S.I.A.T.T. Series Book 6: The...

Da mimzee23

77.5K 3.4K 387

WARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T... Altro

Synopsis
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Special Chapter
A Letter of Appreciation

Chapter Seven

1.8K 79 2
Da mimzee23

She wiped away her tears as soon as she ended the call. Hearing her son pleading about his father is really breaking her heart.

Kung pupwedeng lang talaga niyang kidnapin si Foster ay kanina pa niya ginawa at sapilitan niya itong isasama pabalik ng Pinas para sa kanyang anak.

Ngunit hindi naman niya kaya iyon. Bukod sa hindi tama ay ayaw din niya na ipakita ito sa kanyang anak na napipilitan lamang. Ang gusto niya ay hindi labag sa loob nito ang pakikipagkilala kay Crane dahil mahalaga sakanya ang mararamdaman ng anak.

Hindi na niya namalayan ang oras dahil sa pagkakatulala na niya. Nakarinig lang siya ng mahihinang katok sa may pintuan kaya't binuksan niya iyon.

"Come on. I've prepared a simple dinner." Aya nito sa kanya.

Sumunod naman siya sa labas at saka napataas ang isang kilay sa nakitang nakahain sa mesa.

"You call this simple dinner?" Habang nakaturo sa kanyang plato.

She didnt even bother to hide the sarcasm in her tone. She can't believed that he called that a simple dinner. It's a steak for pete's sake!

Alam niya kung gaano kamahal iyon dahil miminsanan na niyang gustong makakain din. Ngunit hindi niya magawang bumili dahil nanghihinayang siya sa pera.

"Yeah. It's just a steak. Nothing fancy about it." Simpleng sagot nito na mas lalo lang ikina-irita niya.

"Just a steak?! Eh sa pinas kapag umorder ka nito nasa libo na tapos isang kainan lang. Alam mo ba na ang katumbas ng presyo nito ay ilang araw na naming pagkain na mag-ina? Kaya wag mo sasabihin na 'just a steak' lang."

Kinunutan siya nito ng noo.

"Ano bang ikinagagalit mo? Ayaw mo ba niyan?" Eto naman ang parang nainis sa kanya. "Kung ayaw mo, eh di magluto ka ng iba."

Natameme naman siya dahil hindi naman iyon ang punto niya.

"Hindi na, okay na to. Gutom na ako eh." Sagot na lang niya at saka nagsimula na sa pagkain.

Talagang ninamnam niya ang steak na iyon at kulang na lang ay mapapikit siya sa sarap. Nagulat pa siya nang inilagay nito sa kanyang plato ang kalahati ng steak nito.

"Mukhang kulang pa sayo eh." At saka ito nagsimulang kumain.

Sasagot pa sana siya dahil naiinis siya na pinagmumukha siya nitong matakaw. Pero dahil sobrang sarap talaga ay hindi na lang siya kumibo at nagpatuloy sa pagkain.

"Thank you for the meal." Aniya na nakangiti.

Tinanguan lang siya nito at saka naunang tumayo. Kaagad naman siyang nakipag-agawan sa pagligpit ng mga plato dahil gusto niya na siya na ang maghugas. Nahihiya naman kasi siya na ito na nga ang nagluto tapos ito pa ang paghuhugasin niya.

"Nagamit mo na ba ang bago mong telepono?" Narinig niyang tanong nito sa kanyang likuran.

"Oo, nasubukan ko na kanina. Tinawagan ko ang anak nat-" napahinto siya saglit pero agad namang binawi. "..anak ko."

She even faked a cough to ease the tension between them. She feels awkward because he was standing behind her while she was busy washing the dishes.

"Mabuti naman kung ganun."

Naghihintay pa siya sa susunod na maaari nitong sabihin ngunit wala na. Pasimple niyang nilingon ang lalaki at tahimik lang itong nakasandal sa may kicthen counter habang tulala sa kawalan. Mukhang malalim ang iniisip at hiling niya na sana ay matauhan na ito at gustuhin nang kilalanin ang sarili nitong anak.

"Ahmmm. Is it okay to ask you something?" Alangam niyang tanong rito.

"Matapos ng mga ginawa mo kanina ay ngayon ka pa ba mahihiya magtanong sakin?" Sarkastikong balik nito sakanya na magparolyo naman sa kanyang mga mata.

Talagang napaka-antipatiko nitong lalaking ito. Paano kaya ito nagustuhan ng ate niya?

"Sino ka ba talaga?" Tanong niya paglipas ng ilang segundo. "Why do you have to change your name? And why are we here? Pakiramdam ko tuloy ay nagtatago tayo rito. Are you some kind of a... ahmm... criminal?"

Napalunok siya ng sariling laway habang hinihintay ang sagot nito. Mukhang hindi ata magandang ideya ang pagtatanong na ginawa niya dahil ramdam niya ang mabilis na pagkabog sa dibdib.

Papaano pala kung isa nga itong kriminal? Hindi ba siya madadamay kapag nahuli ito ng mga pulis? And then what if he's a psychotic killer? What if he's already planning to kill her in that remote place?

Nang gumalaw ito sa kanyang likuran ay mabilis siyang kumuha ng kutsilyo at saka humarap rito at itinutok roon. Natatakot na talaga siya.

"Really now?" Tuyang tanong nito habang nakatingin sa kanya. "Tss!" And in one swift move, he took the knife out of her hand without hurting her. "You really have to be careful when holding sharp things coz you might hurt yourself." At saka nito inilapag sa gilid niya ang kutsilyo.

"You're scaring me." Di niya napigilang sambit.

"Do I? Really?" May mapanganib na ngiti na ito sa labi. "I thought you're not scared of me, hmmm?" Inilapit pa mismo nito ang sarili sa kanya.

She was trembling a little but she doesn't know it it's because she's scared of him, or just because he was too close to her. She can't help but to stare at his lips like it was inviting her to feel it.

Napapikit na lang siya bigla dahil sa totoo lang ay hindi niya alam ang gagawin. Alam niyang dapat niyang itulak ang lalaki para makawala siya, ngunit may parte sa kanyang kalooban na ayaw gumalaw at gustong hintayin ang susunod na hakbang.

Nang ilang segundo na ang lumipas at walang nangyayari ay saka siya napadilat. Kita niya ang pagpipigil nito ng ngiti. Halatang gusto siya nitong pagtawanan dahil sa kanyang itsura,

"Were you waiting for me to kiss you?" Nang-aasar na tanong nito.

"H-hindi noh!" Depensa niya agad. "Napaka-feelingero mo talaga!" Galit-galitan niyang turan upang maitago ang kanyang pagkapahiya.

"Okay, sabi mo eh." Naiiling pang sagot nito bago muling nagseryoso ang mukha. "About your question a while ago..." Pambibitin nito na ikina-kaba na naman niya. "I'm not a criminal." Napabuntong-hininga siya nang malalim pagkarinig niyon na para bang nabunutan siya ng tinik. "But I'm still a dangerous man."

Nabahala na naman siya sa sinabi nito. Hindi ito criminal pero mapanganib na tao?

Baka kasi ngayon palang siya magiging kriminal, kapag pinatay ka na niya?

Pananakot naman ng sariling isip sa kanya na pilit niyang iwinawaksi.

"What do you mean?"

She wants to dig deeper. She wants to know him more. Like there's a part in her that wanted to know the real Kramer Foster.

"I work for an international security agency. I'm an agent, and that makes me a dangerous man, Carrera."

Hindi niya gusto ang sariling pangalan dahil nagiging tampulan iyon ng pang-aasar ng mga kaklase niya noong bata pa siya. That's why she preferred to be called by her nickname- Carrie. Ngunit sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya ay nagustuhan ng pandinig niya ang paraan ng pagkakabigkas nito sa kanyang pangalan.

"Agent? Parang pulis o alagad ng batas?"

"Parang ganoon na nga. But the difference is, I'm working for a private company and not for the government." Paliwanag nito na medyo nakukuha na niya.

"Pero bakit ka nagpapakilala bilang Sebastian Faustino kahapon? Parte ba yan ng trabaho mo?" Patuloy niya sa pagtatanong.

Pinakatitigan muna siya nito sa paraang tila tinitimbang kung dapat ba siyang pagkatiwalaan o hindi.

"I'm in an undercover mission." Sagot nito maya-maya.

"Para saan? Malinis naman ang intensyon ng Morris Hospital sa pagtulong sa mga bata sa ampunan ah." Pagtatanggol niya dahil imposibleng may masamang ginagawa ang kumpanyang pinagtatrabahuan para imbestigahan nito nang palihim.

"I know. But that's not the reason why I had to disguise as a different man. I'm into someone. Someone dangerous. And I cannot discard any more information because everything is classified. I've already jeopardize my mission when I took you here with me."

Kinabahan naman siya bigla. Bakit parang pakiramdam niya ay mali ang ginawa niyang pagsunod rito? Mukhang maaari pa siyang madamay sa delikadong trabaho nito.

"What do you mean? Am I in t-trouble?" She stammered a bit.

"No. Unless you do another stupid stunt again, like you did at the airport."

"Bakit naman? Ano bang pwedeng mangyari? Sobrang delikado na ba ang buhay ko? Kung ganun kailangan ko nang makauwi sa anak ko." Natataranta na siya dahil sa takot.

"I won't let anything happen to you, I promise." Pinakatitigan siya nito at para siyang nahi-hipnotismong tumitig pabalik. "I'll take you to the airport tomorrow so you can go back home safely."

Tumango-tango siya sa pagsang-ayon nang bigla siyang matauhan.

"Wait, what?" Gulat niyang tanong. "Ihahatid mo lang ako? Hindi ka sasama sakin pabalik ng Pilipinas? Pano ang anak natin?"

Iniwas nito ang tingin sa kanya bago bumuntong hininga.

"I'm sorry but I am not coming. I still have so many things to do here. Kaliwa't kanan ang mga trabaho ko at isa pa, hindi pa rin naman ako naniniwala sa mga sinabi mo. Hindi pa din ako sigurado kung totoo nga ba ang mga iyon."

Kumulo na naman ang dugo niya para rito dahil talagang ang hirap pasunurin.

"Well, there's the simplest way to know if I am telling the truth or not." Nakataas niyang kilay habang di maiwasan ang paglabas ng mayabang na ngiti sa kanyang labi.

"What is it?"

"Let's undergo DNA testing." Paghahamon niya dahil alam niyang isang daang porsyento na anak nito si Crane kaya hindi siya natatakot.

"DNA testing?" Ulit nito na para bang natatakot ito ngunit ayaw lang ipahalata.

"Yes, DNA testing. Magpakuha ka ng test kasama si Crane para mapatunayan mo na, na totoo ang lahat ng sinasabi ko. Yun lang ang solusyon para malaman mo ang katotohanan." At saka ipinagkrus ang mga braso sa dibdib.

Malakas talaga ang loob niyang hamunin ito ng ganoon dahil alam niya na hindi siya mapapahiya. At kung kinakailangan na pilitin pa niya itong gawin iyon ay ipagtutulakan talaga niya.

"I don't have time for that. Saka na siguro." Anito at saka siya tinalikuran.

"Hoy Kramer, talaga bang tatalikuran mo na naman kami ng anak mo?!" Habol niya rito. "Ang laki ng pagkukulang mo bilang ama, tapos ngayon na may pagkakataon ka na para bumawi, ayaw mo naman kumilos!"

"I said I don't have time for that right now! Marami pa akong inaasikaso. I have so many plans and I just can't change that just because I found out about the two of you. Hindi kayo ang makakasira sa mga pinaghirapan kong umpisahin. Kaya pwede ba, huwag mo nang ipilit ang gusto mo?!" At saka ito lumabas ng cabin at pabalag nitong ibinagsak ang pinto.

Nasasaktan siya at hindi niya alam kung para kanino na iyon. Kung para ba iyon sa anak niya na ang tanging hiling lang ay ang makilala ang ama nito. O para sa kanya dahil ayaw man niyang aminin ay may mumunting boses sa kanyang kaibuturan na gusto niyang makumpleto silang pamilya.

Ginagawa niya ang pagsisinungaling na iyon dahil ayaw niyang malayo kay Crane. Pero iniisip din niya na baka mas naging maayos sana kung inamin na lang niya rito ang totoo. Na ang Ate Carina niya ang nabuntis nito.

Dahil mabigat ang kanyang loob dahil sa nangyaring sagutan nila ay pumasok na lang siya ng kwarto at doon na nagkulong.

Nakatulog naman siya buong gabi at maaga-agang nagising. Naabutan niyang nag-aalmusal ang binata at inalok siya na kumain na din.

"Wag na, babaunin ko na lang yan sa sasakyan para maaga tayong makaalis dahil baka mahuli ka pa sa trabaho mo!" Sarkastiko niyang sabi at inirapan pa ito.

"About my job-" itinaas niya ang isang kamay para hindi na ito patapusin sa pagsasalita.

"Wag kang mag-aalala dahil tikom ang bibig ko tungkol dyan. I won't tell anyone about your real job. Ikaw si Sebastian Faustino at hindi si Kramer Foster. Kapag may magtanong ay sasabihin ko na hindi kita kilala." At saka na siya umalis para maligo.

They both remained silent while driving back to the town. She was so pissed but she was trying so hard to ignore that feeling. She doesn't want to say anything more to him.

Pagkarating nila sa airport ay kaagad siyang bumaba at ni hindi nilingon ang binata. Alam naman niya na hindi na siya nito pipigilan pa dahil iyon ang gusto nito, ang umuwi na siya.

Kaya naman nagulat siya nang bago pa siya makapasok sa loob ay naramdaman niya ang paghigit nito sa kanya. Napahawak pa nga siya sa dibdib nito nang mapaharap siya nang biglaan at muntik nang sumubsob rito.

Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ang pagiging malapit ng kanilang mga mukha ay nagpapahirap sa kanyang paghinga at halos ihinto na niya iyon.

Nagtataka siya kung bakit parang nanlalambot siya dahil sa ayos nila. He was like holding her close- too close that it felt something different inside her.

What is wrong with me?

Tanong niya sa isip habang tahimik siyang napatitig sa mga mata nito at sa labi. Iba na ang tumatakbo sa kanyang isipan at kung anu-ano na ang nagsusulputan roon.

She thought of kissing him. Kaya naman dahan dahan niyang inilapit ang sarili at ganoon din ito. Dumiin ang pagkakahawak niya sa dibdib nito at napapikit na siya sa antisipasyon ng kanilang paghahalikan.

But her eyes flew open wide when his lips ended up near her ears to whisper something.

"There's someone who keeps on following us. So when you get inside, just continue walking and don't talk to anyone. If they insist, scream for help and make a scene. And no matter what happens, don't let them take you."

Pagkatapos ay nagtamang muli ang kanilang mga mata. Tumango siya dahil alam niyang hinihintay nito ang kanyang sagot.

Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin pero ganoon man ay susundin pa din niya ito.

"What about you?" Tanong niya na pabulong dahil kinakabahan na din siya.

"I'm gonna let them run after me. Ako naman ang talagang pakay nila kaya ako ang susundan nila. Don't worry, you'll be safe." At hinaplos nito ang kanyang ulo.

Natatakot na siya dahil pakiramdam talaga niya na may mangyayaring hindi maganda. Pero may tiwala naman siya kay Kramer kaya naman sinusubukan niyang palakasin ang kanyang loob.

"Am I going to see you again?"

Tanong niya iyon hindi para sa kagustuhan at kaligayahan ng kanyang anak. Tanong niya iyon para sa pansariling kadahilanan na hindi rin niya matukoy kung ano.

Nginitian lang siya nito at saka bahagyang itinulak na para siya makapasok na sa loob. Sumenyas pa ito sa kanya na tumalikod na at dumirecho na nang lakad.

Alam niya na sinasabihan na siya nito na sundin ang inutos nito sakanya. Ayaw niya dahil parang hindi niya kayang iwan ito lalo na't alam niyang maaaring mapahamak ito. Pero kailangan niyang magtiwala.

Pagtalikod niya ay dire-direcho na siya sa paglalakad at pumila na sa check in counter. Pero dahil hindi siya mapakali ay pasimple niyang nililingon ang paligid at napansin niyang may dalawang lalaki sa di kalayuan ang nakatingin sa kanya.

Pinakiramdaman niya kung susundan ba siya o hindi. Hanggang sa makapasok na siya ng immigration ay sinusundan pa rin siya. Pero nang magsimula na silang papasukin sa eroplano ay napansin niya na iniwan na siya roon kaya naman nakahinga na siya nang maluwag.

Naging maayos naman ang naging lipad niya pabalik ng Pinas. Medyo nainis nga lang siya dahil hindi siya nakabili na ng pasalubong dahil nabawasan ang pera niya nang bumili siya ng ticket para masundan si Kramer.

Paglabas niya ng airport ay kaagad siyang dumirecho sa may pila ng mga taxi. Ngunit bago pa siya makarating roon ay may dumikit na sakanya na dalawang lalaki at saka siya tinutukan ng baril sa gilid.

"Huwag kang sisigaw kung ayaw mong lagyan ko ng butas yang tagiliran mo!" Bulong sa kanya ng lalaki sa kanan.

"Sumunod ka lang sa utos namin para hindi ka masaktan." Dagdag pa ng nasa kaliwa.

She doesn't know what to do. She's afraid of what might happen if she couldn't do anything that they will ask of her. As she thought of Kramer's advice, she's torn between staying quiet and just let these two men take her or scream and make a scene so that she could run away.

Because she was too scared to even utter a word, she just let them do what they intended to do to her. But before they can even push her inside the car, someone else has thrown a scene for her, leaving her shrieking in panic.

Continua a leggere

Ti piacerà anche

292K 5.8K 36
Lia Marquez is not really your typical kikay girl.In fact,kabaligtaran siya nito.Lumaki ito na may pagkaboyish gawa ng ama lang ang kinilala nito pag...
36.3K 2.4K 27
Warning: SPG / R-18 / Mature Content Female League of Assassins and Weapons F.L.A.W Series Book 1: AMETHYST "Trust me when I say, you don't want to...
1.4K 67 10
Uzerrete Odelle Antique---what a fucking name. She is a skilled assasin hacker. Nagdesisyon siyang sumali sa Military dahil ayaw na niyang maging mah...
137K 6.3K 76
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...