Beloved Bastard (Completed)

Por Nickolai214

543K 19.9K 3.2K

Nine years old si Ivan nang una niyang makilala si Rafael, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan ni... Mais

Major Characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 (Special Chapter)
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15 (Season Finale)
Rafael Certeza
Chapter 16 (Special Chapter)
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 (Special Chapter)
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 (Season Finale)
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 (Special Chapter)
Chapter 44 (Special Chapter)
Chapter 45 (Final Chapter)
I'm Dead! Saraleo
En of Love

Chapter 38

8.8K 382 90
Por Nickolai214

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Manila

"No, you're wrong. Hindi lamang basta pagnanasa ang dahilan kung bakit nangyari sa atin ito. Pareho natin itong ginusto. Please, believe me. Walang kinalaman dito ang lahat ng materyal na bagay na nagpapagulo ng sitwasyon natin." Ralf said.

"Kung ganon ano ang dahilan at bakit mo ito ginagawa sa akin?" tanong ko sa kanya.

Muli na akong bumangon. Mabilis akong nagbihis ngunit nasa ilalim ng unan na hinihigaan niya ang underwear ko.

"Dahil ito ang gusto ko at alam ko na gusto mo rin ito. Mahaba pa ang gabi. Hindi pa ako kuntento sa dalawang beses na pag-angkin ko sayo. Come here, Ivan. Alisin mo ang lahat ng negativities na namamahay diyan sa utak mo."

"N-no! Kailangan ko nang umalis. Baka abutan pa ako ni Lola dito." sabi ko sa nanginginig na tinig. "Ibalik mo na ang underwear ko."

Nagkibit lang siya ng mga balikat kaya nagsisimula na akong mainis sa kanya. "Bakit ka ba natatakot na mahuli tayo ni Lola? Pananagutan naman kita. I'll marry you. Saan mo ba gusto?"

Lumipad ang tingin ko sa kanya. Hindi ko inasahan ang mga sinabi niya. "W-what?"

Ngumiti siya saka niya sinalubong ang mga mata ko na nakatitig sa kanya. "Alam ko na conservative ka. Sigurado ako na ako ang nakauna sayo hindi iyon ipagkakaila ng mantsa na ito." sabi niya saka niya hinaplos ng palad niya ang bahid ng dugo sa bedsheet ng kama.

Napasinghap ako. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko at gimbal ako na napatulala sa kanya.

"Hindi pa legal ang same sex marriage dito sa Pilipinas. Pero pakakasalan kita kahit saang bansa mo naisin. Kung posible lang sana ay ngayon mismo gusto na kitang maangkin hindi lamang dito sa ibabaw ng kama kundi pati sa legal na paraan."

"Y-you're crazy!"

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Sa halip ay iba ang lumabas mula sa bibig niya.

"Ihanda mo na ang passport mo. Magpapabook ako ng ticket patungong amerika o kung saan mo man gusto. Magpapakasal tayo, Ivan. Dahil mahal kita."

"N-no!" mabilis na sambit ko. Hindi ko alam kung bakit lumabas bigla iyon mula sa bibig ko. Kung pagtanggi ang ibig kong sabihin o pagkabigla ay hindi ko matiyak.

Dahil hindi ko makuha ang underwear ko ay isinuot ko na ang boxer shorts ko. Nalilito na ako sa totoo lang.

"Bakit hindi?" frustrated na tanong niya.

"Nagsabi pa lang si Jako kay Lola kagabi na pakakasalan niya ako."

Mabilis na napabangon si Ralf nang marinig niya ang huling sinabi ko.

"Magpapakasal ka sa ibang lalaki and yet you came here and wantonly gave yourself to me?" hindi makapaniwalang sabi niya.

Nakita ko ang galit na mababakas ngayon sa kanyang mukha.

"I-I promise to marry him lalo na at sa nakikita ko ay napakalabo nang mabawi ko pa mula sayo ang villa. Kapag nagpakasal ka ay tuluyan na akong mawawalan ng karapatan sa bahay na iyon."

"Hindi iyon mangyayari kung sa akin ka magpapakasal." matigas na sabi niya.

"At ano ang kapalit? Buong hacienda?"

"Fuck you!" galit na mura niya sa akin.

"You already did, Ralf. Ngayun-ngayon lang. You fucked me twice. Here, inside this damn room." pilosopong sagot ko sa kanya.

Ilang sandali siyang natahimik. Ngunit ang galit sa mga mata niya ay hindi pa rin nawawala. Mas tumindi pa iyon sa nakikita ko. Nakadama tuloy ako ng bahagyang takot sa kanya.

Napatangu-tango siya saka siya nag-angat ng tingin sa akin. Ngayon naman ay labis na sakit at paghihirap ang nakikita ko sa anyo niya.

"So, ang pagkakaloob mo sa akin ngayon ng sarili mo ay paraan mo para kusang loob ko nang ilipat sa pangalan mo ang villa, ganun ba?" tanong niya sa malamig na tinig.

"N-no... h-hindi ganoon ang ibig kong sabihin." nauutal na sagot ko.

Hindi ako makaapuhap ng mga tamang salita upang hindi niya maisip na ginamit ko ang katawan ko para lang makuha ang punyetang villa na iyon.

Bakit ba umabot pa kami sa ganito? Kung tutuusin ay maliit na bagay lang naman talaga ang bahay na iyon. Pero huli na upang pagsisihan ko pa ang mga naging desisyon ko.

Nagagalit na ngayon si Rafael at kinakabahan ako sa kanya. Gone was the gentle lover moments ago. Ang nasa harapan ko ngayon ay parang galit na leon na gustong manlapa.

Bakit ba kasi ipinagpilit ko pa ang kasal na ipinipilit lang din sa akin ni Jako? Kung nanahimik na lang sana ako ay makakausap ko pa ng maayos si Ralf hindi kagaya ngayon na mainit na rin ang ulo niya.

"You prostituted yourself, gave me your virginity pero ipinasya mo pa rin na magpakasal kay Jako para lang sa putang inang villa na iyon?" galit na wika niya. Hindi siya sumisigaw ngunit nahihimigan ko ang matinding galit sa tinig niya.

Napakurap ako. Prostituted myself? Hindi ako makapaniwala na inakusahan ako ng ganito ni Rafael.

Kusa kong ipinagkaloob sa kanya ang sarili ko dahil iyon ang nararamdaman ko, dahil nasisiguro ko na kanina sa sarili ko na walang ibang lalaki na maaaring umangkin sa katawan ko kundi siya lang.

Tumigas ang anyo ko saka ko na siya hinarap. "Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin!" nagagalit kong ganti.

"At hindi ako magpapakasal sayo dahil lang may nangyari sa atin at naangkin mo ako. Because you deliberately seduced me! I cannot hand you in silver platter all my inheritance. Kapag pinakasalan kita, you will have all the control-"

"Shut up!" mabalasik na sigaw niya at nagpupuyos siya sa galit.

Ngunit hindi ako dapat magpasindak sa kanya. Natalo na kaagad ako kanina pa lang nang mapagtagumpayan niya akong angkinin. Hindi ako papayag na magpapatuloy akong maging talunan.

"Hindi ba totoo naman ang sinasabi ko? Nagtagumpay ka na nang ipamana sayo ni Mama ang villa. Ngayon naman ay gusto mo akong pakasalan para makuha mo na ng tuluyan ang buong kayamanan ng mga Certeza!" walang pakundangan na sigaw ko sa kanya. Nadadala na rin ako ng galit ko sa kanya at ng pagkapahiya ko sa sarili ko.

"Get out, Ivan," sabi niya.

Sa pagkakataong ito ay hindi na sumigaw si Rafael ngunit nakikita ko ang paggagalawan ng mga muscles niya sa mukha at naniningkit ang mga mata niya sa matinding galit.

"Lumabas ka na hangga't kaya ko pang pigilan ang sarili ko na huwag kang saktan!" patuloy pa niya nang hindi ako natinag.

Nakadama na ako ng pagod sa walang katapusan at paulit-ulit na lamang na mga argumento namin.

Umatras na ako pahakbang saka ko na tinungo ang pinto pero muling nagsalita si Rafael.

"Take this with you, slut! "

Napalingon ako sa kanya. Nakita ko na hawak niya ang brief ko saka niya iyon inihagis sa akin. Nalaglag iyon sa sahig malapit sa kinatatayuan ko.

Napapahiya ako na dinampot iyon saka na ako nagmamadaling lumabas. Nagtatakbo ako pabalik sa silid ko at doon ay ibinagsak ko na padapa sa kama ang katawan ko.

Doon ay hindi ko na pinigilan ang sarili ko. Nag-iiyak na ako sa loob ng madilim na silid ko.

Everything turned sour and ugly. Bakit kasi hindi na lang ako pumayag nang sabihin niya kanina na magpapakasal kami?

Kanina habang inaangkin niya ako ay napagtanto ko sa sarili ko na sa mga sandaling iyon ay wala na akong iba pang gustong mangyari kung hindi ang magkasama na lamang kaming dalawa.

Hindi ko nais na pakasalan si Jako. Matagal na panahon akong nilamon ng galit ko kay Ralf at sa nakalipas na mga araw ay tuluyan na niyang nabuwag ang makapal na pader na iniharang ko sa pagitan naming dalawa.

Bakit hindi na lang ako umoo kanina nang sabihin niya na siya na lang ang pakasalan ko?

Dahil ba mas nananaig ang kahihiyan ko dahil kusa kong ipinagkaloob sa kanya ang sarili ko gayong sa buong panahon na magkakilala kami ay kinasusuklaman ko siya?

O dahil sa kabilang sulok ng isip ko ay totoong hindi ko matanggap ang kanyang pagkatao?

Na baka ang tanging gusto lamang talaga niya ay ang kayamanan na mamanahin ko?

Gaano ba talaga katotoo ang hinala ko tungkol sa totoong namagitan sa kanila noon ni Mama?

Sumasakit na ang ulo ko sa sobrang gulo na ng sitwasyon.

Lahat ng akusasyon na ipinaparatang niya sa akin kanina ay tinanggap ko ngunit hindi ko matanggap ang pinakahuling salita na lumabas mula sa bibig niya.

Totoong nasaktan ako dahil sa pagtawag niya sa akin ng puta. Hindi ko siya kayang sisihin sa bagay na iyon dahil totoo naman na nagpakaputa ako kanina dahil mahal ko siya.

Dahil sa kaisipang iyon ay tuluyan na akong nawalan ng pag-asa na maaayos ko pa ang sarili ko.

Durog na durog na ako. Hindi ko na alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Masakit para sa akin na kay Rafael ko pa mismo narinig ang salitang iyon. Nakakababa ng pagkatao.

Hindi ko namalayan na nagsisimula na palang umahon ang araw nang makatulog ako dahil sa matinding pagod at sakit ng katawan na dulot ng nangyari sa amin ni Rafael.

Nagising ako nang masilaw ako sa liwanag na nagmumula sa nakalilis na kurtina sa bintana ng silid ko.

Halos hindi ko maimulat ang mga mata ko na namumugto pa dahil sa magdamag na pag-iyak.

Marahan akong nag-inat saka ko ikinurap-kurap ang mga mata ko upang masanay sa liwanag.

Nang tuluyan nang magising ang aking diwa ay namulatan ko si Lola Corazon na kasulukuyang binubuksan ang mga kurtina ng silid ko.

"Good morning, Ivan." pormal niyang bati.

Hindi ko pa rin masyadong maaninag ang mukha niya dahil inaantok pa rin ako.

"A-anong oras na po ba?" tanong ko sa kanya sabay sulyap ko sa orasan na nasa tabi ng nightlamp. Alas-diyes na pala ng umaga o mas tamang sabihin na tanghali na.

"Napahaba yata ang tulog mo, Ivan?" sabi ni Lola. "Hindi kita gustong gisingin pero dalawang beses na kasing tumatawag si Jako sa telepono. Hindi ka raw niya makontak sa cellphone mo."

Marahan akong bumangon. Napakabigat pa rin ng katawan ko. Nananakit ang halos lahat ng parte partikular na sa balakang at likod ko pati na rin sa ibabang bahagi ng katawan ko.

"Ano ho ba ang sabi?" wala sa loob kong tanong. Wala ako sa kundisyon na kausapin si Jako ngayon.

"I invited him for lunch. Baka nasa daan na iyon." sabi ni Lola.

Napaungol ako.

"May problema ba, hijo? Hindi ko ba dapat inimbita si Jako dito?" tanong niya.

Umiling ako saka na ako tumayo.

"H-hindi po, Lola. Okay lang ho. Maliligo lang muna ako." sabi ko saka na ako mabilis na pumasok sa banyo.

Paglabas ko ay wala na sa loob ng silid ko si Lola. Mabilis na akong nagbihis pagkatapos ay lumabas na ako ng silid upang sumunod na kay Lola sa ibaba.

Bigla na lamang akong napahinto nang mapadako ang tingin ko sa silid ni Rafael.

Bukas na bukas ang pinto. Wala sa loob akong lumapit doon na ang nasa isip ay upang isara ngunit nagimbal ako sa nabungaran ko.

Napasinghap ako at sa nanlalaking mga mata ay hinagod ng tingin ko ang kabuoan ng silid.

Walang nabago doon mula sa iniwanan kong anyo ng silid kagabi. Naroon ang lahat ng bakas ng nangyari sa aming dalawa ni Ralf.

Doon na biglang bumangon ang kaba sa dibdib ko. Nakita na ba ito ni Lola? Imposimbleng hindi.

"Hindi ko pinahintulutang pumanhik dito sa itaas ang mga katulong, Ivan."

Mabilis akong lumingon. Nakita ko si Lola sa likod ko na nang-aarok ang mga titig.

Continuar a ler

Também vai Gostar

2.6M 166K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
256K 14.1K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
14.2K 864 48
ABOUT Yophiel Ryuu De Viste is a 19 years old boy. A simple and soft kind of man. Studying BS Accountancy, 2nd year college. Ryuu grew up in a well...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...