila 'yon binuhat papunta sa stretcher. Tinanggal nila ang pagkakagapos ng mga kamay nito pati na rin ang piring no'n sa mata dahilan para makita ko ng maayos ang muka niya.

Siya...

Siya yung lalaking hinahabol ng mga nakamaskara nung gabing 'yon.

Hindi kaya ang mga nakamaskarang 'yon ang pumatay sa kaniya?

"Kayo" turo sa mga estudyante nung isang guard. "Pumunta na kayo sa mga classroom niyo" sabi niya at saka siya sumama sa mga kasama niya. Mukang dadalin na nila sa 'yon sa hospital. May mini hospital kasi rito sa Ward University.

Gaya ng sinabi nung guard, umalis na ang mga estudyanteng nakiki-chismis kasama kami.

"G-grabe naman yung ginawa sa kaniya" nakatulalang sabi ni Hans.

"Bakit may nangyayaring gano'n dito?" Tanong ko kay Arlo pero tiningnan lang niya ko at hindi sinagot. Pero pakiramdam ko may gusto siyang sabihin eh.

"Hindi 'yan ang unang beses na may pinatay dito" sabi lang ni Arlo at naiwan naman kaming nakatulala. Hanggang makapasok kami sa room namin wala parin kaming mga kibo.

Kasi naman bakit ganito diba? May pinatay na estudyante! Bakit parang normal lang sa kanila na makakita ng mga gano'n? Hindi ba sila natatakot?

Hindi talaga tama na pumasok kami rito.

-

-

-

Naglalakad kami ngayon ni Cobie papunta sa cafeteria. Kaming dalawa lang dahil wala na kaming pagkain. Yung tatlo naman nauna na.

"Sean" napalingon ako kay Cobie ng bigla nalang niya kong tawagin. May itinuro siya sa kung saan at lumingon naman ako do'n. "Si Mang Jose ba 'yon?" Tanong niya habang nakaturo sa isang matanda na puti ang buhok. Nagmo-mop siya sa loob ng cafeteria.

"Oo siya 'yon" sabi ko at agad siyang hinatak papunta kay lolo tanda. Siya lang naman ang kilala kong matanda rito na may ganyang buhok.

Pagkatapos naming pumirma sa guard ay pumunta na agad kami kung nasa'n si lolo tanda. Hinatak ko siya papunta sa isang gilid para walang makakita samin at muka namang hindi siya nagulat sa ginawa ko.

"O kayo pala 'yan" nakangiting sabi niya samin ni Cobie ng bitawan ko siya.

"Hi Mang Jose" sabi naman nitong kasama ko kaya agad ko siyang binatukan. Nakalimutan na ba niya na si lolo tanda ang nagdala samin dito? Tsk.

"Lolo tanda, gusto ko ng umalis dito" deretsong sabi ko at napaseryoso naman agad ang muka niya.

"Pa'no kayo makakalabas sa isang lugar na wala namang labasan?" Sabi niya at nagpatuloy na sa ginagawa niya. Pero hindi ko siya tinigilan, nagsalita parin ako ng nagsalita.

"Kung gano'n pa'no niyo kami napasok dito? Pa'no niyo kami nasundan sa loob ng kuweba? Imposibleng walang labasan dito lolo tanda" sabi ko at napailing iling naman siya.

"Kung may daan palabas, sa tingin mo bakit wala pang nakakalabas sa lugar na 'to?" Tanong niya na nagpatigil sakin. "Sa tingin mo ba gusto rin naming manatili sa lugar na 'to?" Dagdag pa niya na tuluyang nakapagpatahimik sakin.

Ibig sabihin ba no'n gusto rin nilang umalis sa lugar na 'to? Pero bakit parang wala naman silang ginagawa?

Gusto talaga nilang lisanin ang lugar na 'to bakit hindi pa nila ginawa?

"Pero kayo Mang Jose, alam niyo ang daan. Bakit hindi pa kayo lumabas? Tutal sabi niyo kanina gusto niyo rin namang makaalis sa lugar na 'to diba?" Tanong naman ni Cobie. Sabagay may punto siya.

Itinigil ni Mang Jose ang paglilinis at seryosong tumingin saming dalawa.

"Hindi ako pwedeng umalis dito" halos sabay kaming napatingin kay lolo tanda ng sabihin niya 'yon. "Ang pananatili ng mga estudyante rito, ang pagtatrabaho ko rito, ang puting buhok na 'to" napatawa siya pero ang lungkot ng tawa na 'yon. "Lahat ng 'to may ibig sabihin"

"Eh ang pagdala mo samin dito?" Napalingon silang dalawa sakin ng magsalita ako. "May ibig sabihin din ba 'yon? Kung bakit kami ang napili mong ipasok sa lugar na 'to?" Tanong ko at nakita ko naman ang pagkurba ng labi niya.

"Gaya ng inaasahan, magaling kang mag-isip, Sean" sabi niya at saka napailing iling. "Kayo ang napili ko dahil... Kayo ang inaasahan kong magliligtas sa 'min"

Napatigil ako sandali ng sabihin niya 'yon.

"Pero pa'no?" Tanong ko.

Lumapit siya saming dalawa ni Cobie at hinawakan ang magkabilang balikat namin. "Nung nakita ko kayo, nakaramdam ako ng pag-asa. Alam kong marami kayong magagawa para samin. Sana ay h'wag niyo 'kong biguin" sabi niya at kinuha ang mga gamit niya panglinis. Tapos umalis na siya.

Kinalabit ako ni Cobie kaya naman napatingin ako sa kaniya.

"Pa'no naman natin maliligtas ang lugar na 'to?" Tanong niya at napaisip naman ako.

Pa'no nga ba?

Siguro...

Baka...

"Baka hindi lang tayo" sabi ko at napakunot naman ang noo niya. "Sa tingin ko ay may makakasama pa tayo para sa pagpaplano. Ang tanong lang ay sino?"

"Eh sila Arlo?" Tanong niya na ikinagulat ko naman. "Sa tingin mo ba ay may dahilan din kung bakit sa kanila tayo nakasama ngayon?" Tanong niya at bigla naman nagliwanag ang isip ko.

"Tama! Sa tingin ko sila na nga" sabi ko at saka kumuha na ng basket.

Tutal dito naman talaga sa cafeteria ang punta namin. Kukuha na kami ng mga pagkaing kailangan namin.

-

Hindi ko alam pero nakatitig ako ngayon dito sa candy section. Ewan. Parang gusto kong kumuha ng isa eh.

Naglakad ako papunta ro'n at tinitigan yung bubblegum na madalas kinukuha ni Aiah. Bigyan ko kaya siya?

"At kelan mo pa nasimulang magustuhan ang bubblegum, Sean?" Nagulat ako ng bigla nalang sumulpot si Cobie sa tabi ko at naka ngisi siya ngayon.

Tumingala ako at nag-isip. "Hmm, ngayon?" Nagkatinginan kami ni Cobie at sabay na natawa.

"Hahahaha sabi na may gusto ka kay Aiah eh!" Tatawa tawang sabi niya at saka niya ko hinampas sa balikat.

"Tsk, sumbungero ka kasi" sabi ko bago ilagay yung bubblegum sa basket ko.

"Sumbungero? Nagsasabi lang kasi ako ng totoo pre, hahaha. Pero 'di nga? Ano ng plano mo? Aamin ka ba?" Tanong niya habang naglalakad kami papunta sa cashier. Bakit cashier pa ang tawag jan eh hindi naman kami nagbabayad?

"Hindi" pagkasabi ko no'n ay bigla siyang napatigil sa paglalakad at gulat na napatingin sakin.

"Ano? Sayang yun! Pa'no kung may gusto rin sayo 'yon ah?" Tanong niya at napaisip naman ako.

"Tsk, gusto ko siya, pero hanggang do'n lang 'yon. At saka weird parin siya para sakin. Wala pa kong alam tungkol sa kaniya"

"Alam mo Sean, do'n na rin 'yon papunta" sabi niya at saka ako inakbayan. "Anong balak mo jan sa bubblegum?" Tanong niya at inalis ko naman agad ang pagkakaakbay niya sakin.

"Ibibigay ko sa kaniya"

"Yun lang?"

"Oo"

"Ang hina mo naman!" Napatingin ako sa kaniya. Parang ang dami niyang alam ah. "Alam mo ba sa tingin ko may gusto rin sayo si Aiah" sabi niya at inilagay na sa counter ang mga pagkain na kinuha niya.

"Pa'no mo nasabi?"

"Eh kasi nung ginagamot niya yung sugat mo, iba yung tingin niya sayo eh. Alam mo yun? Parang nag-aalala siya sa'yo pre. Ibig sabihin may pakialam siya sayo" sabi niya habang yung mga pagkain ko naman ang nilalagay ko sa counter.

"Tsk, kahit ako naman pag may nakita akong taong may sugat mag-aalala rin ako noh" sabi ko.

Tapos na kami kaya naman naglakad na kami palabas ng cafeteria.

"Bahala ka nga, Sean" sabi niya at tatawa tawa lang. "H'wag kang mag-alala, hindi ko sasabihin kay Arlo. HAHAHA"

Tsk. Bwisit talaga 'to, pagtawanan pa ko. Hindi ko tuloy alam kung sasabihin niya o hindi talaga.

"Si Aiah oh" turo ni Cobie sa kung saan at napatingin naman agad ako ro'n. "Bwahahahaha, huli ka!" Sabi niya at nagtatawa na. Tsk, bwisit na 'to.

"Tsk, bahala ka jan" sabi ko at pinangunahan na siya sa paglalakad. Pero maya maya lang ayan na naman siya.

"Pre, ayun sila Aiah oh" sabi niya at turo niya sa kung saan pero hindi ko na siya pinansin. Akala niya maniniwala pa 'ko sa kaniya? Tsk. Hindi na noh.

"Pero Sean, ayun talaga sila. Kasama niya sila Arlo at Hans at papunta sila sa cafeteria" sabi niya pa kaya naman asar ko siyang nilingon.

"Hindi mo ba ko titigilan?" Asar na sabi ko at natatawa tawa na naman siya.

"Pero totoo na talaga ngayon oh" sabi niya pa sabay hawak sa muka ko para ilingon 'yon sa cafeteria.

Nando'n nga sila!

"Oh diba?"

"Eh ano namang gagawin nila jan? Akala ko ba magluluto si Arlo?" Tanong ko pero napangisi siya.

"Malay ko. Ba't kaya hindi natin sila puntahan?" Sabi niya at maglalakad na sana ng magsalita agad ako.

"Eh kagagaling lang natin sa cafeteria eh, pupunta na naman tayo do'n?"

"Bakit hindi? Hahahah, at saka nando'n yung Aiah mo. Ayaw mo bang makita?" Sabi niya at saka ako hinatak hatak, nagpadala naman ako sa kaniya.

Bahala na, tsk.

"Arlo! Hans!" Paulit ulit na sigaw niya hanggang sa makita nila kami. Lumapit sila samin bago pa sila makapasok sa cafeteria.

"Nasira yung kalan, dito muna tayo kumain" sabi ni Arlo.

"Ah ganun ba? Eh pa'no 'yan, nakapasok na kami sa cafeteria, papapasukin pa ba kami?" Tanong ni Cobie.

"Oo, pero kailangan niyong ibalik yang mga kinuha niyo" sabi niya. Agad namang sumang-ayon si Cobie at sumunod na siya kala Arlo.

Tsk, ibabalik 'to?

Sumunod narin ako sa kanila at ibinigay sa isang trabahador yung mga kinuha ko kanina.

Goodbye bubblegum...

Naramdaman kong parang may nakatingin sakin kaya naman lumingon agad ako. Si Aiah, nakatingin siya sakin.

Pinaningkitan niya ko ng mata bago mag-iwas ng tingin. Ano naman 'yon?

Hindi ko nalang 'yon pinansin at naglakad nalang papasok sa loob, tsk.

-

-

"Wahhh, gusto ko pa neto!" Sigaw ni Hans habang sinisimot yung ice cream.

"Hindi na pwede Hans, pang-apat mo na 'yan, kanin ang kainin mo" tatawa tawang sabi ni Arlo at kahit labag sa loob ay sinunod ni Hans ang sinabi nito.

H'wag kayong magpapakita ng kahit anong dessert kay Hans dahil sigurado akong hindi siya titigil hangga't hindi nauubos ang mga sweets sa paligid. Yung isang buwan na ipon nga niya dati naubos lang sa loob ng isang araw eh. Napadaan kasi kami dati sa isang tindahan na puro sweets tapos ayun, inubos niya yung pera niya do'n.

Bigla nalang tumayo si Aiah at umalis. At kung sa'n siya pupunta? Hindi ko alam.

Tumayo ako at agad namang nagtaka sila Hans. "Sa'n ka pupunta?" Tanong ni Hans.

Ba't ganyan sila maka-react? Kaninang si Aiah yung umalis hindi naman nila siya tinanong. Unfair.

"Kukuha lang ako ng tubig, may isa pa naman ako WU coin" sabi ko at nakita ko naman ang pagngisi ni Cobie.

"Baka naman may susundan ka lang" bulong niya na ako lang ang nakarinig.

Tsk, bahala siya. Hindi ko na siya pinansin at umalis na ko.

Pumunta ako sa mga ref at kumuha ng isang tubig, pumunta ako sa cashier at ibinigay ko ang isa kong WU coin.

First time kong makapunta sa side na 'to ng cafeteria. Ang WU coin (Ward University coin) ay ang ibinibigay ng guards sa customers pag pumasok sila sa entrance. Limang coin per head. Parang sa kabilang side lang ng cafeteria. Doon ay pipirma ka sa guard, dito naman sa right side may ibibigay na coin para sa mga pagkain.

Habang iniinom ko yung tubig na binili ko, nakita ko si Aiah sa gilid. Glass ang buong cafeteria kaya naman kitang kita ang labas. Parang may tinitingnan siya ro'n na kung ano kaya naman lumapit ako sa kaniya ng kaunti.

Ano namang tinitingnan niya rito sa likod? Puro puno lang naman ang nakikita ko eh. Halos gubat na kasi rito sa likod.

"Aiah" tawag ko sa kaniya at dahan dahan naman siyang lingon sakin.

Bigla ko tuloy naalala yung sinabi sakin ni Cobie kanina. Yung tungkol sa pagkagusto ko kay Aiah. Hindi ko alam pero ayaw kong sabihin sa kaniya eh. At saka hindi pa 'ko nakakapag confess sa isang babae noh. Wala pa naman kasi akong nagustuhan dati, ngayon lang.

"Hmm?" Bumalik ako sa ulirat ng magsalita si Aiah. Ngumunguya siya ng bubblegum at nakakunot ang noong nakatingin sakin ngayon.

Bwisit bakit ko ba siya tinawag?

Tumingin ako sa ibang parte ng muka niya at napunta 'yon sa buhok niya. Yung buhok niya... ah tama!

"Yung buhok mo kasi, kita na yung white" sabi ko at agad naman niyang tiningnan ang buhok niya sa salamin sa tapat namin. Inayos niya 'yon kaagad at saka naglakad palapit sakin. Teka, bakit parang sobrang lapit naman niya?

Lumapit pa siya ng lumapit hanggang sa mapaatras ako, buti nalang tumigil na siya.

Tumingin siya sa mga mata ko bago ngumisi.

"Salamat" bulong niya at umalis na.

Napalingon ako sa kaniya at hindi ko alam pero... Bakit kailangan pa niyang lumapit ng gano'n kung magpapasalamat lang siya? Nang-aasar ba siya?

Tsk, kahit kailan talaga ang weird niya.

Seguir leyendo

También te gustarán

24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
17.8M 320K 59
WELCOME TO HELL. --- Date started: January 29, 2012 Date finished: November 21, 2012 (PUBLISHED UNDER VIVA • AVAILABLE NATIONWIDE)
Psycho next door Por bambi

Misterio / Suspenso

4.3M 203K 51
Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them is a psychopath, all hell breaks loose...
2.9M 105K 24
Erityian Tribes Novella, Book #2 || What's the use of this power, if I can't even stop his death?