Could Have Been Better (Crush...

By PollyNomial

16.2K 600 58

Elaine Joy Mendoza was from Los Angeles. Pero kahit ilang taon na mula nang tumira siya roon kasama ang pamil... More

Could Have Been Better
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Ending
Lost With A Shattered Heart

Chapter 50

286 13 5
By PollyNomial

This is the last chapter of Could Have Been Better, but there's still one more part. Thank you for coming this far! 

---

CHAPTER 50 — We Didn't Lose It


Tahimik na kaming dalawa ni Shayne nang bumalik si Conrad. He went straight to me and sat beside me.

Nakangiti si Shayne sa aming dalawa. While I do not know how to react at everything that I heard, she seemed happy and contented.

Muling hinawakan ni Conrad ang aking kamay. My left hand was on the top of the table so Shayne saw how Conrad held it tightly. Nakangiti siya habang nakatingin doon.

Hanggang ngayon ay gulat pa rin ako sa mga narinig ko. Kung iyon man ang katotohanan, hindi iyon ang inasahan ko. I thought it would be hard for me and Conrad to get back together. I thought of the different possibilities like giving up and letting him go. Pero sino ba ang niloloko ko gayung hindi ko naman kayang isuko ang pagmamahal ko sa kaniya? I might let him be with Shayne, but I would not stop loving him for the rest of my life. In fact, I don't think I could love another man.

Ngayong nilinaw naman sa akin ni Shayne ang lahat, sari sari ang nararamdaman ko. Of course, above everything else, I am happy. Walang paglalagyan ang ligayang nararamdaman ko dahil sa mga narinig ko mula sa kaniya. Ang tanging nais kong gawin ay yakapin si Conrad at sabihin sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Hihingi ako ng tawad at babawi ako sa mga panahong nawala sa aming dalawa.

Ngunit habang niraramdam ko ang init ng kamay ni Conrad na nakahawak sa balat ko, may matindi ring emosyon na sumasakop sa puso ko. Bukod sa ligaya, hindi ko maintindihan kung bakit may lungkot din doon.

"I'll go ahead," Shayne mumbled as she stood up.

Tumayo rin si Conrad ngunit hindi bumitaw ang kamay niya sa akin. Nakatingala ako sa kaniya. He looked down at me and smiled before bringing his eyes to Shayne.

"Are you sure you can go home on your own?" he asked Shayne.

I could hear that he's concern. Sobrang dami na talaga nilang pinagsamahan para maging ganito siya kalapit kay Shayne. If I were Shayne, I might also feel insecure even if I just consider myself his best friend. Dahil totoong maalaga si Conrad. Taking that away from her would make a big difference to their friendship. Ngayon pa lang ay nangyayari na iyon.

Iyon siguro ang dahilan ng lungkot na nararamdaman ko. Knowing that Conrad met someone like Shayne, makes my heart ache. Sinong nakakaalam? Paano kung nagmahalan silang dalawa? Anong gagawin ko kung iyon nga ang nangyari?

"Oo naman. Mag-uusap pa kayong dalawa," aniya kay Conrad. Tumingin din siya sa akin at binigyan ako ng matamis niyang ngiti bago nagpaalam.

Hindi na ako nakapagsalita at ang nagawa ko na lang ay tumango. One day, when everything gets better, I would talk to her again and be grateful to her. Marami akong dapat pasalamantan kay Shayne. Balang araw ay ipagpapasalamat ko sa kaniya ang lahat ng ito.

Pinanood ni Conrad si Shayne hanggang sa makalabas ito ng restaurant. Nang mawala na ito sa aming paningin ay saka siya umupo sa tabi ko.

"You didn't finish your cheesecake," aniya sa akin habang tinitingnan ang pagkaing halos hindi ko naman nagalaw.

"Totoo ba ang lahat ng sinabi ni Shayne?" sabi ko sa halip na sagutin ang sinabi niya.

He sighed and held my hand again. "It's true. Kahit na naging girlfriend ko siya, which I don't even consider real, wala nang ibang namagitan sa amin."

A thought made me want to slap Conrad on the face. Ginawa niya ito upang maghiganti sa akin dahil sa sobrang galit niya. Maging si Shayne ay nadamay pa. The girl was just scared to lose a dear friend. Tapos ay pinagsamantalahan iyon ni Conrad. How could he do that?

"Ihahatid mo ba ako sa bahay?" matabang kong utas.

Nagagalit ako kahit na hindi ako sigurado kung may karapatan ba ako. Naghiganti si Conrad dahil iniwan ko siya at hindi ako tumupad sa mga pangako namin noon. Nawawala na ang mga tamang konsepto sa utak ko. Tama bang maghiganti? Baka para sa kaniya ay iyon ang tamang gawin dahil nasaktan siya. Pero nasaktan din naman ako sa mga taong nagkalayo kaming dalawa. At sa kabila ng lumipas na panahon, bumalik ako. Bumalik ako para sa kaniya. Mahal na mahal ko pa rin siya. Humingi ako ng tawad ngunit hindi niya tinanggap nung una. Tapos malalaman kong may girlfriend siya. Sa huli, ibubunyag niya sa akin na galit lang siya kaya niya nagawa iyon at gusto lang niyang maghiganti. Anong tama roon?

"Of course. Gusto mo na bang umuwi?" nag-aalangang tanong niya.

Tumango ako at saka tumayo.

Mabilis naman ang kilos ni Conrad. Tumayo rin siya habang pinapanood akong sinusukbit ang bag sa aking balikat.

"I'll just pay for our food..." Hindi ko siya pinatapos.

"Go ahead. Maghihintay ako sa labas," wika ko pagkatapos ay umalis na doon.

I would be a hypocrite if I say that I don't like what's happening to us. I am really thankful. Pero gusto ko munang magkapag-isip isip. Sa sobrang daming kaganapan ngayong araw na ito ay sobrang napagod ang utak at puso ko.

Sumulpot si Conrad sa tabi ko. Wala pa yatang isang minuto nung iniwan ko siya sa loob ng restaurant.

Nakangisi siya nang tingnan ko siya habang pinanliliitan ng mga mata.

"I'm afraid that you'd be gone when I get here. Kaya hindi ko na hinintay ang sukli," he said, smirking.

Ngumiwi ako at ngumuso. Tiningnan ko ang restaurant. Mukhang wala nang balak bumalik si Conrad doon para sa sinasabi niyang sukli dahil pinatunog na niya ang kaniyang sasakyan. He opened the front door for me and motioned me to come inside.

Sumunod at sumakay ako roon. Conrad jogged around the car for the driver's seat. Nakatingin lamang ako sa kaniya hanggang sa maayos na siyang nakaupo at sinimulan na ang makina ng kotse.

"I couldn't believe it," I uttered without even knowing that I said it.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Maraming beses na halos magdugo na ito. Dahil kanina ko pa ito ginagawa ay ramdam ko na ang pamamaga nito.

"Huh? May sinasabi ka, Elaine?" Conrad muttered while taking glances at me.

Umiling ako at nanahimik na lang. Pinili kong panoorin ang dinaraanan namin pero saglit ko lang nagawa iyon dahil bumagsak ang mga mata ko sa aking kamay na biglang kinuha ni Conrad.

He rested our hands on my thigh. Napalunok ako dahil sa mga maliliit na haplos ng daliri niya sa kamay ko. Iba talaga ang pakiramdam na ito. Kinikilabutan ang balat ko habang nag-iinit naman ang puso ko dahil sa pag-usbong pa lalo ng pagmamahal ko sa lalaking ito.

"Sobrang saya ko dahil nasa tabi kita ngayon," biglaang sabi niya.

My eyes widened when he brought my hand to his lips and kissed it. He chuckled after.

"And I get to do this now," sambit niya.

Para akong nagbalik sa panahong una kong nalaman na mahal ko si Conrad. At first, it was just admiration that I feel for him. Until a time came, I didn't even notice it, that I realized that I fell in love with him already. Pasakit sa akin sa tuwing itatago ko ang nararamdaman kong iyon sa kaniya. It was really, really hard to keep those feelings. He was the only boy in my life and he managed to steal my heart. How could I tell him that? He was a friend. He was the brother of my best friend.

Hanggang sa bigla na lang kaming nagkaintindihan. The time when I knew that he loved me too was the happiest day in my life. Walang papalit doon.

Ngunit sa nararanasan ko ngayon, dahil sa lahat ng pinagdaanan namin, isa na rin ito sa mga pinakamasayang parte sa buhay ko.

I am happy, too, Conrad, that I get to be with you now. Sobrang saya ko rin.

Dahil ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko, lalo na ng kamay ko, ay sinubukan kong bumitaw sa kaniya. But he was strong. Hinigpitan niya ang kapit kahit na alam kong mahirap para sa kaniya ang magmaneho gamit ang isang kamay lang.

We were like that until his car entered our subdivision. Nanlulumo ako nang makitang palapit na kami sa aming bahay.

Conrad kissed my hand again before releasing it so that he can properly park his car outside our gate.

Binasa ko ang nanunuyo kong labi. Sinilip ko ang aming bahay. Hindi ko alam kung nasa loob na ba sila mommy at daddy. Gusto ko sanang mag-usap kami ni Conrad upang maging malinaw na ang lahat sa pagitan naming dalawa. His actions are making me confuse.

He unbuckled his seatbelt and I did the same. Lumabas siya at mabilis na tinakbo ang pinto sa side ko upang buksan ito.

"I'll be here tomorrow. Susunduin ulit kita," pahayag niya nang makalabas ako.

Tinitigan ko lamang siya sa mukha habang pinag-iisipan ko ang sasabihin ko. "Uuwi ka na?" I asked him. I suddenly felt shy when he just stood there, looking surprised at my question.

Hinagod niya ang kaniyang batok at kinamot nang marahan ang ulo pagkatapos. Dahil sa kahihiyan ay tinalikuran ko siya at lumapit na lang sa gate.

"Don't be too early tomorrow," I uttered while opening our gate.

Hindi ko siya matingnan nang diretso ngunit sa gilid ng aking mga mata ay naaninag kong lumipat na siya sa tabi ko.

"I usually leave the house at 7am..." Hindi ko natapos ang aking sinasabi dahil sa paghaplos niya sa braso ko.

Lumunok ako bago siya binalingan.

"Are you gonna invite me inside your house? Kaya mo tinanong kung uuwi na ako?" nakakakilabot ang boses niya.

Yumuko at kinagat ang aking labi.

"You really have the tendency to bite your lip whenever you're shy or nervous." Lumipat ang kamay niyang nasa braso ko patungo sa aking pisngi. "Na-miss ko 'yan. It was that mannerism of yours that made me confirm that you liked me years ago. That you're in love with me, too."

Pinakawalan ko ang labi ko at umawang ang bibig ko.

Nakatitig lamang siya sa akin. Gusto ko iiwas ang aking tingin pero tila hinihigop ako ng mga mata ni Conrad. Malalim ang mga titig niya na tila may gusto siyang gawin o sabihin.

"Why do you want me inside your house?" tanong niya habang ako ay hindi pa nakakabawi sa mga sinabi niya kanina.

Isang beses akong umiling. Tiningnan kong muli ang bahay at sa hitsura nito at katahimikan sa loob, mukhang wala nga rito ang aking mga magulang.

"Nothing," I mumbled and gestured the opened gate at him. "Papasok na ako."

Ngumiti at tumango siya. "I'll be here 7AM tomorrow," he leaned closer to me and caressed my face one more time. "I'll text you later, okay?"

Tiningnan ko ang sasakyan sa likod niya. "Text when you're at home. 'Wag habang nagda-drive," utas ko.

Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo gamit ang mapupungay niyang mga mata bago siya tumango sa sinabi ko.

A few more seconds have passed before he stepped back. Tumungo siya sa kaniyang sasakyan. Isang tingin pa sa akin bago siya sumakay roon.

I just stood there watching while he's starting the car's engine. Binaba niya ang salamin ng bintana sa passenger's seat upang silipin ako at magpaalam pa ng isang beses.

I smiled at him and waved my hand. Pagkatapos niyon ay pinaandar na niya ang sasakyan.

Gusto ko sanang mag-usap pa kami ni Conrad. Pero tila may pagkakaintindihan na sa pagitan namin at hindi na kinailangan ng mga salita. Ngunit nais ko pa rin linawin ang lahat sa kaniya. Siguro ay bukas o sa susunod na araw.

Napag-isip isip ko rin kasi na sobrang dami nang nangyari ngayong araw. Gusto ko munang makahinga bago ako sumabak muli sa isa pang usapan tungkol sa aming dalawa.

All I know right now is that everything will be fine. Shayne explained and cleared everything between her and Conrad. Conrad assured me that he felt nothing for her aside from being her friend. He also made me feel that I'm the only one that he loves. Sa ngayon, iyon ang panghahawakan ko.

Conrad texted me that night but I decided not to reply. Mahimbing aking tulog nang gabing iyon.

Kinabukasan ay narinig ko ang ingay nila mommy at daddy. I think I heard them coming home last night but I was too sleepy to check on them. Naalimpungatan lang ako nang buksan ni mommy kagabi ang pinto upang tingnan ko rito sa aking kwarto.

Bago ako lumabas ng kwarto ay nagpasya na akong maligo at magbihis. Handa na ang sarili ko nang lumabas ako sa kwarto. Patuloy ang pag-iingay nila mommy sa ibaba. I could hear that they are talking to someone. Kung ganoon ay may bisita kami. Mabuti na lang at hindi ako bumaba nang bagong gising.

I checked my watch and it's just almost 6:30 in the morning. Sino kayang bibisita ng ganito kaaga? Hindi pa nga ito oras ng almusal para sa ibang tao. Nang may maisip na tanging taong maaaring dumating nang ganito kaaga ay nagmadali akong bumaba.

However, as I went down the stairs and recognized the familiar voice, I confirmed that it wasn't Conrad. Lalo na nang makita ko si Kavan na nakaupo sa sofa ng living room. I was shocked while staring at him. He slowly lifted my head until our eyes were locked to each other.

Maluha luha akong tumakbo pababa sa hagdan at tinapon ang sarili ko sa kaniya. He catched me with his broad arms.

"Slow down!" he exclaimed when I just suddenly threw myself to him. He chuckled when I hugged him so tight.

"Kavan!" Binitiwan ko siya at pinagmasdan ang kabuuan niya. I wasn't dreaming. He's really here!

He just laughed at my reaction. Sila mommy ay narinig ko rin na humalakhak.

Ngumuso ako at niyakap muli si Kavan. "I missed you," bulalas ko sa kaniya.

He nodded his head a few times. Nilagay niya sa dalawang balikat ko ang kaniyang kamay upang ilayo ako nang kaunti. "I missed you, too."

May kakaibang kislap sa mga mata niya. Tuwang tuwa ako na nandito siya. Sobrang tagal na nang huli kaming nag-usap. Nakalimutan ko na ring kumustahin sila ni Rhyna dahil na rin sa mga pangyayari nitong mga nakaraang araw.

"Why are you here?" tanong ko sa kaniya.

He smirked and tapped my head. "Because I missed you," utas niya.

Nagtaas ako ng kilay. Medyo lumayo ako sa kaniya upang mas pagmasdan siya. He didn't look like he just came from the airport. Walang maleta sa paligid. At maayos ang hitsura niya at amoy bagong ligo pa.

"Kailan ka pa dumating?" tanong ko upang mapunan ang mga naiisip ko.

"Last night," sagot niya.

"Kavan didn't tell us that he'd be here. Hindi ba kayo nagkausap?" mom asked me.

I shook my head while Kavan was massaging his nape.

"I wanted to surprise Elaine, Auntie," he smiled shyly.

Nangunot ang aking noo at mahinang hinampas ang braso ni Kavan. "I am surprised. Saan ka nag-stay kung kagabi ka pa pala rito sa Pilipinas?"

"I checked in in the nearest hotel from the airport. Then I called auntie," aniya. "Pinapunta niya ako ngayon and asked me to stay here instead," utas niyang may pag-aalinlangan sa mga mata.

Natuwa ako dahil magaling na ang pagtatagalog niya. Well, Kavan's really good at speaking Filipino though the accent is a bit slang. Ngayon ay mukhang mas nasasanay na siya.

"You should stay here. Sayang ang ibabayad mo sa hotel. We have extra room here for you," ani daddy sa kaniya.

Itinuloy namin ang usapan sa hapag kainan. Apparently, mom already prepared breakfast for all of us and they were just waiting for me to come down. Nagsabi pa ako kung bakit hindi nila ako kaagad tinawag. They said Kavan just arrived when I came down from my room.

Tuwang tuwa talaga ako dahil nandito siya.

"This was actually a business trip," he informed us. "I convinced my boss to choose me as the representative of our company for an annual convention here. I badly wanted to see you, guys," he said to us.

Marami pa siyang naikwento. Mabuti na lang at mahaba haba pa ang oras ko ngayong umaga upang makakwentuhan si Kavan. I asked him about Rhyna and he said that she's doing fine. Pero hindi na sila madalas lumalabas dahil pareho raw silang naging busy sa trabaho.

Until I remember that Conad will be coming today. Dahil nakalimutan ko ay nagmadali akong umakyat sa aking kwarto upang kunin ang bag at phone ko. Hindi ako nagkamali dahil may isang message na roon si Conrad. It simply said 'good morning'. The other one just came and it said that he'd be here in five minutes.

Malapit lang si Conrad sa amin. Siguro ay kaaalis lang nito sa kanila. I quickly placed my bag on my shoulder and ran to the stairs. Ang mga magulang ko at si Kavan ay nasa living room na ulit at ipinagpatuloy roon ang pagkikwentuhan. Kavan's really close to my parents, especially to mom. Kung iiwan ko naman siya rito ay hindi naman siguro siya mababagot?

"I have to go to work. Will you be okay here?" tanong ko sa kaniya. I could see mom beaming at us. Hindi lingid sa akin na gusto ni mommy si Kavan para sa akin. But I always remind them that I only consider Kavan as a friend; a best friend, actually. Wala nang mas hihigit doon.

"I will be. Don't worry about me," he answered.

Sa labas ay narinig ko na ang pagdating ng sasakyan ni Conrad. Heto na naman ang kakaibang damdamin sa aking dibdib. I watched mom and dad while contemplating if I should tell them about Conrad or not.

"Conrad's here, mom and dad," I decided to just tell them the truth.

Napansin ko sa gilid ng aking mga mata ang paninigas ni Kavan. He knows Conrad. Hindi ko naman iyon itinago sa kaniya. Ngayong alam niya na kasama ko ito, naisip na siguro niya na nagkaayos na kaming dalawa.

"Oh." It was mom's reaction.

Tumayo si daddy at nilapitan ako. "Ihahatid ka ba niya sa trabaho, anak?" he asked.

Alanganin akong tumango. I was worried of Kavan. Nananahimik siya habang nakapahinga ang mga siko niya sa kaniyang hita. He wasn't looking at me anymore.

"Yes, dad," I answered hesitantly.

Ngunit tumango si daddy bilang pagpayag. Si Kavan ay tiningnan lang ako at nginitian bago ako tumalikod sa kanila. Si daddy naman ay sumama sa akin sa labas.

There, I saw Conrad waiting for me beside his car. He hands in his pocket. When he saw me, he immediately stood up straight and gave me a wide smile. Nang makita naman niya si daddy ay naging kalkulado ang kilos niya at bumati rito.

"Good morning, tito!" he greeted my dad. "Good morning, Elaine," aniya sa akin.

I smiled at him as I walked out of our gate.

"Mag-ingat kayo, Conrad," ani daddy sa kaniya na nakasunod sa akin.

"Yes, tito. I'll take care of your daughter," aniya rito.

Nag-uusap sila nang biglang lumabas si mommy kasama si Kavan. I saw Conrad taking glances at them while dad was talking to him about how to drive safely.

"Hi, ma'am," Conrad greeted my mom.

"Conrad, I told you, tita is fine," utas naman ni mommy.

Kumamot si Conrad sa kaniyang ulo. "Yes po, tita," magalang niyang sagot kay mommy.

They just met each other. Hindi rin ako kumportable habang nakikitang kausap ni Conrad si mommy gayung si Kavan ang nasa tabi niya.

I suddenly felt the responsibility of introducing them to each other. "Uhm, Conrad," I called him out.

Tiningnan niya ako gamit ang matatamis na titig niya sa akin. Nanghihina ako dahil doon pero hindi ito ang tamang panahon para matunaw sa titig niyang iyon.

"This is Kavan. He's a friend from the states," I informed him cautiously. Malinaw sa akin ang naging reaksyon ni Conrad. Siguradong marami siyang tanong sa akin mamaya.

"Kavan, this is Conrad," I said even though I have mentioned Conrad to him a lot of times before.

Si Kavan ang naglakad palabas ng gate. He offered his hand to Conrad for a simple hand shake and Conrad accepted it.

Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Tiningnan ko ang aking relo upang ipahalata sa kanila na naiinip na ako at baka ma-late pa ako. Para lang matapos na ito.

Nagpaalam kami ni Conrad sa kanila. My father spoke another set of reminders to Conrad before we were able to ride his car. Nang nasa loob na at palabas na kami ng subdivision ay palinga linga sa akin si Conrad.

I shyly looked at him.

Nakataas ang kilay niya pati ang gilid ng labi niya. "Anong ginagawa niya rito?" he tried to sound cool about it but it's clear that he's not.

"Business trip," I quickly answered.

Kagat kagat ko ang labi ko ngunit unti unting nangunot ang noo ko nang may mapagtanto.

"Kilala mo ba si Kavan?" I asked with suspicion. Sa paraan ng pagsasalita kasi niya ay tila kilala niya ito at ayaw niya itong makita.

Tumikhim siya at nawala sa paningin ko ang mga mata niya. Iniiwas niya iyon sa akin. He pretended to be busy driving. Nakaliko na kami palabas ng subdivision namin. Maaga pa at wala masyadong kotse kaya walang dapat iwasan. Ngunit titig na titig siya daan at sa pagmamaneho niya.

"Conrad!" I yelled at him.

Napatalon siya sa gulat. Kaya naman nabuking kong may tinatago siya.

"Let's talk about it later," aniya sa akin at rinig ang tensyon sa boses niya.

"No, let's talk about it now."

"Magkikita pa naman tayo mamaya," bulalas niya.

"Pero magkasama na tayo ngayon. Why not talk about it now?" Humalukipkip ako at masama tingin ang ipinukol sa kaniya.

Mabilis siyang sumuko at bumuntong hininga. "He's courting you, right?" he managed to tell that to me without sounding uncertain. Siguradong sigurado siya sa sinabi niya. Lalo akong nagduda.

"How did you know that?" I asked him in return.

"Tsk," he uttered, annoyed.

Humugot ako nang malalim na hininga. "You didn't answer my question," sabi ko.

"I just know," agad niyang utas. "Halata naman sa mukha nung tao na gusto ka niya. Ano, doon siya matutulog sa bahay niyo? Eh, kung dun ka na lang muna sa amin habang nandun siya?"

Hinampas ko siya sa balikat. "What are you saying?" I exclaimed. "You're not even my boyfriend yet," I said but I regretted it after.

Isa pang iritadong tunog ang narinig ko mula sa kaniya. "Hindi pa nga. But one word from you will change that fact. Gusto mo bang magbago iyon? Kung boyfriend mo na ako, pwede ka na sa amin."

Umawang ang bibig ko at naiinis na nagpapalag dito sa loob ng kaniyang kotse. I can't believe that we are talking about this now. Ang gusto ko sana ay mag-usap muna at magkalinawan kaming dalawa. Kahapon lang nang maging malinaw sa akin ang namamagitan sa kanila ni Shayne. And technically, he just broke up with his girlfriend kahit na sabihin niyang hindi naman naging totoo ang relasyon nila. Now, he's asking me to be his girlfriend?

"Calm down, Elaine, ang likot mo," bulalas niya sa akin.

Pinanlisikan ko siya ng mga mata. "Calm down? Ikaw nga itong hindi calm diyan," sigaw ko.

Bigla siyang tumawa nang marinig iyon. "Are we fighting?" tanong niya sa akin na mas lalong ikinainis ko.

"Ano ba, Conrad? Ihatid mo na lang ako sa trabaho para matapos na ito," sabi ko at iniwas na ang mga mata sa kaniya.

"Iyon na nga ang ginagawa ko," pilosopo niyang sagot.

Hindi ko na siya pinansin pero makulit pa rin.

"Ano, payag ka ba? Baguhin na natin 'yon?"

Alam ko ang tinutukoy niya. Nakakainis dahil kinikilig ako sa naririnig ko sa kaniya. I acted like I was really angry and didn't look at him.

"Elaine—"

"Shut up!" gigil kong sambit.

"Ang ganda mo kapag nagagalit ka," biglaang pahayag niya.

Nag-init ang pisngi ko at lalong hindi na ako napakali sa pwesto ko. Inagaw ni Conrad ang kamay ko at dinala iyon sa labi niya. Kaya pwersahang napabaling din ako sa kaniya.

"Baguhin na natin?" mas umamo ang tono ng boses niya.

Umirap ako kahit na ang mga paruparo sa tiyan ko ay nagwawala na sa kilig dahil sa mga kilos at salita niya.

"Even though you look pretty when angry, ayoko pa ring nagagalit ka sa akin. Nagtatanong lang naman ako, e. Baguhin na natin?" he asked again, now, he's serious.

Ngumuso ako at kinagat din ang labi pagkatapos. Nakamasid si Conrad sa mukha ko habang ginagawa ko iyon. Pinakawalan ko ang labing kagat ko at nanonood lamang siya roon. Sa kaba na baka may gawin siya bigla ay napasagot ako ng wala sa oras.

"Fine," I whispered. I couldn't look at him directly.

Alam kong narinig niya iyon dahil natigilan siya. Nakarating na kami sa main road kaya naman medyo traffic na.

Gumalaw siya upang maharap ako. "What did you say?" namamaos ang boses niya.

"You heard it, Con," sinubukan kong magsungit kahit na napapangiti na ako dahil sa hitsura niya.

"I did. But just to make sure. Did you say yes to my question?" he asked again.

Tumango ako habang unti unting napapangiti.

Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi at ang mga mata ko naman ang lumipad doon. He released it slowly then his lips formed into a smile.

Napangiti na lang din siya. He nodded his eyes in a way like he finally understands things. Akala ko ay iyon na ang magiging reaksyon niya. Nakahinto sa traffic ang sasakyan at natauhan lang ako nang bumusina ang kotse sa likod namin.

Mas nagulantang ako nang hindi iyon pakinggan ni Conrad at hinila lang niya ako palapit sa kaniya upang yakapin. Yet, he couldn't hug me properly because of the seatbelt around our bodies.

Isa pang mahabang busina mula sa aming likod ang nagpahiwalay sa aming dalawa. Tumalima si Conrad at nakangising pinaandar ang kaniyang sasakyan. He was like that the whole time. Hanggang sa huminto ito sa tapat ng building kung saan ako nagtatrabaho.

"I'll see you later," sabi niya sa akin habang hindi pa rin nawawaglit ang ngiti.

Tiningnan ko ang aking relo. I still have twenty minutes but I wished to have more time to spend with Conrad.

Sinagot ko ang tanong niya kanina. That means, I'm his girlfriend now. Totoo ba talaga ito? Hindi ba kahapon lang ay magulo pa ang lahat? Then now, we are together, that fast?

Tinanggal ko ang seatbelt habang ang mga mata ni Conrad ay nakadirekta lamang sa akin.

"I love you..." he said all of a sudden. He's eyes locked on mine.

Kinagat kong muli ang labi ko. Anong isasagot ko?

"It would be nice to also hear it from you, Elaine," he informed me like it was just a casual request.

Pinaglaruan ko ang aking mga kamay. Mauubos na ang oras at kailangan ko nang umakyat.

"I love you, too," mahina at nagmamadali kong utas.

Conrad looked satisfied with just that. Kinuha niya ang pulsuhan ko at hinila ako sa kaniya para sa isa pang yakap. My heart was beating like crazy. Ngunit habang nakayakap ako kay Conrad at magkadikit ang aming dibdib, nalito na ako sa kung sino pa ba ang may-ari ng maingay na puso. I could literally feel Conrad's pounding chest against mine.

He let go of me and pointed our building. "Go ahead. Baka ma-late ka pa," he said calmly. Nagtataka ako sa reaksyon niya ngunit hindi na ako nagtanong.

Lumabas ako sa sasakyan. Hindi na lumabas pa si Conrad. Nagpaalam lang siya sa akin nang ibaba niya ang salamin ng kaniyang kotse. Katulad kahapon, sinilip ko siya roon at nakangising nagpaalam sa kaniya.

I was in a good mood the whole day. Lalong naging maganda ang buong araw nang maging positibo ang resulta ng presentation ng aming team. Constantine was praised by Mr. Montecarlos and also by his father. I could tell how proud Mr. Arden is to his son. Kahit sa propesyunal na hitsura ni Constantine, napansin ko ring natuwa siya sa reaksyon ng kaniyang ama.

They are not close, I could tell. Pero mukhang hindi rin naman ganoon kalala ang pagiging hindi nila malapit sa isa't isa. Maybe, Constantine's not that close to his father. Sa hitsura kasi ni Mr. Arden, masasabing isa siyang mahigpit na ama. He was very strict and professional, to think that it was his son who's going to present in front of him. But in the end, he commended his Constantines's excellence and that's enough to say that he still cares for him.

Sabay sabay ulit kaming nag-lunch nang araw na iyon.

"Kung araw araw na ganito, makakaipon talaga ako," pahayag ni Royce na ikinatawa ng lahat.

"Continue with your food, Royce. This would be my last treat to you," Constantine joked with a serious face. Pero ngumiti rin siya pagkatapos. Tiningnan niya akong nasa tabi niya.

"Congratulations, Elaine," he said that's why everyone looked at us.

Sa tatlong babae kaagad tumama ang paningin ko. Kakaiba talaga sila. Mabuti na lang at hindi naman nila ako direktang inaaway. Hanggang masasamang tingin lang ang ginagawa nila. Sana talaga ay hanggang doon lang iyon.

"Bakit po ako? Kayo ang dapat namin i-congratulate," utas ko para lang hindi na ako tapunan ng nakakamatay na tingin nung tatlo.

"This is your first project and it was a success. Well, not yet a success, really. Marami pang mangyayari dahil nagsisimula pa lang tayo. But this is a good start. You are a big part of it. You were the one who made the report remember?" he reminded me.

Napangiti na lang ako. Sa totoo lang ay nahihiya ako dahil nasa akin ang mata ng lahat.

"Let's have a toast for Elaine!" ani Royce. Bukod sa tatlo, lahat naman ay nakangiti at natuwa sa naging tagumpay namin.

Nang mag-uwian mula sa trabaho ay pinauna na kaming lahat ni Constantine. May meeting pa raw kasi siya kasama ang chairman, ang kaniyang ama.

I checked my phone. It's exactly 4 o'clock in the afternoon. Conrad already texted me that he's waiting outside. Si Celine ay nag-text din sa akin. Binasa ko ang kay Celine.

Celine:

Elaine! Pwede ka ba this afternoon? I still have a few preparations to do for our wedding. Gusto ko sanang kasama kita habang ginagawa iyon. Can you come here? Pwede ka rin kayang mag-overnight?

Pinag-isipan ko ang sinabi ni Celine. May pasok ako bukas. Pero kung maaga naman akong gigising upang umuwi ay wala namang magiging kaso. Pwede ring umuwi muna ako sa bahay ngayon upang magpaalam kayla mommy at magbaon na ng aking damit pamasok.

Ako:

Sure! Papaalam lang ako kayla mommy tapos punta ako riyan sa inyo.

Celine:

Thanks! I think Conrad's already there to fetch you. Kanina pa siya nakaalis dito.

I gasped at what she said. Kung ganoon ay alam ni Celine na hatid-sundo ako ni Conrad? Alam na rin kaya niya na kami na? Pero bakit ba ako nagugulat? Hindi ko naman ito dapat itago sa kaniya. I'll tell everything to her later.

Paglabas ng building ay nadoon na nga si Conrad. I was shocked when he walked towards me and suddenly kissed me on the cheek.

"Hi!" bati niyang may malaking ngisi.

Nilunok ko ang naramdamang nerbyos dahil sa ginawa niya.

Sumakay kami sa sasakyan. Magkasama na naman kaming dalawa. At ngayon, mas kakaiba na ang mga kinikilos niya. He didn't let go of my hand the whole time. Sinabi kong sa bahay muna namin kami para makakuha ako ng damit. He obliged but the mischievous smile on his lips made me wonder what's happening to him. Ganito ba siya kasaya dahil kami na?

Mabilis ang pagkilos ko nang makarating sa bahay dahil naghihintay sa baba si Conrad at kausap ito ni daddy. Kinakabahan ako dahil baka mabanggit niya sa mga magulang ko ang tungkol sa amin. Ni hindi ko pa nga naikikwento sa aking mga magulang na nagkaayos na kaming dalawa. Ngayon ay boyfriend ko na siya. Baka mabigla sila lalo na si mommy.

The other thing that I was worried about was that Kavan's also there. Ano na kayang pinag-uusapan nila?

"Ngayong gabi lang po, dad. Nagpapatulong lang po si Celine para sa preparations sa kasal niya," paalam ko nang tanungin ako ni daddy tungkol dito.

Lumipat ang mata niya kay Conrad na umayos ng upo. "Madalas na nila itong ginagawa noon. Overnight at Celine's house because she's her best friend," imporma ni daddy kay mommy.

Mukhang nag-aalala kasi si mommy. May hula na ako kung bakit pero ayoko nang isipin iyon.

"Okay, anak, Update us, huh?"

"Yes, mom."

Binalingan ko si Kavan. Mapungay ang mga mata niya na nakatingin sa akin. I will talk to him. I promise to talk to him after this. Alam ko na ang mga tingin niyang iyan. Hindi ko siya pinaasa sa aming dalawa pero responsibilidad ko pa rin na ipaalam sa kaniya kung bakit hindi kami pwedeng dalawa.

"Kavan, aalis muna ako. I'm sorry I cannot bond with you today. Bukas, promise magba-bonding tayo after work," I assured him. I wanted to apologize to him already because I know that after our bonding, we'll talk and it would break his heart.

Nakaalis kami sa bahay nang hindi umiimik sa akin si Conrad.

"May pa-promise promise ka pa dun sa isang 'yon. Tell me, Elaine. Ano pang mga ipinangako mo sa kaniya?" iritadong tanong ni Conrad ng nasa sasakyan na kami.

Kung ganoon ay ito pala ang kinikimkim niya kanina pa.

This would be a very very short drive to his house. Hindi ba siya makapaghintay na makarating kami sa kanila? But to think that there would be other people there, it would be better to talk here.

Nginisihan ko siya. "Bakit gusto mong malaman?" biro ko na ikinalaki ng mga mata niya.

"So, meron?" naiinis na tanong niya. "Ano bang meron sa inyong dalawa?"

Tinawanan ko siya. Ngayon, siya naman ang maasar diyan. Kung alam lang niya kung gaano kasakit sa akin na malaman na may ibang babae sa buhay niya. If he has a girl best friend, then I have my own boy best friend, too.

"Don't worry. Hindi iyon katulad ng sa inyo ni Shayne," wika ko kahit wala na sa akin iyon. I just said it to tease him.

He frustratedly released a deep breath. Sa isip ko ay tawang tawa ako.

"Hindi naman ganoon 'yon, Elaine..." Hindi niya malaman kung paano magpapaliwanag.

We ended up in his house. Hindi natapos ang pag-uusap namin. Tawang tawa ako sa pagmamaktol niya.

Nakasunod si Conrad sa akin habang papasok kami sa kanilang bahay. Si Celine ay nasa living room at sa kaniya ako dumiretso.

Conrad was just behind me while I greeted Celine.

"We have to prepare the souvenir. Ito lang naman ngayon tapos itutuloy ko bukas. May dadating din akong ibang kaibigan bukas dito," aniya. Bumaling siya kay Conrad.

Ako rin ay tiningnan ito. Nakanguso ito at parang maamong tupa na nakatingin sa akin. "Elaine," tawag niya.

"Problema mo, Con? Umakyat ka na lang muna. O kaya tumulong ka kung gusto mo," pambabara ng kambal niya.

Bagsak ang balikat ni Conrad. Tumalikod siya sa amin at piniling umakyat sa kaniyang kwarto.

Pareho kaming tumawa ni Celine. For a moment, I was brought back to the memories we had in the past. Ganitong ganito kami noon. Ganoon pa rin kung barahin ni Celine si Conrad habang ako ay wala namang kinakampihan sa kanilang dalawa. It was one of the happy memories I had with them and I'm happy because it's happening again. Kapiling ko na ulit silang dalawa.

Sa tagal ng panahon na nawala ako, ang tanging nais ko lang ay bumawi. Silang dalawa ay kabilang sa mga espesyal na tao sa buhay ko. Kung wala sila, wala rin siguro ang Elaine na lumaking matapang ngayon.

The friendship they gave me changed me to a better person. Noon, wala akong lakas ng loob na makipagkaibigan sa ibang tao. I grew up in the states with other children bullying me. Dahil doon ay naging mahina ako at takot na mapalapit sa kahit na sino.

But Celine and Conrad let me in their lives to be a part of it. Tinanggap nila ako nang walang pag-aalinlangan. Hindi nila ako hinusgahan katulad ng kinatatakutan ko. Sa halip ay naging mabuting kaibigan sila sa akin.

I regretted the days that I lied to them. Sisiguraduhin ko ngayong wala na akong itatago sa kanila.

"Celine," tawag ko.

Patuloy kami sa pag-aayos ng mga souvenirs para sa kasal nila ni Vans. Celine insisted to do this on her own even though there are people who can do it for her. Nais kasi niyang maging personal ito dahil ito ang magsisilbing pasasalamat nila ni Vans para sa mga taong sumuporta sa kanilang dalawa.

"I have something to say," sabi ko nang makuha ko ang kaniyang atensyon.

She set aside what she was doing and focused at what I was going to say. "What is it?" tanong niya.

"Nagkabati na kami ni Conrad," I told her.

She grinned at me. Umayos pa siya ng upo at mas lalong ipinukol ang atensyon sa akin. "Uh-huh. Nasabi nga niya," aniya.

Pinaglaruan ko ang hawak kong souvenir habang hindi makatingin sa kaniya. "Kami na," pabulong kong sabi.

Isa ang ngisi ang ipinamalas niya. "Nasabi na rin niya," masiglang sambit niya.

Napaangat ang aking ulo. "He told you already?"

She pursed her lips and rolled her eyes. "My twin is very proud. Kilala mo naman iyon. This morning, I was still sleeping when he barged into my room. Nagsisisigaw siya tungkol sa inyong dalawa. Ginising niya ako para lang sabihin na kayo na," kwento niyang ikinainit ng pisngi ko.

Tinapik ko ang magkabila kong pisngi. Napanguso na lang ako kay Celine. "Okay lang ba?"

"What? Are you seriously asking me that? Siyempre okay lang! You'd be my real sister when the two of you get married!" she exclaimed.

Nanlaki ang mga mata ko. "Celine, kasal agad? Kayo muna ni Vans."

"Darating din kayo riyan. If I know, pinaghandaan na ni Conrad 'yan, matagal na," pahayag niyang mas lalong ikinainit ng pisngi ko.

We finished everything until it was dinnertime. Kasama namin ang lahat sa hapag kainan. Their father is also with us. Si Lola Encar naman ay sobra na ang pag-aasikaso sa akin. I could tell that Lola Encar also knows what's going on already. Sa mga tingin niya sa amin ni Conrad ay malalaman mong may alam na siya. Kung sinabi na ito ni Conrad kay Celine, marahil nasabi na rin niya ito sa kanila.

Celine and I went to her room afterwards. Wala pa ulit kaming maayos na usap ni Conrad. Kanina, bukod sa lola niya, naging maasikaso rin siya sa akin na mahahalata talagang may namamagitan na sa aming dalawa. Hindi ko naman siya pinigilan. Sa totoo lang, gustong gusto ko ang pag-aasikaso niya.

Humiga si Celine sa gitna ng kaniyang kama at naging abala na sa kaniyang phone. Siguro ay kausap na niya si Vans. Nakapagpalit na kaming dalawa ng pantulog. Pero sa pwesto niya, hindi naman ako makakahiga roon.

"Sorry, Elaine, pero hindi ka rito matutulog," napanganga ako sa sinabi niya.

"Huh?"

"I just received a message from Conrad. Pumunta ka na raw sa kwarto niya."

"Ano? Ayoko nga!" bulalas kong hindi makapaniwala.

Humagalpak ng tawa si Celine. May tinipa siya sa kaniyang phone habang patuloy sa pagtawa.

"'Wag mo na raw hintayin na sumugod siya rito para dalhin ka dun," aniya sa akin at ipinakita pa ang screen ng phone kung nasaan ang nakakalokong mensahe ni Conrad.

"Celine, hindi ako roon matutulog. Kung hindi ako rito, uuwi na lang ako," pilit kong nag-iinit na sa hiya.

Nagkibit balikat siya. Bumalik siya sa pagtitipa sa phone. Maya maya lang ay nakakarinig na ako ng mga yabag sa labas.

"Celine!" nanggigigil kong sambit. Tumakbo ako sa kabila ng kama, malayo sa pinto upang makapagtago. Pero huli na ang lahat dahil nakapasok na ang sumusugod na si Conrad.

"Rinig na rinig ka sa labas, Elaine. Maririnig tayo nila lola kung maingay ka," sambit niyang hindi man lang nahihiya.

Ano ba ito?

Hanggang sa naalala ko ang sinabi niya kanina sa kotse.

"I told you. Hindi ako papayag na matutulog ka doon sa inyo kasama ang lalaking iyon. You'd stay here, with me," seryosong sambit niya. Kinumpirma lang niya ang naisip ko! "Pwede na, 'di ba? Kasi boyfriend mo na ako?"

Napahilamos ako sa aking mukha. Sa kama ay tawa lang nang tawa si Celine habang ako ay matindi ang pagtanggi.

"Sasama ka o bubuhatin pa kita papunta sa kwarto ko?" banta niya sa akin.

Nasa magkabilang gilid kami ng kama ni Celine. Mariin siyang nakatingin sa akin habang ako naman ay pinandidilatan siya ng mata.

I thought of Lola Encar and their father. Kung mag-iingay ako ay maririnig nila kami.

"Why would I sleep in your room?" naghihisterikal na ako pero hanggang bulong lang ang kaya ko.

"Why not? There's nothing wrong about it. Matutulog ka lang naman doon." Akma siyang lalapit nang kamuntikan na akong mapasigaw. Ngunit naalala ko ang mga matatanda rito sa bahay.

Conrad was able to cross our distance in just matter of seconds. Wala na akong nagawa nang kunin niya ang kamay ko.

Celine was nodding her head like it was right to stay with Conrad tonight.

Nakalabas kami ng kwarto nang hindi siya naghihirap. Gusto kong magpapalag pero gaya ng sabi ni Conrad, hindi kami maaaring marinig nila Lola Encar at Tito Enrico. Katabi lang ng kwarto ni Celine ang kay Conrad kaya mabilis kaming nakalipat doon.

I was really frustrated as I enter the room but it faded when I saw a thick blanket and two pillows set on the floor.

"You'll be sleeping on the bed. Ako naman dito," turo ni Conrad sa kamang gawa gawa lang niya sa sahig.

Nawala ang mga hinaing ko kanina. Nanlambot ako bigla lalo na nang tingnan ko siyang naghahanda na para sa pagtulog niya. Pinagpag niya ang dalawang unan at nilapag doon.

"Matutulog lang naman tayo, 'di ba?" tanong ko sa kaniyan habang siya.

Bumaling siya sa akin. Naglakad ako patungo sa kama niya at naupo roon. I could still remember the first time I entered his room. He was sick that time.

"Bakit, may iba ka pa bang gustong gawin?" nang-aasar na tanong niya.

Binato ko sa kaniya ang nakuha kong unan. Hindi siya natamaan dahil nasalo niya iyon.

"Okay, okay," tinaas niya ang dalawang kamay bilang pagsuko. "Oo naman, matutulog lang tayo. It's just our first day Elaine. Wala pa ngang twenty-four hours nung naging girlfriend kita. Sa susunod na lang natin gawin 'yon," akala ko ay seryoso na siya pero ayun ulit pagbibiro niya.

Isang unan ang kinuha ko at akmang ibabato sa kaniya nang agawin niya iyon sa akin. "Mukhang magiging under ako sa'yo," natatawang asar niya.

Huminga ako nang malalim at inintindi na lang na lokoloko ang boyfriend ko.

Pero hindi ko napigilan ang ngiti ko sa isiping iyon. Boyfriend and girlfriend, that's what we call each other now, a happy thought came to me.

"Kung matutulog lang tayo," simula ko kahit na hindi ko alam kung tama ba ang sasabihin ko. "Baka pwedeng dito ka na rin sa kama mo. Nakakahiya naman kasi sa'yo." Sinubukan kong maging normal ang tono ko.

Conrad, though, being the annoying person that he is even before, agreed without thinking twice. Ni hindi man lang niya ipinakita sa akin na nag-aalangan siya sa suhestiyon ko. Niyakap niya ang unan na naagaw niya sa akin kanina at humiga sa kama. Hinala pa niya ako patungo sa kaniya at sumiksik sa akin.

"If you insist, why would I not agree?" aniya at niyakap ako nang maigi.

Ilang segundo akong nanahimik lang ngunit unti unti ko rin siyang niyakap. I could feel his rapid breathing. Ako rin, Conrad, kinakabahan rin ako sa pwesto nating ito.

But I tried my best to calm myself because I had something to say.

"Mahal na mahal kita, Conrad..." I mumbled while burrying my face to his chest. "I'm so sorry if I hurt you. Sa mga panahong wala ako, ikaw lang, Conrad. Ikaw lang ang minahal ko," pag-amin ko sa tunay na nararamdaman ko.

Mas niyakap pa niya ako ng mahigpit. "Same, Elaine. Ikaw lang din," he whispered to me. "I am so sorry, too, for hurting you. Sobrang pinagsisisihan kong sinaktan din kita. But please, do not forget this one thing that I will tell you. Ikaw lang ang babae rito," tinuro niya ang kaniyang puso. "Ikaw lang ang babaeng minahal ko at mamahalin ko. But if you forget about it, I'm willing to repeat it to you over and over again. I love you, Elaine... I love you so much."

Inangat niya ako upang tingnan ako sa mukha. Maraming emosyong kaakibat ang kaniyang mga mata. Ngunit sa lahat ng iyon, nangingibabaw roon ang mga huling salitang sinabi niya.

Nakatitig lamang kami sa isa't isa hanggang sa marahan niyang inilapit ang mukha patungo sa akin. Natapos ang distansya hanggang sa naramdaman ko ang marahang pagdampi ng mainit niyang labi sa akin.

Marahang halik ang iginawad niya sa aking labi. Hindi siya nagmamadali at may pag-iingat. Humiwalay siya pagkatapos ng ilang segundo.

Mapungay ang mga mata niyang nakadirekta sa akin.

"The past might have hurt us but without it, who knows if this could have happened," kinagat niya ang kaniyang labi. He was staring intently at my lips until his eyes looked at mine. "Let it be a lesson for the both of us. What matters is we continued loving each other all those years and we didn't lose it. Hanggang ngayon, ngayong kasama kita, Elaine, mas minamahal pa kita," sambit niyang nagpalambot at yumakap sa aking puso.

Ipinaubaya ko ang lahat kay Conrad. Tama siya. No one knows what would happen before when I left him but right now is what's important. Ngayon na magkapiling na kaming muli.

At ipinapangako ko na hindi na ako muling mawawala. I would stay with him for the rest of our lives. Pinipili kong makasama si Conrad habang buhay. Kahit na dumating ang panahon na siya ang mawala, hahanapin ko siya upang magkasama muli kaming dalawa. I would never let him go. Hindi ko na siya isusuko. Hindi ko na siya iiwan pa. 

Continue Reading

You'll Also Like

4.6K 250 44
The epitome of beauty and grace- Gabriella Venice Valentina, was devastated because she was deserted by a man, who loves no one but himself. Slowly...
34.5K 1.7K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
12.6K 541 56
Persephone Duavis is a quiet person. You leave her alone on a couch and she will remain there, her mouth closed for hours. She finds solace in solitu...
30.8K 988 52
"You're not the only one who was shackled to her own melancholia. I was trapped too... before." Astra and Axon Filipino Story Contains matured conten...