Could Have Been Better (Crush...

By PollyNomial

16.5K 652 58

Elaine Joy Mendoza was from Los Angeles. Pero kahit ilang taon na mula nang tumira siya roon kasama ang pamil... More

Could Have Been Better
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Ending
Lost With A Shattered Heart

Chapter 47

218 10 0
By PollyNomial

CHAPTER 47 — You Look So Pretty


Nang sumunod na araw ay ramdam ko ang pamumugto ng aking mga mata. As soon as I saw the sun rising from the windows, I stood up and went to the bathroom.

Looking at the mirror, I could see my swollen eyes. Hindi maayos ang naging tulog ko.

Kagabi ay hindi ako umalis sa likod ng pinto kung nasaan nasa kabilang banda lamang si Conrad. Ngunit nang wala na akong ibang narinig at puro katahimikan na lamang, senyales na umalis na siya roon, ay tumungo na rin ako sa aking kwarto. But I wasn't able to sleep because of all the things in my head.

Pinag-isipan ko ang aking ginawa kagabi. Of course, there was regret. Hindi naman mawawala iyon lalo na't pinakawalan ko ang tsansang makasamang muli si Conrad. I wasted the chance for us to love each other. But there was this tiny voice in my head telling me that it's the right decision for now.

Conrad has a girlfriend. Kahit pa ilang beses niyang sinabi sa akin na hindi niya ito mahal, hindi ko pa rin kayang tanggapin ang sinabi niyang makikipaghiwalay siya rito. It's his responsibility to make their relationship work. I'm not that selfish to steal Conrad away from the girl who did nothing but love him. Walang inagaw sa akin si Shayne. Kung sa agawan man, baka ako pa ang maging mang-aagaw.

Hindi ko man kilala si Shayne, hindi dapat ito maging dahilan upang maging masama ako sa kaniya. Hindi na ako magtataka kung minahal niya si Conrad. Conrad could be the man of any woman's dream. Walang kasalanan si Shayne kung minahal niya ito.

Habang nagkakagulo sa utak ko ang iba't ibang bagay, sinubukan kong lunurin ito sa pamamagitan ng pagligo. I didn't just take a shower but a real long bath. Hinayaan kong anurin ng tubig ang lahat ng hinanakit at lungkot sa puso ko. It somehow made me feel good. Pero sa huli, alam kong iisipin at iisipin ko ang lahat ng problemang ito.

Paglabas ng banyo ay nagbihis ako ng preskong damit. I couldn't decide if I I have to go out or just stay inside my room. Pero inaalala ko si Celine at Vans. This vacation was because of those two. Hindi naman kanaisnais kung hindi ako magpapakita ngayong araw sa kanila. Kaya lang ay nag-aalala ako dahil kung magpapakita ako sa kanila, malamang ay makikita ko rin si Conrad at Shayne.

Bumalik ang alaala ko sa nangyari. Last night, I didn't not allow myself to open the door for Conrad. Katakot takot na pagpipigil ang ginawa ko. Naririnig ko ang mga iyak niya hanggang sa naging mahina ito at mawala. He was crying the whole night. Hanggang sa hindi ko na siya marinig mula sa labas.

Maraming tumatakbo sa aking isip. Maaaring sumuko na siya at napagod. Baka naman inisip niyang walang patutunguhan ang pananatili niya sa labas ng aking pinto. O kaya naman, nagpahinga lamang siya at babalik din sa akin ngayong araw.

Of all the possibilities, it's obvious that I am hoping for the last one. It's foolish. Ako itong lumayo sa kaniya at pinilit siyang bumalik kay Shayne pero mas inaasam ko pa ring bumalik siya sa akin. This is what love does to me. It's making me stupid. Gulong gulo na ako.

Pinag-isipan kong mabuti ang mga maaaring mangyari ngayong ayaw. Nagdesisyon akong lumabas ng aking kwarto at harapin na iyon.

It was quiet outside, very different from the loud cries from last night.

Maingat ako nang silipin ang kabilang kwarto. Wala akong ingay na naririnig mula sa loob. Inisip kong tulog pa si Conrad o kaya ay nasa labas na siya kasama si Shayne. Thinking of them together clenches my heart but I cannot do anything about it anymore. Ako nga itong nagsabing gawing maayos ni Conrad ang namamagitan sa kanila ni Shayne.

Pagkatapos kong ieksamin ang buong hallway ay nagpasya na akong lumabas. Tahimik akong nakarating sa elevator. I was thinking of texting or calling Celine to know their whereabouts but I decided to just look for them outside. Kahit na hindi ako sigurado kung gising na ba sila.

Pagkababa sa lobby at hanggang sa makarating ako sa labas ng hotel na walang nakakasalubong sa mga taong iniiwasan ko ay nakahinga ako nang maluwag.

The fresh air touched my face and it felt relaxing.

Pumikit ako at niramdam ang malamig at maaliwalas na simoy ng hangin. I was only wearing a white spaghetti strap romper. Kaya naman medyo nangilabot ang balat ko dahil sa malakas na simoy ng hangin.

Nakangiti akong naglalakad patungong dalampasigan nang matanaw ng mga mata ko ang bultong nakatayo mula roon.

My smile slowly faded when I saw Lorenzo. Nakaupo siya sa buhanginan. Nakatalikod siya sa akin at pinapanood ang mga hampas ng alon.

Nagdalawang isip ako kung lalapit ba ako sa kaniya o tutungo na lang sa ibang direksyon. Wala pa nga siguro sila Celine dahil wala pa akong ibang nakikitang tao. Malungkot din pala kapag ikaw ay nasa isang private resort at ilan lang ang kilala mong kaibigan. I couldn't talk to anyone. 'Yong nag-iisang taong nais kong makasama, pinalayo ko pa sa akin.

Memories of last night appeared in my head. Nakakahiya kung magpapakita ako kay Lorenzo ngayon. Isa siya sa mga dahilan kung bakit nahihiya ako sa mga kasama namin. Both Celine and Lorenzo teased me a lot last night and it didn't feel good. Pero maaari ko ba silang sisihin?

Sa huli, nagpasiya akong bumalik at ibahin na lang ang direksyon ng aking paglalakad. Dala ko naman ang aking cellphone. Mamaya ay ite-text ko na lang si Celine at sasabihin sa kaniya kung nasaan ako. I wanted to tell everything to my best friend. Maybe ask for some advice. Sa ngayon ay mas nais kong mapag-isa.

However, I have only made a few steps when Lorenzo shouted my name.

"Elaine!" The next thing I heard was his rough foot steps on the sand.

Bagsak ang aking balikat nang lingunin ko si Lorenzo. "Hi," I greeted him with a hesitant smile.

Malawak ang ngiti niya. Sinipat niya ang araw na kasisikat pa lamang bago ako muling tinanaw ng kaniyang mga mata.

"The sun's already up but you look so down. Anong nangyari? Had a rough night?" he teased me with the same humor he has whenever he talks to me.

Umirap ako at ngumuso. Kinusot ko ang mga mata ko. Before I went out of my room, I made sure that my eyes aren't as puffy as it was. I even put on a little bit of makeup to hide it. Nahalata pa rin talaga si Lorenzo?

"Seems like you don't wanna talk about it. Mabuti na lang ay hindi naman ako masyadong tsismoso," aniyang nagawa pang itaas ng dalawang beses ang kilay. Rinig na rinig sa boses niya ang pamimilosopo.

Bumuntong hininga ako at tiningnan ang aming paligid. Nang ibalik ko ang aking mga mata sa kaniya ay saka ko siya binigyan ng masamang tingin.

"Looking for someone?" tanong niya.

"Sila Celine?" utas ko. Wala naman akong mapapala kung papatulan ko ang pang-aasar niya.

"I don't think they are out yet. I talked to Vans before I went here but he went back to his room after. Siguro ay natutulog pa ang best friend mo." At least he knows how to give a proper answer.

Nilibot ko pang muli ang aking mga mata. If Celine and Vans are still in their room, it's also possible that Conrad and Shayne are still in the hotel. Masyado pa ngang maaga para maglabasan sila. Lalo na ang mga iba pang kasama sa bakasyong ito na siguradong napuyat kagabi.

"Are you looking for Conrad?" walang kagatul gatol na tanong ni Lorenzo.

Sa pagkakataong ito ay pinatulan ko na siya. "Alam mo, hindi ko alam kung pwede ba kitang ituring na kaibigan o kaaway."

"I can be both," masigla niyang sambit. "But I can't be a total enemy to you. Instead, I would the friend who would want to tease you all the time—"

Hinampas ko ang dibdib niya. "Saan mo kinukuha 'yang kakapalan ng mukha mo, Lorenzo?" nirolyo ko ang aking mga mata.

Conrad must be right. Hindi ko nga siguro dapat maging kaibigang itong si Lorenzo.

Isang malakas na halakhak ang narinig ko kay Lorenzo. Nagsimula siyang maglakad palagpas sa akin. Sinundan ko lamang siya ng tingin habang paalis siya. Nang malaman niyang hindi ako nakasunod ay nilingon niya ako.

"Come, I'll treat you breakfast. Then after, let's decide if I would be the friend who would care for you, or the one who would bully you," aniya. He waved his hand, signaling me to come to him.

I just laughed at what he said. Pumayag na rin akong sumama.

I find Lorenzo amusing. The way he teases me doesn't actually mean that he doesn't like. Napansin ko iyon. Lorenzo's just the funny type of guy. His personality was the same as Conrad's when we first met. Hindi ko maiwasang pagkumparahin silang dalawa dahil totoong may pagkakapareho sila. The only difference that I could name between them was that Conrad was able to get me through that personality. While Lorezno's personality convinces me that he could be a good friend to me.

Nakarating kami sa isang cafe ng hotel. Lorenzo asked me to order what I want and I obliged. Sa gitna ng pagkain namin ay marami siyang naikwento tungkol sa dalawang ikakasal.

"Were you in love with Celine?" I daringly asked him. Natawa ako nang matigilan siya at muntik pang mabuga ang iniinom na kape. Naitanong ko na ito sa kaniya noon pero gusto kong malaman ang buong kwento.

"Hindi nga ako ang tsimoso pero ikaw naman pala," utas niya matapos ilapag ang tasa ng kape sa maliit naming mesa.

Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip pa ako. "You know a lot of things about me already. Ang daya naman kung ikaw lang ang may alam dito."

He pursed his lips. "I wasn't in love with her," his voice was stern. Mukhang may tinamaan akong sirang turnilyo sa utak niya.

Natawa na lang ulit ako.

"Really?" I teased him. "Come on, be honest. You can tell it to me. Hindi ko sasabihin kay Celine," bulalas ko.

Siya naman ang humalukipkip at tinitigan ako nang seryoso sa mga mata. I also stared at him and I did not fail. Siya ang bumuntong hininga at pumutol sa aming titigan.

"I wasn't in love with her, that's the truth. At first, I thought I was. It was too late when I realized that I wasn't really smitten to her," mas lalong nagiging seryoso ang tono niya.

It made me more curious. Sa tingin ko ay may malalim na pinanggagalingan si Lorenzo. Because if he wasn't in love with Celine, there's no need to be this serious when talking about it. Dapat nga ay tinatawanan na lang namin ang kwentuhang ito.

"Too late? Bakit, inamin mo ba sa kaniya?" tanong kong muli.

All of a sudden, I felt regret again. Ito 'yong mga panahong wala na ako sa buhay ni Celine. Kaya wala na akong alam. I only knew some parts but not everything. Nakakalungkot kaya mas ninanais kong malaman.

Umiling siya. "I showed her through my actions. Maybe I said it to her. Hindi ko na maalala."

"And then?" I leaned closer to him. This topic is really making me interested about him.

He leaned closer to me too. He smirked but it wasn't the same smirk he does. There's something behind it.

"Then karma hit me and I couldn't take back time anymore. Nawala na 'yong nag-iisang babaeng minahal ko," aniya saka muling sumandal sa upuan niya.

"Si Celine?" naguguluhan kong tanong. Bitin na bitin sa kaniyang kwento.

He looked at me. His eyes suddenly became gloomy. May lihim 'tong lalaking ito. Kung ano man iyon, wala siyang balak ibunyag sa akin.

"Hindi ka naman nakikinig, e. I said I'm not in love with Celine. Let's not talk about it anymore." Nagkibit siya ng balikat. "It's already in the past," he said but his eyes were saying a different thing.

Hindi lang iyon isang nakaraan para sa kaniya.

"Now, let's talk about you," biglaang niyang sabi kahit hindi pa ako nakakabawi sa usapang lovelife niya.

"What? Ako na naman?" bulalas kong naiinis dahil nakakabitin naman iyong sa kaniya.

Nagtaas siya ng kilay. The sadness in his eyes was gone instantly. "Why did Conrad leave? Anong nangyari kagabi?"

Inirapan ko siya dahil heto na naman kami. Ngunit nang maproseso ng aking utak ang kaniyang sinabi ay namilog ang bibig at hindi ko napigilang magtanong.

"He left already?" I asked, shocked by what he said.

Ngumuso siya at muling humalukipkip. "They're probably in Manila by now," iyon lang ang naging sagot niya.

"Sinong kasama niya?" sambit ko kahit na alam ko na ang sagot dito.

"Of course he's with his girlfriend. Sino pa ba? Do you expect him to leave Shayne here? The girl doesn't have any friends here except him," utas niya sa akin.

Walang kaibigan si Shayne dito?

Kinagat ko ng ilang beses ang labi ko. I wanted to know more but the face of the person in front of me was stopping me from asking questions. Hahantong na naman kasi ito sa mga pang-aasar niya sa akin.

"I could aleady see the curiosity hiding behind those eyes," he taunted me. "I wonder what questions are in those mind," pang-aasar niya.

Gusto ko pa talagang magtanong pero nangingibabaw ang iritasyon ko dahil aasarin na naman niya ako. But I really wanted to know more about Shayne.

Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Lorenzo.

"Shayne's a nice girl," panimula niya. "She's nice but weird dahil willing siyang mag-stay lang sa isang tabi at manood na lang ng mga tao sa paligid niya," tumawa siya at umiling.

"What? I don't get you," utas ko.

"She's obviously feeling out of place," sagot niya. "But she's not friendly enough to join us. Palagi lang siyang nakadikit kay Conrad. It's not a bad thing, though. Conrad's her boyfriend, anyway. Pero hindi naman dapat kami palagi ang lumalapit sa kaniya. She has to do something too so that we could know her well," he said sounding irritated by the girl.

"Why do you sound like a jealous girlfriend?" ngiwi ko sa kaniya.

Umawang ang bibig niya pero tinawanan lang din niya iyon. "Well, too bad, I'm not a girl. But I was a friend..."

Ako naman ngayon ay napamaang sa kaniya. "Of Shayne?" bulalas ko.

He chuckled and sipped in his coffee. "I just said about a minute ago, Elaine, nakikinig ka ba talaga? Conrad's her only friend here. I was referring to Conrad. We were friends before. But then Shayne came at nasira kaming dalawa," aniya. "And that's a very very long story to tell."

Nangunot ang noo ko dahil sa kaguluhan ng kwento niya.

"It's because of Shayne?"

"It's because of you, too," agap niya.

Nabigla ako sa pagtayo niya para lapitan ang waiter upang iabot dito ang aming bayad.

Iniwan ko ang aming mesa at hinabol siya. The waiter also called out his name for the change but he ignored it and just went out.

"Lorenzo!" sigaw ko dahil ang layo na niya sa akin. "Why is it because of me?" tanong ko nang sa wakas ay mahabol ko siya. "Sabi mo dahil kay Shayne," naguguluhang tanong ko.

Nakapamulsa niya akong dinungaw. "You didn't know?" takang tanong niya na halatang kunyari lang naman.

Bakit ako magtatanong kung alam ko?

"Sabihin mo na nga kasi, bakit ako?" tanong ko pa.

"The jealous boy ended our friendship because of you. That was so long ago. I cleared everything to him. Hindi nga kita kilala noon kaya bakit siya magseselos?" kwento niya.

Natatandaan ko pa iyon. Tama si Lorenzo. There was a time when Conrad was jealous of him. Apparently, Conrad thought that I liked Lorenzo. Baka raw crush ko ito. Pero nilinaw kong hindi at malamang ay napatunayan ko na iyon ngayon.

Hindi ko napigilan ang pagngiti. So Conrad was really jealous that he resulted to ending his friendship with Lorenzo? Ganoon ba niya ako kamahal noon?

"Nagkaayos kami pagkatapos kong linawin ang lahat sa kaniya. "Hanggang sa nabalitaan kong umalis ka na. He told me a lot of things about you. Didn't know that he could be a storyteller," biro niyang hindi naman nakakatawa.

Itinuloy ko ang paglalakad habang inaalala ang mga nakaraan.

"Hanggang sa sinugod na lang niya ako isang araw. He punched me here!" humakbang siya sa harap ko upang ituro sa akin kung saan siya sinuntok ni Conrad.

He was pointing at his right eye.

"It was so bad that I looked like a panda for a week," reklamo mo niyang na parang nagsusumbong na bata.

Tumigil ako sa paglalakad. "Why did he punch you?" tanong ko.

"Because of some pictures that I uploaded. I thought he was just being ridiculous but he wasn't. He would have killed me if no one saw us. Hindi ako makalaban dahil akala ko isa lang 'yon sa mga araw na wala siya sa sarili at biglaan na lang nagagalit. He was always like that when you left."

Kaya pala maraming alam si Lorenzo sa akin. Kaya pala ganoon na lang kalakas ang loob niyang kausapin at asarin ako. Conrad used to tell him stories about me. Kung ganoon ay malalim ang pagkakaibigan nila.

Pinag-iisipan ko kung bakit iyon nasira hanggang sa may naalala ko sa mga sinabi niya.

"Pictures?" I asked him.

I wouldn't be able to forget that time when I saw pictures of Conrad with a girl. The girl was Shayne. The moment I saw those pictures was the first time that I felt insecure about myself. Doon ko nalaman na maaaring magkaroon ng ibang babae sa buhay ni Conrad. Lalo pa at nasa malayo ako. But I gave him the benefit of the doubt. I asked him about it and he explained it to me. Pinaniwalaan ko iyon. But because insecurity ate up all the senses in me, I broke our promises to each other and left him.

"I learned that you saw pictures of him and Shayne. But that was just some of the stolen shots I took that day! Hindi ko naman alam na may meaning na pala ang simpleng litrato 'yon sa babae. I didn't know that I shouldn't have uploaded it because someone would be jealous!"

Sinamaan ko siya ng tingin nang duruin niya ako. Tumigil siya ngunit masama rin ang tinging ipinupukol niya sa akin.

"It wasn't your fault," mahina kong utas.

Nagbalik sa akin ang lahat. Walang ibang dapat sisihin dito kundi ako.

"So, they left, huh?" usad kong wala na sa aking sarili. The bitterness in my voice was very evident. "Umalis silang magkasama."

In the past, I was very positive that Conrad would never like any other girl because of his promise to me. It might still be true up to now, but there's Shayne. Conrad explained everything to me but... why did he do it if he didn't like her? Ganoon ba talaga siya kagalit sa akin para gamitin si Shayne bilang girlfriend nito?

"I heard that Shayne's got a problem at home. Vans told me about it. Kinausap ni Conrad si Vans kanina para magpaalam. Madaling araw nung umalis sila," paliwanag ni Lorenzo sa akin.

Mataman niya akong tinitingnan habang ako naman ay wala na sa aking sarili.

I was preparing myself for another round of irritating comments from him but none of it came. Sa halip ay isang mapungay na mga mata ang nakatingin sa akin.

"Don't look at me like that," iwas ko ng tingin.

"Elaine," he sighed and tapped my shoulder once. "Conrad might have ended our friendship but I still care for him like a brother. He doesn't like Shayne nor love her. The girl he loves more than his life is you. I am the living proof of that. You shouldn't push him away again. You shouldn't have done it in the first place."

"He has a girlfriend..." hirap ang paghinga ko. Kinapa ko ang aking dibdib dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niyon.

Hindi na siya nagsalita. Kung may naiisip man siyang kalokohan ay wala na ako sa kondisyon para patulan iyon. Ngunit nang mas matagal pa ang pananahimik niya ay nagtaka na ako.

Lorenzo looked down at my hand above my chest. Nakatulala lamang siya roon. His breathing became heavy and I confusingly watched him as he closed his eyes tightly. He was gasping for air. I quietly gazed at him while doing that until he opened his eyes again.

Bumagsak ang kamay ko sa aking tagiliran at humakbang palapit sa kaniya. "Are you okay?" nag-aalalang tanong ko.

Sa halos isang minuto na pananahimik niya ay tila nawala siya sa mundo.

He continued staring at me.

Nakaawang lamang ang bibig ko habang pinapanood ko siyang pinapanood ako. Ngumiwi ako nang lumapit siya sa akin.

Maya maya pa ay umiling siya at iniwas ang tingin sa akin. "Sorry, something just..." he trailed and sighed once more.

"Anong nangyari? Para kang biglang nawala sa sarili," sambit ko sa kaniya.

The first time I saw him acting that way was when we were at the church. Bigla na lang siyang nawala sa sarili at pinilit akong dalhin sa ospital. Ngayon ay heto na naman siya at may nakakatakang ikinikilos.

Isang malakas na pagbuga ng hangin ang pinakawalan niya. "'Wag mo nang isipin 'yon. It happens to me every time I see..." bumaba ang tingin niya at nalaman kong sa kamay ko siya nakamasid.

"Lorenzo?" bulalas ko. Malapit na akong matakot sa kaniya kung hindi niya ititigil ang mga nakakapanibagong kilos niya.

"I'm going back to my room," malamig niyang utas at walang pasabi akong iniwang nakanganga at nagtataka sa nasaksihan ko kanina.

Gustuhin ko mang pag-isipan ang nangyari kay Lorenzo kanina, mas tumatatak ang aking isipan sa mga naunang pinag-usapan naming dalawa. My mind always goes back to thinking about Conrad and everything that happened to us.

Naisip ko ring nakakasama na sa akin ang masyadong pag-iisip at pamomroblema sa mga ito. Dwelling on it gives me too much stress and a heavy heart. Gayung ako naman ang may dahilan kung bakit ako humantong dito.

That's why when I saw Celine that day, I decided not to tell her what happened for the mean time. I want myself to rest for a bit even though what happened was burried at the back of my mind. Mas pinili kong isuksok ang mga iyon sa pinakailalim ng aking utak. Kung hindi man ito mawala sa isip ko, kailangan kong tabunan ito ng iba pang bagay na hindi na makakadagdag sa problema ko.

I tried to be okay the afternoon before we left the resort. Nakipagkaibigan ako sa mga kaibigan at pinsan nila Celine at Vans. I made happy memories with them that I could go back to whenever I feel sad again. Gusto ko na ring magpasalamat na nauna nang umuwi sila Conrad at Shayne. Because of that, I was able to think about myself first. Mas nakakatulong talaga kapag hindi ko sila nakikita.

Katulad noong pumunta kami rito ay kasabay akong muli nila Celine at Vans sa sasakyan. Vans was driving in front while Celine chose to sit beside me. Lorenzo also joined us so he was the one sitting beside Vans. Masaya kaming apat dahil sa masasayang kwentuhan. I knew more about my best friend's relationship with Vans. Sa katunayan ay si Lorenzo ang nagkwento ng lahat ng hindi ko pa nalalaman tungkol sa dalawa. Mukhang bumalik na ang mood ni Lorenzo at makulit na ulit siya.

Bringing me to the thought that Celine was not the girl Lorenzo's in love with. For if it was her, then it would be hard for Lorenzo to share the couple's love story. Wala akong narinig na pait sa kaniyang tono o katiting na galit. He sounded really honest and sincere. Nakakapagbiro pa nga siya sa dalawa. Sobrang gulo at sumagi na rin sa isip ko na kung hindi si Celine ay baka si Shayne nga ang babaeng tinutukoy niya at ayaw lang niya iyong aminin sa akin.

Ipinilig ko ang aking ulo nang palalim na ang pag-iisip ko. Thinking about Shayne would bring me to more thoughts about Conrad. And that's last thing I wanted to happen.

Nakauwi akong pinipilit ang sariling huwag siyang isipin. I need to sleep early because I have work tomorrow. I have to give my best on my first official work. Lalo pa at sinabi ni Constantine na magiging mahirap ang linggong ito para sa amin.

Kinabukasan ay gumising ako sa tamang oras. I followed my boss' order. Hindi ko pala kailangan maging sobrang aga sa trabaho. So instead of waking up at four in the morning, I gave myself one more hour. Alasingko na nang tumayo ako mula sa kama at naghanda.

I made my own breakfast because my parent's weren't here. Kagabi ay nagsabi ang mga ito na hindi makakauwi dahil nagpasya raw ang investor na bisitahin ang site kung saan itatayo ang posibleng negosyo nila. It was far from Metro Manila that's why they decided not to go home and stay at a hotel instead.

Pagkatapos kumain ay binalikan ko ang dadalhin kong bag sa aking kwarto. Dinampot ko rin ang aking cellphone kaya umilaw ang screen nito. I missed a call from an unknown caller, it says. Nagkibit ako ng balikat. Kung mahalaga ang tawag ay siguradong tatawag ulit ito.

Tanging bag ko ang aking bitbit nang lumabas ako sa aming bahay. Pero nagmistulang puno iyon ng mabibigat na bato nang makita ko ang lalaking naghihintay sa akin sa labas ng aming gate.

Bumigat ang aking pakiramdam. Kasalungat ng dating nararamdaman ko kapag nakikita ko si Conrad na naghihintay sa akin noong mga bata pa kami.

Humakbang ako palapit pero bawat tapak ay napakahirap para sa akin.

"What are you doing here?" tanong ko sa kaniya nang makalapit na ako nang husto.

The gate was the only thing separating us. Parang ayaw ko nang buksan ito.

"I'm waiting for you. I'll drive you to your office..." he trailed while his eyes are staring directly at my face.

Bumaba rin ang tingin niya sa aking katawan na nagbigay ng kakaibang kilabot sa balat ko.

"You look so pretty in that dress, Elaine," ngiti niya.

Napanganga ako sa komento niya.

Ano raw?

I looked down at myself. I am just wearing a simple dress that is appropriate for work.

Parang may kuryenteng kumiliti sa buong katawan ko. Nag-iinit ang pisngi ko sa ngiting ibinibigay sa akin ng lalaking nasa harap ko.

Nagkamali pa yata ako ng damit na napili. Para tuloy gusto ko na lang tumakbo pabalik sa loob ng bahay upang magpalit para hindi na lang siya magandahan sa akin. 

Continue Reading

You'll Also Like

10.6M 571K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
58.9M 1M 105
[Published under Summit Pop Fiction and TV Adaptation under TV5 Wattpad Presents] Si Zandra ay isang babaeng halos perpekto na pero para sa kanya, ma...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
431K 6.8K 53
"What happened to us?" -Deiva Book Cover by: Royce Alliah Dematera