Lady Mystique: The Forgotten...

By NyctophileLUX

81.9K 676 7

Hi guys this would be my very first story here in Wattpad and I hope you will like this story :D Please supp... More

𝓒𝓱𝓪𝓻𝓪𝓬𝓽𝓮𝓻𝓼
𝒫𝓇ℴ𝓁ℴℊ𝓊ℯ
𝒞𝒽𝒶𝓅𝓉ℯ𝓇 𝒪𝓃ℯ: ℳ𝒾𝓈𝓈 𝒯𝓇𝒶𝓃𝓈𝒻ℯ𝓇ℯℯ
𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓣𝔀𝓸: 𝓜𝓻. 𝓐𝓻𝓻𝓸𝓰𝓪𝓷𝓽
𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓣𝓱𝓻𝓮𝓮: 𝓢𝓬𝓸𝓽𝓽
𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓕𝓸𝓾𝓻: 𝓖𝓲𝓯𝓽
𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓕𝓲𝓿𝓮: 𝓟𝓪𝓻𝓴
𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓢𝓮𝓿𝓮𝓷: 𝓑𝓪𝓼𝓴𝓮𝓽𝓫𝓪𝓵𝓵 𝓒𝓱𝓪𝓵𝓵𝓮𝓷𝓰𝓮
𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓔𝓲𝓰𝓱𝓽

𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓢𝓲𝔁: 𝓛𝓲𝓽𝓽𝓵𝓮 𝓐𝓷𝓰𝓮𝓵

2K 44 1
By NyctophileLUX

Chapter Six: Little Angel

DAINE

Wohooooo! Sa wakas ako na rin ang susunod sa pila. Kanina pa kaya ako dito sa ice cream parlor kasi ang haba haba ng pila. Pagkapasok ko pa nga lang halos nasa may pinto na ang pila. At pagumalis pa ako dito baka pagbalik ko nasa kalsada na nakapila ang mga tao. Labag man sa kalooban ko pumila na lang ako no choice ehh. Ang hirap kayang pumila kung di man lang umuusad. Five minutes pa nga lang ako at naiinip na ako. At dun ko nasubok ang pasensya ko para lang sa isang ice cream. Ang hot tempered ko pa naman lalo na pagpinaghintay ako.

"Goodafternoon miss! What's your order?" Tanong ng cashier

"Uhmm—can you please give me the largest serving for the strawberry and chocolate ice cream with chocochips as an add on" sabi ko sa cashier. Ang lalagyan kasi nila sa kanilang ice cream ay yung cup na may size na small, medium, at large..

"Largest serving for the strawberry and chocolate ice cream with chocochips as an add on. that would be P550.00 miss" Wag na kayong magtaka kung bakit ganun kamahal ng ice cream nila. Sikat yan na ice cream parlor ehh. Ang pinagtataka ko lang kung bakit mahaba ang pila kung mahal naman pala ang ice cream dito.

Kinuha ko na lang wallet ko sa aking bag at dumukot ng P600 at binayad sa cashier

"Wala na po pala kaming chocochips ma'am okay lang po ba kung iba na lang ang add ons niyo" sabi niya sabay bigay sa akin ng ice cream ko 

"Wag na salamat na lang" sabi ko at saka kinuha ang ice cream ko sa kanya at sakaya umalis na

Pumunta ako sa may gitnang bahagi ng park kung saan nakapwesto ang fountain at umupo sa pinakamalapit na bench.

Nagstay lang ako dun ng mga 20 minutes ng maalala ko sina Analeen at Khaye na iniwan ko sa basketball court. Kaya napatayo ako ng wala sa oras at nagsimula ng maglakad papunta sa direksyon ng basketball court habang kumakain pa rin ng ice cream

Hindi pa ako nakakasampung hakbang ng may marinig akong umiiyak sa may gilid kung saan may parang little garden na may maraming bulaklak.

"*sniff*sniff* k-kuya"  sabi nung batang babae na halatang umiiyak at nawawala kaya nilapitan ko ito. Mga nasa 5 to 6 years old pa lang siya at nakaupo sa damuhan habang ang kanyang mga kamay ay nakatakip sa kanyang mga mata

"Hey. Alam mo ba na delikado para sa mga bata ang magisa sa park dahil baka may kikidnap sa iyo dito" sabi ko sa bata kaya tinanggal na niya ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha at tumingin sa akin.

"K-kasi a-ate nawawala kuya ko" humihikbi nyang sabi sa akin.

"Sino ba ang kasama mo at iniwan ka?" Tanong ko sa kanya

"D-di na-naman ako iniwan ng kuya ko ate ehh. A-ako yung humiwalay sa kanya ka-kasi may n-nakita akong butterfly kaya sinundan ko"

Sabi niya habang pinupunasan ang mga luha niya sa kanyang mga mata

Letcheng paru-paru yan ang lakas makahatak ng atensyon ng mga bata.

"Ano palang name mo?"

"Angel po"

"Okay Angel can you please bring me kung saan mo iniwan ang kuya mo?" Sabi ko sa kanya

"Sige po ate"

Naglakad kami papunta sa may mga stall sa may tabi tabi ng park at tinuro niya ang ang stall na nagtitinda ng mga hotdogs and juice.

"D-diyan po ate" sabi niya

"Ano ba ang suot ng kuya mo?" Tanong ko sa kanya

"Hmmm. Nakakulay yellow po siyang t-shirt at nakasuot ng shades at bonnet" sabi niya

"Kumain ka na ba? Gusto mo ibili kita ng hotdogs?"

"Sige po" Lumapit ng kami sa stall na nagtitinda ng hotdogs tsaka nagorder

"Kuya dalawang order nga po ng hotdogs atsaka ilagay niyo po sa bun" sabi ko kay kuya tindero

Niluto muna ni kuya ang hotdogs namin atsaka niya nilagay sa bun at nilagyan din ng ketchup, mayonnaise, at syempre ng grated cheese at binigay sa akin

"Magkano po kuya" tanong ko sa kanya

"Singkwenta lang po ma'am" sagot ng tindero

Ayos sakto lang sa sukli ko kanina sa ice cream ko kaya binayad ko na sa kanya at ibinigay kay Angel ang isang hotdog.

"Thank you po ate"  di na siya umiiyak ngayon at tahimik na kinakain ang kanyang hotdog ng may bigla ako naisip

"Teka nga bakit di kaya natin ireport na nawawala ka sa mga pulis?" Sabi ko sa kanya

"Thats no use ate because I tried it already kaso they did not even care about me"

Teka tama ba ang narinig ko mula sa batang to? Bat naman siya di papansinin ng mga pulis?

"Bat di ka nila pinansin?" Tanong ko sa kanya

"I dont know ate tatlo lang kasi ang pulis nun at lahat sila ay may kanyang kanyang  ginagawa yung isa pa nga sabi niya sa radio niya na 'kaguluhan? basketball court?' Yun lang nadinig ko" sabi niya sa akin at kumagat sa hotdog niya

Sinabi ba niyang basketball court? napatampal na lang ako sa aking noo ng maalala ko ULIT na nasa basketball court ko pala iniwan ang dalawa. NAKO NAMAN!  Bat ba napakamalimutin ko.

"Bakit ate?"

"Wala may naalala lang" sabi ko "tara na"

"Saan po?" Tanong niya

"Edi saan pa? Kundi doon sa basketball court baka makita natin dun ang kuya mo" sabi ko

Somebody's POV

Lintik namang buhay to oh!! Saan ba nagsususuot ang batang yun at nawala sa tabi ko. Pag yung batang yun nakidnap. Nako! Mapapatay talaga ako nila mom at dad.,

Kumalma ka lang at makikita mo rin ang kapatid mo

*inhale*

*exhale*

"Hah!" Buntong hininga ko

Hawak ko parin sa kamay ko ang pinabili niya na juice at sa kabila naman ay ang kanyang bag.

'Oy narinig mo na ba? May rambolan daw sa may basketball court'

'Oo nga eh mga studyante pa naman ang bugbug sarado'

'Tara puntahan natin'

Yan ang narinig ko sa mga babaeng dumaan kanina. Di nako nagdalwang isip pa at naglakad papunta sa direksyon ng basketball court at nagbabakasakali na makita ko ang kapatid ko dun

Pagdating ko dun nagulat na lang ako kasi ang daming tao dun at parang may naglalaro pa sa court. Akala ko ba gulo ang meron dito bakit laro ang nadatnan ko? Mga tsismosa nga naman Tsk.

Since nandito naman ako mabuti pang makinuod muna. Lumapit ako ng kaunti sa may court at pinanuod ang laro. One-on-One ang laro nila di ko muna pinagtuunan ng pansin ang mga naglalaro at inikot ko muna ang paningin ko sa paligid dahil baka makita ko ang kapatid ko sa paligid kaso di siya ang nakita ko kundi yung mga studyante na puro pasa ang mukha. So tama pala ang narinig ko, may nangyareng bugbugan dito kanina.

Binalik  ko ang tingin ko sa mga naglalaro kaso parang namalik mata yata ako. Tinanggal ko ang shades ko upang makasure na tama nga ang nakikita ko. Isang babae ang ka one-on-one ng isang lalaking parang adik sa kanto. The girl look so d*mn familiar though di ko lang maalala kung saan ko siya nakita. Wrong move ata na tinanggal ko ang aking shades kasi may nagbubulungan sa tabi ko at narinig ko ang pangalan ko

'Oy girl, Si Mikael ba yan'

'Huh? saan?'

'Ayan oh nasa may kaliwa mo'

Unti unti namang tumingin sa akin ang babae sa mag kanan ko at sumigaw

"Wah! Siya nga! Si Mikael nga yung model!" Sigaw niya sa kasama niya

Sh*t! Di nila ako pwedeng macorner lagot ako nito kay manager pag nalaman niya na naglalakwatsa ako.

Sinuot ko muli ang aking shades. Tinake advantage ko ang pagkastunned ng mga tao sa paligid ko at tumakbo.

"Wah! Mikael wait!" Sigaw niya ng bumalik na sa katawang lupa niya ang kanyang kaluluwa atsaka ako hinabol.

Ang hirap pa naman na tumakbo habang may hawak ka na juice. Di ko naman pwede itapon to basta basta kasi baka may makakita at ireport pa ako sa pulis.

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa nawala na sa paningjn ko ang mga humahabol sa akin ng biglang.

"What the fuck?" Sigaw ng babae na nabangga ko at natapunan ng juice

"Wag ka ngang haharang harang!" Galit na tugon ko sa kanya

"At ako pa ngayon ang haharang harang ha?" Sasagot pa sana ako ng may nagsalita sa tabi niya

"K-kuya?" Literal na nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang pamilyar na boses ng kapatid ko

"Angel?" Gulat na tanong ko sa kanya

DAINE

Naglalakad kami papunta sa direksyon ng basketball court ng tahimik ng biglang may bumangga sa akin mabuti na lang at di gaano malakas ang impact kundi baka natumba na ako

"What the fuck?" Sigaw ko sa lalaking bumangga sa akin sa harap ko pano ba naman diretso sa puting uniform ko ang juice na hawak niya kaya ayun nabasa na ako. Mabuti na lang at kulay puti ang suot kong bra dahil babakat talaga ang tela sa akin. Manipis pa naman ang uniform namin.

"Wag ka ngang haharang harang" galit na wika niya sa akin

Ang kapal ng mukha ako pa talaga ang haharang harang.

"At ako pa ngayon ang haharang harang ha?" Galit na sigaw ko sa kanya. Sasagot pa sana siya ng biglang magsalita si Angel

"K-kuya?" Sabi niya. Hinarang ko sa harap ko ang bag ko upang di nila 'yun' makita at para di rin ako lamigin grrrr. Pero teka tama ba yung narinig ko ito ang kuya niya?

Biglang nanlaki ang mata ng lalaki ng marinig siya na tinatawag  ni Angel.

"A-angel?" Tanong niya "Saan ka ba sumusuot bata ka ha? Kanina pa kita hinahanap ah" galit na tanong niya kay Angel

"Kuya naman eh wag mo na ako pagalitan!" Sabi ni Angel

'Ayun siya oh!! Dito!!'

Napatingin kaming tatlo sa likod ng kuya ni Angel at biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita kung ano ang nasa likod niya. Mga babae na parang nasa 20+ na sila at tumatakbo papunta sa direksyon namin

"Sino sila?" Tanong ko sa kanya

"Sh*t" sabi lang niya at saka ako hinila sa kanang kamay at sa kaliwa si Angel

"Ano ba! Magdahan dahan ka nga sa pagtakbo at baka madapa si Angel!" Sigaw ko sa kanya

Tumigil siya saglit at binuhat si Angel sa kanyang kaliwang kamay habang hila hila naman niya ako sa kanang kamay niya.

Alam niyo ba para akong nakuryente sa hawak niya

"Kuya bilisan mo pa malapit na sila sa atin" sabi ni Angel habang nakapulupot ang kamay niya sa leeg ng kuya niya

At talagang mas binilisan pa niya ang pagtakbo kaya muntik na akong madapa pasalamat na lang ako at huminto siya at nabangga ako sa likod niya. Nasa may parking lot na kami at nakatayo sa harap ng isang itim na kotse. Binuksan naman niya ang pintuan nun at pinapasok si Angel at saka siya naglakad papunta sa driver seat. Muntik pa nga akong maiwan eh kung di lang ako hinila ni Angel papasok. Kasi naman hinahabol ko pa ang hininga ko ang laki ng tagaktak ng pawis ko eh. At ang lagkit ko na dahil sa juice na nabuhos niya sa akin kanina.

*****

Continue Reading

You'll Also Like

20.8M 511K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
56.5M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
141K 2.9K 41
People always say, never be attracted with the angelic face. They were demons. Every year, in every school, there's always a repeater and a transfere...
6.4M 327K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...