Could Have Been Better (Crush...

By PollyNomial

16.5K 652 58

Elaine Joy Mendoza was from Los Angeles. Pero kahit ilang taon na mula nang tumira siya roon kasama ang pamil... More

Could Have Been Better
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Ending
Lost With A Shattered Heart

Chapter 46

206 9 1
By PollyNomial

CHAPTER 46 — We Cried


Being in Conrad's arms was a dream come true. I have been wanting this for a long time. Gusto ko nang bumalik sa kaniya. Gusto ko na siyang makapiling muli. Hindi ko na halos maalala ang huling beses na naging ganito kami kalapit sa isa't isa ngunit pilit ko pa ring isinasaisip ang mga alaalang iyon. Ayokong makalimutan ang mga panahong nasa piling kami ng isa't isa. Ang mga alaala namin ay nasa puso ko at inaalagaan ito.

Ngunit ngayong ganito ako kalapit sa kaniya ay nanariwa ang lahat ng nakaraan namin. Para akong bumalik doon.

Humaplos ang mga kamay niya mula sa likod hanggang baywang ko. Hindi niya iyon inalis at nanatiling nakapahinga sa aking tagiliran.

I sighed deeply. His soft touch made me shiver.

He looked directly into my eyes and there I could see the Conrad that I used to know. The Conrad that I loved. I could clearly tell that what he said was true. There's no other man than him. I could never love anyone but him.

For the years that I have been away, loving someone else could have happend to me but it didn't. It would be the last thing that I would want to happen to me. No, forget that. I won't let it happen to me. At kahit ngayong nagbalik ako at nasasaktan dahil siya ay nakalimot na, hindi ko pa rin magawang bitiwan ang pagmamahal ko sa kaniya.

I really couldn't love anyone except him. I didn't even try.

Nakatitig lamang siya sa lumuluhang mga mata ko. His eyes were blurry too because of tears. Dinala niya ang isang kamay sa aking pisngi at marahang pinunasan ang aking mga luha.

"Conrad, this isn't..." Hindi ko magawang sabihin ang mga salita. Hindi ko alam kung tama o mali ba ang mga nangyayari.

I felt really happy. Walang tutumbas sa ligayang nararamdaman ko ngayong nandiyan siya sa harap ko. I could undoubtedly see his love for me. Hindi na niya kailangan pang sabihin. Nababasa ko na sa mga mata niya. Para bang may mahikang pumapalibot sa aming dalawa at ito ang nagpaparamdam sa akin kung gaano ako kamahal ni Conrad. It's silly, but I can really really tell it from how he looked at me.

It was the same way he used to look at me before. With all the love and admiration, I know that he is the Conrad that I used to know.

Hindi ko alam kung anong nangyari noong mga nakaraang araw at kung ano ang nagpabago sa kaniyang isip. Ngayon ay narito siya sa harap ko at binubuhos sa akin ang kaniyang pagmamahal. A few days ago, it was evident how mad he was to me. Pero ngayon, nakakatakot din palang malaman na mahal pa rin niya ako.

Bakit ba pakiramdam ko ay mali ito?

Wala akong ibang hinangad kundi ang kapatawaran niya. Bonus na lang na mahal pa niya ako. Ngunit ngayong heto na, bakit naduduwag ako?

Bumitaw ako sa nakakatunaw niyang tingin at piniling ituon ang aking mga mata sa kaniyang dibdib.

How I wish I was the only girl in your heart, Conrad. But I'm not the only girl, right?

Kasi kung ako lang, bakit may iba kang babaeng kasama? Bakit ako natatakot sabihin at kumpirmahin sa'yo ang lahat ng nakikita ko sa mga mata mo? Bakit kahit na nakikita at nararamdaman ko ang pagmamahal mo ay nagdududa at nasasaktan pa rin ako?

Huminga ako nang malalim. Tahimik lamang siya habang ako ay iba't ibang bagay na ang tumatakbo sa isip.

It just wouldn't be the same anymore. Ano mang hangad ko, nagbago na ang lahat.

Kaya naman nilunok ko ang lahat ng sana'y pag-asa. Inangat ko ang aking kamay at hinawakan ang dalawang kamay niyang nakapirmi sa aking baywang.

I hold on tight to it, only to let it go once again.

I pushed his hands away from me.

Mabagal kong nagawa ang pagbitaw dahil nagmamatigas siya. Narinig ko ang pagsinghap niya ngunit hindi ko magawang tingnan kung anong reaksyon sa kaniyang mukha. It would only hurt me, and I've been hurting a lot right now, I don't think I can handle more pain.

Suminghap siya ng ilang beses nang tuluyan kong maalis ang palad niya sa aking baywang. I immediately let go of his hands.

Napakahirap nito para sa akin ngunit ito ang tamang gawin sa ngayon.

"Elaine..."

"Go back there," I quickly mumbled to stop him from what he was about to say. "I'm going back to my room. Tell them I'm sorry, especially to Celine," I said, sounding tired from all of this but keeping the tone casual.

"Elaine, did you hear what I said? I said that—"

Umiling ako at tumigil siya dahil doon. Nangunot ang aking noo dahil sa pagpipigil na bumagsak ang mas marami pang luha.

"I heard, okay?" nakataas ang dalawang kilay kong sambit sa harap niya.

Inangat ko ang aking tingin direkta sa kaniyang mukha. Nagsisi ako nang gawin iyon. Kitang kita ko ang hirap sa mga mata niya.

"Mahal—"

"You have to go back there," maagap kong sambit. Para akong tangang ayaw patapusin ang salitang matagal ko nang nais marinig mula sa kaniya. I've been longing for those words but I couldn't bring myself to hear it once more.

"I won't go back there," he said with conviction. Akmang hahawakan niya akong muli ngunit iniwas ko ang aking sarili.

"Ano na lang ang iisipin nila? Ano na lang ang iisipin ng girlfriend mo, Conrad? It was a mistake to disrespect her. Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya dahil sa nasabi ko kanina. I shouldn't have answered the question. I shouldn't have spelled out your name..." kinagat ko ang labi ko matapos magsisi sa mga huling salita.

Kahit na inamin ko na kanina ay hindi ko pa rin naiwasan ang pag-iinit ng aking pisngi. Ang malalakas na tibok ng aking puso ang nagsilbing pruweba na katotohanan ang lahat ng ito.

Napangiti siya sa reaksyon ko. Siguro ay kitang kita niya ang pamumula ko. At huling huli niya ang kahihiyang naramdaman ko.

Walang paalam at mabilis niyang kinuha ang kamay ko. Hindi ko na nahabol ang mga segundong lumipas at natagpuan ko na lang ang sarili na hila hila ni Conrad at dinadala papasok sa hotel.

"Conrad!" I protested as he held my hand tightly.

Hindi niya ako pinansin. Nilingon ko pa ang mga empleyado ng hotel, umaasang tutulungan nila ako kung sakaling makita at marinig nila ang protesta ko. But no one noticed us. Kahit ang labas ay sinilip ko, baka sakaling makita ako ni Celine kahit na sobrang imposible iyon. Marahil abala na siya sa surpresang inalay ni Vans sa kaniya.

Conrad didn't let go of my hand. Nakarating kami sa elevator. Iniisip ko pa lang kung saan kami papunta ay kinakabahan na ako. He pressed the button going to our floor. Our rooms were just beside each other. Gusto kong isipin na ihahatid lang niya ako sa itaas at aalis din upang balikan ang dapat balikan.

And right now, I don't know what I really want.

"Conrad, please... Kaya ko naman pumunta mag-isa sa kwarto ko," I pleaded to him.

But like what I've said, he was back to the Conrad that I met years ago. The stubborn one, worse than before.

He didn't let go of my hand. Dala dala niya ako na parang isang bagay na pag-aari niya.

When the elevator stopped to the right floor, I stumbled as he pulled me out. Nilingon niya ako pero wala siyang reakson sa mga daing ko.

"Conrad, ano ba!" reklamo ko habang hinahatak niya ako sa hallway.

Kulang na lang ay magmistulang sako ako sa ginagawa niya. Hindi na yata tao na tingin sa akin nito!

I gasped so hard when we stopped in front of his room, just right beside mine, and he quickly placed in his key card.

"What the hell!" I muttered when he pushed me inside his room and closed the door.

Nakaharang siya sa pinto kaya hindi ko maabot iyon upang makaalis na.

"Ano ba!" hiyaw ko habang nakapamewang sa harap niya.

He smirked and took one step towards me.

"Kanina lang umiiyak ka sa harap ko. Ngayon ang tapang tapang mo," he said while sporting his famous smirk that I also love.

Kamuntikan na akong matakot sa pamamaos ng boses niya. Samahan pa ang dahan dahang paglapit niya. Kung hindi ko lang alam na siya si Conrad, baka magsisigaw na ako dahil sa kakaibang kilos niya.

"Bakit mo ako dinala sa kwarto mo? Paano kung dumating si Shayne at makita niya ako rito? Ano na lang ang iisipin niya?" mabilis kong sambit habang nakaduro sa kaniya.

Hindi siya nagsalita. Hindi rin siya umalis sa pwesto niya. Humalukipkip siya at tinitigan lang ako habang nagpupuyos ako dahil dinala niya ako sa kaniyang kwarto.

"My room is just right beside yours. If you could just move and let me out of your room," I said while staring at him seriously.

Hindi ko alam kung tama ba ang naipakita kong ekspresyon. Dahil ang kaloob-looban ng sistema ko ay ninenerbyos na sa maaaring mangyari.

"You're right. Your room is just beside mine. So what's the use of going there? Pwede namang dito ka na lang. Lilipat ka pa, sasayangin mo lang ang kaunting segundong maglalakad ka. 'Di ba sabi mo pagod ka na? Here, you can rest here," aniya sa akin.

He was looking down at me with that little smirk. The mischief in his eyes was amusing but also irritating. Puro siya kalokohan gayung alam niyang nasa mahirap na sitwasyon kaming dalawa.

Nakakainis!

"Walang effort na masasayang. Ang lapit lapit lang nun, Con!" panlaban ko kahit na alam kong hindi siya magpapatalo.

One of his eyebrows rose. Kinagat niya ang ibabang labi. "So, now I'm Con to you. Nung isang araw lang ibang Con ang tinatawag mo," sambit niyang kinagulat ko.

"What are you talking about?" nag-iwas ako ng tingin dahil ang totoo ay alam ko ang sinasabi niya.

"FYI, Shayne won't be here tonight," he said, responding to what I said a few seconds ago. "And you know what I'm talking about. Actually, it's not a what but a who." Pinanliitan niya ako ng ma mata.

"So, sa ibang araw nandito..." bulong kong napalakas pala. "At ano ngayon kung Con ang tawag ko kay Constantine?" mas malakas ang bose sko sa pangalawang pangungusap.

He chuckled because he heard what I said. "Constantine, huh? Con? And you said that I'm the only one..."

"I didn't say that!" sigaw ko sa kaniya.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya nanahimik siya. Ngunit hindi naman siya nagambala roon dahil sa ngiting nagtatago sa mga mata niya.

Sa sobrang gigil ko, tinulak ko siya patagilid para maabot ang pinto at makaalis na ako rito.

"Whoah, whoah!" he grumbled and raised his two hands as a sign of surrender. "Wala naman akong gagawing masama sa'yo, Elaine. Gusto ko lang na mag-usap tayo rito. And If you're worrying about Shayne, then stop it. She's not coming here tonight. She wasn't here last night and she would never come here because this is not her room," paliwanag niyang gusto kong paniwalaan hanggang sa may maalala ako.

Iyong kanina sa restaurant ang sumagi sa isip ko. I was with him when Shayne came. Hindi ko alam kung bakit niya pa kami nilapitan ni Conrad gayung napansin naman siguro niya na ako ang kasama nito. But who am I to think that way? Ako nga itong dapat na lumayo sa kanilang dalawa. It should be Shayne who's questioning my presence.

Bakit ko kasama ang boyfriend niya?

I don't have the right to question her.

I lost the little strength I had because of that realization. Heto na naman at naliliwanagan ako sa sitwasyon.

Tiningnan ko nang mabuti ang mga mata ni Conrad. Aside from the way he smile, I also love how his eyes shines and tells all the emotions inside him. Right now, I can read him. Nakikita ko ngayon kung paano niya ako tingnan noon.

Pero para pa rin akong kandilang nauubos at unti unting namamatay dahil alam kong hindi na ito pwede ngayon.

"I'm tired, Conrad," I mumbled.

Hindi ko alam kung alin klaseng pagod ang tinutukoy ko. It's certainly not about my love for him. Dahil hindi na yata ako mapapagod na mahalin siya.

"Elaine..."

"Gusto ko nang magpahinga. Ang daming nangyari ngayong araw at ang gusto ko na lang ay magpahinga," I whispered weakly.

Maging siya ay nakita ko sa mga mata ang panghihina. Naiintindihan ko kung pati siya ay pagod na.

"The things I heard... I don't know who to believe here. Shayne's your girlfriend, that's what they told me. You didn't deny it so what do I believe? Tapos ipaparamdam mo sa akin na gusto mo akong makasama? For what? To be your other girl? Naaawa ka ba sa akin? Pinipilit mo lang ba ang sarili mo na makasama ako ngayon?"

Yumuko ako at nanghihinang kinagat ang aking mga labi.

"It's not that..." he tried to convince me with just those words.

Tiningnan ko siya sa mga mata. I won't ask him. I just want him to tell me the truth in his own freewill.

"We were just together a week ago," he confessed and that made my whole world crumble.

The hope that was slowly building inside my heart suddenly crash into pieces.

"I'm going back to my room—"

"Pero ikaw ang mahal ko!" he put his hands on my shoulders and forced me to look at him. "I'm so sorry, okay? I was just mad. I was so angry about everything. Nung nalaman kong bumalik ka, nayanig ang mundo ko. I felt my world spinning back to the world that I had before. Nung mawala ka, nung naging malinaw na sa akin na hindi ka na babalik, sinubukan kong kalimutan ka. I tried so fvcking hard, Elaine." Ipinikit niya ang mga mata niya ang kitang kita ko ang paghihinagpis niya.

"I was almost there. Just one more step to forget all the memories I had with you. But I just couldn't take that step, 'you know that? Hindi ko kayang iangat ang mga paa ko para pasukin ang mundong wala ka," mariin niya akong tiningnan sa aking mga mata.

His eyes were full of mixed emotions. I could see fear, agony, and sadness. But above all, I could clearly see his honesty. The love he has for me is there.

"When I heard that you came back, those few steps I need to take just disappeared. Wala na. Nabura na lang silang lahat. And then I saw you again and right at that moment, alam kong babalik ako. Babalikan ko 'yong mundong hindi ko naman pala talaga iniwan."

Isang beses niyang pinikit ang mga mata niya. Dahil doon ay bumuhos ang luha niya.

"I waited for you. I was silently waiting for you. Kahit na akala ng iba ay sumuko na ako, hindi, Elaine. I never gave up waiting for you. I was just here, trying to live my life even though the reason why I'm living left me hanging. My heart already died when you left me, Elaine. When you said that you weren't coming back, when you turned away from me, when you cut all the ties we had, namatay ako. But my heart waited for you. To give life to it again. My heart wanted you to come back and to love you again."

Kung ganoon, kung naghintay naman pala siya, bakit mayroong Shayne?

It's like he knew my questions because he answered it without me asking him.

"Shayne was there. She was there beside me all those years. Walang ibang namagitan sa'min bukod sa pagkakaibigan. I never wanted to love her because it's you that I love. I didn't even try. Pero nung makita kita, nung makita kong wala kang pakealam. Hindi mo man lang ako nilapitan. Hindi mo ako kinausap at para lang akong hangin na dumaan sa harap mo, nagalit ako. Because why were you like that when you were the one who left me? You were the one at fault but you didn't even try to face me and apologize. It was because I was so mad that I accepted Shayne when she confessed to me. But it wasn't my intention, Elaine. It was never planned. I was just so angry about the things happening in my life. The moment I realized what I have done, gusto kong bawiin pero hindi ko na alam kung paano."

Kinuha niya ang dalawang kamay ko at mahigpit na kumapit doon. Tila sa mga oras na ito, ako lang ang nandito para sa kaniya at hindi niya ako kayang mawala.

"Si Shayne na lang ang nakakaintindi sa akin. Even Celine gave up on me. I have no other close friends that I get to share my problems with. Pero hindi ko siya mahal, Elaine. It's you. It's you until now. I could have loved her but I couldn't and I would never."

"Pero girlfriend mo na siya," mahinang utas ko. Halos mawalan na ako ng boses dahil sa hirap ng nararamdaman ko.

"I will take it back. I will go to her right now and tell her that it was wrong. Hindi ko siya mahal. I only did it to spite you. Pero nagsisisi na ako. Ilang araw pa lang pero hindi ko talaga kayang maghiganti sa'yo," aniya.

Mapait akong ngumiti. "So, this was your revenge?" bumagsak ang aking mga luha. "You promised to wait for me even when I told you not to. You promised at ngayong bumalik ako, naisip mong maghiganti?" Nanginig ang labi ko at pinipilit kong huwag nang ibuhos pa ang mga luha ko.

Ang hirap hirap at punong puno ng hinagpis ang dibdib ko.

"I never intended to. I told you, I was so mad at you..."

"Mahal mo ako pero galit ka sa akin dahil iniwan kita. You know my reasons, Conrad. Alam mo kung bakit ko ginawa 'yon," sabi ko sa kaniya, inaalala ang mga problemang naging dahilan kung bakit ako lumisan noon.

Yumuko si Conrad. Inangat niya ang dalawang kamay ko upang halikan ng paulit ulit. "I know..."

"I wanted to say sorry because I left. Mahal na mahal din kita," sa wakas ay sabi ko sa mga salita. "Pero hindi ko alam kung paano kita haharapin. You were so cold that time. Kaya nawalan ako ng lakas nang loob na lumapit sa'yo at humingi ng tawad para sa mga panahong nawala ako sa'yo," paliwanag ko. "I said sorry, right? After our first encounter? Pero anong sinabi mo? Kinalimutan mo na 'yon. Kinalimutan mo na rin ba ako? 'Yon naisip ko nung sinabi mo 'yon. But now I get it. You only said it because you want to hurt me too. You want to hurt me pero ang hindi mo alam, mula nung araw na tinalikuran kita, mas masahol pa 'yong sakit na naramdaman ko. Hindi naman palaging ang iniwan lang ang nasasaktan, Conrad. Walang nakakaalam na maaring mas higit pa ang sakit na naramdaman ng nang-iwan."

"Elaine..." pagmamakaawa ni Conrad.

"I believe you," I said while smiling at him. I am hurting but, yes, I still believe him. "Pero hindi tayo pwede ngayon, Conrad. There's a girl waiting for you outside," utas ko habang binabawi ang mga kamay ko mula sa kaniya.

He didn't let go. He just held me tighter. "Shayne will understand. I'll see her tonight and break up with her..."

"Does she love you?" tanong ko sa kaniya.

Hindi siya nakasagot. Tiningnan niya lang ako ng may pagmamakaawa sa mga mata.

"She would get hurt if you break up with her..."

"But you're also hurting!" he cried. "Ikaw ang importante sa akin, Elaine. Shayne knows that I love you so much—"

"I deserve the pain I am feeling right now," nanghihinang sambit ko sa katotohanan.

"No, that's not true," namamaos na utas ni Conrad.

"I'm ready to face the consequences. Matagal ko nang pinaghandaan 'to. I deserve this, Con... Because I left you, this is my karma."

"Elaine, please," sambit ni Conrad.

Binitiwan niya ang aking mga kamay para lang mahawakan ang magkabila kong pisngi. Hinaplos niya iyon nang marahan habang nilalapit niya ang mukha sa akin.

"Conrad..." I stopped him from whatever he's about to do.

Pinilit kong kumawala. Itinulak ko siya. At dahil sa kaniyang panghihina ay nagawa kong itulak siya palayo sa akin.

I am doing it again.

"I'm in love with you, Elaine. From the time we met until this very moment, I still love you. Please don't push me away again," pagsusumamo niya.

Iniwas ko ang aking mga mata. "And I'm in love with you, too. Mula nang makilala kita hanggang ngayon, Conrad. Walang iba. But this isn't the right time for us to love each other..."

"Please, Elaine..."

Umiling ako. Thinking of all the things that might happen if I accepted him. Shayne would get hurt for sure. I could evidently tell how much she loves Conrad. Conrad said that she confessed to him. And it's obvious that she's been loving him for a long time now. Tapos ay nung dumating ako ay mawawala sa kaniya ang pinaghirapan niya? Should I do that to her?

Umiling ako. "I love you..." I said once again. "I love you, Conrad. But I'm sorry. We cannot do this anymore," I told him.

Kita ko ang pagtigil ng mundo ni Conrad. Sinamantala ko iyon para lagpasan siya at lumabas mula sa kwarto niya.

Mabilis akong tumakbo papasok sa sariling kong kwarto. I made sure that the door was locked.

It was only a few seconds after when I heard loud knocks behind my door.

I cried. I could also hear Conrad's loud cries. 

We cried a lot that night. Pero wala akong nagawa. I'm in pain. I want it gone but someone would also get hurt in the process. I couldn't do it. 

Continue Reading

You'll Also Like

28.1M 712K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
15.9M 781K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
22.1M 714K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
49.2M 1.4M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...