Until You Say It [Completed]

By secretlychasing

642K 22.2K 17.1K

Yshara Madriaga is traumatized due to a kidnapping incident during her 7th birthday, with that she's currentl... More

Until You Say It
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Wakas
Thank you

Kabanata 16

15.9K 625 487
By secretlychasing

I heard we won. I heard Shaila and I won. At the same time, I lost her. I lost Yshara...

"Tangina Dray! Ako na nga ang magdri-drive sabi eh. Tingnan mo nga 'yang sarili mo! Wala ka sa sarili para magmaneho." Tumango na lamang ako sa kanya habang hinang-hina akong maglakad palayo sa kanila. Hinagis ko sa kanya ang susi.

Nang makarating kami sa tapat ng kotse ko ay agad niya itong pinatunog. Umupo agad ako sa passenger's seat. Sumandal ako haban pilit pinapalis ang mga luhang sunod-sunod sa pagbagsak. "Ang sakit..." Paulit-ulit kong sinuntok ang dibdib ko dahil tila may nakabara rito. "Akala ko kasi sapat na iyon. Akala ko kasi sapat na ako. Kulang pa rin pala."

"You mad at her?" He started driving. "Bro, fasten your seatbelt."

"Hindi ko kayang magalit." Nabasag ang boses ko, naaawa sa sarili dahil kahit ang pagkabit sa seatbelt ay tila hirap na hirap ako. "Hindi niya kasalanang hindi niya ako kayang mahalin. She did like me. Hindi lang talaga niya kayang suklian 'yung pagmamahal na mayroon ako para sa kanya." Saglit na tumingin sa akin si Jordan.

"Tangina lang! Siya pa rin 'yung gusto ko. Siya pa rin 'yung mahal ko. Kahit ganito ang kinahantungan ng lahat. Kahit masakit, siya pa rin eh." Pumikit ako habang humihikbi tsaka tinakpan ang mga mata ko, hindi na inabala pa ang sariling palisin ang mga luhang kumakawala.

I let tears fall as they speak more for me, to what I feel, to how much pain I feel right now. Sobrang sakit na parang hinihiwa ang dibdib ko.

"Ngayon lang kita nakitang umiyak nang ganyan. Ilang beses kang nadadapa nung mga bata tayo pero ni minsan hindi ka namin nakitang umiyak." Rinig ko pa ang pagbuntong-hininga ni Jordan. Huminto rin ang kotse dahil sa traffic. "Ano bro? Inom tayo? Tawagan ko sina Declan at Greg." Umiling ako, gusto ko munang mapag-isa pagkatapos nito.

"It's painful." Hindi siya umimik. "This is probably what you have felt before. Parang may punyal na nakasaksak sa dibdib ko ngayon." Rinig ko ang malalim niyang paghinga. "Hindi ko siya masisi eh, hindi rin naman niya kasi ako pinaasa. Baka masyado lang akong naging confident na magiging pareho 'yung nararamdaman namin para isa't-isa."

"Just think of it as your first love that's gone. We'll grow more, we'll learn things and we'll understand more why it had to happen." Muli niyang pinaandar ang kotse at nilakasan ang pinapatugtog na kanta. Masyadong malungkot na tila nakikiramay sa nararamdaman ko ngayon. "Mahal mo kasi talaga kaya ganyan kasakit." He added as we both fell silent. Kimkim na kimkim ko pa rin ang sakit na nararamdaman.

"Dray, kakauwi lang ni Jordan. You're not feeling well? Do you wanna talk about it?" I was never a crybaby and everyone knows that, but seeing my mom beside my bed...doon muling bumuhos ang sakit. I crawled to get near her. "It's okay. You can cry. Who said boys don't cry? Yung daddy mo iyakin 'yun eh." She joked, para mapagaan ang pakiramdam ko. Siniksik ko ang sarili ko sa yakap ni mommy sa akin. "You love her so much right?" Tumango-tango ako.

"She doesn't love me the way I love her." Bulong ko.

"And I hope you're not mad about it or mad at her." Tumango ako. "You shouldn't force someone or anyone to love you back. Kung hindi, hindi talaga anak." Muling akong tumango, humihikbi na ngayon. Ang sakit talaga eh. "Don't ever blame yourself too, don't ever blame her too. Walang kulang sa'yo, alam ko iyon. Okay? It's not just for the both of you, pwedeng hindi talaga sa ngayon o pwedeng hindi na talaga kahit kailan." Mas kumirot ang puso ko nang marinig ang huli. Posible nga.

"Ito ang lagi mong tatandaan anak. In falling in love, it has to be the right person, in the right place and right time with the right motive. If it won't have those, I'm afraid it's not love..."

That night I went to sleep with a heavy heart.

"Bro! Muntik ka nang ma-late, bakit ang bagal mo pang maglakad?" Pinagbangga ni Jordan ang aming mga balikat nang makarating ako sa tapat ng classroom, sa gilid niya ay si Shaila, pareho silang malapad ang ngiti sa akin. Nilibot ko ang tingin sa buong klase, everyone is in their proper seats, isa-isa silang nag-angat ng tingin sa akin habang naglalakad ako patungo sa aking upuan. The not usual looks on their faces are what I'm seeing right now. Bakas sa kanilang mga mata ang sa tingin ko ay awa. I don't think they should pity me for what happened.

"Malandi rin naman pala 'yung Yshara, Grade 11 lang 'yun ah, tapos teacher pa ang tinalo. Mukhang anghel pero galawang pang mahaharot." Umamba akong sasagutin ang isang kaklase ko kundi pa ako hawakan ni Jordan sa balikat, umiling ito sa akin. Nagtiim-bagang ako, humingang malalim at umupo na lamang sa upuan ko.

"Stella, we don't know what really happened. Maybe she has reasons. Besides we could be impulsive sometimes too, nakakagawa tayo ng mga bagay na minsan hindi na natin napag-iisipan. You can't judge someone without knowing her at all." Natahimik kaming lahat sa biglaang pagsasalita ni Shaila.

"If you did the same thing, I won't judge you. Hindi naman kasi kita masyadong kilala, bakit huhusgahan kita? Kung may pinagdadaanan ka pala na hindi alam ng lahat, hindi ba napakasamang tao ko naman kung huhusgahan pa kita. You're not involve, might as well mind your own business." Magalang na ngumiti si Shaila sa kanya, si Jordan naman ay nagthumbs up sa kanya, ngumiti ito kay Jordan at tumango rin sa akin.

Inabala ko ang sarili ko sa pakikinig sa mga guro. Ilang buwan na lamang ay moving up na rin naman. Magiging abala rin kami sa National Math Quiz Bee ni Shaila, naka-schedule ang review namin tuwing matatapos ang klase.

"Sasama na lang ako sa inyo." Si Jordan na nakabuntot sa amin ni Shaila patungong library. "Wala naman akong gagawin sa bahay." Ngumisi na lang ako. I'm not sure if he's really bored at home or he wants to have more time with Shaila. Pansin ko rin ang pagiging malapit nilang dalawa nitong mga nakaraang araw. He'll always insist he wants to come with us, ang gagawin lang naman ay tumitig kay Shaila tsaka makakatulog.

"You've said the same reason a lot of times now. Sumama ka kung gusto mo, hindi mo naman kami naaabala dahil madalas kang tulog." Biro ko sa kanya. Natawa na lamang kaming tatlo habang kakamot-kamot pa siya sa kanyang ulo. Nahinto kami sa pagtawa nang makarinig ng sunod-sunod na pagbagsak ng mga libro sa harapan namin, agad akong humakbang upang mapulot ang mga ito.

"Here..." Nag-angat ako ng tingin nang mapansin ang pagtahimik ng buong paligid. I stopped in the middle when I met her eyes again. Marahan siyang ngumiti sa akin at tumango. Pagkatapos noon ay nilampasan niya ako. Napapikit ako nang mariin.

"Shaila, pass muna ako sa review ngayon. I wanna go somewhere else." I told Shaila as if she already anticipated that I'll tell that to her. "Bawi na lang ako bukas, bro, samahan mo na lang muna si Shaila." Tinapik-tapik ko ang balikat ni Jordan tsaka nagmadaling tumakbo para masundan si Yshara. Saan kaya siya sa posibleng nagtungo?

Hindi ako nagkamali, she's under that old big tree. Nakasandal siya roon habang nakapikit ang mga mata. Is she starving herself? She looks thinner compared to the last time we usually eat lunch together.

Kinuha ko ang earphone na nakapasak sa kaliwa niyang tainga saka ako umupo sa tabi niya. Hinayaan niya lamang ako. We let ourselves get drown with the music's melody. Nang tumigil ang tugtog ay tsaka ko siya nilingon. She didn't move.

"I am still hurt." Hindi pa rin siya gumalaw. Marahan niyang tinanggal ang earphones sa kanyang phone at nilagay ito sa kanyang bag. "I gave you space so you can breathe. Baka nabibigla ka lang, hindi naman kita minamadali. O baka nalilimitahan kita, baka nasasakal kita...Are we too young for this?"

"Huwag mo na akong ligawan. Don't waste more time and effort for me. Mas okay 'yun. I am fine without you." Tila punyal na unti-unting tumatarak sa dibdib ko ang mga salitang 'yun. "Ayokong sanayin ang sarili ko na nandiyan ka...ayokong dumepende sa ibang tao dahil alam kong may kulang sa akin...ayokong makita kang nahihirapan dahil sa akin." Napakunot ako ng noo. Hinarap ko siya sa akin, hinanap ko ang mga mata niya.

"Are you afraid that I might leave you because you're mute? Na baka magsawa akong intindihin ka? How could you think so low of how the way I love you?" Mapakla akong napangiti, nag-iinit ang mga mata, may mga luhang nagbabadya na naman sa pagbagsak.

"Damn it baby! I can study all the sign language in this world just so I wouldn't miss any single word you'd like to tell me. So please...please, baby I'm begging you...don't make me stay away from you." Marahan kong hinaplos ang siko niya, tumitig lamang siya pabalik sa akin na may blangkong expression.

Hinigit niya ang siko niya mula sa pagkakahawak ko. "Hindi mo ako maiintindihan."

"Susubukan pa rin kitang intindihin." Pagsusumamo ko sa kanya. Mahal na mahal kita, sana magsink-in 'yun sa'yo.

"Pabago-bago ang isip ko. I am traumatized. One moment I'll trust you, the next day I won't believe you."

"Then I'll make you trust and believe me everyday. What's hard about it? Kaya ko Yshara. I can do things just for you. Sa'yo lang baby..." Umiling siya at bahagyang in-stretch ang braso, marahang pumikit na tila dinarama ang paghampas ng hangin sa kanyang balat, ang mga tuyong dahon ng puno ay nagsisilagasan na. Ilang minutong lumipas ay tumayo na siya, inayos ang bag, at pinagpagan ang uniporme.

"I need to go home now." Hindi ako sumagot, hinawakan ko ang kamay niya upang pigilan siya. Dahan-dahan akong lumuhod sa harapan niya. Hindi ko kayang mawala siya nang tuluyan. I love her. I can go this far because I love her. I wanna beg her. Magmamakaawa ako hanggang sa mapagod ako, para sa dulo wala akong pagsisisihan, na sinubukan ko pa rin kahit ayaw niya, kahit ako na ang pinagtatabuyan. After all she's still worth it.

"Akin ka na lang ulit please, baby..." Tuluyang bumagsak ang mga luha. Niyakap ko ang kamay niya. "Akin ka na lang ulit please...sa'yo pa rin naman ako. Sayong-sayo pa rin..." I remembered her telling me na bumalik na ako sa kanya, at agad akong bumalik sa kanya noon, I am too in love with her, na isang sabi niya lang kayang-kaya kong bumalik patakbo pa nga sa kanya. Kaya heto ako ngayon, nagbabakasakali na baka mapagbigyan.

Marahan niyang inalis ang pagkakahawak ko sa kanya. "Please, if you fall in love again, if you love someone again, please don't ever beg for love. Don't go too low for love." For the first time, I wish I couldn't understand her sign language. "I am not ready for anything. I am not ready when I can still hear demons of my past. I want to fight alone. And please don't tell me you'll wait, move forward with your life without having me. One day, you'll thank me for this. Move on now, Dray..." Humakbang siya palayo sa akin, pero agad ding humarap sa akin.

"Do me a favor, please...huwag mo na akong mahalin," and I wish I can't understand her sign languages at all. Tinukod ko ang nakakuyom kong kamao sa damuhan, tila bibigay ako mula sa pagkakaluhod habang siya ay walang lingon-lingon na naglakad papalayo. Tumungo ako at hinayaang bumagsak ang mga luha ko sa damuhan.

"B-baby..." kagat-labing sambit ko nang subukan kong pigilan ang aking mga luha.

Nang tuluyang bumigay ang katawan ko ay hinayaan ko na lamang ang sarili ko na bumagsak pahiga sa damuhan, tinanaw ang kalangitang tuluyan nang nagpasakop sa dilim. May mangilan-ngilan na mga bituing kumikislap. Napangiti ako nang mapait, how will I ever get over you? How will I ever stop loving you? Pwede ka namang humingi ng pabor sa akin pero bakit 'yung pinakamahirap pa...mahirap na huwag kang mahalin Yshara...I have never think of not loving you.

"Here are your excuse letter for the National Math Quiz Bee. You're both excuse for 3 days. Monday is our departure from here, Tuesday will be the competition and Wednesday, is our departure from Baguio. Next month pa naman dapat 'to, but I have it prepared as early as I can." Tumango lamang ako at matipid na ngumiti sa coach namin. "These are new problem sets you both need to answer, for today we'll discuss the answers on the previous problem set." Siniko ako ni Shaila nang mapansing sa akin na pala nakatitig ang coach namin.

I stayed focus habang nag-e-explain ang coach namin kung paano mas makukuha ang ibang sagot na mas mabilis at simple, para hindi gaanong time consuming. "Diba may written kayo? Combined scores then average, tapos diretso oral yung top 10. Mas maganda kung parehong mataas ang makukuha niyo sa written, pagkatapos ay teamwork na oral." Pareho kaming sumang-ayon sa paalala niya. "Make sure to read the problem twice, may mga given na pampalito lang, don't let yourself get confuse. Focus sa main problem and what is really asked in the problem. Ano ba 'yung dapat i-solve? Ganoon dapat."

Sabay pa kaming napatungo sa table ni Shaila nang matapos kami sa huling problem. Natawa 'yung coach namin sa aming dalawa kaya pareho kaming nagkatinginan ni Shaila at natawa rin. I guess we're just both drained from today. We sit here for almost five hours, and solve for a lot of problems.

"So far, you two are improving more. You're both the best in my class. You both exceeded my expectations. You've both have the chance in being the champion." Napayakap pa si Shaila kay coach, sumenyas si coach sa akin na yumakap din sa kanilang dalawa. Marahang hinagod ni coach ang likuran ko gamit ang kanyang palad. "DeAndre, everything will be alright? Okay?" Ngumiti silang dalawa sa akin matapos ang yakapan.

Sabay na kaming naglakad ni Shaila patungong parking lot. "Ihahatid na kita sa may inyo, gabi na at delikado kung maglalakad ka mag-isa." Ani ko sa kanya. Umiling siya at ngumiti.

"Hindi na Dray, ihahatid daw ako ni Jordan ngayon." Napaawang ang aking bibig, walang ideya na hinahatid na pala siya ni Jordan tuwing uwian. "Ngayon lang naman, kasi mas ginabi tayo. Magkaiba kasi ang way ng bahay naming dalawa." Dagdag niya na parang nabasa nga ang nasa isip ko. Tumango na lamang ako at hindi na lamang umimik, nilagay ko ang mga kamay ko sa bulsa nitong pants.

Nasa labas ng kotse niya si Jordan, nakasandal doon at halata ngang naghihintay kay Shaila dahil lumapad ang ngiti nito nang makita si Shaila. Ngumisi ako sa kanya. "Ingat kayong dalawa bro, diretso uwi." Ngumiti ako nang makahulugan kay Jordan bago tuluyang sumakay sa McLaren ko. Agad ding naglaho ang ngiti ko nang mapatingin sa passenger's seat. Maybe she isn't just really meant for me.

I miss her so bad.

I tried to get back to the same life I have before I met her, the quiet one. "Ay oo nakakatawa nga 'yun!" Jordan and Shaila keep on talking about this funny meme which I can't relate with. Hinayaan ko na lamang magtawanan silang dalawa sa gilid ko habang naglalakad kami patungong cafeteria. They seem comfortable with each other already, I think I missed a lot whenever I'm not around, whatever it is, I hope it doesn't include heartaches in the future.

"Huh? Yshara?"

"Pinagtutulungan daw nung mga bully na Grade 11, tara manood tayo!" Halos mabuwal kaming tatlo nila Jordan sa biglaang pagdagsa ng ilang estudyante patungo sa may direksyon namin. Ang iba ay humingi ng tawad nang mapansing ako ang nabangga nila.

"Bro, Yshara raw?" Akala ko ay ako lang ang nakarinig noon, bumundol ang kaba sa dibdib ko. Walang pag-aalinlangang hinawi ko ang mga taong madaraanan ko. "Dray!"

"Excuse me!" Nang mapansin ng lahat na ako ang nanghahawi ay kusa na silang nagbigay ng daan sa akin. Habol-habol ang hininga ay nahinto ako sa tapat ilang hakbang ang layo kay Yshara. She's standing in the middle of the bullies as if nothing happened. Marumi ang kanyang uniform na halatang sinabuyan ng egg yolk, harina at pintura, may isa pang nambato ng kamatis sa kanya. Naikuyom ko ang kamao ko sa galit. "Who fucking dare hurting her?!" Akmang susuntukin ko na sana ang mga bully na iyon nang biglang mag-angat ng kamay si Yshara, she gave me a sign to stop at huwag nang makisali pa. Hinila rin ako ni Jordan palayo roon.

"Itong malandi na 'to? Kakampihan mo? Dray gago ka ba? O sobrang tanga mo lang talaga?" Hindi ko alam kung bakit tinatanggap pa sa paaralang ito ang lalaking nakailang balik na sa grade 11 dahil paulit-ulit na bumabagsak. Iba talaga ang nagagawa ng pera, pero hindi maganda na ginagamit ito sa maling paraan. Ngumisi siya sa akin, bukas ang ilang butones ng uniporme, isang tipikal na basagulero, nakipagmatigasan pang tingin sa akin na akala mo uubra sa akin, hanggang dibdib ko lang ito pero kung umasta akala mo ay mas matangkad sa akin.

Hindi na ako nakapagpigil at sinugod ito nang bitiwan ako ni Jordan. Marahas ko siyang tinulak sa pader, rinig na rinig ang malakas na pagtama ng likod niya rito.

"I pity you..." Kwinelyuhan ko ito, ramdam ko ang panginginig ng tuhod niya. Marahas na ini-angat upang maging magka-lebel ang mga mata namin."Did that make you strong? Nananakit kayo ng mga mahihina na alam niyong walang laban? How could you all fucking go so low for that? Mga basurang ugali!" Makailang ulit kong sinuntok ang mukha niya, hindi na ito nanlamban pa. Rinig ko pa ang tilian ng ibang babae, ang iba naman ay sumisigaw na sa takot. Kitang-kita ko na rin ang takot sa mga mata niya, tulad ng sa dalawa niyang kasama na tumakbo na palayo sa akin.

"Ito ang tatandaan niyong lahat! Wala kayong pakialam kung ano mang namamagitan sa amin ni Yshara ngayon. Wala kayong pakialam kung anong mayroon sa aming dalawa. Wala kayong karapatang saktan siya, gamit man ang masasakit na mga salita." Tila bulaklak sila ng makahiya na nagsitiklupan. "Wala kayong karapatang manlamang ng mga taong mas mahina sa inyo. Wala kayong karapatang manakit ng taong tingin niyo ay mas mababa sa inyo."

"At ito ang pakatandaan niyong lahat. Whether I'm here or not..." Mariin akong tumingin sa kanilang lahat. "No one should ever lay a finger on Yshara! I'm not allowing it!" Naramdaman ko ang dugong kumapit sa knuckles ko kaya naman pabagsak kong binitiwan ang lalaking ito na hindi muling makapag-angat ng tingin sa akin.

"Everyone who hurt Yshara, physically or emotionally, I want you all to apologize to her."

"DeAndre! Si Yshara!" Agad akong napatingin kay Yshara na bumagsak sa harapan ko nang bigla itong mawalan ng malay. Agad ko itong binuhat upang madala sa clinic namin.

Napapikit ako nang mariin na hindi man lang naging mahirap sa akin ang pagbuhat sa kanya. She lost so much weight.

The school doctor attended to her immediately until we let her comfortably lay on bed. Nagprisinta ako na ang magbabantay sa kanya hanggang sa muli siyang magkamalay.

"Baby, I'm sorry...I'm sorry I was late to save you. You don't deserve this." Marahan kong sinuklay ang buhok niya at tsaka tumitig sa maamong mukha niya, kasi baka ito na ang maging huli.

Umingit siya at dahan-dahang iminulat ang mga mata habang nakahiga. I guess she feels better now. Tinulungan ko siyang maka-upo at inalalayan sa pag-inom ng tubig kahit pilit niyang iniiwas ang mga braso niya sa akin.

"Umalis ka na...Nakiki-usap ako Dray. You don't need to save me. I don't need you." Tsaka siya humarap sa bintana, patalikod sa akin. I pressed my lips trying not to cry. Bahagya akong tumingala upang mapigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Huminga akong malalim at ilang beses na lumunok.

"Okay. Hindi na mauulit." Tumayo ako at umalis doon kahit labag na labag sa loob ko. I wanted to stay but she doesn't want me to. Anong magagawa ko kung mismong siya na ang umayaw kahit ano mang pagpupumilit ko.

"DeAndre you should have controlled yourself. I'm aware you love that girl but I'm sure you know that violence will not be resolve by another violence." Hindi ako makatingin sa coach namin ni Shaila. I was never a violent person, I can control my anger but not earlier. I was so mad.

"Sorry po." That's all I could say because I know I'm at fault too, kahit pa ang intensyon ko lamang ay maipagtanggol si Yshara still I acted violently when I could have think better. Ano ang kaibahan ko sa basagulerong iyon. "I'm sorry po talaga."

"Okay, next time make sure to think about the consequences of your action. I already talked to the discipline's officer and to the other students who saw what happened, hindi ka ipapatawag ngayon dahil hindi naman ikaw ang puno't dulo ng gulo." Tumango-tango ako, kagat ang ibabang labi.

"Si Yshara po?"

"Sinundo na siya ng parents niya." Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ito, wala na rin naman akong mukhang maihaharap sa mga magulang niya.

Ginabi na naman kami sa pagre-review. "Bukas ay pahinga muna sa review, may aasikasuhin ako, I won't be around the school tomorrow." Paalala sa amin ni coach, nagpaalam na kami bago tuluyang umalis.

"Susunduin ako ni tatay ngayon, nag-deliver kasi siya ng karne ng baboy sa isang suki niya malapit dito. Sa kabilang gate siya naghihintay sa akin," paalam ni Shaila sa akin. "Mauna na ako." Tumango ako at matipid na ngumiti sa kanya. "Ingat ka."

"Ikaw din."

Ilang ilaw na lamang ang bukas, mas ginabi pala kami ngayon kumpara noong nakaraan. Naantala dahil sa nangyari kaninang tanghali. Tumingin ako sa langit, starless night, sobrang dilim, mukhang uulan din.

Nakarinig ako ng kaluskos habang tinatahak ang daan patungong parking lot. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito dahil nag-aalaga ang paaralan ng mga pusa kaya baka pusa lang iyon. May aninong dumaan sa gilid, now I'm not sure if it's still a cat. I stopped walking, nawala ang mumunting kaluskos, baka guni-guni ko lang.

Nakarating ako sa parking lot na hindi na muling narinig pa ang kaluskos, guni-guni nga. Pinatunog ko ang kotse. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng driver's seat nang... "Fuck you!" Malakas ang sigaw sa may tainga ko kaya agad akong napalingon, sa paglingon ko ay isang panyo na may nakakahilong amoy ang sumalubong sa akin.

Fuck. Nagdilim ang paningin ko.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2K 206 26
For years, she lived behind walls built through all the bricks that they threw at her. She screamed the truth but it all echoed back to her. Still, s...
35.6K 1.5K 19
Ganoon na lamang ang galit ni Jill sa ex-boyfriend niyang si Jack dahil after their so-called "cool off," bigla na lamang niyang nalaman na may bago...
875K 22.2K 33
Formerly Alexander The Heartbreaker. (Finished) When the cocky, arrogant asshole - Alexander Luis Asenjo was about to be expelled for violating the u...
49.6K 1.3K 20
(Wild Love Series #2 ) A dreamer of creating an impact on the quality of human lives and a dreamer of showing her artistic talent to the whole world...