Could Have Been Better (Crush...

By PollyNomial

16.5K 652 58

Elaine Joy Mendoza was from Los Angeles. Pero kahit ilang taon na mula nang tumira siya roon kasama ang pamil... More

Could Have Been Better
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Lost With A Shattered Heart

Ending

412 16 5
By PollyNomial

Author's Note: A story that was four years in the making. I sincerely apologize to those who waited for the really slow updates and thank you to those who have come this far. Also, I would like to thank those who continued to support this story even though it's cliche and not as exciting as the other stories that you can find here. This story, just like the other stories I wrote before, is very special to me. That's why I didn't settle for 'pwede na 'to' updates, the reason why it took me years to finish it. I hope you appreciate all the effort that I put in every chapter. I hope you enjoyed the story. I hope it gave smile on your faces. And lastly, I hope it helped you forget the crisis we've been facing nowadays even just for a moment. 

Thank you! May God bless all of you. Be safe and stay healthy!

See you at "Lost With A Shattered Heart"(Crush Series #3)!

---

ENDING


As I watched Elaine, who was soundly sleeping beside me while her head was resting on my arm, I couldn't help but remember the first time I saw her. A smile automatically appeared on my face because of those memories.

My twin sister, Celine, was the first one to introduce herself to Elaine that time. Little did she know, I was already planning to do the same thing if she didn't go to her first.

We were incoming grade five students that time. It was our enrollment day and we went to school together with our Lola Encar. Bagot na bagot ako noon dahil ang gusto ko lang sana ay manatili sa bahay at maglaro ng bagong video game na binili sa akin ni Papa. But we also need to be in school for the I.D. picture and some other important stuff. Kaya naman wala kaming choice ni Celine kundi ang sumama kay Lola.

I saw her first but I couldn't go near her, more so, introduce myself to her. Kaya hinayaan ko na lang si Celine na lapitan siya dahil nagandahan ang kapatid ko sa bag niya.

Screw it, it's not the bag that's beautiful, Celine, it's the girl's face. Matangkad siya sa akin, isa sa dahilan kung bakit hindi ako makalapit. Naisip ko pang baka grade six siya o mas matanda pa kaya nahiya ako. But when Celine told me that we were in the same grade, I was so thrilled and I couldn't wait to see her in school. I prayed for us to be classmates every night before our school started.

And it happened! Thank God, it happened!

She didn't know me yet because my slow minded twin didn't even introduce her to me during the enrollment day. Noon ko pa hinintay na ipakilala kaming dalawa. I didn't have the guts to go to them that day but Celine didn't even think of coming to me so that I could meet her new beautiful friend. Sobrang inis ako sa kaniya noon. Kasi naman bakit ang duwag ko at hindi man lang nakalapit sa kanila?

Sa unang araw ng klase, isa isang nagpakilala ang mga estudyante sa harap dahil sa kagustuhan ng aming adviser. Iyon daw ay para malaman namin ang pangalan at maikling deskripsyon tungkol sa isa't isa. I wasn't interested to anyone, though, except for this transferee who happened to be the girl I saw before. Tuwang tuwa ako dahil kaklase ko siya. When my boy classmates, also my friends, noticed that I was in a good mood, they asked why but I didn't share it to them. The hell they will know. Baka agawin pa nila sa akin ang bago kong crush.

I was never interested to any other girls before. Siguro, may mga napapansin ako pero hindi naman ganoon katindi kaya hindi rin nagtatagal ang paghanga ko. But she was different. She got me the first time I saw her. She didn't leave my mind after. And until now, I still couldn't take her out of my system.

Kaya nagpapansin ako nang makitang nakatambay sila ni Celine sa isang kiosk na tambayan ng mga estudyante tuwing breaktime.

Kunyari ay lunod ako sa pakikipag-usap sa mga kaibigan ko at hindi pinansin ang pagtawag sa akin ni Celine. Baka mahalata pa niya na sobrang interesado ako sa kaibigan niya. Aasarin lang ako ng kapatid ko at masisira lang ang plano ko.

They came to me instead when my twin probably realized that I was not going to them.

Hinila ni Celine ang braso ko. I smirked when she really brought me to her, just as what I planned.

Dala dala ako ni Celine sa kaniyang kaibigan.

Her friend stared at me for a long moment and God knew how much I prayed for her to be ineterested in me, too. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagbasa niya sa akin. Para bang inaalam niya ang laman ng isip ko. Natakot akong baka mahalata niya ako pero wala akong magawa kundi ipagpatuloy ang pagngiti ko. My friends always told me that they were jealous of my killer smile. Ang dami raw kasing nagkakagustong babae sa ngiti kong 'to. I hoped that it would also be the case for Elaine. I didn't care for the other girls, only for her.

Kaya naman kahit na mas maliit ako sa kaniya, ginawa ko ang lahat upang ipamalas ang kisig ng aking mukha. Iyon lang ang mayroon ako ngayon. I might sound arrogant but I just rely on what my friends and the girls in school always tell me. Hindi naman ganoon kasama ang mukha ko. Naniniwala akong guwapo ako.

"Yuck, your hand is wet, Celine," humalakhak ako habang sinasabi iyon kay Celine. I teased her so that I could hide my true emotion. Kung hindi pa kasi ako magsasalita ay baka maging tuod na lang ako rito.

Nang nasa mismong harap ko na kasi si Elaine, wala na akong ibang naramdaman kundi kaba. It only proved how much different she was from all the other girls I met. Bata pa ako pero ganito na ang naramdaman ko para sa kaniya. It was so intense that's why it felt so different.

Tumayo siya at mas lumapit sa akin. Ito na nga ba ang sinasabi ko! Maliit ako kaya naman nakadungaw siya sa akin. Sa isip ko ay ipinangako kong susundin ko na ang lahat ng utos sa akin lola. Iinumin ko ang gatas na ibibigay niya sa amin ni Celine tuwing umaga at bago matulog. I will also drink the vitamins that she bought for us. Hinding hindi ko kakalimutan iyon dahil ang sabi ni lola, kapag daw araw araw ko iyong ininom ay tatangkad ako. Isa pa, matutulog na ako sa tamang oras para doble pa ang maabot ko.

"Hi," Elaine said then pouted her lips.

Napatitig ako roon nang wala sa oras. Ngunit mabilis naman akong bumawi nang maisip na mali ang pagtingin ko roon.

"Hi, Elaine. Nakita kita kanina sa classroom. You were so nervous nung nagpapakilala ka," I answered with the killer smile that people said I have. Please work...

Pansin kong medyo nahiya siya. Kinagat pa niya ang labi niya kaya naman bumaba na naman ang tingin ko roon.

"Kinakabahan kasi ako," utas niya.

Huminga ako nang malalim. I nodded my head even though I couldn't really focus on what she said. Only to her lips while they were moving as she talked.

I focused again on talking to her and more importantly looking to her eyes and not her lips.

"Unlike my twin, huh? Makapal ang mukha nito," I laughed but immediately stopped when Celine spanked my arm. Ngumiwi ako. "Are you really friends with her? Baka maging weird ka rin tulad niya," wika ko habang hinihimas ang brasong hinampas ni Celine.

But, I didn't really mind if she was Celine's friend. Ibig sabihin kasi niyon ay magiging malapit din ako sa kaniya.

"Hinid naman siguro," ngiti niyang ikinatunaw ko.

Matagal ko siyang pinagmasdan. Itinagilid ko nang kaunti ang aking ulo upang hagurin ang kaniyang buong mukha. "Guess so," I said, my voice wanted to shake because of something I felt in my chest. "You're prettier than my sister naman," tikhim ko at tumawa upang itago ang panibagong nararamdaman ko.

I saw her blushed after hearing what I said. But it was true. I was not teasing her. Ako nga itong dapat mahiya sa mga pinagsasasabi ko. Pero ayokong bawiin iyon dahil iyon naman ang totoo.

Sa klase ay naging habit ko na ang pagtitig kay Elaine. I was very thankful to our adviser because she chose to let me sit at the back. I had a good view of Elaine from where I sit. I reminded myself to give our teacher a gift on Teacher's Day and Christmas Party. Baliw na baliw na ako dahil lahat ng maliliit na bagay tungkol kay Elaine ay pinapahalagahan ko.

I learned that she came from Quezon Province. They decided to move to Metro Manila because of her father's business. She loves cheesecake. Every single day, iyon ang dala niyang baon. Kahit na kung titingnan mo ay mahiyain siya, hindi iyon totoo dahil palakaibigan din siya. I was just very grateful that our boy classmates didn't notice her charm. Kung ikukumpara kasi si Elaine sa ibang babae sa aming school, simple lang siya. The boys I know like those girls who are wild and convenient. Iyong isang kiliti mo lang, bibigay niya. But, not me because I am very loyal to the only girl who managed to steal my heart.

Yes, I fell in love with her that fast. Mag-iisang taon ko pa lang siyang kilala at nakakasama ay minahal ko na siya. To think that we were so young that time. Maraming beses ko nang napatunayan iyon.

Every time she gets mad at me, I would always be the one to talk to her first and apologize. Hindi ako makatiis kapag nagtatampo siya sa akin. Kahit na maliliit na bagay lang naman ang pinag-aawayan namin, ginagawa ko pa rin ang lahat upang mapatawad niya ako.

She hates bullies that is why I changed for her. Isang beses kaming nag-away dahil may inaaway akong mas bata sa amin. Nagalit siya dahil hindi ko raw dapat iyon ginagawa sa ibang tao. Pagkatapos niyon ay ipinangako kong hindi na ako uulit.

Hanggang sa dumating ang graduation namin sa elementary. Celine was very sad when she knew that Elaine might transfer to another school. High school na kami sa pasukan at natural lang ang paglipat ng school para sa karamihan. Sobrang lungkot ni Celine at Elaine dahil doon. Little did they know, I also felt terrible when I learned that she would be leaving us.

I wasn't even excited for vacation. It's summer, probably the most favorite part of the year of all students, but not me. Buong summer ay wala akong ginawa kundi magpatangkad at magpalaki ng katawan. I religiously followed all the instructions of lola like drinking vitamins and getting enough sleep. Hindi naman ako nabigo dahil pagkatapos ng mahabang panahon ay nakikita ko na ang pagbabago sa katawan ko.

While doing all of that, my heart and mind were longing for someone. Gustong gusto ko siyang makita ulit. Pero wala akong magawa dahil bata pa ako nang mga panahong iyon at wala pang kakayahang sundan siya kung saan man siya magpunta.

"You're taller than the last time I saw you, son," ani papa. Nanggaling siyang ibang bansa para sa negosyong tinatayo niya. Madalas wala si papa sa bahay kaya naman bihira namin siyang makita.

Our mother passed away a long time ago. Si papa ang nagpalaki sa aming magkapatid. But he had dreams that he wanted to achieve like putting up his own business that's why we were left with our grandmother, Lola Encarnacion.

Magkatabi kami ni Celine kaya kitang kita talaga ang pagbabago. A year ago, Celine was a few centimeters taller than me pero ngayon, hanggang baba ko na lang siya.

"I have good news," sambit ni Celine na hindi man lang kumatok at pumasok na lang bigla sa aking kwarto.

Patapos na ang summer at patuloy lang ako sa pag-aalaga ko sa katawan ko.

I was doing push ups on the floor when she rushed into my room.

She folded her arms and stared at me while I continued doing push ups. "Anong ginagawa mo?" tanong niyang halata naman ang sagot.

"Push up," sagot kong hinihingal. Gusto ko sana siyang pilosopohin pero wala ako sa mood mang-asar dahil sa pagod.

Nang maabot ang isang daan ay saka ako tumayo. Inabot ko ang baso ng tubig sa mesang katabi ng aking kama at lumagok doon. Pinunasan ko rin ang aking sarili gamit ang sando na suot ko.

"Ano 'yong good news?" tanong ko sa kaniya kahit ang totoo ay hindi naman ako interesado. My twin will surely hit me on the face if I won't listen to her.

Uminom akong muli ng tubig para maibsan ang hingal at pagod dahil sa isang daang push up na aking ginawa ngayong araw. Oo, nakakapagod at masakit sa katawan pero pinagtiyatiyagaan ko pa rin ito.

"I talked to Elaine."

Muntik ko nang mabuga ang iniinom ko kung hindi ko lang ito napigilan. I caughed instead. Ipinatong kong muli sa mesa ang baso ng tubig at inangat ang ulo kay Celine.

"Oh," I casually said, trying so hard not to sound curious.

"Sinabi ko sa kaniya kung saang school tayo mag-aaral," wika niyang nambibitin pa.

Get the damn straight to the point! Nakakainis 'tong kambal ko.

"So," sa iba ako nakatingin. Inabala ko ang sarili ko sa pagpapatuyo ng pawis ko.

Ngumuso si Celine nang tingnan ko ulit siya. Ang tagal naman ng good news niya!

"Pauwi na siya next week. Dito siya mag-aaral ng high school," she revealed and that same point of time, I felt my heart beating again for that one girl.

Lihim akong ngumiti. Sinabihan pa ako ni Celine na wala akong kwenta dahil hindi man lang daw ako masaya na uuwi si Elaine.

Damn, I was more than happy that time! Nag-uumapaw ang saya ko na hindi ko na nga alam kung tama pa ba ito.

Unfortunately, we were not classmates anymore. But I could bear it as long as she's just here. I could see her anytime I want. Hindi iyong malayo siya at hindi ko malalaman kung paano siya makikita.

I knew she liked me, too. I could see it in her eyes. Let other people think that I'm assuming but I could really feel it. Isa pa, hindi naman ako maaaring husgahan ng iba dahil wala namang nakakaalam sa nararamdaman kong ito.

Alam ko, gusto niya ako. May katiting diyan sa mga nakikita ko sa mga mata niya. Hindi man niya ako mahal katulad ng nararamdaman ko, kahit crush lang, sapat na. I could work on that. Gagawin ko ang lahat para lang maging pareho ang nararamdaman naming dalawa.

Isang araw ay naramdaman ko iyon. Hindi niya alam, matagal ko na siyang pinapanood mula sa second floor ng aming bahay. She was here for Celine. Ang alam ko ay mag-aaral silang dalawa, pero wala si Celine at lola kaya naghinay siya sa sala. Narinig kong may dumating na bisita at dahil binilin na sa akin ng mabait kong kapatid ang pagdating ni Elaine, alam ko agad na siya iyon.

She was looking at the picture frames in our sala. Nilagpasan niya 'yong solo picture ko kaya medyo nairita ako. Only to find out that she's gonna go back to it. She grabbed it and touched my face on the picture like it was very precious to her.

Dumadagundong nang husto ang dibdib ko dahil doon. She likes me! The girl I like likes me back! Tuwang tuwa ako. Kulang ang espasyo sa dibdib ko para paglagyan ng kaligayahan ko.

And when she took care of me when I was sick, God, that was the best time of my life. Kung pwede lang na palagi akong may sakit at siya ang mag-aalaga sa akin.

"Buti na lang nasalo kita bago ka nahulog," I mumbled through my breath.

Iyon na ang pinakanakakatakot na pangyayari sa buhay ko. We were grade seven that time. Sobrang saya ko pa nang araw na iyon dahil magsasabay kaming umuwi ni Elaine. Ngunit kamuntikan nang may mangyaring aksidente noong muntik siyang mahulog sa hagdan ng aming school. Kasalanan ko. Nagulat siya nang bigla ko siyang tawagin kaya naman nawalan siya ng balanse at muntik nang mahulog sa hagdan.

Kanina ko pa siya hinahanap sa library ngunit hindi ko siya makita. Nagkasalisi siguro kaming dalawa. Sabay kaming uuwi kaya ako narito dahil iyon ang napag-usapan namin. Celine went home early. Ako ay may basketball training habang si Elaine naman ay may inasikaso sa library.

"Are you hurt?" tanong ko sa kaniya habang ineeksamina ang kabuuan niya.

I was worried. Wala naman siyang naging sugat at mukhang hindi rin siya nasaktan. Ako itong may iniindang sakit sa aking balikat dahil sa biglaang pagtulak niya sa akin kanina. But I didn't mind it as long as she's safe.

As I looked at her, I was so sure she was hurt. Hindi dahil sa kamuntikan niyang pagkahulog sa hagdan na naagapan ko kundi dahil sa mga nasabi ko nang araw na iyon.

Kinakain ako ng konsensya ko dahil sa nangyari nang araw ding iyon. I hurt her through my words. I didn't mean it. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at ininsulto ko siya nang ganoon. Nabigla kasi ako nang magalit siya sa akin. I was just worried that she might tell something to Celine. Ayokong magalit si Celine at maging dahilan iyon upang mapalayo ako sa kanilang dalawa.

I said a lot of bad things and it was the first time I saw anger in her eyes. Iyong kislap na nakikita ko roon tuwing titingin siya sa akin ay naglaho. She was really hurt and tears were about to fall from her eyes and that hurt me even more. When she left me, I knew that this one would be hard for me. Marami na kaming pinag-awayan pero hindi ganito kaseryoso. Nasaktan ko siya.

I suffered for months for I cannot talk to her. Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad. Seeing her teary-eyed broke my heart. Lalo pa nang talikuran niya ako. I was so afraid when I saw pain in her eyes. Ayokong maulit iyon kaya umiwas ako. I was scared that I might hurt her again.

Pero nang malaman kong interesado ang isang kaibigan ko sa kaniya, nagbalik ang paninindigan kong akin lang siya. It appears that Lorenzo, one of my friends and also a basketball teammate, liked her. Narinig kong pinag-uusapan nila iyon bago ako lumapit sa kanila kanina. Tumigil lang sila noong naroon na ako at sumali sa usapan nila. Ang hindi alam nitong si Lorenzo, narinig ko ang pinag-usapan nila.

Right there and then, without thinking twice, I left my friends and walked to Elaine. Iniwan siya ni Celine para bumili ng pagkain nila. Elaine was silently waiting there. I could tell that she's waiting for me, too. I could see how she looked at me these past months. I could tell that she also misses me. Nakakatawa man pero iyon ang paniniwala ko. Now, I will end this agony between us.

Pero nasaktan ako nung akala niya ay ibang tao ako. "Sinong akala mo?" iritado kong tanong. Tiningnan ko ang gawi ng mga kaibigan ko. Did Lorenzo make a move already? Damn!

Kaya hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon. Binasa ko nang maigi ang kaniyang mga mata. I could sense that she's nervous. Kaya naman nagbubunyi na naman ang puso ko. That's only for me. Ako lang ang nagpaparamdam sa kaniya niyan.

Akala ko ay magiging mahirap ngunit may pagkakaintindihan na kami sa isa't isa. I apologized for what I did and she accepted it. Sana pala ay matagal na akong humingi ng tawad. Hindi na sana tumagal nang ganito. Nagdusa pa ako ng ilang buwan. Edi sana sa mga panahong iyon, kasama ko lang siya palagi.

The remaining months of grade seven was spent with Elaine. Kabado ako dahil matatapos na naman ang school year. Elaine was very honest with us about the possibility that she might transfer to a different school. Dito lang naman iyon sa Pilipinas pero siguradong malayo iyon. Iba pa rin kung kasama ko siya at nakikita palagi.

However, when summer came, she told us that she's not going back to their province for vacation. Kaya naman buong summer ay kasama ko pa rin siya. Unlike the previous summer that we had, I got to spend time with her this time. She visited our house almost everyday. Nakakairita lang ang kapatid ko dahil inaagaw niya ang oras na sana mayroon ako kasama si Elaine. But I couldn't react or complain because if I did, she would know my secret feelings for her.

Hindi ako kaagad umamin. I settled on merely showing what I feel for her through my actions because I thought it wasn't the right time yet.

"Mahulog ka!" banta niya sa akin isang araw dahil nagmamadali akong bumaba sa hagdan.

I smirked at what she said. "Sanay na akong mahulog!" sigaw ko ng katotohanan.

Hulog na hulog na nga ako. Sa mga mata niya, sa mga labi niya, kung paano siya ngumiti at kung paano siya sumimangot. Lahat ay nakatatak na sa utak at puso ko. Nakabaon na iyon at sobrang lalim na nang nasakop niyon sa aking dibdib. She wasn't just a girl that I'm infatuated with. This wasn't what they call puppy love. She's my first and one great love. And because it was so deep and I was totally drowned by what I felt for her, it's sure that she would also be my last love.

Sa kasalukuyan, ngayong kapiling ko siya, napatunayan ko ang lahat ng iyon. She's now far from the girl I used to know. She's now a woman who's willing to fight for what she loves. Totoo ang sinabi ko sa kaniya kanina. I believed that if not for our past, this might not be happening. Ngayon ay nagpapasalamat ako sa nakaraan namin ni Elaine. Although it was really painful for me to see her leave and cut all our ties, I was still thankful because after everything, she's here again with me.

Hanggang sa dumating kami sa puntong nagkaintindihan na lang kaming dalawa. Parang noong nangyari noong mga bata pa kami.

"Gusto rin kita, Elaine," sa wakas ay umamin ako sa kaniya. Grade eight kami nang magsimula akong maging sigurado sa nararamdaman niya sa akin. Hindi magaling magtago si Elaine. Ramdam na ramdam ko siya. Kaya naman naglakas loob na akong umamin sa kaniya.

She was surprised and I felt the urge to take back what I said. Pero bakit ko babawiin kung iyon naman ang totoo? Seeing her scared face made me regret it but I won't take it back anymore.

Pero nang maramdaman ko ang pagbabago ng pakikitungo niya sa akin ay nabahala ako. I made sure to her that I would wait until she's finally ready.

Ang hirap nang itago ito kaya ipinakita at ipinaramdam ko ang lahat ng pagmamahal ko para sa kaniya.

Some things changed after my confession. Ramdam ko ang paninibago kay Elaine. It's good though, the fact that I affect her. Ibig sabihin ay may pakealam siya sa mga inamin ko. We remained friends because she's not yet ready to take it to the next level. I was contented with everything, though. Okay na ako nang nagawa kong umamin sa kaniya at ang malamang hindi niya tinanggihan ang nararamdaman ko para sa kaniya.

I considered the simple moments we had together as our date. I invited her whenever we had practice games. Ang mga panahong iyon ang nagpalalim pa nang husto sa pagmamahal ko kay Elaine. Palagay ko, kahit kailan ay hindi ito matatapos. Araw araw ay may panibago akong dahilan upang mahalin siya.

We hid everything from Celine. Ngunit nag-alala ako dahil habang tumatagal ay may napapansin akong mali kay Elaine. Siya ang nagsabing ayaw niyang ipaalam muna ito kay Celine. I agreed. Ngunit pakiramdam ko, may itinatago rin siya sa akin.

Ilang beses ko siyang tinanong tungkol sa kaniyang sarili. Paminsan minsan ay ginagawa ko iyong biro upang hindi niya mahalata ang nais ko. But she kept it to herself. I was always wondering what's in her mind. Bakit madalas ko siyang napapansin na natatahimik kapag magkasama kaming dalawa. O tuwing kaming tatlo ang magkakasama. There's something in there that she's hiding from us. Sigurado akong hindi ito ang sikretong tinatago namin. May iba pa.

I learned how to be patient. Kung ayaw niyang sabihin sa akin ay maghihintay ako hanggang sa maging kumportable na siyang ibahagi sa akin ang kaniyang mga sikreto. I will just it aside for the meantime.

Hanggang sa isang insidente ang bumago sa lahat.

Suntok sa buwan ang nakita naming eksena ni Elaine sa isang restaurant. Her father was kissing a woman that's not her mother. I lost the respect I had for Tito William when I witnessed how he cheated on his wife and betrayed her daughter. How could he do that to his family? Hindi ba niya naisip na masasaktan ang mga ito dahil sa pagkakamali niya?

I did my best to help Elaine even though I didn't really know what I could do for her. Winawasak ang puso ko tuwing nakikita ko siyang umiiyak dahil sa nasaksihan. I convinced her to talk to her dad but she wasn't ready. Sa panahong iyon, ang nagawa ko lang ay manatili sa tabi niya.

Matinding takot ang bumabalot sa akin dahil alam kong may magbabago rito. Her mom decided to take her away from her father. That only means that she's gonna leave us all here. Kahit pa hindi niya sabihin ang totoo, kitang kita ko na sa mga mata niya ang mga susunod na mangyayari.

When she asked me to be with her that time, hindi na ako nagdalawang isip at sinamahan siya. Kahit pa buong buhay ko siyang makasama, ayos lang sa akin. Mas gusto ko iyon kaysa umalis siya at lumayo sa amin.

But I couldn't change the situation. Kailangan kong magpaubaya. Elaine's family would be ruined if she won't fix it. Kailangan siya ng kaniyang mga magulang. Kailangan ko rin siya pero ayokong maging madamot. What happened to her parents might ruin Elaine and I didn't want that to happen to her. Kaya nagpaubaya ako kasama ang pangakong magkikita muli kaming dalawa.

My twin might not tell it to me but I could sense that she knows something. Hindi ko lang sigurado kung alin sa mga sikreto ang alam niya.

"I'd give you time with Elaine tomorrow," sabi niya sa akin ng gabi bago umalis si Elaine. Kanina ay biglaan na lang siyang pumasok sa aking kwarto nang walang paalam at ito pala ang sadya niya.

I was so devastated. Hindi pa nakakaalis si Elaine pero ramdam ko na ang lungkot.

"Maiilang si Elaine na magpaalam sa'yo kung nandoon ako, so I'd leave the two of you alone," she said and did not wait for my answer anymore.

Iyon nga ang nangyari. We had our alone time together. I told Elaine how much I will miss her and how much I love her. Hindi man kami magkakasama, sinigurado ko sa kaniyang siya lang. She made her promises, too.

Pinanghawakan ko ang mga pangakong iyon.

She was so far away from me but she's all I could think of. I told everything to one of my friends because I felt like I would explode if I wouldn't do it. Kahit na pinagdudahan ko noon si Lorenzo, napatunayan naman niya sa akin na hindi talaga niya pinagpapantasyahan ang babaeng mahal ko. Kaya naman nagawa kong ikwento ang lahat sa kaniya. Ayoko namang ilabas ang mga hinaing ko kay Celine. Dahil bukod sa babae siya at baka hindi niyia ako maintindihan, ayokong ipaalam sa kaniya ang tunay na mga nangyayari nang walang pahintulot ni Elaine.

Hanggang sa hindi ko inasahan ang isang problemang dumating sa aming dalawa. I was so mad at Lorenzo that I almost killed him. Ilang araw akong suspended dahil binugbog ko siya. That day, I was angry and wasn't in the right mind.

Elaine came back and I thought it was because of me. Akala ko magiging maayos na ang lahat. Hanggang sa bigla na lang siyang nagbago.

"I'm sorry," feared enveloped my whole system when I saw tears clouding her eyes.

"Why do you have to say sorry?" she said casually to hide whatever she's feeling. Ramdam kong nasaktan ko siya at alam ko ang dahilan.

"Alam mo ang tinutukoy ko, Elaine," wika ko.

"No, I do not know what you're talking about," naging malamig ang tono niya.

Nanlamig din ang buong katawan ko dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. May pagdududa sa mga mata niya.

"The photos. I knew that you saw it. Si Lorenzo ang nag-upload niyon. Magkakasama ang buong team nang araw na iyon para sa practice namin..." paliwanag ko pero tila ba hindi siya nakikinig sa akin.

"I will explain," pagsusumamo ko.

"Ganyan din ang sinabi ni daddy noon."

Hiniwa ang aking puso sa narinig ko mula sa kaniya.

"I'm not like your dad, Elaine! Shayne was there because she was invited by her brother," I lost it. Hindi ako makapaniwalang nasabi niya iyon sa akin.

Alam na alam niyang siya lang ang babae sa buhay ko. Ngunit alam nga ba niya? Sinigurado ko 'yon sa kaniya 'di ba? I promised her but the situation was making her doubt me. Ang dami daming humahadlang sa amin.

I convinced her to come with me in our house but she refused. Nasa labas lang kami ng aming bahay.

"Nililigawan mo ba siya?"

"Of course not!" tanggi ko dahil iyon ang katotohanan.

"Gusto mo ba siya?"

"NO!" halos maiyak na ako dahil sa mga tanong niya. "Ikaw ang mahal ko, Elaine."

She didn't say anything. I didn't plan to give up on her but she did on me.

Nangako akong maghihintay sa kaniya ngunit kahit iyon ay hindi niya ibinigay sa akin. Pinutol niya lahat ng koneksyong mayroon kami. Pati ang kapatid ko na walang kaalam alam ay nagdusa dahil bigla na lang siyang nawala.

"Conrad," si Celine iyon.

Gabi-gabi ay binibisita niya ako sa aking kwarto. She knew how miserable I was because of her best friend.

Palagi akong nakaharap sa aking laptop. Magang maga na nga ang mga mata ko sa kakahintay sa kaniya. She deleted all her social media accounts but it didn't stop me. Araw araw kong tinitingnan kung may bago ba siyang account doon. Palagi ko siyang hinahanap. Pero paano mo mahahanap ang taong nagtatago sa'yo?

Ngunit hindi ako sumuko. Isang araw, nahanap ko siya. She created a new account on Facebook. I was so sure that it was her. It says in the picture in her profile that it was taken a just few days ago. Wala pang ibang litrato roon maliban sa kanilang family picture na nasa cover photo.

The picture of Elaine's complete family made me smile. Kung ganoon ay naging maayos sila. May maayos na kinahantungan ang mga desisyon niya.

I was checking her Facebook account everyday. Walang araw na nakalimutan ko itong buksan. Paminsan minsan lang ang update ni Elaine dito. Pinipigilan ko ang aking sarili na padalhan siya ng mensahe. Kahit na ang pakikipagkaibigan dito ay hindi ko ginawa.

But I lost it when I saw her latest update. It was one of the pictures in an album entitled, 'family'. Masaya ako nung unang mga litrato pa lang ang aking nakikita ngunit nang dumating ako sa isang litrato ay nag-apoy ang paningin ko. She was with a man and they seem to be so close to each other. Nakaakbay pa ito sa kaniya. Mukhang malapit ang lalaki sa kaniyang pamilya dahil kasama nila ito.

Ngayon, naintidihan ko na ang naramdaman ni Elaine nang makita niya ang mga litrato namin ni Shayne noon. One photo says a lot. She only has one photo with the guy, I had a lot with Shayne. Ito rin ba ang naramdaman niya? Kung ganoon ay may karapatan siyang magalit. Dahil nakakagalit pala talaga. Ang hapdi sa puso lalo na't napakalayo niya sa akin kaya wala akong magawa.

"I would try to court Shayne," I told Vans and Lorenzo, one day.

I wasn't expecting it but Shayne became a friend. Ngunit walang kahit na akong namamagitan sa aming dalawa. She also considers me her friend but that's it. Alam kong wala nang iba pa roon.

But I wanted to provoke the girl that owns me. I hope that it would trigger her feelings for me. Lorenzo will post about it, I'm sure. He would tell everyone about what I told him. I intended it to be a secret among the three of us. Ayoko ring malaman ito ni Celine dahil siguradong mag-aaway lang kaming dalawa. Pagsasabihan lang niya ako na kesyo bakit ko iyon gagawin kung mahal ko si Elaine. That's why I will do it! Kasi mahal na mahal ko si Elaine.

"Ano bang gusto mong mangyari?" tanong ni Lorenzo sa akin nang sabihin ko ito sa kaniya.

"Gusto kong malaman niya. She came back when she saw the photos that you uploaded. Siguradong babalik ulit iyon kapag nalaman niyang liligawan ko si Shayne," nababaliw na ako, alam ko. But I couldn't just wait here and do nothing.

Naghihintay pa rin ako sa kaniya at gagawin ko ang lahat para lang bumalik siya.

"Paano naman niya malalaman? And would you really do it? Hindi ba parang nagtataksil ka na sa kaniya sa gagawin mo?" ani Lorenzo.

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. I won't exactly do it, of course. Sinabi ko lang naman 'yon. Wala akong kahit na katiting na nararamdaman para kay Shayne. It would always be Elaine. I'm going crazy about her and if I don't do anything, I might lose myself.

At iyon na nga ang nangyari. Ilang taon na ang lumipas pero wala pa rin. Hindi ako kailanman nakalimot. I didn't try to move on. Why would I do something that is hard for me to accomplish? Lolokohin ko lang ang sarili ko kung sasabihin kong susubukan kong makalimot.

Kaya nung nalaman kong babalik siya, nawala ako sa aking sarili. My father once mentioned to us that his friend William, will be back in the Philippines next week. Ito raw ang makakasosyo niya sa isang negosyong itatayo niya.

Kilalang kilala ko ang taong iyon. I shouldn't think about it, but Tito William was the sole reason why Elaine left. Kung hindi niya niloko ang kaniyang pamilya, edi sana nandito pa si Elaine. I lost my respect to him but still, he's Elaine's father. At sa nakikita ko sa mga litratong ibinabahagi ni Elaine sa kaniyang social media account, masasabi kong nagkaayos na ang kanilang pamilya.

Pero bakit ang tagal naman maayos ng sa amin?

After hearing it from my father, I did everything to know more details about it. Alam kong nahalata na ako ni daddy nang tanungin ko siya tungkol dito dati. Matagal na rin naman niya itong alam kaya naglakas loob na akong magtanong.

"Is this about his daughter again, Conrad?" tanong ni papa sa akin.

Sumalampak ako sa sofa ng kaniyang opisina. My father has been doing well with his business. Ngayon ay mas umasenso na ang buhay naming lahat. After I graduated, I worked under him and I like the work he gave me so far.

"Matagal mo nang alam 'yon, pa," iyon lang ang naging sagot ko.

"Yes, I do. Pero hanggang ngayon ba ay hindi ka pa sumusuko? The girl probably has a boyfriend by now," aniyang nagpainit sa aking ulo.

"Pa! Gusto mo bang mag-resign ako rito?" panakot ko. Ganito siya palagi. Ilang beses na niyang sinabing sumuko na lang ako. Paano niya nasasabi iyon gayung siya nga itong hindi pa nalilimutan si mama kahit matagal na itong wala.

Humalakhak lamang siya sa akin. "Hindi naman mahirap humanap ng magaling na photographer. Mayroon nga riyang mas propersyunal pa sa'yo."

"Pa!" sigaw kong muli.

Humalukipkip ako at sinalampak pang lalo ang aking sarili sa sofa. Kulang na lang ay humiga ako roon.

"They'd be here in three days. Iyan lang ang alam ko, Conrad. Now, can you leave me now because I have a meeting in five minutes?

Pinanlisikan ko siya ng mga mata. Wala naman akong napala sa kaniya bukod sa sinabi niyang tatlong araw. Hindi ko man lang nalaman ang eksaktong oras. Ibig sabihin ay kailangan kong maghintay ng buong araw hanggang sa dumating sila?

Hindi ako nagrereklamo. I've been waiting for her all this years and I got used to it already. Ang ilang araw, oras o kahit minuto lang iyan ay wala na sa akin.

Hinaplos ko ang buhok ni Elaine pagkatapos iyon ayusin. Ang nakaraan ang nagsilbing lakas at tapang ko sa mga lumipas na panahon. Pinaghandaan ko ang kasalukuyan at naging matagumpay ako.

Sobrang swerte kong lalaki dahil nasa akin na siya ngayon. She doesn't know how much I've wanted us to be like this. I must apologize, though, because she was really shocked when she realized that she will stay with me tonight.

Actually, it was my idea. Hindi naman talaga kailangan magpatulong ni Celine para sa mga souvenir sa kasal nila ni Vans. There are a lot of people who could do it for her. Para saan pa at nagbabayad si Vans ng mga taong mag-aasikaso sa kanilang kasal? I only pleaded her to do it with Elaine so that she could stay here tonight. In return, she made me promise never to hurt Elaine anymore and marry her when everything between us are already settled.

Kung alam lang niya kung gaano na ako kaatat. Kung gusto niya, ngayon na rin ang kasal. Baka unahan ko pa sila ni Vans.

Gusto kong matawa kanina nang sunduin ko siya sa kwarto ni Celine. Talagang ayaw niyang sumama sa akin. Pero wala rin naman siyang nagawa dahil hindi ako papayag na hindi ko siya makakasama sa unang gabi ng pagiging magkasintahan naming dalawa.

I have no other intention besides sleeping with her and being with her tonight. Mali ang iniisip niya sa akin.

I was just pissed off with the man in Elaine's house. How could her parents let him stay there? Ganoon ba siya kalapit sa mga magulang ni Elaine?

I really didn't like the guy. Noong una ko pa lang siyang makita ay kakaiba na ang pakiramdam ko sa kaniya. More so, when I met him in person.

Yes, I've seen the guy already almost a year ago and we've met again at Elaine's college graduation.

"Pa, magkikita kayo ni Tito William?" tanong ko kay papa nang malamang tutungo siya sa states para sa tatay ni Elaine.

"How'd you know that?" nagtatakang tanong niya sa akin.

Ito ang unang pagkakataon na lumapit ako kay papa dahil kay Elaine. I just knew recently that he's been in contact with Elaine's father. It was Celine who told that to me. Celine was still studying abroad when she mentioned that papa would visit her and also Tito William.

That time, I guessed that Celine already had a hint of what's really going on. Pero wala pa rin akong sinabi sa kaniya dahil nirerespeto ko ang naging desiyon ni Elaine. I was always on her side. Kahit pa nasaktan si Celine, hindi ko pa rin isiniwalat ang mga nilihim ni Elaine sa kaniya.

"Pwede ba akong sumama?" I asked him. Bakasyon naman ngayon. May ilang araw pa bago matapos ang semestral break namin.

"What would you do there? May pag-uusapan lang kami ng Tito William mo tungkol sa negosyong binabalak naming itayo rito sa Pilipinas."

"Dito sa Pilipinas? Does that mean they are gonna come home here?" Mabilis ang tibok ng aking puso habang inaasam ang pagsang-ayon ni papa.

"Maybe. Hindi pa naman sigurado. Ano bang gusto mong gawin doon? Mamamasyal ka ba? Do you want to visit your sister?" tanong niyang walang kaalam alam sa pakay ko.

Umoo ako sa mga tanong ni papa. Hindi naman niya kailangan malaman ang totoong pakay ko.

Before leaving the Philippines, I've listed all the possible places where I could see Elaine. I might sound like a stalker here but I studied all the places that I could see in the pictures that she uploaded. Ang pinakakilala sa mga iyon ay ang univesity kung saan siya pumapasok.

At iyon ang una kong pinuntahan nang magtungo kaming dalawa ni papa sa L.A. Mahirap man sa akin ngunit mas pinili kong panoorin na lang siya mula sa malayo. I could definitely ask my father to join him in visiting Elaine's dad but I chose not to. Pinagkasya ko na lang ang aking sarili sa malayong pagmamasid kay Elaine.

That's when I met Kavan. He attacked me and furiously asked why I was following Elaine. May nakakita na pala sa aking mga pagsunod sunod sa kaniya. With the way I looked, magmumukha na talaga akong stalker. I was wearing all black. Even the cap on my head was black.

Kung hindi lang ako nag-aalalang baka malaman ni Elaine na nandito ako ay baka binugbog ko na ang lalaking ito. Siya itong dikit nang dikit sa babae ko. Siya itong dapat na binubugbog ko. But I calmed myself and apologized after.

It happened again during her graduation just a few months ago. Hindi na ako nakatiis. I wanted to congratulate her but this fucking Kavan blocked me and told me to never see Elaine again. He recognized me and apparently, he already knows who I really am.

"Elaine and I are happy. Please don't ruin what she has right now," he said and it made my head burn, I wanted to kill him that instant.

Nag-init ako nang husto dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi totoo iyon. Magkaibigan lang sila. The posts I see on Elaine's Facebook didn't say that they are together. Bakit niya sinabi iyon? At bakit niya ako kilala?

The more I think about it, the more hope I get. Kung kilala ako nitong gagong 'to, ibig sabihin ay naikwento ako ni Elaine sa kaniya. Ibig sabihin ay hindi pa niya ako nakakalimutan. At ang lintik na pagsisinungaling niya na sila na ni Elaine ay nagpatunay lang na wala siyang pag-asa rito. Kaya niya iyon nagawa. Elaine won't give him a chance because it's still me. Kilala ko si Elaine. Hinding hindi mawawala ang pagmamahal niya sa akin. She would never forget about me. She said that herself. At kahit may mga pangako siyang hindi natupad, alam kong may isang mananatiling tunay sa mga iyon. Iyon ay ang pangakong ako lang ang mamahalin niya.

I kept that promise inside my heart when I got home. And when I knew that she's coming back for real, I was so happy because she kept hers, too. Natagalan lang pero tinupad niya na babalik siya.

Seeing her again made me remember how much she broke my heart. Kaya hindi ko alam ang aking gagawin nang unang beses ko siyang makita. At habang pinapanood ko siyang iniiwasan at iniignora ako ay nanghihina ang aking puso.

Lalo na nang makita ko siyang inihahatid ng mayabang na Constantine na 'yon. Hah! Con, huh? I am the only Con in Elaine's life. Walang makakapalit sa akin. He needs to back off, too!

Ang tanga tanga ko noon dahil sinaktan ko siya kahit na ang totoo ay gusto kong malaman niya na sa kabila ng lahat, heto ako at naghintay sa kaniya dahil mahal na mahal ko pa rin siya.

"Mahal mo pa rin siya?" tanong ni Shayne sa akin nang makita niya ang litrato ni Elaine na wallpaper sa phone ko.

Nanghihina akong tumango at pinagmasdan ang mukha ni Elaine habang hinahaplos iyon. It's stupid because I could only be with her through this picture.

I was drunk when I asked Shayne to be my girlfriend. Siya rin naman ang nag-alok niyon. I was with her but my mind and heart were somewhere else. The thought that Elaine would come to me if she knew that I already have another girl with me flooded my mind. Babalik siya sa akin sa pamamagitan niyon.

Pero hindi na naman ako nagtagumpay. Ang kabaliwan ko sa kaniya ang siya ring nananakit sa kaniya. I hurt her so bad that she gave up on us. Hindi na ako natuto sa ginawa ko noon. I used Shayne before and it didn't work. Bakit ko naisip na ulitin ito ngayon?

It was so painful seeing her cry that night at the resort, while she was giving up and letting me go. Hindi ko iyon matanggap. Hindi ko sinadyang maging ganito ang kahihinatnan naming dalawa. Elaine was willing to let go of me because she thinks that someone would get hurt if we would be together. She thought Shayne was in love with me and she didn't want to steal me from her.

That night, I went to Shayne and asked for her forgiveness, because I couldn't be with her. Hindi kami pwedeng dalawa dahil hindi ko siya mahal. I was surprised when she agreed and told me that it was a stupid idea to be with me, too. Alam kong may mahal siyang iba. Kaibigan ko siya at kilala ko ang lalaking nagugustuhan niya. She had her own reason that's why she asked me if I could be her boyfriend that time. Naggamitan kaming dalawa.

But aside from that, nothing happened. Ni hindi nga sumagi sa isip ko na magkasintahan kaming dalawa. Kaya rin galit na galit ako sa tuwing makikipag-usap si Elaine kay Lorenzo. I cleared everything to Lorenzo but he didn't know how to listen. Kaya mas naging kumplikado lang ang lahat.

Ilang buwan na ang lumipas mula nang maging girlfriend ko si Elaine. Nagmistulang panaginip ang pagbabalik ko sa nakaraan. Ngayon ay gising na gising na ako sa katotohanang akin na siya.

Seeing her in a long white gown makes my heart flutter. Kung sana ay sa akin siya ngayon pero lintik dahil si Lorenzo ang partner niya.

I could see Lorenzo smirking at me from where I stood.

Eh kung sugurin ko kaya siya? Baka mawala ang pagiging best man niya dahil sisirain ko ang mukha niya.

Dalawa kaming best man dito pero hindi ko maintindihan si Celine at Vans kung bakit ayaw nilang ako na lang ang partner ni Elaine. Nakakairitang makita na nasa tabi siya ni Lorenzo at nakakapit pa siya rito.

Kinalma ko ang aking sarili at inalalang kasal ito ng kapatid ko. Hindi ako patatawarin niyon kung sisirain ko itong mahalagang araw nila ng kaniyang mapapangasawa. Matagal na nila itong hinintay dahil naurong ang petsa ng totoong araw ng kasal nila.

What can I do? Wala naman akong magagawa kung naurong ang kasal nila. Ginusto rin naman nilang dalawa.

Kaya pinili kong pagmasdan na lang si Elaine. She was smiling while looking at me as well. Mabibilis ang naging tibok ng aking puso. Maluluha na yata ako habang pinagmamasdan ko siyang palapit sa akin.

"You're not the one who's gonna get married, dude. You're not even sure if she's gonna marry you," Vans whispered to me. "Why are you teary-eyed?" nagawa pa akong asarin ni Vans gayung ganoon din naman ang hitsura niya.

Siya nga itong umiiyak na.

"'Wag mo na akong pansinin. Let me have my own moment here," iritado kong sagot.

Ngumiti akong muli at pinanood si Elaine. I am imagining her as the bride and I am her groom. Kaunting tiis na lang. Ikakasal na rin kaming dalawa.

"I love you," I mouthed those words to her.

Naintindihan niya agad ito. Sa likod ng makeup na suot niya ay hindi naitago ang pamumula niya.

Tinaasan ko siya ng kilay upang iparating na hinihintay ko ang sagot niya.

She rolled her eyes and bit her lower lip at the same time. She often does that and it's my favorite thing to do also. Mamaya kapag na-solo ko na siya...

"I love you, too," she also mouthed while giving me a shy smile.

Nanlambot ako dahil doon.

Mahal na mahal ko ang babaeng iyan. A lot has happened between us but we still ended up together. Maraming taon ang nasayang dahil hindi kami nagkasama ngunit heto kami at kapiling ang isa't isa.

Some might think that everything could have been better if she didn't leave me. It could have been better if I had followed her wherever she went so that we could be together. Pero hindi ko na mababalikan ang nakaraan. Ang mahalaga ngayon ay ang kasalukuyan at ang hinaharap.

Nang sa wakas ay nakarating siya sa harap ay inabot ko siya kahit na hindi naman sa pwesto ko ang lugar kung saan siya dapat magpunta.

"Conrad," suway ni Lorenzo.

"Tsk," pinanlisikan ko siya ng mata at siniko. "Back off," suway ko sa kaniya. Naging matamis naman ang ngiti ko nang bumaling ako kay Elaine. "Finally," I told her.

"Con, kailangan doon ako sa tabi ng mga bridesmaid," bulong niya sa aking nag-aalala habang nakatingin sa mga nakahanay na bridesmaid.

They already noticed us but no one said anything.

"Dito ka na lang sa tabi ko," lambing ko sa kaniya.

"Hm, clingy," she mocked me.

I heard Lorenzo chuckling beside us but I just let it go. Inggit lang siya.

"One day, it's gonna be us there," I said to Elaine while looking at Celine and Vans at the altar.

"Talaga?" malambing na tanong niya.

Binalingan ko siya. May kakaibang kislap sa mga mata niya at kagat kagat na naman niya ang labi niya.

"I can't wait for that day, Conrad," she leaned on me and snaked her arm on mine.

What she just said was a sign!

"Me, too," I uttered and kissed her on the side of her forehead. "Would it be better if I marry you now?" I finally asked her.

Napahiwalay siya sa akin. Umawang ang bibig niya at nanlaki ang mga mata.

"Tara?" tanong ko. I'm dead serious. Naiinip na ako. Baka naman pwede nang sumabay sa kapatid ko. Tutal naman ay kambal kami.

"Are you serious?" hindi makapaniwalang tanong ni Elaine.

"I am. Ngayon ako naman ang magtatanong," kinuha ko ang engagement ring sa aking bulsa na matagal ko nang ipinagawa para kay Elaine. "Will you marry me?" tanong ko.

"Ngayon talaga, Conrad? Baka magalit si Celine," bulalas niya, naiiyak na sa bilis ng mga pangyayari.

Sa likod namin ay natatawa na si Lorenzo. I quickly glanced at him and narrowed my eyes to shut him. Lorenzo has our wedding rings. Ayoko siyang awayin dahil baka hindi pa niya ito ibigay at hindi pa matuloy ang plano.

I brought my eyes back to Elaine who was already crying. "She would be thrilled," I told Elaine.

Nakakakuha na kami ng atensyon sa ibang tao.

Bago pa siya makatangging muli, hinila ko na ang kamay niya paakyat sa altar. Her parents appeared right on time. Hawak ng mommy niya ang kaniyang isusuot na belo. I couldn't believe that I was able to convince them about my plan. Elaine's mom was very hesistant but something changed her mind. Hindi na niya sinabi sa akin kung ano man iyon.

"Naiinip na kasi ako, Elaine. I promise I would give you a grand wedding in the future. Pero ngayon, sumabay na lang muna tayo sa kambal ko..." sabi ko habang paakyat na rin kami sa altar.

Celine smiled at the both of us. I mentioned it to her already. Pumayag siya ngunit ako na raw bahala kay Elaine. That's why they're wedding was postponed. She agreed and I thanked Vans for agreeing with us.

"Pero matutuloy lang 'to kung papayag ka," lumuhod ako sa harap niya habang sinasabi ang mga salita. "Will you marry me?"

Marami akong narinig na singhap mula sa mga tao. Elaine's parents were already beside her.

Tiningnan niya muna ang kaniyang mga magulang bago bumaling sa aking muli.

Sapo niya ang kaniyang bibig. Puno ng kaba ang aking dibdib sa magiging sagot niya.

"Yes, Conrad. I will marry you," she answered and it made my heart swell with happiness.

"Right now?" I asked her again.

She sobbed as she wholeheartedly whispered, "Yes." 

Continue Reading

You'll Also Like

27.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
10.5M 44K 8
Who knew that all it takes is just one badarse speed racer to capture the heart of a young bratty billionairess? Highest Rank Achieved: #2 in Romanc...
22.1M 534K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...