The Brightest Shooting Star (...

By red_miyaka

6.3K 150 126

Luziel Janaria Clementine always hoped for the boy she loved, although she admired him from afar. Kumbaga, um... More

Disclaimer
Shooting Star
Panimula
Ika-unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ika-pitong Kabanata
Ika-walong Kabanata
Ika-siyam na Kabanata
Ika-sampung Kabanata
Ikalabing-isang Kabanata
Ikalabing dalawang Kabanata
Ikalabing tatlong Kabanata
Ikalabing apat na Kabanata
Ikalabing limang Kabanata
Ikalabing anim na Kabanata
Ikalabing pitong Kabanata
Ikalabing walong Kabanata
Ikalabing siyam na Kabanata
Ikadalawampu't na Kabanata
Ikadalawampu't isang Kabanata
Ikadalawampu't dalawang Kabanata
Ikadalawampu't tatlong Kabanata
Ikadalawampu't apat na Kabanata
Ikadalawampu't anim na Kabanata
Ikadalawampu't pitong Kabanata
Ikadalawampu't walong Kabanata
Ikadalawampu't siyam na Kabanata
Ikatatlumpung Kabanata
Ikatatlumpu't isang Kabanata
Ikatatlumpu't dalawang Kabanata
Ikatatlumpu't tatlong Kabanata
Ikatatlumpu't apat na Kabanata
Ikatatlumpu't limang Kabanata
Panghuli
Playlist

Ikadalawampu't limang Kabanata

74 3 1
By red_miyaka

Pangdalawampu't limang Kabanata

Pool

Sinabi ni Vin sa akin na ipapakilala niya na ako sa nanay niya ngunit hindi ako pumayag. Saglit palang naman kami simula noong sinagot ko siya at isa pa, hindi pa ako handa dahil baka tadtarin ako ng mga tanong na hindi ko alam kung paano ko sasagutin. Ayoko rin namang bigla na lang kaming paghiwalayin ni Vin dahil sa nalaman niya kaya napagdesisyunan naming 'wag na lang muna. Pareho rin naman strikto ang mga magulang namin at kapag grumaduate na kami, pwede na naming sabihin. Kaunting panahon na lang naman ang hihintayin namin para roon.

Tinext ko si Zil nang matanto kong 10 am na. Susunduin niya raw ako rito gamit iyong kotse ng tatay niya na hineram niya lang. Ayaw niya raw munang magpabili hangga't hindi pa siya nakakatapos. Sabay na rin kaming bibili ng damit para sa susuotin namin mamaya roon sa party ni Vin. Ang iba naman ay kikitain na lang din namin at ang iba na alam na kung saan iyon ay dederetso na lamang. Kaming dalawa lang ang magkasama ngayon dahil may damit nang nakahanda ang iba at magpapahinga na lang.

Nagtali lang ako ng ponytail at nagsuot ng vintage tee na tinuck in ko sa maong shorts. Nagsneakers lang din ako na white at hoop earrings. Pinili kong magshorts na lamang upang hindi na mahirap maghubad pa kapag nagsusukat ng damit. Suot ko rin ang necklace na bigay ni Vin sa'kin; suot ko naman iyon lagi. Kinuha ko na ang tote bag ko nang makarinig ng busina sa baba. Nagpaalam na ako kina ate at papa at dumeretso na sa labas.

Hindi na bumaba si Zil sa driver's seat at hinintay na lang akong makapasok. Ang isang kamay niya ay nasa manibela at tinaas niya ang shades niya nang pumasok na ako.

"Namiss kita!" Ani niya at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik. Nakamessy bun siya at shades na tinernuhan ng black oversized shirt at nakatuck in din sa maong shorts. Suot niya rin ang chuck taylor niyang high cut.

"Busy mo kasi masyado, 'di ka tuloy nakasama last time!" Ani ko. Ngumuso siya at nagsimulang magdrive.

"Sayang nga, eh! Inuman pa naman!" Ngumiwi siya. Natawa ako at sinandal ang ulo ko sa bintana.

Nagpatugtog si Zil at maya maya ay tumugtog ang best friend kaya sabay kaming kumanta habang naghehead bang. Natawa kami pareho at naalala ko rin ang panahon na iyon noong prom namin.

~You're gonna wanna be my best friend, baby
You're gonna wanna be my best friend~

"Best Friend!" Sabay naming sigaw ni Zil at nagtinginan. Natawa kami pareho at nagsimulang paluin ni Zil ang manibela. Nakatigil kami kaya ayos lang kaso ay bigla niyang napindot ang busina.

"Ay puta ka!" Napasigaw si Zil at bigla namang naggreen light kaya nagsimula ulit siyang magdrive. Natawa ako sa reaksyon niya dahil hindi nagbago ang pagiging palamura niya.

Nakarating kami sa parking ng mall kaya nagpark na si Zil. Sabay kaming bumaba pagtapos at pumasok na.

"Kain o shopping?" Tanong ni Zil pagpasok namin sa mall. Napaisip pa ako saglit pero naramdaman ko rin ang gutom ko.

"Kain muna. Gutom na ako." Natawa ako. Tumango si Zil at hinawakan ang tiyan niya.

"Ako rin. Lagi naman." Tumawa siya at sabay kaming pumunta sa greenwich. Ako na ang umorder at naghanap na ng upuan si Zil. Pumila na ako at nag-angat ng tingin para tumingin sa menu. Nanlaki ang mata ko nang may makilala ako sa pila na nasa tabi ko. Sa lahat ng pwedeng makita, siya pa talaga? Mabuti na lang talaga at hindi si Zil ang narito. Baka manabunot pa siya bigla, eh.

Hinayaan ko na lang iyon at yumuko para tumingin sa phone ko. Winish ko na lang na sana hindi niya ako makita o makilala man lang. Nakaorder na ako at nakahinga na rin ng maluwag dahil hindi niya ako tinawag. Nang makuha ko naman ang order ay yumuko uli ako dahil si Hyacinth naman ang nakita kong nakaakbay kay Angela. Palihim akong napairap nang maalala ang ginawa nila kay Zil noong high school. Gusto ko na rin tuloy mang-away bigla.

"Oh, bakit ganyan itsura mo?" Kunot noong tanong ni Zil pagkalapag ko ng order namin sa table. Umupo ako sa harap niya.

"Kita ko mga kaaway mo. Nandito sila, eh."

"Weh? Panget naman." Nagkibit balikat siya. Tumango ako.

"Si Angela na pala at Hyacinth? Tibay naman."

"Weh? Birds of the same feather flock together talaga." Natawa siya kaya napailing ako at tumawa na rin. Nagsimula kaming kumain at kung anu-ano ang napag-usapan.

"Musta ka sa univ?" Tanong ni Zil.

"Okay lang naman. Nakakaconscious lang na lagi kaming pinag-uusapan ni Vin na para kaming artista." Natatawa kong sambit at uminom ng tubig.

"Syempre, si Vin pa ba." Napailing ako at nangiti.

"Ikaw?"

"May iilan naman akong kaibigan. Medyo naiinis din ako dahil kilala rin bilang kasama sa pep squad." Natawa siya kaya may naalala agad ako.

"Lapit na cheerdance, ah. Buti wala kayong practice ngayon?" Ani ko. Tumango siya.

"Buti nga, eh. Kundi lagot ako kay coach kapag hindi ako umattend." Natatawa niyang sabi. Nagligpit kami pagtapos kumain at nagsimulang maghanap sa mga shops. Pinauna akong maghanap ni Zil at pinapasok ako sa fitting room. Naupo siya sa upuan na nasa tapat no'n.

Lumabas ako suot ang cocktail dress na red. Umiling siya at pinapasok uli ako sa fitting room. White knee legth spaghetti strap naman ang suot ko at umiling uli si Zil. Nakailang subok pa ako ng dress tulad ng sweetheart na neckline, v neck, off shoulder, at iba pa ngunit panay siya iling. Huling pili ko na ang sinuot ko at ngumiti siya ng malawak at pumalakpak.

"Ganda! Kunin mo na!" Puri niya. Tumingin ako at napangiti dahil nagandahan din ako.

Naghanap na rin si Zil at tulad ko ay nakailang palit din siya bago mapili iyong kanya. Namili ng make-up si Zil at nagtawanan pa kami dahil pareho naman kaming hindi marunong mag-ayos. Imbes na paderetsuhin ang iba naming kaibigan roon sa venue, pinaderetso sila ni Zil sa condo niya.  Sila na lang daw ang tutulong sa amin mag-ayos. Natawa ako dahil nagreklamo pa si Amarie at Maxine na sila na naman ang mapapagod kakaayos sa'min. Totoo naman iyon at mabuti na lang din marunong ng kaunting make-up at pagtatali ang iba. Marunong naman kami ni Zil ng kaunti pero baka mamess up namin sa huli kaya kailangan namin ng tulong ng mga 'yon.

Nahiga ako sa sofa ng condo ni Zil, nakababa ang kamay na may hawak na shopping bag ng dress ko. Pumasok siya sa kwarto niya kaya natulala ako saglit sa kisame rito. Maya maya pa ay nakarinig naman ako ng doorbell kaya tumayo ako para buksan iyon. Napatili naman kaagad sina Leila nang makita ako at niyakap ako. Nasakal ako dahil do'n kaya hinampas ko ang braso niya na ikinatawa ng iba.

"Kakakita lang natin, ah!" Sabi ko pagpasok nila.

"Medyo matagal na rin kaya." Sagot ni Leila. Napairap na lang ako.

Tumingin ako sa orasan at nakitang 5 pm na rin pala, oras ng simula ng party ni Vin ay 7 at kailangan 6:30 ay naroon na kami. Nagpaalam na ako na maliligo pagtapos ni Zil, ang iba naman ay magbibihis na lang daw dahil kaliligo lang naman nila pagdating dito. Pagtapos kong maligo ay nakita kong inaayusan na ni Amarie si Ivy habang si Maxine naman kay Bria. Nakaupo lang si Zil at nakasuot ng robe habang nakabalot ang tuwalya sa buhok. Si Leila naman ay tinatalian si Bianca. Napailing na lang ako at nagpunas ng buhok bago pumasok sa kwarto ni Zil. Naglagay ako ng kaunting make-up bago isuot ang napili kong damit.

I chose a burgundy strapped satin cowl midi dress that is below the knee and paired it with high heel sandals. Pinaheram din ako ng dangling earrings ni Zil at hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko. Purse lang din ang dala ko at iniwan na lang ang tote bag sa condo ni Zil. Depende pa iyong buhok ko kung gustong ayusin ni Amarie o kung hahayaan niyang ganoon na lamang.

"Bakit ang ganda?" Agad na puri ni Amarie paglabas ko. Inirapan ko siya at nakitang nakabihis na rin ang iba at nakaayos na. Iyong mga nag-ayos ay hindi pa kaya hinayaan na namin sila. Iyong damit na napilo ni Zil ay parang sa akin ngunit above the knee at nude pink naman ang kulay. Sa iba ay champagne dress pero halos pare-pareho naman kaming satin o silk ang tela. Kinulot ako ni Maxine at binigyan ng soft curls matapos niyang magbihis. Kaunting retouch pa at nakaayos na kaming lahat.

"Buti na lang montero 'yung kotse ni daddy." Sambit ni Zil habang hawak ang car keys niya at nilock ang pinto ng condo niya.

"Buti nga. Ayaw naming magcommute, 'no." Pagtataray ni Ivy kaya nagmake face si Zil. Natawa na lang kami at bumaba na.

--

"Angas." Sambit ni Zil pagkarating namin sa venue noong party ni Vin. Hotel iyon at mukhang mamahalin din kaya napanganga rin ako ng kaunti. Nakita namin ang mga lalaki sa lobby ng hotel na nakaupo at nag-uusap.

"Hoy." Tawag ni Amarie sa kanila. Napaangat sila ng tingin at tumayo agad. Naubo pa si On at Mateo nang makitang nag-uusap na magkatabi si Zil at Bria. Sabay nilang tinaasan ng kilay iyong dalawa kaya napangiti ako at napailing. Nilabas ko ang phone ko para sana itext si Vin nang makita ko siyang lumabas ng elevator. Napalunok ako dahil ang pogi niya sa itsura niya.

Nakasuot siya ng black na polo panloob na bukas ang tatlong butones at nakasuit naman siyang maroon, ganoon na rin ang pants niya. Suot noya ang chain necklace niya at may earring sa isang tenga. Nakita ko rin na suot niya ang singsing na ibinigay ko sa kanya. Humaba na ang buhok niya kaya may kaunti siyang bangs. Hinawi niya iyon at nag-angat ng tingin. Ngumiti siya agad nang makita ako at lumapit sa'kin.

"Likha na." Aya niya sa mga kaibigan namin. Nilagay niya iyong brasi niya sa bewang ko at nanguna na kami sa paglalakad papuntang elevator. Hinalikan niya ako sa pisngi kaya tinampal ko ang mukha niya na ikinatawa niya naman.

"Happy Birthday, love." Bulong ko sa tenga niya pagpasok namin sa elevator. Sumandal kami roon sa dulo at kinurot niya naman ang ilong ko.

"You look beautiful." Puri niya sa'kin at pinasadahan ako ng tingin.

"Pogi mo rin." Sabi ko at kinurot ang magkabilang pisngi niya. Umubo si Ivy dahilan para mapalingon ako sa kanya. Inirapan ko siya nang umarte siyang nasusuka. Nag-uusap naman ang iba naming kaibigan kaya hinayaan na lang kami roon.

Napaawang ang labi ko nang makarating sa rooftop kung saan tumigil ang elevator. May mga nakaset up na lamesa roon at may bar sa gilid, sa dulo naman ay infinity pool. Maraming tao roon na pormal din ang mga suot at kitang-kita rin iyong city lights dahil sa view.

"Tangina, ang taas." Bulong ni Zil kaya natawa kami. Takot nga pala siya sa mataas.

"Gago, oo nga." Pagsang-ayon ni Eliott na takot din sa heights. Wala naman silang nagawa kaya lumabas na kami ng elevator. Hinatid kami ni Vin sa table namin. Nag-usap muna kami bago magsimula iyong party ni Vin na pinangunahan noong mama niya. Napalunok ako nang makita siya dahil kahit may kaedaran ay elegante pa rin siya. Hawig niya rin ng kaunti si Vin. Umupo naman si Vin sa tabi ko at nilagay ang braso sa sandalan ng upuan ko habang nakikinig. Hindi ko alam kung may pakeelam ba siya sa nangyayari o talagang napilitan lang siya rito. Mukhang wala naman siyang balak makinig pero hinayaan ko na lamang siya.

Tumayo kami para kumuha ng pagkain roon sa buffet at tulad kanina ay nagkamustuhan ulit. Nabuksan pa ang topic tungkol sa UAAP kung saan kabilang sina Zil at Mateo. Mauuna iyong basketball at tulad ng nakasanayan ay si Bria lang yata ang makakapunta. Ngumuso siya dahil hindi na naman kami makakaattend pero sinabi rin naming babawi na lang kami sa 4th year. Ganoon na rin iyong sinabi kay Zil.

Matapos kumain ay pumunta kami roon sa may bar, nangunguna pa si Zil. Sinubukan pa siyang pigilan ni On pero wala na ring nagawa. Uminom din kami tulad niya at nagsigawan pa. Mabuti na lang noong gumabi na ay kumonti na iyong mga tao. Siguro ay mga kaedaran na lang namin ang natira at nagpaalam na rin ang pamilya ni Vin sa kanya. May iilan akong namumukhaang mukha pero hindi ko na rin pinansin.

"Pwede ba magswimming, Vin?" Tanong ni Eliott habang may hawak na shot glass.

"Pwede naman daw." Sagot niya. Nakaupo na ako sa stool habang nakatayo naman siya sa tabi ko. Nakaakbay ako sa kanya at may hawak na shot glass, ganoon na rin siya. Halos bukas na rin ang polo niya hanggang dulo at dalawa na lang yata ang nakabutones. Napakagat ako sa labi ko at nag-iwas na lamang ng tingin.

"Leila, baba ka nga. Tapos tanggalin mo accessories pati sapatos mo." Utos ni Eliott sa kanya.

"Huh? Bakit naman?" Takang tanong nito pero sinunod din. Binaba niya ang hawak niyang baso. Napailing ako nang matanto kung anong pinaplano ni Eliott. Maski siya ay nagtanggal din tulad ni Leila.

"Oh, tapos -- tangina mo, Eliott!" Sigaw ni Leila.

"Ay, sorry. Natulak." Natatawang sabi nito. Hinila ni Leila iyong paa ni Eliott kaya napabagsak din siya sa pool. Nag-away pa sila roon at naghubad naman ng suot si Zil, naiwan iyong underwear niya, o two piece pala. Handang-handa naman 'to!

Sumunod iyong iba habang kami ni Vin ay nanatiling nasa bar. Bumelat ako sa kanila kaya winisikan ako ni Amarie ng tubig. Bumaba ako sa upuan ko at hinubad ang damit at mga gamit ko. Pinagawa ko rin iyon kay Vin at pinatalon siya sa pool.

"Happy birthday!" Sigaw ni Mateo kay Vin na ikinatawa naming lahat. Kinantahan pa namin siya at tumayo si Zil para umorder ng isa pang bote. Wala talagang tigil 'tong babaeng 'to.

"Body shot, oh!" Aya niya at may hawak pang asin. Naghiyawan uli ang mga kaibigan ko kaya napailing ako. Umupo si Zil sa may dulo ng pool at ibinaba ang legs niya.

"Sino mauuna?" Aniya. Nagsimulang maglaro ang iba habang kami ni Vin ay naroon sa may dulo. Nasa leeg niya uli ang mga braso ko at nakabalot naman ang braso niya sa bewang ko.

"Hoy, lovebirds! Kayo na!" Tawag ni Zil. Nakita ko si Bria at Mateo dahil sila ang nauna bago kami. Nasa balikat ni Mateo iyong asin kaya dinilaan iyon ni Bria at napainom sa shot glass. Winisikan sila ng tubig nina Ivy kaya natawa kami. Hinalikan naman ni Mateo si Bria sa noo kaya binatukan pa ni Ivy si Bria, na agad naman siyang sinabunutan. Natawa kami sa mga ginagawa nila at hinayaan sila.

"Jana!" Pagtawag uli ni Zil. Inirapan ko siya at nagmake face at ganoon din ang ginawa niya. Wala akong nagawa kundi pumunta roon, nakasunod si Vin sa'kin.

"Kanino ako maglalagay?"

"Sa'kin." Sabi ko at tahimik lamang si Vin sa tabi ko. Kumunot ang noo niya kaya natawa ako sa reaksyon niya. Nilagyan ako ni Zil sa leeg kaya nangalay pa ako kakatingin sa taas. Binatukan ko siya at napaaray siya agad.

Mabagal iyong dinilaan ni Vin kaya napapikit pa ako at napakapit sa buhok niya. Nang maramdaman kong tapos na siya ay dumilat ako at uminom sa boteng hawak ni Zil. Umirap siya roon at hinayaan na lang ako. Uminom naman si Vin mula sa shot glass at bumalik na kami sa pwesto namin habang naglalaro iyong iba.

Lasing at mapungay ang mata ni Vin nang tignan ako. Kinabig ko siya papalapit sa'kin at sinandal niya ako sa dulo ng pool, kinukulong ako. Hinalikan niya ako at diniin ang sarili sa'kin, gano'n din ako. Lumalim iyong halikan namin at nang bumalik ako sa wisyo ay tumigil ako. Dinilaan ko ang labi ko pagtapos at kinagat niya naman ang kanya. Winisikan ko siya ng tubig kaya natawa siya at kinurot ang ilong ko.

"Spg tayo. Public place 'to, oh." Natatawa kong sabi sa kanya. Ngumisi siya at umiling bago suklayin ang buhok niya.

"Ano naman? Wala namang pakeelam 'yang mga 'yan." Sagot niya, dalawang kamay ay nakapatong sa lapag habang nasa gitna niya ako. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Gusto mo pa?" Nang-aasar kong tanong. Tinaasan niya rin ako ng kilay at ngumisi ulit.

"Tangina, pinapahirapan mo 'ko eh.." Bulong niya habang nakatingin ng deretso sa mata ko. Natawa ako dahil sa sinabi niya at pabiro siyang tinulak.

"Baka gusto mong pahirapan kita lalo? Pumunta na nga lang kasi tayo ro'n." Natatawa kong sabi at hinila siya papunta roon sa CG.

Sumama kami sa paglalaro noong mga kaibigan namin. Mga lasing na yata ang mga 'to dahil kung anu-ano na ang sinasabi. Kakaunti na lang ang matino sa kanila kaya natatawa ko silang tinignan. Paano uuwi ang mga 'to? At paano rin ako, kung gano'n? Hinayaan ko sila at hindi na pinansin. Nakisabay kami sa pagsasaya nila at naalala kong may regalo pa pala ako kay Vin kaya hinila ko siya patayo. Pumunta ako roon sa may mini bar para kunin iyong bag ko. May nagbigay ng tuwalya sa amin kaya binalot ko iyon sa katawan ko bago kunin ang isang box sa purse ko.

Binuksan ko iyon at nilabas ang laman no'n. Silver iyon na chained bracelet at mayroong nakaenggrave roon na 'Engr. Eliandra'. Kinuha ko ang kamay ni Vin at sinuot iyon sa kanya.

"Sorry, simple lang." Sabi ko at ngumiti. Umiling siya at niyakap ako.

"Ito na yata pinakamagandang regalo na nakuha ko." Bulong niya sa tenga ko at hinalikan ako sa ulo. Napangiti ako dahil doon ngunit agad na napawi nang may makita akong pamilyar na mukha pagpasok sa elevator.

Anong ginagawa ni Penelope rito?

Continue Reading

You'll Also Like

899 76 49
V A N Q U I S H S E R I E S 4: Unseen Treasure Sa mansion ng mga Espanto naroon at nagdidilang hangin ang isang dalagita. Ang naturingang prinsesa ng...
316K 17.1K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
93.3K 4K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...