Sana ako nalang
Title by: John Henry CJ
Nakatingin sa kawalan
Iniisip ang mga bagay na nagdaan
Kahit ito ay gaano na katagal
Pilit parin itong binabalikan
Laging binubulong sa hangin
Na sana ako na lang iyong kapiling
At sana ako nalang ang nasa iyong tabi
Ngunit ito ay di mawari sapagkat aking iniisip ay di mangyayari
Sa tuwing nakikita kong masaya ka
Hinihiling na sana ako nalang ang dahilan ng iyong pagtawa
Ngunit hanggang sana na lamang ako
Dahil pangarap kong makasama ka ay hindi na mabubuo.
✏dj