BHO CAMP #8: The Cadence

By MsButterfly

1.4M 45.3K 4.8K

All my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet... More

Synopsis
Chapter 1: Beat
Chapter 2: Hand
Chapter 3: Crepuscular
Chapter 4: Mission
Chapter 5: Objective
Chapter 6: Time
Chapter 7: Sleep
Chapter 8: Song
Chapter 9: Orange
Chapter 10: Compromise
Chapter 11: Gravity
Chapter 12: Home
Chapter 13: Hawk
Chapter 14: Chance
Chapter 15: Promise
Chapter 16: Damage
Chapter 17: Shine
Chapter 18: Charm
Chapter 19: Cuff
Chapter 20: Breathe
Chapter 21: Princess
Chapter 22: Free
Chapter 23: Fairytale
Chapter 24: Always
Chapter 25: Lie
Chapter 26: Road
Chapter 27: Pretend
Chapter 28: Beautiful Disaster
Chapter 29: Cadence
Chapter 30: Epilogue
Chapter 31: Start
Chapter 32: Catfight
Chapter 34: Distance
Chapter 35: Orbit
Chapter 36: Tradition
Chapter 37: Rock star
Chapter 38: Team Night
Chapter 39: Music
Chapter 40: Always
Epilogue
Author's Note

Chapter 33: Mind Games

31.5K 1K 78
By MsButterfly

#BHOCAMP8TC #HeDer #BHOCAMP

HERA'S POV

Tahimik na nagmamasid ako sa paligid habang nakaupo di kalayuan sa mga kababaihan na ang ilan ay patuloy sa pag e-ensayo habang ang iba ay abala sa pag-susukat ng mga damit.

"Wow. I can see a lot of naked people around here."

Bahagyang nanglaki ang mga mata ko nang saktong pagkasabi ko no'n ay may dumaan na babae sa harapan ko na kasalukuyang walang pang-itaas. Parang balewala lang sa kaniya kahit pa sabihin na may mga lalaki rin sa lugar na kinaroroonan namin. Mas mukha pa nga akong naeeskandalo kesa sa kanila.

"Are you naked?"

"No."

"Never mind then."

Pinigilan kong mapangiti sa sinabi ni Thunder na rinig ko dahil sa suot ko na listening device. He's still probably in the hotel where we stayed last night to prepare for this day. May ilang oras pa naman kasi bago magsimula ang program. I'm sure I'll see him at the audience later.

Nasa convention studio kasi ako at kabilang sa mga magpipresenta na modelo para sa collections ng isang tanyag na designer sa bansa na si Camille Lauren. Besides of the fact that she's making names not only in the country but also worldwide, she also hired famous models to showcase her collections. Kaya nga hindi na ako nagtataka kung bakit kapag napapatingin sila sa akin ay pakiramdam ko hindi sila natutuwa na makita akong mapabilang sa kanila.

They were preparing for months for the big event. They probably expecting someone that they knew from the industry. Hindi ng isang babae na nasunod lang ang gusto dahil sa pamilya niya at sa sikat niyang boyfriend.

Kung sana nga gano'n nga. Eh kung ako ang papipiliin nasa bahay lang ako ngayon at nag vi-video games kasama ni Thunder. Wala naman kasi akong choice dahil nagdesisyon si Dawn na tama na ang pagbabakasyon ko mula sa trabaho ko. Mula pa kasi no'ng naka comatose si Thunder hanggang ngayon na hindi na namin alam saan niya iniimbak ang energy niya ay hindi pa rin ako nagpapakita sa kanila ni Freezale para kumuha ng mission.

Ayoko pa kasi sanang humiwalay kay Thunder. It's like we're still inside our own personal bubble. Nakakatakot na lumabas ulit sa mundo kasi hindi pa rin maalis sa akin ang pakiramdam na para bang nananaginip lang ako.

I just need a little bit more time to get used to being this happy. Kaya nga sa kabila ng katotohanan na may misyon ako sa araw na ito ay pumayag na si Dawn na sumama si Thunder. Technically wala naman kasi siyang gagawin. Siya lang ng magsisilbing ticket ko para makapasok sa listahan ng mga magmomodelo para sa Sunset Studios para sa gaganapin nilang runway show na Sunset Glow.

Hindi lang naman kasi ako ang ayaw humiwalay sa kaniya kundi maging gano'n din siya sa akin. Kaya nga nang sabihin ang tungkol sa misyon ay siya pa talaga ang nagpresinta na tumawag sa kakilala niyang parte ng Sunset.

"Nervous?"

Nilingon ko ang nagsalita at bumungad sa akin ang isang babae. Jessica Lauren. Isa siya sa mga modelo mamaya at siya rin ang nag-iisang anak ni Camille Lauren.

She's a stunner. Not because of the appeal that models usually have but because of her angelic face. Kaya nga bansag sa kaniya ng karamihan ay Angelic Lauren. Iyon ay dahil sa maamo niyang mukha. At dahil sa isa pang rason. Katulad ng typical na modelo ay maliit ang pangangatawan niya. She's about 112 lbs with a height of 180cm.

Hindi ko kinalkula ang bagay na iyon. I memorized all her information because she's in my file. She's one of the prime suspects.

Dalawang beses ng hindi matuloy-tuloy ang Sunset Glow last year dahil dalawang beses na rin silang nagkaroon ng issue. Two models died before they can even open the runway for the show. Ngayon taon naman ay isinugod sa ospital si Vallery Valencia. She was in the hospital for two days before she died too.

Her mother, Isabela Valencia is our client.

According to her there's no way her daughter had a cardiac arrest at such a young age. She doesn't want to believe especially not when she saw the elevated glycoside in the autopsy. Walang kahit na anong maintenance ang biktima at wala ring iniinom na gamot ang anak.

One of the other two victims on the other hand had history. One of them had a heart surgery when she was a child while the other model's family refused an autopsy of her daughter because of religion.

Isabela Valencia asked for BHO CAMP's help to investigate her daughter's eath. Hindi niya nga lang alam kung hanggang saan ang gagawin naming pag-iimbestiga and of course hindi niya alam na ako ang may hawak sa kaso niya.

Ang alam lang ng lahat ay ako si Hera Scott. Anak ni Cloak at Fierce Scott na kilala sa mundo ng business, kapatid ng sikat na reporter na si Hermes Scott, at girlfriend ng miyembro ng nangungunang banda hindi lang bansa kundi sa iba pa na si Thunder Night. Aside from that I'm basically surrounded by known people.

"A bit."

Ngumiti ang babae sa paraan na para bang nakikisimpatya bago siya may binaba na tasa ng tsaa sa harapan ko. "It's suppose to be soothing." paliwanag niya nang makita niya ang pagtataka ko.

"Thank you." I said to her with a practiced smile plastered on my lips.

"This must be new to you."

Nilibot ko ang paningin ko sa mga tao na nagkakagulo pa rin. Most of them are finally clothed. Thank the heavens. "Medyo. Pero matagal ko na kasing gustong subukan na pumasok sa ganitong industriya. I just didn't have the right motivation since you know..." I shrugged and look at her pointedly. "Mataas ako pero hindi kasing tangkad ninyo."

"We have a model with a 5'4 height. Hindi na sobrang requirement ang height ngayon. We're a bit...diverse." Halos kaparehas ang ngiting nasa mga labi ko ang nasa kaniya. Practiced. Too sweet. Fake. "It's a good thing you have the right connections. Now you can try what it's like to walk the runway."

Hindi ko kailangan maging henyo para hindi marinig ang nakatago sa likod ng sinabi niya. Despite her careful words and the soft expression on her face, I can still hear the bite of her words.

Hindi ako katulad nila na pinaghirapan makarating kung nasaan sila. She doesn't want me here.

I met her eyes, not losing my composure. "Yes. It's a good thing right?"

Marahan siyang tumango habang ang mga mata niya ay tila ba pinag-aaralan ako. Wala na ang ngiti sa mga labi niya. She's probably wondering why I don't sound apologetic or even embarrassed.

This is just a mission for me. Pero sa kabila no'n, misyon man o hindi ay wala sa pagkatao ko ang pagiging apologetic sa kung ano ako bilang tao dahil alam ko na hindi ko kailangan ikahiya ang prebilehiyong tingin ng iba na meron ako. I don't need to shy away from it because I know I'm not doing anything wrong.

Hindi naman kasi ako iyong klase ng tao na ginagamit ang katayuan namin sa buhay para manglamang ng iba. And if I'm being honest I just don't care about those kind of people.

Kahit na ano kasing gawin natin may mga tao pa rin na pilit kang lalamangan kahit na hindi mo naman sila nakikita bilang kompetisyon. Some of them will use their connections and their ability to convince people...or to be exact, manipulate. But in the end of the day a person can't stay pretending forever. Sa trabaho man, sa relasyon, o sa kahit na anong bagay.

Sa huli iyong mga taong nilagpasan niya sa "shortcut" na paraan ay ang mga taong mas aangat dahil sa kakayahan nila. Hindi dahil sa koneksyon nila.

"I need to check the clothes. I'll see you later." Jessica said with her fake smile still in tack.

Hindi na niya hinintay ang sagot ko dahil tuluyan na siyang tumalikod. Nagbaba ako ng tingin sa tasa na binigay niya sa akin at bahagyang inusog ko iyon. I'm still not sure with my theories but I have no plans to be a casualty right now. Mabuti na ang sigurado.

"Hindi talaga kayo nag-iisip!"

Napatingin ako sa pinangalingan ng malakas na boses. Di kalayuan sa akin ay nakita ko ang isang ginang na kasalukuyang sinisinghalan ang mga empleyado na nasa harapan niya. They were like scared preys in front of a vulture.

Hmm. That's Camille Lauren. Age has been good with her. Hindi mahahalatang fifty-one years old na siya. Ganoon siguro ang magagawa ng pera. Kahit ang panahon na lumipas magagawang burahin sa napakadaling paraan. Science is amazing but her plastic surgeons are the best.

Bukod pa ro'n siguradong alaga rin siya ng perang nakuha niya mula sa asawa niyang Amerikano na siyang ama ni Jessica.

She was a model but she retired early. Napilitan siyang magpakasal kay Benedict Lauren na isang mayaman na businessman sa ibang bansa. She's still using his name even though they got divorced. Talk about what connections you can drain from a name. Hindi na niya nagawang bumalik sa pagmomodelo dahil na rin bukod sa pagkakaroon ng asawa ay may anak na siyang kailangan asikasuhin. During her time, being a career mom might be something people usually frown upon. Lalo na ng mga magulang niya na kilala sa pagigign konserbatibo.

When her mother died four years after her father passed away, she decided to divorce his husband. It was too late for her to model again so she used to huge alimony she got from the divorce to build Sunset Studios.

She became a designer but so is her daughter.

Kilala ang Sunset Studios hindi lang dahil magaling si Camille Lauren. Iyon ay dahil din sa popularity ni Jessica sa media. She's a beautiful model, a great designer, and she's young. Isa lang sa mga iyon ang bagay na meron si Camille.

Si Camille rin ang ang dahilan kung bakit Angelic Lauren ang tawag kay Jessica. It's because she's the Devil Lauren.

Kilala si Camille Lauren sa pagiging mapagmataas niya at ang talas ng dila niya lalo na sa mga taong sa tingin niya ay mas mababa sa kaniya. Gano'n pa man hindi maitatanggi na talagang maabilidad siya at nakukuha niya ang gusto niya dahil maparaan siya.

Iyon nga lang hindi iyon ang nakikita ng mundo. The media is painting her as the villain in the story while her daughter is taking all the credit.

That's why we believe that one of the probable cause of the crime is that one of them is trying to destroy the other.

Pinagmasdan ko ang matandang Lauren. Kahit na alam niyang maraming nakatingin sa kaniya ay wala siyang pakielam at patuloy lang sa pagkakastigo sa mga nasa harapan niya na tila mga staff ng event. Wala siyang pakielam sa edad ng mga iyon. Bata man iyon o matanda.

She could be easily the perpetrator. Specially with the information that we gathered. Lalo na ang taong kinita niya ilang linggo pa lang ang nakakaraan.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at inabot ko ang cellphone ko at ang earphone. Kinabit ko iyon kahit na hindi ko naman binuhay ang music no'n at sa halip ay pinikit ko lang ang mga mata ko habang inaalala ko ang mga impormasyon na nakuha namin at ang teorya ko tungkol sa maaaring motibo.

Jessica Lauren

Filipino-American

Model and co-designer at Sunset Studio.

26 years old

Motive: Be free from her mother's reign.

Past altercations with victims.

One of them is the girlfriend of her ex-boyfriend.

Camille Lauren

Filipino

Designer

51 years old

Retired as a model when she was 25.

Motive: Want to take all the credits for their designs and stop her daughter for taking away her spotlight.

She blames her daughter for putting a halt to her career so she don't want to share the fame now with her. She became a mother and a wife when her parents forced her to marry his ex-husband, Benedict Lauren.

Benedict Lauren

American

55 years old

Businessman

Married to Marjorie Lauren. Three kids.

Motive: Possibility of revenge? The alimony he paid for was huge. Enough for Camille Lauren not to worry about her addiction on anything that is expensive. Enough for him to suffer financially.

Idagdag pa roon na hindi naman naging maganda ang pagsasama nila. Dahil hindi naman siya talaga ang gusto ni Camille na pakasalanan. Because there's someone that she never forgotten.

Weeks ago, Camille Lauren went out to meet that someone. Isang taong maaaring kasangkot o maaari rin siyang perpetrator.

Rafael Medrano

56 years old

Owner of Medrano Designs

First love of Camille Lauren

Motive:

Accomplice of Camille Lauren. He was seen in public with her a year ago. Bago pa no'n ay may kumalat na larawan na nagsasabing hindi iyon ang unang beses na angkita sila ulit. There's a probability of reconciliation that might lead to the intention of the crime.

He can also be the main perpetrator and he's just using Camille Lauren. His company is the main competitor of Sunset Glow. Kasalukuyang nangunguna ang Sunset laban sa Medrano.

Lena Medrano

29 years old

Married to Rafael Medrano

Designer of Medrano Designs

Motive: Jealousy.

There's a humor circulating and it's about Lena and Rafael. Ang sabi sa source ay nagsampa ng annulment case si Rafael Medrano. They're not even annulled, yet Rafael is trying to woo his past flame.

"Anong magagawa ko kung allergic ako sa pollen? Kasalanan ko ba na sa akin pa niya binigay ang pag-aasikaso sa crisamimum na 'yon? Bakit ba kasi may bulaklak pa samantalang fashion show ito? Hindi 'to flower shop!"

"Chrysanthemum."

Minulat ko ang mga mata ko at namataan ko ang dalawa sa mga binibulyawan ni Camille Lauren kanina. One of them is a young woman with red eyes and nose while the other is in her forties or older.

"Ay sorry po." hinging paumanhin ng mas batang babae nang makitang nakuha nila ang atensyon ko. Mukhang naghahanda na siya na magkaroon ng bulyawan part two pero sa pagkakataon na ito ay mukhang inaasahan niya iyon mula sa akin. Is this industry really that terrible? Or they are just unfortunate to be surrounded by people that are terrible?

"Okay lang." mahinahon kong sabi sa kaniya at bahagya siyang nginitian. Tinuro ko sa kaniya ang tasa ng tsaa na nasa harapan ko. "Sa'yo na lang. Baka makatulong sa allergy mo.

Ngumiwi ang babae at bahagyang tinulak ang salamin niyang dumudulas sa ilong niya. May spikes pa ang salamin niya na halatang customize. Bagay sa tila gothic na pananamit niya."Galing kay Ma'am Jessica? Ayoko niyan hindi maganda ang amoy. Kaya nga nakatambak lang 'yan sa kotse ni Ma'am. Ewan ko ba bakit marami siya niyan eh hindi naman niya iniinom."

"Hoy Judith umaariba na naman 'yang bibig mo may makarinig pa sa'yo." saway ng mas matandang babae na kabaligtaran na kabaligtaran ng babae. Kung itim kasi ang get-up ni Judith siya naman ay makulay. May mga bulaklak pa siyang burloloy.

"Totoo naman kasi. Isa lang naman 'yan sa mga PR items na binibigay sa kaniya na pinopost lang niya sa social media. Puro kasi kung ano-ano lang na kagastusan ang pinopromote niya kaya pinagtiya-tiyagaan niya na i-promote ang health benefits daw ng Mahogany Bliss para mag mukha pa rin siyang mabait." Nagpalingon-lingon siya na para bang natatakot siyang may makarinig sa kaniya. Bagay na imposible dahil maingay din ang mga tao sa paligid namin. "Ikaw 'yung bago na model di ba? Ayaw nila sa'yo kasi raw hindi ka naman talaga modelo at nandito ka lang kasi una wala na silang makuha kasi may sumpa ata ang vacancy ng Sunrisde Glow dahil puro namamatay ang mga dati nilang nakuha at pangalawa dahil mayaman ang pamilya mo."

"Judith!"

"Kaya 'wag mo akong isusumbong kasi magkakampi tayo. Mas maganda ka para sa akin kesa sa kanila ng mga buto't balat. 'Wag ka rin nagpapaniwala kay Ma'am Jessica. Mukha lang mabait 'yon pero minana rin no'n ang ugali ng nanay niya- aray!"

Piinigilan kong mapangiti nang makita kong hila-hila na ng mas matandang babae ang tenga no Judith. "Pasensiya ka na sa isang 'to. Hindi na maganda ang tama nito kasi lango pa 'to sa pollen. 'Wag mo lang sana siyang isumbong kasi magaling naman 'to na assistant at kailangan niya ng trabaho kasi may sakit ang kapatid niya."

Pinigilan kong mapangiti sa bangayan nila. Para silang mag nanay. "Okay lang po. Mabuti nga may iba akong nakakausap kasi kagaya nga ng sabi ni Judith, ayaw nila sa akin."

Sunod-sunod na umiling ang babae bago muling hinila ang tenga ng napapa-aray na si Judith. "Hindi naman sa gano'n -"

"Nararamdaman ko naman." Nagkibit-balikat ako at ngumiti, "I don't mind. Hindi naman nila ako lubos kilala para magustuhan nila ako at hindi ko naman sila kilala para pilitin ang sarili ko na gustuhin sila."

Sandaling napatitig sa akin ang dalawa. Para bang nahihiwagaan sila na hindi ko sila tinatarayan na isang bagay na mukhang normal na sa kanila. That's just not right. No one should be an emotional punching bag for other people.

"Sabi sa'yo mabait 'yan eh. Girlfriend kaya siya ng favorite ko na guitarist. Iba ang Royalty no. Hindi pumipili ang mga 'yon ng basta-basta lang." basag ni Judith sa katahimikan sa pagitan naming tatlo. "Hindi siya spoiled brat o matapobre gaya ng akala mo Miss Violet."

Napanganga ang mas matandang babae at muli sanang pipingutin ang babae pero nakaiwas naman agad si Judith. Nagpapaumanhin na tumingin sa akin ang ginang, "Pasensya ka na-""

"It's okay. Kung ako rin siguro magiging gano'n ang tingin lalo pa..." Nilingon ko ang mga nagkalat ng modelo na kasalukuyang kausap ang mga assistant nila. Nasaktuhan ko pa ang isa na basta na lang initsa ang sapatos sa nagkukumahog na kasunod na babae. Goodness. They're assistants not slaves. Binalik ko ang tingin kay Judith at Miss Violet. "I can't blame you."

"Pokus ka na lang sa show, Miss." sabi ni Judith na inadjust na naman ang suot na salamin. "Iyon naman kasi dapat talaga ang importante. Hindi man kagandahan ang ugali ng mga Lauren pero maganda naman ang mga disenyo nila. Minsan nakakalimutan lang ng mga tao na hindi tungkol sa mga modelo ang mga fashion show kundi sa mga damit."

"Totoo." sang-ayon ng ginang sa unang pagkakataon. Bahagya siyang ngumiti sa akin, "Nag-aral din kasi ako noon ng fashion. Katunayan isa sa senior ko si Miss Camille. Pagkakaiba lang may scholarship lang ako. Namangha kasi ako noong bata pa ako nang minsan kunin ang nanay ko bilang staff sa isang fashion show. Nakita ko kung gaano kalaki ang pagmamahal ng tao sa mga desensyo na sobrang pinaghirapan talaga."

"Pero iba na ngayon." pagsasalita ulit ni Judith.

Bumuntong-hininga si Miss Violet, "Iba na ngayon."

Bumahing ang babae na kaagad namang tinakpan ang ilong at bibig gamit ng hawak na panyo. Her allergies might be getting worse. Ang tagal pa naman naming mapapalibutan ng mga bulaklak. "Bakit ba kasi ang daming bulaklak dito?" itinuro niya ang dala ng isang babae na tumatakbo. "Ang dami pang daisies."

"Asters 'yan." pagtatama ni Miss Violet.

"Basta bulaklak!" bulalas ni Judith na napabahing na naman. "Palibhasa bati kayo ng mga bulaklak eh. Kaya napapalibutan ka rin ng Asters."

Bumuntong-hininga ang mas nakatatandang babae, "Foxgloves 'to." sabi niya na itinuro pa ang suot na hikaw at kwintas.

Matamang pinagmasdan ko lang sila. Gusto ko man na makipag-asaran sa kanila pero sadiyang mabilis ang takbo ng utak ko. Kahit pa nakikipag-usap kasi sa kanila ay hindi pa rin tumitigil ang isip ko sa pag aanalisa.

It's one of my curse and also a gift. Sa BHO CAMP kadalasan na napupuri ang bilis ko sa isang bagay. I was the fastest runner from all the agents. I'll give the credit to my shopping ability. Do'n ako nasanay maging mabilis. Bukod pa ro'n ay sadiyang thinker ako. Bata pa lang ako naiimagine ko muna ang mga possibility na mangyari bago pa mangyari ang mga iyon. For some being an over thinker is a negative trait but I like to use it to my advantage. Mind games is my thing apparently.

"Hala tawag na naman tayo ni Devil Lauren." bulong ni Judith.

"Shh." saway ni Miss Violet. "Maiwan ka na namin. 'Wag mo na lang inumin 'yang tea kasi malamig na 'yan. Meron naman sa pantry na iba."

"Iyong amoy tea talaga." singit ulit ni Judith.

Naiiling na hinila ng ni Miss Violet ang babae at tuluyan na akong iniwan para puntahan si Camille Lauren. Nanatiling nakasunod ang mga mata ko sa kanila kahit pa tuluyan na silang nawala sa linya ng paningin ko.

Kung hindi pa may nakabangga sa kinauupuan ko ay hindi ako matitinag sa pagkatulala. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang isang lalaki na may karga na bungkos ng mga bulaklak. Humingi siya ng paumanhin bago nagmamadaling umalis na rin.

The flowers he's holding rustled as he rushed forward, some of the petal falling at the ground. Inangat ko ang isa kong kamay dahilan para lumapit ang isang piraso ng petal sa palad ko.

"Freezale."

"Another theory?"

"Mahogany Bliss."







KINUHA ANG BOTE ng tumbler na nasa loob ng bag na nakapatong sa upuan ko. Katatapos lang namin ipakita ang isang set ng collection ng Sunset Studio. The show is almost over. Isa na lang ang kailangan pa naming tapusin.

It was nerve wracking. Idagdag pa na wala si Thunder dahil sa pabor na hiningi ko sa kaniya. He's probably on his way back.

Muli kong tinakpan ang iniinuman. Natigilan ako sa akmang pagbalik no'n sa bag ko nang may mapansin ako sa lamesa ko.

"We have less than ten minutes to get ready before the next collection. Hurry up people!" pumapalakpak na sigaw ni Camille Lauren. There's already a whirlwind of movements around her but she's at the center of it all not minding the mess. "Jessica, ikaw pa ang hindi nakaayos? This is your collection right and you're not even wearing it? Move your lazy ass!"

Matamang pinagmasdan ko ang mag-ina. Kita ang inis sa mukha ni Jessica pero kaagad niyang itinago iyon na aakalain mong namalikmata ka lang.

"You know, hindi na ako magtataka kung sakali ngang siya ang gumawa."

Nakamasid lang ako sa mag-ina nang marinig ko ang boses ni Athena sa kabilang linya ng listening device. Inayos ko ang suot ko na kwintas kung saan nakakabit ang LD ko. "Anong ginagawa mo riyan?"

"Work night ko ngayon. Pwede na akong bumalik sa trabaho. Nag jack en poy kami ni Fiere sino unang mag du-duty sa mga bata. Ayun talo. Hindi ba niya alam na may basbas ako galing sa nanay niya kaya swerte ako ngayon? Mama Autumn is the Master of Gambling after all."

"Focus." I heard Freezale said.

"Right. I think it's the first love's wife. Hell hath no fury like a woman scorned."

I didn't look away from the direction I'm looking at. Pero sa pagkakataon na ito ay iba na ang pokus ng mga mata ko. Ang taong nasa sentro ng mga natatahi kong posibilidad sa sitwasyon na magpapatunayan na hindi lang basta teorya ang mga nabuo ko.

"Thunder." I whispered at the air.

"Almost there."

"Tama ba ako?"

Napakurap ako nang may lumapit sa akin na isa sa mga assistant at ibinigay sa akin ang kailangan kong suotin. Nagpaubaya ako nang igaya niya ako papunta sa isa sa mga partition pero ang atensyon ko ay na kay Thunder habang iniintay ang magiging sagot niya.

"Hindi ko mapapatawad ang traffic na 'to kapag hindi kita nakita sa runway."

Pinigilan kong kagatin ang mga kuko ko na kaayos lang. "Thunder."

"You're right, baby."

Mariin akong napapikit. I don't like it. Hindi ko gusto kung ano ang nangyayari dahil ayokong paniwalaan iyon. But the thing is humans are really dangerous. Mahirap ibigay kaagad ang tiwala dahil walang kahit na sinong makakapagparanas ng sobrang pagkabigo higit pa sa kayang gawin ng mga tao.

Humans are lethal.

More lethal than a poison.

Napapitlag ako nang makarinig ako nang sunod-sunod na katok. Nagmamadaling inalis ko ang suot ko na damit at nagpalit. Madali lang iyon dahil kakapiraso lang naman ang tela ng pangatlo at huling collection.

Nagmamadaling tinungo ko ang line up. Inignora ko ang bahagyang hiya na nararamdaman ko. Hindi naman kasi ako sanay na mag suot ng ganito na may ibang taong nakakakita.

Walang problema sa ibang collections dahil mahahabang damit naman iyon. I was wearing a floor-length dress just awhile ago for goodness sake and now I'm almost wearing nothing.

"Hair spray."

Binigyan ko ng ngiti si Miss Violet na inabot sa akin ang hawak niya na botelya. Ginamit ko iyon sa suot ko na kinakailangan kumapit sa balat kung ayokong magkaroon ako ng wardrobe malfunction.

"Thanks." I said to her. Tinanguhan ko si Judith na kasalukuyan din na tinutulungan ang isa pang modelo. Itinaas niya ang kamay niya na naka-horn symbol nang makita niyang nakatingin sa kaniya. Still looking at her, I can't help but whisper, "I hope there's another end to this."

"Ano iyon?"

Umiling ako at tinapunan ng tingin si Miss Violet. "Nothing."

Iginalaw-galaw ko ang ulo ko nang marinig ko ang cue ni Camille Lauren. It's still never wracking even though this is the third time I'm going out to that runway. Iyon nga lang mas matindi ang nararamdaman ko sa pagkakataon na ito dahil hindi na mahabang bestida ang suot ko kung hindi lingerie na.

It's a black lace cutout teddy. The straps were put together dramatically while the body looks like a one piece swimsuit with daring cuts. There's a peep hole on the lower part of the chest while the sides and back were bare. The lace used for the piece is so sheer that it gives the illusion of bare skin underneath even though the lace was sewed to a skin tone material. Bukod pa roon ay may nakakabit na garter belt doon. I'm like a dominatrix minus the leather and instead what I have is lace.

"I searched the files. First time nga na makakatrabaho nina Jessica at Camille ang mga naging biktima." narinig kong pagsasalita ni Freezale.

"She probably offered them tea too." I whispered, enough to be drown out by the music.

"I'll check once she's put in questioning."

"The cup was gone."

Halos hindi marinig ang sinabi ko pero alam kong naririnig ako sa control room Nilingon ko si Miss Violet na nasa tabi ko pa rin pero hindi siya sa akin nakatingin kundi sa mga tao sa paligid.

"Are you okay?" I can't help but asked.

"Kinakabahan lang." may maliit na ngiti sa labi na sabi niya. "Patapos na ang show."

"Yes. Everyone has something to celebrate for later. Walang casualty sa pagkakataon na ito."

"Tama."

"I wonder how it feels like."

Umuklo siya palapit sa akin para marinig ang mahina kong pagsasalita, "Ano iyon?"

"I wonder how it feels like to look at those women knowing that one of them has to die."

Kita ang pagkagulat sa mga mata niya sa lumabas mula sa mga labi ko. I watched as blood drain out of her face.

Glycoside. That's the component that they found in Vallery Valencia's autopsy. Usually it can be found in medicines specially those for heart conditions. But mostly they can be found in plants.

"Where's Jessica?!" Camille bellowed.

Nausea. Vomiting. Abdominal pain.

Cardiac arrest.

Ilan iyon sa mga sintomas ng glycoside overdose. Lalo pa kung hahaluan iyon ng iba pang mga lason na galing din sa iba pang halaman. Like Foxgloves for one.

"Ma'am Camille may kausap si Miss Jessica."

"She needed to be in the runway!"

"M-Mga pulis po."

I saw the confusion on Camille Lauren's face and the surprised in everyone else. My eyes snapped back to Miss Violet who's almost rooted on where she's standing. Umangat ang kamay ko at hinawakan ko ang suot niya na kwintas.

Flowers are like people. You think it's just a flower. Fragile and vulnerable. That's why it's easy to overlook the fact that it can be lethal too.

The tea smelled like flower. It's the tea I'm pretty sure that the victims took. The tea with a brand Mahogany Bliss.

And Mahogany, the name of the first collection of Sunset Studio, humored to be copied from another designer. Iyon nga lang hindi madaling mahanap iyon dahil hindi naman kumita ang designer na iyon. Camille Lauren is very popular but for that designer it was just a school project.

And that designer know so much about flowers and she even wear them through her accessories.

I wouldn't put that all together if not for Judith. Judith is the hero here. Dahil nang banggitin niya ang pangalan ng brand ng tea ni Jessica ay kaagad kong napagtagni iyon sa mga nakalap na source ng BHO CAMP. One of those were collections of her past fashion shows.

Hindi ko pa sana maikokonekta iyon sa mga taong may kinalaman kung hindi lang ako pamilyar sa larawan ng unang collection ng Sunset Studio. It was the flower-like shape of the dresses' drops. They all look like a bell.

A bell of a foxglove.

"Flowers can easily wilt when poisoned but some flowers are poison themselves." Bumitaw ako mula sa pagkakahawak ko sa kwintas niya.

Hindi ko na inintay pa ang maaari niyang sabihin at sa halip ay tinuon ko ang mga mata ko sa harapan ko. Nang makita ko ang pagsenyas ng floor director ay taas noo na naglakad ako palabas.

My heart finally calmed because I know I have answers now.

There's a lot of motives for a crime. Pero may isang bagay akong nasisiguro. Whether voluntary or not, there's always an accomplice.

"I found different poisonous flower in her house. Marami sa mga iyon ang Foxglove." narinig kong pagsasalita ni Thunder sa LD. "Jessica on the other hand is with the police right now because of the tea packets in her car."

"Siya talaga? Hala ang galing ko." sabi ni Athena.

"She's the accomplice."

"One of them." I whispered.

Huminto ako sa bukana ng runway at ramdam ko ang tingin nang lahat ng tao sa akin. I can feel the beat of the music under the soles of my feet, surging the power forward on my every step when I finally moved.

"Holy shit, I can see her!" malakas na bulalas ni Athena. "Woo! Go best friend. Hoy Freezale paki-zoom naman ng CCTV."

"Inuutusan mo ko?"

"Hindi naman po. Paki-zoom po please."

Sa kabila ng dami ng mga tao ay nagawa kong hanapin sa mga iyon si Thunder. I could probably say a bunch of cliche stuff like I can pick the sound of his heart beat from afar but nope.

I can see him clearly despite the throng of people because he's standing while his hands are up on the air, screaming my name.

"That's my girl!"

Lumawak ang pagkakangiti ko at kinindatan ko siya ng mapadaan ako sa tapat niya. Dumiretso ako sa dulo ng runway at muling himinto roon. I raise my right hand and salute to the camera before I turned around and walk back.

Kinawayan ko si Thunder na para bang fan boy na hindi makali sa kinaroroonan niya. He looks so different from the people who looks so formal and dignified. Tanging pantalon at t-shirt lang ang suot niya. He's also hollering my name as if we're in a concert instead of a fashion show.

"So what do you mean by one of them?" tanong ni Athena.

I continued walking. Soon I'll be on the backstage again. Kung saan alam kong parang gumuguho na ang mundo ni Camille Lauren dahil sa mga katotohanan na maririnig niya at ang tila mga domino na pagbagsak ng mga taong nakapaligid sa kaniya.

Jessica is an accomplice. Because there's no way that tea can will reach any of the victims if not for her. Kung hindi siya accomplice bakit hindi pa rin siya nalalason ng Mahogany Bliss tea? Imposible na hindi niya titikman iyon kung pinopromote niya kuno iyon. That bitch tried to poison me.

Miss Violet is an accomplice too. She has a motive. Ninakaw ang desenyo na pinaghirapan niya at patuloy siyang nagtatrabaho sa ilalim ng taong gumawa no'n sa kaniya. Kaya nang bigyan siya ng offer na magawang bawiin ang dapat kaniya ay walang pag-aatubili na pumayag siya roon. Anything to escape the tyranny of this life and the tyrant that ruined her life.

"Miss Violet is an accomplice too."

"So di ba dapat si Jessica ang perpetrator?"

"No. Dahil maging siya ay ginamit lang ng mga taong totoong may pakana ng mga ito."

"Who-"

I stepped back on the dark backstage and made my way down to the platform. Hindi katulad kanina ay tahimik na ang mga tao at panaka-naka ay napapatingin sa kinatatayuan ni Camille Lauren.

She's standing strong but I can see behind her eyes how the world is crumbling for her. I can't say that she deserve it because no one should have died for her. Walang kinalaman ang mga tao na iyon na gamit lang para pabagsakin siya.

All of these happened just to tarnish her name.

Buong buhay niya ay dadalin niya iyon. She pissed a lot of people and that's on her. Innocent lives were taken because of her and that's on her too.

"Her ex-husband and the soon to be ex-wife of her first love. Their motives are the strongest one."

"I'm confirming that now. Looks like the ex-husband went to the Philippines last year. Just months after the annulment case of the soon to be ex-wife were filed. There's definitely a gap enough to plan this. But the strongest lead I have is that they both visited a resort. Kasama ni Lena Medrano ang mga anak niya sa resort na iyon para sa isang bakasyon habang si Benedict Laurent ay naroon mag-isa."

"That's...how did you even solved this?" Athena wondered.

"Hindi ko rin alam. We had a broad spectrum but Hera narrowed it down."

"Masyado mong ginalingan best friend. Baka hindi ka na pagpahingahin ni Dawn niyan." natatawang sabi ni Athena. "What made you think that there's more than one culprit?"

Hindi ko magawang ialis ang atensyon ko kay Camille Laure. She's still faking it and she's still going out there to smile and take the credit for the show. She still wants to bask under the glory of the spotlight despite the ground beneath her feet rattling as if it want to throw her off.

"Because it's a mind game of people who have their eyes set on one thing. And if it's just one thing they want the motives are like waterfalls coming from different sides. Jessica wanted an out and the credit but she's too scared to think of how. She can rebuild Sunset the way she wants too and she can benefit for being the angelic poor soul with an evil mother. Miss Violet wants her revenge and she knows how but she also need the assurance that she will get something in return. Benedict is a victim of Camille's very own mind game while Lena is the result of that play. Benedict is still Jessica's father and might be the less suffocating parent. Lena on the other hand just want revenge and she has the money to support the crime hence Miss Violet is covered." Lumapit ako sa upuan ko at kinuha ko ang roba ko mula roon. Sinuot ko iyon at pagkatapos ay sinukbit ko sa balikat ko ang bag ko. I don't need to see the result of all of this because I already know. "The motives were unclear at first because they are separate but when you put them together it's just one game. Dahil iisa lang ang gusto nilang lahat at iyon ay pabagsakin ang Sunset Studio at si Camille Lauren."

Mind games. I love them.

But I need to get back inside the bubble with my boyfriend so I can replenish my braincells that I sacrificed by being surrounded by this kind of people.

Isa pa iuuwi ko na 'tong lingeri na 'to. Baka gusto ni Thunder ng replay sa fashion show kanina.

_________________________________End of Chapter 33.

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 105K 60
Si Tulip Montomery, ang nag iisang bulaklak sa mga anak ni Ivor at Jade Montgomery. Bilang nag iisang babae sakanilang magkakapatid ay madali niyang...
17.3K 1K 28
WARNING: THIS STORY CONTAINS SENSITIVE SCENES THAT SOME READERS MAY FIND DISTURBING AND/OR TRIGGERING. READ AT YOUR OWN RISK. ♦ Story description ♦ S...
3.9K 98 23
DISCLAIMER/WARNING!!! This story might serve or contains self-harm, suicide, cutting, explicit language. Please, if you are in the emotional/mental s...
226K 14.2K 51
For Luna Alondra Dawson, marriage is a word so simple but holds so much weight. Some people are scared of it, some don't care much about it, for some...