Could Have Been Better (Crush...

By PollyNomial

16.2K 600 58

Elaine Joy Mendoza was from Los Angeles. Pero kahit ilang taon na mula nang tumira siya roon kasama ang pamil... More

Could Have Been Better
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Ending
Lost With A Shattered Heart

Chapter 48

206 9 2
By PollyNomial

CHAPTER 48 — Risk


"Magtititigan na lang ba tayo rito, Elaine? Wala namang kaso sa akin 'yon. I don't mind staring at you all day," Conrad said with that familiar humor in his eyes. "We could just stay inside your house or we could go somewhere else," mapaglaro ang tono niya na mas lalong nagpainit sa aking ulo.

Tiningnan ko ang aking relo. It's still too early. Kinalkula ko na ang oras kung maglalakad ako palabas ng aming village at maghahanap ng taxi. Maaga pa rin akong makakarating sa trabaho kung sisimulan ko na ito ngayon.

Ngunit may lalaking nakaharang sa harap ng aming gate.

He's car was parked right in front of our gate. Nanatili itong nakaharang sa aming dalawa dahil hindi ko pa rin ito binubuksan.

Conrad was confidently standing there with his hands in the pockets of his black jeans. Prente siyang pinagmasmasdan ako na akala mo ay walang nangyari noong isang gabi. The way he smiles doesn't show that he just cried his heart out the other day. Nakalimutan na ba niya ang mga nangyari? Nakalimutan ba niya ang sinabi ko sa kaniya?

Kahit na ayaw kong buksan siya ng gate dahil mas gusto ko pang manatili itong harang sa pagitan naming dalawa, hindi naman maaari dahil kailangan ko nang pumasok sa trabaho.

That's why with a hesitant mind, I opened the gate to face him. Tumabi siya upang mabuksan ko ito nang maigi at makalabas ako.

Ilang na ilang ako sa paraan ng panonood niya sa bawat kilos ko. Nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang ngiti sa labi niya habang pinagmamasdan akong kabado dahil din sa kaniya.

Nang maisarado ko nang muli ang gate ay umalis siya sa gilid ko patungong kotse niya. Ako naman ang nagkaroon ng tsansang panoorin ang galaw niya. He opened the door of his car and gestured me to come inside.

Isang malalim na kunot ang pumorma sa gitna ng aking mga kilay. Naglakad ako papunta sa kaniya at huminga nang malalim bago nagsalita.

"Conrad, bakit ka ba talaga nandito?" namomroblema kong tanong sa kaniya. Hinarap ko siya upang ipakita sa kaniya na seryoso talaga ako at hindi na nakikipagbiruan pa.

He breathe in and out deeply. Sa tingin ko ay nakukuha na niya na wala nang nakakatawa sa sitwasyon naming dalawa.

"Get inside the car first. You can't be late from your work, right? Then we'll talk once we're settled inside the car," aniya sa akin sa mas kalmado at seryosong tono.

I'm still thinking twice if I should follow him or not. Mahaba pa naman ang oras bago ang oras na dapat ay makarating ako sa trabaho. Pero sa pagtingin sa akin ni Conrad, alam kong hindi siya susunod kung sasabihin kong dito na mismo kami mag-usap at papasok na lang ako sa trabaho mag-isa.

So I just followed what he said. Para matapos na lang ang lahat.

Malalim ang pagngiti niya nang sumakay ako sa kaniyang sasakyan. He closed the door for me a jogged his way to the other side of the car. Ilang sandali pa ay magkatabi na kaming dalawa sa loob ng kaniyang kotse.

Kinagat ko ang aking labi nang maamoy ang sasakyan ni Conrad. It was very manly but not too strong for me. Malabo na sa memorya ko ang huling beses na nagkatabi kami ni Conrad sa kanilang sasakyan. Before, we used to ride the same car but we're always with Celine. Wala pang nakakaintindi sa mga nararamdaman ko noon kahit na siya. Pero kahit na kulang kami sa mga salita, naipakita naman namin ito sa aming mga kilos at ginagawa para sa isa't isa.

Nilihis ko ang aking sarili sa muling pagbabalik sa nakaraan. Kailangan naming mag-usap. Kailangan kong malaman kung anong ginagawa niya sa tapat ng bahay namin at bakit niya ako hinihintay roon.

Pero ang hangin sa loob ng sasakyan ay pumipigil sa akin. He's not saying anything. Tanging mga hininga lang namin ang maririnig hanggang sa nakalabas na kami ng aming village.

That moment, I pulled all the courage I had and started another round of conversation with him.

"Can we talk now?" panimula ko.

Isang tikhim ang isinagot niya sa akin. "Please wear your seatbelt first," he casually said.

Tumalima ako at isinuot sa sarili ang seatbelt. "What are doing outside my house?" tanong kong hindi na nagpaliguyligoy pa.

"Like what I've said earlier, I'll drive you to your work," he said like it's not a big thing yet it is for me.

Hinigit ko ang aking hininga. Wrong question, Elaine. Tandaan mo, nakikipag-usap ka kay Conrad.

"Then why? Why are you doing this? Hindi ba sinabi ko na sa'yo na hindi na tayo pwede," gigil kong utas.

"Hindi pa..." balik niya sa akin.

Suminghap ako at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. I should be happy with it but why do I always get annoyed whenever he pushes the idea that we can still be together?

Bakit niya iyon sinasabi? Sino ba sa amin itong may sabit? Anong gusto niyang gawin ko? Maghintay ako hanggang sa pwede na kaming dalawa?

Sa gigil ko ay namuo na ang luha sa mga mata ko. Conrad saw it and he panicked. Itinabi niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Malayo pa kami sa trabaho at sa nararamdaman kong ito, parang mas gusto kong umuwi na lang at huwag nang pumasok.

"Holy shit, Elaine, don't cry. Hindi ang iniisip mo ang ibig kong sabihin dito," utas niya matapos iharap ang sarili sa akin.

"Bakit? Alam mo ba ang iniisip ko?" umaalon ang boses ko habang binibigkas ang bawat salita. Hindi ko na napigilan ang maiyak. "Hindi mo kasi naiintindihan, Conrad, dahil wala ka sa sitwasyon ko," sabi ko sa kaniya.

He violently cursed and took my hand. "To answer your first question, yes, I know what you're thinking. I may sound like a player but that's not what I meant with what I said. Also, I understand how you feel. Ako pa ang tinanong mo sa bagay na 'yan, Elaine? Ako nga itong parang tanga na naghintay sa'yo ng ilang taon..."

"Ah," I smiled bitterly. "Sinusumbatan mo ba ako? Ngayon ako naman ang dapat maghintay, ganoon? 'Yon ba ang gusto mong mangyari?" naiiyak kong sambit habang galit na nakatingin sa mga mata niya.

Natahimik siya at mas lalo lang nadagdagan ang hinagpis ko.

Silence means yes. Ganoon ba talaga ang gusto niyang mangyari?

Iniwas ko ang aking mga mata at hinawi ang kamay niyang nakakapit sa akin. Marahas kong pinunasan ang luhang lumandas sa aking pisngi.

"Ito na ba ang ganti mo? Are you still doing this to spite me?"

"No!" mariing tanggi niya.

Huminga ako nang malalim at pinilit kalmahin ang aking sarili. Inayos ko ang aking upo. If I decide to go home, then I would just dwell on the stupid things that are happening to me the whole day. Kung papasok naman ako, maaari ko pa itong pansamantalang makalimutan.

"Bababa na ako," I weakly said to end our painful conversation. "It's not hard to find a taxi in this area. Thank you for driving me but please, don't do this again," matabang kong sabi sa kaniya.

"Elaine, huwag na," sinimulan ni Conrad ang sasakyan bago ko pa mabuksan ang pinto.

Umawang ang aking bibig at nanggigigil ko siyang binalingan. Bago ko pa mailabas ang inis ay nagsalita na siya.

"I'll drive you to work, that's what I said so that's what I'll do," paos niyang wika at halatang sumuko na rin.

Hindi na ako muling nagsalita para matapos na ito. Wala naman akong laban sa katulad ni Conrad. Ako pa rin naman kasi ang susuko rito. Hindi ko lang masikmura ang sitwasyon. Ilang ulit ko nang sinabi sa aking sarili na ako ang may kasalanan kaya ako ang dapat na magpaubaya. Na baka ito na nga ang kapalit ng pananakit ko sa kaniya.

Pero bakit parang sobra naman? Hindi na nagpahinga ang puso ko sa poot na nararamdaman nito. What I said to him before was true. Hindi dahil sa ako ang nang-iwan ay hindi ako nasaktan. I'm not comparing the level of pain that we felt but what I just want to prove was that I was hurt too. Hindi lang siya kundi ako rin. At libong beses ko nang pinagsisihan ang kasalanan ko.

Bakit ba kahit na humingi na ako ng tawad ay masakit pa rin ang puso ko? Bakit kahit nagbalik na ako sa kaniya, parang hindi ko pa rin siya maabot? Bakit naman ang sakit sakit na ng pagmamahal na ito?

I did not say the address of the building where I work to Conrad but he already knew where it was.

Sa katahimikan naming dalawa ay nakarating kami nang payapa roon. Itinuon niya ang pansin sa pagmamaneho habang ako naman ay pinapanood ang aming dinaraanan.

When we arrived, I automatically looked at my wrist watch and saw that I still have thirty minutes more before eight o'clock. Maaari pa akong makapag-ayos kung sakaling nasira ang makeup ko dahil sa pag-iyak ko kanina.

The moment he stopped his car in front of the main entrance of the building, I immediately held the car's door to open it, but it's locked.

Nilingon ko si Conrad na nakamasid na rin sa akin upang pakiusapan siyang palabasin na ako.

Pero naunahan niya akong magsalita.

"I came to your house because I badly wanted to see you, Elaine. I didn't properly say goodbye to you when we left the resort yesterday," usal niya sa mas kalmadong tono.

Kinalma ko na rin ang sarili ko dahil wala namang dahilan para maiyak o magalit ulit ako.

Hinintay niya akong magsalita pero tikom lang ang bibig ko.

"Inaayos ko na ang lahat ng maling nagawa ko. I realized my mistakes and I promise to never do that again. Napuno lang ang puso ko nang galit noong makita kita ulit pero hindi naman nagtagal iyon. I regret what I did because nothing can change the fact that I'm in love with you. Ipinaliwanag ko na sa'yo lahat noong isang gabi," nagsusumamo niyang sambit habang ako ay diretso ang tingin sa aming harap.

Umangat ang kaniyang kamay at hinaplos niya nang marahan ang aking pisngi. Dahan dahan niya itong iginalaw upang iharap sa kaniya.

"Please believe me..." bulalas niya habang namumungay ang kaniyang mga mata. His eyes were red. Nagbabantang lumandas ang luha mula roon. "I beg you, please..."

Bumuntong hininga ako at pagod na ipinikit ang mga mata.

Batid kong may mali sa magiging desisyon ko pero tumango pa rin ako nang ilang beses bilang sagot kay Conrad.

I watched Conrad as calmness took over the sadness in his face. Matamis niya akong nginitian at tinitigan gamit ang mapupungay niyang mga mata..

"Mag-usap tayo pagkatapos ng lahat ng ito," kinagat ko ang aking labi dahil direkta siyang nakatitig sa mga mata ko.

Itinagilid pa niya ang kaniyang ulo para mas mapagmasdan ako nang maigi. "Does this mean that I'm forgiven?" malamyos niyang tanong. "That you believe me?"

As he caressed my cheek, I could feel my heart trembling and getting excited. Inaalala ko pa rin ang mga maaaring mangyari. Inaalala ko si Shayne at kung anong magiging desisyon ni Conrad sa kanilang relasyon.

I accepted his explanations so fast and didn't question him anymore. Tama ba itong gagawin ko? Kanina lang ay natatabunan ang isip ko ng mga pangamba.

Although he said that he's gonna fix the mess that he made. Pero kasiguraduhan na ba iyon?

Ang bilis ng pagdedesiyon ko ay dahil sa sobrang tagal ko na itong hinintay. Masama bang tanggapin ko na lang siya kahit na batid naming dalawa na may taong masasaktan? Was it really too fast if I decided to accept him right away?

Sobra sobrang pagsisisi ang kinimkim ko nang mag-usap kami noong nagdaang gabi. Ngayon, ayoko nang muling magsisi.

Para sa sagot sa kaniyang tanong, ngumiti ako at niramdam ang haplos niya sa aking pisngi.

Ang sagot naman sa mga tanong ko ay ayoko nang isipin pa. Ngayong malapit si Conrad sa akin, ang inaalala ko na lang ay kung paano ko siya mapapanatili sa tabi ko. Paano ba ako makakabawi sa mga taong nawala ako sa kaniya? Ito na ang pagkakataon ko at ayoko nang palagpasin ito.

He's asking me to accept him again and who am I to reject him?

The sadness on his face was totally gone. Also, the sincerity in his eyes tells me that just like me, he's been waiting for this to happen for a long time.

Ilang saglit pa kaming nasa ganoong posisyon nang bitiwan niya ako at hayaan akong makalabas na sa kaniyang sasakyan.

He rolled down the car's window to see me and bid another goodbye. "I'll see you later," he uttered when I peeked at him inside his car.

"You don't have to see me later, Conrad. 'Di ba ay marami ka pang aayusin?" nakataas ang kilay kong tanong.

Ngumuso siya at sumandal sa kaniyang upuan. Nakamasid pa rin siya sa akin.

"Bye!" I waved my hand at him. Tinalikuran ko na siya upang makapasok na sa loob ng aming building.

I couldn't resist smiling. Kahit sa loob ng elevator ay si Conrad ang iniisip ko. I greeted everyone that I encounter, even the three girls who obviously don't like my presence. Isang linggo ko na silang nakakasama ngunit hanggang ngayon ay nakakailang pa rin ang mga paninitig nila. It's like their judging me through their looks and gestures.

Kahit na ganoon ay naging mabait naman ako sa kanila. Except from the three of them, everyone is nice to me. Katulad na lang ni Royce na nakasundo ko na agad kahit na lalaki siya at kaibigan ni Constantine.

"Con's already inside. He's waiting for you," ani Royce matapos ko siyang batiin.

At first I thought he was referring to Conrad but when I realized that it's Constantine, panic filled me in. Nawala ang kanina pang ngiti sa labi ko. Tiningnan ko ang aking relo at limang minuto pa bago mag alas otso. I made sure that my watch is ten minutes earlier than the clock in our office. Imposibleng late ako.

Tumakbo ako patungong opisina. Narinig ko pa ang hagikgikan ng tatlong babaeng liligaya yata kung mapapagalitan ako.

I carefully opened the door of Constantine's office. Munting ingay ang ginawa niyon at nang masilip ko na ang kabuuan ng buong opisina ay naghabol ako ng hininga sa kaba.

Nakaupo na si Constantine sa likod ng kaniyang mesa at kaharap na nito ang laptop. He's already working even though the clock in the office shows that it's still ten minutes before the start of our working hours.

Kunot-noong nakatitig si Constantine sa kung anomang nakikita niya sa kaniyang laptop habang ako naman ay dahan dahang lumalapit at nag-aalangang batiin siya.

"G-good morning, uhm, Constantine," I cautiously greeted him. I was suddenly shy to call him using his first name.

Ibinaba niya nang kaunti ang monitor ng kaniyang laptop at inangat ang tingin sa akin.

Ang puso kong dumadagundong sa kaba ay unti unting kumalma nang tumaas ang gilid ng labi niya. Ngunit kahit na hindi naman mukhang galit si Constantine ay kalkulado pa rin ang aking kilos.

"You're just right on time," maaliwalas niyang sabi at doon na ako nakahinga nang maluwag lalo na nang mapatunayan ng ngiti niya na hindi nga siya galit.

Muli niyang inangat ang screen ng kaniyang laptop at inikot iyon upang ipakita sa akin.

"I read your report and I couldn't think of any other words to describe it but outstanding, Elaine. You've done a great job. I decided to use this for the mock presentation today," aniya sa akin.

Umawang ang aking bibig at tiningnan ang screen ng laptop niya. It showed the email that I sent him last week. Wala pang pagbabago roon dahil nakabukas mismo ang file sa email niya. Kung ganoon ay ngayon lang niya ito tiningnan matapos ng dalawang araw na weekend?

"May mock presentation po?" naitanong ko dahil wala naman kaming napag-usapan nung nakaraang lingo tungkol dito.

"Yes, but it will just be for our team. Tomorrow, we'll present to the chairman and Mr. Montecarlos," wika niya.

Inilapit ko ang aking sarili sa screen ng laptop ni Constantine upang siguraduhing wala talaga siyang binago roon.

"Should I edit it? Wala na po ba akong kailangan baguhin?" tanong ko sa kaniya.

"We'll do the editing later after the mock presentation. I'm sure there will be some loopholes. The whole team will be listening. Kung mas marami tayo, mas marami ring utak ang gagana. I want everything to be perfect tomorrow. Remember, this issue will be the comeback of our magazine," paliwanag niya.

Sumang-ayon ako sa kaniya. Mas maigi ngang mamaya na lang baguhin ang mga dapat ayusin. Kung ngayon kasi ay baka masayang lang ang aming oras dahil paniguradong may mga pagbabago pa ring magaganap mamaya pagkatapos ng mock presentation na sinasabi ni Constantine.

I settled myself on my own table inside Constantine's office. Ngayon ay kumportable na ako rito. Unlike the first time I came here, I felt uncomfortable staying inside the office of my boss. Gayunpaman, naintindihan ko na kung bakit kailangan ako rito. Totoo ang sinabi niyang bawat oras ay kakailanganin niya ang tulong ko. That's why he didn't wanna waste time calling me in and out of his office whenever he needed my help. Kung nandito ako sa loob, isang tingin lang niya sa akin ay nakahanda na agad ako para sa kaniyang ipag-uutos.

The said mock presentation will happen in two hours and Constantine requested me to prepare a simple PowerPoint presentation. Madali ko iyong ginawa. All the details came from the reports I made so it wasn't that hard for me to do. Lahat lang naman ng importanteng bagay ang kailangan kong gawin ang isasama sa powerpoint presentation.

Once done, I sent the file to Constantine's email. He prefers every file that we make to be sent to his email so that it won't be corrupted or misplaced. Kapag kasi sa flash drive o hard drive ay nag-aalangan siya dahil may mga pagkakataon na nawawala na lang ito. But to make sure, I saved everything to my laptop and copied it to a hard drive as well.

Sinulyapan ko si Constantine at nang matanaw na abala ito sa sariling laptop ay sinimulan kong unatin ang aking katawan.

I released a tired breath.

I called his name after to call his attention. "Constantine."

"Yeah," he immediately mumbled while his eyes are fixed on his laptop.

"I just sent the powerpoint to your email," utas ko.

"Uh-huh, I'm studying it already," simpleng sagot niya na hindi ako tinitingnan.

Ngumuso ako at tumango na lamang. I waited for his comments, however, a few minutes have gone and he's still on his laptop.

Nagkibit balikat na lang ako at inisip na baka okay na ang presentation na ginawa ko para sa kaniya.

Dahil walang magawa habang naghihintay sa presentation ay pinag-aralan ko lang muli ang aking ginawang mga reports. I studied it as if I was the one who's going to present it. I realized that I should also be knowledgable with the presentation even if it would Constantine who's going to do it. Para kahit papaano ay may input din ako mamaya kapag nanghingi siya ng mga opinyon at ideya.

While scanning the papers and also the powerpoint that I made, I felt my phone vibrate. Whenever I'm at work, I make sure that my phone's beside me and in silent mode. Naka on naman ang vibration nito kaya mararamdaman ko pa rin kung may text o tawag ako natatanggap.

Right now, an unknown number is calling me again. The number was familiar until I remembered the number that's calling me this morning.

Dahil kaharap ko si Constantine ay nagpasya akong huwag itong sagutin. Instead, I rejected the call and just texted the number.

Ako:

Who's this?

The caller replied immediately. I read the notification and gasped when I saw the name written there.

Unknown Number:

Conrad. You're not answering my calls. Are you busy?

Lumunok ako habang binabasa ang kaniyang reply. My hands were suddenly shaking. I took a glance at Constantine and saw that he's still busy.

Nagtipa ako ng reply kay Conrad.

Ako:

I'm at work. What do you expect? So you were the one calling me this morning?

I hit send while I rest my back on my chair. Kakaiba talaga ang ibinibigay na pakiramdam sa akin ni Conrad. Just his simple text makes my heart jump nonstop inside my chest. I wonder if he also feels that same when I'm around him. Noon pa mang mga bata kami ay ganito na ako sa kaniya. Paano kaya siya?

I saved his number as I wait for his reply. Hindi naman ako nabigo dahil sa maagap na pagsagot niya.

Conrad:

Yes, it was me. Hindi ako sigurado sa oras ng pagpasok mo kaya tumawag ako. You didn't answer so I decided to just come early to your house. Hindi naman ako nabigo.

He followed the text with another one but it was just a laughing emoji.

I bit my lip because I do not know what to reply anymore. Lalo na nang mag-text ulit siya ng isa pang emoji at ito naman 'yong may kiss at puso.

Lalo na akong hindi naka reply. Alam ba ni Conrad ang kaniyang ginagawa? Is he flirting with me. Gayung mayroon siyang girlfriend?

The thought made me anxious again. Sana pala ay hindi ko na lang siya pinaunlakan kanina. I just made a promise that we would talk again. Nakakainis na ang bilis bilis kong bumigay sa kaniya gayung may hadlang na sa aming dalawa.

Those thoughts clouded my mind for the next hours.

When two hours have gone, I forced myself to forget about it for the mean time and prepare for the mock presentation that's going to happen.

Sinipat ko si Constantine na naghahanda na rin. Nang tumigil ang mga mata niya sa akin ay tumayo ako para lapitan siya.

"Bring the papers that we need," utos niya sa akin habang itinuturo ang mga folder na nasa kaniyang mesa.

Naghihintay siya sa akin habang pinagsasama sama ko ang mga folder na binasa niya kanina. Nang lahat ay nakimkim ko na sa aking kamay ay saka ko siya hinarap.

I didn't realize that he was standing near me and staring at me. "It's my assistant's job to do those things but since she's not here, you're the one who's helping me. I hope you don't mind. Kung wala lang akong dala ay ako na ang magdadala ng mga iyan. Mabigat ba?" tanong niya sa akin.

Saglit akong natulala sa harap niya dahil sa biglaang mga sinabi niya hanggang sa matauhan ako. "It's okay. I don't mind po," I said politely. "Not at all," dugtong ko pa.

Sinuri niya ang aking mukha. "Okay, thank you," bulalas niya. Pinauna niya akong maglakad ngunit nang makarating sa pinto ay pinilit niya itong buksan gamit ang isang kamay niya kahit na mahirap dahil marami rin siyang dala.

Napangiti na lamang ako dahil doon. Constantine's a really nice boss. Nung una talaga ay masama ang tingin ko sa kaniya. But spending time with him proved to me that not all first impressions last. Hindi lang siguro maganda ang mood ni Constantine noong unang araw na nagkita kaming dalawa. Magmula noon ay hindi ko pa siya muling nakitang magsungit. In fact, he's very friendly and approachable to everyone and I witnessed all of that.

At mas lalo ko itong napatunayan nang maganap ang mock presentation. He communicates well to everyone and he is also a good listener. Wala siyang pinapalampas sa mga opiniyon ng aking mga kasamahan. Of course, suggestions should be related and meaningful. At dahil lahat naman ay magaling sa kanilang mga ginagawa ay mas nakakatulong talaga ito upang mas madali kaming matapos. I gave my best in giving my own ideas too. Katulad ng mga nakaraan naming meeting, naging maayos ang kaganapan sa presentation.

It's almost lunch time when the mock presentation ended. Tuwang tuwa ang lahat nang sabihin ni Constantine na siya na ang bahala para sa lunch ng lahat.

He treated all of us to a fine dining restaurant located outside our building. It's like we're already celebrating the success of our hardwork. Gayung hindi pa naman ito natatapos nang tuluyan. That only gives me the idea that everyone here are positve that we will succeed. Kaya naman iyon na rin ang tinatak ko sa akin isip.

We were quite busy for the next hours. Tinapos naming lahat ang kakailangin para sa magaganap na opisyal na presentasyon bukas. Constantine will be the one doing it but we also need to be prepared because we will also be there. With all the preparations that we made, I am sure that the presentation will end well.

Lahat kami ay pagod nang sumapit ang uwian. Pero sulit ang pagod dahil para naman ito sa aming trabaho.

Nagkatinginan kami ni Constantine nang pareho kaming tumayo mula sa aming mga upuan.

Kinuha ko ang bag ko at ganun din siya. Sabay kaming lumabas ng kaniyang opisina.

"Everyone's excited to go home," kumento niya nang wala nang makitang tao sa labas maliban sa mga maintenance na naglilinis.

Binati kami ng mga ito bago kami tumungo sa elevator.

"Tomorrow's the day. And the day after that will be the execution of all our hardwork," aniya sa akin.

Tumango ako. "Sana ay maging maayos ang presentation bukas," I said, hopeful that it would really happen.

"It would be. With all the preparations we made, I won't allow it to fail," utas niya.

He's really confident and it doesn't sound wrong. Dapat lang naman na maging kampante siya dahil kung hindi, baka ito pa ang bumigo sa kaniya.

Naglalakad na kami sa lobby nang may matanaw akong lalaki na nasa labas ng aming building.

Conrad was beside his car and was constantly looking at his watch. Panay rin ang pagtingin niya sa exit ng building.

Mas mabilis akong naglakad palabas upang maharap siya.

"Elaine!" Constantine called and I almost forgot that I was with him.

Huminto ako at bumaling sa kaniya. "Do you want me to bring you home?" he offered graciously.

Nilingon ko si Conrad na nakita na rin ako. He crossed his arms as he looked at me. I can also see the frown forming between his brows.

Ako ba talaga ang hinihintay niya?

Mayroon pa bang iba, Elaine?

"Uhm, no need, Constantine. May naghihintay sa akin," usad kong binalingan muli si Conrad.

Ganoon pa rin ang kaniyang hitsura. Nakapirmi lang siya roon habang nakamasid sa amin.

Sinundan ni Constantine ang tinitingnan ko. "Oh, your boyfriend," aniya.

Umiling ako. "He's not..." Well, I hope he is.

"I'll see you tomorrow, then," aniya at nagsimula na ulit kaming maglakad.

Magkatabi kami hanggang sa makalabas kami ng building. Constantine took his key from the valet. He glanced at me for a moment before he went inside his car.

Katabi ko na si Conrad habang nagaganap ang lahat ng iyon. I glared at him and he answered me with a smirk.

"Buti na lang maaga ako. If not, would he be the one to take you home?" he asked furiously.

"Conrad, I did not ask you to fetch me," bulalas ko nang harapin ko siya.

Ngunit imbes na sa kaniya tumutok ang mga mata ko ay sa ibang tao na nasa likod niya.

Ang iritasyon ko sa pagdating ni Conrad ay biglang naglaho. Ang tuwa sa kabila ng iritasyon ay unti unti ring natunaw.

As I looked at Shayne's sad face and the smile that she's sporting despite of it, I came to the reality that I didn't have the right to be with the man beside me.

Hindi dapat ako nagagalit at hindi dapat ako nakakaramdam ng saya dahil nandito si Conrad sa aking tabi.

Parang hinigop bigla ang kaluluwa ko nang makita ko ang babaeng dahilan kung bakit hindi kami pwede ng nag-iisang lalaking minahal ko.

Malikot ang mga mata ko hanggang sa tumigil ito sa mga mata ni Conrad. I could tell that he has a good explanation as to why he brought his girlfriend here.

"Elaine, I brought her with me because she wanted to talk to you," he sounded guilty.

Tiningnan kong muli si Shayne. Hindi ko ito inasahan. Pero dahil nandito na, mas maiging harapin at tapusin na ito.

What might happen after this is still a mystery to me. I should take the risk for me to find out.

Continue Reading

You'll Also Like

50.6K 794 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
17.7K 259 58
Agape Sanguine Laude is a woman that should have lots of friends and should be respected highly. But in the place she stays, she has neither of those...
87K 3.1K 45
Forever Series 1/4 Hurricane, a 17 year-old lady from a prominent family in the field of business was arranged in a marriage with Hell. No, I am not...
4.3K 159 52
There was a guy who needed help. He never reached out to his friends, and He depends on her about his mental state. One time, when he realized that h...