Not Enough (Completed)

By alltimegene

550K 5.8K 382

Mag-asawa si Matrix Eigenman at si Marc Michelson, they were 20 then, and inlove. But Matrix caught Marc chea... More

Not Enough
1st Trial
2nd Trial
3rd Trial
4th Trial
5th Trial
6th Trial
A/N
7th Trial
8th Trial
10th Trial
11th Trial
12th Trial
13th Trial
14th Trial (Edited)
15th Trial
16th Trial
17th Trial
18th Trial
19th Trial
20th Trial
21st Trial
22nd Trial
23rd Trial
24th trial
25th Trial
26th Trial
27th Trial
28th Trial
29th Trial
Final Trial

9th Trial

18.2K 202 14
By alltimegene

*Lianna's POV*

"Bakit mo ako iniwan?" Bungad ko sa kanya.

Tinignan niya lang ako tapos ibinalik ulit ang tingin sa mga meat.

"Marc kinakausap kaya kita!" No reply. Bakit ba hindi siya nagsasalita? Ako dapat ang nagagalit kasi nang-iiwan siya eh.

"Marc Joseph Michelson ano na??!!!" Sinigawan ko na talaga sia kaya napatingin sa amin ung ibang mga bumibili.

Ngumiti lang siya."Wala lang naman, Leigh. Nagpapamiss lang ako." At kinindatan niya ako.

Talaga bang makapal ang mukha nito? Kung makiflirt akala mo walang Rica Palaruan eh.

Pinagmasdan ko na lang siya habang nagtutulak ng cart. Come to think of it, nakapag-move on na kaya siya? Paano niya nagagawang maging civil sa akin at ganito kanormal?

Ung tipong komportable na agad siyang kasama ako. Agad-agad pumapasok sa bahay ko. At bakit kaya niya alam kung saan ako nakatira?

Tapos ngayon ganyan siya kung umasta? Naisip ko, Wala na ba ung nararamdaman niya para sakin kaya niya kayang maging civil? Gusto niya na kaya ng maayos na closure between us para maging legal na legal n sila ni Rica?

Kumusta na kaya sila ni Rica? Hindi ko pa siya nakikita. Siguro mas gumanda pa siya kesa last 3 years.

Kaya ko na ba? Kaya ko na siyang bitiwan ?

Ilang beses ko na ring sinabing kaya ko na talaga.

Pero bakit parang nasasaktan ako? Nasasaktan kasi pakiramdam ko ang dali niya akong bitawan? Minsan naiisip ko, am I not worth it?

May insecurities din naman ako. Hindi ako manhid. At niloloko ko ang sarili ko kapag sinabi kong ayos lang.

Paano ako magiging okay kung ang taong nasa harapan ko ngayon ang dahilan ng pagsara ng puso ko sa ibang lalaki?

Sinasabi ko kanina marami pang iba diyan, pero hindi ko naman sinabing kaya ko na ulit magmahal. Kasi kung minahal mo talaga ang isang tao, maraming taon man ang lumipas, hindi mo pa rin sia malilimutan.

Kaya nasasaktan ako kay Marc. Last three years was a revelation. Hindi nga siguro ako mahal at hindi rin ako minahal ni Marc kasi nagtwo time siya eh. At mas matagal a na panahon na nakasama niya si Rica kesa sa akin.

Damn you, Marc Joseph Michelson! Pinatawad na kita pero nasasaktan pa rin ako ng patago! Sigaw ko sa isip ko.

Madali magpatawad pero mahirap maghilom ang sugat.

"Halika nga rito. Ang bagal mo kasi maglakad kaya ka nawawala eh." Kunot-noo niyang sabi bago ako hawakan sa kamay.

Ngayon nga sabihin niyo, paanong hindi ako masasaktan kung ako nga ang hawak niya ngayon, hindi naman sa akin ang puso niya?

With this simple gesture narealize kong...

Mahal ko pa siya 3

Tumingala ako para pigilan ang mga nahbabadyang pumatak na luha.

Ang sakit. Ang sakit-sakit na. Marc bakit ka ganyan? Sinasaktan mo ako.

Naalala ko ang mga sakit na pinagdaanan ko noong nasa Korea ako. Peeo hindi ko muna iisipin un ngayon, kasi baka hindi ako makapagpigil at umiyak pa ako sa harapan niya. Hindi ko pwedeng hawin un kasi kawawa naman ung mababa kong pride kung ibababa ko pa.

Kaya nang lingunin niya ako at ngitian hinalikan ko siya sa pisngi at ngumiti.

*Marc's POV*

Something's wrong with her. Sobrang walang....substance nung ngiti niya.

At hindi siya ung tipo na basta-basta na lang manghahalik.

Alam kong may mali. At malalaman ko rin kung ano un, soon.

Pumila na kami at ako na sana ang magbabayad ang kaso nagpumilit siyang wag na raw kaya wala na akong magagawa. Pagkatapos niyang magbayad sa cashier ay pumunta kami sa Tom's World.

Tsssk. Tambayan niya talaga ang lugar na ito. Eh doon lang naman sya sa toy crane lagi. Ako naiiwan lang sa may bench.

Pero iba ngayon kasi umupo muna kami sa may benches. Ewan ko ba sa kanya, wala ata siya sa mood ngayon.

Nagulat ako nang bigla niya akong sundutin. "Penge pera, pamalit ng token." Sabi niya.

Ano ba naman yan. Sa akin pa talaga hihingi ng pera. Pero oo na lang. Mahal ko eh. Pero lolokohin ko muna.

"Oh ayan Five pesos." At iniabot ko sa kanya ung kaisaisang barya na nasa wallet ko.

Natawa ako nang makita kong nalukot ung mukha niya at binigyan ako ng death glare.

"Kulang." Inis niyang sabi pero kalmado pa rin.

Hindi ko na siya iinisin kaya binigyan ko siya ng 1,000 at tuwang-tuwa niya iyong kinuha. Gusto kong isiping pineperahan niya ako peri paano ko naman un magagawa eh parang mas mayaman na siya sa akin =_= May kompanya na nga may hospital pa. Samantalang ako kompanya lang ang meron.

Natanaw ko pa siyang nagpapapalit bago siya pumunta sa mga helera ng toy crane. Hindi ko na siya pinanood kasi alam ko namang kung uubusin niya ung 1,005 makakakuha siya ng 201 na stuff toys.

Minsan iniisip ko kung saan ba siya natuto ng ganun. Kasi gusto ko rin siyang matuto ng hilig ko eh, basketball. Basketball ang kinaadikan ko noong college pa ako sa Stop Academy.

Lianna Matrix Eigenman is the woman that I've fallen in love with the day she set foot in our school.

*flashback*

"Pare una na kayo sa court." Sabi ko kay Henry at Gerome.

"Sige. Sunod ka agad. Mainit ulo ni coach eh." Sabi ni Gerome bago sila umalis.

Fourth year na ako noon at graduating na. Pagkatapos nun ako na ang hahawak sa kompanya ni papa.

Kilala ako sa school bilang cradle snatcher kasi pati may-ari ng school namin na high school student ay pinatos ko.

Ganyan ako kagago noong fourth year kami.

Nagbago lang un nang makita ko ang isang babae na papasok sa gate school.

Eye catcher siya na pati ako, si Marc Joseph Eigenman, ay tumiklop.

At alam ko na simula nang araw na iyon ay may papalit na sa babaeng matagal kong inalagaan sa puso ko.

Pero dahil sa hindi pa ako handa noon ay nagpakababaero pa rin ako hanggang sa maggraduate na kami ay hindi pa rin ako nagparamdam sa kanya.

Nathreaten ako nang balak siyang ligawan ng pinsan ko. Sa dinami-rami ng taong magugustuhan ng pinsan ko, bakit si Lianna pa?!

Kahit na bestfriend ang tingin ko sa pinsan kong si Karl noon, hindi ko hinayaan na mapunta sa kanya ang babaeng mahal ko kaya gumawa ako agad ng paraan para mahulog si Lianna sa akin hanggang sa un nga, nagpakasal kami.

Alam ko nasaktan ko noon si Karl at ako rin ang dahilan kung bakit siya nagpunta ng USA pero tang*na akin lang si Leigh.

Bilang mga batang mag-asawa, mahirap hawakan ang isang batang relasyon. Maraming hindi maintindihan. Maraming mali at tama, maraming bakit at paano, maraming lungkot at sakit. At kapag nawalan ng tiwala ang isa, masisira nito ang pagsasama ng dalawa.

Hindi ko alam kung bakit at paano ako natukso kay Rica at kung paano ko nasabing mahal ko pa siya. Siya na pinalitan ni Lianna sa puso ko. Siya na umalis pero bumalik din. Siya na naging dahilan ng paghihiwalay namin ni Lianna.

Si Lianna...na walang pumalit dito sa puso ko.

*end of flashback*

*Lianna's POV*

Ang engot talaga ni Marc at binigyan ako ng 1,000. Akala ba niya mauubos ko ito? Bahala na nga.

Nagpapalit ako ng fifty na tokens at naglaro lang sa toy crane. Pero naaalala ko si Tolits at hindi naman ako pinapanood ni Marc kaya after ng limang kuha pinuntahan ko na si Marc.

Mukhang malalim ang iniisip niya kaya hindi niya napansing lumapit ako sa kanya.

Naupo na ako sa tabi niya at lahat pero wala pa rin.

"Leigh...." Narinig kong bulong niya.

Bakit Marc? Bakit malungkot ka kung kailan dapat masaya ka kasi kayo ni Rica?

"Bakit?" Tanong ko.

Naguguluhan siyang tumingin sa akin at kumunot ang noo."Hah?"

"Tinawag mo kaya ako." Sabi ko.

"Hindi kaya." maang niya.

"ookaya" pilit ko.

"Hindi."

"Bahala ka na nga. Uwi na tayo." Yaya ko sa kanya.

Habang nasa daan kami ay ang tahi-tahimik niya. Hindi man lang nagsasalita kaya tumahimik na rin ako. Mukha kasing malalim ung iniisip niya.

Hanggang sa makararing kami sa bahay ko ay hindi pa rin siya nagsasalita pero tinulungan niya akong magbuhat at magayos ng mga pinamili namin.

Pagkatapos nun ay nagpasalamat na ako sa kanya at walang kibo naman siyang umalis. He waved a hand on me before he left.

Somehow I felt emptiness.

*Marc's POV*

Pagkarating ko sa bahay nandoon si Karl.

Nang makita niya ako at tumayo siya at ngumiti.

Lumapit siya at sinabi "Akin siya." Naguluhan ako. Sino ang tinutukoy niya?

"Akin si Lianna." Nag-init ang ulo ko pagkarinig sa pangalan ni Leigh. Pero nanatili akong kalmado.

"Kung makukuha mo siya." Hamon ko.

"Alam nating pareho na may alas ako Marc. Simula pa lang ako na talaga ang una. Inahas mo lang siya." Namumula na siya sa galit na tulad ko pero tulad ko rin, kalmado lang siya. Katangian ng mga lalaking Michelson. No wonder magpinsan kami.

"May the best man win na lang Karl." Sabi ko.

Sa halip na sumagot ay nilampasan niya lang ako at binalya ang sarili niya sa katawan ko.

Napalunok ako ng ilang beses. Hindi naman siguro ako matatalo kay Leigh, 'diba?

*Karl's POV*

Sa init ng ulo ko ay dumeretso ako sa SM at pumunta ng Tom's World.

*flashback*

"Tolits dali turuan mo ako nito!" Sigaw ni Maemae. Tumakbo ako palapit sa kanya sa may toycrane.

"Madali lang naman yan eh!" Pagyayabang ko sa kanya.

"Kaya nga tuturuan mo ako eh!" Sigaw niya at hinarap ung isang toy crane.

Tinawanan ko siya ng tinawanan kasi ilang beses na niyang sinubukan pero wala pa rin.

Napansin kong paiyak na sia. Naawa ako at sumubok at ako kasi ang naglaro kaya nakakuha ako agad.

Ibinigay ko sa kanya ung nakuha ko at pinatigil siya.

"O wag ka nang umiyak. Ito na oh." Pang-aalo ko sa kanya pero umiiyak pa rin siya.

"Ayaw ko nyan. Gusto ko ako ung kukuha." Iyak niya pa rin.

Wala akong choice kundi sabihin sa kanya ang sekreto. Pagkatapos nun ay hindi na niya tinigilan ang paglalaro. Natutuwa ako kapag nakikita siyang nakangiti at sasabihin sa'kin.

"Tolits look! Nakakuha na naman ako!"

Napakamasayahing bata. Mula noon sabay na kaming maglaro sa crane. Paramihan kami ng makukuha.

Isang araw bigla na lang niya ako niyaya sa Tom's World pero hindi naman kami naglaro.

"Tolits aalis na kami. Pupunta na kami sa Manila."

Bilang isang batang lalaki, umiyak ako. Siyempre mawawalan na ako ng kalaro.

"Hanggang kailan kayo dun?" Tanong ko habang pinupunasan niya ang mga luha ko.

"Hindi ko alam Tolits, hindi ko alam." Malungkot niyang sabi."Wag ka na umiyak please." Dugtong pa niya.

"Paanong hindi? Malalayo sa akin ang babaeng mahal ko?" tampo ko.

"Tolits-kun atashi mo. Aishiteru yo." Sabi niya.

Medyo gumaan nman ung loob ko sa sinabi niya kaya tumigil rin ako sa pagiyak. Pero nalulungkot ako.

Sa batang edad na 'to at sampung taong gulang ay alam na namin ang salitang 'Mahal Kita' pero hindi ang kahulugan.

Pero pangako ko sa sarili ko na ang babaeng nasa harapan ko ngayon na nginingitian ako at pinupunasan ang luha ko ang babaeng gusto kong makasama habang buhay.

*end of flashback*

Nakaharap ako sa toy crane pero nakatingin sa kawalan.

"I'll have you back, Maemae. I'll have you back." Determinado kong sabi.

*************************

Aaaaaaaaaawwwwww. Childhood sweethearts.

Continue Reading

You'll Also Like

803K 41.2K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
778K 37.9K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
619K 22.4K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
211K 3.9K 21
Dice and Madisson