SISTER-IN-LAW

By ArjeanApolinario

1.2M 16.1K 1K

Because of what I witnessed the night before my wedding. I decided to push my plan of seducing Frederik Wilfo... More

Prologue
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
TAKE ME FOR GRANTED (PROLOGUE)
CRY OF RELEASE (PROLOGUE)
WIFE SERIES: The Unscripted Emotion
MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRE

NINETEEN

30.2K 523 42
By ArjeanApolinario

"MI AMORE."

I turned my swivel chair paharap sa bagong pasok sa opisina ko. I smiled at him.

"Don't call me like that, remember you are not single anymore, Ed." Napasimangot naman ito sa tinuran ko kaya napatawa na lamang ako.

"Whatever. Ayoko na Leysa! Kunin mo na mamaya sa bahay ang mga bata, wala na kaming quality time ng bebe ko. Mas madaming time ang asawa ko sa mga anak mo." Reklamo niya na parang batang nagta-tantrums. Napatawa na lang ulit ako dahil sa reaksyon nito.

"Pagkatapos mong hiramin sila sa akin, ngayon ikaw naman a-ayaw. Fine! Kukunin ko na talaga sila. I already missing them. Three days na sila sa inyo," tugon ko at tumayo na sa pagkakaupo sa swivel chair ko. At hinapit sa braso si Eddy, kinaladkad ko siya palabas ng opisina ko.

"At saan na tayo pupunta, Miss CEO," iritadong tanong naman niya sa akin.

"Susunduin ko na ang mga anak ko. At makikikain na rin kami sa inyo," tugon ko at pumasok sa private elevator na para sa akin lang, pero syempre kasama ko ang pinakamamahal kong kaibigan.

Sa paglabas ko ng elevator, halos lahat nang madaanan naming tao ay binabati ako. Kaya tamang ngiti at tingin lang ako sa kanila.

It's been 6 years... anim na taon na ang nakakalipas nang pinili kong lumayo sa kanilang lahat. Ilang buwan din akong naging trending topic sa mga tabloids at mga balita sa Tv at radyo sa Pilipinas. At kahit sa internet, i-search mo ang kabit... pangalan ko na agad ang lalabas.

Everyone called me different names.

Whore....

Home wrecker....

Mistress....

Solutera....

Mang-aagaw....

Walang hiyang kapatid....

Walang utang na loob....

A disgrace to the family....

A fallen heiress....

But damn! Hindi ako mang-aagaw. Hays... people, basta mdami pa silang pasarang sa akin. But who cares... none! Even my parents, itinakwil ako... siguro ipinamana na kay ate lahat ng kayamanan ng mga Frank, oh well sa kanya na, iyon naman ang gusto niya simula palang eh.

Bumalik akong Espanya, mabuti na lang at may sarili akong unit doon... days passed, handang-handa na ulit akong bumangon at harapin ang bagong umaga.

Pero kapag nakipaglaro nga naman ang tadhana sayo, sinisigurado niya talagang mahihirapan ka bago makamit ang pagkapanalo sa laro ng buhay.

Two weeks after kong dumating sa Spain nang nalaman ko ang isang balita na mas makakapagpabago pa pala ng buhay ko.

Tandang-tanda ko pa kung paano binitawan ng Doctor ang mga katagang...

"You are 8 weeks pregnant, Madame." After hearing those words, biglang na-blackout ang isip ko. Hindi ko alam ang gagawin, but I stayed calm, and think for the best solutions to this. Pero bilib din ako sa sarili ko because never sumagi sa akin na ipalaglag ko ang mga ito.

At mas ginawa kong rason iyon para mas maging matatag at mabuhay para sa kanila. They are the gifts, the blessings in my life... patunay na mahal pa rin ako ng Diyos, na may pag-asa pa rin pala ako. That I am not a hopeless case –na may tama pa rin palang mangyayari sa buhay ko.

With the help and guidance of my dearest friends, Edward Custodio and Hana Czartoryski, nakayanan kong malampasan ang mga ups and downs ko sa aking buhay.

Binenta ko ang unit ko sa Spain at ang clothing line ko pinaubaya ko muna kay Eddy. Yes! I gave up everything I have to start a new life at ginamit ko 'yung perang nakalap ko roon para makasimula ng simple at bagong buhay sa Switzerland.

Eddy helped me find a small house to stay there at naghanap ako ng trabaho, na kahit maliit ang sahod basta safe sa akin at sa babies ko pero sakto naman ang kita para pangtustos sa mga pangangailangan namin.

Every now and then, binibisita ako ni Eddy at Hana roon, hanggang maipanganak ko ang angels ng buhay ko... sobrang saya at fulfilling.

After two and a half years of living a simple and happy life sa Switzerland –together with my kids. Hindi ko inasahan ang taong bibisita sa akin doon.

I remember that day, day-off ko sa supermarket na pinagtatrabahuhan ko at pinapatulog ko ang mga bata nang biglang may kumatok sa pinto ng aking mumunting bahay.

Akala ko si Eddy lang o mga mababait kong kapit-bahay na walang sawang nagbibigay ng tulong at mga pagkain sa amin. But then, pagkabukas ko ng pintuan, laking gulat ko.

Isang matandang lalaki na may nakakatakot at striktong awra. Never ko siyang na-meet o nakita man lang sa personal. But I know him –I really do know him.

Don Leonardo Guevara, my mother's father. Yes, my rich and famous grandfather na itinakwil si mommy nang pinili nitong sumama at makipagtanan kay daddy noon.Never ko siyang na-meet dahil may tampo pa rin sa kaniya si mommy, at hindi niya ako hinayaang makilala siya sa personal. Pero nakita ko na siya sa litratong miminsan kong nakita sa mga gamit ni mommy. At sa mga laman ng balita na tungkol sa kaniya.

Pero nagulat ako bakit siya ngayon nandirito sa harap ng bahay ko. At ano ang kailangan niya, hindi ko rin alam ang magiging approach ko sa Lolo ko na ngayon ko lang nakaharap.Narinig ko namang umiyak ang aking anak kaya hinayaan kong nakabukas ang pinto at maging senyas iyon para pumasok ang aking Lolo. At hinili ko muna ang aking anak na babae, lumingon ako sa kinaroroonan niya ng hindi pa rin ito pumapasok, nakatayo lang ito sa labas ng pinto at nakatanaw sa akin habang buhat-buhat ang aking anak at ang isa ay nasa duyan.

Nginitian ko siya, a sweet and welcoming smile that he deserves, "Pasok po kayo," sambit ko na lang at naging hudyat naman iyon para pumasok siya ng walang pag-aalinlangan. Nang mapatulog ko na ang mga bata ay humarap na ako sa aking Lolo. Visible sa mukha nito ang mga tanong habang tinatanaw ang mga anak ko, kaya nagsalita na ako.

"Alam n'yo naman po siguro na naging kabit ako ng asawa ng adopted sister ko. And yes, I got pregnant with a twins," walang pag-aalinlangan kong pahayag sa kaniya na ikinatingin niya sa akin, walang pangungutya akong nakita sa mga ekspresyon niya. I can only feel questions –na gusto niyang malaman ang mga sagot na galing mismo sa akin.

"And why is that? Sinubaybayan kita simula nang ipagbuntis ka ng iyong ina hanggang sa paglaki mo, kaya alam ko may dahilan ang lahat. And I want to know why you did that action of yours, apo?" Bigla akong nakadama ng kasiyahan nang binitawan niya ang mga katagang iyon. May isa pa palang tao na kakampi ko simula palang noon at napuno pa ng galak ang aking puso ng tinawag niya akong apo.

Ngumiti ako ng matiwasay at ikwenento ang lahat ng dapat niyang malaman, ang dahilan ng paghihiganti ko hanggang sa pagkahantong ko sa sitwasyong ito.

"Damn that good for nothing father of yours, hindi inalam ang puno't dulo ng lahat bago nagdesisyong itakwil ang sariling anak. I hate that man since then. Ninakaw niya ang anak ko sa akin at ngayon pinabayaan ang nag-iisang tunay na tagapagmana dahil sa maling pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari," may galit na turan niya. I saw his fists crumbled because of anger, kaya inabot ko ito at hinawakan.

"It's alright, Lolo. Partly, may mali rin ako. Mali ang paraang naisip ko para maghiganti. Pero hindi ko pinagsisisihan iyon. Look, I have them now. The best blessings I ever received," sambit ko at ngumiti.

We talked and talked, catching up for the lost days na hindi ko siya nakasama bilang Lolo ko. Pero akala ko hanggang doon lang iyon. Just a visit para kumustahin ako, little did I expected na ang ginusto kong buhay two years ago ay magbabago na naman, dahil sa isang desisyong ginawa ng aking Lolo para sa akin at sa mga anak ko.

He gave up everything, all his riches ay ibinigay niya sa akin. Oo, ipinamana niya sa akin lahat ng kayamanan ng mga Guevara. My mother is the only daughter he had pero dahil itinakwil niya ito at ayaw rin ni mommy makipag-ayos sa kaniya –kaya ang dapat na kay mommy ay ipinaubaya niya sa akin, lahat.

Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang sumama kaming mag-iina sa kaniya pabalik sa England, kung saan naka-base ang main branch ng Guevara Estate.

*****

Napabalik ako sa kasalukuyan nang kinatok ni Eddy ang bintana ng aking sasakyan. Ay oo nga pala, sa sobrang na-consume ako nang pagbabalik-tanaw sa nangyari sa akin 6 years ago, hindi ko napansing naka-park at nakarating na pala kami sa bahay nina Eddy at kanyang asawa rito sa England.

Kaya bumaba na ako.Tinignan ko ang kabuuan ng bahay nila, simple lang ito at tama lang para sa kanilang dalawa, kasi binili lang ito ni Eddy para may matirhan sila kapag nandirito sila sa England, nasa Spain pa rin kasi ang tirahan ng mga ito.

Kailangan niya lang pumunta rito kasi kinuha ko siyang Architect to work for me and syempre 'di siya nakatanggi, dahil gano'n niya ako kamahal. We are best of friends, for goodness sake.At kung iniisip n'yo posibleng magka-something kami... nope, never, at tatlong taon na itong kasal sa kaibigan ko rin na taga-Spain, na si Hana Rosalinda Czartoryski.

Pumasok na kami sa bahay nila nang may biglang yumakap ng mahigpit sa akin.

"Mama! I miss you!" Tinignan ko naman at binuhat ang baby girl ko na limang taon na ngayon. I kissed her chubby cute cheeks.

Freda Ysabel Guevara, my dearest baby girl... may mala-snow itong balat, mana sa akin syempre, a curly brown hair and brown eyes. Mas matangkad ito kaysa sa normal five years old na bata, dahil na rin siguro sa genes ng kanilang ama.

Habang buhat-buhat ko naman si Freda, may lumapit at kumapit pang isang bata sa mga binti ko.

Mahigpit lang itong nakayakap kaya I sit down para makapantay ko siya. He's just staring at me at pag ginagawa niya ang ekspresyon na iyan, isang tao lang ang aking naaalala... ako ang nagdala sa kanila ng syam na buwan, nagluwal at nag-alaga ng halos anim na taon, tapos magiging kumukha lang sila ng tatay nila, kainis. Oh well,

Frederik Leyson Guevara, my dearest baby boy. Tama lang ang kaputian nito, parang kulay lang ng kanilang ama, curly brown hair and dark brown eyes, at may katangkaran din.

Photocopy na photocopy siya ni you-know-who, kahit si Eddy grabe ang bilib sa genes ng matalik na kaibigan dahil walang sinayang.

Bago kami umuwi sa sarili naming bahay which is sa mansion ni Lolo rito, ay nakikain muna kami rito kina Eddy at Hana. Just talking some stuff nang may itanong si Eddy na nakapagpatigil sa akin.

"So, ready ka na ba?" He asked seriously.

"As if I have a choice. Kung hindi ako uuwi, papagalitan ako ni Lolo. He prepared everything, para pagdating doon, wala na akong proproblemahin at ang mga bata. And besides I just need to go home because of the expansion of Guevara Estate sa Pilipinas," mahabang litanya ko.

And yes, uuwi na ako ng Pilipinas, ang bansang nilayuan ko, 6 years ago.

Together with my kids and being...

Leysa Guevara.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 41.5K 49
STORY OF BARBARA HENDERSON --- Credits to May Belle for the beautiful fan-made cover. ♥️
774K 10.1K 51
Leviathan Agatha Rivas, the girl who loves her self so much. She believe that she can tame anyone and no one can resist her charm. Simula noong araw...
342K 18.2K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
31.5K 785 19
Is LOVE really worth FIGHTING for? Mahal mo siya pero mas Mahal Kita... Mahal ko siya. Nag mahal ako. Putang ina! Masakit pala ang hindi ka mahalin p...