BHO CAMP #8: The Cadence

By MsButterfly

1.4M 45.5K 4.9K

All my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet... More

Synopsis
Chapter 1: Beat
Chapter 2: Hand
Chapter 3: Crepuscular
Chapter 4: Mission
Chapter 5: Objective
Chapter 6: Time
Chapter 7: Sleep
Chapter 8: Song
Chapter 9: Orange
Chapter 10: Compromise
Chapter 11: Gravity
Chapter 12: Home
Chapter 13: Hawk
Chapter 14: Chance
Chapter 15: Promise
Chapter 16: Damage
Chapter 17: Shine
Chapter 18: Charm
Chapter 19: Cuff
Chapter 20: Breathe
Chapter 21: Princess
Chapter 22: Free
Chapter 23: Fairytale
Chapter 24: Always
Chapter 25: Lie
Chapter 26: Road
Chapter 27: Pretend
Chapter 29: Cadence
Chapter 30: Epilogue
Chapter 31: Start
Chapter 32: Catfight
Chapter 33: Mind Games
Chapter 34: Distance
Chapter 35: Orbit
Chapter 36: Tradition
Chapter 37: Rock star
Chapter 38: Team Night
Chapter 39: Music
Chapter 40: Always
Epilogue
Author's Note

Chapter 28: Beautiful Disaster

27.4K 867 73
By MsButterfly

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

HERA'S POV

Present Day...

Patuloy ako sa pagpaypay sa sarili ko habang nakapikit na nakahilata ako sa damuhan. Nakukubli naman ako mula sa araw dahil sa mga malalagong puno na nakaharang pero gano'n pa man ay pakiramdam ko hindi nakakatulong iyon para mapawi ang init na nararamdaman ko.

Dumilat ako at masamang tinignan ko ang kasama ko na prenteng nakaupo lang sa tabi ko. "Sa lahat ng araw ito pa talaga ang pinili mo."

Mabuti nga ay nakumbinsi niya ito na 'wag ng lumayo sa headquarters kaya ngayon ay nasa may mapunong bahagi sila ng pool area. Gusto pa kasi nitong pumunta sa likod na bahagi ng lugar noong una. Hindi ko kasi kayang matagalan ang init. Wala akong energy para maglakad pa papunta sa malayo. Wala pa akong tulog kasi kapapanganak lang ni Athena kagabi. Naawa naman ako kay Fiere na ilang araw pa ang bubunuin sa ospital kaya ako na muna ang nagbantay kay Athena kagabi habang siya ay tulog sa sofa ng hospital room ng babae.

The new dad is as much as tired as his wife. What with all the stress with Athena giving birth. However this is not the first time for me and of course Athena. Magkasama kaming dalawa noon nang manganak siya kay Ainsley kaya parehas na naming inaasahan na hindi magiging madali ang panganganak niya. Ang pagkakaiba lang ay kambal ang pinanganak niya sa pagkakataon na ito. Kulang pa ng buwan si Jinro at Midori kaya para makasigurado ay nasa NICU pa sila ng BHO CAMP Hospital. There's some problem with the maturation of the lungs so the doctors are keeping their eyes on the babies.

Wilhelm shrugged and continued eating. "Sabi ko naman kasi sa'yo kumain ka nito eh. Galing pa 'tong watermelon na 'to sa Craige's. Alam mo naman si Ocean may pagka..."

"OC?" pagpapatuloy ko sa gusto niyang sabihin.

"Yeah." he said with a chuckle. "Lahat daw ng pagkain na meron siya high quality. Though frankly I can't tell the difference."

I sighed in frustration before I pulled my body up. Hinila ko ang maliit na cooler na dala ni Wilhelm kung saan may inumin sa loob niyon at mga naka-pack na watermelon. Puno rin iyon ng yelo.

I grab a piece of watermelon and immediately bit down. I stopped myself from groaning in satisfaction when I saw Wilhelm waiting for it. "Okay lang." sabi ko at nagkibit-balikat.

"Liar."

Pinaikot ko ang mga mata ko at nagpatuloy sa pagkain, "Kailan pa kayo naging close ni Ocean? Mahilig mamigay iyon ng pagkain pero nakadepende iyon kung makakapagpasikat siya o babae ang bibigyan niya na gusto niyang mauto. And you said he gave this to you for free." Pinaningkitan ko siya ng mga mata bago nagdudududang tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, "Babae ka ba?"

Mabilis na umiwas ako nang batuhin niya ako nang buto ng watermelon. Nang akmang kukuha siya ng isa pa para ibato muli sa akin ay sinarado ko ang takip ng cooler at inangat ko iyon na para bang ihahagis sa kaniya.

"Ang brutal mo talaga." naiiling niyang sabi. "And for your information kaya lang mabait sa akin si Ocean ay dahil nililigawan niya ang bartender ko."

"Wow. Nagladlad na si Ocean- aray!"

Napasapo ako sa likod nang ulo ko nang maramdaman ko na may tumama roon. Masama ang tingin na nalingunan ko si Ocean na may hawak na mandarin at mukhang ibabato ulit sa akin kung hindi ko nga lang siya pinanglakihan ng mga mata at inambaan ng cooler.

"Na babae." natatawang paglilinaw ni Wilhelm.

Napataas ang kilay ko nang makita kong hindi lang si Ocean kundi pati ang iba pang agents ang nagsisimulang maglabasan mula sa headquarters. Kaniya-kaniya sila ng dala na mga container.

Nakangiting tumabi ng upo sa akin si Aiere habang di kalayuan sa amin ay natanaw namin si Triton na inilatag ang isang foldable chair na inupuan naman ng ngayon ay bahagyang may kalakihan na ang tiyan na si Dawn. From Wilhelm's side, my brother sat with his wife. Karga niya ang anak na si Jameson habang nagtatatakbo naman sa kung saan si Ale kasunod ang anak ni Freezale na si Irish. Freezale was probably still in the control room for the upgrade of the system kaya si King ang nandito na nakasunod sa mga bata habang karga ang bunsong anak na si Tia. Habang sa kabilang panig ng kinauupuan namin ay nakasalampak naman ang mag-asawang Sky at Adonis na kasama ang mga chikiting nila na si Russia at Nero.

I sighed when the door opened again and Snow went out with his husband Phoenix that of course is carrying his daughter Daiquiri.

Kaniya-kaniya sila ng puwesto habang si Ocean naman ay nagsimulang mamigay ng pagkain. Mukhang may nainggit sa pa-picnic ni Wilhelm.

"Goodness, what's with the baby overload?" Sinumpal ko ang piraso ng watermelon sa bibig ko at ngumuya ako. "Kapag magkakasama kayo ng ganito parang na-o-overwhelm ako sa dami ng mga minion niyo."

"Babies are a good kind of an overload." Aiere said with a smile.

"I'm good with an overloaded pizza." sabi ko at nagbaba ng tingin sa tiyan niya na maumbook. Wala ng nagtaka nang i-announce ni Aiere ang pagbubuntis niya. Suki na rin kasi siya ng Jollibee mula nang makapag-asawa siya. "How does it feel to carry a watermelon 24/7?"

"Terrible yet worth it."

"Nothing can be terrible than this."

Napatingin kami ni Aiere sa nagsalita na si Dawn na ngayon ay nakaturo sa sariling tiyan na kumpara kay Aiere ay di hamak na mas malaki. No wonder Dawn were always in a bad mood. Kung hindi naman ay lagi siyang emosyonal.

"Dawn, don't call our babies terrible." Triton pouted.

"They're not terrible but carrying these three at once is!" Dawn nearly shouted. "Tandaan mo ang usapan natin. Kapag lumabas ang tatlong 'to ikaw ang mag-aalaga sa kanila sa unang linggo dahil kasalanan mo 'to."

Lalong nanulis ang nguso ng asawa ng babae, "I know."

Pinanlakihan ko ng mga mata si Aiere na yumuko para itago ang tawa niya. Mahina akong nagsalita para masigurong hindi maririnig ng super hearing ni Dawn, "Akala mo naman wala siyang kinalaman kaya gumana ang genes na nagmula pa sa lolo niya. It's not like it's a secret that her grandfather Poseidon has three triplets sisters."

Malakas kasi talaga ang lahi ng kambal sa pamilya ni Dawn. I mean she has twins, triplets, and quadruplets cousins.  Idagdag pa ro'n na ang mismong lolo niya ay may tatlong kapatid na babaeng triplets. Sa pagkakatanda ko ay nakatira sila sa isang isla kung saan lagi rin nagbabakasyon ang Original Elites. I guess after the chaos they've been through they chose a much simplier life.

May mga usapan nga noon na nananatili silang walang asawa at naninirahan lang sa isla. As if they're maiden nymps that are just a figment of  imagination. But actually may mga anak sila at ilan sa mga iyon ay naging agent din noon.

"That's because the process of creating babies is fun." Aiere said with a twinkle in her eyes. I acted as if I'm gagging but she just giggled as a response.

"Uso ang condoms."

"Now where's the fun in that?"

Akmang magkokomento pa ako nang tila makaramdam ako ng pagkahilo. Nagsisimula ring tumibok ang sentido ng ulo ko na para bang magsisimula ang migraine ko. I was starting to think that it's because of the heat but to my surprise everyone's expression changed as if they are feeling the same thing.

Di kalayuan ay nakita ko kung paanong umuklo si King habang hawak niya ang napatigil na si Ale at si Irish habang sa isa niyang braso ay kipkip pa rin niya si Tia.

"It's an earthquake." I whispered.

Napuno ng ingay ang lugar nang isa-isang mag iyakan ang mga bata. Nanatiling walang kumikilos sa amin habang nakikiramdam. Panicking will just cause more harm. And the ground is shaking too much for us to run to a open space. There's really no exact safe place for an earthquake anyway. If you're inside, stay inside. If you're outside then stay outside. Just make sure that nothing will fall to you and squash you to death.

I think it was almost a minute before the shaking stopped. Kaagad na tumayo ako at inalalayan ko si Aiere. "That doesn't feel normal."

"It doesn't." I heard Dawn said. "Tri, can you go to my mom's? Make sure that Vodka's safe?"

"Angel..."

"Please?"

Sandaling nagkatinginan kami ni Aiere sa naririnig na takot sa boses ni Dawn. Nakita kong tumango ang asawa niya na kinintalan siya ng halik sa noo dahilan para sumilay ang maliit na ngiti sa mga labi ng babae. At times like this, I understand Triton's endearment to Dawn. Mukha naman siya talagang anghel. I guess pregnancy is mellowing her a bit.

"Okay, party's over." Ocean muttered with a pout.

"Sa dining area niyo na lang ituloy." sabi ko.

"Anong klaseng picnic 'yon?"

"Iyong klase ng picnic na sa dining area gagawin." I deadpanned.

Narinig kong mahina na napatawa si Wilhelm na nasa tabi ko at mahina ko lang siyang siniko na ikinasinghap niya. Nagsimula ng magsipasukan sa loob ang mga agent habang si Wilhelm naman ay nakita kong umakbay kay Ocean na naghihimutok pa rin. Magkasabay silang pumasok sa loob ng headquarters.

"So..."

Nilingon ko ang nagsalita at pinaikot ko ang mga mata ko nang makita ko ang kapatid ko na nagpaiwan. Nauna ng pumasok sa loob ang asawa niya na siya na ngayong may hawak sa bunso nilang anak na sa kabila ng lahat ay nananatili pa ring tulog.

"So?" I asked.

"You're close with him?"

Hindi ko na kailangan itanong sa kaniya kung sino ang tinutukoy niya. "We're just friends."

Sandaling hindi siya umimik at nakatingin lang sa akin. Bumuntong-hininga ako. "It's not possible for me to offer him more than that, Kuya, and you know why."

"It's not impossible."

"It is for me."

Sa pagkakataon na ito ay siya naman ang napabuntong-hininga. Umakbay siya sa akin at magkasabay na naglakad kami papasok ng HQ. "I'm worried about you."

I looked up at him and gave him a small smile, "I know."

He didn't say anything back because to be frank there's nothing left to be said. Wala naman akong magagawa kung isang tao lang ang gusto kong mahalin. Kahit pa sa hinaharap na alam naming lahat na sasalubong sa akin.

Alam kong naiintindihan niya. Dahil isang beses sa buhay niya ay naranasan niya kung paanong mawala sa kaniya ang babaeng minamahal niya. He didn't try to move on from her and instead he accepted that he would love her forever.

That kind of love...it doesn't come twice in the same lifetime. Ang magagawa mo na lang ay mabuhay dala ang pagmamahal na iyon. Mabuhay para sa inyong dalawa hanggang sa dumating ang oras na makakasama mo na siya ulit.

"I'm going to be fine." I said to him and lightly tap his chest. "Nandito naman kayo eh. Hindi ako maiiwang mag-isa."

The worry didn't left his eyes because we know the lie inside my words. He knew because he went through it too. Kung paanong sa kabila ng mga taong nasa paligid niya ay hindi pa rin no'n mapupunan ang kahungkagan na maiiwan sa akin.

"Go to your wife. Baka nakakalbo na iyon sa kunsumisyon sa mga anak niyo."

Nanatiling nakatingin lang siya sa akin saglit bago niya hinayaan na ibahin ko ang usapan. "My babies are angels."

"Of course they are. Only they got your wife's genes more than they got yours."

Naiiling na hinila niya ako palapit sa kaniya at hinalikan sa noo. Nginitian ko lang siya at napapabuintong-hininga na naglakad na siya patungo sa dining area kung saan malamang ay nandoon ang asawa niya. Ang dami ba namang pagkain na dala ni Ocean.

Umiba ako ng daan at akmang aakyat sana ako sa hagdanan nang may marinig ako. Napahinto ako at sinundan ko ang tunog. Sa pagtataka ko ay nanggagaling iyon sa ilalim ng hagdanan kung saan may maliit na storage closet.

Malinaw ang naririnig ko. Tila may umiiyak na kung sino. Lord, malayo pa po ang Halloween. 'Wag niyo po akong gugulatin ngayon. Dahan-dahan na lumapit ako sa closet at inabot ko ang pintuan no'n. It's a perfect scene for a horror movie.

Huminga ako ng malalim at marahan kong hinila ang pintuan pabukas. Halos mapatalon ako nang may lumabas na kamay doon na para bang pinipigilan ang pintuan na tuluyang bumukas.

"What the fuck?" I hissed under my breath.

"Close the door."

"What the hell are you doing there, Dawn?"

Binigyan niya ako ng masamang tingin na kung normal lang ito na pagkakataon ay baka nagpatiklop sa akin, "Are you blind?! I'm crying!"

"Inside a closet?"

"Pwede akong umiyak kahit saan ko gusto!" sigaw niya.

Wala lang naman sa akin iyon dahil naiintindihan ko naman ang kalagayan niya pero mukhang hindi gano'n ang dating no'n sa babae. Lalong nalukot ang mukha niya habang lalong bumilis ang pag-agos ng luha mula sa mga mata niya. "I'm sorry!"

Mabilis na sumuot ako sa ilalim ng hagdanan at umuklo ako sa kinaroroonan niya. Marahang tinapik ko ang likod niya nang sumubsob siya sa mga kamay niya para pumalahaw ng iyak.

"What's wrong, Dawn?"

"T-The babies."

Tinignan ko ang malaki niyang tiyan. "What's wrong with the babies?"

"T-They...they wanted me to choose two. They said...they said that it would be hard for me and the babies if I carry them all. They want me to choose one to...to...to let g-go."

Bumuka ang bibig ko para magsalita pero walang salitang lumabas mula roon. This must be so hard for her. I know she and her husband want to keep all of the babies. Ni hindi nga nila akalain na masusundan si Vodka. Hindi rin kasi naging madali ang pagbubuntis niya sa unang anak.

"I-I didn't. I couldn't. I told them I'm keeping them all." she whispered, pain coloring her voice. "They're my babies. I can't...I can't just choose."

"There's nothing wrong with that."

"But..but what if I'm wrong? What if I'm putting my babies in danger because I'm being selfish?" Pinahid niya ang luha na namamalibay sa pisngi niya pero wala ring saysay iyon dahil sunod-sunod pa rin ang pagpatak ng luha mula sa mga mata niya. "What if I'm wrong, Hera? What if I can't save them all because I chose wrong?"

Binigyan ko siya ng maliit na ngiti at ginagap ko ang isa niyang kamay, "You're their mother you know what's best for them. Binibigyan mo silang lahat ng tiyansa. And you're a fighter. Your babies are too."

"But why am I this scared?"

"Kasi mahal mo sila. Kasi ayaw mong may mawala sa kanila. It's normal to be scared, Dawn. That just mean you have something great that you are afraid of losing." Binitawan ko ang kamay niya para magawa kong ilapat ang kamay ko sa tiyan niya. "They will be fine. Their Uncle Thunder will pull some strings on the other side to call more angels to protect your babies."

Umangat ang kamay ni Dawn para ipatong iyon sa akin na nakahawak sa kaniya. "Hera..."

I smiled at her, trying to mean it despite the pain that is coursing through me. "It's going to be okay."




NAPATIGIL ako sa tapat ng hospital room ni Thunder nang marinig ko ang malalakas na boses na nagmumula sa loob. Bahagya kong binuksan ang pintuan para malinaw kong marinig ang mga nangyayari.

"Please. Just go."

Umalis ako sa tapat ng pinto nang marinig ko ang mga yabag na palapit doon. Ilang sandali lang ay iniluwa ng pintuan si Ridley. Nakita kong napabuntong-hininga siya nang makita niya ako bago maingat niyang sinarado ang pintuan.

"What are you doing here?"

"Hera-"

"Bakit sila galit sa'yo?"

Nagkibit-balikat siya, "The same reason that you're angry at me."

I know it's unfair. Alam ko naman iyon pero hindi ko magawang pigilan ang sarili ko. Because part of me wants someone to blame. "They won't be that angry at you just because you failed creating a cure for Thunder. Alam nilang hindi madali iyon at tanggap nila ang posibilidad na baka hindi magtagumpay iyon. That happened months ago. I saw you with them before and I never heard them talked to you like that."

Nag-iwas siya ng tingin sa akin dahilan para makumpirma ang hinala ko. This is not the first time that Ridley went here. Iniiwasan niya nga lang na magkaabot kami dahil alam niyang iyon ang gusto ko.

"You wouldn't..." I whispered as anger started to build inside me.

"I know I could still do something."

Napakuyom ako ng mga kamay sa sinabi niya, "Hindi mo ba talaga naiintindihan? Hindi mo ba nakikita kung bakit mali?"

"I could save him."

"You're secretly giving him medication. Medication that already failed."

"It might save him."

"You already failed!" Ilang mga tao ang napatingin sa amin nang umalingawngaw sa paligid ang boses ko. Lalong dumiim ang mga kamay ko sa pagkakakuyom habang pilit na kinakalma ko ang nagririgodon na emosyon sa kalooban ko. "I hope it's as easy as just trying. Just taking a chance, another chance, that maybe it will help him this time."

"It might-"

"Pero hindi mo ba nakikita kung bakit nahihirapan ang mga tao sa paligid niya? Hindi mo ba naiintindihan kung saan nagmumula ang galit sa mga magulang niya?"

"Hera-"

"It's been months after the medication failed. Months that his family are trying to accept that they will lose him. And you by trying to inject some hope, you're putting them on the same place that they started. Aasa na naman sila tapos haharapin na naman nila ang katotohanan na wala na talaga. Can you understand that? Why it's so hard for them to accept your help?"

"I know." he said in a quiet voice. "I know. But I can't stop."

"Sometimes we just need to learn when to." I whispered back. I took a huge breath and let go of my hands that are still balled into fist. "I'm sorry. I'm sorry for blaming you. I'm sorry that I took it out on you. It's not your fault but I'm sorry that I can't believe you again."

"I know." he repeated.

"I won't ask anything. Hindi ko tatanungin kung may naging pagbabago ba kasi sa tingin ko alam naman nating pareho ang sagot. I just hope what you are doing ease the guilt that you still have. Pero nakikiusap ako, 'wag mo ng ipaalam sa kanila. 'Wag mo na silang paasahin. Just let them...let them grieve."

Sandaling nakatingin lang kami sa isa't isa. Parehas na iniintindi ang panig na kinaroroonan namin. There's no harm in trying but this time, failing can be detrimental. We both know that. We all know that.

Tahimik na tinalikuran ko na siya at pumasok na ako sa loob ng kuwarto. Naabutan ko roon ang mga magulang ni Thunder na nakaupo sa sofa. I can't help but stare as I look at the older man that looks so much like his son. He's holding his wife's hand as if not just to give her strength but also to borrow some from her.

Alam ko ang kwentong pag-ibig nila. I used to listen to my mother as she tell me the different love stories of the people I know. Isa sa kanila ang paborito ko. Kasi kinaya nila ang napakaraming pagsubok. Kinaya nila kasi alam nilang hindi sila bibitaw hanggang sa dulo.

"They could never give up. Not when their love is the only home that they would have for eternity." Those were my mother's words. Kasi sabi niya ang tahanan daw ay hindi lang basta lugar. It's the heart that is beating to love. No place would ever feel like home without the person that you love.

"Hera."

Napakurap ako nang marinig ko ang pagtawag sa akin ng nanay ni Thunder na si Tita Wynter. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti at lumapit ako sa kanila. Kaagad niya akong hinalikan sa pisngi at sa pagkagulat ko ay lumapit din ang asawa niya sa akin para halikan ang tuktok ng ulo ko. Isang bagay na nakita kong ginagawa niya sa mga anak niya na babae.

"Matagal din tayong hindi nagkita." sabi ni Tita Wynter.

Nilingon ko ang kinaroroonan ni Thunder. He's sleeping so peacefully. "Medyo naging busy lang din ho sa pagtulong kaila Freezale sa pag upgrade ng system. Saka nanganak na rin po si Athena kasi." paliwanag ko sa kanila at muli kong ibinalik ang tingin sa kanila. "I usually visit here at night."

"Sinabi nga rin sa akin ni Snow." Ngumiti ang ginang at sandaling tinapunan ng tingin ang asawa bago muling bumaling sa akin. "Pwede bang iwan ka muna namin saglit? Pagkakakapehin ko muna itong asawa ko na kulang ang caffeine ngayong araw kaya mainit ang ulo. We also need to talk to the doctors anyway."

Tinanguhan ko sila at masuyong tinapik niya ako sa pisngi bago naglakad na papunta sa pintuan. Nang makalabas na sila ay naiwan ako sa katahimikan kung saan ang tanging tunog ay nagmumula sa mga makinaryang nakakabit kay Thunder.

Lumapit ako sa kama ng binata at marahang pinagapang ko ang kamay ko sa malambot na kumot. Inayos ko iyon at bahagyang itinaas bago ako nagpasiya na umupo sa upuan na nakapuwesto sa tabi ng kama.

Kaagad kong hinanap ang isang kamay ni Thunder at iniangat ko iyon para dampian ng halik ang likod ng palad niya. "Hey, baby." I said in the silence and smiled a little. "Namiss kita. Kaya kahit sabi ko iiwasan ko na ang laging pagpunta rito hindi ko pa rin gumagawa. Pumupuslit pa rin ako kapag wala ng masyadong nakakita."

Kadalasan si Snow o si Phoenix ang nakakahuli sa akin dahil sila ang nagbabantay sa gabi. Hindi naman sila nagtatanong pa lalo na at minsan ay sinasabi ko na hindi ako pupunta. I guess they know that I really can't help myself to be away from Thunder for too long.

"Athena gave birth, you know? They're so cute and tiny. Super mga iyakin nga lang parang nanay nila. Parang ninang din nila." Mahina akong napatawa sa sinabi ko. "Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit malapit ko ng agawan si Athena sa pagiging iyakin."

"But you know I guess that's just how the way things work. Kasi nagmamahal ako. Just like how the bratty Sky became selfless when she fell in love, how the cold hearted Freezale gave in to her emotions when she found King almost to the point that she dropped to her knees to fight for him, when Dawn admitted to herself that she's not as tough as she thought she was and let Triton be her rock, when Storm finally let someone make her happy instead of her giving all the happiness to other people, when Snow matured into the woman she is now, when Athena submit despite how hard headed she was when her secret has been revealed and she don't know if she deserve to be loved, and when Aiere stopped running away." Bahagya kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay ni Thunder. "Good or bad, we all changed. We changed for the things that mattered. We hurt for the person that we love. And we all fight our battles in our own ways."

Isinandal ko ang pisngi ko sa kamay ni Thunder habang nananatili akong nakatingin sa kaniya. "I fight my battles this way. By letting myself feel what I want to feel. For letting myself to grieve, to cry, and to be strong for you at the same time."

I remembered that time we went out and saw a crepuscular ray. I can remember it like it was just yesterday.

"The sky and the earth would meet. It might look far but they will still meet. And when the clouds will open to let the light pass though, that would be you greeting me." Marahang binitawan ko ang kamay niya at inabot ko ang kwintas na suot ko. Hinubad ko iyon at kinuha ko ang dalawang sing-sing na nagsilbing palawit no'n.

May maliit na ngiti sa labi na isinuot ko ang isa sa akin habang maingat na isinuot ko ang isa pa sa palasing-singan niya. "You are the love that would forever be my home for the rest of my eternity, Thunder Night. And in the of God, I vow to take you as my husband, to have and to hold, from this day forward, for better and for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, for as long as it will take until we meet again."

There can be no one else for me. And that's okay. I already had my greatest love. Sapat na iyon para sa akin.

I looked at our hands intertwined, with the rings on our fingers as the symbol of a promise. I may not hear his words but I know. I understand his own heart completely.

Napaangat ako ng tingin nang maramdaman ko ang pamilyar na sensasyon na siyang nangyari rin kaninang umaga. Bumukas ang pintuan at nakita kong nag-aalalang humangos papasok doon ang mag-asawang Rain at Wynter. Inalalayan ni Tito Rain ang asawa habang patuloy pa rin sa pag-uga ang paligid namin.

"It's another earthquake." she said to me.

Hindi ko nagawang sumagot sa sinabi niya nang may kung anong nag flash sa suot ko na contact lenses. It's an emergency message from the control room.

"State of emergency. Government-Organization Alliance is invoked."

Ilang impormasyon pa ang nag flash sa harapan ko at mabilis na binasa ko ang mga iyon. Tinitipon na kami pabalik sa headquarters.

"What is it?"

Napakurap ako at ang nag-aalalang mukha ni Tita Wynter ang bumungad sa akin. Naguguluhang tinanaw ko ang labas ng bintana at nanglaki ang mga mata ko sa nakita.

"Hera?"

"Government-Organization Alliance. The government is asking for help."

Lumapit si Tito Rain sa amin at seryosong sinalubong ang tingin ko. BHO CAMP is not a legal organization. It's a secret society. Despite that the government is aware of our existence. Though what we do is not something that the government approve of, they also know that we need to exist. We are the gray between black and white.

We usually stay out of each others business. Paminsan-minsan ay tumutulong kami sa kanila kapalit ng pabor. But it's always a hidden mission. We cannot show out ties with the government.

Not until the Government-Organization Alliance is called out. That means that they are asking us to be visible and help not just on behalf of them...but with them.

"For what?" tanong niya.

"A state of emergency." I look outside again to look at the beautiful disaster starting to form outside. "The volcano just erupted."

_____________________End of Chapter 28. 

Continue Reading

You'll Also Like

198K 5.5K 72
QUADRO SERIES #1 "I do beg if you deserve it." ~ Yitro Zyair Cavendish (COMPLETED) Written by: dikaPinili_
4.1M 114K 85
ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA BOSS (Unedited) I'm ordinary girl with a simple life but it all change when i realized that I'm Married to the Mafia B...
2.4M 74K 45
Levi is a notorious playboy; women around him would beg for his attention, that's until he finds himself kissing a woman who happens to be a nun. For...
23.6M 784K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.