The Brightest Shooting Star (...

By red_miyaka

6.3K 150 126

Luziel Janaria Clementine always hoped for the boy she loved, although she admired him from afar. Kumbaga, um... More

Disclaimer
Shooting Star
Panimula
Ika-unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ika-pitong Kabanata
Ika-walong Kabanata
Ika-siyam na Kabanata
Ika-sampung Kabanata
Ikalabing-isang Kabanata
Ikalabing dalawang Kabanata
Ikalabing tatlong Kabanata
Ikalabing apat na Kabanata
Ikalabing limang Kabanata
Ikalabing anim na Kabanata
Ikalabing pitong Kabanata
Ikalabing walong Kabanata
Ikalabing siyam na Kabanata
Ikadalawampu't na Kabanata
Ikadalawampu't isang Kabanata
Ikadalawampu't dalawang Kabanata
Ikadalawampu't tatlong Kabanata
Ikadalawampu't apat na Kabanata
Ikadalawampu't limang Kabanata
Ikadalawampu't anim na Kabanata
Ikadalawampu't pitong Kabanata
Ikadalawampu't siyam na Kabanata
Ikatatlumpung Kabanata
Ikatatlumpu't isang Kabanata
Ikatatlumpu't dalawang Kabanata
Ikatatlumpu't tatlong Kabanata
Ikatatlumpu't apat na Kabanata
Ikatatlumpu't limang Kabanata
Panghuli
Playlist

Ikadalawampu't walong Kabanata

68 2 6
By red_miyaka

Pangdalawampu't walong Kabanata

Phone

"Yup, I got it." Tumango si Andrea at ipinakita sa'kin ang voice recorder sa phone niya. Napahilamos ako at tumingin sa salamin dahil napagtanto kong mas malaki pa pala ang problema namin kay Penelope kaysa sa inaakala ko.

"I want her to fucking suffer." Mariin kong sabi habang nakatingin sa salamin. My hands formed into a fist and Andrea worriedly looked at me.

"Hey, calm down.." Hinagod niya ang likod ko kaya pumikit ako at huminga muna saglit. Tinetesting talaga ako ng babaeng 'yon. Anti-poor bitch.

"Tangina, gusto kong ireport na lang siya agad but I doubt that it will even be acknowledged by the faculty." Frustrated kong sabi at napasabunot ng kaunti sa buhok ko. Malungkot na tumango si Andrea.

"They most probably won't notice it. After all, her dad is one of the sponsors of scholars here. 'Di siya pwedeng mapatalsik." Pagsang-ayon ni Andrea kaya mas lalo lamang akong nainis.

I can show that piece of evidence that Andrea is holding and it still won't be taken into justice. Dahil kung totoong marami na siyang napatalsik na scholars, malamang sa malamang ay katulong niya roon ang tatay niya at tinotolerate pa siya roon. I really fucking hate most of the rich. Porke't talaga may kapangyarihan sila, sinasamantala na nila agad, 'no? Hindi pa ba sila kuntento sa yaman nila at kailangan pa talaga nilang apakan ang katauhan ng iba? What the fuck do they get from that? The feeling of getting looked up to and being high? Sana nagdrugs na lang sila kung ayon lang rason nila.

Gigil akong naghilamos at pinakalma ang sarili. Andrea was just beside me while looking at me. Para siyang si Vin na alam kung kailan mananahimik at magsasalita kaya naappreciate ko rin iyon. Bumalik na kami sa lugar ng rehearsals namin at naging busy na ulit kaya kahit papaano ay naalis naman sa utak ko ang problema ko kay Penelope.

"You look pale." Salubong ni Vin sa'kin nang magkita kami sa may gate. Agad ko siyang niyakap dahil sa pagod.

"Pagod lang. May kwento rin pala ako mamaya." Bulong ko sa kanya. Tumango siya at hindi na nagsalita.

Pagdating namin sa kotse niya ay agad akong sumalampak sa upuan at sinuklay ang buhok ko. Napatingin sa'kin si Vin kaya bumuntong hininga ako.

"May narinig kami ni Andrea sa restroom kanina." Pagsimula ko. Hinarap ni Vin ang katawan niya sa'kin at pinatong ang siko niya sa may upuan para isandal roon ang ulo niya. Kwinento ko iyong mga natatandaan kong sinabi nila at ang pinakaimportanteng nalaman namin.

"Hindi ba natin 'to irereport sa faculty?" Tanong niya.

"Naisip ko rin 'yon, kaso napag-usapan namin ni Andrea na baka hindi naman galawin 'yon at isawalang bahala na lang. She has a great connection here, after all." Nagkibit balikat ako at nanlumo muli.

"Itutuloy pa ba natin 'yung plano?"

"Hindi ko na alam. 'Di ko na alam kung anong gagawin ko." Napayuko ako at sinabunutan ang sarili ko. 'Di ko alam kung dapat ko pang ituloy iyong napag-usapan namin ni Vin o hayaan na lang siya sa mga balak niyang gawin. Napapagod na ako mag-isip at laruin ang larong 'to.

The record that me and Vin made a few days ago were about us breaking up. Ilalabas namin iyon kung sakaling gumalaw na si Penelope at kung anu-ano ang sabihin tungkol sa'min. Mapapahiya siya kung may sinabi siya tungkol sa relasyon namin dahil pwede namin ilabas ang recording namin na break na kami. Pwede namin iyon ipadaan kina Tracy o sa ibang kakilala upang hindi halatang planado lang iyon. Nasa phone ko lang naman ang recording no'n at nakatambak lang, hindi alam kung necessary pa ba iyon. Ang ibang plano pa namin ay pabagsakin siya, tulad na lamang ng pagtaas ng rankings ko sa dean's list upang mataasan ang lagay niya at ang hindi niya pagkatanggap sa HTG. The reason why I'm nervous as of now is because of my scholarship. Isang taon na lang, gagraduate na ako. Hindi naman kami mayaman para tustusan ang tuition fee ng school na 'to, kaya ano na lang ang mangyayari sa'kin kung gano'n? Saan ako pupulutin?

"Hoy."

"Hoy ka rin." Sagot ko kay Vin at tinaasan siya ng kilay. Tumawa siya at nilapitan ako para ikulong ang mukha ko sa mga palad niya.

"You're strong, right? 'Wag ka panghinaan diyan dahil alam kong masosolusyunan natin 'to. Especially you." Nginitian niya ako. "BDO ka naman, eh." Pagbibiro niya pa kaya natawa na rin ako.

Kahit papaano ay napagaan ni Vin ang loob ko dahil sa patuloy niyang pang-aasar sa'kin. Hanggang sa tumigil kami malapit sa bahay, panay pa rin ang pagbabanat niya ng pick up lines na binabara ko o 'di kaya'y tinatawanan dahil ang korni niya.

"I really hate Math."

"Ulol. Favorite subject mo 'yon, eh!" Pambabara ko agad at tinaasan siya ng middle finger. Tinawanan niya ako at agad na dinugtungan ang sinabi niya.

"But I love you so Math."

Nagpigil ako ng tawa dahil sa itsura niya. Kinagat niya pa ang labi niya at kumindat. Nagmukha siyang manyak sa lagay na 'yon kaya tawa ako nang tawa. Binato ko pa sa kanya iyong panyo ko na pahirapan ko pang kinuha dahil tinaas niya pa iyon.

"Ayan. Ang ganda mo kapag nakangiti."

"So panget ako kapag nakasimangot?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Oo. Joke lang, maganda ka naman talaga." Ngumiti siya at nagpacute pa sa'kin kaya inirapan ko na lang siya. Nagpaalam na ako at lumabas na ng kotse para pumasok na sa bahay.

Ilang linggo na ang lumipas at dumating na ang linggo ng pagtatanghal namin. Unang araw iyong play namin kaya kabado ako at paikot-ikot sa backstage. Sumilip ako ng kaunti sa kurtina at nakita kung gaano karami ang mga tao. Maya-maya pa naman kami magpeperform dahil mayroong prayer, introduction, at iba pang panimula.

"Love." Napalingon ako kay Vin nang kalabitin niha ako. Hawak niya sa isang kamay ang drumsticks niya at nakaporma na uli siya dahil magpeperform ang banda nila.

"Po?"

"Goodluck." Ngumiti siya sa'kin at kinurot ang magkabilang pisngi ko. Nginitian ko rin siya.

"Goodluck din."

"Nandiyan pala si mama, 'di kita masasabayan pauwi." Napakamot siya sa batok niya kaya napailing ako.

"Okay lang, nandiyan din naman sina papa. Kakain din kami mamaya."

"Ayaw mo pa bang ipakilala kita kay Mama? Panigurado naman akong papayag na iyon magkagirlfriend ako dahil matanda na ako."

"Kapag grumaduate na lang, para meron na akong mapapatunayan sa kanya." Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. Tumango naman siya bilang pagpayag sa sinabi ko.

"Okay. 1 year na lang naman. Papakilala na rin ako sa papa mo." Sabi niya at ngumiti ulit. Napatitig lang tuloy ako sa kanya. He is really my ideal man. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung hindi kami nagkabalikan at nagkaayos.

"Vin, punta na raw kayong stage." May kumalabit sa kanya at tumango siya ro'n. Hinalikan niya ang gilid ng ulo ko bago pumunta sa stage at lumingon pa uli saglit sa'kin. Binigyan ko siya ng malawak na ngiti at nagthumbs up din ako.

Pagtapos nila ay bumalik uli silang backstage kaya nagkita uli kami ni Vin. Tahimik akong bumubulong ng dasal dahil sunod na kami at paikot-ikot na naman ako. Kung anu-anong excercise para sa boses at mukha rin iyong ginawa ko habang binubulong ang iba sa mga linya ko.

Tahimik lang na sumandal si Vin sa katapat na pader kung saan ako palakad lakad. Pingmasdan niya lang ako at pinagkrus ang mga braso kaya napatigil pa ako saglit at tinaasan siya ng kilay.

"Ano ba, nahihiya ako sa'yo!" Iritado kong sabi kaya natawa siya at nagtaas ng dalawang kamay. Inirapan ko siya.

"Kunwari na lang ako muna audience mo."

"Jana, tawag na kayo." Sabi noong prod manager namin kaya tumango na ako. Nilingon ko si Vin at napaayos naman siya ng tayo.

"Punta ka na sa harap ng totoong audience mo." Sabi niya ulit kaya ngumisi na lang ako. Binulungan niya ako ng goodluck kaya pumwesto na ako malapit sa kurtina pero bago ako pumasok ay nagform pa siya ng puso gamit ang mga kamay niya. Nagflying kiss ako at pumasok na sa kurtina.

--

"Congrats, love! Ang galing galing mo!" Agad akong niyakap ni Vin pagpunta komg backstage. Hanggang dito lang kami pwedeng mag-usap dahil baka makita kami ng mga pamilya namin sa labas.

"Natapos na rin!" Sigaw ko at mangiyak ngiyak pa dahil malakas naman ang palakpak ng audience pagtapos at hindi ako napahiya. Mahigpit akong niyakap ni Vin at hinalikan sa tungki ng ilong ko.

"Congrats, everyone!" Sabi ng direktor namin. Pinalayo ko muna si Vin dahil naggroup hug kami.

"Tara, kain tayo!"

"Libre mo ba, direk?"

"Kung aambag din 'yung prod manager at assistant director." Natatawang sabi niya. Pinilit pa nila iyong dalawa at agad naman nila iyon napapayag. Naghiyawan sila dahil doon at lumayo na lamang ako sa kanila.

"Hindi ka sasama, Jana?" Tanong ni Lea, isa na sa mga naging kaibigan ko. Umiling ako.

"May labas kami, eh. Next time na lang!"

"Weh? Baka may date lang kayo ni Vin." Pang-aasar niya kaya nakisali ang iba. Umiling ako at nilapitan si Vin.

"Wala, ah! Kasama ko family ko." Pagtatanggi ko pa pero inasar lang nila ako. Ngumisi na lamang ako at nagpaalam na lang sa kanila.

"Hey, wait!" Tumakbo papunta sa'min si Andrea kaya napatigil kami.

"You did not call me na naman, Adam!" Pagmamaktol nito kaya tinaasan siya ng kilay ni Vin.

"Bakit? Sino ka ba?"

"Bitch?!" Eksaheradang sigaw niya kay Vin at dinuro pa siya.

"Andeng, may bibigay ako sa'yo." Ani Vin at nilagay ang kamay sa loob ng bulsa niya, umaaktong may kukunin. Mukhang alam ko na kung ano ang gagawin niya dahil gawain niya rin iyon kay Rene at sa CG.

"Ew, stop calling me Andeng na nga! What is that ba?"

"Ito." Nilabas ni Vin ang kamay niya at tinaasan ng middle finger si Drea.

"You're so annoying! Susumbong kita kay tita!" Iritadong sabi ni Andrea at napairap na lamang si Vin. Kinagat ko na lang ang labi ko dahil pinipigilan kong matawa sa away na naman nilang dalawa. Para talaga silang mga bata.

"Para namang may isusumbong ka kay mama.." Bulong ni Vin kaya mahina ko siyang siniko. Napanguso na lang siya dahil doon.

"Bye, Jana! Take care!" Paalam ni Drea nang makarating kami sa labas backstage. Ngumiti ako aa kanya at kumaway na rin.

"Ingat kayo." Sabi ni Vin sa'kin at ginulo pa ang buhok ko. Kinurot ko ang pisngi niyang may dimple bilang pambawi.

"Ingat din. Babye!" Paalam ko ulit bago dumeretso kina papa at ate na naroon na sa may pinto ng auditorium habang naghihintay.

"Pa, diyan na si Jana."

"Uy, lodi papicture!" Agad na bungad ni papa sa'kin kaya inirapan ko siya.

"Luh, ang korni mo naman, pa." Napakamot ako sa pisngi ko na ikinatawa naman nilang dalawa.

"May nadudulot pala 'yang pag-iinarte mo." Sabat naman ni Ate. Sinamaan ko siya ng tingin kaya natawa siya.

"Papicture tayo!" Aya ni papa at nanghila pa ng isang tao para kuhanan kami ng picture. Nanlaki ang mata ko nang si Vin pala iyong hinarang niya. Ngumuso ako at napalunok dahil sa hiya.

"Hijo, pwede papicture kami?" Paalam ni papa. Tinignan ako ni Vin at yumuko naman ako. Napatigil din tuloy ang mama niya, si Andrea, at iyong mama ni Andrea.

"Ah, sige po." Ngumiti si Vin at nilahad ang kamay para tanggapin ang phone na kanina pa nilalahad ni papa.

"1,2,3.." Pagbibilang ni Vin bago kami kuhanan ng litrato. Medyo marami-rami rin iyon kaya nahiya pa ako lalo at napakagat sa labi.

"Salamat!" Sambit ni papa. Tumango naman si Vin at lalabas na sana ngunit hinawakan ng mama niya ang braso niya. Kunot noo siyang lumingon dito, nagtataka.

"Hija, pwede bang kami rin?" Tanong noong mama niya at nilahad naman ang phone niya sa'kin. Nanlaki uli ang mata ko at napakamot sa pisngi ko. Si Andrea naman ay nagpipigil ng tawa sa gilid habang si Vin ay yumuko rin habang nasa batok iyong kamay.

"Ah, s-sige po. Pwesto na po kayo." Pormal kong sabi at kinuha ang phone noong mama niya, medyo kabado dahil sa aura niyang mataray at elegante.

Tulad ni Vin, nagbilang din ako bago sila kuhanan. Pinipigilan ko ring matawa dahil ang awkward ni Vin habang pumopose at si Andrea naman ay panay ang pang-aasar sa kanya. Nagpasalamat sila bago umalis kaya sumunod na rin kami palabas. Kung anu-anong komento pa ang sinabi ni papa habang palabas kami ng gate kaya nakanguso lang ako dahil panay pang-aasar iyon.

"Pst, Jana." Napalingon ako nang tawagin ni ate. Huminto kami habang nag-aabang ng jeep na masasakyan si papa.

"Boyfriend mo ba 'yun?" Tanong niya at ngumuso sa kung nasaan si Vin. Napaawang ang bibig ko kaya natawa siya.

"Hindi mo na pala kailangan sagutin. Alam ko na iyong sagot." Natatawa niyang sabi kaya inikot ko na lang ang mata ko, 'di siya pinapansin.


"We're not done yet, Jana."

Continue Reading

You'll Also Like

341K 18.1K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
45.1K 1.4K 33
WAR#3: WHISPERS OF THE WAR -- "Listen to it, the whispers inside of me. The whispers of the war..." -- [ completed ]
2M 24.7K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
74.6K 1.9K 43
WAR #2: IN THE MIDST OF THE WAR -- "In the midst of the war you came... and changed everything." -- [ completed ]