Pleasure Of Destruction | R-18

By regnaress

985K 23.2K 4.5K

18+ Arciaga Brothers Series #1: Caspian Vladimir Arciaga - McKenna Ivana Ruellos found herself falling down t... More

Pleasure of Destruction
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Extra

Kabanata 56

9.9K 267 31
By regnaress

Kabanata 56, Money

Mabilis akong naalimpungatan noong tumama ang sinag ng araw sa aking mukha.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at agad kong naramdaman ang malakas na pintig ng aking ulo! Fuck!

"Shit..." mura ko sabay bangon.

Nanibago ako sa bedsheets at amoy ng aking kama. Amoy lalaki...

Agad na umawang ang aking labi nang maalala ang nangyari kagabi. Shit! Nasa kwarto nga pala ako ni Caspian!

Kahit masakit ang ulo'y bumangon ako ng kama upang dumiretso sa pinto.

Binuksan ko iyon at agad kong namataan ang malinis na ayos ng lugar.

Pinaghalong itim at puti ang kulay ng mga kagamitan. Iba sa guests...

Sa kaliwa'y may maliit na hagdan kung saan pababa sa isang malaking sofa at malaking TV. May likuan pa sa gilid noon at hindi ko na alam kaya naman napagpasiyahan ko iyong likuan.

Doon ko lamang namataan ang kusina at maliit na lamesa.

Agad akong napalunok nang makita si Caspian na nagluluto ng kung ano.

Nakatalikod ito sa akin. Nakasuot siya ng gray na long sleeves at amoy na amoy ko ang halimuyak ng kanyang niluluto. Amoy sinangag!

Agad na kumalam ang aking sikmura at mabilis na pumwesto sa upuan.

"Good morning..." mahina kong sambit.

Wala sa sarili siyang lumingon sa aking pwesto.

Nang mamataan ako'y kita ko ang blangkong ekspresyon sa kanyang mukha.

Pagkatapos ay bumalik na siya sa paggigisa.

"Thank you for having me." Maikli kong pasalamat.

Hindi siya ulit nagsalita. Pinanood kong gumalaw ang kanyang braso. He looks so manly...

Magulo ang kanyang buhok ngunit hindi iyon nakakabawas ng kanyang appeal.

Kalaunan ay pinatay niya ang stove bago nilipat sa plato ang pagkain. Sinangag at itlog. Noong humarap siya'y hindi niya ako tinapunan ng tingin.

"Don't go outside yet." Aniya sa isang matigas na Ingles. "May mga tao."

Ngumuso ako at tumango.

Nilapag niya ang malaking plato sa lamesa bago kumuha ng dalawa pa at mga kubyertos. Pagkatapos ay kumuha siya ng mug at nilagyan iyon ng mainit na tubig, mula sa stainless kettle. Pinanood ko siyang magtimpla ng kape.

Kalaunan ay iniabot niya iyon sa akin. Hindi na ulit niya binuka ang kanyang bibig.

Pumwesto siya sa aking harapan at maliit ko naman siyang nginitian. "Thank you..."

Kumuha ako ng kanin at ulam. Ganoon din ang ginawa niya. Pagkatapos noon ay tahimik kaming kumain.

Madalas ay titignan ko siya ngunit hindi niya iyon binabalik. Deretso ang kanyang mga mata sa pagkaing nasa harapan niya.

"A-anong oras ako pwedeng umalis?" Tanong ko. Palusot upang makausap siya.

"Pag nakaalis na ang iba... may shoot ba kayo?"

Umiling ako. May shoot kami pero hindi na ako kasama. Buti na lamang dahil gusto ko ring magpahinga.

Tumango siya at nagpatuloy sa pagkain. Bumuntong hininga ako. Anong sasabihin ko kila Ponnie kapag hinanap nila ako?

Lumipas ang ilang minuto hanggang sa matapos. Akmang ako na ang maghuhugas ng plato ngunit mabilis siyang pumwesto sa sink. Siguro'y mamaya na lang... parang ayaw ko ring magpumilit dahil hindi maganda ang pakiramdam ko sa aking ulo.

Buti na lang ay hindi na sobrang lala dahil medyo nahimasmasan na ako sa kapeng binigay niya.

"Aalis muna ako, you can watch TV if you want. Sasabihan na lang kita kung pwede ka ng lumabas." Paalam niya pagkatapos maghugas.

Pumasok siya sa kwarto at paglabas niya'y naka-polo ulit siyang asul. Bukas ang mga naunang butones sanhi para sumungaw ang kanyang matikas na dibdib. Maging ang unang karakter sa kanyang tattoo... Anong ibig sabihin noon?

Lutang lamang akong um-oo. Pagkatapos noon ay lumabas na siya.

Naiwan naman ako sa loob. Wala akong magawa kaya naman napagpasiyahan ko na lang ang manood. Nagulat naman akong naka-connect na iyon sa Netflix. Naghanap na lang ako ng magandang pelikula. Kalaunan ay napagpasiyahan ko na lang manood ng Spongebob.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaupo roon. Ayaw ko ring mangalkal ng gamit niya dahil hindi iyon maganda. Kaya naman noong sumpungin ako ng antok ay natulog na lang ako sa kanyang malambot na sofa.

Nagising lamang ako nang biglang marinig ang tawa ni spongebob. Agad akong napangiwi at napagpasiyahan na lamang na patayin iyon.

Nag-inat-inat ako sa aking pwesto bago naisipang magluto na lang. Dumiretso ako sa kusina at tinignan ang ref upang tignan kung ano ang magandang lutuin.

Parang may kung anong namilipit sa aking sikmura. Parang dati lang...

Hindi ko mapigilan ang pag-angat ng aking labi.

Pakanta-kanta kong nilabas ang isda roon dahil naisipan ko na lamang na mag-sweet and sour. Kinuha ko rin ang mga kailangan bago binuksan ang gas.

Naglagay ako ng kawali at mabilis na nagluto. Ginamit ko ang lapis na nakita ko sa ibabaw ng ref upang maisaayos ang buhok.

Malamig ang buong kwarto gawa ng aircon ngunit dahl sa niluluto'y unti-unti akong pinagpapawisan.

Hinanda ko ang kanyang lamesa at plato. Binalot ko pa ng tissue ang kutsara't tinidor upang mas maging presentable.

Pagkatapos ay nagsaing na rin ako. May konting kanin na natira kanina at ininit ko na rin.

Pagkatapos noon ay nilapag ko na lahat ng aking ginawa sa lamesa.

Noong sinilip ko ang digital clock niya'y nakita kong alas dose na! Sakto lamang na lunch!

Muli akong bumalik sa sofa upang ipagpatuloy ang panonood ng spongebob. Naka-tatlong episode pa ako bago tuluyang bumukas ang pinto

Umangat ang aking mata roon. Namataan ko si Caspian na pawisan.

Agad niyang hinubad ang kanyang suot at mabilis itong sinampay sa isang rack na malapit.

Lumipad ang kanyang tingin sa aking gawi. Halos mapatalon ako sa excitement at agad siyang nilapitan.

"Nagluto ako, I hope you don't mind." Ngisi ko.

Tinignan niya lamang ako bago bumaling sa aking niluto. Alam kong malamig na ito...

Bumuntong hininga siya bago ako nilagpasan upang makaderetso sa kwarto. 

Bahagya akong nadismaya ngunit hinintay ko siyang lumabas.

Hindi naman ako nadismaya dahil kalaunan ay lumabas siyang muli. Nakasuot na siya ng itim na drop armhole tank top. Gaya ng kagabi.

"Kain ka muna." Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

Blangko ang kanyang hitsura ngunit mabilis ding pumwesto sa lamesa. Agad na napalitan ng tuwa ang aking nararamdaman!

May kung anong namilipit sa aking sikmura.

Umupo akong muli sa kanyang harapan. Tahimik siyang kumuha ng ulam at kanin. Ginaya ko siya.

Pangalawang beses na sabay kaming kumain nang kami lang...

"Masarap?" Tanong ko.

Tumango lamang siya. Masaya akong kumain ng aking gawa. Natuwa naman akong marami siyang kinuhang kanin!

"Pwede ka ng umalis." Aniya pagkatapos naming kumain.

Tinagilid ko ang aking ulo. Bahagyang nakaramdam ng pagkadismaya. Shit. Gusto ko pang mag-stay...

"O-okay..." saad ko sabay simsim ng tubig. "Pagkatapos kong maghugas ng plato."

"Ako na." Madilim niyang sagot.

Hindi ako nagsalita agad. Kinuha ko ang mga plato upang madala sa sink. Pagkatapos ay iyong baso.

Umiling ako. "Ako na, pinatulog mo naman ako dito kagabi."

Binuksan ko ang faucet at hinayaang umagos ang tubig upang maalis ang mga kanin doon.

"You're still up for the payment?" Nahimigan ko ang hindi makapaniwala niyang tono.

Hindi ko iyon agad naintindihan noong una ngunit muli niyang sinundan ang kanyang tanong.

"Why are you doing this?" Dinig ko ang kung anong lamig sa kanyang boses.

Dahan-dahan ko siyang nilingon. Nagtama ang aming mata at halos kilabutan ako ng makita ang galit niyang tingin.

"A-ah... Gusto ko lang tumulong, tinulungan mo naman ako kagabi."

Muli kong binalik ang mga mata sa plato, ngunit bago pa man ako makakuha ng bago'y naramdaman ko na ang kanyang paghablot sa aking braso.

Nabitawan ko ang plato at mabilis na tumalsik sa akin ang tubig. Pinihit niya ako paharap sa kanya at agad kong naramdaman ang pagwawala ng aking sistema!

Napasinghap ako sa gulat. Pinirmi ni Caspian ang kanyang kamay sa aking braso bago ako tinapunan nang masamang tingin.

"Are you doing this on purpose?" Bumuka ang aking labi sa gulat.

Mas humigpit ang kanyang kapit sa aking braso at agad akong napapikit.

Bahagyang naba-blangko ang aking isip dahil sa nangyayari!

Kumalabog ang aking dibdib at pilit ko naman iyong pinakalma kahit na walang silbi.

"Is this about the money Ivana?" Madilim niyang saad.

Mariin ang kanyang hawak. Kinulong niya ako sa kanyang magkabilang bisig.  Naramdaman ko ang pagluwag ng pencil sa aking buhok— kasunod lamang noon ay ang tuluyan nitong pagbagsak.

Bahagya akong natigilan. Panandalian kong nakalimutan ang kanyang sinabi. Hindi nagbago ang kanyang tingin sa akin. At sa muling pagkakataon ay nakita ko na ang ekspresyon niya roon.

Poot. Galit.

Naramdaman ko ang kirot sa aking dibdib nang pumasok ang ideyang sinabi niya sa aking isip. Money?

Sinubukan kong ipunin ang aking lakas bago bumuga ng salita.

"Huh? W-what do you mean?" Pagmamaangmaangan ko. Bahagyang ginugustong sana ibahin niya ang kanyang ibig sabihin.

Kita kong umiling siya. "I know you know what I mean." Madilim niyang sagot.

Fuck. Kumuyom ang aking kamao at napaiwas ng tingin. Hindi ko kaya ang intensidad ng pinapakita niyang emosyon!

Parang pinipiga ang aking puso!

"You're pushing yourself to me. For what?"

Hindi ako nakasagot. He thinks I'm after his money huh? Agad akong nanlumo. Hindi naman iyon ang habol ko sa kanya!

Nandito ako upang pagbayaran ang mga kasalanang ginawa ko sa kanya dati!

"N-no! I'm no—"

"Ako ba ang huhuthutan mo kapag may problema ka sa pinansyal?" Putol niya.

Napakurap ako. Shit.

Umangat ang gaspang sa aking lalamunan at nakalimutan ko na halos kung paano lumunok.

He's talking about the million his stepmother gave me! Alam niya! Alam niyang kinuha ko iyon at iyon ang nakatatak sa kanyang isip!

"H-hindi! I'm not after your mone—"

"How much?" Malamig niyang tanong. "Magkano ang kailangan mo para tumigil ka na?"

Nanginig ang aking tuhod kasabay ng pagkawasak ng aking puso.

This is the reason why he's mad. He thinks I'm after his riches.

At sa sinabi niyang iyon, para itong sampal. Malaking sampal! Para bang napakababa ng tingin niya sa akin at naisip niyang iyon ang aking dahilan!

"You can't pay m—"

"Really?" Umangat ang gilid ng kanyang labi ngunit hindi ko mahagilap doon ang humor. "Is one million enough?" Mahina siyang tumawa.

"Maybe..." Aniya. "Tinanggap mo nga dati hindi b—"

Bago niya pa matapos ang kanyang sasabihin ay lumagapak na ang aking palad sa kanyang pisngi.

Ramdam ko ang pamamanhid ng aking kamay mula sa aking sampal. Hindi siya agad nakabawi.

Nangilid ang aking luha at kahit nanghihina'y pilit ko siyang tinulak palayo. Nawasak ang aking munting pantasya kanina.

No. Hindi na kami gaya ng dati. Nagbago na siya. He's no longer the Caspian I knew... Ang Caspian dati'y hindi ako ganito pagsalitaan. Hindi niya ako ganito tratuhin!

Wake up Ivana! He's no longer yours! Matagal na! Kailan ba iyon papasok sa kokote mo?

"I-I know you're mad." Umalpas ang hikbi sa aking labi kasabay ng pagkabasag ng aking boses. "But doesn't mean you can disrespect what I've been through! Hindi mo alam kung anong dinanas ko!"

Kita kong nag-igting ang kanyang bagang ngunit hindi siya nagsalita.

"Take your one million. I don't need it." Tumigil ako. "And if you want me to stop so bad then fine! I'm asking for forgiveness! Kung hindi mo iyon maibibigay hindi ko na rin pa pipilitin." Inalis ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking braso.

Dere-deretson akong tumalikod upang makalabas ng kanyang kwarto.

That's it. That's enough. Tama na. Sobrang tanga ko na kung magpapatuloy ako.

Patakbo kong tinahak ang elevator upang tuluyang makaalis.

Siguro'y hahayaan ko na lang na magalit siya. That's his choice. I can't force forgiveness. Tanggap kong may mali ako. Pero wala na akong magagawa kung ayaw niya akong patawarin.

Siguro'y dapat ko na lamang itong kalimutan. Ibaon sa limot.

Isa pang hakbang ang aking ginawa at nakarinig ako ng pagkabasag ng kung ano-ano.

Hindi ako lumingon. Deretso ang aking lakad. Pinalis ko ang aking luha at nagmamadaling umalis.

Palayo sa lugar na iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 227K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
968 210 60
[COMPLETED] A lawyer, an independent woman who can justify her love just for forsaken man. Handang sumugal kahit batas pa ang maging kaaway, sa gitn...
175K 3.1K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
23.2K 721 48
2nd Installation of The Lawyer Series - (COMPLETED) Attorney Rebekah Claire Alarcon was born competitive, she excels in almost everything. All the ca...