The Heiress and the Hoodlum

由 frozen_delights

1.3M 67.5K 11.6K

Tubig at langis? Masahol pa roon ang agwat ng katayuan nina Chantal at Jethro sa buhay. She wore and designed... 更多

Foreword
Trespassing
Talisayin
Ang Mga Boarders ni Andeng
Hawsmeyts
Kras
Banana Cue
Videoke
Jelly-Ace
Takot
Jelly Ace Ulit
Tampuhan Blues
Sa Isang Sulyap Mo
You're Making Me Kilig
Ang Mundo Ko
Pinagtagpo, Hindi Tinadhana
Bulong ng Damdamin
Mula Ngayon
Pag-ibig Ko'y Sa'yo
Kumander
Sana Nga'y Ikaw Na
Ikaw at Ako
Bagay Pala Tayo
Sa Gitna ng Panganib, Pag-ibig
Mahal kita, magtiwala ka
Pag-aalinlangan
Couple's Shirt
Bagong Labtim?
Bulaklak at Bubuyog
Sa Ilalim ng Buwan
Pulot at Gata
Singsing
Nagtatampong Puso
Harana
Tag-init at Tag-araw
Sakto Lang
Ikaw Lang
Ang Kabayaran
Pagpapasya
Wakas at Simula
Regalo
Basta't Kasama Ka
Unang Umaga
Kapalit ng Buhay
Ang Nag-aalburutong Bulkan
Ang Puso ng Hoodlum
Patawad, Paalam
Luha
Ate
Mga Lihim Ng Nakaraan
Panganib
Mga Taga-Efeso 5:15-16
Sa'yong Pagbabalik
Yakap
Biyahilo
Sayaw
Saradong Kabanata
Ugat ng Kasalanan
Kamatayan at Pagluluksa
Misteryo
Simula ng Magpakailanman
Huling Hirit

Alapaap

22.4K 1K 148
由 frozen_delights

Chapter Thirty-Four

KAYSA bumalik pa sa tabing-dagat ay dumaan na lang sina Jethro at Chantal sa malaking bahay. Nang kawayan si Jethro ng mga pinsan para tumagay ay nagtatanong ang tingin na nilingon ni Jethro ang kasintahan na tila humihingi ng permiso. Nakangiting tumango naman si Chantal. Wala rin naman silang mapupuntahan dahil may nagaganap na pribadong bagay malapit sa kubo. Nakipaghuntahan na rin ang dalaga sa mga naroroong kababaihan kasama si May Azon. 

Wala roon si Andeng at ayon sa tiyahin ay kasama na raw ito nina Manoy Dison at Marcy na lumipat sa kubo. Si Boogie naman ay kasama na naman sa kung saang harana. Napagtagni-tagni ni Chantal na kaya marahil sa labas gumawa ng milagro sina Marcy at Dison ay dahil nasa loob ng kubo si Andeng at malamang na gising pa. May kanipisan pa naman ang mga dingding, ang sahig lang ang concrete. Kung may gagawin ang mga ito sa loob ay tiyak na maririnig ni Andeng ang lahat. Ang lakas pa naman ng radar ng babae.

Mayamaya lamang ay nakita nila ang paparating na si Manoy Dison. Hindi niya ito magawang tingnan kaya nilingon niya ang kasintahan. Poker face si Jethro.

"Tagay, Manoy," anito.

"Saro lang. Papalaot ako mamayang madaling-araw."

"Ah, kaya pala meron kang baon."

"Baon?" tila nako-conscious itong nagpunas ng bibig.

"Kape. Narinig ko si May Azon na nag-utos magpalaga ng kape. Pambaon mo pala mamaya," kaswal na kaswal lamang ang pagkakasabi ni Jethro.

Namumula ang mukhang inabot ng lalaki ang basong may tagay na alak atsaka ininom.

Si Chantal ay napayuko na lamang at kunwari'y nag-check ng message sa cellphone para maikubli ang ngiti sa mga labi. Loko-loko talaga itong nobyo niya. Sa kanya naman ay balewala lang iyon. Pero naisip niya ang eskandalo kina Marcy at Dison kung nagkataong may ibang taong nakakita sa mga ito. Probinsya ang lugar na iyon at sinauna ang isip ng mga tao.

"Baka gusto mong sumama?" sabi nito kay Jet.

"Huwag na. Baka butanding ang mahuli natin."

Nagkatawanan ang mga ito sa tila isang joke na sila-sila lamang ang nakakaalam.

"Alam mo ba Chan-chan na 'yang si Jet ay may balat sa puwet?" tila lasing na pagbibida ni Pay Abel.

"Ibig niyang sabihin ay birthmark," paliwanag sa kanya ng nobyo.

"Birthmark in your butt?" hindi siya sigurado kung meron. Pero nunal ay alam niyang meron, malapit sa ulo ni Womb Raider.

"Kasabihan na kasi 'yon ng matatanda na kapag may balat sa puwet, malas sa mga lakad," natatawang paliwanag ni May Azon.

"Wala naman talagang balat 'yan sa puwet, nunal sa pisot igwa," 'ika ni Manoy Dison.

Naghalakhakan na naman ang mga ito.

"Ay iyo palan, ano?" ani Pay Abel.

Dahil nag-switch na sa dialect ng mga ito ang kanyang mga kausap, napapatanga na lang si Chantal. Nangingiti kahit walang masyadong naiintindihan. Tinakpan ni Jethro ang kanyang tenga habang iling nang iling ito sa mga kausap. May sinasabi kasi si Pay Abel na tila ayaw iparinig sa kanya ng nobyo. At nahulaan niyang kuwento iyon ng kabataan ni Jethro. Sa huli ay sinabi ni Manoy Dison na magkakasabay tinulian ang mga ito ng namayapang abuelo. Kaya sila-silang magpipinsan ay alam diumano ang pagkakaroon ng nunal ni Jethro sa pribadong parte ng katawan nito.

Pulang-pula ang mukha ni Jethro habang nagkakatudyuhan. Masaya talaga ang mga ganoong pagtitipon sa isang pamilya kahit maraming asaran.

Nang lumalalim na ang gabi ay kusa ng itinaboy ni May Azon ang mga pamangkin at mga anak na magsitulog. Sila ni Jethro ay nagpaalam na rin. Akbay-akbay siya ng nobyo habang naglalakad. Banayad pa itong humihimig ng kinanta kanina at manaka-nakang hinahagkan ang ibabaw ng kanyang ulo. Pagkatapos ay banayad siyang pinaikot nito at isinayaw. Napahalakhak siya. Kaya malakas ang loob nitong gawin iyon ay dahil wala ng tao sa paligid. They can dance like two fools in love and without a care in the world.

Nang marahan siyang higitin ng nobyo ay pinagdaiti nito ang kanilang mga noo. Hinagkan nito ang dulo ng kanyang ilong at pagkatapos ay ang kanyang mga labi.

"Mahal kita."

Ngumiti siya. 

"Mahal din kita," aniya habang nakatingala rito.

Muli siya nitong niyakap.

"You're drunk," aniya.

"Tipsy. Iligo ko lang 'to at wala na. Puwede na tayo maski hanggang umaga," pilyong nagtaas-baba ang mga kilay nito.

Nag-blush siya nang maunawaan ang sinabi nito. Nang yumuko ito at pasanin siya sa balikat ay muntik na siyang mapatili. Pigil ang bungisngis na tahimik silang pumasok sa kubo. Ang ilaw lamang sa balkonahe ang bukas kaya naisip nilang tulog na marahil ang mga kasama nila roon. Ibinaba siya ni Jethro at pagkatapos ay tahimik silang pumasok sa kanilang silid. Mabilis na naghubad ng pang-itaas si Jethro, kaagad na isinunod ang pantalon. Siya ay nakatanga lamang dito at pinapanood ito. Nang mapansin siya nito ay ngumisi ito at hinagkan siya sa labi.

"Maliligo muna ako, kumander. Mamaya mo na ako papakin."

"What's papa kin?"

"Aah," may ilang saglit itong nag-isip. "Hindi ko alam. Pero parang katulad lang 'yon ng gustong-gusto kong gawin sa'yo."

"What's that?"

Lumapit ito at ibinulong sa kanyang tenga ang sagot. "Ang kainin ka nang walang kasawa-sawa."

Parang sinilaban ang buo niyang mukha. At 'yong init na naramdaman niya sa kanyang pisngi ay parang apoy na binalot ang buo niyang katawan. Tila nangangako ng sanlibo't sanlaksang kaligayahan ang apoy sa mga mata ng nobyo. At nang sakupin nito ang mga labi niya sa napakainit na halik ay para siyang nalango sa lasa ng bibig nito. Sinipsip pa nito ang kanyang dila at pinanggigilang laplapin ang kanyang mga labi bago lumabas ng silid.

Napahawak siya sa namamantal na mga labi saka napangiti. Nag-alis siya ng lahat ng saplot sa katawan atsaka nagsuot ng robe. Dala ang kanyang toiletries at tuwalya, lumabas siya ng silid at sinundan ang nobyo sa banyo. Nang dahan-dahan niyang itulak ang pinto ay sumalubong sa kanya ang isang napakagandang tanawin. Jethro is in his birthday suit and soaping his skin.

"You need help, Jellyboo?"

Bago pa ito nakasagot ay dahan-dahan niyang hinubad ang suot na robe hanggang sa malantad dito ang kanyang kahubdan. Kaswal niyang isinabit sa hook na nasa likuran ng pinto ang robe at tuwalya. Naramdaman na lang niya na dumikit ang basang katawan ni Jethro sa kanyang likuran. Hinawi nito ang kanyang buhok at dumapo ang mainit nitong mga labi sa kanyang batok bago sabay na kinubkob ang kaumbukan ng kanyang mga dibdib.

Imboluntaryong umarko ang kanyang likuran at napahawak siya sa mga kamay ni Jethro na nakahawak sa dibdib niya. Humagod sa kanyang mga dunggot ang mga hinlalaki nito. Ang mga labi nito sa kanyang batok ay mabagal na umakyat sa kanyang leeg patungo sa likuran ng kanyang tenga. Para siyang kinuryente nang sungkalin nito ng dulo ng dila ang parteng iyon.

"Jellyboo, I-I need to take a bath, too," bagama't natatangay na ng ginagawa ng nobyo ay nag-aalala siyang baka amoy-pawis na siya.

"Sabay tayo," tugon nito saka inipit ng mga labi ang kanyang tenga habang patuloy pa rin sa paglamas ng kanyang mga suso.

Unti-unti ng naiipon ang nakakikiliting sensasyon sa pagitan ng kanyang mga hita. Inabot niya ang kanyang shampoo at naglagay sa magkabilang palad. Basa na rin lang ang buhok nito, itinaas niya ang kanyang mga kamay at ini-apply iyon sa sa ulo nito. She gently massaged his scalp habang ito naman ay ang kalambutan sa harapan niya ang minamasahe. Napapakagat-labi na lang siya para pigilan ang sariling mapahalinghing sa sarap.

Dahan-dahan siyang iginiya ni Jethro paharap sa lagayan ng tubig. Inabot nito ang tabo at paunti-unting binuhusan ang kanyang katawan. Malamig ang tubig ngunit hindi sapat iyon para matighaw ang init na umaalipin sa kanila ng mga sandaling iyon. Kinuha niya ang tabo mula rito at binanlawan ang buhok nito. Hinayaan lang siya nito habang ang dalawang kamay ay nakapalibot sa kanyang katawan. Nang matiyak na wala na iyong bula ay ang katawan naman nito ang binuhusan niya. Sinabayan niya ng hagod ng isang kamay ang pagbubuhos ng tubig dito. Para siyang nagpapaligo ng isang bata. Ang kaibahan lamang nito sa isang bata, may matigas na kalamnang nabubuhay sa katawan nito sa bawat hagod niya.

"Womb Raider is rock-hard solid," nangingiting wika niya. Parang may sariling isip ang kanyang kamay na hinagod iyon. And, oh, dear. It's throbbing against her palm.

Hinagod niya ng hinlalaki ang buhay na nunal malapit sa ulo ng pagkalalaki nito. Tila nahihirapang napaungol si Jethro.

"Am I hurting you, Jellyboo?" curious niyang tanong dito.

"Hindi. Ang sarap, ang sarap-sarap ng ginagawa mo," he cupped the side of her neck and kissed her deep and hard. It was as if he wants to suck the life out of her mouth. Her sweet, sweet mouth. He played with her tongue, brushing and sucking. Then biting and sucking.

Maliyo-liyo siya sa sarap. Isinandal siya nito sa dingding. Sa pagkakataong iyon ay tila may pagmamadali sa kilos nito. He shampooed her hair, rinsed it thoroughly and wrung the excess water from the strands. Every pore in her body felt tingly when he took the soap and started soaping her skin. Singhap at ungol ang namutawi sa kanyang mga labi habang sinasabon at dinadama nito ang maseselang bahagi ng kanyang katawan. Pagkatapos ay binuhusan siya nito ng tubig upang matanggal ang lahat ng bula.

Hindi na niya kinailangan ang tuwalya para tuyuin ang tubig sa kanyang katawan dahil ang mga labi mismo ni Jethro ang gumawa niyon. Pakiramdam niya ay unti-unti siya nitong dinadala paakyat sa alapaap.

"Jeeet..." natakpan niya ang bibig nang hindi mapigilan ang sarili sa pagdaing sa sobrang sarap ng ginagawa nito. 

He was branding every delicate inch of her skin. And her breasts were tingling from his amorous attention. Nang yukuin niya ang kanyang dibdib ay tila permanente ng nakatayo ang kanyang mga nipples. Pakiramdam niya ay nadagdagan ang laki ng kanyang mga dunggot sa walang habas na pagsipsip dito ni Jethro na akala yata'y may makukuhang gatas. Napuno na yata ng hickeys ang balat niya pababa sa kanyang tiyan at puson. Literal nitong sinisipsip ang tubig sa kanyang balat.

When he reached the delicate spot between her thighs, she braced herself for more earth-shattering pleasure. At hindi naman siya binigo ni Jethro. Baba-taas na humagod ang dila nito sa guhit ng kanyang pagkababae hanggang sa tila mga talulot na kusang namukadkad iyon at namasa. Napaliyad siya at nagsimulang manghina ang kanyang mga binti. Nang itaas nito ang isa niyang binti at ikawit sa isa nitong balikat ay agad na naghagilap ng makakapitan ang dalawa niyang kamay.

Pigil na pigil niya ang mapasigaw nang magaslaw na maglaro sa kanyang pagkababae ang dila ng nobyo. Palitan ang pagdila at pagsiil nito sa mga talulot ng kanyang kaselanan. Saka paikot na didilaan ang ubod at sisipsipin nang paulit-ulit. Halos mamilipit siya sa sarap. Mahigpit na nakasabunot ang mga daliri niya sa buhok nito. At sa bawat hagod ng dila nito ay napapadiin ang kapit niya roon.

"Jellyboooo..." hindi na niya napigilan sa pagbaha ang kanyang nektar. 

Nginigan ang kanyang mga binti na mabilis siyang sinalo ng nobyo. Iginiya siya nitong paupo sa ibabaw ng mga hita nito habang ito'y nakaluhod. Hinihingal na napayakap siya rito at isiniksik ang ilong sa pagitan ng leeg nito at balikat. Hinalikan nito ang kanyang punong-tenga at hinaplos ang magkabilang tagiliran ng kanyang dibdib. Bahagya niyang inangat ang sarili at inayos ang pagkakaluhod paharap dito. Bumaba ang kanyang kamay at hinagilap ang naghuhumindig nitong pagkalalaki. Inabot niya ang mga labi nito at buong alab itong hinagkan habang baba-taas na gumagalaw ang kanyang kamay.

 She wants to pleasure him the way he did her. Pumailalim sa pigi niya ang dalawang kamay ni Jethro at bahagya siyang kinabig palapit. Kinuha nito ang kanyang kamay at hinagkan ang kanyang mga daliri bago nito iyon ikinawit sa sariling balikat.

"Sasabog na ako, kumander," mapanghibong bulong nito sa mababang tinig. "Mamaya ka na maglaro."

After saying that ay iginiya nito ang naghuhumindig na kahandaan sa kanyang lagusan. She's wet and ready. Ngunit saglit pa ring nahirapang makapasok ang kanyang panauhin hanggang sa kusa niyang igalaw ang kanyang balakang at salubungin ito. Kapwa sila napadaing sa sandali ng pag-iisa. Her inner muscles clamped around his rock-hard flesh. And it felt indescribably wonderful, exquisite.

"Kaya mo ba?"

Tila nag-uulap pa ang kanyang isip nang ilayo ang sarili rito . 

Ngumiti si Jethro kahit parang butil-butil na ang pawis nito sa noo.

"Kaya mo bang gumalaw?" pag-uulit nito sa tanong.

"Oh." 

Inosenteng inangat niya ang sarili. Napasinghap siya. Bakit parang mas masarap? Dahan-dahan siyang bumaba. 

"Ooh," napakagat-labi siya. Ang sarap. 

Muli niyang inulit. Ang dalawang braso niya ay nasa balikat ni Jethro habang ang kamay nito ay nakaalalay na sa kanyang balakang, inaalalayan ang pag-angat-baba ng kanyang katawan. Ang dahan-dahan niyang ritmo ay unti-unting bumilis. Mariin niyang kinagat ang mga labi upang hindi mapasigaw. Pakiramdam niya ay mayroong muling sasabog sa kanya.

"Oh, fuck, oh, fuck," she's not use to using the F word. Ngunit sa mga sandaling iyon ay hindi niya mapigilan ang sarili habang palapit siya nang palapit sa pinto ng glorya at pabilis nang pabilis ang pagbaba-taas niya.

Yumuko si Jethro at inabot ang isang tuktok ng dibdib niya. Parang nadoble ang pag-aalab ng katawan niya. Naikapit niya ang isang kamay sa likuran ng nobyo. Anumang sandali ay alam niyang maaabot na naman niya ang rurok ng kanilang pag-iisa.

"Jellyboo," tila pinangangapusan na naman siya ng hangin.

"Mala... pit na rin ako," sagot nito.

"M-my legs are getting w-weak," singhap niya.

"Kumapit kang mabuti," wika nito at mahigpit na hinawakan ang kanyang beywang.

Sumunod naman siya. Nagulat na lamang siya nang bahagya nitong iangat ang sarili at iliyad nang bahagya ang katawan niya.

"Aah," mahinang singhap niya nang tila mas bumaon pa ito sa loob niya.

And then he started moving in deep, faster stroke. Para siyang malalagutan ng hininga nang bumilis iyon nang bumilis. Hindi nagtagal at para siyang sumabog sa milyon-milyong bahagi. The world stops from spinning and her body convulsed in a mind-shattering climax. If possible it went double when she felt Jethro's thick seed filling her core.

"Oh, gosh," parang umiikot ang katinuan niya sa matinding luwalhati na bumalot sa kanyang katawan.

Nakasubsob si Jethro sa dibdib niya at habol-habol ang paghinga. Bumago ito ng upo in a lotus position habang magkadikit pa rin ang mga kaselanan nila.

Bigla niyang naalala ang kuwentuhan nila kasama ang buntis na si Nora. Kung fertile siya sa mga oras na iyon ay posibleng may nabuo na sila ni Jethro. The thought of a life in her belly made her feel ecstatic. Masayang iniyapos niya nang mahigpit ang mga braso sa nobyo. Sa isip ay humahabi na siya ng magagandang plano para sa magiging bukas nila.

-

kung sina Marcy at Manoy Dison may mangga, sina Jet at Chan-chan may banyo :)

'yong bitin, mababaog.

your  naughtiest author,

frozen_delights



继续阅读

You'll Also Like

11.3K 405 14
SPG R18 THE MAFIOSO #2: RYKER "THE MANAGER" SALVADOR Olivia Piper Robles has everything. Intelligence, perfect family, fame, legacy, and money. She c...
183K 6.6K 23
**✅FREE READ✅** Janus doesn't believe in fantasies and fairy tales. But fate decides to pull a prank on him. On April Fool's Day, a naked elf literal...
34.1K 2.2K 45
Being a renowned celebrity, JK find it hard to enjoy his private life. Maging ang lovelife ay naging napakahirap sa kanya at maging sa mga kasama. Pe...
417K 7.5K 31
Jace Michael Villaluz Nyah Valero