Reclaim The Game (COMPLETED)

By beeyotch

15.2M 586K 456K

(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 26

275K 12K 7K
By beeyotch

#RTG26 Chapter 26

"Wala ka bang trabaho ngayon?" tanong ko kay Sancho nang sunduin niya ako sa condo ng kapatid ko. Hindi ko alam kung galing ba siya sa trabaho dahil parang formal iyong suot niya. Naka-itim siya na slacks at puting longsleeves.

"Absent," sagot niya.

"Di ka ba papagalitan?"

"I'll be fine," sabi niya. "Lyana," pagtawag niya sa pangalan ko kaya naman napa-tingin ako sa kanya. "You need to file for your reappearance first."

"Oo... Iyon muna ba bago iyong sa lisensya ko?"

"Yeah. You need to talk to Sean... and Kelsey, too."

Iyong bagong asawa ni Sean... Paano ko siya kakausapin? Hindi ko alam kung saan ko ilalagay iyong sarili ko. Kahit ba sabihin nila na ako iyong legal na asawa, asawa pa rin naman siya ni Sean... Pinakasalan pa rin siya. Pinangakuan. Naaawa na nasasaktan ako sa mangyayari.

"Ano'ng mangyayari kapag naka-usap ko na sila?"

"You'll file an affidavit of reappearance sa civil registry... And then their marriage will be voided."

Pero ayaw yata ni Sean ng annulment.

Ano'ng mangyayari kay Kelsey at sa anak nila?

"Paano kung gusto ko ng annulment pero ayaw ni Sean? Hindi naman automatic iyong sa concubinage, 'di ba?" tanong ko sa kanya... Ang daming legal implications ng nangyayari... Paano kung sa bahay pa rin ni Sean titira si Kelsey? Pero ayoko namang tumira doon... Wala akong balak magsampa ng kaso sa kanilang dalawa...

"No. You have to file a case."

"Okay... Wala naman akong balak."

"If you consent to that now, hindi mo na pwedeng i-claim sa susunod na hindi ka pumayag," sabi niya sa 'kin.

"Wala naman akong balak talaga, Sancho. Si Sean lang ang kailangan kong kausapin tungkol sa annulment. Pakiramdam ko nabigla lang talaga siya nung nakita niya ako kahapon, pero siguro naman napag-isipan niya na iyong mga gagawin niya."

Kawawa iyong bata.

Wala ng nagsalita sa aming dalawa pagkatapos nun. Huminto lang si Sancho sa isang restaurant. Tumingin ako sa kanya.

"Kakain ba tayo?"

"Text Sean. Sabihin mo kakausapin mo si Kelsey."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ngayon? Dito? Iiwan mo na naman ako?"

Bahagyang umawang iyong labi niya. "If you wanna get back to your 'normal' life, you have to do these things. These are the facts, okay?" sabi niya habang naka-tingin sa akin. Tinanggal niya iyong seatbelt niya at saka humarap sa akin. "Legally, you're still dead... Once you file the affidavit for reappearance, you're legally alive again and you'll reclaim your place as Sean's wife... These are the facts at hand."

Tumango ako.

"Puro legally."

"Without law, everything will be chaotic."

"Paano kung gusto ko ng annulment?"

"Si Sean ang kausapin mo."

"Kung ayaw niya?"

"Go to the court and file for one."

"Pano kung ayaw niya pa rin?"

Nagbuntong-hininga siya. "Let's just cross the bridge when we get there, okay? Sa ngayon, ayusin muna natin iyong sa affidavit para ma-renew na iyong sa lisensya mo."

Tumango ako. "Paano kung hindi na ako tanggapin sa mga firm dahil matagal akong nawala?" tanong ko... Syempre, maraming mas bago, mas magaling, at mas batang mga abogado... Sino ba naman ang tatanggap sa lawyer na may amnesia?

"We'll figure that one later," sabi niya. "Alam mo ba 'yung number ni Sean?"

Umiling ako. Nagbuntong-hininga na naman siya. Kinuha niya iyong cellphone niya at pinakita sa akin iyong number. Akmang tatawagan ko na sana nang kunin niya bigla iyong cellphone niya.

"Call him from your phone," sabi ni Sancho.

"Okay..." sagot ko kahit na medyo nabigla ako sa paghatak niya ng cellphone niya sa akin. Pagdating kay Sean, iwas na iwas talaga siya sa 'kin... Totoo kaya iyong sinabi ni Irina na may gusto sa akin si Sancho? Pero bukod sa pagtingin sa akin, wala na siyang ibang ginagawa... Ni hindi niya nga ako hinahawakan. Mas madalas pa nga iyong pag-atras niya.

Lumabas bigla si Sancho nang i-dial ko iyong number ni Sean. Hinihintay ko na sumagot si Sean sa tawag ko.

"Sean," sabi ko nang sumagot siya.

"Sob..." sagot niya. "Hey... Where are you? Can we meet today?"

"Pwede bang kausapin ko si Kelsey?"

"Kelsey?"

"Oo. Magpa-file na kasi ako ng affidavit of reappearance. Mavovoid iyong kasal niyo. Gusto ko muna kasi siyang maka-usap bago ako pumunta doon."

Hindi agad siya sumagot. Siguro naiilang siya. Pero kailangan kong sabihan si Kelsey. Unfair para sa kanya. Wala naman siyang kasalanan. Nagpakasal naman sila nung wala na ako. 'Di ko siya masisisi.

"Sean," pagtawag ko sa pangalan niya nang ilang segundo na ang lumipas pero wala pa rin akong narinig na sagot mula sa kanya. "Kailangan kong maka-usap si Kelsey."

"What will happen once you file that affidavit? You'll legally be my wife again?"

"Oo..."

"Will you go back to our house?"

"Nandyan si Kelsey. At saka 'yung anak niyo."

Hindi na naman siya sumagot.

"Ibigay mo na lang 'yung number ni Kelsey sa 'kin. Ako na lang ang makikipag-usap sa kanya," sabi ko. "Sean, 'yung sa annulment—"

"Let's just talk tomorrow," sabi niya bago mabilis na nawala iyong tawag. Nagbuntong-hininga na lang ako habang naka-tingin sa cellphone ko.

Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Sancho na naka-tayo lang sa labas at umiinom ng tubig. Binaba ko iyong bintana at saka tinawag siya.

"Tapos na kaming mag-usap."

Lumapit siya. "Gusto mong kumain muna?" tanong ko.

Lumabas ako at pumasok kami sa resto. Pinabayaan ko si Sancho na umorder ng pagkain ko dahil alam niya naman yata kung ano iyong gusto kong pagkain. Habang busy siya sa pagpili ng pagkain ay nakita ko na sinend na sa akin ni Sean iyong number ni Kelsey.

'Salamat.'

'Can we talk tomorrow?'

'Okay. Saan?'

'Let's talk over breakfast.'

'Okay.'

Tumayo ako at saka lumabas. Huminga ako nang malalim bago nagtext muna kay Kelsey... Sinabi na kaya ni Sean sa kanya na nandito na ulit ako? O sa akin niya pa lang maririnig?

'Hi... Hindi ko alam kung narinig mo na, pero si Isobel 'to. Hiningi ko kay Sean iyong number mo...'

'Hi. Sean told me about this. We need to talk.'

'Alam ko. Pwede ka ba ngayon?'

'Yes. I'll make time. Where do you want to meet?'

Bumalik muna ako sa loob at nakita ko na tapos na si Sancho na mag-order. Pinapanood niya lang ako hanggang sa maka-upo ako. Tumingin ako sa kanya.

"Naka-usap ko na si Kelsey. Pwede raw kami magkita ngayon."

"Okay. Where? I'll drive you there."

"Hindi ko pa alam. Saan ba maganda?"

"Dun na lang sa malapit sa kanila," Sancho said.

"Ha? Bakit?"

"She gave birth just few months ago."

Agad akong napa-pikit. God. Baby pa talaga. Paano ako babalik kay Sean kung may literal na baby na maapektuhan sa pagbabalik ko?

Nagsabi na lang ako kay Kelsey na kung saan mas okay sa kanya, doon na lang kami magkita. Habang kumakain kami ni Sancho, hindi ako mapa-lagay. Sobrang nagi-guilty ako sa mangyayari... Kaka-panganak lang pala niya... Tapos ganito... Kung pwede lang iwasan lahat 'to...

"You'll be fine," sabi ni Sancho nang huminto siya sa harap ng coffee shop na sinabi ni Kelsey. Panay ang hugot ko ng malalim na hininga. Hindi ko alam iyong itsura ni Kelsey... pero sa tingin ko makikilala ko siya kapag nakita ko siya.

Diretso akong naglakad papunta sa coffee shop. Akala ko ay hihintayin ko pa siya na dumating, pero agad na naagaw ang atensyon ko doon sa isang babae na naka-upong mag-isa. Merong baso ng tubig sa harapan niya. Doon lang siya naka-tingin.

Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naka-tayo roon... pero nang mag-angat siya ng tingin at nang makita niya ako ay roon ako naka-kuha ng lakas ng loob para lumapit.

"Kelsey," pagtawag ko sa pangalan niya.

"You're really back," sabi niya.

Naupo ako sa harapan niya. Sinabi niya na umorder muna ako ng inumin ko. Ramdam ko na pinapanood niya ang bawat galaw ko. Tumitingin din ako sa kanya. Medyo maluwag iyong suot niya, pero kita ko na medyo malaki pa iyong sa tiyan niya. Tama nga si Sancho, kaka-panganak niya pa lang...

"Magpa-file na ako ng affidavit of reappearance," pagbasag ko sa katahimikan sa pagitan namin.

"I know..." sabi niya. Tumingin siya sa akin at may maliit at malungkot na ngiti sa labi niya. "I consulted a lawyer when I heard that you're alive. I know what will happen."

"I'm sorry..."

"Don't be. No one wanted this."

"Hindi ko gustong manggulo..."

"Hindi ka manggugulo. Legally, you're Sean's wife. I won't interfere. I promised myself that I'll never beg for anyone to stay in my life," mahinhin niyang sabi sa 'kin. "Just please let Sean be there for our child—"

"Kelsey—"

"Please, just let me finish," pakiusap niya sa 'kin. "When we got married, it was with the thought that you were gone... Sean and I became close because I was there for him nang mawala ka... We've always been friends... but then we became more than friends... Maybe I was the comfortable choice. I don't know. I'd always been fond of him. But I do know that he loves you. He was devastated when he thought you died. But please know that I will never stoop as low as fighting over a guy... Hindi ako ganon."

Ramdam ko iyong bilis ng tibok ng puso ko habang nakikinig ako sa kanya.

"Mahal mo ba siya?" tanong ko.

"Yeah... I mean, I wouldn't have married him if I didn't..." sagot niya na may ngiti. "But I think he still loves you. And I don't beg for love, Isobel—that's something I promised myself that I'll never do. So... you can have him. My only concern is my child."

Hindi ako nakapagsalita.

"What do you want to say?" tanong niya.

"Ano na ang mangyayari?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Just... just please give me time. Pinapa-ayos ko na iyong mga gamit namin. Babalik muna kami sa bahay ng parents ko."

Naramdaman ko iyong panginginig ng mga kamay ko. Mabilis kong hinawakan iyon. Pilit kong pinantay ang paghinga ko.

"Hindi mo naman kailangang umalis," sabi ko sa kanya.

"My lawyer advised me that you can file concubinage against Sean and I kung titira pa rin ako roon kapag bumalik ka na—"

"Hindi ako babalik." Natigilan iyong mukha niya. "Kelsey, kaya ako nakipag-usap sa 'yo ay para lang ipaalam sa 'yo 'yung mangyayari... Ayoko lang na unfair na magugulat ka. Gusto ko lang ipaalam sa 'yo. Pero... pero gusto ko ring kausapin si Sean para sa annulment ng kasal namin... Kasi kayo naman na talaga... Hindi ako bumalik para manggulo—"

Napa-awang iyong labi niya.

Parang hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya.

"Mahal mo si Sean... ako, hindi ko siya maalala... hindi ko alam kung maaalala ko pa ba siya—"

"Paano kung maalala mo siya?"

Tipid akong ngumiti. "May anak kayo. Sapat na sa 'kin 'yun. Kung ikaw hindi magmamakaawa para sa pag-ibig, ako hindi ako maninira ng pamilya."

Napa-hawak siya sa baso ng tubig sa harapan niya.

"Kakausapin ko si Sean... Hindi ko pa alam kung ano ang gusto niyang mangyari, pero gusto kong maging maayos tayong lahat, Kelsey. Ayoko ng gulo. Hindi ako bumalik para manggulo... Pero hindi rin naman pwede na magtago ako dahil nandito iyong trabahong gusto ko..." sabi ko na may maliit na ngiti. Sa lahat ng nangyayari sa buhay ko, iyong tsansa na maka-balik ako sa trabaho na lang iyong nagbibigay pag-asa sa akin.

Ilang minuto ng katahimikan ang namagitan sa amin. Kinailangan ko nang tumayo.

"Salamat sa pagpunta," sabi ko.

"I'm glad you're alive," sabi niya.

Ngumiti ako sa kanya bago ako lumabas. Nakita ko na nandun si Sancho at muling naka-abang sa akin.

"Done?" tanong niya.

"Let's file the affidavit," sabi ko sa kanya na may ngiti sa labi ko... Gusto ko na ulit maging abogado. 

Continue Reading

You'll Also Like

53.5M 1.4M 71
All her life, Mary Imogen Suarez was led to believe that she should end up with Parker Adrian Palma. Na dapat, kay Parker lang siya. Na si Imogen ay...
1.6M 53.1K 43
Nadia de Marco knew what she wanted in life and that is to be the most powerful woman in the country. Growing up in the Philippines, she knew that it...
2M 71.9K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
3M 130K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...