BHO CAMP #8: The Cadence

By MsButterfly

1.4M 45.3K 4.8K

All my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet... More

Synopsis
Chapter 1: Beat
Chapter 2: Hand
Chapter 3: Crepuscular
Chapter 4: Mission
Chapter 5: Objective
Chapter 6: Time
Chapter 7: Sleep
Chapter 8: Song
Chapter 9: Orange
Chapter 10: Compromise
Chapter 11: Gravity
Chapter 12: Home
Chapter 13: Hawk
Chapter 14: Chance
Chapter 15: Promise
Chapter 16: Damage
Chapter 17: Shine
Chapter 18: Charm
Chapter 19: Cuff
Chapter 20: Breathe
Chapter 21: Princess
Chapter 22: Free
Chapter 23: Fairytale
Chapter 24: Always
Chapter 25: Lie
Chapter 26: Road
Chapter 27: Pretend
Chapter 28: Beautiful Disaster
Chapter 29: Cadence
Chapter 30: Epilogue
Chapter 31: Start
Chapter 33: Mind Games
Chapter 34: Distance
Chapter 35: Orbit
Chapter 36: Tradition
Chapter 37: Rock star
Chapter 38: Team Night
Chapter 39: Music
Chapter 40: Always
Epilogue
Author's Note

Chapter 32: Catfight

27.3K 1K 117
By MsButterfly

#BHOCAMP8TC #HeDer #HeDerBudol #BHOCAMP

HERA'S POV

I can't take my eyes off at the television mounted at the wall even though I can feel the heavy stare of the other people in the room. Akmang kakagatin ko ang kuko ko habang nakatingin pa rin sa binabalita sa TV nang maramdaman kong may tumampal sa kamay ko dahilan para hindi ko matuloy ang balak.

"Aray!"

Pinandilatan ako ng mga mata ni Athena, "Katutuyo lang ng mga kuko mo. Sayang ang pinaghirapan ni Ganda. Kung gusto mong kumain ng nail polish marami naman sila diyan."

Pinaikot ko ang mga mata ko sa babae bago ko tinapunan ng ngiti ang nail technician na kasalukuyang tinatapos ang pag-aayos sa isa ko pang kamay.

Inaya kasi ako ni Athena na lumabas dahil kailangan niya raw ng "Mama Break". Apparently isa iyon sa mga napagkasunduan nila ni Fiere. Kung tutuusin kasi ay parang first time mom din si Athena ngayon. Hindi niya kasi nagawang masubaybayan ang paglaki ni Ainsley noon dahil sa naging sitwasyon nila. But now she has three kids. Isa roon ay ang maganda kong inaanak na very independent but at the same time, still Athena's baby. And the two new babies na tatalunin ang lung capacity ng nanay nila noong sanggol din si Athena dahil ibang klase talaga sila pumalahaw ng iyak lalo na kapag hindi mabilis ang food truck nila, aka Athena herself.

Kaya dahil maswerte ang kaibigan ko sa asawa niya ay pinagbibigyan ni Fiere si Athena na magkaroon ng oras para sa sarili niya. Which is really great if you ask me. Partnership naman kasi ang pag-aasawa at pagkakaroon ng pamilya. Hindi ibig sabihin na nanay ka na ay wala ka ng karapatan na bigyan ang sarili mo ng oras na gawin ang gusto mo. In the end the day you're still a mom but not a stressed out one.

Kaya ngayon ay nandito kami sa Tiara. It's a nail salon here at BHO CAMP. Actually hindi talaga sila nasa loob ng campo pero ang lokasyon nila ay nasa commercial space na katabi lang ng BHO CAMP. Nagdecide kasi si Dawn na ipagawa iyon dahil marami na rin na request ang natatanggap tungkol doon. That's why right now the small commercial space has a nail salon, a bookstore called Archives, and Royalties. The last one is a store for Royalty's very own merchandise. Madali lang pumunta ro'n kasi may pathway talaga ang BHOCAMP na roon papunta.

"Wala ka ng magagawa riyan sa balita. Sa mall ba naman kayo nag PDA eh."

Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Athena. Kanina ko pa kasi pinapanood sa TV ng salon ang balita tungkol sa "Royalty member" na nakuhanang may kasamang babae sa isang mall. Hindi man lang nilagyan ng blur ang mukha ko dahil kitang-kita talaga kami ni Thunder sa mga larawan.

"Alangan naman sa bahay kami mag PDA? Eh di hindi na public display of affection 'yon." sabi ko.

"Eh ano na?"

I rolled my eyes at her for asking the obvious, "Private display of affection. Duh."

Binigyan ako ng masamang tingin ng babae na itinaas pa ang isang kamay sa direksyon ko na para bang nasa aktong kakalmutin ako.

Imbis na patulan siya ay muli ko lang ibinalik ang atensyon ko sa TV dahilan para mapangiwi ako nang makita ko ang mukha ko na ngayon ay siyang natatanging naka-display sa screen. Seriously? Ang dami-daming nangyayari sa mundo bakit ba ang love life ni Thunder ang pinupuntirya nila?

"Hera Scott is the heiress of the business magnates Cloak Jase Scott and Fierce Scott. They are known for several high ranking business such as Fierce Electronics Corporations and Fierce Interior Designs, and of course their thriving charity foundation the Hermes & Hera which focus on giving homes to thousands of orphaned children and providing them the best care and education."

Naramdaman ko ang bahagyang pagmasahe ni Carissa sa kamay ko na naikukuyom ko na pala. "Sorry." Nakakaunawang nginitian niya lang ako bago muling nagpagtuloy sa ginagawa.

"Ilipat na lang natin ang channel. Maiistress ka lang diyan." sabi ni Athena. Mukhang narinig naman siya ng isang empleyado ng Tiara dahil inabot kaagad sa kaniya ang remote.

Bago pa niya malipat ang pinapanood ko ay inagaw ko na kaagad sa kaniya iyon, "Wait lang."

"Bahala ka. That's just a televised depression."

Masokista nga talaga ako siguro dahil hindi ako nagpaawat sa kaniya. Gusto ko kasi malaman kung ano pa ang sasabihin nila tungkol sa akin. Nakakapagtaka kasi na pinalalaki nila ang nangyari samantalang hindi naman iyon big deal.

Bahagyang napataas ang kilay ko nang makita kong nag flash sa screen ang studio ng Channel 93 kung saan may dalawang newscaster. Isang babae at isang lalaki. Sa gilid nila ay lumalabas pa rin ang mga larawan namin ni Thunder. For pete's sake it was just a kiss. Halos wala pa nga atang sampung segundo iyon.

Tinignan ko ang dalawang newscaster. Mukhang magbibigay pa sila ng commentary base na rin sa hindi pa nila pagtapos sa balita.

"Tahimik lang ang pamilya nila pero maingay ang mga achievement nila. I guess the Royalty's lead guitarist got really lucky by having a woman like Hera Scott by his side."

Hindi ko pinansin ang sinabi ng lalaking reporter at sa halip ay napapakunot noong nakatingin lang ako sa babaeng kasama niya. Bakit parang familiar siya sa akin?

Napakurap ako sa iniisip nang maramdaman kong siniko ako ni Athena. Naguguluhang nilingon ko siya, "What?"

"Hindi mo ba siya naaalala?"

"Hindi-" natigil ako sa sasabihin ko dahil nagsalita na ang babae. Nang bumuka ang mga labi niya para magsalita ay kaagad kong narecognize ang boses niya.

"Or maybe just another headache. Those achievements by their family came from the blood and sweat of her parents. She's just another princess who's basking at the glory of her parents while dating men left and right. Hindi ba't siya rin ang latest fling ni Mayor Roco Weston? Pictures of them circulated last year. That's just a month before she was seen with Mayor Weston's brother Ace Weston. I don't think there's a big deal with her relationship with Thunder Night since she's no different than his previous groupies, hooking up with any available men."

Malakas na pagsinghap ang nagmula sa mga babaeng nasa salon na tahimik lang na nanonood kanina. Pinakamalakas nga lang sa kanila si Athena na kung hindi lang hawak ng technician niya ang kamay ay malamang napatayo na.

"Excuse me?!" malakas niyang sigaw na para bang magagawa siyang marinig ng babaeng newscaster mula sa telebisyon.

"Calm down." I hissed at her.

Nagbaba ang mga mata na nilingon niya ako, "Calm down? That woman just basically called you a whore!"

"Oo nga!"

Napalingon ako sa gilid ko nang makita ko ang isang babae na nagpapa-gel polish na ngayon ay matalim na rin ang tingin sa TV. Ganoon din ang reaksyon ng dalawa pang babae na akala ko kanina ay hinuhusgahan na ako dahil patingin-tingin sila sa akin.

"Sino siya para magsalita ng ganiyan? Wala sigurong nanghahalik sa kaniya na nagiging big deal sa TV, palibhasa puro lip injection!" sabi naman ng isang babae na nagpapalagay ng acrylic nails.

Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ni ateng gel polish. "Oo nga!"

"Dapat sa babaeng 'yan tinatanggalan ng card sa samahan nating mga kababaihan. Hindi na crab mentality ang tawag diyan. Hipon mentality na 'yan!" nanggigigil na sabi ng isa na nagpapa-nail art.

"Tama!" Sa pagkakataon na ito ay lahat na nakisang-ayon kasama na si Athena at pati na ng mga nail technician.

Huwew. Parang naagawan ako ng spotlight. Not that I mind though. Dahil mukhang kung nasa harap lang namin ngayon ang babaeng newscaster ay baka nabato na siya ng kamatis- o sa sitwasyon na ito ay nail polish.

"Paisley-"

Hindi ko na narinig ang iba pang sasabihin ng lalaking news anchor dahil parang may ilaw na lumiwanag sa utak ko. Boses lang kasi ng babae ang naaalala ko.

"Omg. Siya iyong madalas kong makita na nag-iinterview sa Royalty kapag wala si Kuya Hermes o si Ate Den." bulong ko kay Athena.

"More specifically kay Thunder." makahulugan niyang sabi.

Lahat kami ay napatingin sa TV nang matigil ang mga anchor sa pagsasalita nang may lumapit sa kanila na isang stuff. Namutla ang mukha ng lalaking news anchor bago pilit ang ngiting humarap siya ulit sa camera. "We have Hermes Scott on the line. Sa mga pamilyar sa kaniya, siya ang panganay na anak nina Cloak at Fierce Scott. He's also the top reporter of Channel 93 and we're very glad to have him here-."

"Cut the pleasantries, Gio." Nagkatinginan kami ni Athena nang pumainlang sa paligid ang boses ng kapatid ko. "First of all I don't know why you're all considering this as news and why are you prolonging it. Pangalawa, may karapatan si Hera na gamitin ang pera ng pamilya namin sa paraan na gusto niya. Our parents worked hard to gave us a comfortable life and there's nothing wrong with that. Pangatlo, she's not just a princess. She's our princess. She's someone's child, someone's sister, and she's precious to a lot of people. 'Wag niyo siyang ikumpara sa kung sino lang. Pang-apat, wala silang relasyon ni Roco o ni Ace. Those respected people are my friends and Hera grew up knowing them. The next time you're going to try to drag my sister down, Paisley, get your story straight first."

Bumaka ang bibig ng babaeng news anchor at nagpapalingon-lingon na para bang tumitingin sa mga staff. She's probably expecting someone to cut the line but I'm pretty sure no one moved.

"Hermes-"

Pinutol ng kapatid ko ang sasabihin sana ni news anchor Gio, "Lastly, Thunder have words for you, Paisley. He asked me to tell you that the next time that he will hear another word from you regarding him and his girlfriend, he will file a law suit against you. Not just because he rejected you so many times than he can remember that might have offended you, it still doesn't give you the right to talk thrash about the woman who spent hours and hours by his side while he's in comatose for months battling for his life."

"Gusto ko rin malaman ninyo that the owners of this channel are very good friends with my family. You will be talking to them soon, Paisley. And that's it for Channel 93, bringing the world closer to you and the truth right on your hands, this is Hermes Scott. Reporting."

Napuno ng palapakan at hiyawan ang lugar habang napapangiting nakatingin lang ako sa TV kung saan nag cut na ang balita para sa isang commercial. Malamang sa hindi ay hindi masyadong makikita ang babaeng news anchor sa balita sa mga susunod na linggo. She'll probably get suspended because she just violated a lot of rules. Idagdag pa na mismong ang may-ari ng station ang kakausap sa kaniya. Malamang tinawagan nila Mama si Tito Marveige at Tita Kate o kaya si Kuya Triton ang tumawag sa mga magulang niya.

Kung mas tatawagin nila akong "prinsesa" dahil sa bagay na iyon ay wala naman akong pakielam. I won't be apologetic for who I am.

Napatingin kaming lahat sa labas ng salon nang may marinig kaming ingay na nanggagaling sa biglang paghinto ng mga gulong. Sunod-sunod na napakurap ako nang may makita ako na isang babae na namumula ang mukha sa galit.

"Ano bang meron ngayon? National Ex Day ba ngayon?" bulong ko habang ipinapaypay ko ang patuyo ko na na isang kamay. Binalingan ko si Carissa na mukhang nararamdaman din na may mangyayaring gulo dahil nagmamadali na siyang maglagay ng quick dry sa mga kuko ko. "Carissa, pakikuha na lang ng bayad sa bulsa ko."

Kaagad naman niyang kinuha iyon nang masarado na niya ang botelya ng quick dry. "Sobra po ng isang libo."

"Tip na namin 'yan. Tawag din kayo sa Craige's para sa libre niyong meryendang lahat." nginitian ko ang mga kababaihan na mukhang ready to rumble din dahil napapatayo na sila sa mga kinauupuan nila. Acrylic nails, gel polish, nail art, and all.

Hinila ko na si Athena na nagmamadali rin na nagpatangay sa akin. Tutok na tutok din ang mga mata niya sa babae.

"Kapag nagkasabunutan na kami pakitawag na lang si Fiere." sabi sa akin ni Athena na pinapaypay ang mga kamay niya na kulay cotton candy at may mga sprinkle at ribbon pa na nakadikit sa ibabaw.

"Ikaw ang tawagin si Thunder kapag nalumpo ko na ang babaeng 'yan."

Kunot ang noo na nilingon niya ako, "Ex ni Fiere 'yan eh."

"Nakita ko rin 'yan na humaharot kay Thunder noon."

Alam kong sabay na nagningas ang apoy sa mga mata namin nang nilingon namin ang babae. Charlotte Remulyo.

"Where the fuck is he?!" sigaw ng babae ng makita kami.

"Bakit hinahanap mo ang asawa ko?" sigaw din pabalik ni Athena. "Wala kang karapatan humarap sa asawa ko dahil ayokong nakakakita iyon ng masamang elemento!"

"You think I came here for your husband bitch?" may pambubuska sa tono na tanong ng babae. She flicked her manicured hand at Athena as if dismissing her. Mas maganda pa rin ang nail art ng Tiara! "Wala akong balak balikan ang natikman ko na."

Ramdam ko ang apoy na nagmumula sa galit na pumapalibot kay Athena. She may be small but she's hell on wheels when she's angry. "Wag kang ambisyosa. Kahit nga halik hindi ka nakanakaw sa asawa ko dahil FYI lang, hindi siya pumapatol sa buto't balat."

I instinctively moved closer to Athena when I saw Charlotte's eyes flashed with anger. Natatakot ba ako para sa kapakanan ni Athena?

Of course not.

Mas natatakot ako na maibigti niya ang babae. She has three kids. Hindi bagay sa kaniya ang tumambay sa kulungan.

"I don't even know why I'm wasting my time with you." Lumingon sa akin si Charlotte, "Nasaan siya-"

"Wala akong balak ituro sa'yo kung nasaan ang boyfriend ko. Ayokong magshare kayo ng hangin at baka mag allergy pa 'yon."

"He was supposed to meet me!"

Humalukipkip ako, "Hoy Charlotte Maharot, hapon pa lang antok ka na? Ikain mo na lang 'yan baka nalilipasan ka na. Hindi siya nakikipagkita sa'yo."

Marahas na sinaklit niya ang shoulder bag at nilabas niya ro'n ang cellphone. Nagpipindot siya ro'n bago niya iyon hinarap sa akin. Hindi ko na hinintay na may sabihin pa siya dahil hindi pa siya nakakahuma ay inagaw ko na sa kaniya ang cellphone.

"What are you doing?!" sigaw ng babae nang basta ko na lang ibagsak sa lupa ang cellphone.

At inapakan.

"Trademark move mo talaga 'yan." puri ni Athena. Minsan ko na kasing ginawa ito sa noon ay asawa ng ex-boyfriend niya na si Pauline.

"You ruined my phone!"

Inalis ko ang tingin kay Athena at kaagad na nawala ang ngiti sa mga labi namin nang bumaling kami sa babae. "So?" magkasabay namin na tanong.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin. She look like as if she's ready to pounce on us and claw our organs out. "Nakakaawa kayong dalawa. Magkaibigan nga kayo kasi iisang lalaki pinagtiyagaan niyo." tinuro niya si Athena. "Yung pinagsawaan niya na." pagkatapos ay bumaling siya sa akin. "Sinalo mo naman."

Nabiglang nilingon ko si Athena, "Naging kayo ni Thunder?!"

"Yuck no!" nanghihilakbot na tanggi niya.

Right. Imposible ang bagay na iyon dahil noon pa man ay si Fiere na talaga ang sinisinta ng kaibigan ko. Kaya hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang pinagsasasabi ni Charlotte. Pero sa pagtataka ko ay mukhang naguguluhan din ang babae sa amin.

Bumuka ang bibig ko para magsalita pero naunahan ako ng isa pang boses. "What are you doing here Charlotte?"

Nalingunan namin si Aiden, ang ex-boyfriend ni Athena at tatay ng anak nila na si Ainsley, na naglalakad palapit sa amin habang hawak ang kamay ng anak. Sa tabi niya ay naroon si Fiere na tulak-tulak ang trolley kung saan naroon ang anak nila ni Athena na si Jinro at Midori.

"Nasa inyo si Aiden?" tanong ko kay Athena.

"Yup. That's why I decided to take the Mama Break kasi alam ko na hindi maiiwan mag-isa si Fiere. Jinro and Midori will break him apart. Those two are angels with their Mama but not so much with their Papa."

Tinignan ko si Aiden at Fiere na mukhang hindi naman naninibago sa sitwasyon nila. Noong umpisa siguro naiilang sila. After all, Aiden is Athena's ex-boyfriend. Marami rin na gulo ang nangyari sa pagitan nila. But I guess they did manage to co-exist and be friends in a way. Kahit kasi anong sabihin magulang pa rin sila ng mga bata.

"Hera?"

Sumulpot mula sa likod nila Fiere si Thunder. Malamang pumunta siya dahil sa naging sitwasyon kanina sa station. Lalapitan niya sana ako pero natigilan siya nang makita niya si Charlotte. "Oh hell no."

"Wag kang mag-alala mukhang hindi 'yan pumunta rito para sa'yo. O kay Fiere." Napangiwi ako sa isipin na iyon. "Bakit ba ang hilig niyong mag rotation? Not that I'm blaming you solely for it. Kasi kung tutuusin ay wala naman kayong pinilit." sabi ko at binigyan ng matalim na tingin si Charlotte.

Iyon nga lang ay mukhang wala na sa amin ang atensyon ng babae dahil na kay Aiden na ang nagbabaga niyang mga mata. "How dare you to stood me up?"

"I didn't." Aiden said, looking confused.

"We had a date!"

"I canceled that a week ago. Sinabi ko na sa kaibigan mo na wala akong panahon para makipagdate."

"Yet you're here at your ex place." she retorted.

"I don't think that's any of your business. But just to clarify I'm not here to run away from a date that was not supposed to happen. Nandito ako para bisitahin ang anak ko."

Kinagat ko ang ibabang labi ko. May panahon noon na naging isa si Aiden sa mga kaibigan namin ni Athena. He's a great person to hang out with. Bukod kasi na may laman ang utak niya ay prangka rin siyang tao. Kung hindi lang sila nagkaroon ng problema ni Athena ay baka nananatili pa rin kaming magkaibigan.

"You promised me a date!"

"I didn't promised you a date, Charlotte. Your friend asked me to go out with you and I refused." Bumuntong-hininga si Aiden at tinuro ang exit ng lugar, "Nababarahan mo ang daan ng mga taong papasok dito. You should just leave or at least move your car."

Lalong namula ang mukha ng babae. Sa pagkakataon na ito ay sigurado ako na hindi lang iyon dahil sa galit kundi maging sa pagkapahiya. Sa paraan kasi nang pagsasalita ni Aiden ay para bang naiinip na ang lalaki sa pagkausap sa kaniya.

Nanglaki ang mga mata ko nang inangat ng babae ang hawak na bag at bago pa may makagalaw sa amin ay binato niya iyon sa direksyon ni Aiden. Iyon nga lang imbis na sa lalaki iyon tumama ay malakas na pumalo iyon kay Ainsley na nasa tabi ng ama niya.

Naramdaman ko ang paninigas ng katawan ni Athena kasabay nang pagkalukot nang mukha ni Ainsley. Ilang sandali lang ay sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata niya na marahil dahil nasaktan siya at nabigla.

My head snapped towards Charlotte who looked startled. "You! Pinaiyak mo ang inaanak ko!"

"Did she just threw her bag at my daughter?" Athena whispered dangerously.

Kung kutsilyo lang ang mga tingin namin ni Athena sa babae ay baka tumimbuwang na siya. Kasabay ng pag-atras ni Charlotte ay naramdaman kong may mga yabag na palapit sa amin ni Athena.

Pero mas mabilis kami.

Wala na akong pakielam kung masira ang bagong manicure ko na kuko. Even though the rose gold polish and the bling on my nails look so pretty. Hindi ko na iyon magawang maalala dahil basta ko na lang hinablot ang una kong maabot sa babae.

Umalingawngaw sa paligid ang sigaw ni Charlotte nang haltakin ni Athena ang buhok niya habang ako naman ay haklit-haklit ang damit niya.

"Ainsley close your eyes!" Athena shouted at his daughter who immediately closed her eyes. Pagkasabi na pagkasabi niya no'n ay isang malakas na hila ang ginawa niya.

Mukhang wala namang balak magpatalo si Charlotte dahil umangat ang kamay niya sa direksyon namin. I saw her nails almost scored my face if only Athena didn't pushed her hard. Natumba ang babae sa sahig pero dahil nakakapit pa rin ako sa kaniya ay napasama akong napasadlak sa lupa. Dahil sa bigat naming dalawa ay nahila rin namin si Athena.

Balewala sa amin iyon. Nails clawing, legs kicking, and body thrashing around, if someone see us now we will be the perfect example of a classic catfight.

"Bitawan niyo ko!"

"Binato mo ang anak ko!" hiyaw ni Athena

"So? Kasalanan ko ba na hindi siya umilag?! If she's not just as stupid as her mother she should have dodged it!"

Sa pagkakataon na iyon ay dapat humingi na lang siya ng despensa. Pero dahil naturalesa niya ang kagaspangan ng ugali ay tila naging gasolina iyon sa apoy na nagliliyab na sa amin.

"Ainsley cover your ears!" I screamed. "What did you just say you bitch?!"

Bago pa makailag ang babae ay lumipad na ang palad ko. The slapped echoed around us and even Athena got startled at the loud sound. Pero saglit lang nagtagal iyon dahil tumili rin sa galit si Charlotte na sa biglang ikot ay kaagad akong nakubabawan.

Hinawakan ko ang mga kamay niya para mapigilan iyon na makalmot ako habang si Athena naman ay tinalunan ang babae at inipit ang leeg sa braso niya.

Charlotte immediately choked but before Athena decide to squeeze the hell out of her, hands grabbed a bunch of Charlotte's hair and drag her away. Napahiyaw ang babae na nagpapasag pero hindi siya binitawan ng may hawak sa kaniya.

Nag-angat ako ng tingin at napanganga ako nang makita ko si Fiere at Thunder na magkasabay pang hinila ang babae ilang dipa ang layo sa amin. Pero ang mas nakakagulat ay ang taong nakatayo sa likod ngayon ni Charlotte kung saan siya binitawan ng dalawang lalaki na kaagad lumapit sa amin.

Dawniella. At si Twinkle.

Nakita kong inalalayan ni Fiere si Athena at hinila sa direksyon ni Ainsley na yakap naman ng ama habang si Thunder naman ay hinaklit ako palapit sa kaniya. Sandaling nagbaba siya ng tingin sa akin habang ang mga kamay niya ay iginagalaw ang katawan ko pakaliwa at kanan na para bang tinitignan kung may natamo akong pinsala. Nang mukhang wala siyang makita ay kinindatan niya ako bago iginaya na sa kinaroroonan nila Athena.

"Tumakas na tayo bago tayo maparusahan." bulong ko kay Athena. Wala akong balak maging laman tiyan ng alagang ahas ni Dawn na si Twinkle.

"Wait lang. Gusto ko pang mapanood pag pinatuklaw na siya kay Twinkle." bulong pabalik ng babae.

Nawala ang katarayan sa mukha ni Charlotte na ngayon ay puno ng takot habang nakatingin kay Dawn at sa malaking ahas na ngayon ay nakasampay sa balikat ng babae. Kahit naman siguro sino magiging mabait kapag nakaharap si Dawn at si Twinkle. Si Dawn pa nga lang isama pa kaya si Twinkle?

"You came to this place shouting, cursing, calling out names, and then you hit a child." Dawn said, her voice laced with poison. A contrast of her face that looks angelic and peaceful.

"A-Ayaw kasi nilang ituro sa akin kung nasaan si Aiden. A-And...and they ruined my phone."

"We can replace your phone and you already found Aiden when you decided to throw your bag at his daughter."

"It...it was an accident."

"Was it? Pero rinig na rinig ko kanina ang sinabi mo."

Napalunok ako nang makita kong gumalaw ang ulo ni Twinkle palapit sa nanginginig na si Charlotte. Maybe snakes can really smell fear. Pero halos lahat ng agents takot kay Twinkle at ngayon lang namin siya nakita na para bang handa ng manakmal. Kung hindi nga lang pigil iyon ni Dawn baka lumingkis na iyon kay Charlotte.

Maybe they can smell bitches too.

Nagkatinginan kami ni Athena. Nakita ko na gumalaw ang kamay niya para abutin ang kamay ni Ainsley habang si Fiere naman ay nasa likod na ng trolley ng kambal nila.

Kumilos na rin ako at hinawakan ko ang kamay ni Thunder bago ako malakas na bumulong, "Run!"

____________________________End of Chapter 32.

Continue Reading

You'll Also Like

650K 28.9K 45
A night of mistake turned my life into a series of turmoil. A night when alcohol was mixed with suspicion, pain, and even...love. Mali man o tama. B...
2.3M 48.1K 44
| COMPLETED | 22 August 2016 - 5 October 2016 | Stonehearts Series #2 | Due to her bitter past and her dad's unfortunate marriage, Amorr Amethyst Bue...
14.7M 344K 78
She's still holding to their promise that they'll love each other until eternity. Can she keep that promise and stay loyal to him or indulge herself...
17.3K 1K 28
WARNING: THIS STORY CONTAINS SENSITIVE SCENES THAT SOME READERS MAY FIND DISTURBING AND/OR TRIGGERING. READ AT YOUR OWN RISK. ♦ Story description ♦ S...