Reclaim The Game (COMPLETED)

By beeyotch

15.1M 585K 456K

(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 21

254K 11.3K 16.4K
By beeyotch

#RTG21 Chapter 21

"Sienna..."

"Opo, Nay?"

"Patulong naman ako dine sa niluluto ko..."

Agad akong pumunta sa kanya, at tinulungan siyang ayusin iyong mga panggatong. Malapit na rin kasing umuwi si Tay mula sa bukid. Kailangan pagdating niya, naka-handa na iyong hapunan para hindi na siya magutom... Kung ako nga lang ang masusunod, dito na lang sana rin siya sa bahay... Kaya lang sabi nila hindi daw ako pwedeng magtrabaho... Sabi ni Nay, naaksidente daw ako kaya wala akong maalala...

Alam ko lang, Sienna iyong pangalan ko.

Gusto ko pa sanang magtanong ng iba kaya lang parang hindi nila gustong sumagot... Hindi na lang ako nagtanong... Mahirap na kasi baka sumama pa ang loob nila... Matanda na silang dalawa... Mabuti na lang din na nandito ako para may magbabantay sa kanilang dalawa...

Kumakanta si Nanay habang naghihiwa siya ng gulay. Nandun lang ako at nagpapa-apoy para kumulo na iyong tubig. Nang matapos kaming magluto, sakto na dumating si Tatay. Malungkot iyong mukha niya.

"Ano'ng problema, Tay?" tanong ko. Hindi siya sumagot. "Iyong sa lupa pa rin?" muling tanong ko, pero wala siyang naging sagot. "Gusto mo puntahan natin sa bayan, Tay?"

"Nako, tumigil ka d'yan, Sienna. Maghain ka na at kakain tayo," mabilis na sabi ni Nay.

"Sayang naman kasi, Nay. Pera rin iyon," pagtatanggol ko... Napilitan si Tay na ibenta iyong lupa rito dati kasi may dalang baril iyong mga gustong bumili... Wala naman na silang nagawa kasi ano nga ang laban nila? Sabi naman nila tatay magiging maayos din... May mga ka-nayon daw kami na pumunta sa Maynila para mag-aral ng batas... Doon na lang daw kami umasa.

Pero kailan pa 'yun?

"Problema ng mamatanda iyon, Sienna," sagot niya sa akin. "Kumain na lang tayo at lalamin iyong kanin."

Hindi na lang ako nagsalita.

Bahala na.

Basta pupunta ako sa bayan bukas. Kakausapin ko iyong makapal ang mukha na pamilya na gumawa nun. Hindi naman porke mayaman sila e gagawin na nila 'yun! Hindi ako matalino pero maling-mali naman na ibenta iyong hektaryang lupa sa limang daang libo lang! Tapos hulugan pa! Tapos kapag sinisingil, ang daming dahilan!

Nang matapos kami sa pagkain ay si Nay iyong naghugas ng plato. Nagpunta si Tay sa labas at naupo habang naka-tingin sa langit. Kahit mula sa malayo, rinig na rinig ko iyong buntong-hininga niya.

Pupunta talaga akong bayan bukas.

Maaga akong natulog. Nang magising ako ay agad akong nagpa-init ng tubig para sa kape ni Tatay. Nagwalis din ako sa bakuran namin. Pagkatapos nun ay nagsabi ako kay Nay na doon lang ako sa kapitbahay namin...

"Sa bayan nga po," sabi ko roon sa tricycle driver. 'Di ko masyadong kabisado iyong bayan kasi minsan lang ako naka-punta roon. Nung una, 'di ako pinapayagan kasi kailangan ko raw magpa-galing. Nung mga sumunod, pumupunta kami kapag may okasyon. Gustung-gusto ko na ngang tumakas kaya lang kinakabahan ako palagi dahil baka atakihin si Nanay sa puso kapag naging pasaway ako.

Pagdating ko sa bayan, bigla akong kinabahan kasi 'di ko alam kung saan ako magsisimula. Dapat pala tinanong ko muna kay Tatay kung saan dito naka-tira iyong walangyang pamilya na 'yun! Ke yaman-yaman na e nagagawa pang manlamang sa kapwa! Ibang mayayaman talaga e mga sakim!

"Pwede pong magtanong?"

"Ano 'yun?" sagot sa akin ng ale.

"San po iyong bahay ng mga Cantavieja?"

"Medyo malayo rito," sagot niya.

"Ayos lang po," sabi ko. Kailangan ko na talagang pumunta ngayon doon dahil hindi ko alam kung makaka-alis ba ako bukas... Baka nga ikulong ako ni Nanay mamaya kapag umuwi ako, e. Ayaw na ayaw niya kasing pupunta ako sa bayan, lalo na kapag mag-isa siguro ako. Pero 'di na kasi ako papayag na ganito! Imbes na magamit na iyong pera, parang tanga pa si Tatay na nagmamakaawa!

Sinaulo ko iyong sinabi sa akin nung babae. Medyo malayo pa nga talaga sa bayan iyong bahay ng mga Cantavieja... Sabagay... Sila raw iyong pinaka-mayaman dito sa lugar namin, e... Mayaman nga pero mga ganid naman.

"Salamat po," sabi ko sa ale nang matapos siya sa pagsasabi sa akin nung daan.

"Pupunta ka ba roon ngayon?" Tumango ako. "Hoy!" sigaw niya roon sa isang lalaki. "Isabay mo nga ito, pupunta raw sa mga Cantavieja," pagpapatuloy niya. Medyo napa-atras ako nang tignan ako nung lalaki mula ulo hanggang paa. "Umayos ka, ha, Berto! Kapag may nangyari dito sa babae, ako hahatak sa 'yo sa presinto!"

Napa-kamot sa ulo iyong lalaki. Ngumiti at nagpasalamat ako roon sa ale bago ako sumunod doon sa lalaki. Sumakay ako sa likod nung sasakyan. May mga katabi pa akong gulay. Baka nagdeliver sila sa palengke. Tsk. Ang laki-laki na nga ng lupa nila, tapos binibili pa nila iyong mga lupa sa paligid... Mga sakim talaga.

"Ayun na," sabi nung lalaki nang biglang huminto iyong sasakyan. Napa-tingin ako sa tinuro niyang direksyon. Napa-awang iyong labi ko nang makita ko kung gaano ka-laki iyong bahay... Mayaman nga! Pero sakim pa rin! Sigurado ako na marami na silang pera, pero nagagawa pa rin nila 'to!

Nagpasalamat ako sa lalaki bago ako naglakad papunta sa bahay ng mga Cantavieja. Hawak-hawak ko iyong pinirmahan ni Tatay na dokumento. Sabi ni Nanay, naka-graduate daw ako ng kolehiyo... Kaya siguro naiintindihan ko iyong mga naka-sulat sa dokumento nung binasa ko...

Basta alam ko, mali 'yung naka-lagay dito.

Hindi lang maka-angal sila Tatay dahil hindi sila nakikinig sa akin kahit ipaliwanag ko na may habol kami... Siguro dahil elementarya lang iyong natapos nila. Pero naka-graduate naman daw ako... Bakit ayaw nilang maniwala sa akin?

"Magandang umaga po," bati ko sa unang babaeng naka-salubong ko. Ngumiti lang din siya sa akin. "Nandyan po ba si Ma'am Isobel Cantavieja?" tanong ko... Sabi kasi ni Tatay, mas madali raw kausap iyong babaeng asawa...

"Sino po kayo?"

Bigla akong kinabahan. Baka hindi ako papasukin kapag nalaman na magrereklamo ako tungkol sa katagalan at kakulangan ng bayad nila sa binili nilang lupa sa amin...

Hindi agad ako naka-sagot.

Ano'ng sasabihin ko?

"Ano po—" sabi ko, pero bigla akong natigilan nang sumigaw iyong babaeng nasa pinto. Naka-tingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata. Ilang beses siyang kumurap bago siya sumigaw ng—

"Sancho!" malakas niyang sigaw na medyo napa-pikit ako dahil sa lakas. Tumingin siya sa kausap ko. "Papasukin mo siya. Dalan mong merienda. 'Wag mong papaalisin!" sabi niya tapos ngumiti sa akin.

"Kilala mo po ba ako?" tanong ko sa kanya. Kaibigan ko ba siya dati? Bakit ganoon na lang ang reaksyon niya ng makita ako? Kung kaibigan ko siya, pwede kaya akong magtanong tungkol sa buhay ko dati? Wala kasi talaga akong maalala bukod sa mga sinasabi sa 'kin nila Nanay...

"Not exactly..." sagot niya sabay ngiti. Tumingin siya sa likod. "Hanapin ko lang Kuya ko, okay? Sa loob ka muna!" sabi niya sabay takbo pababa ng hagdan.

Napa-kunot na lang ang noo ko.

Sinamahan ako nung babae papasok sa bahay. Tumingin lang ako sa paligid. Grabe... Ibang-iba talaga ang buhay ng mayayaman... Samantalang ako, masayang-masaya na kapag may cake sa birthday ko...

Tahimik akong naka-upo. Binigyan ako ng pagkain. Hindi ko ginalaw. Nakaka-hiya naman kasi.

"Who are you?"

Bigla akong napa-tayo nang may marinig akong boses. Hindi ako sigurado kung sino siya, pero malakas ang pakiramdam ko na siya iyong Mrs. Isobel Cantavieja na sinasabi ni Tatay... Mas madali raw 'tong kausap kaysa sa lalaki... Sana naman pumayag siya...

"Good morning po, Ma'am," sabi ko.

"Good morning," sagot niya. "Sino'ng nagpapasok sa 'yo rito?"

"Yung anak mo po yata, Ma'am..." sabi ko. "Iyong magandang babae po... Sabi niya rito muna po ako, at tatawagin niya iyong Kuya niya..."

Naka-kunot pa rin ang noo niya. Mabilis kong kinuha iyong dokumentong hawak ko. Pagkaka-taon ko na 'to!

"Ma'am, nandito na rin po kayo, gusto ko lang po sanang makipag-usap tungkol sa lupang binili niyo sa tatay ko," sabi ko sabay buklat nung papel na hawak ko. "Alam ko po, Ma'am, na napirmahan na ng tatay ko... Pero sabi niya rin po sa akin na may mga dalang lalaking may baril iyong abogado niyo nung nagka-pirmahan... At hindi man lang daw po pinaliwanag sa tatay ko iyong pinipirmahan niya... Hindi po ako maalam sa batas masyado, pero alam ko naman po na maling-mali iyon... Hindi po ba iyon 'yung tinatawag na intimidation?"

Mas lalong kumunot ang noo niya.

"I told you, she's here!"

Bigla kaming napa-tingin sa pinanggalingan ng malakas na boses. Nandun iyong babaeng kausap ko kanina... At may isang lalaki. Naka-tingin siya sa akin, naka-kunot ang noo at unti-unting lumalaki ang mga mata...

Kilala ba nila akong magkapatid?

"Ma'am—"

"Lyana."

"Ma'am, baka naman pwedeng pag-usapan," sabi ko kay Ma'am. "Ayaw po namin ng gulo pero—"

"Lyana," muling sabi nung lalaki. Nasa nanay niya lang iyong tingin ko, pero napilitan akong tumingin sa kanya nang maramdaman ko iyong paghawak niya sa braso ko.

"Sandali lang po," sabi ko sa kanya. "Kakausapin ko lang po iyong nanay mo—"

"No. I want to talk now," sabi niya.

"Pagkatapos—"

"What do you want from her?" tanong niya sa akin.

"Ito," sabi ko sabay pakita nung dokumento. "Gusto ko sanang makipag-usap—"

"Consider it done," sabi niya bigla kaya naman nanlaki ang mga mata ko. "Now, can we talk?"

"Talaga? Ibig sabihin, pumapayag na kayong makipag-usap na baguhin iyong presyo at bayaran na agad?"

Tumango siya.

"Sancho!" biglang sabi ng nanay niya.

Biglang kinuha ni Sancho iyong dokumento at mabilis na pinasadahan ng basa. Tumingin siya sa nanay niya. "Ma, you know this contract won't hold if brought in court. Call your lawyer and fix this," sabi niya at saka tumingin sa akin. "Tara."

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong hatakin. Hindi ako makapagsalita dahil ramdam na ramdam ko iyong tingin sa akin ng mga nagta-trabaho sa bahay nila.

"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko sa kanya.

Bigla siyang napa-hinto.

"Lyana," sabi niya.

"Sienna ang pangalan ko."

"What?"

"Kaibigan ba kita dati?" tanong ko sa kanya. Mas lalong kumunot ang noo niya. "Pasensya ka na... Wala talaga kasi akong maalala... Pero kung kaibigan kita dati, pwede mo ba akong kwentuhan?"

Sana kilala nga niya ako! Ang dami kong gustong malaman! Para kasing hindi ako makapaniwala kina Nanay, e. Nung una sabi nila graduate daw ako ng education... Tapos biglang naging HRM... Pero pakiramdam ko wala naman akong interes sa pagtuturo sa mga bata o sa HRM...

Hindi ko lang talaga sila matanong kasi tuwing ginagawa ko, sumisikip iyong dibdib ni Nanay...

"Are you fucking kidding me..." mahinang sabi niya.

"Grabe ka naman!" nabiglang sabi ko. Bakit niya ako minumura?! Nagtatanong lang naman ako!

Nakita ko kung paano umigting ang panga niya at kung paano siya napa-suklay sa buhok niya gamit ang daliri niya.

"I'm sorry," sabi niya. "Do you mean... wala kang maalala?"

Tumango ako. "Naaksidente raw iyong sinasakyan ko nang pauwi ako rito sa Isabela..."

"Fuck—" sabi niya sabay napa-hinto. "Sorry."

Tumingin ako sa kanya. "Kilala mo ba ako?"

"Wala kang malala?"

"Oo nga."

"Sienna ang pangalan mo?"

"Baka ikaw ang may amnesia? Kakasabi ko lang, e..." Ang hirap naman nitong kausap. "Baka nalimutan mo iyong sinabi mo kanina! Nangako ka na na aayusin niyo iyong sa lupa namin!"

Tumango siya. "Yeah, yeah," sabi niya. Tinaas niya iyong kamay niya at hahawakan sana ang mukha ko kaya lang ay mabilis akong napa-atras. "I'm sorry."

"Kilala mo muna ba ako? Bakit ka ganyan?"

Ilang segundo ang lumipas. Naka-tingin lang talaga siya sa akin na parang hindi maka-paniwala... Sana kilala niya ako... Ang hirap ng walang maalala... Hindi ko naman maiwan sila Nanay... Matanda na talaga sila at walang kasama...

"Kailan ka naaksidente?" tanong niya.

"Matagal na, e..." sagot ko. "Siguro mga apat na taon?"

"Saan?"

"Hindi ko tanda... Sabi lang ni Nanay pauwi na raw ako galing sa school. Sa Maynila daw ako nag-aral, e! Sayang nga, nandun ata mga kaibigan ko! Wala lang akong number nila... Sayang wala rin nga pala akong cellphone."

Napa-tigil ako sa pagsasalita nang makita ko kung gaano ka-lalim iyong tingin niya sa akin... para bang hindi na siya humihinga.

"Ah, eh... kilala mo ba ako?" muling tanong ko.

"I... I don't know," sagot niya habang naka-tingin sa akin na parang pinag-aaralan iyong bawat sulok ng mukha ko. "I seriously don't fucking know anymore."

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 78.4K 18
(Yours Series # 3) Kelsey Fuentes thought that after her failed experience in marriage, she would never dare try again. She was contented with her wo...
6.6M 135K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
1.9M 87.2K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
30.1K 508 5
This whole story is just a product of my overactive imagination. Because no one can stop me from thinking.