JB3: The Governor's Secret[ P...

By biisool

4.8M 135K 42.5K

Juariz Bachelors #3 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED How long can you keep up with the lie? He's a perfect le... More

JUARIZ BACHELORS 3
Denisse Gonzales-Juariz
Narcido Jonas Juariz
Preview
1
2
3
a hater
4.
5
6
7
8
9
10
11
12
Special Chapter
13
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
Chapter 35
35
36
37
38
39
40
Epilogue
Thank You & Announcement
Special Chapter
Special Chapter 2
CARRIER EXPLANATION
THE KEPT MAN
Special Chapter 3

14

94K 2.8K 1.3K
By biisool

Denisse Gonzales

Tumigil ang sasakyan namin sa harap ng isang malaking puting yate na magdadala sa amin papunta sa isla. Naunang bumaba si Jonas at pinagbuksan kami sa backseat. Inalalayan niya si Janisse at Jaiden na bumaba. Ako naman ay binuksan ang pintuan sa side ko at bumaba ng mag-isa.

As much as possible, I don't want to interact with him. I don't want to risk my feelings and emotions to take me over again.

Ibinigay ni Francis ang susi ng sasakyan sa valet at naglakad patungo sa yate karga-karga si Janisse at si Jaiden sa magkabilang braso.

Napangiwi naman ako habang pinapanood sila. Nabibigatan na nga ako kay Janisse paano pa kaya silang dalawa?

"Uncle Francis, are we going to ride the super big boat po?" Tanong ni Janisse dito. "Ikaw po ba may-ari ng boat uncle?"

"Oo naman! I own that boat. Do you want one, baby?" Pagmamalaki nito habang umaakyat sa may hagdanan patungo sa loob ng yate.

Nagmamadali akong lumapit sa kanila at nilagpasan si Jonas na tahimik lang ring nakasunod sa kanilang tatlo.

"Francis? Ibaba mo nalang kaya silang dalawa? Mabibigat na kasi 'yan, nakakahiyan na sayo." Ang nahihiya kong sabi at kukunin na sana si Janisse mula sa kanya ng may humawak sa braso ko at hinila ako papasok sa yate.

"Let him be. Kaya niyang gawin yan." Sabi ni Jonas at dinala ako sa loob ng yate. Halos malula ako sa ganda ng interior design. Halatang mayayaman talaga ang may-ari. White and silver and color scheme sa loob. Nasa gitna ang isang dining table. Sa mga gilid nakalagay ang mga sofa malapit sa glass wall.

"WOW....."  Nilingon ko ang dalawa na manghang-manghang inilibot ang paningin sa loob ng yate.

"Nagustuhan niyo ba? Kapag 18 na kayo I'll give you one." Ang nakangiting sabi ni Francis sa dalawa at hinalikan pa ang pisngi ng mga ito.

I'm happy na maayos ang pagtanggap ng mga kapatid ni Jonas sa mga bata. Isa 'yon sa mga pangarap ko sa kanila, 'yong hindi ko kailangan itago ang tunay nilang pagkatao.

Unfortunately, this won't last long. I don't think na magkikita pa kami 10 years from now. After 2 months we will move away, magpapakalayo sa dating buhay namin dito sa Pilipinas, malayo sa angkan ng mga Juariz. I'll change their surnames to Gonzales. They don't have to be a Juariz anymore. They don't need to be a Juariz.

"Francis, put them down. I'm going to take them to their room." Utos nito kay Francis na nakikipagkulitan sa dalawa. His eyes are very dark as he keeps on staring at the three. He's clearly displeased with what he's looking at. Sobrang talim ng tinging ibinibigau nito sa kanila.

"Ako nalang magh——" Aalma pa sana si Francis ng hindi siya pinatapos ni Jonas sa pagsasalita.

"Ayoko ng pinapaulit ako." Seryosong sabi ni Jonas dito kaya walang nagawa si Francis kung hindi ang ibaba ang dalawa mula sa kanyang mga bisig. "Jaiden. Janisse. Come here."

Nag-aalangang nagtungo sa kanya ang dalawa. Mukhang ayaw pa rin talaga nilang mahiwalay kay Francis. Idagdag pa ang kakaibang ekspresyon ni Jonas kanina kaya parang natakot ang mga bata. Lalong-lalo na si Janisse na parang namumutla at nakahawak sa dibdib niya.

"Anak, okay ka lang ba?" Ang nag-aalalang tanong ko dito.

"Dada, ang heart ko bumibilis na naman." Ang naiiyak na sumbong sa akin ni Janisse. "Natatakot po ako."

Bago pa ako makagawa ng aksyon, mabilis na lumapit sa amin si Jonas at kinarga si Janisse gamit ang braso niyang walang arm sling. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas niya pero siguro katulad ko ay nataranta rin ito sa nangyayari kay Janisse.

"Shh...I'm sorry, baby. Daddy didn't mean it. I'm so sorry. Take a deep breath, please. I'm so sorry for scaring you." Ang halos pabulong nitong pagpapakalma sa anak namin. Nakasiksik naman ang ulo ni Janisse sa leeg ng ama. Nakita ko ang ginawa nitong sunod-sunod na paghugot ng malalim na hininga hanggang sa naging okay na nga ang paghinga nito.

"Daddy, hindi mo po ako sasaktan?"  Mahina man ang boses nito ay malinaw na malinaw sa pandinig ko ang tanong niya. "Pareho kasi kayo ng expression ng lalaki sa school noong hinampas niya ng chair si Jaiden."

Mariing napapikit si Jonas at hinagkan ang noo ng anak ko. "No..No..I will never do that to you. I will never hurt you guys physically."

"Promise mo ba 'yan, daddy? Hindi mo ako sasaktan, si Kuya at si dada? Pati si Tito Francis?" Tanong nito sa ama habang nilalaro ang kanyang arm sling. Nakita ko kung paanong lumambot ang ekspresyon ni Jonas habang pinagmamasdan ang kamay ni Janisse.

"Promise, baby."

Tumingala ang nakangiting Janisse at hinagkan ang pisngi ng ama. "Thank you, daddy. Pinky swear!" Isinukbit nito ang kanyang hinliliit sa hinliliit ng kamay ng ama na nakasabit sa arm sling.

"Wag ka ng magalit sa amin daddy ha? Two months lang naman kami dito tapos hindi ka na makukulitan sa amin kasi pupunta na kami kay Tito Miggy." Matapos sabihin ni Janisse iyon, kitang-kita ko ang pagtagis ng bagang ni Jonas.

Ewan ko rin kong namamalikmata lang ako pero parang nakita kong ngumise si Janisse matapos mahagilap ang kasalukuyang ekspresyon ng ama.

"Let's see your room now, baby. It's not a good time to talk about some pest. Francis, ipahanda mo na ang pagkain. Tawagin mo rin si Faye para macheck si Janisse." Utos nito sa kapatid bago naunang naglakad papalabas ng malaking kwarto na 'yon.

Tahimik lang kaming dalawa ni Jaiden habang nakasunod kay Jonas at Janisse.

"Jonas, ibaba mo na kaya si Janisse baka mapano pa 'yang mga sugat mo." Ang nag-aalala kong suhestyon. Baka kasi bigla nitong mabitiwan si Janisse kaso wala yata siyang balak makinig sa akin.

Dinala niya kami sa isang magarang kwarto doon na may malaking kama. May mababang bintana rin ito kung saan pwede mong makita ang dagat. Nagmamadali namang bumaba si Janisse mula sa pagkakarga ni Jonas para makita 'yon.

"Kuya! Tingnan mo nga kung may dolphin." Hinila nito si Jaiden papunta doon at manghang pinagmasdan ang dagat habang papalayo ang yate sa lugar na pinanggalingan namin.

"Janisse, don't get too excited." Saway sa kanya ni Jaiden na ikinangiti ko. Alam kong nag-aalala pa rin ito sa kapatid dahil sa nangyari kanina.

"Jonas, sana tumupad ka sa pangako mo. Two months is two months kaya sana mabago mo na ang custody ng mga bata." Sabi ko sa kanya habang pinagmamasdan ang mga bata. "Let's be civil in that two months time na magkasama tayo. Let's end our eight years of marriage peacefully."

Nilingon ko ito para makita ang kanyang ekspresyon pero nakatingin rin pala siya sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya.

"Kay." Aniya habang hindi pa rin binubuwag ang kanyang paningin sa akin.

"Kay?" Ang nagtataka kong tanong dito.

"Okay. I'll try to be civil with you. The three of you will sleep here tonight dahil bukas pa tayo makakarating sa isla. My room is just across yours. Magpahinga muna kayo, someone will come here when it's time to eat but if you're hungry here's the intercom." Aniya at binawi ang paningin mula sa akin dahil biglang tumunog ang telepono niya.

Si Shanice. Of course, it's expected.

Get used to it, Den. Get used to it. Tiisin mo ang dalawang buwan para sa custody ng mga anak mo.

He looked at me again pero mabilis kong iniwas ang aking paningin. I don't want him to have the pleasure of seeing me hurt. Nilapitan niya ang dalawa na tuwang-tuwa pa rin sa panonood.

"Baby, if you're not feeling well just tell your dada, okay? Jaiden, take care of your brother." Sabi niya dito bago ginulo ang kanilang mga buhok at naglakad patungo sa pinto.

Noong tuluyan ng makalabas si Jonas, biglang tumawa ng malakas si Janisse. Nagkatinginan pa kami ni Jaiden bago tiningnan ulit ang bunso namin na sobrang lakas ng tawa.

"Dada! Kuya! HAHAHAHAHA! Did you see daddy's face when I mentioned tito Miggy? HAHAHA!" Ang tawang-tawang sabi nito sa amin. Nakita ko pa ngang naiyak na siya sa sobrang tuwa.

"Janisse! Did you lie about your heart?!" Ang gulat kong tanong dito.

Tumigil ito sa kakatawa at pinunasan ang luha at lumapit sa akin habang nakangiti. Yumakap ito sa paa ko at tumingala.

"Dada, totoo naman 'yon eh. Natakot ako kay daddy kaya I teased him about tito Miggy. Tinakot niya ako kaya bagay lang 'yon sa kanya." Nakanguso niyang paliwanag sa akin.

I was left speechless. I never knew about this side of Janisse. He's always sweet at medyo mahinhin. May pagka makulit ito pero hindi ito palatukso. This angel in front me....is a little bad.

"P-pati rin ba 'yong sa hospital, Janisse?"

"Mmm. I love daddy because he's my father and he saved us from the bad guys but daddy is not always good to us po. Hindi ko hahayaan na si Jaiden lang palaging nagpo-protect sayo. Dapat hero rin ako kasi twins kami." Aniya at ngumise. Jusko, mukhang kailangan kong bantayan ng mabuti ang dalawang batang 'to.

Pagsapit ng ala sais ng hapon kinatok na kami ng isang crew doon para maghapunan. Si Francis at isang magandang babae ang nadatnan ko doon sa dining table na puno ng pagkain.

"Uncle Francis!" Mabilis na tumakbo ang dalawa kay Francis at nakipag highfive dito.

"Nagustuhan niyo ba ang kwarto niyo?" Ang tanong sa kanila ni Francis habang tinutulungan silang dalawa na makaupo.

"Yes, po!" Ang masiglang sabi ni Janisse dito. Tumango lang si Jaiden dito.

"Ah! by the way Denisse, Janisse and Jaiden this is Faye Hernandez. Faye is Bil Paradiso club's yacht doctor." Pakilala nito dito. Inabot niya sa akin ang kanyang kamay na malugod ko namang tinanggap.

"It's nice to meet you, guys." Pinamulahan ako ng mukha ng ngumite siya sa amin. Ang ganda niya kasi.

"You look so pretty po." Ang pambobola dito ni Janisse na mas lalong ikinatawa ng batang doctor.

"You're so cute!Thank you, baby. Magkamukhang-magkamukha kayo ni Jonas but you still manage to look like an angel. Your dad is very handsome but he's a devil naman."
Mahina nitonf kinurot ang pisnge ni Janisse at tumawa.

"Shut up, Faye. Baka gusto mong itapon kita sa dagat." Lahat kami ay napalingon sa kakadating lang na si Jonas. Magulo pa ang buhok nito at medyo namumungay ang mata.

Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok. Why is he so damn good looking?

"Francis, move." Utos niya sa kapatid. Nakasimangot na tumayo si Francis mula sa kanyang kinauupuan at lumipat sa kabilang bahagi. Ang kinalabasan ay pinagigitnaan namin sila Janisse at Jaiden.

"Let's eat." Pahayag niya at tinulungan si Janisse sa paglalagay ng pagkain sa kanyanh plato. Sa tingin ko ay inalam niya nga siguro ang tungkol sa sitwasyon ni Janisse dahil alam nito kung alin ang pwedeng kainin ng bata.

Tinulungan ko naman si Jaiden sa paglalagay ng pagkain sa kanyang plato.

"Tama na ba 'yan, nak?" Tanong ko dito. Tinanguan lang ako nito at nagsimula ng kumain. Ganun rin ang ginawa ko, naglagay ako ng pagkain sa plato ko at nagsimula ng kumain. Paminsan-minsan ko ring tiningnan si Janisse kung kumakain ba ito ng tama. Mukhang ganado namab itong kumain.

Habang tahimik kaming kumakain malakas na tumunog ang isang pamilyar na ringtone mula sa cellphone ko kaya mabilis ko itong sagot.

"Hello, Miggy?" Nag-excuse ako sa kanila at aalis na sana doon sa hapag para makipag-usap kay Miggy ng magsalita si Jonas.

"Sit down, Denisse." Magkasalubong ang kilay kong tiningnan siya. Anong problema ng lalaking 'to?

"Hello, Den? What's wrong? Are you okay?" ang nag-aalalang tanong ni Miggy sa kabilang linya.

"Mmm..I'm fine, lalabas lang ako. Hindi kasi masyadong maganda ang  signal dito." Hindi ko pinansin ang sinabi Jonas kanina at tinalikuran sila para lumabas.

"Stop pushing me to my limits, Denisse at baka maitapon ko 'yang cellphone mo. Sit down at i-loud speaker mo 'yan." Banta ni Jonas. Alam kong hindi lang hanggang salita si Jonas. Naitapon na niya minsan ang cellphone ko at alam kong pwede niya ring gawin ito ngayon. I can't bear to lose a phone now. Ngayon ko ito pinaka kailangan.

Muli akong umupo at ini loudspeaker nga.

"Miggy, naka loudspeaker ka." please don't say unnecessary things. Huwag kang manunukso.

"Hi! Naririnig ba ako ng mga babies ko?" Aniya sa kabilang linya.b

"Tito Miggy! I miss you po!" Iyak ng dalawa sa speaker. Bumaba pa si Janisse mula sa kanyang upuan at lumapit sa amin.

"I miss you too, guys! We'll have to wait for 2 months before we see each other again. We're working on changing your surname and your papers para diretso na tayo sa states pagkatapos niyo diyan." Ang kwento niya sa kanila. Seryoso ka Miggy? Hindi mo naman kailangang ipaglandakan yan.

"Sa states po? 'Yong may snow?" Ang manghang tanong ni Janisse.

"Yes, that's why kailangan mag behave kayo diyan."

"Behave po ako always pati si kuya. I'm eating a lot of veggies din po gaya ng sabi niyo." Ang pagkwe-kwento dito ni Janisse habang pumupulot ng hiniwang kamatis sa plato ni Jaiden at kinain. Mahina akong natawa doon.

"Very good! You deserve a prize from me when you go home. How about you, kuya? Don't forget your promise okay?"

"Yes po, tito."

"Good! Good! Anyways, I have to go, guys. See you soon, love you! Den, take care. I'm waiting for you to come home."

Naiimagine ko na ang namumulang mukha ni Henry habang pinipigil ang kanyang tawa. Napakawalang hiya talaga ng dalawang to.

"Babye po! Say Hi to tito Henry for me." Paalam ni Janisse dito.

"Bye tito. See you soon po." Ang nakangiting paalam ni Jaiden dito.

"Bye, Miggy at alam kong nandiyan si Henry. See you soon." Paalam ko dito at tuluyan na ngang pinatay ang tawag.

Sinulyapan ko ang pwesto ni Jonas at mukhang wala namang problema.

Sana nga wala.

-----------------------------------------------------------

Hi guyses! Pasensya na sa update na 'to limang beses kong binura ang chapter na 'to dahil napaka- ewy ng mga sinusulat ko. Sobrang nawalan na ako ng gana habang sinusulat ang chapter na ito dahil sa pabura-bura ko at pagbabago ng ideas. I'm so sorry 😭😭😭 nagpromise ako na babawi sa next update perooo ang hirappppppp sheeettt.

Ilang oras rin akong nakababad sa google dahil nagbasa pa ako tungkol sa mga yacht, luxury yachts, parte ng yachts, mga crew,at kung anu-ano pang kamemahan pero mukhang wala namang gaanong epek 'yong pagre-research ko.

Ayon lang! Thank you so much sa pagbabasa! Love you all! Mwua mwuah! Ciao!

P.S. Sana marami pa ang magcomment kasi natutuwa akong magbasa ng mga comment niyo hahaha.







Continue Reading

You'll Also Like

3.9M 99.1K 47
No LOVE is greater than that a FATHER'S LOVE for his SON- Alora Nicole Colley **** Another inspirational Story from Palibhasa_pusa ^^
480K 23K 59
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
6.3M 170K 65
Inspired by Mom at 16 MOVIE ..
6.6M 135K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...