UNRIVALED!

By PeachyyyPie

284K 16.4K 4.3K

So, you think you're the strongest? Well.. Then maybe you haven't met her.. "If you want a real battle, then... More

PROLOGUE
* CHAPTER 1~ Blue Haven wall was wrecked!
* CHAPTER 2 ~ I am not interested.
* CHAPTER 3 ~ Don't bother me..
* CHAPTER 4 ~ Will you be our friend?
* CHAPTER 5 ~ Tick tock! Timebomb!
* CHAPTER 6 "War on!"
• CHAPTER 7 "Protect your base."
• CHAPTER 8 "Protect your base"
• CHAPTER 9 "The Giant Bird"
• CHAPTER 10 "The Lost Shoe"
• CHAPTER 11 "Pendant"
• CHAPTER 12 "Relic"
• CHAPTER 13 "Proxy"
• CHAPTER 14 "Captor"
• CHAPTER 15 "The Annual Tournament"
• CHAPTER 16 "Contenders Profile"
• CHAPTER 17 "Battle for cause"
• CHAPTER 18 "Eugi vs Suzzane"
• CHAPTER 19 "Eugi vs Alistair"
• CHAPTER 20 "Serendipity"
SPECIAL CHAPTER
• CHAPTER 21 "Trap"
• CHAPTER 22 "Default"
• CHAPTER 23 "Instinct"
• CHAPTER 24 "Payback!"
• CHAPTER 25 "Visit"
• CHAPTER 26 "Call away"
• CHAPTER 27 "Hierarchy "
• CHAPTER 28 "Barricade"
• CHAPTER 29 "Rogue!"
• CHAPTER 31 "Monitor"
• CHAPTER 32 "Missing"
• CHAPTER 33 "Justice"
• CHAPTER 34 "Help"
• CHAPTER 35 "Player's ready!"
• CHAPTER 36 "Hide and Seek"
• CHAPTER 37 "The Plan"
• CHAPTER 38 "Abduct"
• CHAPTER 39 "Eye for an Eye"
• CHAPTER 40 "Stolen"
• CHAPTER 41 "Paintings"
• CHAPTER 42 "Ambush"
• CHAPTER 43 "Operation"
CHAPTER 44 "The Plan"
CHAPTER 45 "The Royale Heir"

• CHAPTER 30 "Violators"

5.4K 385 79
By PeachyyyPie


HEAD COUNCIL'S OFFICE..

"Tell me who gave you the consent to prance in that area?"

Nakatungo lang ang ulo ni Neo habang kaharap ang Beta ng Guardian counselor. Wala siyang lakas na makipagtitigan sa lalaki dulot ng hiya ngunit ang katabi niyang si Eugi ay tila walang paki-alam sa pagtataray nito sa kanila. Diretso lang siyang nakatingin sa lalaki habang pinapakinggan ang pangaral nito sa kanila. Sa totoo lang, kanina pa dinadalaw ng antok si Eugi kaya napagkakamalan na niyang unan ang buong mukha ng Beta counselor.

"Uy, tinatanong ko kayo.. Ano?? Magtititigan nalang tayo??"

"N-No one told us, sir.." nakayuko pa rin ang ulo ni Neo.

"'Yun naman pala e.. Bakit kayo napadpad 'don?"

"Gan'to po kasi 'yon, kaya po kami pumunta 'don kasi 'kala namin may daan 'don pabalik sa grand hall.. Hindi naman po namin akalain na dead end 'dun e.."

"Hindi pa ba sapat ang karatulang student restriction? O hindi niyo naintindihan ang nakasulat dahil english?"

Walang sumagot.

"Ikaw.." nag-angat nang tingin si Neo matapos siyang ituro ng lalaki. "You seemed very familiar to me.. And if I'm not mistaken, you're that contender yesterday who brought everyone to their surprise, including me.. That battle was insane tho.. But judging by your actions, I was really suprised how confident you breach the rules today.." wala siyang nakuhang tugon mula kay Neo kaya tumingin naman siya sa babaeng katabi nito. Unang kumuha ng atensyon niya ang copper emblem ni Eugi, napangiwi siya dahil dito. "And you bring a mortal with you.."

"Do you have any idea how perilous your actions could get, once that Rogue charge towards you? Para sa kaalaman ninyong dalawa, hindi biro makaharap ang isang Rogue dragon." Bahagyang itinaas ng Beta ang kaniyang kamay at nabalutan ito ng pulang aura. Napagawi ang tingin ni Neo nang lumabas ang isang libro mula sa bookshelves na nasa likuran ng lalaki. Kusang lumutang ang libro hanggang sa ma-abot 'yon ng lalaki. Iniharap niya ang libro na may title 'Mythical creatures Almaniac'.

Binuklat nito ang bawat pahina na animo'y may hinahanap. Nang makita na ang hinahanap na pahina, muli niyang iniharap ang libro sa kanila. Malinaw na nakita ni Eugi at Neo ang gustong ipahiwatig ng officer. Hindi biro ang record ng nakaharap nilang rogue. "Rogue creatures aren't meant to be tamed.. Hindi sila domestic tulad ng ibang mythical creatures.. Wala silang kinikilalang master, nor do they symphatize anyone.. Ang alam lang nila ay magpaka-wild.. And you know what's worse? They could release upto maximum level of fire!"

Awtomatikong napalingon si Neo sa kaniyang katabi.

"None of you could do something once it lunge towards you.. You'll just face one thing.. DEATH.."

Hindi alam ni Neo kung paniniwalaan ba niya ang sinasabi ng Beta dahil taliwas mismo ang ipinakita kanina ni Eugi sa sinasabi nito. Nagawa nitong patayin ang apoy gamit lang ang kaniyang kapa. Hindi ito gumamit ng kahit na anong kapangyarihan, hindi rin naman bago sa kaniya ang lakas ng kaibigan. Pero bakit hindi pa rin niya maiwasang mamangha at mahintakutan sa t'wing nasasaksihan kung hanggang saan ang lakas nito?

"At Ikaw.." lumipat ang atensyon nito kay Eugi. "Why are you with her? Aren't you suppose to evacuate along with your classmates?"

"Actually po-"

"I'm not talking to you!"

"S-Sorry, po.."

"Ikaw.. anong pangalan mo?"

"Eugenie.."

"Oh, Eugenie.. Base on your emblem, you belong to the lowest hierarchy of this system.. Let me remind you that this Academy won't go easy on you, kahit pa wala kang kapangyarihan.. Wala sa batas ang magbigay ng exception treatment para sa mga mortal students.. Once you sin, you need to pay the consequences.." tumitig ito sa mukha ng kausap. Samantalang diretso lang ang tingin sa kaniya ni Eugi. Habang tumatagal ang tinginan nila ay nakakaramdam na siya ng pagka-ilang. Hindi niya nagugustuhan ang paraan ng pag tingin ni Eugi.

Tahimik lang rin si Neo habang pinagmamasdan ang dalawa. Patago siyang napangiti nang mapansing hindi na kinaya ng Beta ang makipag titigan sa kaniyang kaharap. "Kahit pa umabot kayo ng gabi, hindi ka niya'n tatantanan.. hehe.."

"Masuwerte kayo dahil hindi pa 'to nakakarating kay Headmistress.. Though hindi 'to makakalagpas sa'min.. You two will be facing first degree punishment.."

Napalunok si Neo. Paniguradong sesermonan siya ng kaniyang tita kapag nalaman ang kalokohang ginawa niya..

'Gano naman kabigat ang first degree punishment?

"Fill-up'an niyo 'to.." iniabot sa kanila ang dalawang pahinang form. Binigyan naman sila ng tig-isang ink dip pen kaya nagsimula na rin silang mag-sulat. Nasa kalagitnaan sila ng pagsusulat nang may kumatok sa may pinto, saka bumukas mula sa kanilang likuran. Unang pumasok si Ceref kasunod naman ni Rui.

"Alpha's.." ani ng Beta counselor nang makita ang dalawa. Sumandal siya sa inuupuan. "Nakarating na ba sa inyo?"

"Ang alin?" tanong ni Rui. Sandali siyang napasulyap sa dalawang babaeng nakatalikod sa kanila.

"Certified release of school commodities.. Pinirmahan na ni Headmistress ang kasunduan.. We will develop our new system as ordered by the school's Head department." pahayag nito sa dalawang Alpha. Habang abala ito sa pakikipag-usap ay tumingin naman si Neo kay Eugi na abala sa pagsusulat. Napansin ni Eugi ang tingin nito sa kaniya kaya bahagya na rin siyang napatingin dito.

"Anong ilalagay dito??" bulong ni Neo sa kaniya habang tinuturo ang isang tanong.

"Recipient lang 'yan.."

"Okie sige.. salamat.." at sinimulan na niya itong sulatan.

"By the way, who are they?" tanong ni Ceref habang nakatingin sa likod ng dalawang babae sa harapan ng Beta.

"Oh, I almost forgot the main purpose of summoning you both.. These girls did something out of restriction.." tukoy niya sa dalawang abala sa pagsusulat. Napalingon si Neo sa kaniyang likuran at nakita ang dalawang lalaking nakatayo malapit lang sa kanila. Masama ang tingin ni Ceref sa kaniya ngunit parang gulat naman ang naging reaksiyon ni Rui.

"Oh, 'di ba ikaw 'yung kahapon? 'Yung contender ng Sorcerer unit?"

Pinilit na inaalala ni Neo ang mukha nito pero 'di niya maalala. Oo nga pala, si Eugi ang nasa katawan ko kahapon.. "A-Ako nga, ako nga.."

"Still thinking about that rejection you did yesterday.."

"Eh? Nanligaw ka??"

"What are you saying?? Hindi kita niligawan dummy.. Hindi ba ni-reject mo 'yung offer ko?"

"Ah, offer pala 'yon.. kala ko kasi.."

"What?? You think that I'm courting you? Seriously get a grip.. Hindi maganda ang maging delusional.."

"Oy, h-hindi ako delusional! T'saka paki ko ba sa offer mo!"

"You have the audicity to raise your voice against the Alpha?" tanong ng Beta.

"A-Ah, sorry po.."

"Anyway, I'll be leaving these two in your hands.. I'm certain you can handle these two violators.."

"What's their rule degree?" tanong ni Ceref habang nakatingin pa rin sa likod ni Eugenie. Kahit na hindi siya nito harapin ay kilalang-kilala na niya ang postura nito. Alam niyang ito ang babaeng kinamumuhian niya, pero hindi niya inaasahang makikita 'yon dito dahil hindi naman ito mahilig pumasok sa mga gulo.

"First degree, Alpha.. Tresspasing in prohibited area.."

"Leave it to us.." nakangiting sagot ni Rui.

"Oh, narinig niyo 'yon?" tanong nito sa kanilang dalawa. Si Eugi ay patuloy lang sa pagsusulat na parang walang narinig, si Neo naman ay tumango-tango lang bago ituloy ang pagsusulat. "Ano pang hinihintay niyo? Move with them, sila ang bahala sa inyo.."

Mabilis na binitawan ni Eugi ang ink pen at tumayo sa kaniyang upuan, gumaya naman si Neo sa ginawa niya. Naunang lumabas nang kwarto si Ceref na sinundan ni Rui. Nasa bandang likuran naman nila magkatabing naglalakad ang dalawang babae. Kinuha ng Beta counselor ang form na sinulatan nila. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang 'Not applicable' ang mga nakasulat sa pangalan, contacts at iba pang crucial information nila. Mayroon pang drawing ng emoji sa ibaba ng papel, nakalabas ang dila nito na tila nang-aasar. Shit, nautakan siya ng dalawa..

Gusto pa sana niyang habulin ito pero paniguradong naka-alis na sila.

Bawat segundo lumilingon si Neo sa kaniyang katabi. Hindi siya mapakali. Kahit na normal nalang sa kaniya ang pang de-dedma ni Eugi, hindi pa rin siya mapanatag dahil tingin niya ay galit ito sa kaniya. Dahil sa ginawa niya.

"Sorry, Eugi.." mahinang sambit niya.

Hindi ito sumagot.

"Uy, galit ka ba?" bahagya niyang tinapik ito sa balikat.

"Hmm.."

"Galit ka yata sa 'kin e.."

"Ano bang sinasabi mo di'yan?"

"Bakit ayaw mo 'ko pansinin?"

"Hindi ako galit.."

"Talaga?"

"Mm.."

"Galit ka talaga e!"

"Hindi nga.."

"Ba't ayaw mo magsalita?"

"Wala naman akong sasabihin.. Anong gusto mong gawin ko, tumahol??"

"Hahahaha! Loko ka talaga!"

Dinig na dinig ng dalawang Alpha ang usapan nila sa likuran. Patagong tumatawa si Rui dahil sa pinag-uusapan ng mga ito. Hindi naman maganda ang impresyon ni Ceref dahil sa ingay ni Neo. Sinubukan niyang h'wag nalang pansinin iro pero nangingibabaw talaga ang malakas na boses ni Neo sa gitna ng tahimik na pasilyo.

"Could you shut up!?" Inis niyang lingon sa dalawa. "Kung gusto niyong mag-usap, mag bulung'an kayo! Darn voice so loud.."

Mabilis na nanahimik si Neo at muling tumingin sa daan.

Hinawakan ni Eugi ang pulsuhan ni Neo at pinatigil ito sa paglalakad, nagtataka siyang tumingin dito. Pinapauna niya lang ang dalawang lalaki. Nagsimula na uli silang maglakad nang mag limang metro na ang distansya nila mula kina Rui at Ceref. Siguro naman ay hindi na nito masyadong maririnig ang pinag-uusapan nila.

"Ituloy mo na ang sasabihin mo.." ani Eugi sa kaniya.

Napangiti si Neo. "So, 'yun nga.." at itinuloy na nito ang sinasabi kanina.

"Why sudden change of mood?" tanong ni Rui sa kaniyang katabi. Kanina kasi ay napansin niyang nawala nalang ng parang bula ang ngiti nito matapos pumasok sa Head council office. Ang akala pa naman niya ay good mood ito ngayong araw dahil nagkita sila ng fiancee nito, pero mukhang hindi talaga nito kayang maging stable sa loob ng isang araw.

"Mawawala ka talaga sa mood kapag nakita mo ang pinaka-ayaw mong makita.."

"Maiba ang usapan, alam mo na ba ang gagawin sa dalawang 'yan?"

Sandaling lumingon si Ceref sa dalawa. Abala ito sa pag-uusap. "Tsk.. Could we just get rid of them and tell the highers that they killed themselves due to depression?"

"You think they'll believe?"

"Baka sakali.."

"That's mess up.. Better run off with some other schemes.."

"If only I could decide the level degree of punishing, they'll experience what miserable looks like.."

Napailing-iling nalang si Rui sa ugali ni Ceref.

Tahimik silang nagpatuloy na naglakad palabas ng gusali. Para makatawid sa kabila, kailangan muna nilang dumaan sa tatlong grand hall bago makarating sa pinaka-dulo. Ilang minuto rin ang kanilang inabot bago makarating sa pang-sampung palapag ng pangatlong gusali. Pag bukas ng elevator, bumungad sa harap nila ang mahaba at gloomy na pasilyo.

Hindi masyadong maliwanag ang mga ilaw na nakahilera sa itaas kaya mas nangingibabaw ang pagka-gloomy ng paligid.

Pagka-hakbang ni Neo sa labas ng elevator ay humigpit ang hawak niya sa braso ni Eugi. "Ang creepy naman.."

Wag nilang sabihing ang punishment nila ay ilo-lock sila dito!?

Huhu, hindi niya 'yon kaya..

Gumagala ang tingin ni Neo sa paligid habang dikit na dikit kay Eugi. Sinilip niya ang mga nadadaanang silid. Walang katao-katao. Mas lalo siyang nahintakutan nang masulyapan ang mga abandonang kwarto, kitang-kita niya pa ang mga sirang silya at gamit sa loob. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin saka pumikit dahil sa kaba. "Mama! Huhu.. 'Yoko na rito!"

Natawa naman si Rui sa kaniya.

"Walang nakakatawa, legit natatakot na 'ko.. Eugi 'penge naman ng tapang oh.."

Walang sumagot sa kaniya at nagpatuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa tumigil sila sa tapat ng puting double door. Si Ceref ang nagbukas ng pinto ng madilim na silid kaya sumilip ang kaunting liwanag mula sa labas. Nauna siyang pumasok sa loob at parang nawala nalang sa loob ng dilim.

"Uy, na'san na 'yon?? Kinain na ba siya ng halimaw sa loob??" tanong ni Neo sa dalawang kasama. "Uy, guys-"

"You're probably thinking that we'll abandon you here while wailing shits to your mothers.. Though that seems to be a vigilant idea, sad to say I won't do it.." narinig nila ang boses ni Ceref mula sa loob.

Thank Goodness hindi nito gagawin ang iniisip niya..

"On contrary," kasabay 'non ay nagliwanag ang buong kwarto. Napaka-laki ng espasyo nito. "You'll clean this whole room.." bumungad sa kanila ang napaka-kalat na silid. Maduming ding-ding at kisame, nangangalawang na lamesa at inaagiw na mga sulok-sulok. Nagkalat din ang mga basag na statue sa sahig. Napangiwi si Neo nang pagmasdan ang buong kwarto. No way! Lilinisan talaga nila 'to!?

"Oh, there's one thing I like to add.." ani Ceref bago tumingin kay Neo. "You will be cleaning the other room.."

"What?" halos bulong na sagot ni Neo.

"Got a problem, Lio?"

"Lio?? Sino 'yun?? It's Neo.."

"Whatever.."

"Pero wait.. Hindi ba masyadong malaki 'tong kwarto para linisan ni Eugi mag-isa?"

"I know.. Why? You want to switch with her?"

"H-Hindi sa ga'non.. 'Di ba p'wedeng tulungan ko nalang siya rito t'saka tulungan niya rin ako sa kabila.. I swear, gagabihin pa kami bago matapos 'to.."

"Wala kong paki-alam kung gabihin pa kayo.. 'Pag nag sama kayo sa isang kwarto paniguradong wala rin kayong matatapos kaka-daldal.."

"Promise, hindi kami mag-uusap-"

"Hindi ba p'wedeng makinig ka nalang, Neo?" pag singit ni Rui habang magka-krus ang braso. "Ang dami mong angal.. Gayahin mo 'yang katabi mo, walang sinasabi.. Magpasalamat ka nalang na hanggang gan'to lang ang kaya naming ibigay na parusa sa inyo.. Dahil mas 'di mo gugustuhin kapag nagbago ang isip namin.."

Napanguso si Neo at walang nagawang tumahimik. Nag-aalala siya ngayon kay Eugi. Paano kung abutin ito hanggang mamayang gabi? Kailangan niyang bilisan mag linis at tulungan ang kaibigan niya.

"M-Makikipag palit nalang ako sa kaniya.." mungkahi ni Neo.

Tumingin si Eugi sa kaniya. "Hindi ko naman ikamamatay ang mag linis, Neo.. Ano bang tingin mo sa 'kin, makalanghap lang ng alikabok mamamatay na?"

"Pero.."

"Sumunod ka nalang.."

"S-Sige.."

"Rui, go monitor that witch.. I'll handle this low class.." ani Ceref.

'Did he called me witch!? Freaking blood sucker! Kung p'wede ko lang talaga 'to sagutin ay baka nakatikim na 'to ng hindi magagandang salita sa 'kin!'

Nagsimula nang lumakad si Rui, sumunod naman siya dito. "Eugi, babalikan kita! Sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong ko, ha!?" pahabol na sigaw ni Neo bago tuluyang maka-alis. Natatawang umiling-iling si Rui sa pag-uugali ni Neo. Hindi siya makapaniwala na ito ang babaeng tumanggi ng alok niya kahapon. Taliwas sa walang emosyon nitong pag-uugali kahapon. Damn, napaka-bilis nitong mag bago ng mood.

"Screw that talking machine! Could she lose her voice instead!? Tsk, parang mamamatay kapag tumahimik!" Iritang komento ni Ceref habang magka-salubong ang dalawang kilay. Maya-maya pa ay tiningnan niya si Eugi. "Oh? Anong tinutunganga mo?? Hinihintay mo bang mag kusa 'yang mga walis??"

"Hinihintay kitang tumahimik.." walang lingon na sagot ni Eugi.

"Tsk! Imbis na maghintay kang tumahimik ako, simulan mo nang kumilos dahil wala kang matatapos! Tss, what an idiot.."

Hindi na muling sumagot si Eugi saka nagsimula nang kumilos. Pinuno niya ng tubig ang apat na timbang nakita niya sa may loob ng cleaning tools cabinet. Nilabas niya ang lahat ng kakailanganin na gamit para mag linis. Matapos niyang ihanda ang mga ito ay kumuha siya ng mop at sinawsaw 'yon sa timbang may halong cleaning powder.

Prenteng nakasandal lang si Ceref sa may pintuan habang pinapanood na maglinis Eugi. Sa totoo lang, puwede naman niyang iwanan ito at saka nalang balikan kapag tapos na, pero gusto niya itong pag trip'an at pahirapan pa lalo kaya mas pinili niya munang mag-stay.

Nakaka-bad trip lang, ang buong akala niya ay aabutin ito ng gabi bago matapos sa paglilinis pero ilang minuto palang ang lumilipas ay halos kalahati na ng kwarto ang nalilinisan nito. Napaka-bilis nitong kumilos at walang sinasayang na segundo. Paano ba naman? Wala man lang ka-effort effort nitong nabubuhat ang mga naglalakihang estatwa para ilipat sa kabila. Binubuhat nito ang malalaking shelves na parang nagbubuhat lang ng mga unan. Kahit pa aware siya sa tunay nitong kakayahan ay hindi mawala ang inis sa isipan niyang mas lamang ito sa kaniya..

TAMA.. 'Yon ang dahilan kung bakit masama ang tingin niya dito..

Dahil mas lamang ito sa kaniya..

Pero, siya lamang ang nakaka-alam 'non..

At wala siyang balak na ipa-alam sa iba..

Hangga't tahimik si Eugi tungkol sa tunay na kakayahan niya, wala siyang dapat na ipag-alala..

Nasa kalagitnaan ng pagkukuskos ng pader si Eugi nang pasadyang sipain ni Ceref ang isa sa mga timbang naglalaman ng punong tubig. Tumapon ang buong tubig sa sahig kaya napalingon si Eugi sa kaniya. "Ugh.. I almost slipped, bakit ba kasi nandito 'yan sa tabi ko?"

"Ikaw? Bakit ka ba nandito?"

"Eh ako ang Alpha dito!"

"Pero hindi ikaw ang naglilinis.."

"Tsk, sasagot ka pa.. Hindi naman ako violator katulad mo, kaya dapat lang sa 'yo 'yang ginagawa mo!"

Walang imik na tumayo si Eugi at naglakad palapit sa direksiyon ni Ceref. Nakatitig lang ang bampira sa kaniya na animo'y nagtataka sa susunod niyang gagawin. Nang malapit na ito sa kaniya ay binuhat nito ang isa mga timbang naglalaman ng tubig. Dumaan ito sa sahig kung saan natapon ang tubig saka pasadyang binitawan ang hawak na timba! Umasta siyang natumba sa sahig dahil sa pagka-dulas. Tumilapon naman patalsik sa mismong harapan ni Ceref ang tubig, dahilan para mabasa ang kalahati ng kaniyang uniporme.

"Ugh.. I almost slipped.. Bakit ba kasi nandito ka malapit sa madulas na sahig?" halos panggagaya ni Eugi sa sinabi niya kanina. Hindi na napigilan ni Ceref na lamunin sa galit! Pumula ang kaniyang mga mata at mas visible ang kaniyang pangil. Naramdaman nalang ni Eugi na patayo siyang hinigit nito sa kaniyang kuwelyo.

"You did it on purpose, you miserable cheap!" Nagtatangis ang ipin nito habang diretsong nakatingin sa kaniyang mata. Kahit ilang beses na niya itong binantaan, hindi pa rin niya nakikita ang takot sa mata nito. "Don't look at me like that, you little shit!"

"Then don't look at me.."

"Tsk! You're going to pay for this cheap!" pabagsak siyang binitawan ni Ceref kaya bumagsak ang katawan niya sa sahig. Masamang tingin ang ipinukol sa kaniya ng lalaki bago ito pagalit na naglakad paalis. Naiwan naman siyang nakaupo sa lapag habang nakatingin sa palayong pigura nito.

Nang tuluyan ng maka-alis si Ceref ay 'don lang niya naisipang tumayo at lumapit sa may pintuan. Sinarado niya ang pinto at ni-lock 'yon. Ang walang emosyon na mukha ni Eugi ay unti-unting napalitan ng maliit na ngisi sa kaniyang labi. "Ayaw mo pala na inu-ugali 'yang ugali mo edi h'wag mo na rin ako simulan.."

*****

At MAGKA-AWAY pa rin sila.. Hahaha

Anyway, always pray for everyone's health. John 6:20

Vote. Follow. Comment! God bless!

Continue Reading

You'll Also Like

124K 6K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
80.7K 3.3K 6
This story is inspired by the movie, How To Lose a Guy in 10 days. Isang linggo pag-ibig yarn? Char. ===== Alcantara story.
10.9M 202K 48
FILIPINO | Y2017 Veronica Luna fell inlove with Dylan Caden the first time she saw him. But she's not the the one he loves. Dylan Caden was in a rela...
1.4M 55.8K 57
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...