The Knights of St. Harfeld

By fbbryant

55K 4.1K 714

Mula pagkabata ay gusto nang mapabilang ni Fenris sa Order of the Purple Lily, ang elite military force ng co... More

Foreword
1- Fenris
2- Church
4- Reward
5- An Opportunity
6- Apprentice
7- First Day
8- A True Friend
9- Didn't Belong
10- Who Is Blood?
11- What's Lower Than Lower Class
12- Cave of Horror
13- The Burden of Secrets
14- Lonely Hearts
15- Evacuation
16- Nice to Meet You
17- Nice to Meet You 2
18- Doubts
19- Rich Family Problem
20- The Sister and the Crowd
21- The Gifts and the Homeless
22- Offering Tuesday
23- Blood
24- They're Not Friends
25- A Happy Secret, At Last
26- Bloodworth
27- A Match Out in the Sea
28- The Fishermen
29- Knight In Shining Pajamas
30- Image
31- The Victor Rewrites History
32- Complications
33- The Attack of the gods
34- The Witches
35- The Paynes Family
36- Kept in the Dark
37- The Daughter of Terror
38- The Ancient Powers
39- Pay the Dues
40- Apology
41- Lifeless
42- Red
43- Don't Waste Time
44- Witch in the Making (1)
45- A Broken Heart Isn't Fun
46- Witch in the Making (2)
47- Goodbye, Friend
48- Hunted
49- Grieve
50- Sisters
51- Fenris' Death
52- The Retribution
Epilogue
Special Chapter

3- An Accident

1.2K 93 13
By fbbryant

Mathematics nanaman. Sakit nanaman sa ulo. Dalawang minuto na lang at papasok na sa classroom ang teacher nina Fenris na si Miss Kitty. Isa itong cute na middle-aged woman na pandak at chubby. Palaging colorful ang mga bestida nito at sapatos. Lage itong naka-headband ng kitty ears at may eyeglasses na kasing kapal ng telescope. Pakiramdam ni Fenris ay nakikita nito pati kaluluwa n'ya kapag napapatingin ito sa kanya. Nakakatakot tuloy mangodego.

At nakakaantok itong magturo. Alam ni Fenris na mahirap ang Math pero kaya naman siguro kung marunong magturo ang teacher. Pero itong si Ms. Kitty? Doomed na si Fenris unang araw pa lang ng klase.

At ngayon ay may pa-quiz daw ito.

"The hell lang," yamot na bulong ni Fenris.

Mabilis na tumayo ang dalaga saka hinablot ang backpack n'yang kulay purple. Yup, purple ang paborito niyang kulay. Why? Hindi na dapat tinatanong 'yan. Dahil sa Order!

"Kilmar, bathroom lang..." hindi n'ya naituloy ang sasabihin nang ma-realize na bakante ang katabi niyang upuan.

Ngayon lilipat si Kilmar at ang ama nito sa labas ng Saas. Bawal tumira sa capital ang mga Lower Class. Natanggal din sa trabaho ang ama nito. Hindi na ito isang engineer.

Nanikip nanaman ang dibdib n'ya.

Then she didn't have time to continue sukling. One minute na lang at mawawalan na siya ng chance na makawala sa paparating na delubyo. She stood up.

"Good morning, class!"

Natampal na lang ni Fenris ang kanyang noo at hopeless na napabuga ng hangin.

"Ms. Paynes, please sit down," ani Miss Kitty.

Nangalumbaba na lang siya hanggang sa dahan-dahan na siyang hinila ng antok. Hindi naging hadlang ang matinis na boses ng kanilang teacher sa pagpunta niya sa dreamland.

Knight Fenris Rose Paynes.

Knight Fenris!

Knight Fenris!

Napangiti siya habang sinisigaw ng crowd ang kanyang pangalan. She just received her title and everyone was happy.

Knight Fenris!

Knight Fenris!

Napakunot ang noo niya nang nagbago ang ekspresyon ng mga tao. Parang inaantok ang mga ito.

Knight Fenris... pahina nang pahina ang boses ng crowd na parang nadi-distort pa.

Ano'ng problema? Ayaw ba ng mga ito na isa na siyang knight?

"Good night, Fenris! Bahala ka d'yan!" gulat na napatayo ang dalaga nang marinig ang malakas na sigaw ni Kilmar.

Ano'ng good night pinagsasabi nito?

Agad na nasagot ang tanong niya nang tumambad sa paningin niya ang madilim na paligid. And it was so freaking cold!

Nakatulog siya buong araw?

And Kilmar, even though he wasn't here, woke her up. He was still taking care of her kahit na nasa malayo na ito.

Then she heard a howling sound. The wind?

A ghost?

Tumingin siya sa nakasarang bintana. Kahit seventeen na siya ay takot pa rin siya sa multo. Hindi pa siya naka-graduate sa stage na 'yan.

Pinulot niya ang backpack na nasa sahig na pala saka siya dahan-dahang humakbang palabas ng classroom.

"Bakit walang gumising sa akin? Nakakainis naman oh," naiiyak n'yang bulong.

Walang-hiya. Hindi pala Knight 'yung naririnig n'ya sa panaginip ko. Good night pala!

Kinapa n'ya ang phone na nasa bulsa ng kanyang backpack saka ko ini-on ang flashlight.

Ang dilim ng buong building. Hindi uso rito ang security guards kasi walang crime na nangyayari rito sa buong continent. Kahit gaano kaliit ang krimen, nalalaman talaga 'yun ng Order hanggang sa tuluyan nang naging zero crime rate ang Narguille.

Pero zero crime rate or not, takot pa rin siya sa multo.

Then there was a flash of lightning that was followed by a very loud rumbling of thunder a few seconds later.

"Mama! Papa! Magpapakabait na po ako!" malakas niyang sigaw pero muli nanamang kumidlat kaya ginamit na niya ang backpack na pang-cover sa ulo n'ya. "Hindi na po ako mangungupit ng pera sa wallet n'yo. Promise!"

Patuloy lang siya sa usad-pagong niyang paglalakad palabas ng building. Until finally, narating na niya ang main entrance at tuluyan nang nakalabas.

"Thank you, St. Har..." pero naputol ang pagsigaw n'ya nang bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan-drenching her in a second.

Great. This was just super great. Tonight was the best day of her life.

At least dito sa labas ay hindi na masyadong madilim. May mga street lights na nakakalat sa paligid.

Tinahak na niya ang daan pauwi sa kanila. Paniguradong wala na siyang makukuhang cab ngayon dahil wala na siyang marinig pa sa paligid maliban sa malakas na buhos ng ulan at ang naglalakasang mga kulog.

Ten minutes na siyang naglalakad. Thirty minutes na lang at makakarating na siya sa bahay nila. Paniguradong nag-aalala na ang mga magulang n'ya ngayon.

Hindi naman natatakot ang dalaga na may pagala-galang mga criminal dito. Zero crime rate nga kasi. Pero napapalingon pa rin siya kapag may napapansin siyang anino sa dilim. May anino ba ang multo?

Tulad ngayon, may napansin siyang dalawang anino na nakatayo sa likuran ng bus stop na nadaanan n'ya. Malakas ang ulan kaya hindi siya napansin o narinig ng mga ito na papalapit.

"Sino 'tong mga 'to?" tanong niya sa isip bago nagtago sa likod ng puno malapit sa bus stop.

Parehas na matangkad at lean ang dalawa. Both were men base sa postura.

"Channeling? Kaya mo bang gawin ang ceremony nang mag-isa?" narinig niyang tanong ng isa na sa tingin niya ay may itim na buhok. Nakatalikod ito sa direksyon ni Fenris habang ang isa ay medyo naka-side view. May ilaw sa bus stop kaya medyo naaaninag niyang mabuti ang mga ito. And his voice...heavens. Ang smooth ng boses nito.

"Kayang-kaya," sagot naman ng isa na may itim na buhok din. His side profile was very attractive, in fairness. Ang tangos ng ilong. "Look, malapit ka nang mag-nineteen. Kapag hindi ka nakapag-Channeling before your birthday-."

"I'm gonna lose my chance of being a witch. I know, Cole," sagot ng lalaking nakatalikod kay Fenris. The one with the heavenly voice. He was wearing a red shirt.

Witch? Pinagsasabi ng dalawang 'to? Nagda-drugs yata ang dalawang 'to, naisip n'ya. Naku, public execution ang punishment ng kahit na anong related sa illegal drugs.

"So, gawin natin ngayon?" tanong ng isa na tinawag na Cole. Gwapo ng pangalan ha.

"Fine. But not here. Baka may makakita sa atin. Alam mong hindi tayo nakakarinig at nakakaamoy nang maayos kapag malakas ang ulan."

"You're right, Linus. The water washes the scent away," sang-ayon ni Cole. "Let's go to my airship."

Airship?

Nakaramdam siya na may lamok na kumagat sa binti n'ya kaya tiningnan n'ya 'yun saglit at nang muli siyang tumingin sa bus stop ay wala na siyang makita doon. Kaya mabilis siyang nagtungo doon.

"Huh? Paano sila nawala? Two seconds lang yata akong nalingat ah," lito niyang tanong sa sarili.

At kasabay ng pagkawala ng mga ito ay ang pagtigil ng ulan.

Weird.

Inalala n'ya ang conversation na narinig n'ya.

Witches.

Channeling.

Airship.

Cole.

And Linus. His voice was deep, a little hoarse, sexy.

Napailing siya. Ano ba itong pinag-iisip n'ya? Ganito ba ang epekto kapag nabasa ng ulan?

Drug addicts. 'Yun ang tingin n'ya sa dalawang 'yun.

Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad. Medyo nilalamig na siya dahil kanina pa siya basa sa ulan. Fifteen minutes na lang at makakarating na siya sa bahay nila.

But then may narinig nanaman siyang kalabog. And no, it wasn't the thunder.

Pagkatapos ng kalabog ay iilang sigaw ang narinig n'ya.

"Tulong! Tulong!"

What the!?

Hinanap niya ang pinaggalingan n'on at sa unahan nga ay may nakita siyang dalawang bilog na liwanag.

A car. At bumangga iyun sa isang puno!

Mabilis na tinakbo ni Fenris ang kotse at nakita niyang nagsimula nang mag-apoy ang hood nito. Damn! Bakit tumigil pa ang ulan?

Sinilip niya ang driver's seat. May lalaki roon na nakasuot ng itim na cloak at naaninag niya ang mukha nito dahil nakababa ang hood nito. It was a middle-aged man.

A Knight!

Mabilis niyang binasag ang bintana gamit ang bato na napulot niya sa may paanan. She looked for a pulse pero wala siyang mahanap sa leeg at palapulsuhan nito.

"No, no," nahihintakutan niyang usal.

Binuksan niya ang pinto saka ito hinila palabas ng kotse. She made sure na may distance ito sa sasakyan na sa tingin ng dalaga ay sasabog na anumang oras.

Akmang lalayo na siya sa kotse nang may narinig siyang ungol. And no, it wasn't from the Knight.

Ugh!

Nagliyab na ang front seat ng kotse pero lumapit pa rin siya roon. Someone was still inside.

There! Sa backseat ay may nakahigang tao na nakasuot ng kulay gold na cloak.

"Shoot! The Grand Knight!" taranta niyang sigaw saka binuksan ang pinto sa likuran. It was stuck!

Pumunta siya sa kabilang pinto then she realized that it wasn't stuck but rather it was locked.

"'Wag po kayong mamatay, Grand Knight!" taimtin niyang usal habang naghahanap nanaman ng bato.

When she found one, agad niyang binasag ang bintana sa may backseat saka niya hinila ang lalaki na kay bigat at kay laki. He was obese kaya hirap na hirap ang dalaga. He was ten times heavier than her.

Pero dahil sa adrenaline rush ay nagawa niyang ilayo ito sa kotse na sumabog after lang ng ilang segundo.

Pabagsak na nahiga sa kalsada ang dalaga habang tinitingnan ang mataas na apoy na sa tingin niya ay umabot sa langit.

Agad niyang naramdaman ang pagka-drain ng kanyang energy na halos hindi na niya magawang itaas ang mga daliri. Kumikirot pa ang kanyang kanang balikat.

Sinulyapan niya ang dalawang lalaki. Hindi siya makapaniwalang nangyari ang lahat ng ito. She prayed to the gods na sana ay okay lang ang mga ito.

A few minutes later, she heard the sound of sirens getting closer.

Ah, help was coming.

'Yun lang ang huli niyang maalala bago siya nilamon ng dilim.

***

@immrsbryant

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 273K 54
Jewella Leticia is willing to face the biggest war to rewrite the conflicted past of Nemetio Spiran- a world she thought she would only need to see f...
8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
4.8K 360 27
Surviving in a world teeming with criminals and cruelty is already challenging, but Scarlet's existence proved even more grueling. From the day she w...
209K 6.5K 63
"Kuya? Ano yung hentai? Pinag-aaraalan ba yun? Turuan mo nga po ako. " - Yuin Quinzel nakamoto yuta | 091316-021317 | nct chat series [ COMPLETED ] ...