Everything Leads Me To You

By sinxcosxdydx_

28.9K 1.8K 543

Ready for departure, Katherine Bernardo Everything Book 1: My life in Manila after leaving my province. More

About This Book
Characters
Chapter 001: The Trial
Chapter 002: Desperate
Chapter 003: The Deal
Chapter 004: Nanny
Chapter 005: Family Secret
Chapter 006: Reiterates Job
Chapter 007: Strong Bond
Chapter 008: Find Time
Chapter 009: Worried
Chapter 010: Lies
Chapter 011: Background Check
Chapter 012: To Stay
Chapter 013: Likes and Dislikes
Chapter 014: House Rules
Chapter 015: Smile
Chapter 016: Questions
Chapter 017: Resolve
Chapter 018: Studies
Chapter 019: Don't Disappoint
Chapter 020: Park
Chapter 021: Summer in the Park
Chapter 022: Toy Airplanes
Chapter 023: Didn't Make It
Chapter 024: Ready For School
Chapter 025: Back to School
Chapter 026: Adjust
Chapter 027: Learning Mandarin
Chapter 028: Bad Weather
Chapter 029: Tries to Bond
Chapter 030: Robbed
Chapter 031: Move Out
Chapter 032: The Good Times
Chapter 033: Fondness
Chapter 034: Thinking Twice
Chapter 035: Trouble
Chapter 036: Can't Stop
Chapter 037: Avoid
Chapter 038: Time to Tell?
Chapter 039: New Home
Ford's Mansion
Chapter 040: Stressed
Chapter 041: Sick
Chapter 042: Try to Tell
Chapter 043: Gained Trust
Chapter 044: High Scores
Chapter 045: Sleep Talking
Chapter 046: Patiently
Chapter 047: Special?
Chapter 048: Manila, Manila
Chapter 049: Rejections
Chapter 050: Golden Voice
Chapter 051: Ruined Project
Chapter 052: Very Good
Chapter 053: Visitor?
Chapter 054: Zoo-per Happy
Chapter 055: Charlie
Chapter 056: Meet Charlie
Chapter 057: Charlie in Ford's Life
Chapter 058: Someone's Jealous
Chapter 059: Flowers for?
Chapter 060: Preparations
Chapter 061: Iñigo Knew
Chapter 062: Somebody's Jealous
Chapter 063: Chemistry
Chapter 064: He Loves Me or Not?
Chapter 065: Can't wait?
Chapter 066: Answer
Chapter 067: Family-oke
Chapter 068: Love Bug
Chapter 069: Very Concerned
Chapter 070: Match is Now Open!
Chapter 071: Facebook Friends
Chapter 072: Intruding or Helping?
Chapter 073: Getting Worst
Chapter 074: Missing Kathy
Chapter 075: Let Go
Chapter 076: Time Management
Chapter 077: Surprise
Chapter 078: Celebration
Chapter 079: Meeting the Parents
Chapter 080: Not a Sleep Talking
Chapter 081: Mock Interview ala Sir Deej
Chapter 082: Good News
Chapter 083: Special
Chapter 084: Best Deal
Chapter 085: Dr. Quack Quack
Chapter 086: Appreciation
Chapter 088: Homesick
Chapter 089: Home
Chapter 090: Miss
Chapter 091: Manila Opportunity
Chapter 092: Gesture of Concern
Chapter 093: Baguio Escapade
Chapter 094: Ikaw
Chapter 095: Work
Chapter 096: Long Distance
Chapter 097: Business Trip
Chapter 098: Choice
Chapter 099: Recommendation Letter
Chapter 100: Date
Chapter 101: Remark
Chapter 102: Okay?
Chapter 103: All is Set
Chapter 104: Inspiration
Chapter 105: Gratitude
Chapter 106: Manage
Chapter 107: Credit-Grabbing
Chapter 108: Sweet
Chapter 109: Emergency
Chapter 110: Effort
Chapter 111: Slight Misunderstanding
Chapter 112: Dedicate
Chapter 113: Ako Yun
Chapter 114: Chance
Chapter 115: Sana All
Chapter 116: Grateful
Chapter 117: Meet Finn
Chapter 118: Buying Gifts
Chapter 119: Aloofness
Chapter 120: Interesado
Chapter 121: Ay Kabayo!
Chapter 122: Crush
Chapter 123: Dense
Chapter 124: Déjà Vu
Chapter 125: Perturbed
Chapter 126: The Captain
Chapter 127: The CEO
Chapter 128: Naive
Chapter 129: Downhearted
Chapter 130: Go Home
Chapter 131: Resist
Chapter 132: Merry Christmas
Chapter 133: Mood Swing
Chapter 134: Behavior
Chapter 135: Waiting
Chapter 136: Trip to Ilocos
Chapter 137: When in Ilocos
Chapter 138: A Day in Ilocos
Chapter 139: Para kay Summer
Chapter 140: Don't Leave
Chapter 141: Mistake
Chapter 142: Harana
Chapter 143: Doubt
Chapter 144: Come Back
Chapter 145: Royal Questions
Chapter 146: It's Okay, Summer
Chapter 147: The Search Opens
Chapter 148: Criterion
Chapter 149: National Hug Day
Chapter 150: Charlotte Margaret
Chapter 151: You're Beautiful
Chapter 152: Degraded
Chapter 153: The Backup
Chapter 154: Doubting the Judgment
Chapter 155: First Dance
Chapter 156: Rent and Space
Chapter 157: My Valentine
Chapter 158: Date?
Chapter 159: Love is in the Air
Chapter 160: New Applicant
Chapter 161: Sepanx
Chapter 162: About Remo
Chapter 163: Let Her Go
Chapter 164: Last Day
Chapter 165: Despedida
Bittersweet Goodbye
Author's Note: Book Two

Chapter 087: Perks

146 10 2
By sinxcosxdydx_

PAGKAUWING-PAGKAUWI sa bahay ay diretsong principal's office kaagad ako.

"Sorry na po Sir Deej, huwag na po kayong magalit. Nagpaalam naman po ako sa professor ko at pumayag naman po sila at naiintindihan naman po nila Sir Deej. Sa katunayan nga po, binigyan na lang po nila ako ng mga assignments para gawin ko po." Mahabang paliwanag ko kay Sir Deej bago ako masermunan.

"Look. I appreciate everything you're doing for Summer especially for me, Katherine. Pero, hindi naman pwede ma pabayaan mo yung pag-aaral mo. Paano kapag may na-missed ka? Diba? Sinabi ko sa'yo kagabi na darating ako. Sa ginawa mo, parang wala kang tiwala sa akin!"

"Ay naku, Sir Deej. Hindi po. May tiwala po ako sa inyo, Sir Deej ah." Depensa ko kaagad. "Sorry po, hindi na po talaga mauulit."

Napabuntong-hininga na lang si Sir Deej. "Okay."

"Ah... Sir Deej, kape po?" Alok ko.

"Later na lang after lunch."

"Nagkape po kayo sa meeting?"

"Hindi ba? Sinabi ko sa'yo kanina sa kotse na hindi natuloy."

"Ay, parang hindi po." Napaisip kong sagot. "Ang sinabi niyo po sa akin kanina ay it's a waste of time."

"Kaya ngaaa. Hindi natuloy kaya it's a waste of time."

"Bakit po, Sir Deej? Bakit hindi natuloy?"

"Yung supposedly ka-meeting ko is unprofessional."

"Ha? Bakit po?? Ano pong ginawa niya???"

"Pinaghintay ba naman niya kami ng ilang oras pagkatapos ay hindi pala siya darating. Tapos ang dumating yung representative lang niya."

"Aba, loko yun ah! Hindi po ba ay bagong CEO lang oo yun?"

"That's the whole point. Kapag siya ay hindi umayos, sisirain lang niya ang lahat ng pinaghirapan ng previous CEO. Masisira ang kumpanya nila. I hope for the sake of the company ay aayusin niya ang work ethics niya. Otherwise, babagsak ang Time Airways."

Naku, kaya pala bad mood kanina. Kaya pala ang sungit kanina.



***



NAHILO NA KO kahahanap kay Kuya. I can't find him and good thing, I saw Knight Hunter sa hallway and he said baka nasa library.

"Excuse me, Miss? Did you see my brother, Storm Ford?" I ask the assistant librarian in charge after I logged in.

"Ah yes, naka logged in siya rito."

"Alright, thanks."

Hinanap ko si Kuya and I found him studying sa pinaka dulong row ng hilera ng mga tables.

"OH MY G! Kuya, nandito ka lang pala!" Medyo napalakas yung pagkasabi ko kaya sinita ako ni Kuya.

"Ssshhh!" Sita rin nung librarian.

"Oops sorry... Huy Kuya kanina pa kita hinahanap." Mahinang sabi ko kay Kuya as I sat beside him.

"Eh, bakit kasi hindi mo ako tinext?"

"Eh, kasi sira na yung phone ko. Ang dali ng ma-drain nung battery."

"Oh, edi palitan mo." Parang walang kahirap-hirap na bagay na sabi ni Kuya.

"Yeah. I'm gonna ask Dad to buy me a new iPhone na lang." My simplest solution.

"Yung battery. Yung battery yung papalitan. Hindi yung cellphone."

"Hays, okay lang yan. Dad will surely buy me a new iPhone. Award niya na yun. Si Katherine nga ay bibilhan niya ng bagong cellphone diba?"

"Snow, that's not the point. Hindi porque kaya ni Dad ay magpapaka luho na tayo no at saka wala pa ngang isang taon nung binili iyang iPhone mo, nasira mo na agad. Ingatan mo kasi."

"Okay-okay-okay. Point well taken. Basta yung reason ng pagpunta ko rito sa'yo is because I have to tell you na may meeting ako with my Northwest Theatro group so baka hindi ako makasabay sa'yo."

"Okay." Sabi lang ni Kuya and then nagsulat na ulit siya ng mga lesson notes niya.

"Good."

"Ay oo nga pala, Noe. May review ako ulit mamaya." Sabi ni Kuya and then he stopped writing and face me again. "So baka mauna ka na tapos pabalikin mo na lang si Kuya Marco."

"OMG! Makikita mo na naman si Ate Rigel!"

"Ssshhh! Quiet!" The librarian said once again.

"Sorry Miss... Hay naku! Buti Kuya at lumalaban ka na." I said in a low voice.

"Eh, magpapatalo ba ako sa mokong na yun? Ha! Utut."

"Oh sige na. I'll go na. Time na eh."

"Ah sige, sabay na tayo. Babalikan ko lang sa room mga tropa kong dadalo rin ng review tapos sunduin na namin din si Rigel."

"Okay."

My ship is finally sailing. Yehey!!!




***



SABAY-SABAY KAMI nina Light Grey, Knight Hunter nung pinuntahan namin si Rigel sa room nila. She was waiting for us pala. Yun oh!

Dumaan kami sa entrance door nung room kung saan ang review class. Sa exit door dumaan sina Remo nung na halos kasabay rin namin.

"Oh Rigel, akala ko ba ay sabay tayong pupunta?"

"Ha? You didn't even ask me and besides, akala ko ay hindi ka naman interesado sa review classes." Rigel said and then humanap na ng chairs si Rigel na available for the four of us.

Umupo sa right side si Light Grey, then ako tapos si Rigel. Four chairs kasi in a row. Umikot si Hunter sa kabilang dulo nung row para run sana umupo sa kabilang side ni Rigel pero inunahan siya ni Remo.

"Excuse me, pare. Pero may nakaupo na riyan." I told Remo.

"Ha sino?"

"Ako bakit. May angal ka liit?" Angas ni Hunter kay Remo. Haha.

Siraulo talaga! May kaliitan kasi ang height ni Remo compared sa height namin. Haha!

Walang nagawa si Remo kundi maupo na lang sa likuran namin.

Angas lang naman ang meron siya tapos akala mo kung sino na.

"Good afternoon class!"

"Good afternoon Ma'am!" We all greeted in unison.

"So for today, we'll be discussing English and Literature. The Golden Apple."

"Ang boring naman nun. Nakakaantok lang!" Walang hiya-hiyang sabi ni Remo at talagang pinarinig pa sa teacher.

"Quiet! Kung ayaw ng mga nasa likuran ang subject na ito, the door is widely open. You are free to go out."

Nanahimik na lang sina Remo at ang mga tropa niya.

"Alright, who can tell me insights about the Golden Apple. Anyone?"

"Ma'am!" I raise my hand.

"Yes, Mr. Ford?"

I stand up and answer the question. "Ma'am it was about Paris and the woman he loves - Helen and the quarrel of the three goddesses."

"Very good! Keep it up. You may take your seat."

"Thank you, Ma'am."

"Now class, you may turn your book on page forty-five."

"Sus! Ang dali-daling lang naman nung tanong." Bulong ni Remo na siyang hindi pinalagpas ni Rigel na hindi napapansin nung teacher.

"Remo, kung sana pala ay alam mo, sana ikaw ang sumagot. If you will just bash him, please remain quiet. Sorry but we're interested to learn unlike you."

Ooh! Panis! Wala pala siya. Barado!




***




ITO NA NGA, tumutulong kami ni Lexi kay Nanay dahil sa mga pinakikisuyo kong ipaluto para kay Katherine.

"Minda, ito na yung sitaw. Oh, ano pa ang ipaabot mo?"

"Sige lang, Nay. Mamaya na yung iba."

"Huy ano yun? Ang bango ah!" Habang naghihiwa kami rito ng mga sahog na gulat ng kare-kare ay dumating si Iñigo.

"Huy Iñigo, buti napadaan ka? Ay oo nga pala! Dito ka na maghapunan tutal ay sinobrahan ko yung niluto para sa mga kaibigan ni Kristine Chrysler." Sabi ni Nanay habang hinahalo-halo ang kare-kare.

"Ay sige po. Matikman ko man lang bago maipadala." Sagot ni Iñigo na siyang ikinalaki ng mata ko bigla.

"Maipadala???"

"Ay, opo Nay." Sagot ko na agad. "Ano po kasi, ito po ay para po kasi sa mga kaibigan kong nasa Maynila - yung mga nakasama ko sa barko. Ipadadala ko po kasi sa kanila." Paliwanag ko na. Mema na nga lang eh.

"Ahhh, okay." Sagot ni Nanay. Mukhang naniwala naman sila.

"Ehh, naibida ko kasi." Palusot ko pa.

"Alam mo, Iñigo? Bilib ako sa'yo, talaga! Napaka-matulungin mo. Halika, tulungan mo ako ritong maghiwa." Sabi ni Lola kay Iñigo.

"Ay sige po. Skilled yata ako riyan." Bida ni Iñigo.


---


Inabot na kami ng gabi dahil tinapos namin ang pagluluto ng lahat ng paborito ni Katherine.

Pinalamig lang namin sandali bago nilagay sa tupperware at minake sure na hindi ito matatapon sa byahe.

"Oh Tine, ang dami naman niyan ah." React ni Iñigo nung makita ang laman nung paper bag.

"Hehehe. Eh syempre, diba marami nga sila run?" May halong pagpa paalala ko kay Iñigo. Namumuntikan na akong mabuking sa ginagawa niya eh.

"Ahh, okay."

"At saka ito pa pala, yung mga suman na maraming-maraming latik." Pakita ko kay Iñigo sa naka separate na tupperware ng suman.

"Oh Iñigo, gumawa rin ako nung bagoong. Huwag mong kalilimutan ah?" Paalala ni Nanay kay Inigo.

"Oh sige po Nay Minda. Wala pong problema run." Sagot ni Iñigo.

Hinila ko si Iñigo sa may kalayuan para hindi marinig ni Nanay ang pag-uusapan namin ni Iñigo.

"Iñigo, maraming salamat ah?" Mahinang pasalamat ko sa kaniya.

"Wala yun, basta para sa iyo at kay Katherine."

"Yun naman ang gusto ko sayo eh. Maaasahan ka talaga!"

"Oh nak, Iñigo. Okay na itong mga dadalhin. Paki-ingatan na lang ha?" Lumapit si Nanay sa amin bitbit ang dalawang paper bag.

Kinuha na ni Iñigo yung paper bag at ito na ang nagbuhat.

"Sige po Nay. Ilalagay ko na po ito sa sasakyan at ako'y aalis na."

"Okay, ingat ka pre!"

"Sige, ingat ka Iñigo. Salamat 'nak." Ani ni Nanay bago namaalam si Iñigo.

Perks!

"Hay naku oo. Tignan mo nga naman itong si Iñigo oh, ang tiyagang bata niya kahit wala naman si Katherine sa atin eh. Tuloy pa rin sa pangliligaw sa atin."

Wow! Talagang bet na bet na rin ni Nanay si Iñigo ha? Kung alam lang niyang may Sir Deej na si Katherine haha!



***



PINAKITA NI Summer sa amin ng Daddy niya thank you yung card na ginawa niya. Kaya pala kanina nung puntahan ko siya ay naka-lock yung door niya, yun pala yun.

"Thank you, Baby!" Sabi namin pareho ni Sir Deej sa card na bigay ni Summer.

"Oh sige baby, matulog ka na. Anong oras na oh." Sabi ko ngayon kay Summer.

Umiling lang si Summer bilang tugon sa sinabi ko.

"Ha??? Ayaw mo pang matulog?"

Tumango si Summer.

"Ahm, gusto mo ba na kwentuhan muna kita?"

Tumango ulit si Summer sa akin.

"Sige, ang iku-kwento ko sa'yo ay-"

"Yung Mahal na Hari, Yaya." Sagot ni Summer kaya napakamot ako bigla sa ulo ko.

Shet, nandito pa man din si Sir Deej. Hindi niya pwedeng marinig yun.

"Yung Mahal na Hari, baby? Naku! Kasi alam mo? Luma na yung kwento na yun eh. Ano eh, ahm... Oh, mas may bago akong kwento! Ano, ahh ang kwento ni Giripit at Giripat!"

"Sige, Yaya. I-kwento mo po please?"

"Oh, sige. Ganito kasi yun. Isang araw, naglalakad sa gilid ng bangin si Giripit at Giripat. Ngayon, nahulog si Giripat. Sino yung natira?"

"Uhm, si Giripit po Yaya." Sagot ni Summer at nakita kong napangisi na lang si Sir Deej sa akin.

Story niya???

"Okay sige. Isa pa. Isang araw, naglalakad sa gilid ng bangin si Giripit at Giripat. Ngayon, nahulog si Giripat. Sino yung natira?"

"Edi si Giripit."

"Okay, baby. Isa pa dahil malakas ka sa akin! Isang araw, naglalakad sa gilid ng bangin si Giripit at Giripat. Ngayon, nahulog si Giripat. Sino yung natira?"

"Si Giripit!" Sagot ni Summer.

Bigla namang humalakhak sa tawa si Sir Deej. Yung tawa niya yung akala mo ay wala ng bukas. Wagas!

"HAHAHAHAHAHA! Bata pa ako, joke na yan. HAHAHAHA!"

Kaya pati si Summer ay natawa na rin. Kaasar si Sir Deej. Joke ko kasi ito.






***





I AM CURRENTLY stalking Rigel's wall sa Facebook tapos ito namang si Snow, hindi man lang kumatok nung pumasok sa kwarto ko.

"Like really? OH MY G!" Sabi ni Snow habang may kausap sa cellphone niya buti na lang na-minimize ko yung browser.

"Snow!" Bawal ko sa kaniya but she stopped me.

"Like really? You're such a-"

"Snow ikaw itong pu-" She stopped me again.

"You're such a darling, Sandy. Bye-bye!"

Inismiran ko na nga lang si Snow. Ang daming arte!

"OMG Kuya! I can't believe na nagpapasikat ka pa rin kay Ate Rigel. I mean, oo magaling ka nga sa Math pero that's super hard. She's super looking up to you na like super swear! Do you know that Helen of Troy, really? Oh My God! Super nakakikilig yun Kuya! It's a classic!" at tumili pa siya nang tumili.

Napakamot na lang ako sa kilay ko kahit hindi naman nangangati.

"It's a classic!" I said mimicking Snow's voice. "And you're so kaartehan? Itigil mo na. Hindi naman cute."

"Kuya, ano ka ba."

"Look, Snow. Unang-una, namimihasa ka ng pumasok sa kwarto ko ng hindi kumakatok. That's a bad manner. Pangalawa, bawasan mo iyang pagiging fan mo sa amin ni Rigel dahil wala namang-"

Nagring bigla yung cellphone ko at si Rigel ang tumatawag.

"Oh My G Kuya! Si Ate Rigel, tumatawag." Tili ni Snow. Kinuha ko yung cellphone ko para sagutin yung tawag at saka pumunta sa banyo. Ayokong marinig ni Snow kung ano man yung itinawag ni Rigel.

"Oh My G! Yan pala yung walang love life ah. Hahahah!"


Iniwan ko na si Snow at sinara ang pinto ng banyo. Laging extra eh. Ang daming alam. Hays!🙆🏻

"Hello, Rigel???" Kaso naman itong si Snow asar. Since white tinted glass yung door ko, she pressed her ear to my glass door and try her best to eavesdrop."

"Ay Rigel, wait lang ah. Saglit lang." I opened my door at saka ko binugaw si Snow. "Snow, out." I said.

"Ayyy. Fine! Fine! I'll go out na." She surrendered and leave my room immediately.

"Hello, Rigel? Ano nga ulit yun?"

"As I was saying, nagawa mo na yung assignment sa Physics?"

"Oo. Nagawa ko na."

"Can you look at the problems sa Physics book. Yung page 381. Ang complex kasi. Hindi ko masagutan."

"Okay sige. Kita na lang tayo bukas. Tapos na nun sagutan by then."

"Alright. Thank you, Storm!"

May maitutulong din pala ang pagiging mahusay ko sa Physics. Si crush na yung kusang lumalapit.

Perks!





***




NAKATULOG NA AKO sa tabi ni Summer. Mabuti na lang at naalimpungatan ako. Biruin mo, si Summer lang dapat ang patutulugin ko pero maging ako ay nakatulog din.

Bago bumangon ay hinalikan ko muna si Summer sa noo niya at saka na ako bumangon para bumalik na sa kwarto namin ni Manang.

Pagtayo ko ay siya namang pagpasok ni Sir Deej. "Oh, Katherine. Akala ko nakababa ka na."

"Sir Deej, sorry po. Medyo natagalan po kasi bago nakatulog si Summer."

Tumango-tango si Sir Deej sa akin. "Next year, we can enroll her sa regular school." Sabi ni Sir Deej at saka naupo sa tabi ni Summer.

Sinuklay-suklay niya ang buhok nung bata. "I can't just imagine sa unang araw niya sa school."

"Siguradong mag-e-enjoy siya!" Napailing na lang ako nung magsabay pa kami ni Sir Deej. Oops!

"Saan kaya siya magaling? Sa Math, History, or English?... Sa tingin ko magiging magaling si Summer sa History because Summer remembers everything."

Namangha ako sa observation ni Sir Deej. "Eh, hindi po ba na ganun naman po ang lahat ng mga bata?"

"Summer is different. Maybe, she'll be a lawyer."

"Ah talaga? Lawyer po???" Tanong ko. Naisip niya pala yun.

"Oo. Why not? Hindi nga tayo manalo sa kaniya nung hindi pa siya nagsasalita, ngayon pa kaya na nagsasalita na siya. Haha!"

"Hahaha! Kayo naman po talaga Sir Deej, oh. Hindi pa nga po siya tapos sa playschool ay law school na po kaagad yung iniisip niyo. Mas excited pa po kayo sa bata... Pero parang wala naman po sa isip niya yung mag lawyer eh."

"It's okay. I'll be the one to do the worrying and planning for her. All she has to do is to sleep and smile for her Daddy."

Naalala ko tuloy si Tatay. Ganiyan-ganiyang din siya nung bata ako.

"Alam niyo po Sir Deej? Parang kayo po yung tatay ko. Kasi po, grade one pa lang po ako ay plinano na niya po yung pagiging valedictorian ko eh."

"I'm sure wherever he is, he's so proud of you."

"Talaga po?"

Tumango si Sir Deej. "Except, huwag mo lang ipaalala sa kaniya yung unang pagkikita natin."

Napaisip ako. Ano ba yung unang pagkikita namin?

"Ano pong unang pagkikita natin Sir Deej?" Tanong ko kasi, ano bang meron dun?

"Nung nagpretend ka na pipi ka."

Natawa na nahiya ako bigla. "Hehehe. Sir Deej, naalala niyo pa po yun?" Kako.

"Yes and that's not a proud moment."

Hindi naman ako proud. Nakakahiya nga eh. "Naku Sir Deej, pero aminin niyo po na run po tayo nagsimula." Oops! "Ay Sir Deej, ang ibig ko pong sabihin ay kung hindi po dahil sa pangyayari na yun ay wala po ako rito."

"I know."

Hays. Naiiba talaga yung landas ng bibig ko kapag kasama ko si Sir Deej.

Nauna na kong lumabas sa kwarto ni Summer pagkatapos ko na silang iwanang mag-ama. Bumalik na ako sa kwarto ko para makapag-freshen up.

Bago ako matulog ay may naalala akong isulat at gawain ko kaya nagsearch ako sa net saka isinulat sa yellow paper.

"Ano iyang isinusulat mo Katherine?" Ani ni Manan sa ginagawa ko.

"Ay Manang, nagre-research po ako sa internet ng interpersonal communication, international language at saka po sa Philo."

"Ahhh. Iyan ba yung parusa mo dahil hindi ka pumasok?"

"Ihhh Manang Perla po talaga. Hindi po ito parusa. Hindi po ba ay nagpaalam naman po ako sa professor ko? Kayo po talaga."

"Hahaha! Hindi, nagbibiro lang ako."

"Eh, hindi ba ay pinahiram ka ni Danilo nung laptop niya?"

"Ehh, opo Manang Perla. Pero po, pwede rin naman po sa cellphone. Para po makalikot na rin po."

"Oh, sige. Dalian mo na riyan at saka matulog na. Matulog na tayo." Sabi ni Manang at nahiga na siya.

"Opo Manang."

Habang gumagawa ako ng assignment, naalala ko na naman yung tawa ni Sir Deej kanina sa joke ko.

Parang na LSS (Last Song Syndrome) ako dahil first-time kong marinig yung ganung tawa niya. Yung tawa talaga ah.

Hay! Ano ka ba naman, Katherine. Bakit iniisip mo pa yun???

"Focus ka lang Katherine. Focus!"




***





AFTER MY VISIT to Summer's room, bumalik na ulit ako sa office to send the file kay Lauren. I wasn't able to send it kanina kasi na-drain yung laptop and I had to charge it first kaya iniwan ko na muna. I don't have a spare copy nung file kaya hindi ko na ginamit ang Mac PC.

Nasa staircase pa lang ako, I already saw Storm waiting for me there. He's seated at the visitor's chair in front of my desk.

"Oh Storm, what are you doing here?" I ask him.

"Ah Dad, may i-ko-consult lang po sana ako." And then I notice the book he's holding.


"Physics?"

"Yes, Dad."

"You're already good at Math. Physics is just applied to Math."

"Eh, medyo advanced Physics na po kasi yung ni-re-review namin sa review class."

"Uhm, I need to know more about College Physics. There's this problem na hindi ko po makuha."

"Ano bang problem iyan?"

1. A positively charged particle moves at a velocity v perpendicular to a magnetic field B. If the magnitude of the velocity v is doubled, then the magnitude of the force F acting on the moving charge is?

"Okay. Sa number one, Storm. You just analyze the problem. The magnitude of the force exerted on the particle is given by:"

F = q v B sin(θ)
= q v B sin(90 °) = q V B
Let v = 2 V (double)

"The new force new F2 is given by
F2 = q (2 V) B = 2 (q v B) = 2 F; So,
F has doubled."

"Ah, okay po Dad. Magde-derive lang po pala ako. Hindi ko po kasi makuha kanina yung derivation."

"Problems one to five pare-pareho lang ng type of problems. Just understand and analyze the problem."

"Dad, can I ask? What would be the direction of the force acting on a negatively charged particle moving from East to West in a magnetic field directed downward?"

"In using the right-hand rule: index finger in the direction of motion of the particle (East to West), the middle finger in the direction of the magnetic field (downward) which gives a direction for the thumb out of the page but because the particle has a negative charge, the force will be directed into the page."

"Wow, Dad! How come you still know the answers? Ang sharp ng mind niyo!"

"Storm, if you fully understand the cycle of Math and Science then you won't forget how it works. Well, of course, pagdating ng araw, makalilimutan mo rin sila but as long as you remember the concepts, hindi ka mahihirapan."

"I'll take that on my mind."

"So here, you try. If a force F is exerted on a charged particle when the particle enters a magnetic field B at a velocity the vectors are in?" I tested him.

"Parallel, Dad."

"Why parallel?"

"Kasi Dad, the force F exerted on a moving charged particle in a magnetic field is given by
F = q v × B (cross product of vectors). Eh diba po, according to the properties of the cross product, F is perpendicular to both v and B.
v and B may or may not be perpendicular but if they are parallel, the force is equal to zero; there is no force then. Kaya po parallel."

Now, I think I know who will be the next man behind the Aviation. It's in the blood I guess.





***




NAG-AALMUSAL NA kami nung dumating sina Sir Storm at Ma'am Snow rito na parang nagtatalo.

"Argh! Snow, stop!" Sabi ni Sir Storm.

"Hi, Daddy! Good morning!" Baling ni Ma'am Snow sa Daddy niya.

"Good morning, Dad!" Bati ni Sir Storm.

"Good morning and what you two arguing about?" Tanong ni Sir Deej nung maupo ang dalawa.

In all fairness, hindi siya masungit!

"Ito kasing si Snow, Dad eh. Umagang-umaga nang-aasar, Dad."

"Huh? Hindi kaya ako nang-aasar Kuya. Daddy, ayaw kasing i-share ni Kuya kung ano yung pinag-usapan nila ni Ate Rigel last night."

"Snow, ang kulit mo. Tungkol nga kasi yun sa entrance exams." Pilit ni Sir Storm.

"Entrance exams daw. Dad! Nagpatulong si Ate Rigel kagabi kay Kuya sa Physics." Mahinang bulong ni Ma'am Snow, pero dinig pa rin namin eh at paniguradong maging si Sir Storm dahil katabi lang niya.

"Physics, huh?" Sabi ni Sir Deej kaya napakamot sa ulo si Sir Storm.

Ginabi kasi sila sa tutorial kagabi. Patulog na nga ako nung mag-text si Sir Deej ng kape. Nag-review kasi sila ni Sir Deej sa Physics kagabi.

Kaya naman pala! Para kay Rigel.

"Snow, sana nilakasan mo na lang yung bulong. Nakahihiya naman sa akin na Kuya mo." Sarcastic na sabi ni Sir Storm.

"Complement her." Biglang sabi ni Sir Deej out of nowhere.

"Complement her???" Takang tanong ni Sir Storm. "Uhm, how?" Tanong ulit ni Sir Storm nung magets ang statement ng Daddy niya.

"OH MY G Kuya! Why do you think I'm here? I'm like the expert at completing and making the girls kilig. You should like make pansin her clothes, her shoes, her hair, her smile and especially her smell. Diba Dad?"

Hala! Oo nga no? Dapat ganun din ako.

"That would work." Komento ni Sir Deej.

Aba! Thanks sa idea ni Ma'am Snow. Now I know. Hihi!



---




Bago kami umalis, bumalik ako sa kwarto ko para mag-spray pa ulit ng pabango ko ng very very light. According sa aking source na si Ma'am Snow.

"Baby, sorry ha? Kinuha ko pa kasi yung book ko. Magre-review sana ako habang naghihintay sa'yo." Sabi kay Summer pagkarating ko sa garahe.

Nandun pa sina Sir Storm at Ma'am Snow, hinihintay pa si Kuya Marco na maghahatid sa kanila sa school.

Bigla namang bumahing si Summer ng pagkalakas-lakas. Tapos naman si Sir Storm ay suminghot-singhot.

"Ano yung amoy na yun?" Ani niya at saka hinanap yung amoy.

Maging si Sir Deej ay ganun din ang ginawa.

Hala? Ako ba yung naamoy nila? Mabango naman ah. Napasobra ba? Parang hindi naman.

"Marco, pinalitan mo ba yung car freshener ng mga sasakyan?" Tanong ni Sir Deej pagkarating ni Kuya Marco.

"Ay hindi po, Sir." Sagot ni Kuya Marco.

"Ang tapang nung amoy. Anyway, Dad aalis na po kami." Sabi ni Sir Storm habang pinipisil ang ilong niya.

Hala? Ganun ba talaga katapang?

"Alright, ingat kayo."

Nagkaniya-kaniyang sakay na kami sa kotse. Sana hindi mapansin ni Sir Deej hays. Epic fail!

"Halika na, baby." Sabi ko kay Summer pero bago siya sumakay sa backseat, bumahing pa siya ulit.

Mukhang, na scam ako sa suggestion ni Ma'am Snow haha.



***



NAGHIHINTAY AKO ngayon sa labas ng subdivision nila Katherine. Kanina pa nga ako rito kaya itong si Tine ay kinukulit ako sa call.

"Hello, Iñigo? Ano nandiyan na ba siya?" Pangungulit na naman ni Tine. Pangatlong tawag na niya yan.

"Wala pa nga si Katherine eh. Mukhang napaaga nga yata ko eh."

"Eh, diba? Kapagka ganiyang oras ay dumarating na siya pagkasundo niya kay Summer."

"Ehh, baka may dinaanan?"

"Ahh, pero sige-sige. Pasok ka na pre. Sabihin mo na lang ay Ford residence."

"Oo nga. Eh wala namang problema riyan. Ang kaso ay mamaya pagkarating ko run ay wala namang magpapasok sa akin run sa loob ng bahay."

"Ah, yun lang pala. Edi walang problema. Ako na ang bahala run."

"Ikaw ang bahala, pero ako ang kawawa."

"Uhm, Iñigo. Alam mo, pogi ka naman eh pero kapag bumabanat ka ng mga jokes mong ganiyan medyo nakasisira eh."

"Ay grabe ka naman."

"Oh huwag ka ng matakot. Ako nga yung bahala eh."

"Hays, oh sige-sige." Sagot ko. Binaba ko na ang tawag at saka pinaandar na ang sasakyang dala ko.

Malamang ay tumawag na siya sa isa sa mga tao run. Bahala na.




***



PAGKABABA NAMIN NG kotse ni Summer ay papasok na dapat kami sa loob ng bahay nung may maalala ako. Kaya tinanong ko si Kuya Marco.

Siya kasi ang sumundo sa amin ni Summer.

"Kuya Marco, may itatanong ako. Naaamoy pa ba yung cologne ko?" Curious kong tanong.

Natawa naman si Kuya Marco sa tanong ko. "Hahaha! Cologne mo ba yun? Akala ni Sir Deej mo kanina ay bago yung car freshener eh. Hahaha!"

"Kuya Marco naman talaga oh!" Kako at saka singhot-singhot ang sarili ko.

"Katherine! Katherine! Katherine!" Tawag sa akin ni Arisse at Trina. Paran may nasagap na namang balita ah.

"Oh bakit????" Tanong ko.

"Naku ito na Katherine, may bisita ka!" Sabi ni Arisse na parang kinikilig pa.

"Oo nga. Nandun siya sa loob." Sahi namin ni Trina.

"Kaya naman pala nag-uumapaw sa pabango. May dalaw!" Asar ni Kuya Marco sa akin.

"Ha? Hindi Kuya Marco. Ako? May bisita?? Sino yun??? Huy naku kayo talaga! At saka bakit niyo pinapasok? Mamaya magalit si Sir Deej!"

"Katherine, paanong hindi namin papapasukin eh ang gwapo niya!!!" Tili ni Arisse habang kinikilig-kilig pa.

"Gwapo???"

"Ako ang nagpapasok." Sabi ni Manang at dumating mula sa likuran nila si Manang.

"Arisse, Trina, balik sa trabaho oo. Katherine, ako na ang bahala kay Summer. Pumunta ka na sa veranda sige na."

Tumango-tango ako kay Manang at nagpaalam muna kay Summer. "Oh baby, wait lang ah?"

"Okay lang yan, Katherine. Mabango ka naman na eh." Asar pa ni Kuya Marco. Kainis haha!

Pumunta ako sa veranda at ganun na lang ang gulat ko nung si Iñigo pala ang tinutukoy kong bisita.

"Oh Iñigo! Ano ito? Ikaw talaga, ikaw pala yung sopresang bisita eh." Sabi ko sa kaniya.

"Eh, ayaw mo ba akong makita? Di bale, may pasalubong naman ako sa'yo. Siguradong matutuwa ka rito."

"Ikaw naman Iñigo, tampururut ka kaagad! Kasi naman itong sina Arisse kung maka-describe gwapo raw!"

"Ayy bakit, hindi ba?"

"Uyy, ang yabang mo ah! Pero Iñigo, sa susunod, magtetext ka muna kasi alam mo naman diba?"

"Eh, pinapasok kasi ako ni Manang Perla eh."

"Kinonchaba mo pa si Manang Perla!"

"Ehh kasi may sorpresa kami sa'yo." Ani ni Iñigo at may inilabas mula sa paper bag.

"Anong sorpresa iyan?" Takang tanong ko sa bitbit niya.

"All the way from Poblacion iyan!"


Nanlaki ang mata ko sa mga nilapag niya. Amoy pa lang alam ko ng Suman sa latik iyun!

Sunod niyang nilabas ang mga transparent tupperware na may kare-kare sa loob kaya may bote ng bagoong.

"Surprise!"



To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 43.7K 77
UY MAHAL KITA BOOKS 1-6 available na po sa Precious Pages, National Bookstores and Pandayan! :) Bili po kayo! HEHE. Salamat :* "Dear Crush, Alam kong...
Heaven By wacky

Teen Fiction

34.2K 603 22
Ang plano ni Seven na pumasok sa johnson Academy ay para maibalik ang kanyang Ex-Girlfriend sa piling nito. Pero ang kanyang plano ay biglang nagbago...
359K 19.4K 22
Paraiso--iyan ang tingin ni Ariella sa Isla ng Bughawi. Ngunit hindi niya akalain na sa isang linggong bakasyon niya, mahuhulog ang loob niya kay Isa...
106K 731 5
A story about a girl who will do everything just to bring back the man she loves most to his usual self, but also the man she changed and hurt a lot...