BHO CAMP #8: The Cadence

By MsButterfly

1.4M 45.5K 4.9K

All my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet... More

Synopsis
Chapter 1: Beat
Chapter 2: Hand
Chapter 3: Crepuscular
Chapter 4: Mission
Chapter 5: Objective
Chapter 6: Time
Chapter 7: Sleep
Chapter 8: Song
Chapter 9: Orange
Chapter 10: Compromise
Chapter 11: Gravity
Chapter 12: Home
Chapter 13: Hawk
Chapter 14: Chance
Chapter 15: Promise
Chapter 16: Damage
Chapter 17: Shine
Chapter 18: Charm
Chapter 19: Cuff
Chapter 20: Breathe
Chapter 21: Princess
Chapter 22: Free
Chapter 23: Fairytale
Chapter 24: Always
Chapter 25: Lie
Chapter 26: Road
Chapter 27: Pretend
Chapter 28: Beautiful Disaster
Chapter 29: Cadence
Chapter 30: Epilogue
Chapter 32: Catfight
Chapter 33: Mind Games
Chapter 34: Distance
Chapter 35: Orbit
Chapter 36: Tradition
Chapter 37: Rock star
Chapter 38: Team Night
Chapter 39: Music
Chapter 40: Always
Epilogue
Author's Note

Chapter 31: Start

32.2K 999 69
By MsButterfly

#BHOCAMP8TC #HeDer #HeDerBudol #BHOCAMP

A/N: So alam niyo na. Isang malaking scam :3 Please use the hashtag above para sa mga nabudol diyan XD

HERA'S POV

Ang sarap niyang pagmasdan. Kaya siguro araw-araw natatagpuan ko na lang ang sarili ko na nagigising ng maaga. If you ask me weeks ago if I thought that this was possible, I'll probably say no. Ang gumising sa umaga at siya ang unang makita...parang isa na lang iyon na pangarap noon. But this time this is our reality. This is how we start again.

Niyakap ko ang mga tuhod ko at pagkatapos ay tinukod ko ang baba ko roon habang nakatingin pa rin sa natutulog na si Thunder.

Madalas siyang matulog dito sa kwarto ko kesa ang magtagal siya sa sarili niyang kwarto. Kapag nandoon naman siya ay ako naman ang sumusunod sa kaniya. We're inseparable and that fact is not lost to the other agents. Wala namang nagsasalita. Wala na rin naman kasing kailangan sabihin.

They saw how I broken I am when I almost lost him. Hindi na siguro kailangan pa ng kahit na anong kompirmasyon kung ano ang lalaki sa buhay ko.

Napalingon ako sa paanan ng kama nang may kung ano akong nakitang pag galaw sa gilid ng mga mata ko. Nakita ko roon si Luna na tumingin din sa direksyon ko. Hindi na ako nagtaka nang tumalon din si Sol paakyat.

Sol made a small meow before walking towards me. Nangingiting kinuha ko siya at niyakap na balewala lang dito. Sol is a hugger and he loves being cuddled. On the other hand Luna is more reserved but she's sweet when she wants too.

"Luna. Don't." mahina kong saway sa pusa nang makita ko na tumayo siya habang nakatingin sa kinaroroonan ni Thunder.

Instead of listening to me, she lowered her head while her but is up, her tail wagging in the air. Kumilos ako para sana kunin siya pero huli na ako dahil mabilis siyang tumakbo at tumalon sa kinaroroonan ni Thunder.

Mahina akong napasinghap nang sumakto siya sa mukha ng lalaki na napapitlag sa pagkagulat. Thunder's sleepy eyes opened but Luna is lying across his face.

"Luna, get off." he whispered.

Imbis na umalis ay prenteng umikot lang ang pusa at tumihaya habang nakahiga pa rin sa mukha ni Thunder.

Noong una kong pinakilala si Thunder sa mga pusa ko ay si Sol ang mas ilag sa lalaki. Si Luna naman ay kaagad na naging malapit sa kaniya at minsan nga pakiramdam ko mas close pa sila kesa sa akin. Marunong din talagang tumingin ng gwapo si Luna. Hindi ko naman siya masisisi.

Akmang aabutin ko na sana ang pusa pero gumawa lang siya ng ingay at umupo sa mukha ni Thunder habang masama ang pagkakatingin sa akin. Gumalaw-galaw pa ang buntot niya na paulit-ulit na tumatama sa mukha ng lalaki.

"Luna kapag hindi ka umalis gagawin na kitang siopao." mahina kong bulong habang binabantaan ang alaga.

"Meow!"

"Sioplets lang pala kasi ang bubwit mo."

"Meow!"

"Luna." I said with my fur-parent stern voice. "Get off him or I'll turn you into a Lucy Cat statue."

"Meooow!"

Napakurap ako nang may mga kamay na humawak sa pusa at marahang hinila iyon. I looked at Thunder sheepishly when I saw his eyes opened, this time looking awake. "Your cat is as stubborn as you are."

Nginusuan ko siya at inabot ko na ang pusa ko na kasalukuyang sumisiksik pa sa lalaki. I felt Luna's paws batting my hands away when I tried to take her away from Thunder. Napapabuntong-hininga na sinalubong ko ang mga mata ni Thunder na may naaaliw na ekspresyon sa mukha, "Panagutan mo 'yang alaga ko. Na-in love na sa'yo."

Natatawang kumilos ang lalaki pero sa pagkabigla ko ay gumulong lang siya papunta sa direksyon ko at pagkatapos ay hinila ako. Sa ilang sandali lang ay nasa ibabaw ko na siya pero hindi nagtagal iyon. Bumaba ang ulo niya at dinampian niya ng mabilis na halik ang tungki ng ilong ko bago siya umupo.

Kinuha niya na rin sa akin si Sol na sumama naman. "Saan kayo pupunta?" tanong ko ng tumayo siya habang dala-dala ang dalawang pusa.

"Pakakainin ko na 'tong dalawa at mukhang nambubulabog na kasi gutom na."

"Gutom na rin ako." Lumingon siya sa akin at pilyong ngumiti siya. Nang maintindihan ko ang pinahihiwatig niya at pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Tigilan mo 'yang kalandian mo ang aga-aga ha. And you're still recovering."

"Wala naman akong sinabi." nakangusong bulong niya bago tuluyang naglakad paalis. Nauulinigan ko pa silang nag-uusap ng mga puso ko. "Ang sungit ng nanay niyo. Ang aga pa raw eh wala naman akong sinabing ngayon na. Pwede namang mamaya pa."

"I can hear you!"

Humina ang boses ni Thunder pero sigurado ako na nakikipaghuntahan pa rin siya sa mga pusa ko. Nangingiting humilata lang ako sa kama habang nakatingin sa ceiling. This is my favorite day.

I've been saying that to myself everyday since Thunder woke up. Bawat araw na dumadating iyon ang nagiging panibagong paborito ko. I just can't choose because everyday that I welcome with him feels like the best each time.

Nag-iinat na tumayo na ako mula sa kinahihigaan at lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko si Thunder na nakaupo sa isa sa mga high stool at nakatukod ang siko sa counter ng center island. Kasalukuyan niyang pinapanood si Luna at Solis na maganang kumakain.

Lumapit ako sa kaniya pero imbis na umupo sa tabi niya ay sumiksik lang ako sa pagitan ng hita niya at ipinalibot ko ang mga braso ko sa bewang niya. Kaagad ko namang naramdaman ang mga bisig niya na yumakap pabalik sa akin.

"Should I order you breakfast? O magluluto tayo?" tanong niya.

"Order na lang. Gusto kong kumain ng masarap." Sandaling hindi siya nagsalita dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kaniya. Kita ko sa mga mata niya ang pagka-aliw habang ang mga labi niya ay kumikibot-kibot. "What?"

"Kung masarap ang gusto mong kainin kailan mo ako titikman?"

Napapitlag siya sa kinauupuan nang walang ano-ano na basta ko na lang siyang kinurot sa tagiliran. "Ang harot."

Natatawang hinalikan niya ang balikat ko bago niya ako hinapit palapit lalo sa kaniya at niyakap. I like him like this. Like he's so comfortable with me. Ganoon din naman siya dati. The only difference is I can feel his reservation before because of his situation. And now we're free to be happy without fear.

"Anong gusto mong almusal?" tanong niya. "You want Antonio's? Para maiba naman?"

"Mahal eh."

"Mas mahal naman kita." Lumawak lalo ang ngiti sa mga labi niya nang tumingin ako direkta sa mga mata niya. "What? Princess, where are you going?"

Hindi ko siya nilingon at tuloy-tuloy lang akong naglakad palayo sa kaniya. Makaligo na lang at baka kapag kinilig ako ng sobra mapagsamantalahan ko pa siya.

"Babe!"

"Maliligo ako!" sigaw ko pabalik.

"Sama!"

IBINABA ko ang paper bag na naglalaman ng pagkain dahilan para matigilan ang taong sadiya ko sa kasalukuyang ginagawa. Bahagya siyang lumayo sa microscope na nasa harapan niya para mag-angat ng tingin sa akin.

He sighed when he saw me, "Stop."

Itinulak ko ang paper bag palapit sa direksyon niya at matamis na nginitian ko siya. "Tenen! Breakfast made special just for you!"

"You don't need to keep on doing this."

"Hindi nga. Nagkataon lang na may pupuntahan ako kaya ako ang nag deliver ngayon. Pero sa susunod na mga araw sila Ocean na ang bahala."

"Hera." he said, sounding frustrated.

Imbis na maapektuhan sa kasungitan niya na hindi naman bago ay ginaya ko pa ang tono ng boses niya, "Ridley."

"Wala akong hinihinging kapalit sa ginawa ko. I just did my job."

Despite not having any permission, Ridley carried out the treatment for Thunder. Hindi siya tumigil kahit na ng hindi umepekto ang una nilang ginawa kay Thunder. According to the other agents, he almost didn't leave the laboratory, spending hours and hours just to find a way to save Thunder.

"Suck it up, Ridley. Niligtas mo ang buhay ng taong mahal ko. Kahit na aminado akong hindi naging maganda ang pagtrato ko sa'yo, you didn't say anything. You just did your job but your job save someone that I love."

Hindi nagawang makaimik ng lalaki. Pagkaraan ay napapabuntong-hininga na kinuha niya ang papaer bag at nilagay niya sa tabi niya dahilan para mapangiti ako.

"How's the Night's Heart?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang gamot na nabuo para kay Thunder. They're calling it Night's Heart now and the condition as Night's Disease because of the generations in Thunder's family that suffered by it.

"We're still trying to increase the survival and success rate of the treatment. Hindi nga lang madali iyon dahil kailangan namin i-test ito sa taong may kaparehas na karamdaman."

"If you found another one, masisiguro ba na maliligtas ang taong iyon katulad kay Thunder?"

Sumandal siya sa laboratory counter at mataman akong tinitigan. It was as if he can read my mind but I tried to push my thoughts aside and meet his eyes.

"No."

Tumango ako at hindi na nagkomento pa. Muli ko siyang nginitian at tinuro ko ang pagkain, "Wag mong ipamimigay 'yan. Dahil busy ka naman sa pagligtas ng mundo kailangan may pang power up ka. Parang si Popeye at ang favorite food niya na olive.

"Girlfriend niya si Olive. Spinach ang paborito niyang pagkain."

Kinunutan ko siya ng noo. "Yuck. Who would want to eat spinach?"

"Si Popeye." he deadpanned.

Pinaikot ko ang mga mata ko. Basta gusto ko olive ang pagkain niya. Walang pakielaman. "Whatever. Basta kainin mo 'yan."

Bumuntong-hininga lang siya na para bang wala na siyang lakas pa na makipagtalo sa akin. Hinayaan ko naman na siya dahil alam kong naiistorbo ko na siya at muli ko lang tinuro ang paper bag ng pagkain bago ako lumabas na ng laboratory.

Dumiretso ako sa parking ng headquarters at tinunton ko ang isang pamilyar na sasakyan. Napailing na lang ako ng maabutan ko si Thunder sa loob niyon na kasalukuyang nag he-head bang pa habang malakas ang tugtog sa loob ng kotse.

"You're going to burst your eardrums with that music." I said to him when I entered the car.

Hindi ko kilala kung sino ang banda na tumutugtog. Isa lang naman ang paborito ko ngayon na banda. Loyal ako no.

Napanguso ang lalaki nang nagpipindot ako sa stereo niya. Nakakailang station na ako ay wala pa rin akong mahanap na gusto ko. "Ano ba 'yan ang pangit naman."

"Yan na lang. Maganda kaya 'yan. Linking Park 'yan eh." sabi niya at inusog ang kamay ko para hindi na ako pumindot pa.

Imbis na sundin siya ay binuksan ko ang compartment sa harapan ko at may kinuha ako na CD doon. Pumindot ako ulit sa stero at pagkatapos ay sinnuksok ko roon ang CD na hawak ko.

"Mas gusto ko 'to. Gwapo ang gitarista nila riyan," sabi ko at nakataas ang kilay na nilingon ko si Thunder.

Pigil ang ngiti ng lalaki nang pumainlang sa ere ang sariling kanta ng Royalty. "Tatlo ang gitarista niyan. Sino ro'n ang pinakagwapo?"

"Tinatanong pa ba 'yan?"

Nakangising pinagpag niya ang balikat niya na para bang proud na proud siya dahil alam niyang siya ang tinutukoy ko.

"Siyempre si Archer. Idol ko 'yun eh."

PINIPIGILAN ko ang sarili na mapangiti kapag napapatingin sa gawi ni Thunder. Malayo kasi siya sa kinaroroonan ko pero kapag nagtatama ang mga mata namin ay ngumunguso siya na para bang nagtatampo.

Isip bata pa rin talaga. Hinayaan ko na lang siya kasi alam ko namang pinagsisintir pa rin niya na si Archer ang paborito kong gitarista ng Royalty.

Nagbaba ako ng tingin sa hawak ko na damit at inangat ko iyon. Kasalukuyan kasi kaming nasa isang clothing store sa SM Dasmariñas. Matagal na rin kasi akong hindi nakakalabas at gawin ang pinakapaborito kong bagay sa mundo. Shopping!

"Psst." tawag ko sa pansin ni Thunder.

Pinaningkitan niya ako ng mga mata pero nananatili siya sa kinatatayuan niya at hindi lumapit sa akin. Naiiling na nagpalingon-lingon ako pero walang kahit na sinong malapit sa akin maliban sa isang lalaki na kasalukuyan na nagtitingin din ng damit. Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko ang suot niya na cap. Pamilyar iyon sa akin dahil meron din ako no'n.

Royalty merch.

"Excuse me?" tawag ko sa atensyon ng lalaki.

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong kumilos si Thunder mula sa kinaroroonan at naglakad palapit sa kinaroroonan ko pero hindi ko siya nilingon at nanatiling nasa kausap ko lang ang pansin ko.

"Yes?" takang tanong ng lalaki.

Bago ko magawang makapagsalita ay naramdaman kong nakalapit na sa akin si Thunder. Mabilis ko siyang hinawakan sa braso at ipinaling ko siya para ang likod niya ang nakaharap sa lalaki at hindi no'n makita ang mukha niya.

"Fan ka ng Royalty?" tanong ko.

Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ng lalaki, "Yung girlfriend ko actually. Pero nagustuhan ko rin ang music nila."

"Right. Fan din kasi ako. Pero fan na fan ako nung gitarista nila talaga." I heard Thunder harrumphed but I ignored him. "You know? Thunder Night. 'Yung pinakagwapo sa kanila."

Alanganing tumango ang lalaki na kausap ko na para bang hindi niya mawari kung anong pinatutunguhan ng usapan. Ngumiti lang ulit ako sa kaniya at itinaas ko ang kamay ko na naka-hand horns. "Rock on."

Tinalikuran ko na ang lalaki bago ko pa tuluyang mapahiya ang sarili ko at pagkatapos ay hinila ko na si Thunder palayo.

"Ano okay na?" tanong ko kay Thunder nang makubli kami nang stante sa shirt section. "Napakaarte nito."

"Nagpapalambing lang eh." natatawa niyang sabi at ikinawit niya ang braso niya sa balikat ko. Nagbaba siya ng tingin sa hawak ko, "You want that? Bagay sa'yo."

Tinignan ko ang hawak ko na pink pullover na may maliit na design ng corgi. Bahagya akong lumayo sa kaniya at isinuot ko iyon. "Okay ba?"

"It's not easy being cute but someone has to do it." basa ng binata sa nakasulat na print sa bandang dibdib ko. "Parang hindi naman totoo."

Kaagad naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya pero bago ko pa siya malayasan ay pinisil niya ang magkabila kong pisngi at nagpalingon-lingon bago dumukwang patungo sa akin at binigyan ako ng mabilis na halik sa pisngi. "Maganda ka kasi. Hindi bagay ang cute lang."

Hanep! Sheyt kinikilig ako! Tumikhim ako para itago ang nagrarambol ko ng emosyon. "Sayang walang panglalaki. Para couple tayo."

He inclined his head as if thinking then after awhile he let go of me and went somewhere. Saglit lang siyang nawala at pagbalik niya ay may hawak na rin siya ng kapareho sa akin. Pink din iyon dahil wala namang ibang kulay.

Walang pag-aalinlangan na isinuot niya iyon at pagkatapos ay tumingin sa akin habang ginagalaw-galaw ang kilay niya. "Bagay?"

Wala atang hindi babagay sa lalaki. Even though pink is usually associated as a feminine color it doesn't make look less like a man. Wala naman kasi talagang kulay ang gender. Contrast nga lang kasi astigin ang gupit ng buhok niya at ang stubble niya.

Bago pa ako makasagot sa tanong niya ay hinila niya ako para mapatapat kami sa malaking salamin ng store na iyon. Tinanggal niya ang suot niya na cap at tumingin siya sa repleksyon namin sa salamin.

"Bagay no?" Bumaba ang mga mata ko sa suot namin pero umakbay lang siya sa akin at inabot ang baba ko para iangat ang mukha ko at magtama ang tingin namin mula sa repleksyon. "Bagay tayo."

Huwew how to breathe? "Thunder?"

"What?"

"Kapag hindi mo ako tinigilan sa kaharutan mo pipikutin na kita."

"Pikot pa ba kung payag naman ako?"

"Thunder?" tawag ko ulit sa pangalan niya.

His eyes shined with so much light, "What?"

"What's your view about PDA?"

"Bakit-"

Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya dahil humarap na ako sa kaniya habang nakakawit ang kamay ko sa batok niya. I pulled him down towards me and at the next second his lips touched mine. Narinig ko ang impit na mga tilian sa paligid ng mga taong hindi ko alam kung nakikilala ba ang lalaking kasama ko.

At that moment I just don't care. He might be Thunder the great lead guitarist of Royalty but to me he's just Thunder, the man I love.

____________________End of Chapter 31. 

Continue Reading

You'll Also Like

345K 502 17
⚠️ MATURE CONTENT !TAGALOG SMUT! Are you ready to enter the World of Pleasure? ___________________________ A COLLECTION OF EROTICA ONE SHOT STORIE...
13.7M 244K 57
||RATED R|| Scenes may not be suitable for very young and innocent audiences. Phoebe Madrigal has a dark past na gustong gusto na niyang takbuhan...
2.4M 74K 45
Levi is a notorious playboy; women around him would beg for his attention, that's until he finds himself kissing a woman who happens to be a nun. For...
5.6M 107K 33
Lucas Darryl King; he's loud, he's an easy go lucky person and he's a rock star. Me? I'm Freezale Night. I'm an agent, I kick butts and they say that...