THE REAL HEIRESS #Wattys2015

By Whroxie

15M 326K 20.3K

More

Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
Dear Readers
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
Final Chapter- 04-02-15
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
Author's note
Special Chapter 2
Honeymoon

CHAPTER 20

176K 3.8K 272
By Whroxie

Hacienda Brizalde:

"Hi everyone!  Pasok kayo." Magiliw na sabi ni Donya Solidad. Nandito ngayon ang pamilya Montillo sa Hacienda Brizalde,  sila naman ang inimbitahan ng mga ito.

Kasama din ang mga kaibigan ni Khielve pati na rin si Kyrene.

"Hi Solidad! Ang tagal na panahon, ngayon nalang uli ako nakapunta dito." Sabi ni Donya Clara.

Si Donya Clara, Donya Solidad at Lola Marisol ni Kyrene ay matatalik na magkaibigan nung kabataan nila. Kasambahay si Marisol ng pamilya ni Donya Solidad. Pero nagalit si Donya Solidad sa lola ni Kyrene dahil sa isang lalaki na si Fausto Cruz ang lolo ni Kyrene na kasintahan ni Donya Solidad noon at naging asawa ni Lola Marisol.

Iniwan ni Donya Solidad si Fausto dahil mas gusto nitong tuparin ang pangarap nito at magaral sa ibang bansa.

Dahil kaibigan din ni Fausto si Marisol nahulog ang loob nito sa matanda. Sinubukan nitong layuan si Fausto dahil na rin sa respeto sa kaibigan pero ayaw nitong tumigil sa pagsuyo sakanya hanggang sa nahulog na rin ang loob ni Marisol kay Fausto. 

Umuwi si Donya Solidad at nalaman nitong magkasintahan na at ikakasal na ang dalawa. Kaya nagalit ito ng husto sa dalawa pati na rin sa buong pamilya nito. Nanirahan na lang ito sa Maynila at doon nagkaroon ng sariling pamilya. Napangasawa nito si Don leon Brizalde na anak ng may-ari ng Hacienda Brizalde. Kaibigan din nila ang pamilya nito.

Bumalik ito sa San Isidro ng mamatay ang asawa nito. Pero hindi kasama ang anak nitong si Vincent na nag aaral sa Maynila. Laging pinagiinitan nito ang Lola at Lolo ni Kyrene kaya ito nalang ang nagdesisyon na umalis at tumira sa San Joaquin.

Bumalik sila sa San Isidro ng mamatay ang lolo ni Kyrene at kakapanganak palang ni Kyrene noon.

"Hi Kyrene!" Bati ni Jelian.

"Hello, ang ganda mo naman." Sabi ni Kyrene. Nahiya naman si Jelian sa sinabi nito.

"Thank you, ikaw din ang ganda mo at nakakatuwa ka." Sabi ni Jelian.

"Hi guys, kasama ka pala Kyrene." Sabi ni Yasmine na lumapit sakanila.

"Oo, kung asan si Khielve nandon siya." Si Zion ang sumagot.

"Of course, P.A siya ni Khielve eh, dapat lang naman yun. Right Kyrene?" Yasmine said and smile sweetly.

"Oo" Simpleng sagot ni Kyrene at ngumiti din.

"Khielve diba magaling ka tumugtog ng piano? Can you play for us?" Sabi ng mommy niya dahil may nakita itong black piano sa may hagdan.

"Mom wag na." Tanggi ni Khielve.

"Sige na son... Alam niyo ba, napakahusay niya tumugtog ng piano at magaling kumanta." Mrs. Bettina says.

"C'mon grandson! Play for us." Pangungumbinsi ni Donya Clara.
"Sige na Khielve let's go." Hinatak ito ni Yasmine papuntang piano kaya wala na itong nagawa pa. Napakamot nalang ito ng ulo. Sumunod sila Kyrene at tumayo sa di kalayuan. Umupo si Khielve sa may piano at tumabi si Yasmine dito.

Bago nagsimulang tumugtog tumingin muna ito sa gawi nila Kyrene. Kay Kyrene actually, ngumiti ito kay Kyrene, ngumiti din si Kyrene.

Nagsimula itong tumugtog. Napaayos ng tayo si Kyrene ng magsimula ito dahil Forevermore ang tinugtog nito. Lalo nung kumanta pa ito.

Forevermore:

There are times................... When I just want to look at your face.......................... When the stars and the night There are times................. When I just want to feel your embrace............................... And the cold of the night .......... I just can't believe that you're mine now

Tumingin si Khielve kay Kyrene habang kumakanta ito. Napahawak si Kyrene sa dibdib niya habang nanonood ito kay Khielve.

Ang galing pala niyang kumanta ang ganda ng boses. Parang kaboses siya ni David Archuleta. -Sa isip ni Kyrene.

You were just a dream that I once knew................................. I never thought I would be right for you.............................. I just can't compare you with anything in this world.......... You're all I need to be with you forever more

Khielve just kept his eyes on her as he played and sang. Tumingin si Yasmine kay Khielve na katabi nito at tumingin sa tinitignan nito. Si Kyrene ang nakita nito na nakatitig din kay Khielve.

Para namang dumagundong ang dibdib ni Kyrene ng kindatan pa siya nito habang kumakanta.

Inakbayan ni Zion si Kyrene at bumulong.

"Ang galing niya kumanta no? Nakaka in love." Zion whispered.

"Oo, nakaka in love." Wala sa loob na sambit ni Kyrene habang nakatingin kay Khielve.

"Huli! In love ka na. Haha!" Sabi ni Zion sa mahinang boses at tumawa ng mahina. Napatingin si Kyrene dito.

"Hindi ah! Pasaway ka." Sabi ni Kyrene. Natapos ang pagkanta ni Khielve na hindi inalis ang mata nito kay Kyrene. Kabisadong-bisado naman nito ang keyboard ng piano kahit hindi ito nakatingin.

Nagpalakpakan ang mga nandun.

"Ang galing mo Khielve." Sabi ni Yasmine.

"Thank you." Tipid na sagot niya at ngumiti. Tumayo si Khielve at lumapit kung saan sila Kyrene. Medyo sumimangot si Yasmine.

"Ano Kyrene okay ba yung pagkanta ko?" Tanong agad ni Khielve.

"Oo ang galing mo pala." Sabi ni Kyrene.

"Nakaka in love nga daw sabi ni Kyrene." Sabi ni Zion. Tumingin si Kyrene kay Zion.

"Hindi ah! Wala akong sinabing ganyan." Agad na tanggi ni Kyrene.

"Weh! Sabi mo eh. Totoo bro." Paggigiit ni Zion.

"Hindi!" Sabi ni Kyrene.

"Umamin ka na Kyrene. Nakita kita kanina nakatingin sakin eh." Sabi ni Khielve na ngiting-ngiti.

"Sabi ko kay Zion, nakaka in love yung song. Favorite ko yun diba?" Sabi ni Kyrene.

"Ikaw ah! Sabi mo baduy yung song. Tapos, yun ang tinugtog at kinanta mo." She added.

"Favorite  ko din yun, yun ang favorite ko sa mga love song." Sabi ni Khielve.

"Lunch is ready!" Ms. Diana declared. Ms. Diana is an assistant of Ms. Margarita Brizalde. She prefers 'Ms.' For her profession.

Sumunod naman ang lahat dito sa mahabang dining table sila lahat. Nag simula silang kumain.

"I heard Yasmine, you'll launch your new collection?" Mrs. Bettina asks.

"Yes tita, actually isasabay ko po yun sa 18th birthday ko. Fashion show po ang theme na gusto ko. Sana po makapunta kayo. Specially you, Khielve." Yasmine says at tumingin kay Khielve.

"Sure! Kelan ba yun?" Khielve asks.

"On 2Oth of July." Napatingin dito si Kyrene.

Parehas kami ng Birthday. - sa isip ni Kyrene.

"You know what?I am very, very proud to my grand daughter. She's very good in fashion design. And magiging magaling din siya sa business. Despite her young age, her boutique was very successful." Proud na proud na sabi ni Donya Solidad.

"Well, mana lang ako sayo lola. Parehas tayong magaling." Sabi ni Yasmine.

"Talagang sa lola mo ikaw nagmana, hindi sakin?" Tanong  ni Ms. Brizalde.

"Of course mommy! Mana din ako sayo. Kaya magaling ako sa fashion and we're both gorgeous." Yasmine said and smile sweetly. Natawa lang ng mahina ang iba.

"Kyrene hija! Alam mo magaling ka rin mag design. If you want hija, gumawa ka ng portfolio ng mga design mo, then ibigay mo sakin, baka pwede natin isama sa collection namin." Ms. Brizalde says. Nagliwanag naman ang mukha ni Kyrene sa narinig.

"Talaga po!?" Hindi makapaniwalang sabi ni Kyrene pero punong-puno ng saya at pagasa sa boses niya.

"Yes of co--"

"Margarita!  Hindi niya kakayanin yun. Masyado pang siyang baguhan for fashion design. Si Yasmine nga hindi niya na gawa yun eh, kinailangan mo pa siyang turuan at nagaral pa siya to make everything is perfect. Eh si Kyrene hindi naman nakapagaral o wala man lang nag turo sakanya." Sabi ni Donya Solidad.

"Opo tama nga po. Baka makasira lang po sa collection niyo." Sabi ni Kyrene na may bahid ng lungkot. Tumingin si Yasmine kay Kyrene, si Khielve rin tumingin dito.

"See, kahit siya alam niya... Alam mo ba Kyrene na maid namin ang lola mo noon?" Donya solidad says. Tumingin si Kyrene sa donya.

"Opo!" Tipid na sagot.

"Uhm. Margarita, bakit hindi niyo na nasundan si Yasmine?" Pagiiba nalang ni Donya Clara sa topic dahil napansin nito na parang iba ang pakikitungo ng donya kay Kyrene.

"Naku! Hindi na namin nasundan talaga si Yasmine. After kung manganak sa twins nag ka'komplikasyon ako, kaya hindi na ako pwede pa magbuntis uli." Margarita explained.

"Twin!?" Bettina says.

"Yeah, may kambal siya. Pero namatay siya." Margarita says na biglang lumungkot ang mukha.

"Oh! I'm sorry." Mrs. Bettina apologies.

"That was 18 years ago. Matagal na rin, kahit paano pasalamat na rin ako kasi si Yasmine na balik samin after that incident." Margarita says at ngumiti na.

"What do you mean?" Bettina asks.

"Nawala siya sa hospital noon nung nagkasunog. Siguro isang oras palang after kung manganak nangyari ang sunog. Nawala siya sa nursery but after three days may lumapit na mag-asawa at sinuli siya samin. But her twin was died." Margarita explained.

"God! Grabe pala ang nangyari." Sabi ni Mrs. Bettina na medyo shock sa narinig.

"Yeah, para akong mamamatay noon. Hindi ko pa man sila nakikita noon, nawala na agad. Hindi ko man lang nasilayang buhay si Kelly." She added.

"At least we have Yasmine. Kahit papaano napunan niya ang pangunguli namin sa twin niya." Donya Solidad said.

"Yeah!" Tipid na sabi ni Margarita.

"Yasmine kung naiinip ka dito bakit hindi ka sumama kila Khielve minsan. Pwede mo ba siyang ipasyal minsan Khielve." Tanong ni Donya Solidad.

"Sure! Kelan mo ba gusto Yasmine?" Sagot ni Khielve at tumingin kay Yasmine.

"Anytime!  Maybe tomorrow." Yasmine says excitedly. Her face lit up.

"Then tomorrow. I'll pick you up." He said.

"Thanks" Yasmine says as she glances at him. The excitement plastered in her face.

Napatingin naman si Kyrene kay Yasmine at tumingin kay Khielve, tumingin uli kay Yasmine. Tumingin nalang uli sa pagkain niya at nilaro-laro ang pagkain na nasa plato.

"Hoy! Problema mo? Bakit ganyan ka kumain? " Bulong ni Khielve kay Kyrene dahil napansin nito ang ginagawa niya.

"Huh! bakit? Paano ba ako kumain?" Kyrene asks in her low voice.

"Hindi ka matakaw eh! Nahihiya ka ba?" Khielve asks.

"Hindi naman! Masyado lang sosyal ang pagkain, nasususka ako." She says.

"Ahahaha!" Medyo napalakas ang tawa ni Khielve kaya lahat ng mata nasa kanya. Siniko ni Kyrene si Khielve kasi parang siya ang nahiya sa pagtawa nito dahil sakanya.

"Sorry!" He apologized,  trying not to laugh.

"You know what son, you've changed a lot." Mrs. Bettina commented.

"What do you mean mom?" Tanong ni Khielve at tumingin sa mommy niya.

"Well, you always seem happy. Unlike when you were in Manila. Mukhang maganda ang epekto sayo ng probinsiya." Nakangiting sabi ng mommy niya.

"Yeah, maganda atmosphere dito. Very relaxing and makes me smile... Always." He stated, snapping his eyes at Kyrene.

"Woah! Atmosphere makes you smile bro? Magaling bang magjoke ang atmosphere na yan? Nakaka in love din ba yan?" Zion said and grinned, sabay tingin kay Kyrene. Napangiti nalang si Khielve at ang iba.

*****

"Hi Yasmine! Ready?" Nasa hacienda si Khielve at sinundo si Yasmine.

"Yeah!"Magiliw na sagot ni Yasmine. Agad tumakbo ito papuntang sasakyan sa may passenger seat pero hindi agad binuksan ang pinto, nag aantay ito na si Khielve ang magbukas.

Lumapait si Khielve at binuksan ang pinto sa backseat. SUV naman ang dala niya ngayon na sasakyan.

"Dito kana Yasmine." Sabi ni Khielve.

"Dito nalang ako sa unahan." Nakangiting sabi nito. Hindi na ito inantay na sumagot pa si Khielve, binuksan niya na agad ang pinto.  As soon as she opened the door, her smile disappeared instantly.

"Nandiyan ka pala Kyrene!?" Walang ka ngiting-ngiti wika nito.

"Hi Yasmine! " Kyrene greets her.

"Yasmine dito ka na sa likod." Sabi ni Khielve na nasa backseat parin. Sinarado nalang ni Yasmine ang pinto na walang kangiti-ngiti at pumunta sa likod.

"Hi Yasmine!" Sabay-sabay na bati nila Zion na kasama din. Pilit ang ngiting binigay nito sa tatlo.

"Kasama din kayo?" Tanong ni Yasmine.

"Yes  Yasmine!" Sabi ni Zion. Pumasok na lang si Yasmine at sinara ni Khielve ang pinto. Sumakay uli ito sa driverseat.

"Saan tayo Kyrene? "Tanong ni Khielve kay Kyrene.

"Doon tayo sa restaurant na mamimingwit ka ng isdang kakainin mo. Gusto mo ba yun?" Tanong ni Kyrene.

"Oo, mukhang okay yun." Nakangiting sabi ni Khielve at pinaandar na ang sasakyan.

" Close ba sila ni  Khielve?" Tanong ni Yasmine kila Zion. Tinutukoy nito si Kyrene at Khielve.

"Hindi lang close, close na close. Si Kyrene ang nagpapatibok na puso ni Khielve. Ahahaha!" Sabi ni Zion.

"Kaya nga lang basted. Ahaha!" Sigunda na Simon. Tumawa pa ang dalawa.

"Kayo nga tigilan niyo ako ah." Sabi ni Khielve na tinignan sila sa salamin.

"Wag kang mag alala bro. Hindi ka lang naman nag iisa, dalawa naman kayo ni Kenneth. Ahaha!" Sabi uli ni Zion na natatawa parin.

"What do you mean?" Tanong ni Yasmine.

"Parehas yan basted ni Kyrene eh." Sabi ni Zion.

"You mean nangligaw din si Kenneth? And si Kyrene ang girl na ng basted kay Khielve? Yung sa facebook na pinost niyo."

"Tumpak! Siyang-siya. Ang diyosa ng bukirin, ang nag iisang si Kyrene." Nakangiting sabi ni Simon.

Yasmine screams in her mind of disbelief. She rolled her eyes na hindi niya talaga mapaniwalaan ang mga narinig. Si Kyrene naman napayuko nalang sa hiya.

Narating nila ang restaurant na sinabi ni Kyrene. Bumaba silang lahat. Pumasok sila sa restaurant.

"Welcome to fishing restaurant ma'am, sir." The crew greets them politely and guides them towards the fishing area.

Binigay sakanila ang mga kailangan sa pag fishing. Sa may tulay sila pumwesto.

"Khielve can you teach me?" Sabi ni Yasmine.

"SURE" Sabi naman ni Khielve at lumapit dito. Sila Kyrene nagsimula ng mag fishing. Mga ilang saglit lang.

"Oh! May nahuli ako." Agad na inikot ni Kyrene ang fishing rod para umangat ang isda.

"Wow!galing mo Kyrene." Sabi ni Kenneth.  Telapia ang nakuha niya. Telapia at mga bangus lang naman ang isda dito.

"Ang laki." Nilagay ni Kyrene sa timba ang nakuha niya.

"Oh my god! Khielve look gumagalaw! Tulungan mo ako dali." Agad naman hinawakan ni Khielve ang fishing rod mula sa likod ni Yasmine kaya parang nakayakap si Khielve dito.

Nakita naman ni Kyrene ang itsura ng dalawa at tumatawa pa. Biglang sumimangot si Kyrene.

"Kyrene may nahuli ka uli!" Sabi ni Kenneth. Pero parang walang narinig si Kyrene na nakatingin lang sa dalawa.

"Hey Kyrene! May nahuli kang isda!" Nilakasan ni Kenneth ang pagtawag sakanya at bahagya siyang tinapik.

"Huh?!"

"You've caught a fish." Agad naman inangat ni Kyrene ang fishing rod pero wala na yung isda nakawala na. Nilagyan nalang uli niya ng pain.

"Wow! Ang galing mo Yasmine." Sabi ni Khielve dahil may nakuha uli si Yasmine. Pero si Khielve nasa likod parin ni Yasmine na halos nakayap na dito dahil nakahawak ang dalawang kamay sa fishing rod mula sa likod ni Yasmine.

Nakatingin lang si Kyrene sa dalawa na hindi na maipinta ang mukha. Wala sa loob na iniikot na pala niya ang fishing rod na hawak niya.

"Hoy Kyrene! anong ginagawa mo bakit mo inangat ang hook wala ka pa naman huli?" Tanong ni Simon. Tumingin sakanya si Khielve at ngumiti sabay tingin uli sa ginagawa nila ni Yasmine at nakipagtawanan pa.

Napatingin sila Zion sa tinitignan nito. Napangisi bigla si Zion at lumapit sa katabi ni Kyrene. Inakbayan nito si Kyrene.

"Kaya naman pala wala ka sa sarili eh. Nagseselos ka no?" Bulong ni Zion. Napatingin si Kyrene dito.

"Hindi no! Bakit naman ako magseselos?" Nakasimangot na sabi nito sabay tingin sa tubig.

"Umamin ka na halata ka!" Pangungulit nito.

"PWEDE BA ZION! Tigilan mo ako. Baka gusto mo ihulog kita dito, ikaw gawin kong pain sa mga isda." Napalakas ang boses ni Kyrene kaya napatingin sakanya ang lahat. Pati si Khielve at Yasmine tumingin sakanya.

"Hala! Nakakatakot palang magselos si Kyrene." Sabi ni Zion. Sinamaan siya lalo ng tingin ni Kyrene.

"Nakakatakot palang magalit. Hehe! Makaalis na nga baka sa tubig ako pulutin nito." Sabi ni Zion na iniba ang sinabi.

"Khielve may nahuli na naman ako. Ahaha!" Masayang masayang sabi ni Yasmine. Tinulungan naman agad ito ni Khielve. inangat nalang ni Kyrene ang  fishing rod niya dahil laging nakakawala ang nakukuha niya.

"Oh Kyrene! Saan ka na pupunta?" Tanong ni Kenneth.

"Ayaw ko na." Walang kagana ganang sagot ni Kyrene.

"Ayaw mo na Kyrene? Isa pa lang nakukuha mo ah." Tanong ni Khielve.

"Okay na to." Sagot ni Kyrene.

"Are you sure? Baka kulang yan sayo, lakas mo pa naman kumain..... Ikaw Yasmine okay na siguro to hindi ka naman malakas kumain diba?" Sabi ni Khielve habang nasa likod parin ito ni Yasmine.

"Kunin mo nalang tong isa Kyrene. Alam kong kulang yan sayo. Malakas ka kumain e--

"Pakialam mo ba kung malakas ako kumain! Paulit-ulit. BWESIT!!" Iritang sabi ni Kyrene kay Khielve sabay alis. Napamaang naman si Khielve at Yasmine  sa asal ni Kyrene.

"Anong problema nun?" Kunot noong tanong ni Khielve.

"Try to find out bro." Sabi ni Zion na nakangisi sabay alis na rin.

"Okay na to sakin. Hindi naman ako malakas kumain. Ahaha!" Sabi ni Zion at tumawa pa.

Continue Reading

You'll Also Like

11.1M 160K 41
Tigers #3 Adrian Buenavista
348K 10.8K 31
I was named the most cold blooded royal of the new generation in Cordonia. I was called names after names, cursed by many. I am the kind of guy that...
98.3K 3.4K 41
“Sabi nila, ang kalayaan daw ay katumbas ng kasiyahan. Ngunit paano kung matagpuan mo ang kasiyahan sa isang sitwasyong hindi ka malaya? Pipiliin mo...
19.4M 162K 73
One night with a total stranger. And fate brought them together once again. That's where their whirlwind romance started...