Falling for the Billionairess...

By elisestrella

3.1M 82.3K 16.1K

C O M P L E T E D R E P O S T E D --- Siya si Meredith Balajadia, ang twenty-five-year-old executive vice pre... More

Prologue
Day 1
Day 2
Day 4
Day 5
Day 5 - Night
Day 6
Day 6 - Noon
Day 6 - Afternoon Date
Day 7
Day 7 - Later that Night
Day 7 - Later that Night con't.
Day 8
Day 9
Day 12
Day 13
Day 13 - Afternoon/Night
Day 14
Day 15
Day 19
Day 20
Day 20 - Night
Day 21
Day 22
Day 24
Day 25
Day 25 - Night
Day 26
Day 26 - Night
Day 26 - Later that Night
Day 27
Day 28
Day 28 - Later that Night
Day 29
Day 29 - Later that Day
Day 29 - Later that Night
Day 1 of 4
Day 1 of 4 - Later
Day 2 of 4
Day 3 of 4
Day 3 of 4 - Later
Day 4 of 4
Day 4 of 4 - Night
Day 34
Day 35
Day 35 - Later that Night
Day 36
Day 37
Day 38
Day 38 - Later that Night
Day 39
Day 39 - Later that Morning
Day 39 - Later that Day
Day 39 - At Twilight
Night 1
Author's Note
FFTB Book 2

Day 3

67K 1.6K 502
By elisestrella

HINDI ako na-late ng day 3. Hindi masyado. Pakshet naman kasi. Sino ba ang pumapasok ng opisina nang alas siete ng umaga?

Na hindi ang kuya ko?

At na-late lang ako ngayon dahil sa lintik na Starbucks na 'to.

As usual, may ilaw na sa opisina ni Meredith (Meredith na ang tawag ko sa kanya sa isip ko. Sarili ko na nga lang i-mi-Miss Balajadia ko pa ba siya?) nang dumating ako sa mesa ko kaya dumerecho ako roon, kumatok at pinihit ang knob.

Nasa likod na siya ng mesa niya, nagta-type na ng kung ano. She was wearing a sleeveless white top at isang maiksing dilaw na palda and white heels na kita ang mga daliri sa paa. Her hair was in a bun and she looked adorable.

"Good morning, ma'am!" masaya kong bati habang lumalapit sa mesa niya.

"You're late," sabi niya pero inisip ko na lang na ang sinabi niya ay "good morning, my wonderful, gorgeous assistant."

"Only by seven minutes at dahil iyon sa kape mo." Ibinaba ko ang takeout cup ng kape sa mesa niya pagkatapos ay kinuha ang smartphone ko mula sa bulsa para buksan ang calendar app ko. "You have a 9:30 A.M. appointment with Mr. Fernandez, and a lunch meeting with Mr. Villacorta at 11:30."

Kumunot ang noo ni Meredith bago nag-angat ng ulo. "Walang nakasulat sa calendar na may 9:30 ako."

"Ow?" Muli kong tiningnan ang telepono ko. "Tumawag po si Mr. Fernandez kahapon para magpa-resched ng appointment from 2 P.M. to 9:30 A.M."

Halos magulo ang bangs ko sa lakas ng buntong-hininga ni Meredith. "You put the appointment on the office calendar, Mr. Montesines, not on your phone."

Ngumisi ako. "I will, ma'am. As soon as I learn how to use the calendar."

I'm pretty sure mura ang sinabi ni Meredith nang bumulong siya. "Send me the files regarding the Fernandez group. Akala ko may oras akong pag-aralan iyon habang kumakain."

"Kung kumakain kayo, Ma'am, you shouldn't be studying anything at all."

I'm sure naupod ang ngipin niya sa bagang sa tindi ng pagpipigil niya. "Just... send me the files, Ash."

Muli akong ngumisi. "Yes, ma'am."

"And don't come in here unless I call for you. Ayaw kitang makita buong araw."

"Whatever you say, Miss Balajadia. Have a great day!"

Lumabas ako ng opisina niya at isinara ang pinto, nagpipigil ng tawa. Nagtungo ako sa mesa at binuhay ang computer ko. Ayaw niya 'kong makita ah. Lalabas din 'yun, I'm sure in 3... 2... 1...

Nagbukas ang pintuan niya as if on cue at nilingon ko si Meredith. Humihingal siya at hawak ang takeout cup ng Starbucks. "What. Is. This?"

Inosente ko siyang tiningnan na nanlalaki pa ang mga mata. "Starbucks Caramel Macchiato, ma'am."

Akala ko talaga ibubuhos niya sa 'kin ang kape.

AKO na ang uminom ng Caramel Macchiato nang iwan iyon ni Meredith sa mesa ko. Sa lagay sasayangin ko lang 'yun eh ang aga kong gumising para roon? But I had to admit, it was worth it seeing the smoke coming out of Meredith's nose.

Nag-angat ako ng ulo nang may madamang may papalapit sa mesa ko.

Matangkad ang lalaki, mukhang mayaman, mukhang mayabang. Hindi ko gusto ang aura ng unggoy kaya tumayo ako. Doon ko napansing mas matangkad ako, mas fit, at mas guwapo siyempre.

"Can I help you?" tanong ko.

Tiningnan niya 'ko mula ulo hanggang paa bago siya mapanuyang umismid. Ano'ng iniismid-ismid mo d'yan?

"Ikaw pala 'yung bagong assistant ni Mere," sabi nito na humalukipkip.

"Yes. Can I help you?" ulit ko at inulit niya ang mula-ulo-hanggang-paa na tingin sa 'kin. Kuya, kung naghahanap ka ng aalipustahin sa suot ko, let me tell you na mas mahal pa ang kurbata ko kesa sa lahat ng suot mo. Alam ko dahil Hermès ang kurbata ko. Ano ngayon kung kurbata 'to ni Kuya eh ako naman ang may suot ngayon?

"Bago ka nga."

"Yes" sabi ko ulit. "Can I help you?" sabi ko na naman na ine-emphasize ang bawat salita.

Hindi siya sumagot. Pinagmasdan lang ako na nakahalukipkip, naka-ismid pa rin na para bang hinihintay na makilala ko siya. Pare, kung makasalubong ko si Doug Kramer sa kalye, hindi ko rin siya makikilala kung hindi niya kasama 'yung anak niyang sumasayaw ng dan-dan-dan-dalandan. Ikaw pa kaya?

Nasa kalagitnaan kami ng isang staredown nang magbukas ang pinto ng opisina ni Meredith at lumabas siya.

"O, nandito ka na pala Craig," sabi ni Meredith na nagpapabalik-balik ang tingin sa pagitan namin ng lalaki. "What's happening?"

"Your assistant," simula ng lalaki na para bang ang sinabi niyang phrase ay 'yang arinola mong nakakalat sa opisina, "wouldn't let me pass."

Nilingon ko si Meredith at nakatirintas na naman ang mga kilay niya sa 'kin. Okay, so sanay na akong iritado siya lagi sa 'kin. Aaminin kong kadalasan, sinasadya ko naman talaga siyang inisin. Pero ang unfair lang ngayon kasi ginagawa ko lang naman talaga ang trabaho ko.

"Never mind him," sabi ng boss ko at inabot ang braso ni Craig bago ito hinila palayo.

Pinanood ko silang dalawa hanggang sa makalabas sila ng executive offices. Hindi ko alam na nakasimangot na pala ako hanggang sa madama kong halos nasa butas na ng ilong ko ang mga kilay ko.

Binalikan ko ang computer at nag-log in sa intranet ng opisina. Hinanap ko si Craig Villacorta sa employee directory. Naisip ko lang kasi "Mr. Villacorta" ang lunch date ni ma'am so malamang ito nga ang hinayupak na 'yun. Kung sinabi lang nito kung sino ito, papapasukin ko naman siya sa opisina ni Meredith eh... matapos ko siyang kapkapan, tanungin kung ano'ng intensyon niya kay Meredith at balaang 'wag siyang maka-isip na gumawa ng kalokohan dahil ako ang haharapin niyang tarantado siya.

Nang mahanap si Craig Villacorta, napapikit ako. Kaya naman pala iniisip ng gago na dapat kilala ko siya. EVP din pala ang tarantado pero naka-base sa opisina sa Ayala kaya hindi ko pa nakikita.

At dahil likas akong chismoso... este, curious, ni-Google ko na rin siya. At napakabait ni Google dahil hindi pa ako tapos mag-type, nag-suggest na siya ng search words: Craig Villacorta Meredith Balajadia dating.

Hindi na 'ko nagbasa ng mga articles. For some reason, sira na ang araw ko. Bakit ko pa gagatungan?

"CAN I talk to you inside my office?" tawag ni Meredith sa 'kin nang makabalik siya sa opisina. Tiningnan ko kung kasama niya 'yung tarantado pero mag-isa siya. Tumayo ako at sumunod papasok sa opisina. Isinara ni Meredith ang pinto at nagtungo siya sa mesa para maupo roon. Huminga siya nang malalim. "Hindi nagustuhan ni Craig ang ginawa mo kanina."

I just fucking bet.

"Nabastos daw siya. I think I'm going to agree. Assistant kita, Ash, hindi bodyguard. You ask people to wait kung may naghahanap sa 'kin and then you call me. You don't harrass them. And you most certainly don't harrass my best friend."

Kalmado akong tao. Siguro naman kilala mo naman na ako dahil tatlong araw ka nang nakikichismis sa mga iniisip ko. Hindi ako madaling magalit at hindi ako madaling maapektuhan ng mga pinagsasasabi ng mga tao tungkol sa 'kin. Kaya hindi ko alam kung saan galing ang biglaang galit na naramdaman ko. Tumango lang ako. Baka kung ano pa'ng masabi ko.

"Go," sabi niya bago muling hinarap ang computer niya. Just like that, I was dismissed again.

I should have turned around. Really, I should have. Pero napuno na yata ako. Humakbang ako palapit at napatingin ulit sa 'kin si Meredith, nakataas ang isang kilay.

"Alam ko kung ano ang mga pagkakamali ko, Miss Balajadia," I said through gritted teeth. "Hindi ako marunong sumagot ng telepono. Hindi ako marunong gumamit ng office calendar, at naliligaw pa rin ako sa shared drive. Pero alam mo, mapapag-aralan ko 'yun eh. Naka-usap ko na si Sheri at tinuruan niya ako. May spiel na ako ngayon sa phone. Nag-update na ako ng kalendaryo mo at gumawa na ako ng shortcut sa desktop ko papuntang shared drive.

"Pero alam mo kung ano ang hindi ko matututunan? Ang mga personal issues mo. Alam mo kung bakit? Dahil hindi mo 'yun lilinawin sa 'kin dahil desidido ka nang hindi magtiwalang kaya ko ang trabahong ito. I transferred a call from Zac Pastor dahil hindi ko alam na stalker ex mo pala siya. Malay ko ba. No one told me. I have many talents but mind-reading isn't one of them."

I bent down, pressed my palms to the tabletop. "At 'yang kawawang best friend mo, ma'am? Tinanong ko siya kung may maipaglilingkod ba ako at hindi siya sumagot. Kung sinabi niya sa 'kin kung sino siya at hindi ako hinamong makipagtitigan habang patagong sinasabing 'hindi mo ba ako kilala?', I would have asked him to sit down, got him coffee, even massaged his God damned feet kung 'yun ang gusto niya habang hinihintay ka niya. It would have been that simple if he hadn't decided to challenge me to a pissing contest, then whined to you about me doing my job.

"Now I think you have to be sure what you want from me. Mahirap kung hindi natin alam na dalawa kung ano'ng expectations n'yo sa 'kin. Doon lang ako sa mesa ko, magme-memorize ng organizational chart para makilala ko lahat ng mga taong mamasahihin ko sa paa kapag hinanap ka nila. Padalhan mo na lang ako ng memo para sabihin sa 'kin kung sino sa kanila ang ex mo nang maharang ko na sa elevator pa lang."

Pinagmasdan ko si Meredith. Nakatingin lang siya sa 'kin, walang ekspresyon ang mukha. I didn't give a fuck. I really didn't. Hindi ko alam kung bakit dahil I can usually tolerate more shit than what she handed me. Sensitive ba ako dahil kay Craig?

At pangalan lang ng gago na 'yun, nadama ko na namang uminit ang ulo ko. Yeah, si Craig ang dahilan. Naisip ko pa lang ang ungas, nakakalimutan kong generally cheerful at good-natured nga pala ako. He made me want to do violence. Mamaya, magpipilipit ako ng paperclips sa work station ko, lintik na 'yun.

Tumalikod ako at lumabas ng silid. Siniguro kong hindi ibalabag ang pinto. OA naman 'yun. Baka mabigyan ako ng award. Pero aminin mo, ang galing ko kanina. Convincing di ba?

Bumalik ako sa table ko at pumikit, huminga nang malalim at kinalma ang sarili. Nakabukas ang office calendar sa screen ko at ang unang nahagip ng mga mata ko ay ang naka-highlight na 11:30 A.M. Lunch, Mr. Villacorta.

Nasaan na ba 'yung mga paperclips na 'yun?

INIP na inip na ako nang gabing iyon. Halos 8 P.M. na kasi hindi pa umuuwi si Meredith. Eh buong araw akong wala sa mood di ba? Uwing-uwi na ako. Kaya lang ayaw ko namang maunahan ko pa siyang umuwi kahit okay lang naman 'yun. Hindi naman ako expected na mag-OT nang mag-OT. Hindi naman abusado ang boss ko. Challenging lang.

Lumabas si Meredith ng 8:10 P.M. Lumingon ako pero hindi niya ako pinansin. Ni hindi niya ako tiningnan. Okay lang. Kunyari invisible ako.

Nag-shutdown ako ng computer at naghintay ng limang minuto bago ako umalis. Buti na 'yun. Mamaya maabutan ko pa siya sa elevator. Isipin mo kung gaano nakakaasiwa 'yun.

Wala naman na siya roon nang lumabas ako kaya nakahinga ako nang maluwag. Ngayon lang talaga ako nakakita ng babaeng gusto kong sabay na halikan at sakalin, and not in a BDSM sort of way. The thing is we had to endure each other for the next three weeks and two days para kay Ninong Ernest at para sa mana ko. At kinakabahan ako na bago pa man dumating ang deadline ko, nasakal o nahalikan ko na siya.

Sumakay ako sa elevator. Nang magbukas iyon sa ground floor, nakangiti akong binati ng guard doon.

"Panay ang OT, Sir, ah!" biro nito.

"Ganyan talaga, 'Nong," kindat ko. "May pinag-iipunan."

Kinawayan ko siya bago ako lumabas ng building. And guess kung sino ang una kong nakita sa isang gilid ng overhang sa labas.

Saglit akong napahinto, iniisip kung paano ako tatakas nang hindi niya nakikita. Pero mukhang busy naman si Meredith, busy sa pagpa-panic.

"Kumusta na si Manong Randy?" tanong niya sa telepono. "Ano ba'ng nangyari?"

At dahil nga likas akong chismoso... I mean, concerned, lumapit ako sa kanya at tumayo sa bandang likuran niya at walang pakundangang nakinig sa one-sided conversation. Invisible Man, remember? Ni hindi niya ako nilingon.

"Pero okay lang siya? Hindi naman siya nasaktan?" tanong ng babae sa kausap nito. "Okay. Mabuti. Pero sana tinawagan n'yo ako nang mas maaga di ba? Para alam ko. Umuulan pa naman... 'Wag na, Kuya Midel. Uuwi na lang po ako nang mag-isa. Mag-ka-cab na lang ako... Okay. Okay, thank you po. Yes. Okay. Bye."

Pinatay niya ang phone at bumuntong-hininga.

Hindi ko na natiis. "Is everything okay?"

Napasinghap si Meredith at humarap sa 'kin. "Oh, it's you," sabi niya bago ako muling tinalikuran. Lumapit na ako at tumayo sa tabi niya. Hindi siya nagsalita; hindi ako umalis. Tumungo siya sa hawak na phone at nagkibit-balikat. "Nabangga raw 'yung driver ko kanina. Nabalian daw. He's okay though, thank God, kaya lang walang susundo sa 'kin."

Muntik na akong mag-offer na ihatid siya kaya lang naalala kong wala nga pala akong kotse ngayon.

"I can call you a cab," alok ko.

Tiningnan niya ako na para bang sinabi ko sa kanyang maghubad siya sa harapan ko. "I can call myself a cab, thank you very much. Hindi ako ganoon ka-helpless."

Natawa na lang ako sa inis. Ito ba'ng pakiramdam niya kapag inaasar ko siya? "Helpless? Kailan ko sinabing helpless ka? I offered to call you a cab! That's it. I am your assistant, remember?"

"Nasa labas tayo ng opisina. You're not my assistant here."

Bumuga ako ng hangin at itinaas ang mga kamay, suko na. "Daig ko pa ang mister ng babaeng naglilihi sa 'yo eh. Sala sa lamig, sala sa init ako!"

"Then why don't you quit?" she asked, smiling sweetly.

I moved forward and stood almost nose-to-nose with her. "Why don't you fire me?"

Alam niyang alam ko na ginagawa niya ito dahil kay Ninong Ernest. She would never do anything to hurt Ninong Ernest. Isa iyon sa mga pagkakapareho namin ni Meredith. For one reason or another, we both loved the old man.

Hmm, hindi kaya si Meredith ang tunay na anak sa labas ni Ninong?

"Just keep on testing me, Ash," gigil niyang hamon bago ako tinalikuran at naglakad pabalik sa pintuan ng building.

Hindi ako nag-isip. Hinablot ko ang braso niya. She hissed—actually hissed—at me.

"Let me go," mahina niyang utos. One thing about Meredith, hinding-hindi siya mag-e-eskandalo. Pinakawalan ko siya.

"Call your cab. Sasamahan kitang maghintay dito sa baba."

"I don't need—"

"Call the damn cab, Miss Balajadia," sikmat ko. "You may think I'm a total asshole but I'm not going to be able to sleep tonight without knowing if you got home or not. Make the call. Now."

Sinasabi ko sa 'yo magkakaroon ako ng multiple personality disorder sa babaeng 'to.

Kunot ang noo, kumurap siya sa 'kin. Pagkatapos ay tumungo siyang muli sa phone, nag-swipe sa screen bago padabog na inangat ang phone sa tainga.

"Hi, magpapa-pick up po sana," sabi niya sa sumagot bago ibinigay ang address ng building namin. "Okay po. Salamat."

Nagtungo kami sa gilid para hindi kami nakaharang sa mga papasok at lalabas ng gusali. Hindi kami nagsalita. Inis na inis pa rin ako kaya hindi na ako sumubok na makipag-small talk. Nanatili rin siyang tahimik na parang maamong tupa. If I know, naghihintay lang siyang hambalusin ako ng dala niyang bag.

May humintong taxi sa tapat ng building.

"'Yan na 'yun," sabi niya.

Inunahan ko siya. Binuksan ko ang pinto para sa kanya at malakas na binanggit ang plate number ng taxi para ipaalam sa driver na alam ko kung paano siya sisimulang hanapin kung may mangyari kay Meredith.

Sumakay ang boss ko. Of course wala siyang sasabihin sa 'kin. Hindi na ako umasang magpapaalam siya o bibigyan ako ng good bye kiss. Sinara ko ang pinto at inulit sa isip ko ang plate number para i-memorize 'yun. I wasn't lying. Hindi ako makakatulog nang matino nang hindi ko alam kung naka-uwi ba siya o hindi. For some insane reason, I liked the little brat. Pero dahil hindi naman magte-text 'yun para sabihing naka-uwi na siya, good luck na lang sa 'kin di ba?

Fuck it. This was becoming too complicated for me.

Kinuha ko ang sarili kong phone at nag-dial.

"Dude!" sagot ng kaibigan kong si Marlon sa kabilang linya. "Nasaan ka na?"

"Magugulat ka na responsableng mamamayan na ako ng Pilipinas," sabi ko sa kanya. "May plano ba ang barkada sa Friday?"

Tumawa ito. "Ngayong tumawag ka? Meron na, dude. Ano'ng balak mo?"

"Kahit ano, basta may alak na involved."

"Dude, alak at babae pa, kung gusto mo. Ako nang bahala sa mga sasama. Sabihin mo lang sa 'kin kung saan at kung anong oras."

Gusto ko sanang sabihing walang babae dahil babae ang puno't dulo kung bakit gusto kong uminom. Lintek. Wala kaming relasyon pero nagpapakalasing na 'ko para sa kanya. "Kayo nang bahala kung saan. Basta mga 8 P.M. ng Friday."

"You got it, dude. See you."

There, done. Minsan lang talaga kailangan ng isang lalaki ng alak at mga kaibigan. By Monday, matapos ang isang major hangover, na-reset na ulit ang sistema ko. Okay na ko ulit n'un.

(Sana.)

Continue Reading

You'll Also Like

3.9M 42.3K 40
MINI-SERIES ON TV5; PUBLISHED UNDER LIB. Demi's mom is getting married to a super hot bachelor's dad. Nothing seems to stop this from happening until...
14.1M 71.4K 52
A/N: This story has been published that's why it's not available here. Thank you! Teaser lang po ang inyong mababasa. "Im pregnant. " Mula sa pagka...
503K 15.8K 38
Maglalaho ang mananakit sa iyo. Subukan nilang saktan kahit dulo ng buhok mo. Mapapaaga ang pagdalaw ko sa kanila. - Grim Reaper a.k.a Jacob Alejandro
4.5M 38.3K 70
Sa Fairytale si Cinderella ay may Prince Charming na nag ligtas sa kanya sa pangaalipin ng dalawang Step Sister nya at ng kanyang Step Mother dito sa...