Clash of CLANS 3: Battle Betw...

By bRezyLian62

5.6K 392 109

PAALALA: BASAHIN MUNA ANG SEASON 1 at SEASON 2 BAGO ITO. Sapagkat hindi ninyo maiintindihan ang kabuuan ng kw... More

Clash of CLANS Season 3
Chapter 1 Simula
Chapter 2 The Ring
Chapter 3 SIDE STORY 1:Deathmetal Adventure
Chapter 4 The wedding
Chapter 5 The Call
Chapter 6 The Kiss
Chapter 7 Side Story 2: Members on Cue
Chapter 8 Aya
Chapter 9 Costume
Chapter 10 Mislead
Chapter 11 Fairy Godfather
Chapter 12 Girl In White
Chapter 13 Hold
Chapter 14 Darkness
Chapter 15 Darkness 2
Chapter 16 Tears
Chapter 17 Dream
Chapter 18 Conflict
Chapter 19 Mourning
Chapter 21 Angel
Chapter 22 The Fight
Chapter 23 Confession
Chapter 24 Nightmares
Chapter 25 Breakfast
Chapter 26 Hush-hush

Chapter 20 Breath

100 5 6
By bRezyLian62

Chapter 20 Breath

***JARED POV***

"AKO, bawal lumapit, pero siya hindi?" Iiling-iling na wika ko habang nanunudyong tinitigan ang dalawang magsing-irog na ito. Nakaupo si Meg sa armchair, ang huli naman, nakahawak ang isang kamay sa leeg ni Meg, habang ang isa naman ay nakatukod sa pader.

Kung ako ang tatanungin, kung ipinanganak lang akong babae, baka kinilig na ako, kaso hindi, isa akong tunay na lalaki. Sayang nga lang hindi ako ang pinili ni Meg. Pero masaya na rin ako para sa kanilang dalawa.

Akala ko pa naman nag-away sila. They look so stiff after Angelo's birthday party. Isama niyo na rin ang nasaksihan ko nang gabing iyon.

Pasimple kong dinama ang pisngi kong nasuntok ng selosong si Brendon. Napangiwi ako nang lumapat ang daliri ko doon. Darn! It hurts! This is the first time he punch me, for real. The heck with his jealousness. Sarap gantihan ng sipa. Pasalamat siya, bestfriend ang turing ko sa kanya. If not? Lintik lang ang walang ganti.

Nakangiwing sinulyapan ko ang natutulalang si Meg. Until now I can't forget what I saw that night. Kailan pa kaya sila naging close ng kambal nitong kambal ni Brendon? At bakit nagawang magsinungaling ni Meg kay Brendon? Naguguluhan tuloy ako.

Kung naguguluhan man ako sa mga naalala, mas lalo akong naguluhan kay Brendon ngayon. Inilalapit niya ang mukha ni Meg sa kanya.

What's wrong with him? Is he planning to kiss her in front of our classmates? The heck! When did Brendon learn to act like this?

"Brend!" tawag ko sa kaibigan ko na hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa ginagawang paghatak sa leeg ni Meg papalapit sa kanya, na hindi man lang ako nagawang pansinin.

When I look at Meg, I saw how scared she was.

"Brendon Miguel!" I call him again but now with authority. I'm glad that he listens to me this time.

"Let's go Brend!" hinuli ko ang kamay niya at hinila iyon, laking pagtataka ko nang may pwersang pumigil sa akin. Pagtingin ko sa kaibigan ko na mukhang nasapian ng kung anong masamang espiritu, nasa leeg pa rin ni Meg ang isa niyang kamay. Tila ba ayaw niya itong bitawan. Ang tanging nagawa ng babaeng kaharap niya ay manginig nang dahil sa takot.

"Brendon!" wika ko sa mas pinataas na tinig. This time I use all my force and pull my friend away from the girl he loves. Buti na lang hindi siya pumalag. That's a good sign though, hindi na ako mahihirapan pa.

"WHATS wrong with you Brend?!" agad kong sabi nang nasa labas na kami, malayo sa mga kapwa namin kamag-aral.

Brendon didn't say anything. Nakayuko lang siya at tila lumilipad sa kung saan ang ulirat. I tried to read his face but I can't see anything. Kinutuban ako ng hindi maganda.

"Nag-away ba kayo ni Meg?" kalmado ako ngunit naroon ang kaba.

May dumaang kirot sa mga mata ni Brendon. The same pain I saw two years ago before I decided to stay in the Philippines for good.

"The two of you broke up." It's not a question but mere fact. He didn't say anything. He remains quiet as he look at me with his cold eyes.

"Kailan pa Brend?"

Iniwas niya ang blangkong mga mata sa akin at sumulyap sa malayo. Kahit ganito ang ipinapakita niya, alam kong nasasaktan siya. Kagaya nang nangyari noon ngunit mas malala nga lang ngayon. Dati, sa tuwing nagagalit siya, agad siyang naghahanap ng gulo. Nakikipag-away o kaya naman yayayain niya akong gumala para mawala ang sakit na nararamdaman niya, ngunit ngayon ay sobrang laki ng pagkakaiba. Tahimik lang siya at hindi ipinapakita ang vulnerable side niya.

"When di Meg, broke up with you?" biglang humarap sa akin ang kaibigan ko. Bakas ang kalituhan sa anyo.

Ikinibit ko ang mga balikat at unti-unting lumapit sa kanya.

"I know you Brend, we've been friends for a long time." Tumigil ako sa harap niya. "I know how much love you give once you fall in love. Kaya alam ko na hinding-hindi mo hihiwalayan si Meg. Dahil sa kanya ko lang nakita kung paano ka magpahalaga ng babae,"

Doon na nabasag ang pader na ginawang panangga ng kaibigan ko. Samo't saring emosyon ang nakikita ko.

"Now, tell me. What's the reason why she broke up with you?" Nanghihinang isinuklay niya ang mga daliri sa kanyang buhok.

Pumasok naman sa isip ko ang nasaksihan nang kaarawan ni Angelo. Ang eksena kung saan akay-akay ni Eduard Rain si Meg. At ang mukha ng babaeng sinisinta niya. Iyon ang huling araw na nakita ko silang dalawa na masaya. I am praying na walang kinalaman ang kakambal ni Brendon. Kung meron man, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko dito.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko kaya na makitang ganito ang kaibigan ko. Kahit na parehas kaming nagmamahal ng iisang babae, mas gugustuhin ko na maging masaya siya. Dahil ang sakit na nararamdaman ko sa pagkabigo kay Meg, ay wala lang sa sakit at paghihirap na naranasan ng lalaking nasa harapan ko. He nearly died because of it.

"Brend?"

Matapos ang nakakabinging katahimikan. Doon na niya ako nagawang titigan ulit.

"She's back," ramdam ko ang panghihina doon.

"Sino?"

"She's finally back," may munting ngiti ang kumawala sa gilid ng kanyang labi ngunit hindi iyon abot sa mga mata niya.

"Sino nga?!"

Dalawang kamay na niya ang sinabunot sa buhok niya. "Aya's back."

Bahagya akong nawalan ng balanse sa kanyang sinabi. Iisang tao lang ang kilala kong malapit kay Brendon na nagngangalang Aya.

"She's finally back but why I'm not happy?"

"What?" Napanganga ako. Nag-aadik na ba itong kaibigan ko? The heck!

"Aya's back!" He said in frustration.

"What?!" ulit ko.

"Seriously?" Tinitigan niya ako ng buong sama. Na para ba'ng tanga ko.

"Sinong Aya?"

"You know what I mean Jared!"

"Anzia Joy Mediodia?" banggit ko sa buong pangalan ng babae.

"Yes," isinuklay niya ang mga daliri sa nananahimik niyang buhok.

Ibinuka ko ang bibiga para sana magsalita, ngunit walang boses ang kumawala doon. Ang tanging nagawa ko na lang ay mapanganga at hindi makapaniwalang tinitigan siya.

"Meg broke with me because of her," pansin ko ang labis na pamumula ng kanyang mga mata. "She broke up with me because she knows the truth,"

Darn! Is he really on durgs? Pati ba talaga patay dinadamay niya? The heck with him!

***END OF JARED POV***

***MEG POV***

"GOOD morning po madam principal," kabado kong bati pagkapasok ko pa lang ng principal's office. Kanina, habang nasa kalagitnaan ako ng pag-uusap kay Angelo, dumating ang ka-clanmate kong si Gemma, pinapatawag daw ako sa opisina.

Ang takot at kaba na nararamdaman ko kanina, hanggang ngayon ay naroon pa rin. Mas malala nga lang ngayon.

Ano kaya ang nagawa kong kasalanan? Wala pa naman siguro akong nagawang mali ngayong umaga. Lahat ng makakasalubong ko, nginingitian ko kahit na nagmumukha na akong baliw. Kahit na wala sa loob ko ang kasiyahang ipinapakita ng mukha ko.

Laking pagtataka ko nang titigan lang ako ni maam.

"Ma'am?" ulit ko.

"You are?" Nakakunot ang kanyang noo at naroroon ang kalituhan.

Ikinurap ko ng ilang ulit ang mga mata. Bakit niya tinatanong kung sino ako. Hindi ba't pinapunta niya ako sa opisina. Imposible naman na e prank ako ni Gemma. Kaibigang matalik ang turingan naming dalawa. Hindi kaya nagka-amnesia si ma'am kaya ganoon? Tawag ba ng katandaan? Pero nasa thirties pa lang si ma'am a!

"M-Meg Ryan Alonte po ma'am."

"Oh, it's you Miss Alonte," may bumakas na ngiti sa kanyang anyo. Mukhang nakikilala na niya ako.

"Pinapatawag niyo daw po ako?" Wika ko, unti-unting lumapit sa kanya. Mukhang panandaliang pagkalimot lang iyon.

"Yes, have a sit Miss Alonte," itinuro niya ang upuang nasa tapat ng kanyang mesa. Agad naman akong umupo roon.

"Salamat po ma'am,"

"You're welcome," may ngiti sa labing kinuha ni ma'am ang brown envelop sa kanyang mesa at inabot iyon sa akin.

"P-para sa ano ito ma'am?" kabado kong tanong. Kahit hawak ko na, natatakot akong buksan ito. Baka kasi bagsak na naman ako kagaya nang nasa ibang school pa ako.

"Open it,"

"P-Po?" Hindi ba pwedeng sabihin kung ano ang laman? Nakakanerbiyos naman ito.

"Open it," hindi pa rin mawala ang ngiti sa kanyang labi. Doon na lang ako huhugot. Sana ayos lang ang lahat.

Nanginginig ang mga kamay na binuksan ko ang mahiwagang brown envelope, sa napakabagal na pamamaraan.

Sana hindi ako bagsak!

"Miss Alonte,"

Naibalik ko nang hindi oras ang papel sa loob ng envelope pagkarinig ko sa boses ni ma'am. Ang puso ko, parang gusto umalis sa katawang lupa ko sa labis na pagkagulat.

"M-Ma'am?"

Nag-isang guhit ang mga kilay niya. "Why aren't you opening it?"

"M-Ma'am, k-kasi..."

"Are you nervous?"

"Paano mo nalaman ma'am?" nanlalaki ang mga matang wika ko. Kagaya din ito nang nakaraang araw. Manghuhula yata si ma'am.

"Seriously?" Aniya, sinusupil ang ngiti. "You're aren't changing our little A-"

Hindi na niya nagawang dugtungan iyon. Tinitigan niya ako, iyong tingin na may nasabi siyang hindi maganda.

"Uhm," lumabi siya at tumikhim. "Wala kang dapat ikatakot, patungkol sa laman niyang hawak ko Miss Alonte,"

"G-Ganoon po ba?" Kahit papaano ay nakahinga ako doon ng maluwag.

"Yes my dear," ayon na naman ang ngiti ni ma'am. Sa pagkakataong ito may munting lungkot akong nakikita doon.

"Bye the way, nasa loob ang result ng kinuha mong test nang nakaraang araw,"

"Test?" doon na nanlaki ang mga mata ko. Ang test ba na tinutukoy ni madam principal ay iyong kinuha ko sa isa kong teacher?

"Yes," She nodded.

Akala ko ligtas na ako. Hindi pa pala. Muling sinalakay ng labis na kaba ang puso ko. Hindi sa wala akong tiwala sa sarili ko. Ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para masagutan iyon. Tumulong sa akin si Vevien, ang founder ko sa RDRC. Kahit si Brendon, nagpuyat na turuan ako.

Brendon!

Sinalakay ng matinding sakit ang kaliwang bahagi ng dibdib ko. Ang mga kamay ko ay nanlamig ng husto, umabot iyon sa mukha ko. Na uminit lang lalo. Ang tiyan ko naman ay bigla na lang sumama.

Ilang araw na ang nakalilipas, bakit ba ang sakit pa rin? Bakit sa tuwing maririnig ko ang pangalan o mababanggit ko lang sa isip, sumasama ang takbo ng puso ko. Masakit. Lalo na kanina. Sana hindi na magtagpo ang landas namin. Baka mamatay na ako sa labis na sakit na ipinararanas nitong puso ko.

"Any problem Meg?"

Bigla akong napatitig sa kamay na nakahawak sa akin. Sinundan ko ang may-ari niyon.

"M-ma'am?"

"You look pale, something's wrong happened?"

"Wala ma'am," mabilis akong umiling. "K-kabado lang po ako,"

"Akala ko may nangyari nang hindi maganda sayo,"

Ngiti lang ang iginanti ko. Kung pwede ko sanang sabihin sa kanya ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Kaso hindi pwede. Ngayon pang malapit siyang kamag-anak ng lalaking itinatangi pa rin ng puso ko.

"Buksan mo na, natitiyak ko na magugustuhan mo ang makikita,"

Sinunod ko ang ipinagawa ni ma'am. Hindi na ko kinakabahan sa resulta. Ibang damdamin ang sumasalakay ngayon sa akin. Kahit ang resulta ay ayaw pumasok sa utak ko.

"Congratulations Meg Ryan Alonte," dinig kong wika ni ma'am.

Itinuon ko lang ang mga mata sa test paper. Minsan ko nang nakita ang resulta bago ako naisugod sa Ospital dahil sa labis na pagod. Akala ko namamalikmata lang ako ng mga sandaling iyon. Tunay ngang mataas ang nakuha kong marka.

"Four mistakes?" mahina kong anas.

"Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapaniwalaan na may taong ipinanganak na ganito katalino. You're always be the pride of this school," ramdam ko ang senseridad sa kanyang boses.

Gusto kong matuwa, ang ipagdiwang ang tagumpay ko. Hindi ko binigo ang clan ni Vevien. Hindi na mapapahiya ang clan na kinabibilangan ko. Pero mas ukupado ngayon ng isang tao ang puso't isip ko.

"Ninety six out of one hundred. Congratulations Meg,"

"Thank you ma'am," May ngiti sa labing sinalubong ko si ma'am. Ang ngiting lagi kong baon. Ngiting ubod na sinungaling.

Matagal niya akong tinitigan, tila inaarok ang buo kong pagkatao.

"Ma'am?" ipinakita ko ang napakatamis kong ngiti.

"Nothing," she smiled back. "Bye the way, may ipapakita sana ako sayo. I hope you could help me choose."

"A-ano po iyon ma'am?"

Kinuha ni ma'am ang cellphone. May kung ano siyang hinanap. Nang makita niya iyon, agad siyang lumipat sa tabi ko at ipinakita sa akin ang dalawang picture. "Here,"

Muli kong naramdaman ang matinding sakit na simidhi sa ulo ko pagkakita sa isa mga stuff toy na nasa cellphone.

"Ano sa tingin mo ang magandang pangregalo?"

My heart is beating crazy again.

"The pink teddy bear or..."

Ikinuyom ko ang mga kamay para kontrolin ang sakit na sumasalakay sa akin.

"The pink piggy stuff toy?"

Huminga ako ng malalim. Nagsisimula na akong mahilo. Kainis, bakit lagi na lang itong nangyayari sa akin sa tuwing nakakakita ako ng laruang kulay pink?

"M-ma'am..." tumayo ako bigla. Muntik na akong mawalan ng balanse mabuti na lang napahawak ako sa gilid ng mesa.

"Pink teddy bear or pink piggy stuff toy?" ulit ni ma'am. Hindi alintanan ang paghihirap ko.

Maang na napatitig ako sa kanya, nanlalabo na ang paningin ko. Muli kong sinulyapan ang hawak niya. Wrong move, sapagkat mas lalo lang sumidhi ang sakit ng ulo ko. I can barely breathe.

"P-Pasensiya n-na po ma'am," I need air. "K-kailangan ko na pong umalis."

Tarantang tinungo ko ang pintuan. Muntikan na akong mabuwal sa labis na pagkahilo, mabuti na lang nahawakan ko kaagad ang seradura. Doon ako humugot ng lakas.

Muli akong humingi ng patawad bago ako lumabas. Ang ikinalito lang ng isip ko ay kung bakit nakatitig lang sa akin si ma'am. Hindi mababakas ang pagtataka sa anyo niya. Naroroon ang awa at pagsisisi habang ibinubuka niya ang bibig na tila humihingi ng sorry.

Mali lang ba ako ng pagkakaintidi at nakikita? Kung ano man iyon, wala akong panahon para unawain pa. Kailangan kong makaalis.

Hindi ko na kaya ang sakit!

***END OF MEG POV***

AN:// Naka-update din sa wakas, kung hindi pa ako nakakita ng comment, hindi pa ako mag-a-update. Dahil lockdown po ngayon, magsusulat na po muna ako.

Keep safe everyone. Ugaliin po nating maghugas ng kamay.

Continue Reading

You'll Also Like

13.4K 812 25
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.2M 54.2K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
900K 36.7K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...
1.1M 22.2K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...