UNRIVALED!

By PeachyyyPie

284K 16.4K 4.3K

So, you think you're the strongest? Well.. Then maybe you haven't met her.. "If you want a real battle, then... More

PROLOGUE
* CHAPTER 1~ Blue Haven wall was wrecked!
* CHAPTER 2 ~ I am not interested.
* CHAPTER 3 ~ Don't bother me..
* CHAPTER 4 ~ Will you be our friend?
* CHAPTER 5 ~ Tick tock! Timebomb!
* CHAPTER 6 "War on!"
• CHAPTER 7 "Protect your base."
• CHAPTER 8 "Protect your base"
• CHAPTER 9 "The Giant Bird"
• CHAPTER 10 "The Lost Shoe"
• CHAPTER 11 "Pendant"
• CHAPTER 12 "Relic"
• CHAPTER 13 "Proxy"
• CHAPTER 14 "Captor"
• CHAPTER 15 "The Annual Tournament"
• CHAPTER 16 "Contenders Profile"
• CHAPTER 17 "Battle for cause"
• CHAPTER 18 "Eugi vs Suzzane"
• CHAPTER 19 "Eugi vs Alistair"
• CHAPTER 20 "Serendipity"
SPECIAL CHAPTER
• CHAPTER 21 "Trap"
• CHAPTER 22 "Default"
• CHAPTER 23 "Instinct"
• CHAPTER 24 "Payback!"
• CHAPTER 25 "Visit"
• CHAPTER 26 "Call away"
• CHAPTER 27 "Hierarchy "
• CHAPTER 28 "Barricade"
• CHAPTER 30 "Violators"
• CHAPTER 31 "Monitor"
• CHAPTER 32 "Missing"
• CHAPTER 33 "Justice"
• CHAPTER 34 "Help"
• CHAPTER 35 "Player's ready!"
• CHAPTER 36 "Hide and Seek"
• CHAPTER 37 "The Plan"
• CHAPTER 38 "Abduct"
• CHAPTER 39 "Eye for an Eye"
• CHAPTER 40 "Stolen"
• CHAPTER 41 "Paintings"
• CHAPTER 42 "Ambush"
• CHAPTER 43 "Operation"
CHAPTER 44 "The Plan"
CHAPTER 45 "The Royale Heir"

• CHAPTER 29 "Rogue!"

5.4K 342 43
By PeachyyyPie

"Nice and easy girl.." mahinang sambit ni Neo habang nananatili ang tingin sa dragon. Nakatalikod ang rogue dragon mula sa kanila, at maari lang silang makita nito kapag gumawa sila ng ingay na kukuha sa atensyon nito. Maingat niyang kinuha ang wand sa loob ng sleeve na polo. Kailangan niyang maging handa sakali mang atakihin sila.

Nilingon niya si Eugi saka mahinang bumulong. "Dahan-dahan.."

Hindi kumibo si Eugi. Sumenyas si Neo na bumalik nalang muli sa loob ng building. Ngunit mahihirapan silang takasan ang dragon, lalo na't sensitibo ito sa ingay ng paligid. Habang abala ang dragon ay kinuha nilang dalawa ang pagkakataon na umatras ng dahan-dahan.

Hawak kamay at maingat ang bawat hakbang nila sa damo.

Napabuntong hininga si Neo nang magawa nilang maglakad pabalik sa ladder nang hindi gumagawa ng ingay.

"Mauna kanang umakyat.." bulong ni Neo habang panaka-nakang nililingon ang direksiyon kung saan sila lumiko kanina. "Dahan-dahan lang, susunod ako.."

Sinimulan nang akyatin ni Eugi ang ladder. Walang ingay ang bawat hakbang niya. Nang maka-akyat na siya ng ilang baitang, sumunod naman si Neo sa pag-akyat. Kinakabahan si Neo dahil baka makita na lang sila bigla ng dragon, at paniguradong hindi niya alam kung paano ito lalabanan. Lalo na't binalaan sila na hindi 'to pwedeng saktan.

*plakk*

Nanlalaki ang mata ni Neo na nahinto sa pag-akyat. Pati si Eugi ay nahinto rin sa kalagitnaan saka sumilip sa kaniyang baba.

"Nahulog wand ko, sheyt.."

"H'wag mo nang kunin.. mamaya na.."

"'Di pwede.. baka mawala 'yan mamaya.."

"Kapag kinuha mo pa 'yan, ikaw ang mawawala.."

"Magtataka sila bakit nandidito ang wand ko.. Ibig sabihin, malalaman nilang pumunta tayo dito.." mahinang paliwanag ni Neo. "Alam mo namang restricted tayo dito, kapag nalaman nilang lumabag tayo.. baka ano pang punishment ang harapin natin.."

"Dalian mo.."

"Ha??"

"Kunin mo 'yung wand mo.."

"Sige na, mauna kana.. aakyat 'din ako.. pupulutin ko lang wand ko.."

Humakbang si Neo pababa mula sa ladder saka pinulot ang nahulog na wand sa lupa. Pinagpagan niya muna ito saka muling humawak sa ladder para umakyat—pero natigilan siya nang makitang nakaharap na sa direksiyon nila ang dragon!

Tug.. dug.. tug.. dug..

Nag angat ng tingin si Neo kay Eugi at nakitang nasa itaas na ito habang hawak ang nakabukas na pinto mula sa ikatlong palapag, hinihintay siya nitong umakyat. Pero mukhang hindi muna siya makaka-akyat dahil hindi na aabot pa.

"Babalik akooo!" sigaw ni Neo bago ito tumakbo at lumiko ng ibang direksiyon. Umatungal nang napaka-lakas ang dragon bago nito sinundan ang direksiyon ni Neo. Matagal bago tuluyang bumalik sa huwisyo ang mundo ni Eugi.

Bigla ay..

Tumalon siya mula sa ikatlong palapag!

Nang makatapak siya sa lupa ay tinakbo niya ang direksiyon kung saan lumiko si Neo. Pag liko niya, nakita niya si Neo na tumatakbo mula sa naghahabol na dragon! Malapit na siyang maabutan nito. Kaunting dipa na lamang at mahahablot na ang katawan ni Neo.

Tumakbo si Eugi sa direksiyon ni Neo saka walang anu-anong hinablot ang pulsuhan nito. Hindi ka-agad nakapag-react si Neo, ngunit nang makita niyang si Eugi ang humablot sa kaniya ay labis ang pagka gulat niya. "EUGENIE!?"

Hindi ito tumugon, kaya nagpatangay nalang siya dito. Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin pero wala siyang balak na bumitaw dito. Napangiti si Neo sa kaniyang isipan, hindi niya lubos na maisip na babalikan sa ni Eugi. Ibig sabihin ba noon ay may paki ito sa kaniya?

Hindi na niya namalayang nakapasok na pala sila sa loob ng isang kuweba!

"San tayo??"

"Dito muna tayo mag stay.."

"Ligtas ba dito?"

"Kumpara sa labas, oo.."

~•~•*•~•~

"Pres, 'san na daw sila?"

"Hindi pa sila mahanap, Sheiko eh.."

"H-Ha? E 'di ba ang sabi mo hahanapin mo sila?"

"Tinanong ko na ang head ng security team.. Nagsarado na raw 'yung barrier at sinigurado nilang walang naiwan sa taas.. So, sure akong nakababa na sila bago pa mag activate 'yung barrier.."

"Then, na'san sila?"

"Hindi ko nga alam.. Mukha ba 'kong hanapan ng mga nawawala?"

"Hindi.. pero mukha kang sinungaling.."

"Anong sabi mo!?"

"Ayoko ng ulitin.. ba'la ka kun'di mo narinig.." mabilis siyang lumayo dulot ng inis. Hindi maipaliwanag ang inis na nararamdaman ni Sheiko dahil sa pagiging ignorante ng mga security team members. Nasisigurado niyang naiwan ang dalawa sa itaas at hindi ito makababa dahil sa nakaharang na barrier.

Kanina pa pagala-gala ang tingin ni Sheiko, pero hindi pa rin niya mahanap ang dalawa.

Nag aalala na siya sa kanila..

"Calling the attention of Blue Haven students!" kumuha ng kanilang attensiyon ang babaeng kakaakyat pa lamang sa stage. Nahinto naman ang ingay ng mga estudyante at nag pokus sa harap kung saan nakatayo ang vice president . "Do not panic students. I know this situation is uncalled for, but we are asking for everyone's cooperation.."

"Cooperation? Ano 'to? Groupings?" bulong ni Sheiko, magkakrus ang kaniyang braso.

"Though we didn't seem to understand why the lab team became so reckless by letting the rogue dragon escape.. lack of security is the cause.. We hope this could never happened again.. the security team are on their way to hunt the rogue, so please be reminded to calm down and reduce overthinking.. We will fix this immediately.."

'Calm down!? Dafak! Nandoon pa sila! How could they assure everyone's safety without confirming if everyone is here? This system is fucked up!'

~•~•*•~•~

"Shh.."

"Okay, okay.." hinahabol ng kaniyang hininga si Neo habang puno ng kaba ang kaniyang dibdib. One move will end them. Kailangan niya maging maingat sa pag gawa ng ingay. Hindi niya akalaing mapupunta sila sa ganitong sitwasyon. Kung alam niya lang sanang makikita nila ni Eugi ang gumagalang dragon, hindi na sana sila lumabas ng building. "Ano ng gagawin natin, Eugi?"

"Manahimik.."

"Maliban 'don?"

"Manatili rito.."

"S-Sige.. Hindi kaya inaabangan na tayo ng dragon sa labas? Hinihintay niya lang tayong lumabas sa loob ng kulob.."

"E 'di h'wag tayong lumabas para maburyo siya.."

"'Pano naman kapag nalaman nilang lumabas tayo mula sa back door ng alchemist lab? 'Pano kapag nakarating 'to kay Headmistress, at malaman niya ang lahat?"

"E 'di may panibago siyang nalaman.."

"Seryoso ako, hindi ko alam ang idadahilan.."

"Tsk.. matuwa nalang sila na hindi ko pwedeng patulan 'yang dragon nila.."

"Yun nga eh.. hindi natin pwedeng galawin 'yung dragon, pero 'yung dragon pwedeng-pwede tayong saktan.. ka-imbyerna lang.."

"Dito muna tayo," sumandal si Eugi sa semento ng pader. Napahinga siya ng malalim saka napatitig sa kawalan. Tinitigan lang ni Neo si Eugi. Gusto rin niyang kumalma katulad na lamang ng kaharap niya. Pero, hindi niya maiwasang mag-alala. Sa tuwing sinusubukan niyang kumalma, mas lalong lumalakas ang kaba sa dibdib niya. Hindi siya mapakali sa ganitong klase ng pakiramdam. Nakakainis!

Maya-maya pa ay nakita niyang naka-pikit na ang parehong mata ni Eugi. Batid niyang natutulog ito. Napaka-peaceful talaga nitong tingnan. Kahit na natatakot siya sa sitwasyon nilang dalawa ngayon, nandoon pa rin ang assurance na ligtas siya kapag kasama ang kaibigan.

Napapangiti siyang umurong sa tabi nito at isinandal ang kaniyang ulo sa balikat ni Eugi. Sa loob ng ilang minuto ay matinding katahimikan lang ang bumabalot sa kanilang paligid.

"Eugi, bakit mo ko binalikan?" biglang basag ni Neo sa gitna ng katahimikan. Hindi siya nakakuha ng sagot mula kay Eugi, marahil ay tulog na ito. Pero wala siyang paki-alam, kahit na hindi siya nito naririnig ay patuloy siyang magtatanong. Umalis siya sa pagkakasandal saka tumitig sa nakapikit na si Eugi.

"Ang sabi mo, wala kang paki-alam sa mga tao.."

"Sabi mo rin, ang pinaka-ayaw mo sa lahat ay madakwit o maipit sa isyu.."

"Hindi rin naman ikaw 'yung tipo na tutulong o magpapaka-hero sa iba dahil gusto mo.."

"Pwede mo naman akong iwanan kanina, e 'di sana labas ka na sa gulong 'to.."

"Sabihin mo, anong dahilan mo para samahan ako sa gulong pinasok ko?"

Muli siyang hindi nakatanggap ng sagot, pero hindi na 'yon ang mahalaga..

Ang mahalaga ay nasabi niya ang mga tanong na gumugulo sa kaniya..

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan ang pandidiri at galit ng mga kaklase niya kay Eugi. Sa katunayan, ito ang pinaka-unproblematic na taong nakilala niya. Tahimik, hindi mahilig makisawsaw, palaging kalmado at sabihin na niyang wala talagang paki-alam. Pilit itong ginagawan ng isyu nang ilan niyang mga kaklase. Mga walang magawa sa buhay.

Pero kahit ilang beses gumawa ng paraan ang kaniyang mga kaklase para layuan nila ito ni Sheiko, mas lalo lang silang napapalapit dito.

"Sana, malaman ko 'yung iniisip mo para maintindihan kita.." mahinang sambit niya.

"Hindi mo kailangang malaman ang iniisip ko para maintindihan ako.."

Nanlaki ang mga mata ni Neo nang magsalita ito nang nakapikit.

I-Ibig sabihin ay gising ang diwa nito?

"Eugenie! Gising ka naman pala!"

"Mm.."

"Anong mm? Mukha kong tanga rito na kanina pa nagsasalita!"

"Buti alam mo.."

"Ehhh! Labas na tayo!"

'Nakakahiya! Damn, para tuloy akong sira na nag e-emote kanina.. Wala ka sa drama Neo, wala..'

"One hour.. "

"Ano?? Isang oras pa?"

"Narinig mo ko.."

"Wala na 'yung dragon, tara na.."

"Check mo muna sa labas.. Pag 'di kana nakabalik, ibig sabihin nandiyan pa 'yung dragon.."

"HOY LOKO KA! HAHAHA!" natatawang hinampas ni Neo ang braso ni Eugi. "Seryoso ako hahaha!"

"Seryoso pero tumatawa? Hmm.."

"Natatawa kasi ako sa 'yo eh!"

"Ano nakakatawa sa 'kin?"

"Ikaw mismo! Hahaha.."

Hindi na lamang sumagot si Eugi.

"Alam mo, Eugi.. Sana makita na kitang nakangiti.. kahit tumawa man lang.." usisa ni Neo saka niyakap ang parehong tuhod. Paniguradong tatatak sa isipan niya kung paano ngumiti ang pinaka-emotionless na taong nakilala niya. At kung mangyari man 'yon, gusto niyang siya ang unang makasaksi ng pag ngiti na 'yon. "Kaya siguro maraming nagsasabing masungit ka ay dahil sa paraan ng tingin mo sa kanila.. hindi naman cold, hindi rin masama.. Pero, talagang kakaiba, kaya ang nagiging first impression nila sa 'yo ay hindi maganda.. kasi pakiramdam nila ay minamaliit mo sila.."

"Hindi ko sila minamaliit, sadyang mataas lang talaga ang tingin nila sa kanilang sarili.." sagot ni Eugi habang nakatingin sa sahig. "Walang mali sa tingin ko lalo na sa ekspresyon ko.. ang gusto nilang mangyari ay tingnan ko sila ng may awtoridad pero dahil laging walang emosyon ang ekspresyon ko, pakiramdam nila minamaliit sila.."

"Baka naman ang gusto nila ay ngitian mo sila.. kahit 'yung.. pilit?"

"Hm.. bakit ko naman sila bibigyan ng pekeng ngiti kung pwede ko naman silang h'wag pansinin ng bukal sa loob ko?"

Hindi nakasagot si Neo. Bahagyang bumuka ang kaniyang bibig ngunit walang salita ang lumabas.

"Bilib na talaga ko sa 'yo, Eugi.."

At nagkaroon ng katahimikan..

Napatingin silang pareho nang makitang nagsisimula nang mayanig ang maliliit na bato sa lupa. Nag va-vibrate ito na parang may paparating na lindol. Kaagad na sinulyapan ni Neo nang may pag aalala ang direksiyon ni Eugi.

"Hala, baka 'yung.."

"Akin'a 'yang cape mo.." si Eugi.

"H-Huh, bakit?"

"Akin'a.."

Magsasalita pa sana si Neo pero nahinto siya nang makitang seryoso si Eugi sa sinasabi nito. Hindi niya alam kung ano na naman ang gagawin ni Eugi sa cape niya, pero sa tingin niya ay alam naman nito ang gagawin. Walang angal niyang tinanggal ang pagkakatali nito sa kaniyang uniform saka inabot 'yon sa kaniya.

Isinabit lang ito ni Eugi sa braso niya. Tumingin naman si Neo nang may pagtataka sa kaniya.

"Hindi mo ba susuotin—?"

"Neo, makinig ka sa 'kin.. sabay tayong lalabas pero pumuwesto ka sa likuran ko.. kung puwede gumamit ka ng spell na pwedeng maka-reduce ng damage sa isang bagay.."

"Sinasabi mo bang mada-damage tayo??"

"Sinabi ko bang sa 'tin mo gagamitin?"

"E-Eh kanino??"

Sa pamamagitan palang ng tingin ay nakuha na ni Neo ang ibig sabihin ni Eugi. Nais ni Eugi na gumamit siya ng spell para ma-less ang damage na matatamo ng dragon. Ibig sabihin ay handa itong saktan ang dragon!

'Yung bote nga kayang pa-bulwakin ang buong katawan ng ogre dahil sa lakas ng impact nito!

"Uyy! H'wag mo ngang sasaktan 'yung dragon! Malalagot tayo sa head council!"

"Hindi ko siya sasaktan.. papatayin ko na siya, para hindi na siya masaktan.."

"HOOOY!"

"Biro 'yun.."

"Hindi magandang biro 'yan—" natigilan siya nang bigla nalang nagkaroon ng malakas na pagyanig ang buong lupa. Napahawak si Neo sa balikat ni Eugi dahil muntikan na siyang mawalan ng balanse. "Sabi sa 'yo lumabas na tayo dito!"

"Tara na.."

"Takbuhin nalang natin?"

"Kaya mo ba?"

"Oo, kaya naman.."

"Sumakay ka sa likod ko.."

"Ha?"

"Tatanong pa, bilian mo na.."

Lumuhod si Eugi para makasakay si Neo sa likuran nito. Dahil wala nang oras para mag isip-isip o mag tanong ay dali-dali nalang siyang sumakay dito. Lumalakas na ang pagyanig sa lupa at mukhang hindi niya kakayaning takbuhin ito lalo na't kagagaling palang sa treatment ang binti niya.

"Kumapit ka ng mabuti.. mamaya pag lingon ko wala ka na pala.."

"Lol hahaha, mararamdaman mo naman 'yun—woaaaaaah!" nagulat si Neo nang kumaripas bigla si Eugi nang takbo matapos niyang makasakay. Naging mahigpit ang pagkakakapit niya sa may leeg nito dahil sa puwersa nang hangin na tumatama sa mukha niya, pakiramdam niya ay napaka higpit ng pagkakahawak niya ay maaring nasasaktan na si Eugi, pero hindi siya nakarinig ng reklamo dito.

Habang tumatakbo ay nag huhulugan na ang mga bato sa paligid na walang kahirap hirap namang naiiwasan ni Eugi.

Madaming debris na nahuhulog sa kung saan-saang bahagi..

Nang malapit na sila sa pinaka dulo ng kuweba, ay siya namang eksaktong pag hulog nang napakaraming mga bato, gumulong ang ilang bato habang ang mga malalaking bato ay nagpatong-patong, dahilan para unti-unting maharangan ang ilaw na nagmumula sa labas.

Maya-maya pa ay tuluyan nang nasara ang labasan ng kuweba dahil sa pilya-pilyang bato na nakaharang..

Nanlaki ang mga mata ni Neo nang patuloy pa rin sa pag karipas si Eugi na parang walang sagabal na mga bato..

Pero,

Napapikit siya nang babangga na sila sa malalaking batong nakaharang..

*BOOOOOGSSSSH*

Parang bumagal ang mga sumunod na galaw sa paningin ni Neo, dahan-dahan rin niyang nasaksihan kung paanong ibigwas ni Eugi ang kaniyang kamao sa mga nakaharang na bato! Sa isang iglap, nawarak ang mga batong iyon sa daan nila at matagumpay silang nakalabas! Nakita niya rin kung paanong umuusok ang mga nagpira-pirasong bato dahil sa pagkakahati nito.

Maingat siyang ibinaba ni Eugi sa lupa.

Pero hindi pa tapos ang kanilang problema..

Ngayon ay kaharap na nila mismo ang dragon!

Napalingon si Neo sa direksiyon ni Eugi, nakatingin ito pabalik sa dragon, at ga'non 'din ang dragon sa kaniya! Para itong nagtititigan!

Nararamdaman niya ang tensyon sa pagitan ng dalawa..

"Eugi, tara naa!"

Huli na ang lahat. Nang muli siyang tumingin sa dragon ay magbubuga na ito ng apoy sa direksiyon nila! Wala na silang kawala kahit pa tumakbo sila, mahahagip sila ng apoy nito dahil mahaba ang sakop na metro ng apoy!

Wala na.. eto na ang katapusan niya..

"1.."

"2.." napalingon siya nang marinig ang pagbibilang ni Eugi. Anong ginagawa ni Eugi??

"3!"

Kasabay 'non ang eksaktong pag buga ng napaka lakas na nag aalab na apoy ng dragon. Pero, bago pa man 'yon makarating sa kanila ay

Hinampas ni Eugi ang cape na hawak niya, dahilan para mamatay ang ibinugang apoy ng dragon!

Walang pikit na nasaksihan ni Neo kung paano nawala ang apoy sa harapan nila dahil sa napakalakas na bugso ng hangin! Hangin na hindi niya maipaliwanag ang impact dahil sa pag hampas ng isang kapa! Paano nito nagawang mapatay ang ga'nong kalakas na apoy! 'Yun pala ang dahilan kaya 'yon hinihingi ni Eugi sa kaniya! Gusto niyang humanga sa nangyari, pero nangingibabaw ang takot sa isipan niya. Takot, hindi sa dragon, kun 'di sa babaeng katabi niya.

"SHOOT!"

Narinig nila ang malakas na boses sa kalayuan. Nakita nila ang isang grupo ng mga tao, na sa palagay niya ay rescue team. Bigla na lamang may tumamang palaso sa dragon. Hindi 'yon normal na palaso, isang tranquilizer arrow na nagpatumba ka-agad sa dragon. Bumagsak ito sa lupa at ka-agad silang napa-atras. Tumakbo naman ang grupo ng rescue team patungo sa kanila.

"Target down! I repeat, target down!"

Kung hindi pa sila darating, baka kanina pa patay ang dragon!

***
Vote. Comment. Follow.

Continue Reading

You'll Also Like

24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
15.5K 132 26
Erotic Gay Story not for everyone. Written by Sphyxxx
11.8K 1K 5
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy