AFGITMOLFM (2019 version)

By pilosopotasya

25.8M 70.4K 28.2K

WARNING: Mababaw lang ang kahulugan ng #AFGITMOLFM dahil mababaw lang ang author. Huwag umasa. Masasaktan ka... More

AFGITMOLFM 2019
WHAT TO EXPECT FROM THIS NEW ONE
WHAT THEY ARE SAYING (SINCE 2009)
[ 1 ] E U P H O R I A
01 [ i, n, and a ]
02 [ roses and courtship ]
03 [ john michael cruz ]
04 [ gung gong pyo ]
05 [ poker face ]
06 [ mystery of go ]
07 [ cousin greetings ]
08 [ oreshiasdfghjkl what?! ]
09 [ wreck relationship ]
10-A [ lemaris galis ]
10-B [ lemaris galis ]
11 [ life and death ]
12 [ new demon ]
13-A [ demon and maiden ]
13-B [ demon and maiden ]
14 [ cloudy feelings ]
15 [ destined future ]
16 [ paper soulmates ]
17-A [ fragmented glass ]
17-B [ fragmented glass ]
18-A [ letter "a"]
18-B [ letter "a" ]
19-A [ love interest ]
19-B [ love interest ]
20-A [ falling apart ]
20-B [ falling apart ]
21 [ stories of love ]
22 [ happy anniversary ]
[ 2 ] N O S T A L G I A
23 [ answer ]
24 [ lost ]
25 [ weird ]
26 [ hurt ]
27 [ move ]
28 [ close ]
29 [ past ]
30 [ feelings ]
31 [ drop ]
32 [ accept ]
33-A [ miss ]
33-B [ miss ]
34 [ pain ]
35 [ saved ]
36 [ thanks ]
37 [ confess ]
38-A [ date ]
38-B [ date ]
39-A [ heartbeat ]
39-B [ heartbeat ]
40-A [ consequence ]
40-B [ consequence ]
40-C [ consequence ]
41-A [ farewell ]
41-B [ farewell ]
42-A [ refresh ]
42-B [ refresh ]
43-A [ truth ]
43-B [ truth ]
44 [ artist ]
45 [ forgettable ]
47-A [ memory ]
47-B [ memory ]
48-A [ let go ]
48-B [ let go ]
49-A [ rekindle ]
49-B [ rekindle ]
49-C [ rekindle ]
50-A [ afgitmolfm ]
50-B [ afgitmolfm ]
00 [ your meaning ]
#AFGITMOLFM (last a/n)

46 [ rewind ]

19.4K 823 922
By pilosopotasya

Ilang buwan na rin nang malaman ko ang nangyari kay Nate. Ilang linggo naman na ang nakaraan nang malaman ko ang nangyari kay Art.

Hindi ako nagrereklamo pero bakit ang daya?

Bakit kung sino pa ang mababait, ang mga tumutulong sa kapwa. Kung sino pang mga taong nagmamahal ng totoo, sila pa 'yong nahihirapan. Bakit sina Nate at Art pa?

Kapag nagte-therapy si Nate, nagpupunta ako ng AFGeneration para tumulong sa pagluluto ng pagkain ng mga bata at ni Art. Inaayos ko rin ang medications at natural medication ni Art nang hindi niya alam. Ayokong sumakit ulit ang ulo niya dahil sa akin kaya kapag alam kong pauwi na siya, aalis na agad ako.

Dahil palagi akong nandoon, binigyan na rin ako ni Tsang ng volunteer shirt. Lagi ko ring nakakausap ang ibang volunteer. May ilan doon, crush na crush si Art.

Hindi ko naman din masisi.

Kung dati nga na mailap sa tao si Art, crush na siya ng bayan sa school. Paano pa kaya ngayon na hindi na niya pinagdadamot yong gwapo niyang ngiti? Medyo awkward, parang hindi sanay, pero ngumingiti pa rin.

Nakakainis na nakakatuwa rin.

Nakakainis na dati, hirap na hirap ako makita yon tapos ngayon, kung kani-kanino lang niya binibigay.

Nakakatuwa dahil kahit na minsan hirap siya maakalala, maaliwalas na kahit papaano ang aura niya.

Siguro ang unfair lang din . . . dahil sa lahat ng volunteer na nakakausap at nakakangitian niya, ako yong nasa tago. Ako yong hindi pwedeng lumapit.

Kundi, susumpungin na naman siya ng sakit ng ulo.

Isang beses, nagtaka ako nang sa gitna ng paghuhugas ko ng plato, dumating si Art galing sa school. Katatapos lang mag-lunch ng mga bata at hindi pa niya dapat uwian pero andon siya, in flesh.

Sobrang kabado ako no'n dahil wala ang co-volunteers ko. Napatalikod agad ako dahil ayaw kong makita niya ako at hindi na naman siya makapasok sa school kinabukasan dahil sa sakit ng ulo.

Kinukuha niya yong atensyon ko sa pagtawag ng miss pero hindi pa rin ako lumilingon. Siguro na-stress siyang hindi ko siya nilingon, lumapit na siya at kinalabit na niya ako. Magtatanong ata ng ulam.

Nung nagkatinginan kami, nagkagulatan pa kami sa isa't isa. Sa sobrang panic ko, agad akong lumabas ng AFGeneration at naiwan ang mga gamit ko.

Hindi ako nakabalik agad dahil ayaw kong makita ako ni Art pero lahat ng gamit ko nandoon, pati ang phone ko. After 3 hours pa ako nakabalik dahil nagkape muna ako. Pagkarating ko sa bahay-ampunan, nakaupo si Art sa sofa, natutulog. Nasa tabi niya ang bag ko, nakaayos na, at nandoon na rin ang phone na china-charge ko bago nagmadaling umalis.

Gusto ko siyang gisingin no'n, tanungin kung kilala na ba niya ako, pero mas minabuti kong dahan-dahang kuhanin ang bag ko at pabulong na nag-thank you.

"Ang sarap raw ng pagkain, iha," sabi sa akin ni Tsang bago ako umalis. "Tuwang-tuwa si Art na naabutan niya ang luto mo. Tinanong nga niya kung anong mahika ang ginawa ko at sumarap ang pagkain na hinahain ko."

"Talaga ho?"

"Ay oo, ang sabi ko lang, kapag may pagmamahal na kasama ang pagluluto, sumasarap ito." Ngumiti siya sa akin. "Sigurado ka bang ayaw mong sabihin sa kanyang ikaw ang minsang nagluluto ng pagkain namin dito?"

Napangiti na lang ako at tumango. "Mas mabuti pong hindi niya alam."

Sapat na sa akin yong malamang nasasarapan ang lalaking dahilan ng pagluluto ko. Kahit pagod na pagod ako, worth it ang lahat kapag nakikita kong nakangiti ang mga tao sa paligid.

Lalo na siya.

Sinusubukan ko rin namang ngumiti palagi kapag nasa ospital ako kasama si Nate. Inaalis ko muna sa isip ko si Art, ang bahay ampunan, ang mga bata, ang AFGeneration, para mas mabigyan ng atensyon si Nate.

Pero bakit gano'n?

Kapag pinapanood ko siya kumain, naiisip ko si Art -- napapaisip kung kumain na ba siya? O nalimutan ba niya tulad ng nakwento ni Tsang na madalas, hindi na siya kumakain dahil nakakalimot?

Alam kong mas kailangan ako ni Nate pero . . . ewan.

Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko kinukwento ito sa iba. Hindi naman sekreto si Art pero tinatago ko siya pati na yong pag-volunteer ko sa AFGeneration, lalo na kay Nate. May kung ano akong nararamdaman sa puso ko na sa tuwing nakikita kong nakangiti si Nate sa akin, parang may ginagawa akong hindi okay. Parang niloloko ko siya.

Niloloko ko ba siya?

Hindi naman, hindi ba?

"Excited na akong makita 'yung papabol mo, Ianne!" tuwang-tuwa na sabi ni Joy habang kumakain ng donut.

"Pogi di ba? Exciting!" sabi ni Sunny.

Bumaba na kami ng jeep. Sinusundan nila ako hanggang sa dumaan na nga kami sa libingan tulad ng pagdaan namin dito ni Irene noon. Napapangisi ako dahil obvious na natatakot sila.

"Friend, bakit tayo nasa sementeryo? Akala ko ba ospital?" tanong ni Merry. "Nag-change venue kaagad?"

Natawa ako sa pinagsasasabi nila. Napansin ko namang tahimik si Maria na nakakapit kay Leah sa likuran namin.

"Anong nangyari sa 'yo, Maria? Ang tahimik mo," sabi ko.

Bumuntonghininga muna siya bago tumingin sa amin. "Ang love, parang ngongo."

"Ano na naman ba 'yan?" taas-kilay na tanong ni Sunny.

"In ni moh mah in nin ni han."

Tahimik kami habang tumatawa si Maria sa joke niya. Nakatitig lang kami sa kanya. Umiling pa nga ako hanggang sa si Leah na ang unang tumulak kay Maria palayo.

"Arouch!"

"Ang sama mo, Mario, ha." Tinawag na ni Leah si Maria sa totoong name. Seryoso na. "Hindi dapat 'yan ginagawang joke. Lalong hindi dapat pinagtatawanan."

Nag-react din si Merry. "Friends, let's go. Hindi natin kilala 'yan." Tinulak niya kami nang mahina para maglakad na habang masama ang tingin kay Maria.

"Huy, joke lang! Sorry na, sorry!" sigaw ni Maria. Nang makaabot na siya sa amin, hinihingal na siya. "Hindi na ako magjo-joke ng gano'n, promise. I'm a better girl na."

"Dapat lang," sabi ni Leah. "Hindi natin jino-joke mga ganyang bagay."

"Sorry puh." Ngumuso si Maria. "To make bawi, alam niyo ba ang love, parang nabuhol na sinulid?"

"Ito na naman po siya," react ni Joy nang makapasok na kami sa ospital. Hindi siya pinansin ni Maria na nagpatuloy sabihin ang linya niya.

"Kapag hindi mo na kayang ayusin, kailangan mo na putulin."

"So anyway," sabi ni Sunny. "Nasaan na si Nate?"

Natawa na lang ako dahil hindi na namin pinansin si Maria. Sumimangot si Maria nang makarating na kami sa hallway papuntang kwarto ni Nate. Palapit na kami nang lumabas si Cloud sa kwarto at pinatigil kami bigla ni Maria.

"Wait. Ang love . . . ang love mga bebe, nakikita ko na ang love ngayon!" dramatic niyang sabi habang titig na titig kay Cloud.

"Pogi alert weee wooo weee wooo!" natatawang bulong ni Merry.

"Hindi ba 'yan 'yong pinsan ni Nathaniel?" tanong ni Leah sa akin.

Kilala niya si Cloud? Ay wait, kaklase nga pala namin siya noon nung highschool. Nakita niya siguro si Cloud noong nag-play kami nung third year sa demon and maiden.

Hmm, demon and maiden . . . si Art.

Umiling ako at bumuga ng hangin. No, Ianne. Hindi ito ang oras para isipin siya.

Tumango na lang ako kay Leah. Sa aming magkakaibigan, siya lang talaga ang matino kausap dahil naglulupasay na sina Joy, Sunny, Merry, at Maria nang lumapit sa amin si Cloud habang nakangiti. Parang naglalaway pa nga ata yong apat.

"Yo!" bati sa amin ni Cloud. Tumingin siya sa mga kaibigan ko. "Your friends, Ianne-chan?"

"Kpop ka ba?" tanong ni Joy.

Nawala ang ngiti ni Cloud sa tanong ni Joy. Nasabi na sa akin ni Cloud na hindi niya raw trip mapagkamalang Kpop dahil una, Japanese siya at hindi Korean. Pangalawa, mas gwapo raw siya sa mga Kpop artist.

Oo na lang ako.

Nagbigay si Cloud ng mga face mask sa amin. Nagseryoso ang mga kaibigan ko na nagtaka pa kung anong meron. Hindi ko kasi sila na-brief masyado. Ang sabi ko lang, huwag maingay, pero hindi ko nasabi ang mga protocol.

Nginitian ko lang sila bago ko isuot ang face mask ko.

Pagpasok namin sa kwarto, natutulog si Nate nang mahimbing. Mukhang kagagaling lang sa therapy dahil mukhang pagod na pagod ang itsura niya.

"Si Nathaniel . . ." bulong ni Leah habang nakatingin sa akin. Nangungusap ang mga mata niya pero nginitian ko lang siya kahit hindi niya kita.

"Ang. . . ang peaceful ng itsura niya," sabi ni Sunny.

"Ang. . . ang gwapo niya matulog," sabi ni Joy.

"Ang. . . wala na akong maisip, Friend," sabi ni Merry.

"Ang love . . . parang sibuyas." Kumuha ng tissue si Maria sa bulsa niya at nagpunas ng luha sa mata. "Nakakaiyak itu!"

Napangiti na lang ako sa pinagsasasabi nila.

"Gising na siya," sabi ni Joy.

Nang tingnan ko si Nate, nakatingin siya sa akin tapos sa mga kaibigan ko. Ngumiti siya sa mga kaibigan ko.

"Hi," garalgal niyang bulong.

"Emerghed, ang gwapo ng boses niya," bulong ni Sunny kay Merry.

"Ang ganda rin ng mata niya, Friend," bulong ni Merry kay Sunny.

"Binulong niyo pa, narinig naman ni Nathaniel," natatawang sabi ni Leah.

Matapos ng ilang therapy session na talagang nagpahirap kay Nate, nakaya na niyang tumawa ulit.

Simula no'n, halos naging tambayan na rin namin ang kwarto ni Nate. Minsan hindi kami pinapapasok pero pinipilit ni Nate na gusto niyang makausap ang mga kaibigan ko na naging dahilan para maging close niya sina Joy, Sunny, Merry, Leah, lalo na ni Maria na walang ibang ginawa kundi magbanggit ng love quotes niya.

"Alam n'yo ba, ang love, parang si Rico," pambungad ni Maria. "Papa Nate dali, itanong mo kung bakit."

Natawa si Nate pero nagtanong pa rin ng bakit.

"Minsan kasi, Blanco. Minsan Puno at minsan, hindi lang alam . . ." Tumayo si Maria at lumapit kay Nate. Nilapit niya ang kamay sa mukha ni Nate na kunwari hinawakan ang mukha at bumulong gamit ang napaka-manly niyang boses. "Yan na pala."

Natawa si Nate sa sinabi ni Maria at nag-comment pa. "Alam ko na kung saan galing kakornihan mo, Ianne."

Minsan, marami kami sa kwarto pero kadalasan, pinapaalis na ang iba kapag over crowded na. May mga bumibisita pero hanggang labas lang tulad ni Lemaris na kasama ang boyfriend niyang si Lemuel. Ang tawag ko sa kanila is Lem-Lem couple na tinawanan nila sabay tinginan sa mga mata. Pssh. Masyadong in love.

Bumisita rin ang tatlong itlog kay Nate. Sina Jek, Toto, at Troy na wala ring alam sa nangyayari. Nakita lang nila nong nag-post ako sa Facebook at biglang nagsi-message sa akin ang mga itlog.

Nag-iyakan pa sila nung unang kita.

"Gago ka pre, kaya pala umalis ka ng bansa," sabi ni Jek habang nagpupunas ng luha.

"'Wag ka ngang umiyak, hindi pa ako sa kabaong nakahiga, o," natatawang sabi ni Nate.

"May sakit ka na nga, nagawa mo pang tumawa. Ulol ka talagang hayp ka," react ni Troy.

Nakaupo lang ako sa gilid habang nakangiti at naluluha. Sobrang nasasaktan ang puso ko na nakikita silang umiiyak pero naiiyak din ako sa tuwa dahil magkakasama sila ulit.

Si Nate at ang tatlong itlog.

"Magpagaling kang gago ka, jam tayo, Burning Thunder lang malakas!" sabi pa ni Jek.

"Wala na, nasunog na yong Burning Thunder," natatawang sabi ni Troy.

"Na--"

Naputol ang sasabihin ni Toto nang biglang bumukas ang pinto at may sumigaw na nagkagulatan kaming lahat.

"Papa Nate?!"

Si Humi!

Nasa likod niya si Cloud na nagkamot ng ulo. Humingi rin siya ng pasensya at bumulong ng, "Makulit, e."

Tumawa si Nate. "Ang bilis kumalat ng chismis."

Dumiretso si Humi palapit kay Nate, hindi man lang kami napansin lahat.

"It's super duper mega very true pala talaga?"

Naka-face mask na si Humi pero ang lakas pa rin ng boses niya.

"Uy, bawal maingay," sabi ni Toto.

Tiningnan nang masama ni Humi si Toto. "Sino ka naman? Who you po?"

"Aw, na-who you si Toto," natatawang sabi ni Jek.

Parang walang narinig si Humi at tumingin kay Nate. "Totoo bang kaya ka nagkaganyan ay dahil you fell for me?"

Natahimik kaming lahat at nagkatinginan tapos tumawa. Si Jek ang pinakanatawa. Bentang-benta, eh.

"Ang adik mo talaga, Humi," natatawang sabi ko.

Lumingon siya sa akin at nagulat sa presensya ko. "Ate Janine! Andyan ka pala!" Niyakap niya ako nang mahigpit. "Hawarya!"

Halos three years na ang nakaraan. Nagdalaga na nga ang itsura ni Humi pero ang energetic pa rin niya. Siya pa rin talaga ang pinakamagulo sa lahat ng nakilala ko.

"Ang ingay naman, tss."

Nilingon ni Humi si Toto na masama ang tingin sa kanya. Lumapit siya at nagulat kami nang kurutin ni Humi si Toto sa tagiliran!

"Aray. Ano ba!"

"Ang ingay naman," sigaw ni Humi sa tainga ni Toto. Tinanggal niya ang face mask niya, at sinadyang talsikan ng laway si Toto sa pag-"TSS."

Diring-diri si Toto pero tawa naman nang tawa si Jek. Bentang-benta talaga.

Ang cute nina Humi at Toto, parehas na sabog.

Nagkasiyahan pa kami. Nakahiram din kami ng mga gitara kaya nakapag-jam sila. Tulad ng dati, si Nate ang kumakanta kahit medyo nahihirapan kaya sumasabay din si Humi.

Muntik na akong maiyak nang marinig ko sila, na makita ko ulit silang apat. Sobrang nag-enjoy din ako sa masayang energy na nira-radiate ni Humi kahit madalas silang magbungguan ni Toto. Ang layo ng mga ganitong scene kapag wala nang tao.

Kapag wala nang tao, bumabalik ang lahat sa gloomy aura ng white walls ng ospital. Gabi na nang isa-isa nang umalis ang mga bisita at naiwan na kami ni Nate.

At tulad ng dati, bumalik na siya sa pagtitimpi ng sakit mula sa side effects ng therapy niya.

Ayaw man niya, sa akin lang niya pinapakitang nasasaktan na siya.

"Hindi ka pa ba uuwi? May gagawin kang importante bukas, di ba?"

"Ahh, oo. Bukas na lang. Sabi ni Cloud, darating daw siyang maaga."

"Ianne," sabi ni Nate at ngumiti. "Kaya ko naman sarili ko ng isang gabi na walang kasama . . . kahit malamig, maginaw, nakakatakot . . ."

"Adik ka!" Tumawa ako. "Kapag gumaling ka talaga, ilang beses na palo makukuha mo sa akin."

Napapikit siya at nagkagat ng labi. "Gusto mo nga akong gumaling, papatayin mo naman ako sa palo. Mamatay na lang kaya ako ngayon parehas lang din naman ng outcome?"

Pabiro akong umirap sa kanya. "Alam mo, habang tumatagal ka sa ospital, palala nang palala dark jokes mo."

Tumawa siya. "Hindi naman nagjo-joke."

"Dan Nathaniel Moises Manio!"

Tumawa siya lalo. "Full name, galit na si madam."

Umirap ako. Nagtaas siya ng kamay. Binigyan ko na lang siya ng binake kong malambot na cookies para hindi na siya mag-joke ng kung ano-ano nang tumunog ang phone ko. Hindi lang isa o dalawang beses. May missed call pa.

Pag-check ko ng phone, may missed call pa. Hindi kilalang number. Pag-check ko sa mga text, may isa na galing kay Tsang tapos yong iba, galing sa number na nag-miss call.


Tsang AFGeneration
Iha, nabili na namin ang lahat ng ingredients. Salamat sa iyong tulong. Kita tayo bukas, gising na ako ng 5am. Night!

Unknown
miss?

Unknown
nasabi ni tsang na ikaw raw nagluluto sa bahay paminsan. gusto ko lang magpasalamat dahil paborito ko na ang sinigang na baboy dahil sa luto mo. hehe.

Unknown
si art nga pala to, yung lalaking madalas sumasakit ulo. kung naaalala mo lang. hehe.


Kailan ba ako nakalimot?

"Sino raw? Importante?"

Napaangat ang tingin ko nang magsalita si Nate. Tapos na niyang kainin yong cookies, nakahiga na siya at nakatitig sa akin.

"Ah, hindi naman. Para lang sa pupuntahan ko bukas."

Tumango-tango siya at bumalik sa pagpikit, pagpahinga.

Napahawak naman ako sa dibdib ko at diniinan ito nang kaunti. Ito na naman ang pakiramdam na parang nanloloko ako . . .

Tutulong lang naman ako sa charity event.

Yon lang naman.





note:

Hi po!! Umpisahan ko sa umpisa: THANK YOOUUUU FOR READING AFGITMOLFM!! Maraming salamat sa mga mensahe n'yo, sa mga naghihintay ng update! Grabe? Napansin ko kasing dumarami ang new readers???? Yiee thank you sana enjoy kayo.

Sunod, SORRY!!! Sorry kung ang tagal ng update ko. Sabi ko every 5 days update na pero omg andami nangyari since october huhu. Naglipat po kami ng bahay at marami po kaming gamit sa bahay kaya antagal naayos, mga 1 month. Up until today, may mga gamit pa ring hindi naiaayos huhu.

Sa ngayon, mej settled naman na kami sa bagong bahay (o di ba nagkwento na haha). Share ko lang na ito ang unang beses na naglipat kami ng bahay sa tanang buhay ko. Nakatira na ako sa ibang bahay pero ito yong permanent na talaga O_O

Bye bye na sa dati naming apartment na tinirahan ko for 26 years! <(O_O)>

Nag 27 yrs old ako sa bagong bahay *mindblown* HAHA.

Last, sobrang naging busy po talaga ako sa worksssss. Marami po kasi akong trabaho huhu. Tapos may mga deadline na kailangan i-meet. Jusq. After kong i-post ito, may gagawin na ako ulit. Kaya pasensya naaa.

Sa update na ito, kalahati ay bago, kalahati ay edited from dating manuscript. Ang sabi ko last chapter, bago lahat pero naisip kong huwag pala ganon. So naglipat-lipat ako ng scene tapos nagdagdag bawas kaya tenen, ito na yong chapter.

Next chapter, marami ang from scratch. Ata. xD

Kung kailan ang next update -- wala po muna huhu baka matagal pero sana hindi.


dedication to Ana_anapot07 for this comment:

Nothing too special with this one. Napangiti lang ako na Ianne is motivating readers to keep on going. Akala ko lalaki lang ang laging tinitingnan ng readers; masaya akong kahit simple lang si ianne, nothing extravagant sa personality, ay may ganito pa ring message for her. Yiee.

THANK YOU ULIT! Haba ng note ko sorna puh. haha.

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
24.7M 558K 155
This is not a love story. This is a story about LOVE.
147K 11.2K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
11.4M 426K 47
Mia Mills is an aspiring singer with a painful past. Jarren Reyes is a known song writer with a broken heart. When two lonely souls met, they start t...